3
Gabay sa Pagtatalakay Hinggil sa Lumalalang Krisis sa ilalim ng rehimeng US-Aquino Inihanda ng Alaysining Lalong sumasahol ang kalagayan ng mga mamamayan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino. Sa loob ng mahigit apat (4) na taon ng kanyang pamumuno, tumindi ang kalagayang mala-kolonyal at mala-pyudal ng Pilipinas. Sadyang malaki na ang kasalanan ng rehimen sa mga mamamayan: 1. Kawalan ng batayang serbisyong panlipunan at pagsunod sa neoliberal na mga patakaran Lalong inilalayo sa mga mamamayan ang mga karapatan nito sa edukasyon, kalusugan at iba pang batayang serbisyo. Pinasahol pa lalo ng rehimeng Aquino ang kalagayang ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga neoliberalistang patakaran ng pribatisasyon na tulak ng Estados Unidos at ng mga ahensya nito tulad ng International Monetary Fund at World Bank. Sa pagsisimula ng pasukan, sinalubong ang mga kabataan ng muling pagtataas ng matrikula at iba pang mga bayarin. Ayon sa pagaaral ng NUSP, mahigit 400 na pribadong pamantasan ang inaprubahan ng CHED na magtaas na matrikula para sa akademikong taong 2014-2015. Samantala, ang mga pampublikong pamantasan naman tulad ng UP ay nakararanas din ng matataas na bayarin. Sa pag-abruba ng reporma sa “bagong” Socialized Tuition System, lalong pinadali ang paniningil ng mataas na matrikula sa mga iskolar ng bayan na aabot sa P1,500 kada unit. Sa loob ng STS, maging ang mga may student number na 2012-pababa ay kailangang mag-apply. Ibig sabihin, P1,500 ang default tuition ng LAHAT ng estudyanteng papasok sa darating na semestre kung hindi sila mabibigyan ng “tuition discount.” Dagdag pa, bahagi ng neoliberalistang patakaran sa pamantasan ang pagpapatupad ng Academic Calendar Shift, na naglalayong palalain ang kolonyal na katangian ng edukasyon sa pamantasan. Tinutulak din ngayon ang pagbebenta ng mga assets ng mga pampublikong institusyon, halimbawa dito ang pag-lease ng lupa ng UP para sa bagong proyekto ng Ayala na UP Town Center. Sa ilalim ng Public Private Partnership Program, lalong naitutulak ang pribatisasyon ng mga pampublikong institusyon at lupain. Maraming komunidad ang may banta ng demolisyon upang pagtayuan ng mga negosyo. Sa mga komunidad sa Quezon City, upang ma-extend ang QCCBD project, layong i-demolish at ipa-auction ang ilang lupa sa Brgy. Pansol sa UP, at pag-benta naman sa komunidad sa Commonwealth avenue bilang bahagi ng Controlled Economic Zone o CEZ. 2. Lumalalang kahirapan at kawalang kabuhayan sa bansa Habang patuloy na sumusunod sa patakarang neoliberal ang gubyernong Aquino, tumitindi lalo ang kahirapan at kawalan ng kabuhayan sa bansa . Ang 7% pagtaas ng ekonomiya na ipinagmamayabang ni Aquino ay hindi sumasalamin sa kalagayan ng mga mamamayan. Sa katunayan, lalong dumarami ang nagugutom at mahirap. Ayon sa IBON, umabot sa 4.5 Milyon ang walang trabaho sa bansa nitong 2013. Walang kasiguraduhan sa trabaho dahil laganap ang kontraktuwalisasyon. Wala pa ring substansyal na umento sa sahod kahit mahigit P1,054 kada araw ang kailangan ng isang pamilya. Itinutulak din ang deregulasyon ng presyo ng mga batayang produkto tulad ng langis, tubig at kuryente. Sa ilalim ng Oil Deregulation Law, walang-habas na sumisirit ang presyo ng langis na nagtutulak sa pagtaas ng pamasahe patungong P8.50 para sa minimum fare. Samantala, nananatili pa rin ang panukala na itaas ng P4.15/kwh ang singil sa kuryente na pinadudulas ng Electric and Power Industy Reform Act o EPIRA. Laganap pa rin ang kawalan ng lupa para sa mahigit 75% ng mamamayang Pilipino. Ngayong Hunyo ay magtatapos na ang CARPER, ngunit malayo pa rin sa target nito ang lupang naipapamahagi sa mga magsasaka. Ayon mismo sa DAR, wala pa sa 40% ng target nitong lupa ang naipapamahagi. Sa katunayan, sa loob ng mahigit 26 taon ng pagpapatupad nito, ang CARPER ay nagsilbing batas upang mapanatili pa sa kamay ng iilang mga Panginoong Maylupa ang libu-libong ektarya ng mga lupang sakahan. Pinananatili nito ang atrasadong katangian ng ekonomiya ng Pilipinas at ang kawalan ng pambansang industriya. Ilang buwan matapos rumagasa ang bagyong Yolanda, hindi pa rin nakakabangon at lalo pang lumalala ang kalagayan ng mga mamamayan lalo na sa Eastern Visayas. hindi pa rin sapat at nanatiling inutil ang gubyernong Aquino sa pagsisiguro ng rehabilitasyon sa mga nasalanta. Nagpatupad pa ng ‘no-build zone’ policy ang gubyerno na pumipigil sa mga mamamayan ng Eastern Visayas na muling maitindig ang kanilang mga bahay at kabuhayan para lamang papasukin ang interes ng mga malalaking negosyante.

