21
Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office Revised 2010 Anyaya ni Jesus: “Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo” “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6) (Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.) PANGKALAHATANG LAYUNIN Ninanais ng syllabina ito ang i p a h a y a g a n g M i s t e r y o n g Pagkakatawang Tao ni Jesukristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, “hindi lamang ang ipakilala kundi iugnay sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya” (NCDP 2007,#121), “na Siya lamang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo” (KIK 426). DAGLAT [ ABBREVIATIONS ] NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko PCP II - Second Plenary Council of the Philippines Vatican Council II [ The Conciliar and Post Conciliar Documents ] GS - Gaudium et spes ( Pastoral Constitution on the Church in the Modern World ) SC - Sacrosanctum concilium ( The Constitution on the Sacred Liturgy ) LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church ) DV - Dei verbum ( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan

Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office

Revised 2010

Anyaya ni Jesus: “Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo”

“Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6) (Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.) PANGKALAHATANG LAYUNIN Ninanais ng syllabina ito ang i p a h a y a g a n g M i s t e r y o n g Pagkakatawang Tao ni Jesukristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, “hindi lamang ang ipakilala kundi iugnay sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya” (NCDP 2007,#121), “na Siya lamang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo” (KIK 426). DAGLAT [ ABBREVIATIONS ] NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko PCP II - Second Plenary Council of the Philippines Vatican Council II [ The Conciliar and Post Conciliar Documents ] GS - Gaudium et spes ( Pastoral Constitution on the Church in the Modern World ) SC - Sacrosanctum concilium ( The Constitution on the Sacred Liturgy ) LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church ) DV - Dei verbum ( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

Page 2: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

IKALAWANG BAYTANG

PAKSA 1: ANG DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN

PAKSA 2: NILIKHA NG DIYOS ANG TAO NA KALARAWAN NIYA

PAKSA 3: JESUS: DIYOS NA NAGING TAO

PAKSA 4: SI JESUS AY MAPAGMAHAL NA KAIBIGAN

PAKSA 5: SI JESUS AY MABUTING GURO

PAKSA 6: SI JESUS AY MAKAPANGYARIHAN

PAKSA 7: ESPIRITU SANTO GABAY KO SA PAGIGING KRISTIYANO

PAKSA 8: SA BIBLIA MAKIKILALA NATIN SI JESUS KAPATI D NI JESUS

PAKSA 10: KABILANG AKO SA SIMBAHAN, ANG PAMILYA NG DIYOS

PAKSA 11: UTOS NI JESUS, SUSUNDIN KO

PAKSA 12: KASAMA NI JESUS, HALINA AT SAMA-SAMA TAYONG

MAGPASALAMAT SA DIYOS AMA

PAKSA 13: NAIS NI JESUS NA TAYO AY HUMINGI NG TAWAD AT

MAGPATAWAD

PAKSA 14: MARIA, INA NI JESUS AT INA KO RIN

PAKSA 15: ANYAYA NI JESUS, "HALINA SA PILING NG AMA"

Page 3: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

PAKSA 1: ANG DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. • Makakapagtala ng mga mabubuting gagawin sa mga nilikha ng Diyos. • Makakapagpasalamat sa Diyos sa Kanyang mga nilikha. SITWASYON NG BUHAY : Pag-usapan ang iba’t-ibang kakayahan ng mga bata. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng : kakayahansa kapangyarihan. Tayo ay may kakayahang mangalaga. Sino ang tunay na makapangyarihan? KAHALAGAHAN : Pangangalaga sa lahat ng nilikha ng Diyos SALITA NG DIYOS: Genesis 1:1-31 “Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit ang lupa ay wala pang hugis O anyo….Sinabi ng Diyos magkaroon ng liwanag! At nagkaroon nga…pinagmasdan ng Diyos ang lahat ng Kanyang ginawa at lubos Siyang nasiyahan…” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Diyos Ama ay makapangyarihan sa lahat. (KIK 268-270, KPK 283, Genesis 17:1) Pagsasabuhay : Tungkulin ng bawat isa ang mahalin, ingatan at alagaan ang m g a n i l i k h a n g D i y o s . (KPK 340-341, KIK 307) Pagsamba : Sa panalangin at tuwing Linggo sa Misa ay pinupuri at pinasasalama-tan natin ang Diyos Ama na makapangyarihan. (Salmo 145:1-3, KPK 1496) TUGON NG PANANAMPALATAYA : Paninindigan : Naniniwala ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.

