17
Aubrey Joyce B. Coronico IV - Love Filipino 4 Modyul Pagsunod sa Panuto

Pagsunod sa panuto

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

  • 1. Aubrey Joyce B. Coronico IV - Love Filipino 4 Modyul Pagsunod sa Panuto
  • 2. Tungkol saan ang modyul na ito? Sa modyul na ito, matutuhan mo ang tungkol sa pagsunod sa panuto. Naghanda ako ng mga aralin at gawain na makatutulong sa iyo upang lalo mong maintindihan ang paksa. Mayroon din itong mga pagsasanay upang lalo kang humusay sa pagbuo at paggamit nito. Ano ang matututunan mo? Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan: 1.Magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa panuto o pagsunod sa napakinggang panuto. 2.Makabuo ng mga panuto o pangungusap na nagsasaad ng gawaing dapat sundin ng taong kausap.
  • 3. Panuto Ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain. Maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto. Makatutulong sa maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na panuto. Ginagamit din ang mga salita tulad ng: sa kanan, sa kaliwa, sa itaas, o sa ibaba sa pagbibigay ng panuto. Halimbawa Ilagay ang kanang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib habang inaawit ang Lupang Hinirang.
  • 4. Pagsunod sa Panuto Sa pag-uutos, kasabay na sinasabi ang panuto kung paano gagawin ang utos. Sinusunod natin ang mga napapakinggang panuto upang magawa ang mga gawain nang wasto at maayos. Aralin 1 Makikinig ng awit ang klase ni Bb. Villasan. Mga bata, makikinig tayo ng isang awit. Bago natin ito pakinggan, kumuha kayo ng isang malinis na papel.
  • 5. Isulat ang inyong pangalan sa unang guhit sa dakong kaliwa ng inyong papel. Isulat ang petsa ngayon sa kanang bahagi nito. Itaas ang inyong papel upang malaman ko kung nakasunod kayong lahat sa aking sinabi.
  • 6. Ngayon ay makinig kayong mabuti sa awit na aking patutugtugin. Matapos ninyong marinig ang awit ay iguhit ninyo ang larawan tungkol dito Itaas ang inyong iginuhit. Ngayon, mga bata, isa-isa kayong pumunta sa harapan at ipakita ang inyong iginuhit.
  • 7. Alamin May mga ipinagawa si Bb. Villasan sa kanyang mga mag-aaral. Basahin ang ilan sa mga ito. 1.Kumuha kayo ng isang malinis na papel. 2.Isulat ang inyong pangalan sa unang guhit sa dakong kaliwa ng inyong papel. 3.Isulat ang petsa ngayon sa kanang bahagi nito. Ang iyong mga binasa ay mga panuto. Aralin 2 Nenet, tulung an mo ang iyong Ate Lilia sa paglilinis ng bahay. Walisan mo muna ang sahig. Pagkatapos, l ampasuhan mo ito.
  • 8. Manny, lag yan mo muna ng abono ang hukay bago mo itanim ang punla ng papaya. Saka mo diligan. Mga bata, kumuha ng lapis at papel. Idrowing sa papel ang inyong paaralan at kulayan ito.
  • 9. Pag-usapan Natin 1.Kailan ginagamit ang panuto? Sagot Tuwing nagbibigay ng kautusan. 2. Bakit kailangang sundin ang ibinibigay na panuto? Sagot Makatutulong sa maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na panuto. 3. Ulitin ang panutong ibinigay ng nanay kay Nenet. Sagot Nenet, tulungan mo ang iyong Ate Lilia sa paglilinis ng bahay. Walisan mo muna ang sahig. Pagkatapos, lampasuhan mo ito.
