17
Undertanding by Diskarte: CRASH COURSE sa Understanding by Design (UBD) at Iba Pang Kaugnay na Konseptong Pang-Edukasyon sa Konteksto ng Edukasyon sa Pilipinas 1 Mga Layunin ng Talakayan Maipaliwanag ang UBD sa konteksto ng edukasyon sa Pilipinas Makapagpakita ng halimbawa ng isang buong Unit Plan na nilapatan ng UBD Makalikha ng sariling Unit Plan ang mga kalahok Masuri ang ilan sa output ng mga kalahok Ang Understanding By Design at Ang Iba Pang Konseptong Pang-edukasyon Ang UBD ay naimpluwensyahan ng constructivism na lumitaw noong pang 1700s-1900s (ang pagkatuto ay mas mabisa kung galing sa karanasan/experiential learning; ang guro ay facilitator ng pagkatuto; ang edukasyon ay dapat kontekstwalisado) Impluwensyado rin ng pagtuturong student/learner-centered ang UBD Nauna pa sa UBD ang critical pedagogy ni Paulo Freire noong 1960s-1990s (alinsunod sa dulog o approach na ito, ang edukasyon ay tinuturing na paraan upang suriin ang lipunan at gamitin ang edukasyon/pagkatuto tungo sa pag-unlad/pagpapabuti/pagbabago ng lipunan; edukasyong may patutunguhan: hindi nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan, inihahanda ang mga estudyante sa totoong mundo; ang mga mag-aaral ay tinuturuang maging critical thinkers sa halip na passive observers) Ang UBD ay nakatutulong sa paglinang/development ng Higher Order Thinking Skills/HOTS 1 Lektura/handout (May 26, 2010 – Caritas Don Bosco, Biñan, Laguna) na inihanda ni David Michael M. San Juan, dating nanunuparang tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralan ng Colegio San Agustin- Makati at kasalukuyang part-time lecturer sa De La Salle University-Manila; nagtapos ng Master of Arts in Teaching Filipino sa Philippine Normal University.

Generic UBD

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Generic UBD

“Undertanding by Diskarte: CRASH COURSE sa Understanding by Design (UBD) at Iba Pang Kaugnay na

Konseptong Pang-Edukasyon sa Konteksto ng Edukasyon sa Pilipinas1”

Mga Layunin ng Talakayan• Maipaliwanag ang UBD sa konteksto ng edukasyon sa Pilipinas• Makapagpakita ng halimbawa ng isang buong Unit Plan na

nilapatan ng UBD • Makalikha ng sariling Unit Plan ang mga kalahok• Masuri ang ilan sa output ng mga kalahok

Ang Understanding By Design atAng Iba Pang Konseptong Pang-edukasyon

Ang UBD ay naimpluwensyahan ng constructivism na lumitaw noong pang 1700s-1900s (ang pagkatuto ay mas mabisa kung galing sa karanasan/experiential learning; ang guro ay facilitator ng pagkatuto; ang edukasyon ay dapat kontekstwalisado)

Impluwensyado rin ng pagtuturong student/learner-centered ang UBD

Nauna pa sa UBD ang critical pedagogy ni Paulo Freire noong 1960s-1990s (alinsunod sa dulog o approach na ito, ang edukasyon ay tinuturing na paraan upang suriin ang lipunan at gamitin ang edukasyon/pagkatuto tungo sa pag-unlad/pagpapabuti/pagbabago ng lipunan; edukasyong may patutunguhan: hindi nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan, inihahanda ang mga estudyante sa totoong mundo; ang mga mag-aaral ay tinuturuang maging critical thinkers sa halip na passive observers)

Ang UBD ay nakatutulong sa paglinang/development ng Higher Order Thinking Skills/HOTS

Ang Content-Based Instruction (CBI) ay isang paraan upang malinang o ma-develop ang mga “big ideas” sa UBD

Samakatwid, dati pang alam ng mga guro kung paano magturo nang mala-UBD. Ang ginawa lamang nina Wiggins at McTighe ay pinaghalu-halo ang mga lumang konsepto, nilagyan ng bagong pangalan at iginawa ng padron/pattern na mas mukhang organisado sa paningin/sa unang sipat.

Ang konsepto ng UBD ay matagal nang ginagamit ng mga guro sa Pilipinas sa paraan ng pagtatanong at sa mga gawain/aktibidad sa klase

1 Lektura/handout (May 26, 2010 – Caritas Don Bosco, Biñan, Laguna) na inihanda ni David Michael M. San Juan, dating nanunuparang tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralan ng Colegio San Agustin-Makati at kasalukuyang part-time lecturer sa De La Salle University-Manila; nagtapos ng Master of Arts in Teaching Filipino sa Philippine Normal University.