Page 4: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

Pagtatalaga :Paano ko iingatan at aalagaan ang mga nilikha ng Diyos? Itatapon ang basura sa __________________. Ang mga hayop ay aking _________________. Ang halaman ay aking ___________________. Ako ay magtatanim ng ___________________. Pagdiriwang: Dasalin: Panginoong Diyos hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihansa lahat, sinasamba ka namin, pinasa-salamatan ka namin, pinupuri ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. PAKSA 2: NILIKHA NG DIYOS ANG TAO NA KALARAWAN NIYA LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Mababatid na ang tao ay nilikhang kalarawan ng Diyos. • Mahahamong maipakita ang kakayahang magma-hal sa paaralan, pamayanan, at bahay. • Makakapagpasalamat sa Diyos sa mga talino at kakayahang ibinigay sa kanila. SITWASYON NG BUHAY: Mga kakayahang nagagawa ng mga bata. Kakayahang nagagawa ng tao na dinagagawa ng hayop. ( kakayahang magmahal at mag-isip ) KAHALAGAHAN: Kakayahang magmahal at mag-isip SALITA NG DIYOS: Genesis 1:26-28a “Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos:”ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Nilikha ng Diyos ang tao na kalarawan Niya. (KPK 344, KIK 356-358 ) Ipaliwanag ang salitang “kalarawan”. Pagsasabuhay : Nais ng Diyos na maging mapag-mahal din tayo katulad Niya. (KIK 356 - 358) Pagsamba : Sa panalangin, pinupuri at pinasa-salamatan natin ang Diyos sa mga talino at kakayahang ibinigay Niya sa atin. (Salmo 9:1-2)

Page 5: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako na nilikha ako ng Diyos na kalarawan Niya. Pagtatalaga : Paano ko ipapakita ang aking pag-mamahal ……. sa bahay, sa paara-lan at sa pamayanan? Kailan ko ito sisimulang gawin ? Ipasulat. Pagdiriwang:Panalangin: ( aawitin ) O Panginoon ko, buong puso kitang pasasalamatan, ang kahanga-hangang ginawa mo Yahweh, aking isasaysay. Dahilan sa’yo ako’y aawit ng may kagalakan, pupurihin kita Pangi-noong kataas-taasan.(Salmo 9:1-2) PAKSA 3: JESUS: DIYOS NA NAGING TAO LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Makakapagsabi na si Jesus ay tunay na Diyos at tunay na tao. • Makakapagtala ng mga gagawin sa loob ng isang linggo bilang pagpapakita ng pagsunod sa mga aral at utos ni Jesus. • Maipapahayag sa panalangin ang kanyang paniniwala na si Jesus ay tunay na Diyos at tunay na tao. SITWASYON NG BUHAY : Mga kuwentong alam ng bata tungkol sa buhay ni Jesus. KAHALAGAHAN : Pagsunod sa mga aral at turo ni Jesus SALITA NG DIYOS : Galacia 4:4 ”Sinugo ng Diyos ang Kanyang anak, isinilang Siya ng babae, at namuhay ayon sa ilalim ng kautusan” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Si Jesus ay tunay na Diyos at tunay na tao. (KIK 464, KPK 500 ikalawang talata) Pagsasabuhay : Sundin natin ang mga aral at utos ni Jesus. (KPK 528) Pagsamba :Sa Banal na Misa, tuwing Linggo , ipinapahayag natin ang paniniwala natin kay Jesus na bugtong na Anak ng Diyos, na ating Panginoon.(KPK 527)