Gabay Sa Talakayan Hinggil Sa Lumalalang Krisis Sa Ilalim Ng Rehimeng Aquino (1)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Gabay Sa Talakayan Hinggil Sa Lumalalang Krisis Sa Ilalim Ng Rehimeng Aquino (1)

Citation preview

  • Gabay sa Pagtatalakay Hinggil sa Lumalalang Krisis sa

    ilalim ng rehimeng US-Aquino

    Inihanda ng Alaysining

    Lalong sumasahol ang kalagayan ng mga mamamayan sa

    ilalim ng rehimeng US-Aquino. Sa loob ng mahigit apat (4)

    na taon ng kanyang pamumuno, tumindi ang kalagayang

    mala-kolonyal at mala-pyudal ng Pilipinas. Sadyang malaki

    na ang kasalanan ng rehimen sa mga mamamayan:

    1. Kawalan ng batayang serbisyong panlipunan at

    pagsunod sa neoliberal na mga patakaran

    Lalong inilalayo sa mga mamamayan ang mga karapatan

    nito sa edukasyon, kalusugan at iba pang batayang

    serbisyo. Pinasahol pa lalo ng rehimeng Aquino ang

    kalagayang ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga

    neoliberalistang patakaran ng pribatisasyon na tulak ng

    Estados Unidos at ng mga ahensya nito tulad ng

    International Monetary Fund at World Bank.

    Sa pagsisimula ng pasukan, sinalubong ang mga kabataan

    ng muling pagtataas ng matrikula at iba pang mga bayarin.

    Ayon sa pagaaral ng NUSP, mahigit 400 na pribadong

    pamantasan ang inaprubahan ng CHED na magtaas na

    matrikula para sa akademikong taong 2014-2015.

    Samantala, ang mga pampublikong pamantasan naman

    tulad ng UP ay nakararanas din ng matataas na bayarin. Sa

    pag-abruba ng reporma sa bagong Socialized Tuition

    System, lalong pinadali ang paniningil ng mataas na

    matrikula sa mga iskolar ng bayan na aabot sa P1,500 kada

    unit. Sa loob ng STS, maging ang mga may student number

    na 2012-pababa ay kailangang mag-apply. Ibig sabihin,

    P1,500 ang default tuition ng LAHAT ng estudyanteng

    papasok sa darating na semestre kung hindi sila

    mabibigyan ng tuition discount. Dagdag pa, bahagi ng

    neoliberalistang patakaran sa pamantasan ang

    pagpapatupad ng Academic Calendar Shift, na naglalayong

    palalain ang kolonyal na katangian ng edukasyon sa

    pamantasan. Tinutulak din ngayon ang pagbebenta ng mga

    assets ng mga pampublikong institusyon, halimbawa dito

    ang pag-lease ng lupa ng UP para sa bagong proyekto ng

    Ayala na UP Town Center.

