13
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 9 Filipino Unang Markahan – Modyul 10 Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon sa mga Pahiwatig sa Akda GINA A. PALMA A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

  • Upload
    others

  • View
    82

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

9 Filipino

Unang Markahan – Modyul 10

Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon sa mga

Pahiwatig sa Akda GINA A. PALMA

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 10: Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon sa mga Pahiwatig sa Akda Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gina A. Palma

Editor: Rolando T. Cagatin

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

1

Alamin

Ang modyul na ito ay tatalakay sa mga matalinghagang salita na napapaloob mula sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista.

Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda. (F9PT-Ic-d-40)

Panimulang Gawain: Basahin at suriin. A. Panuto: Ibigay ang kahulugan/akmang interpretasyon ng mga salitang may salungguhit na ayon sa konteksto ng pagkakagamit nito sa pangungusap. Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Nagmamagandang loob ang lalaki nang ibigay niya ang kanyang camera kay Lea.

a. nagpakita ng kabutihan b. labag sa kalooban c. nagmamalabis d. nagsasamantala

2. Ang mga batang kandidato ay magbibilad ng suot nilang bikini habang ang mga hurado ay handa na para sa pagbibigay ng kaukulang marka.

a. patutuyuin ang suot c. ididisplay ang suot b. maluluwag ang suot d. magagarbo ang suot

3. Si Ding ang taya sa pag-aalis ng damit ni Maya.

a. pagpapalit ng damit c. magtatanggal ng damit b. magsusulsi ng damit d. maglilinis ng damit

4. Lumalakad nang nakapameywang ang mga kandidato ng beauty contest habang sinasabi ng tagapagsalita ang pangalan nila.

a. Ang kamay ay nasabeywang habang lumalakad, nagpo-pause at nagpo-pose. b. Galit na nakapameywang habang lumalakad sa ibabaw ng entablado. c. Pinipilit at hinihila na lumalakad sa entablado habang suot ang gown. d. Nasa balikat ang kamay habang nagpo-pose at nagpo-pause.

5. Kinakabitan ng dekorasyon ang buhok ng mga batang kasali sa Miss Kinder.

a. may mga kristmas dekorasyon c. may mga palamuti b. nagkikislapan ang mga buhok d. magagarbo ang mga buhok

6. Masarap ang may tunay na Nanay dahil may haplos sa sugat mo kapag nadapa.

a. ang ina ang siyang karamay sa oras ng kagipitan. b. ang ina ang gagamot sa sugat ng anak. c. ang ina ang hihila sa anak kung nadapa ito. d. Ang ina ang nag-aalaga sa anak hanggang sa pagtanda.

Subukin

Page 4: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

2

7. Tila mga butil ng perlas ang dumadaloy sa mga mata ni Lea dahil malabo ang kuha ng Kamera. a. pinapawisan si Lea b. nabasa sa luha si Lea c. basang-basa sa luha si Lea d. sinabuyan ng tubig si Lea

8. Ang tropeo ay pampalakas-loob ng mga batang sumali sa beauty contest.

a. pampasigla b. pampasaya c. pagbibigay inspirasyon d. lahat ng sagot

9. Tinawagan sa entablado ang Miss Kinder sa nakaraang taon para magputong ng korona.

a. mag-alis ng korona b. magpatong ng korona sa ulo c. maglagay ng korona d. magsabit ng korona

10. Napalundag si Ding at Lea, pati puso nila’y tumalon at nawala sa lugar.

a. masayang masaya sina Ding at Lea b. kinakabahan sina Ding at Lea c. nabigla si Ding at Lea d. naiinis sina Ding at Lea

Modyul 10

Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon sa mga Pahiwatig

sa Akda

Panimula

Ang nobelang “Bata, Bata …Paano ka Ginawa?” ay isang nobelang tagalog na nabuo mula

sa malikhaing isipan na isinulat ni Lualhati Bautista, isa sa mga bantog ng Pilipinong manunulat

na nagbibigay-buhay sa panitikang tagalog. Kung iyong babasahin ang nobelang ito malalaman

mo ang tunay na kahulugan nito. Hindi lamang tumatalakay sa literal na kahulugan kung paano

ginawa at dinala ang bata sa loob ng siyam na buwan sa sinapupunan ng isang ina. Ipinapakita nito

kung paano hinuhubog ng kapaligiran ang isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng karanasan at

kapaligiran na ginagawalawan ng tao ang siyang tumutulong sa bawat bata o indibidwal na maging

isang matalino at mahusay na mamamayan. Ang kuwento nito ay madaling mauunawaan dahil ang

mga salitang ginamit ng may-akda ay madali ring mauunawaan. Hindi lamang pang-aliw ang hatid

nito sa masa kundi ang mahalagang aral at panuntunan sa buhay na tanging ang makatutuklas ay

walang iba kundi ang mambabasa.