Page 6: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako na si Jesus ay totoong Diyos at totoong tao. Pagtatalaga: Isulat ang dalawang bagay na maaaring gawin sa loob ng isang linggo upang maipakita na sinusunod mo ang mga aral at utos ni Jesus. Pagdiriwang : Panalangin: Jesus tunay na Diyos at tunay na tao, sinasamba kita Jesus tunay na Diyos at tunay na tao, minamahal kita Jesus tunay na Diyos at tunay na tao, pinaniniwalaan kita Jesus tunay na Diyos at tunay na tao, susundin kita. PAKSA 4: SI JESUS AY MAPAGMAHAL NA KAIBIGAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Makikilala na si Jesus ay mapagmahal na kaibigan. • Makakapaglahad ng mga gagawin bilang pagtulad kay Jesus na ating mapagmahal na kaibigan. • Makakapaglaan ng ilang sandali ng pakikipag-usap kay Jesus sa panalangin. SITWASYON NG BUHAY: karanasan sa pakikipagkaibigan SALITA NG DIYOS: Juan 11:28-44 Kaya’t sinabi ng mga Judio, “Talagang mahal na mahal niya si Lazaro!” KAHALAGAHAN : Pakikipagkaibigan PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan: Si Jesus ay ating mapagmahal na kaibigan. (Juan 15:15) Pagsasabuhay: Ang pakikipagkaibigan ni Jesus ang siyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba.(Juan 15:11-13) Pagsamba:Sa panalangin, tayo ay nakikipag-usap kay Jesus na ating kaibigan.

Page 7: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

(KPK 1475,1557) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan:Ipagmamalaki ko : Si Jesus ay aking mapagmahal na kaibigan. Pagtatalaga:Tutularan ko si Jesus sa aking pakikipagkaibigan sa araw-araw. Gagawin ko ang mga sumusunod sa aking: Mga kaibigan __________________________ Mga kaklase ___________________________ Pagdiriwang: Maglaan ng ilang sandali ng katahimikan upang kausapin si Jesus, ang ating mapagmahal na kaibigan Aawitin: Ako’y may isang kaibigan, Jesus ang Kanyang pangalan. Siya ang nagturo sa sanlibutan, ng pagmamahalan. Ako’y may isang kaibigan, Jesus ang Kanyang pangalan. Siya’y kaibigan kong mapagmahal. Lagi kong kasama. PAKSA 5: SI JESUS AY MABUTING GURO LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na si Jesus ay Mabuting Guro. • Makakapangako na makikinig at susunod sa mga aral at turo ni Jesus. • Mabibigkas ng buong puso ang panalanging itinuro ni Jesus, ang “Ama Namin”. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan sa pakikinig at pagsunod sa guro. KAHALAGAHAN: Pagsunod sa mga aral at turo ng guro SALITA NG DIYOS: Mateo 4:23

Page 8: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

“Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagturo sa mga sinagoga at ipinangaral ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan :Si Jesus ay Mabuting Guro. (Lukas 18:18, KIK 561, KPK 497) Pagsasabuhay : Ang mga sumusunod sa mga aral at turo ni Jesus ay tunay na mga alagad Niya. (Juan 8:31) Pagsamba : Sa pagdarasal ng “Ama Namin” na itinuro ni Jesus ay sinasamba natin ang Diyos Ama. (Mateo 6:9-13) TUGON PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus ay Mabuting Guro. Pagtatalaga : Gumawa ng pangako na makikinig at susunod sa mga aral at turo ni Jesus sa pamamagitan ng Katekesis at pagdalo sa Banal na Misa. Pagdiriwang : Buong puso nating dasalin ang panalanging itinuro ng ating dakilang guro , ang “Ama Namin” (may kilos). PAKSA 6: SI JESUS AY MAKAPANGYARIHAN LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na si Jesus ay tunay na makapangyarihan. • Makakapagtala ng mga gagawin bilang tanda na tunay silang naniniwala kay Jesus. • Maipapahayag sa panalangin ang kanilang pananampalataya kay Jesus. SITWASYON NG BUHAY: Mga kuwento na alam nila tungkol sa mga himala ni Jesus. Anu-ano ang mga alam ninyong kuwento tungkol sa mga himala ni Jesus? Sino ang nagkuwento sa inyo? Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