    Sa ilalim ng Public Private Partnership Program, lalong

    naitutulak ang pribatisasyon ng mga pampublikong

    institusyon at lupain. Maraming komunidad ang may banta

    ng demolisyon upang pagtayuan ng mga negosyo. Sa mga

    komunidad sa Quezon City, upang ma-extend ang QCCBD

    project, layong i-demolish at ipa-auction ang ilang lupa sa

    Brgy. Pansol sa UP, at pag-benta naman sa komunidad sa

    Commonwealth avenue bilang bahagi ng Controlled

    Economic Zone o CEZ.

    2. Lumalalang kahirapan at kawalang kabuhayan sa

    bansa

    Habang patuloy na sumusunod sa patakarang neoliberal

    ang gubyernong Aquino, tumitindi lalo ang kahirapan at

    kawalan ng kabuhayan sa bansa . Ang 7% pagtaas ng

    ekonomiya na ipinagmamayabang ni Aquino ay hindi

    sumasalamin sa kalagayan ng mga mamamayan. Sa

    katunayan, lalong dumarami ang nagugutom at mahirap.

    Ayon sa IBON, umabot sa 4.5 Milyon ang walang trabaho

    sa bansa nitong 2013. Walang kasiguraduhan sa trabaho

    dahil laganap ang kontraktuwalisasyon. Wala pa ring

    substansyal na umento sa sahod kahit mahigit P1,054 kada

    araw ang kailangan ng isang pamilya.

    Itinutulak din ang deregulasyon ng presyo ng mga

    batayang produkto tulad ng langis, tubig at kuryente. Sa

    ilalim ng Oil Deregulation Law, walang-habas na sumisirit

    ang presyo ng langis na nagtutulak sa pagtaas ng

    pamasahe patungong P8.50 para sa minimum fare.

    Samantala, nananatili pa rin ang panukala na itaas ng

    P4.15/kwh ang singil sa kuryente na pinadudulas ng

    Electric and Power Industy Reform Act o EPIRA.

    Laganap pa rin ang kawalan ng lupa para sa mahigit 75%

    ng mamamayang Pilipino. Ngayong Hunyo ay magtatapos

    na ang CARPER, ngunit malayo pa rin sa target nito ang

    lupang naipapamahagi sa mga magsasaka. Ayon mismo sa

    DAR, wala pa sa 40% ng target nitong lupa ang

    naipapamahagi. Sa katunayan, sa loob ng mahigit 26 taon

    ng pagpapatupad nito, ang CARPER ay nagsilbing batas

    upang mapanatili pa sa kamay ng iilang mga Panginoong

    Maylupa ang libu-libong ektarya ng mga lupang sakahan.

    Pinananatili nito ang atrasadong katangian ng ekonomiya

    ng Pilipinas at ang kawalan ng pambansang industriya.

    Ilang buwan matapos rumagasa ang bagyong Yolanda,

    hindi pa rin nakakabangon at lalo pang lumalala ang

    kalagayan ng mga mamamayan lalo na sa Eastern Visayas.

    hindi pa rin sapat at nanatiling inutil ang gubyernong

    Aquino sa pagsisiguro ng rehabilitasyon sa mga nasalanta.

    Nagpatupad pa ng no-build zone policy ang gubyerno na

    pumipigil sa mga mamamayan ng Eastern Visayas na

    muling maitindig ang kanilang mga bahay at kabuhayan

    para lamang papasukin ang interes ng mga malalaking

    negosyante.