Page 5: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

3

BATA

Tuklasin

Balikan

Panuto: Ibigay ang sariling interpretasyon ng salitang “Bata” na ginamit sa akdang “Bata, Bata

Paano Ka Ginawa?

Concept Map

Sa bahaging ito, iyong alamin ang mga matalinghagang salita na ginamit ng may-

akda na nagbibigay ng ganda sa akda dahil ito rin ay nagbibigay ng misteryo sa

pangungusap. Bukod sa literal na kahulugan ng matalinghagang salita ay mayroon ring

malalalim na kuhulugan ito at naglalayon na kilitin ang isip ng mga mambabasa at

intindihin ang nais ipahiwatig ng akda.

Gawain - Panuto: Basahin ang mga pahayag na hango sa binasang nobela “Bata, Bata

Paano Ka Ginawa?” Isulat sa loob ng kahon gamit ang tsart ang iyong sariling

interpretasyon.

Mga Pangyayari o Pahayag Sariling Interpretasyon

1. “Maruming tingnan ang isang batang naka-makeup at lipstick. Imbis na makaganda’y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan.” 2. Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isng musmos, naisip ni Lea. Kung hindi siya wawasakin ng mga kawalang-katiyakan. 3. Isang bata sa gown na kulay ginto at nagkikislapang mga palamuti ang nagpapalahaw dahil ayaw umakyat sa stage.

1. 2. 3.

Page 6: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

4

4. “Bat may Ding pa”, tanong ng isang kapitbahay kay Lea no’ng bagong lipat pa lang sila sa lugar ng ito. “Ba’t hindi basta tatay na lang. 5. Lingunan ang mga batang babaeng natalamsikan. Gimbal sa “pagkadungis” ng kanilang mga “dangal”

4. 5.

Rubrik (Batayan sa Pagmamarka)

MGA PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

NILALAMAN • lawak at lalim ng interpretasyon

BALARILA • wastong gamit ng wika/salita • baybay, bantas, estruktura ng mga

pangungusap

ORGANISASYON • lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga ideya • pagkakaugnay ng mga ideya

5 – Pinakamahusay 4 – Mahusay 3 – Katanggap-tanggap 2 – Mapaghuhusay pa 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Suriin

Sa pagbibigay ng interpretasyon, nangangailangan ito ng mas mataas na antas ng pag-iisip. Ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang. Upang masagot ang mga katanungan kailangang taglay ng tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin at pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinabi ng may akda. Narito ang mga paraan upang makilala ang tunay na hangarin at layunin ng may-akda.

Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng pahiwatig Ang pahiwatig ay ang pagbibigay sa isa o grupo ng mga salita ng ibang

kahulugan, sa halip na totoong kahulugan. Tinatawag din itong alusyon.

Ayon kay Maggay (2002), ang pahiwatig ay isang katutubong pamamaraan ng

pagpapahayag ng di-tuwirang ipinapaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa

pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na pagbasa ng himaton o

impormasyon; o ng mga palatandaang kaakibat nito.

Pagkuha ng pangunahing ideya

Page 7: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

5

Paghihinuha

Pagbibigay ng konklusyon

Pagbibigay ng paglalahat

Pagkilala sa sanhi at bunga

Pagkilala ng pagkatulad/pagkakaiba

Mga Paraan sa pagpapalawak ng Interpretasyon

Para mapadali ang pag-unawa sa binabasa, may alituntunin na dapat sundin “kilalanin ang

pagkakagamit ng mga salita para agad na mahinuha ang ipinakahulugan.”

1. Denotasyon -Ito ang kahulugan ng salita na nakukuha sa diksyunaryo, ang literal na

kahulugan, wika nga, kaya’y tinatawag ding “aktuwal na kahulugan”

2. Konotasyon - Ito naman ang paghihiwatig na kahulugan na maaaring nagsaad ng

kultural o pangkaranasang kahulugan, gayundin, ng pragmatikong kahulugan ayon sa

pagkakagamit ng salita sa pangungusap. Tinatawag ding kontekstwal na kahulugan kaya

pinakatitingnan ang salita ayon sa pagkakasama nito sa ibang salita na kolokasyon

naman ang tawag.