Page 9: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

KAHALAGAHAN: Pananalig / Pagtitiwala SALITA NG DIYOS: Lukas 18 :35-43 "At sinabi ni Jesus : Mangyari ang ibig mo ! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig. Noon din, nakakita siya at sumunod kay Jesus, at nagpasalamat sa Diyos". PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Si Jesus ay tunay na makapangya-rihan, Siya ay Anak ng Diyos. (KIK 547,KPK 484, 485, Mateo 11:4-5) Pagsasabuhay : Nais ni Jesus na sumampalataya tayo sa Kanya at maging alagad Niya. (KPK 537, KIK 520) Pagsamba : Sa dasal na “Sumasampalataya” ipinapahayag natin ang pananam-palataya kay Jesus na Anak ng Diyos. (KIK 423, KPK 507) " Sumasampalataya ako kay Jesukristong iisang Anak ng Diyos" (Artikulo 2 ng Kredo) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus ay tunay na makapangyarihan, Siya ay Anak ng Diyos. Pagtatalaga: Paano mo ipapakita sa iyong pananalita at gawa na naniniwala ka kay Jesus? Magtala ng 5 gagawin. Pagdiriwang : Buong puso nating ipahayag ang ating pananampalataya kay Jesus: Sabay-sabay na dasalin: Sumasampalataya ako kay Jesukristong iisang Anak ng Diyos Panginoon nating lahat.

Page 10: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

PAKSA 7: ESPIRITU SANTO GABAY KO SA PAGIGING KRISTIYANO LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang Espiritu Santo ang sigla at lakas natin sa pagiging tunay na Kristiyano. • Makakagawa ng pangako kung paano susundin ang aral ni Jesus. • Makakapanalangin sa Espiritu Santo. SITWASYON NG BUHAY: Pag-usapanang salitang Kristiyano. Sino ang mga Kristiyano? Kailan kayo naging Kristiyano? Madali ba ang maging Kristiyano? Magkuwento ng mga buhay ng unang Kristiyano (Hal. Buhay ni San Esteban/St. Stephen) Hindi madali ang maging tunay na Kristiyano o ang makagawa ng kabutihan sa lahat ng oras, kaya may ipinadala ang Diyos na tutulong sa atin…. KAHALAGAHAN: Paggawa ng mabuti SALITA NG DIYOS: Galacia 5:25-26 “Ang Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Espiritu Santo ang siyang sigla at lakas natin upang maging tunay na Kristiyano. (KIK 741, KPK 1315. ) Pagsasabuhay : Ang maging tunay na Kristiyano ay ang sundin ang mga aral ni Jesus. (KPK 1343 ) Pagsamba : Sa mga oras na nahihirapan tayong sundin ang aral ni Jesus tinutulungan tayo ng Espiritu Santo na magdasal. (Roma 8:26, KIK 741, KPK 674-675, 1315 huling talata )

Page 11: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan:Sumasampalataya ako sa Diyos Espiritu Santo, sigla at lakas ko sa paggawa ng mabuti. Pagtatalaga: Iguhit kung paano mo masusunod ang aral ni Jesus at gumawa ng pangako na susundin ito pag-uwi ng bahay. Pagdiriwang: Halina Espiritu Santo nais kong maging mabuting kristiyano, nais kong sundan si Jesus, tulungan mo po ako. Amen. PAKSA 8: SA BIBLIA MAKIKILALA NATIN SI JESUS LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang Banal na Kasulatan ay aklat upang lubusang makilala si Jesus . • Makakapaglaan ng oras sa pagbabasa ng Biblia. • Mapaparangalan ang Banal na Kasulatan. SITWASYON NG BUHAY: Mga katangian ni Jesus na alam ng mga batang nasa ikalawang baitang. (Halimbawa: Mabait, matapat, masunurin, mababang -loob, magalang ,maawain, mapagmahal, matulungin, at iba pa....) Marami na ba kayong nalalaman tungkol kay Jesus? Gusto ninyo bang higit siyang makilala? Gusto ba ninyo siyang matularan?(ikuwento ang patotoo ni Juan ang alagad na minamahal ni Jesus na sumulat ng ebanghelyo. Bigyang diin ang sinabi niya sa bersikulo 25) KAHALAGAHAN: Higit na pagkilala kay Jesus SALITA NG DIYOS: Juan 21:20-25 ”... at marami pang ginawa si Jesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Banal na Kasulatan ay isang aklat, sa aklat na ito ay makikilala natin si Jesus. (KIK 134, 124, KPK 70) Pagsasabuhay Sa palagiang pagbabasa ng Banal na Kasulatan ay higit nating makikilala si Jesus.