  • 3. Pagsuko ng soberanya ng bansa at pagpasok ng base-

    militar ng US

    Pormal na isinuko ni Aquino ang soberanya ng bansa ng

    pirmahan niya ang Enhance Defense Cooperation

    Agreement o EDCA. Layon ng kasunduang ito na bigyang

    laya ang mga tropang Amerikano na mag-base saan mang

    lugar sa bansa. Ginagamit ng Imperyalismong Estados

    Unidos at ni Aquino ang pagpasok ng Tsina bilang dahilan

    upang palakasin ang presensya ng tropang Kano sa bansa.

    Ngunit nanggaling na mismo sa bibig ni Obama na hindi

    awtomatikong tutulong ang US kung sakaling magkaroon

    ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Sa katunayan,

    malaki ang ganansya ng US sa Tsina dahil ang kalakhan ng

    kapital na ine-export nito, lalo na sa manupaktura, ay

    napupunta sa Tsina. Ang Tsina din ang pinaka-malaking

    pinagkakautangan ng US.

    Ang EDCA ay bahagi ng pagpapalakas ng presensya o pivot

    ng US sa Asia-Pacific upang maisalba ang naghihingalo

    nitong ekonomiya laban sa lumalaking mga kakumpitensya

    nito kabilang ang Tsina. Bahagi ang EDCA ng ilang pang

    mga di-pantay na kasunduang militar sa pagitan ng US at

    Pilipinas tulad na lamang ng Visiting Forces Agreement,

    Mutual Logistics Support Agreement, at Mutual Defense

    Treaty.

    Sa katunayan, ang pulitikal na maniobra na ito ay may

    kaakibat na polisiyang pang-ekonomiya; niluluto ng

    gubyerno ngayon, na may basbas ng US, ang Charter

    Change o Cha-Cha na magtutulak pa ng liberalisasyon ng

    ekonomiya. Sa pag-amyenda sa konstitusyon ay

    papayagan nito ang 100% na pagmamay-ari ng dayuhan sa

    mga rekurso ng bansa. Tulak ito ng Imperyalistang US

    bilang bahagi ng Trans Pacific Partnership Agreement na

    lalong magtatali sa ekonomiya ng Pilipinas sa kontrol ng US.

    4. Tumitinding isyu ng kurapsyon at katiwalian

    Lalong nailantad ang lumalalang kurapsyon at kabulukan

    ng rehimen nang maisiwalat ang usapin ng Pork Barrel

    scam. Pilit pa ring pinagtatakpan ni Aquino ang malalang

    kurapsyon sa kanyang rehimen na mismong mga ka-alyado

    niya ang sangkot. Sa katunayan, matagal nang alam ni

    Aquino kasama ng mga alyado nito tulad ni Butch Abad at

    Proceso Alcala ang listahan at kaso ng mga sangkot sa Pork

    Barrel scam.

    Hindi pa rin nito tinatanggal ang sistema ng pork barrel at

    ipinagtanggol pa nito ang panuhol nitong Disbursement

    Acceleration Program Fund o DAP. Sa katunayan, higit sa

    1Trillion pa rin o halos kalahati ng pambansang badyet ay

    nasa discretion pa rin ni Aquino. Lalong pinasahol ang

    korapsyon sa bansa dahil na konsentra na lamang sa iilan

    ang pondo ng gubyerno.

    Bukod pa dito ang iba pang mga kaso ng anomalya tulad

    na lamang sa mga kontrata ng gubyerno bilang bahagi ng

    Public Private Partnership Projects nito.

    5. Pasismo at lumalalang kaso ng paglabag sa

    karapatang-pantao sa ilalim ni Aquino

    Habang tumitindi ang kahirapan na dinaranas ng

    mamamayan, lalo pa silang sinusupil ng gubyernong

    Aquino sa pamamagitan ng pag-atake sa mga progresibong

    organisasyon at ang ganap na pagpapalaganap ng pasismo.

    Ang programa kontra-insurhensya ay nagpalala pa ng kaso

    ng paglabag sa karapatang tao sa bansa. Sa ilalim ng Oplan

    Bayanihan, pinalalakas ngayon ang militarisasyon lalo na

    sa bahagi ng Mindanao kung saan malaki ang interes ng

    mga dayuhang negosyo sa usapin ng rekurso. Target

    nitong tapusin ang insurhensya sa bansa kahit hindi naman

    nasasagot ang pundamental na usapin ng pagkakaroon ng

    ganito.