Gawain - Panuto: Isulat ang iba pang mga matalinghagang salita na ginamit sa akda

”Bata, Bata Paano Ka Ginawa?” o mga pangyayari na nais ipahiwatig nito. Bigyan ng

sariling interpretasyon ang bawat pahayag o pangyayari na iyong naitala.

http://clipart-library.com/clipart/book-clip-art-42.htm

Page 8: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

6

a. Sariling disesyon ni Maya ang pagsali niya sa beauty contest.

b. Hindi kagustuhan ng mga bata na sasali sa paligsahan.

c. Kukunin ni Raffy si Maya kapag siya ang hihiranging Miss Kinder ‘83.

d. Nasa tanghaling tapat ay patuloy pa rin sa pag-eensayo ang mga bata.

e. Mahal na mahal ni Lea ang kanyang anak kagaya ng pagmamahal niya sa

kanyang dating asawa.

f. Ang mga nanonood sa beauty contest ay hindi humihinga nang malapit ng

sasabihin ang pangalan ng magwawagi.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga pangungusap na nagbibigay-

kahulugan/interpretasyon sa mga pahayag mula sa binasang nobela. Isulat sa patlang

ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Mga nakabiting hininga habang naghihintay sa pag-aanunsyu kung sino ang

Mananalo bilang Miss Kinder ‘83.

_____ 2. Sa oras na iyon ay mataas at maiinit na ang araw.

_____ 3. Ang nanay ang may gusto ng tropeo.

_____ 4. “Maya, naririnig mo ba, anak? Si Raffy ang naging katumbas mo!”

_____5. Inisip ni Lea na si Maya lang ang napaiba sa pagkakataong ito

Isaisip

Panuto II: Basahing mabuti ang mga pahiwatig na ginamit sa akda. Bigyan ng sariling interpretasyon ang mga nakapaloob sa pahayag. Isulat ang iyong sagot

sa loob ng kahon. (Ang Rubrik sa bahaging Tuklasin ang gagamitin sa pagmamarka/pagbibigay ng puntos)

Pagyamanin

Page 9: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

7

Sabog ang palakpakan

matapos tinawag ang

pangalan ng dating

Miss kinder para sa

pagputong ng korona

ng bagong Miss

Kmder.

Dala ang makislap

na korona ng

karangalan, ang

nakaraang Miss

Kinder.

Bata, Bata…. Paano ka Ginawa?

Ang pagkabigo’y

laging may kakabit

na pagkapahiya.

Page 10: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

8

Sariling interpretasyon

Isagawa

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong sariling interpretasyon ng mga pahiwatig na

may salungguhit sa bawat pahayag.

Mga pahayag:

1. Maraming mga pagsubok na ating nararanasan na siyang nagpapatatag sa ating

marubdob na pagnanais na makatapos ng pag-aaral.

2. Sa panahon ng ating pag-aaral, buong giting tayong nakilahok sa lahat ng mga

kaganapan dito.

3. Ang mga huwad na pangako ang patuloy na naglulugmok sa atin ng kahirapan.

4. Marami pa sanang palipad hangin akong maririnig tungkol sa kanilang ambisyon

subalit humudyat na ang pagsisimula ng klase.

5. “Kung ano ang puno,siyang bunga” ito ay madalas na ikinakapit sa paghuhusga sa

mga taong nagkasala na hindi naman talaga sinasadya.

2.

1.

4.

5.

3.

Page 11: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

9

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng nais ipahiwatig ng sumusunod na pahayag. Bilugan ang

titik ng pinakatamang sagot.

1. Ano ang ibig sabihin sa kasabihan na “Ang mga mata ang bintana ng kaluluwa.”

a. Sa mga mata makikita malalaman ang tunay na nararamdaman ng isang tao.

b. Makikita sa mga mata ang mga ligaw na kaluluwa na humingi ng talong.

c. Sa mga mata makikita ang kagandahan ng isang mabuting kaluluwa.

d. Ang kaluluwa na umiibig ay makikita sa mga mata.

2. Ang taong nagkakamot habang nakikinig, ay ano ang nais ipahiwatig ng kanyang kilos?

a. Maaring hindi niya nauunawaan ang mensahe tagapagsalita.

b. Maraming mga balakubak at pigsa ang kanyang mga buhok.

c. Nais na niyang umalis dahil makati ang kanyang ulo.

d. Mayroon siyang nararamdaman kaya hindi siya mapapalagay.