Page 12: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

(KIK 133, KPK 470) Pagsamba : Sa Banal na Misa, sa bahagi ng pagbabasa ng Banal na Ebanghelyo, patuloy nating nakikilala si Jesus. ( KPK 1678, 28, 82, ) TUGON NG PANANAMPALATAYA: Paninindigan:Naniniwala ako na ang Banal na Kasulatan ay isang aklat, sa aklat na ito ay makikilala natin si Jesus. Pagtatalaga:Makikinig akong mabuti sa mga pagbasa sa Misa lalo na sa Ebanghelyo upang higit kong makilala si Jesus. Maliban sa pakikinig sa Misa, ano pa ang gagawin mo upang higit na makilala mo si Jesus ? ( makakapaglaan ng oras sa pagbabasa ng Bibliya Pagdiriwang:Munting pagpaparangal sa Biblia Awit: Salamat sa Diyos , Salamat sa Diyos sa wika mong banal , Salamat po . Salamat sa Diyos, Salamat sa Diyos sa bugtong mong Anak , Salamat po! Pagbasa: Juan 21:20-25 Closing Prayer: c/o catechist PAKSA 9: SA BINYAG TAYO AY NAGING KAPATID NI JESUS LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na sa Binyag tayo ay naging kapatid ni Jesus. • Makakapagplano ng mga gagawing nagpapakita ng pagmamahal sa mga darating na araw. • Makakapagpasalamat sa Diyos sa biyaya ng Sakramento ng Binyag. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan sa pagkakaroon ng kapatid Masaya ba ang may kapatid? Ano ang naitutulong sa atin kung tayo ay may kapatid? Maliban sa mga kapatid natin tayo ay mayroon pang isang kapatid na nagmamahal at tumutulong sa atin. Siya ay si Jesus, ang anak ng Diyos , ang ating Kuya.

Page 13: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

KAHALAGAHAN : Pagtulong at pagmamahal ng isang kapatid SALITA NG DIYOS : Roma 8: 28-32 “ Ang mga nakilala Niya noong una pa ay Kanyang itinalaga na matulad sa larawan ng Kanyang anak, upang Siya ay maging panganay sa maraming magkakapatidat yaong mga itinalaga ay tinawag, at yaong tinawag ay pinaging banal, at yaong pinaging banal ay niluwalhati …” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba :Sa pagtanggap sa Sakramento ng Binyag, tayo ay nagiging kapatid ni Jesus. (KIK 1265 ). Katotohanan : Tayo ay ampong anak ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Jesus. (Roma 8:17; KPK 1615) Pagsasabuhay : Nais ni Jesus, na ating kapatid,na tularan natin Siya sa pagiging mapagmahal na anak ng Diyos Ama. ( Lukas 2:52, KPK 715) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako na sa Binyag ako ay naging kapatid ni Jesus. Pagtatalaga:Bilang kapatid ni Jesus, ano ang mga gagawin mong pagpapakita ng pagmamahal sa iyong kapatid, kapwa sa darating na mga araw? Pagdiriwang:Panalangin ng Pasasalamat sa biyaya ng Sakramento ng Binyag. PAKSA 10: KABILANG AKO SA SIMBAHAN, ANG PAMILYA NG DIYOS LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang Simbahan ay ang pamilyang kristiyano. • Makakapamili ng mga gagawin na nagpapakita ng pagmamahal sa Simbahan. • Makakapag-alay ng panalangin para sa pagkakaisa at pagmamahalan ng bawat isa na kabilang sa Simbahan.