    Ayon sa datos ng Karapatan, sa unang kwarto pa lamang

    ng taon, umaabot na sa 192 na ang kaso ng Extra-judicial

    killings, 21 Enforced Disappereances, at 94 na kaso ng

    torture. Dumarami din ang mga bilanggong pulitikal sa

    ilalim ni Aquino. Kabilang dito ang ating kapwa iskolar ng

    bayan na si Maricon Montajes, isang film student, na

    tinaguriang pinaka-batang bilanggong pulitikal sa bansa.

    Wala pa ring balak ang gubyernong Aquino na buksan ang

    usapang pang-kapayapaan. Patuloy pa rin ang mga kaso ng

    paglabag nito sa Comprehensive Agreement for Respect

    for Human Rights and the International Humanitarian Law

    o CARHRIHL sa pamamagitan ng arbitraryong paghuli at

    pagpatay sa mga NDF consultants. Hindi pa rin

    pinapakawalan and mga tulad nina Benito Tiamzon at

    Wilma Austria na mga dokumentadong NDF consultants.

    Sadyang walang pakundangan ang rehimen na ito lalo na

    sa mga mamayang nanggigiit ng kanilang mga karapatan.

    Sa harap ng tumitinding krisis sa ilalim ng bulok na

    sistemang pinapairal ng rehimeng US-Aquino, ano ang

    dapat gawin ng mga kabataan at mga artista ng bayan?

    Malinaw na sa atin ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino.

    Kayat wala nang iba pang akmang gawin kung hindi ang

    ipanawagan ang agarang pagpapatalsik kay Aquino. Hindi

    na makakaasa ang mamamayan sa Tuwid na Daan na para

    lamang sa iilan at mga dayuhan. Kinakailangang buong-

  • siglang pabagsakin ng mamamayan ang rehimen ni Aquino

    at isulong ang tunay na kalayaan at demokrasya sa bansa.

    Para magawa ito ay kinakailangang:

    1. Mapukaw natin ang pinaka-malawak na hanay ng

    kabataan at mamamayan upang maipakita ang

    katotohanan sa ilalim ng bulok na sistemang. Dapat

    tayong lumikha ng mga sining na sumasalamin sa

    kalagayan ng lipunan at naghihimok sa mga kabataan

    at mamamayan na kumilos. Kailangang pasiglahin din

    ang mga pagaaral hinggil sa lipunan at rebolusyong

    Pilipino upang mapalalim ang unawa ng mga kabataan

    at artista ng bayan sa kalagayan ng lipunan at kung

    paano babaguhin ito.

    2. Ma-organisa ang malawak na hanay ng kabataan at

    mamamayan upang sama-samang tumindig para sa

    ating mga karapatan. Bukas ang Alaysining para sa

    lahat ng kabataan at manggagawang pangkultura na

    nais baguhin ang lipunan. Palakasin ang kasapian ng

    ating mga organisasyon.

    3. Mapa-kilos ang pinaka-malawak na hanay ng

    kabataan mula sa ating pamantasan, maging sa mga

    komunidad, pabrika, at sakahan, upang ganap na

    mailantad ang despotikong rehimeng Aquino. Tanging

    sa sama-samang pagkilos lamang natin tunay na

    malalabanan ang kabulukan ng sistemang panlipunan

    at maitataguyod ang ating mga batayang karapatan.

    Mga kagyat na aktibidad:

    June 30- Peasant mobilization against CARPER

    July 8- Peoples Surge Mob 8 months after Yolanda

    July 18- State of the Youth Address

    July 28- Peoples SONA

    Ilantad at singilin ang pabaya, pahirap, tuta, at

    kurap rehimeng US-Aquino!

    Labanan ang tumitinding pasismo sa

    mamamayan!

    Isulong ang pambansang soberanya at

    demokratikong karapatan!