  • 10. 4. Ibigay ang panutong sinabi ng tatay kay Manny sa pagtatanim ng punla ng papaya. Sagot Manny, lagyan mo muna ng abono ang hukay bago mo itanim ang punla ng papaya. Saka mo diligan. 5. Ano ang panutong ibinigay ng guro sa mga bata? Tiyak ba ang panuto? ibinibigay na panuto? Sagot Mga bata, kumuha ng lapis at papel. Idrowing sa papel ang inyong paaralan at kulayan ito. OO, tiyak ang panuto. 6. Malinaw at maikli ba ang ibinigay na mga panuto? ibinibigay na panuto? Sagot Oo, malinaw at maikli ang ibinigay na mga panuto?
  • 11. Magsanay Tayo Pagsasanay 1 Babasahin ng inyong guro ang mga pangungusap sa bawat bilang. Makinig na mabuti. Alin- alin ang panuto? Isulat sa papel. 1.Nag-aaral sa paaralan ang mga mag-aaral. 2.Lagyan ng pabalat ang inyong aklat. 3.Masayang nakinig ang mga bata sa kuwentong ipinarinig ng guro. 4.Basahin ang kuwento sa mga pahina 68~70. Sagutin ang mga tanong na makikita sa pahina 71. 5.Tasahan ang inyong lapis bago kopyahin ang tula sa mga pahina 7~8.
  • 12. Pagsasanay 2 Gawin ang pinagagawa sa bawat bilang. 1.Gumuhit ng isang malaking bilog. Gumuhit ng maliit na bilog sa kaliwa ng malaking bilog. Sagot 2. Gumawa ng isang kahon. Gumuhit ng Bituin sa loob nito. Sagot
  • 13. 3. Isulat ang iyong pangalan. Salungguhitan ang mga patinig at bilugan ang mga katinig. Sagot Aubrey Joyce Coronico 4. Ikaw ba ay lalaki o babae? Kung lalaki ka, kahunan ang bola, kung ikaw ay babae. Lagyan ng tsek ang manyika. Sagot
  • 14. Pagsasanay 3 Isulat sa patlang ang iyong dapat gawin upang sumunod sa panuto. Sagutin ito sa loob ng isa o higit pang pangungusap. 1. Inutusan ka ng iyong ina na maglinis ng bahay pagkaalis nila papuntang palengke. Sagot Pagkaalis na pagkaalis po nila magliligpit po agad ako, magwawalis at maglalampaso. Para pagdating nila natapos ko na po ang ipinaguutos ng aking Ina. 2. Ang iyong guro ay sinabing bawal maglaro sa tabi ng pinto dahil sira ito. Ngunit nagkatuwaan kayo ng iyong mga kaibigan at nagtakbuhan kayo malapit sa pintuan. Sagot Ipaaalala ko sa aking mga kaibigan ang sinabi ng aming guro, sasabihin kong iwasan namin magawi sa tabi ng pinto o kaya ay huminto na kami sa paglalaro upang di kami mapagalitan ng aming guro.
  • 15. 3. Sinabi ng iyong nanay na wag ka tatawid sa highway dahil delikado, dapat ay gumamit ka ng overpass. Sagot Susundin ko po ang sinabi ng nanay ko, dapat po talaga doon sa tamang tawiran lang tatawid tulad ng overpass upang maiwasan ang sakuna. 4. Binilin sayo ng iyong kapatid na gisingin mo siya kapag nagising ka sa umaga dahil mayroon siyang importanteng lakad. Sagot Magtatakda po ako ng alarm sa aking cp at ilalagay ko na nagpapagising ang aking kapatid upang di ko makalimutan at pagkagising ko agad ko siyang gigisingin.
  • 16. 5. May nakalagay sa sign board na bawal pumitas ng mga bulaklak sa parke, pero kailangan mo ito para sa inyong proyekto. Sagot Hahanap na lang po ako ng ibang bulaklak na pwede kong pitasin. Maaaring di lang naman sa parke merong bulaklak na kailangan ko, kaya hahanap po ako sa ibang lugar na maaari akong makahingi ng bulaklak. WAKAS
  • 17. Sanggunian Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2 (Pahina 37~39) Bagong Filipino sa Salita at Gawa Wika - Filipino 3 (Pahina 115~118) http://www.rexinteractive.com/index. php http://mommyguideinc.com/wbmws/2 012-Oct- Free/101012/Filipino%204%20(Pagsu nod%20sa%20Panuto1)%20edited.pdf