Page 14: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

SITWASYON NG BUHAY : Pagiging kabilang sa pamilya. Noong tayo‘y ipinanganak tayo ay napabilang sa isang pamilya. Sa Binyag, tayo ay napabilang sa mas malaking pamilya, ang pamilya ng Diyos. KAHALAGAHAN : May kinabibilangan ( belonging-ness ) SALITA NG DIYOS : Efeso 2:19-22 “Samakatwid hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa Kanyang sambahayan…” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Simbahan ay ang pamilyang kristiyano. (KPK 1905, Vatican II GS 1) Pagsasabuhay :Ang bawat isa na kabilang sa Simbahan ay tinatawagang kumilos ng may pagmamahal. (KPK 1905) Pagsamba :Sa Banal na Eukaristiya, sama-samang sumasamba ang pamilyang kristiyano (KPK 1905) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan :Ipagmamalaki ko na kabilang ako sa pamilyang kristiyano. Pagtatalaga: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga ipapangako mong gagawin sa mga darating na araw na nagpapakita ng iyong pagmamahal sa Simbahan ____ magdasal ____ mag-aabuloy sa pulubi ____ magbabahagi ng baon sa kaklaseng walang baon ____ hindi makikipag-away Pagdiriwang:Panalangin para sa pagkakaisa at pagmamahalan ng bawat isa na kabilang sa Simbahan . PAKSA 11: UTOS NI JESUS, SUSUNDIN KO LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang unang nagmahal sa atin. • Makakapagtala ng mga kabutihang gagawin bilang pagsunod sa utos ni Jesus.

Page 15: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

• Mabibigkas ng buong puso ang Panalangin ng Pag-ibig SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng pagsunod sa utos KAHALAGAHAN: Pagsunod sa utos SALITA NG DIYOS: Mateo 22: 34-40 “Sinagot siya ni Jesus, “Iibigin mo ang Panginoong iyong Diyos ng buo mong puso, ng buo mong kaluluwa at ng buo mong isip. Ito ang pinakadakila at pangunahing utos. Ang ikalawa ay katulad nito: Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng inyong sarili.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay : Nais ni Jesus na ibigin natin ang Diyos at ang ating kapwa. ( Mateo 22:37-40, KIK 2083, KPK 812-813) Katotohanan : Ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang unang nagmahal sa atin. ( KIK 2083, KPK 742 ) Pagsamba : Sa panalangin, naipapahayag natin ang pagmamahal sa Diyos na unang nagmahal sa atin. ( KPK 1485-1487, KIK 2559) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan:Ipapahayag ko : Ang Diyos ay Pag-ibig. Pagtatalaga: Sa loob ng isang linggo, isulat ang mga gagawing kabutihan na nag-papakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Pagdiriwang: Panalangin ng Pag-ibig ( prayer booklet pahina 10) Diyos Kapwa 1. 2. 3. 4.

Page 16: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

PAKSA 12: KASAMA NI JESUS, HALINA AT SAMA-SAMA TAYONG MAGPASALAMAT SA DIYOS AMA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang Banal na Eukaristiya ay pasasa-lamat. • Makakagawa ng “liham pangako ” sa Diyos bilang pagtupad ng ikatlong utos. • Makakapagpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng pag-awit. SITWASYON NG BUHAY: Paano ginugugol ng mga mag-anak ang araw ng Linggo. Paano nagpapasalamat sa Diyos ang inyong mag-anak ? Nagsisimba ba kayo tuwing araw ng Linggo? May mga Linggo ba kayong hindi nakadalo sa Banal na Eukaristiya? Ano ang mga dahilan? Ano ang nararamdaman mo kapag hindi ka nakapagsisimba? KAHALAGAHAN: Pagsisimba sa araw ng Linggo SALITA NG DIYOS:Lukas 2:41-53 “Taun-taon, tuwing Pista ng paskuwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusa-lem…” (Si Jesus, bagamat Siya ay Anak ng Diyos, siya’y sumu-nod sa kaugalian ng mga Hudyo. Sila’y nagpupunta sa templo ng Jerusalem upang mag-alay ng pasasalamat sa Diyos. Ginagawa nila ito taun-taon upang ipagdiwang ang napakahalagang pista na tinatawag na Pista ng Paskuwa. Sa pistang ito inaalala nila ang pagmamahal ng Diyos nang sila’y tinulungan na mailigtas sa mga Egipcio na nagpahirap sa mga Israelita.) PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba :Ang Banal Eukaristiya ay sama-sama pag-aalay ng pasasalamat sa Diyos Ama. (KIK 1360-1361, KPK 1680, 913) Katotohanan : Ang Diyos Ama ay mabuti, mapagbigay, mapagmahal at tapat sa lahat ng tao. (KIK 1359) Pagsasabuhay : Inuutos ng Simbahan sa bawat binyagan na sama-sama tayong makiisa sa Banal na Eukaristiya kung araw ng Linggo at pistang pangilin. (KIK 1389, ikatlong utos ng Diyos, KPK 903)