Page 2: Generic UBD

Ang UBD ay isa lamang dulog o approach sa pagtuturo na ang pangunahing konsepto ay dati na nating alam at ginagamit.

Hindi na tayo mahihirapang gamitin ang UBD sa pagtuturo, dahil ang konsepto nito ay dati na nating ginagamit.

Banking Education (terminong mula kay Paulo Freire); sarili kong salin: EDUKASYONG SUKSOK-HUGOT/Edukasyong Alkansya (sistema ng edukasyon na taliwas/kabaligtaran ng UBD)

Tradisyunal na sistema ng edukasyon sa mga bansang Third World

Pagtuturong Teacher-centered Ang guro lamang ang pinanggagalingan ng

“kaalaman/impormasyon” Ang mga estudyante ay passive na tagatanggap/recepient

lamang ng “kaalaman/impormasyon” mula sa guro Ang mga “kaalaman/impormasyon” ay “idinedeposito” sa

utak/isip ng mga mag-aaral na parang barya/coin sa alkansya; sa pagsusulit ay “huhugutin” ang mga “kaalaman/impormasyon”

Walang bisa ang pagkatuto; halos memorisasyon lamang ang natututuhan ng estudyante

Ang banking education na matagal nang pinuna at tinuligsa ni Paulo Freire ang sistema ng edukasyon na nais ding baguhin ng mga nagtataguyod/proponent ng UBD, aminin man nila o hindi.

Samakatwid, bago pa ang UBD, marami nang ideya ang nagpapakita ng/sumasalamin sa UBD

Mga Mahahalagang Terminolohiya sa UBD:Established Goal/Pamantayan: Mga layunin na mula sa opisyal na kurikulum o listahan ng learning competencies na inilabas ng Kagawaran ng EdukasyonEnduring Understanding/Big Idea/Core Concepts/Mahahalagang Kaisipan/Mga Pangunahing Kaisipan/Mga Kakailanganing Pag-unawa: Mga konsepto/ideya/kaisipan na laging makabuluhan (relevant at meaningful), kahit 10, 20, 30, 40, 50 taon mula ngayon...Mga halimbawa:• Nakabatay ang paghubog at pag-unlad ng wika sa mga taong

gumagamit nito • May angkop na salita para sa iba’t ibang sitwasyon.• Ang panitikan ay sumasalamin sa mga nangyayari sa lipunan

kaya mahalagang basahin at suriin ito.• Ang pananakop ng mga dayuhan (kolonyalismo) ay isa sa mga

sanhi/dahilan ng paghihirap ng isang bansa.• The Philippine Constitution expresses our nation’s highest goals

and aspirations and provides principles that should guide the government’s decision-making.

Page 3: Generic UBD

• A country’s geography partly determines its destiny and place in world history.

• Everything in the world is interconnected: what harms nature harms us too.

• For every action, there is always an equal and opposite reaction.• Life is a calculated gamble: every decision has its probabilities of

success and failure.• Statistics can conceal as well as reveal.• Statistical analysis often reveals patterns that prove useful or

meaningful. • Scarcity and budget deficit compel people to make wise

economic decisions.Essential Questions/Mahahalagang Tanong: Mga tanong na makatutulong sa mga mag-aaral na maintindihan/makuha/”ma-gets” ang big ideasMga halimbawa:• Bakit nagbabago ang kahulugan ng salita  sa paglipas ng

panahon?• Anu-ano ang mga posibleng ugat ng malalang kahirapan ng

Pilipinas sa kabila ng masaganang likas na yaman ng bansa?• Paano sinasalamin ng panitikan ang kasaysayan?• Why do we need the Philippine Constitution?• How does geography influence a country’s destiny?• Why is environmental balance necessary for healthy living?• What are the consequences of action and inaction on decision-

making?• How does statistics helps us in our search for truth?• How does scarcity and budget deficit help policy makers arrive at

good decisions?Performance objectives: Mga bagay na kasanayan at konsepto na dapat maisagawa at matutuhan ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin.Performance Task/Gawaing Pampagkatuto/Gawain sa Pagganap: Gawain na kailangang maisagawa ng mga mag-aaral upang mapatunayang natutuhan nila ang aralin

Mga Pangunahing “Doktrina” ng UBD Ang tunay na pagkatuto ay hindi ang simpleng pagtapos o pag-

cover sa mga aralin at sa teksbuk: quality of learning over quantity.

Ang kurikulum at mga istratehiya at programa sa pagtuturo ay dapat laging nagsasaalang-alang sa kakayahan, interes at pagkatao ng mga estudyante (learner-centered curriculum and instruction)

Ang tunay na pagkatuto ay hindi lamang basta malawak (covers a lot of area), kundi malalim (with depth).

Page 4: Generic UBD

Ituro lamang ang pinakamahalaga at pinaka-kailangan sa buhay. Kumbaga sa pagkain, ang pinakamasustansya at pinakamalasa...