3. Panhikan na naman sa stage ang mga kandidato suot ang kanilang gown.

a. Rarampa ang mga bata para edis-play ang suot na gown.

b. Mayroong namamanhikan para sa gagawing pag-iisang didbdib.

c. Dala ang mga suot na gown para sa gagawing panhikan.

d. Ang mga kandidato ay nangongompanya sa ibabaw ng entablado.

4. Ang ipinagngingitngit na ni Lea ang tila pagpapakaseryoso ng mga ito sa pamamahagi ng

trophy. Ano ang ipinapahiwatig sa nararamdaman ni Lea?

a. nahihilo b. nagdaramdam c. nagugutom d. natutuwa

5. Tumalalim ang tingin ni Ding kay Lea dahil wala raw itong mabuting itinuro sa bata.

a. Sumasakit ang mga mata ni Ding sa kakalikot ni Lea.

b. Pinag-aaralan ni Ding ang kilos ni Lea.

c. Nagpapatulis ng itak si Ding upang magamit sa pagbibitak ni Lea.

d. Hindi nagustuhan ni Ding ang ginawa ni Lea sa kanilang anak.

6. Ang pagsasabi ng tagapagsalita sa pangalang mananalo ay ang pinakahihintay na sandali ng

mga magulang at mga manonood sa paligsahan. Ano ang nais ipahiwatig ng pinakahihintay na

sandali?

a. nagugulat sa balita c. nayayamot sa paghihintay

b. pinanabikang panahon d. saglit na nagtataka

7. Habang nagmamartsa papasok sa entablado ay may mga batang nagkakalkal na ng ulo. Ano

ang nais ipahiwatig ng kilos ng mga bata sa pagkakalkal ng kanilang ulo mula sa pahayag?

a. naiinip b. natutuwa c. naiinis d. nagdadabog

Tayahin:

Page 12: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

10

8. Hindi maiiwasan ni Lea na magalit nang makita ang anak na napapagod na sa pag-eensayo

at nagkaroon ng lagnat subalit desido ang kanyang anak na sasali sa paligsahan. Batay sa

pahayag, ano ang ibig sabihin ng galit na nararamdaman ni Lea?

a. Ginusto niyang magalit dahil iyon din ang kagustuhan ng kanyang anak.

b. Hindi niya gustong makita na nahihirapan ang kanyang anak.

c. Naiinis si Lea na sumali ang kanyang anak sa paligsahan.

d. Natutuwa siya na nagkaroon ng lagnat ang kanyang anak upang hindi na ito sasali pa.

9. Nagdadalawang isip ang anak na magpaalam sa kanyang mga magulang na lilipat siya sa

ibang paaralan. Ang salitang nagdadalawang isip ay ____.

a. nalilito b. desidido c. hindi gusto d. nananabik

10. Lumaki ang ulo ni Lea habang nanonood sa talento ng kanyang anak. Lumaki ang ulo ay

nangangahulugang ____.

a. nagyayabang b. nagagalak c. nahihiya d. nag-alala

Karagdagang Gawain

Isulat sa papel ang paliwanag sa kaugnayan ng kasabihan sa kaisipan ng nobela: “Sa hirap at ginhawa sa tuwina’y magkakasama, ang katangiang ipinagmamalaki ng pamilyang Pilipino.” (Ang Rubrik sa bahaging Tuklasin ang gagamitin sa

pagmamarka/pagbibigay ng puntos)

Paliwanag:

“Sa hirap at ginhawa sa tuwina’y magkakasama ang

katangiang ipinagmamalaki ng pamilyang Pilipino.”

Page 13: Filipino...sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

11

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian Bagong Pinagyayamang PLUMA at Panitikan para sa ikasiyam na Baitang

http://clipart-library.com/clipart/book-clip-art-42.htm

https://www.slideshare.net/MaryGraceBAyadeValde/pagunawang-literal-at-interpretasyon

https://www.slideshare.net/FlordelizaMagno/kasanayan-sa-pagbasa

https://www.slideshare.net/RheaDelaCruz11/kakayahang-pragmatiko-114624301?qid=d32df4b0-28ff-

4b28-b6bf-5e72cbf6e2f2&v=&b=&from_search=1

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pakahulugan