Page 17: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Ipahahayag ko : Ang Diyos Ama ay mabuti, mapagbigay, mapagmahal at tapat sa lahat ng tao kaya nararapat pasalamatan. Pagtatalaga: Gumawa ng liham pangako sa Diyos, kung paano tutuparin ang ikatlong utos ng Diyos. Pagdiriwang : Aawitin: Salamat O Panginoon Salamat, salamat O Panginoon Ika’y bukas palad Sa habang panahon Bukal ng biyaya Walang sawang pagpapala Salamat salamat O Panginoon PAKSA 13: NAIS NI JESUS NA TAYO AY HUMINGI NG TAWAD AT MAGPATAWAD LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Maipapahayag na ang Diyos Ama ay maawain at mapagpatawad. • Maitatala ang mga nagawang kamalian sa Diyos at kapwa at makakapangako na hihingi ng tawad. • Makakapagdasal ng Panalangin ng Pagsisisi. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng bata kapag sila ay nakasakit ng kanilang kapwa ( Hal: nanukso, nakipag-away, naging madamot at iba pa.) Ang pakikipagkaibigan ay napakagandang pag-uugali, nagiging masaya tayo dahil may kaibigan tayo. Ang pagiging makasarili ay hindi magandang pagkilos. Kapag tayo ay nagiging makasarili, hindi lang ang sarili natin ang sinasaktan natin, kundi ang iba at ang Diyos. Nais ni Jesus na tayo ay magpatawad. KAHALAGAHAN : Pagsisisi at paghingi ng tawad SALITA NG DIYOS: Lukas 18: 9-14 “….O Diyos mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Sa panalangin, lumalapit tayo sa Diyos upang humingi ng patawad sa ating nagawang kasalanan. (KIK 2631, KPK 2179)

Page 18: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

Katotohanan : Ang Diyos Ama ay maawain at mapagpatawad. (KIK 2840, KPK 1773, Jeremias 3:12) Pagsasabuhay :Nais ni Jesus na maging maawain tayo tulad ng Diyos Ama. (Lukas 6:36, KIK 2842, KPK 2182) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako ang Diyos Ama ay maawain at mapagpatawad. Pagtatalaga: Ilista ang mga nagawang kamalian sa Diyos at sa iyong kapwa. Gumawa ng pangako na hihingi ng patawad sa Diyos at sa taong nasaktan, na gagawin sa loob ng isang linggo. Pagdiriwang: Dasalin ang Panalangin ng Pagsisisi ( Prayer Booklet pahina 14 ) PAKSA 14: MARIA, INA NI JESUS AT INA KO RIN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang Mahal na Birheng Maria ay ina ni Jesus at Ina rin nating lahat. • Makakapili ng mga katangian ni Inang Maria na maaaring tularan. • Makakapag-alay ng panalangin kay Birheng Maria SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng pag-mamahal ng isang ina sa kanyang anak at pagmama-hal ng isang anak sa kanyang ina. Hindi lamang tayo biniyayaan ng Diyos ng mga ina natin dito sa lupa (earthly mother), bagkus binigyan pa Niya tayo ng pinakadakilang ina sa lahat ng ina, siya ang ina ni Jesus. KAHALAGAHAN : Pagmamahal sa ina at pagmama-hal sa Mahal na Birhen Maria SALITA NG DIYOS: Juan 19:25-27 Sinabi ni Jesus, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa Kanyang alagad, narito ang iyong ina!” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan: Ang Mahal na Birheng Maria ay ina ni Jesus at Ina rin nating lahat. (KIK 963, KPK 519-20, 547, 1433)

