12
GABAY SA PANGANGALAGA NG DUMI NG BABOY Agricultural Training Institute INTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRY Marawoy, Lipa City

GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

GABAY SA PANGANGALAGA NG DUMI NG BABOY

Agricultural Training InstituteINTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRYMarawoy, Lipa City

Page 2: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY2

BAKIT KAILANGANG PANGASIWAAN NANG MABUTI ANG DUMI NG BABUYAN?

Salaan at patuyuan ng dumi

Ang maling pamamaraan ng pangangasiwa ng dumi ng baboy ay maaaring magdulot ng problema sa lipunan at kapaligiran.

Kalimitang inirereklamo ng mga kapitbahay ang mabahong amoy, pagdami ng langaw sa lugar at ingay ng mga baboy.

Ang di-wastong pangangasiwa ng dumi ay maaaring maging sanhi ng polusyon sa hangin, tubig at lupa.

Page 3: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY 3

PAANO NAKAAAPEKTO ANG DUMI NG BABUYAN SA KALIKASAN?

Ang dumi ng baboy ay nagbibigay ng hindi kanais-nais na amoy. Ito ay nagmumula sa ammonia na galing sa ihi at dumi ng baboy.

Bukod sa ammonia, may iba pang “gasses” na nagmumula sa dumi ng baboy tulad ng “carbon dioxide,” “methane,” “hydrogen sulfide” at iba pang nakasisira sa “ozone layer” ng mundo. Ang “ozone layer” ay bahagi ng kalawakan na humahadlang sa masasamang bahagi ng sinag ng araw.

Ang tubig ay maaaring makontamina ng mga “heavy metals” at mikrobyo na galing sa dumi ng baboy. Ito ay maaaring mangyari kung ang dumi ng baboy ay maaanod ng baha o kaya ay tahasang itatapon sa mga ilog. And dumi ng baboy ay magandang pakain sa mga organismo (“plankton” at “algae”) sa ilog na kinakain ng isda, ngunit kung sobra ay maaaring maging sanhi ng “eutrophication.” Ang “eutrophication” ay ang pagdami ng organismo at pagbaba ng “oxygen” sa tubig na maaaring ikamatay ng mga isda o “fish kill.” Ang mga “liquid wastes” ay maaari ring suminip sa lupa at umabot sa “underground water” na pinagkukunan ng inuming tubig.

Ang dumi na itinambak sa lupa ay maaaring magdulot ng hindi balanseng sustansya sa lupa na makaaapekto sa pagsibol at paglaki ng mga halaman.

Page 4: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY4

MAY PAKINABANG BA SA DUMI NG BABUYAN?

Maraming pakinabang sa dumi ng baboy kung wasto ang pangangasiwa at paggamit nito.

Ang organikong pataba mula sa “solid” at “liquid wastes” ay nakapagpapaganda ng kalidad ng lupa. Maaari rin itong gamiting patubig sa halamanan.

Ang dumi ng baboy ay napagkukunan din ng “biogas” na maaaring gamiting panggatong sa kusina o sa ibang makinarya tulad ng “generator.”

“Biogas Holder”

Page 5: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY 5

ANO ANG IBA'T IBANG PARAAN NG MABISANG PANGANGASIWA NG DUMI

SA BABUYAN?

Una, isagawa ang mga paraan upang mabawasan ang dami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa babuyan tulad ng:

a. “Dry Cleaning.” Ito ay isang paraan na kung saan ang dumi ng baboy ay winawalis at dinadakot upang maiwasan ang paggamit ng maraming tubig.

b. Paggamit ng “power sprayer.” Mas kokonti ang tubig na magagamit kung “power sprayer” ang gagamitin kaysa tabo at blade o “water hose.”

c. “Phase Feeding.” Ito ay ang paggamit ng angkop na pakain batay sa edad at laki ng baboy. Ang anumang sobrang pakain at sustansya sa pakain ay mapupunta lamang sa dumi ng baboy.

d. Pagtataas ng “digestibility” ng pakain. Ilan ang pamamaraan na maaaring gawin upang maitaas ang “digestibility” ng pakain. Una, piliin ang sangkap para sa pakain na madaling tunawin ng baboy. Ikalawa, maglagay ng mga “enzymes” na tumutulong sa pagtunaw ng pakain. Ang mga proseso ng paggawa ng pakain tulad ng “pelleting,” “extrusion” at “precooking” ng mga sangkap ay nagpapataas din ng “digestibility.” Kung madaling tunawin ang pakain, marami ang sangkap na makukunsumo ng baboy at mababawasan ang dami ng dumi na ilalabas ng mga hayop.

e. Paggamit ng “slatted flooring.” Ang “slatted flooring” ay isang uri ng sahig na may siwang, na kung saan ang dumi

