Gano Kasafe Ang Social Network Nyo

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/3/2019 Gano Kasafe Ang Social Network Nyo

    1/2

    Gaano ka-safe ang social network nyo?Noel Sales Barcelona

    Katulad ng kampanya ng isang malaking network, dapat lagi nating isipinuna sa lahatang ating kaligtasan kapag gumagamit tayo ng internet,

    partikular sa ating pakikisalamuha sa alinmang networking site, gaya ngFacebook at Twitter.

    Narito ang ilang healthy at safety tips para maging masaya, ligtas atkaiga-igaya ang ating pakikipag-Facebook, Twitter atbp.:

    1. Maging maingat sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa sarili.

    Iwasang ilagay ang ating buong email at physical address, telepono atmobile number sa ating networking profile. Iwasan ding ilagay ang ilangkawing o links na maaaring magbigay ng signal na makilala o mausisaang buo mong pagkatao. Tandaan: Hindi naman lahat ng makakikita nginyong profile ay friendly o talagang mapagtitiwalaan.

    2. Matutong suriin at gamitin ang safety features ng inyong networkingsite.

    Marami sa atin ang hindi na nakaalam kung paano gamitin ang ilangsecurity at safety features ng isang networking site gaya ng Facebook,Plurk at Twitter. Kung bago ka pa lamang sa pakikipagsosyalan sainternet, laging unahing kalikutin ang account settings at maging ang help

    sections ng inyong social networking site para mailagay sa ligtas anginyong buhay at maging ang mga kakilalat kapamilya.

    3. Huwag pabola sa internet. Maging mapagdudasa healthy napamamaraan.

    Nakatutuwa na magkaroon ng mahigit 1,000 kaibigan sa internet. Pero,hindi lahat sa kanila ay dapat pagtiwalaan nang lubos at husto. Ulat ngCriminal Investigation and Detection Group, nasa 2,264 na kaso na ngkrimeng may kinalaman sa internet ang napaulat sa kanilang tanggapansa pagitan ng mga taong 2003 at 2007.

    Paano nangyayari ang lahat ng ito? Sa labis na pagtitiwala at hindipagiging palasuri sa mga impormasyon at mga taong nasasagap (atnakasasalamuha) sa internet, hindi lamang sa mga networking site.

    Alamin lagi ang katotohanan sa likod ng mga impormasyon. Gaya nangnasabi, huwag agad ibigay ang pinakapersonal na impormasyon, kabilangna ang inyong credit card number at account sa bangko para iwasperwisyo at peligro.

    4. Tukuyin ang tiktik sa internet at agad na iulat ito sa mga awtoridad.

  • 8/3/2019 Gano Kasafe Ang Social Network Nyo

    2/2

    Kung napapansing mayroong kahina-hinala sa inyong circle of friends,huwag mag-atubiling mag-imbestiga at iulat sa may kapangyarihan angkaduda-dudang aktibidad sa internet.

    Samantala, nagbigay naman ang internet safety site na

    internetsafetyrules.org ng iba pang kapaki-pakinabang na tips paramaging laging ligtas ang ating pakikipagtsikahan at pakikipagkaibigan sainternet:

    Pumili ng user name na hindi makapagtutukoy sa inyong tunay nakasarian.

    Para sa mga kabataan, huwag na huwag magbigay ng personal naimpormasyon, kahit sa tunay na mga kaibigan malibang maynakaaalam na magulang.

    Iwasang tumalakay ng negatibong mga bagay hinggil sa inyong

    pamilya, kaguruan, relihiyon atbp. Iwasan din ang mga diskusyongmaaaring magdulot ng negatibong impluwensiya sa inyongpaniniwala hinggil sa pagpapamilya, edukasyon, relihiyo, etc.

    Ipaalam agad sa inyong mga magulang o sa mga pumapatnubay sainyo (guardians) ang alinmang bagay na nakita ninyo sa internet nanagbibigay ng asiwang pkairamdam.

    Maging laging mulat at malakas ang pakiramdam, laluna kungmakikipag-usap sa mga tao sa inyong networking site. Tandaangmaaaring nagpapanggap lamang silang kakilala mong totoo.

    Iwasan ang mga chatrooms na tumatalakay ukol sa sex, sa mgakulto o karahasan. Maaari kayong mapahamak dito.

    Huwag na huwag makipagkita sa mga taong nakilala lamang dahilsa internet.

    Sa kabilang banda, maaari rin namang gumamit ng filters at software nanagpapataas ng kaligtasan sa paggamit ninyo ng internet para iwas gulo,iwas pahamak at iwas perwisyo.