Page 19: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

Pagsasabuhay: Nais ni Jesus na igalang natin ang Kanyang ina at ina rin nating lahat. (KIK 971, 1172) Pagsamba: Ang mga kapistahan sa Mahal na Birheng Maria ay maituturing na mahalagang bahagi ng ating pagsamba sa Diyos. (Marialis Cultus 58, KPK 1539 -1540) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na si Maria ay Ina ni Jesus at Ina rin nating lahat. Pagtatalaga : Pumili ng isang katangian ni Inang Maria na nais mong tularan at handa mong simulan pagkatapos ng katekesis. Halimbawa : mapagpakumbaba-(hindi mayabang) , masunurin sa Diyos, matapang (hindi natakot sa sasabihin ng tao sumunod sa nais ng Diyos), simple, may pananalig sa Diyos, madasalin, mapagbigay, malinis, marunong makiisa. Pagdiriwang: Awit: Sino si Maria sa ating lahat? O, Maria. Siya’y Ina ng Diyos Siya’y ating ina. O, Maria aming ina, ipakita mo sa amin si Jesus hanggang sa kamatayan. PAKSA 15: ANYAYA NI JESUS, "HALINA SA PILING NG AMA" LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na lahat tayo ay inaanyayahan ni Jesus sa buhay na kapiling ang Diyos. • Makakapagbigay ng mga gagawing kabutihan sa kapwa upang makatugon sa paanyaya ni Jesus na makarating sa piling ng Ama. • Makikiisa ng buong puso sa pagdarasal ng Panalangin ng Pag-asa. SITWASYON NG BUHAY: Bunga ng lahat ng ating ginawang mabuti (nag-aral mabuti, gumawa ng mabuti, nagdarasal araw-araw, nagsimba….- bunga ng lahat ng ito ay “pagsunod kay Jesus” ) Bakit natin ito ginawa? Saan tayo dadalhin ng lahat ng mga ito? KAHALAGAHAN: Mabuting gawa

Page 20: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?

SALITA NG DIYOS:Juan 6:40 “…Ang lahat ng makakita at manalig sa Anak magka-roon ng buhay na walang hanggan.” Tito 2:12-13 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Lahat tayo ay inaanyayahan ni Jesus sa buhay na kapiling ang Diyos. (KIK 1020,1024,1025 , 1720-21, KPK 2057, 2068) Pagsasabuhay : Ang anumang mabuting gawain ay hakbang patungo sa buhay na ganap. (KPK 2041-2042) [ “Anumang magaling kahit na maliit basta’t malimit ay patungong langit.” - Cardinal Rosales ] Pagsamba: Sa tulong ng mga panalangin ng mga Santo at Santa at ng ating panalangin ay makakapiling natin ang Diyos Ama. ( KIK 956-957, 960) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na makakapiling ko balang araw sa langit ang Diyos, ang Mahal na Ina , ang mga Santo at Santa . Pagtatalaga : 1. Magbigay ng mga kabutihang gagawin mo sa iyong kapwa simula ngayon. 2. Pumili ng isang Santo o Santa na nais mong maging kaibigan. Pagdiriwang: Panalangin ng Pag-asa ( Prayer booklet pahina 9 ) Awit: Halina sa Ama. sa pamamagitan Ko , sa patnubay ng Espiritu Santo ( 2 X )

Page 21: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical Foundation · PDF filesiyang huwaran natin sa pakikipag-kaibigan sa iba. ... Ano ang masasabi ninyo kay Jesus sa mga ginawang Niyang ito?