1

Page 6: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY6

Pangalawa, bawasan ang amoy mula sa babuyan sa pamamagitan ng:

a. Paggamit ng “feed additives” na nakababawas ng amoy, tulad ng “zeolite” at “plant extracts.”

b. Paggamit ng “effective microorganism” o kemikal na pumapatay at lumalaban sa organismong nagbibigay ng masamang amoy o kaya ay nagtatakip sa masangsang na amoy.

c. Dagliang pagwawalay ng dumi sa ihi at tubig. Ang naghalong dumi, ihi, at tubig. Ang naghalong dumi, ihi at tubig ay magandang kombinasyon para magsimula ang “fermentation” ng mga dumi na sanhi ng pagkakaroon ng mabahong amoy. Maaaring gamitin ang “dry cleaning” o kaya ay “screen” o “manure separators.”

d. Panatilihing laging malinis ang kulungan ng mga baboy. e. Pagtatanim ng halaman at iba’t-ibang punong kahoy sa paligid

ng kulungan. Ang mga ito ay tumutulong upang mapanatili ang presko at malamig na simoy ng hangin sa kulungan.

ay nalalaglag sa butas at ang mga baboy ay hindi gaanong nadudumihan. Sa ganitong uri ng sahig, konting tubig lamang ang magagamit sa paglilinis ng kulungan at mga baboy.

f. Maayos na kulungan. Mababawasan ang pagpapaligo sa baboy kung ang kulungan ng baboy ay maginhawa at hindi mainit.

2

Page 7: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY 7

Pangatlo, i-process ang “solid” at “liquid wastes” ng babuyan upang magamit muli o mabawasan ang epekto sa kalikasan.

a. “Biogas production.” Ito ay isang uri ng “anaerobic processing” upang makakuha ng “methane gas” sa dumi ng mga baboy. Sa pamamagitan ng prosesong ito nababawasan ang amoy ng dumi.

b. ”Septic tank” o poso negro. Ito ay isa ring uri ng “anaerobic processing” ng dumi ngunit hindi kinokolekta ang gas. Ang tangke ng dumi ay selyado upang hindi lumabas ang amoy.

3

“Biogas Digester”

Page 8: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

GABAY SA PAG-AALAGA NG DUMI NG BABOY8

c. “Lagoon” o balon. Ito ay ang pag-iimbak ng dumi sa magkakasunod na bukas na balon. Maaari itong tawaging “aerobic processing” lalung-lalo na kung lalagyan ng mga “aerators.” Dito rin maaaring pa-tiningin ang mga “solid wastes” upang maihiwalay ang mga ito.

d. “Organic Fertilizer production.” Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang “solid wastes” ay hinahaluan ng mga “plant residues.” Ang paglalagay ng “effective microorganisms” tulad ng Trichoderma at Azotobacter ay makatutulong upang magkaroon ng organikong pataba sa loob ng isang buwan.

TUBULAR POLYETHYLENE DIGESTER (TPED)

Page 9: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

Produced by ATI ITCPH. Content by Technical Staff. Packaging by Information Services. Layout by Anne Kristell Dela Peña.

GABAY SA PANGANGALAGA NG

DUMI NG BABOY

Page 10: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

Ang ATI-ITCPH ay handang tumulong sa mga magbababoy at mga nais magtayo ng babuyan sa pamamagitan ng: • Pag sasanay sa pag-aalaga ng baboy at sa iba’t-ibang

aspeto nito tulad ng Artificial Insemination, Waste Management, Feed Milling at Meat Processing

• Pagpapayo at pakikipag-ugnayan

• Paglilimbag ng mga polyeto at mga babasahin

• Pagpapalawig ng mga ideya, kaisipan at isyu na may kinalaman sa indutriya ng baboy

Ang International Training Center on Pig Husbandry (ITCPH) ay isa sa mga sentro ng sanayan sa agrikultura na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI). Itinatag ito taong 1985. Ito ang kaisa-isahang sanayan sa Pilipinas na tumutuon sa pag-aalaga ng baboy. Ang gusali ng ATI-ITCPH ay matatagpuan sa Balintawak Road, Marawoy, Lipa City, Batangas.

Page 11: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

ATI-ITCPHLearning by doing.

Page 12: GABAY SA PANGANGALAGA - irp-cdn. · PDF filedami ng “solid” at “liquid wastes” na nanggagaling sa ... ang presko at malamig na simoy ng hangin sa ... processing” ng dumi

Para sa karagdagang impormasyon sumulat o tumawag kay:

DR. RUTH S. MICLAT-SONACOCenter Director

Agricultural Training InstituteINTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRYP.O. Box 1, Lipa City, 4217 Batangas

+63 918 903 0121

(043) 756 1996/1987

(043) 756 1995

[email protected]

atiitcph.com

@InternationalTrainingCenterOnPigHusbandry @atiitcph