Ano ang pinakamahalaga? Mga kasanayan at konsepto (skills and concepts) na makabuluhan (relevant/meaningful) pa rin sa mag-aaral, 10, 20, 30, 40, 50 taon mula ngayon...

Disenyo ng Pagkatuto NOON versus sa Disenyo ng Pagkatuto sa UBD NGAYONNOON1. Pinipilit ilapat o i-apply nang “de-kahon” ang kurikulum na

ibinigay ng gobyerno.2. Nag-iisip ng istratehiya para i-apply ang kurikulum.3. Ilalapat/i-iimplement ang istratehiya sa klase.4. Mag-iisip ng paraan ng pagtataya/assessment.5. Isasailalim sa pagtataya/assessment ang mag-aaral.6. Kokompyutin ang marka ng mag-aaral batay sa assessment.7. Ulit sa blg. 1.

NGAYON1. Ibabatay pa rin sa kurikulum na ibinigay ng gobyerno ang paraan

ng pagtuturo.2. Tutukuyin ang standard ng pagkatuto batay sa mga learning

competencies.3. Tutukuyin ang mga mahahalagang kaisipan/pag-unawa (essential

understanding/concepts/big ideas) at mga mahahalagang tanong (essential questions) na makatutulong sa paglinang o pag-develop ng essential understanding/big ideas.

4. Itatransporma sa performance objective ang mga core skills at concepts.

5. Tutukuyin ang pamaraan ng pagtataya/assessment na gagamitin para malaman kung natutuhan nga ng mag-aaral ang core skills at concepts.

6. Paplanuhin ang mga gawain sa pagkatuto/learning activities. (ito ang nilalaman ng mga daily at weekly lesson plans)

7. Isasailalim sa pagtataya/assessment ang mga mag-aaral para malaman kung natutuhan nila ang core skills at concepts

8. Suriin at rebisahin ang disenyo ng pagkatuto batay sa kinalabasan ng pagtataya/assessment ng mga mag-aaral.

9. Balik sa blg. 1.

Ang Kabuluhan/Significance ng UBD sa Pagtuturo Mas mabibigyang-diin ang pagpapaliwanag at pagtalakay sa mga

mahahalagang konsepto at paglalapat ng mga mahahalagang kasanayan (skills)

Page 5: Generic UBD

Mas magiging utilitarian ang pagtuturo (pokus sa kung ano lamang ang may silbi sa totoong buhay); kung gayon, magiging mas interesante ang mga aralin

Mas mapapalalim ang talakayan Mas malilinang ang critical thinking skills ng mga estudyante Mas magiging objective ang pagmamarka dahil sa paggamit ng

rubrics Paglaon, mas magiging madali na para sa mga guro ang lesson

planning dahil sa lohikal na pagkakasunud-sunod ng mga proseso sa paggawa ng UBD unit plans

Mga Pangkalahatang Paalala BAGO Gumawa ng UBD Unit Plans 1. Pumili ng mainam na textbook na magiging PANGUNAHIN ngunit

hindi tanging sanggunian.2. Basahin nang buo ang piniling textbook: itakda ang bawat yunit

o bahagi ng aklat sa isang partikular na guro at pagkatapos ay magpulong para talakayin ang nilalaman ng buong textbook.

3. Sa pulong na binanggit sa blg. 2, magmungkahi ng mga teksto, pelikula atbp. karagdagang materyales na maaaring “isingit” sa pagitan ng mga yunit o kaya’y maaaring gamiting pampatibay sa buong yunit. Samantalahin ang pulong na ito upang magtalakayan hinggil sa mga detalyadong karanasan sa pagtuturo sa nakaraang school year.

4. Basahing mabuti ang mga learning competency na mula sa Kagawaran ng Edukasyon. (siguraduhing latest na kopya). Dito ibabatay ang mga learning objectives na ilalagay sa unit plans. Sa kabuuan, dito rin babatay ang buong proseso na ilalagay sa unit plans. Magtalakayan hinggil sa kahulugan ng bawat competency.

5. Inirerekomendang pagawain ng unit plans ang lahat ng mga gurong kasangkot sa isang area. Halimbawa, lahat ng nagtuturo sa ikaapat na taon ay dapat gumawa ng KANYA-KANYANG UBD unit plans para sa ikaapat na taon (sa ganitong paraan, mas maraming dulog at istratehiya ang lilitaw).

Mga Pangkalahatang Paalala HABANG gumagawa ng UBD Unit Plans

1. Paulit-ulit na basahin at rebisahin ang learning objectives, essential questions at big ideas: naroon ang buhay ng UBD...Ang palpak na learning objectives, essential questions at big ideas ay magdudulot ng palpak na pagkatuto.

2. Tiyaking magkakatono ang buong unit plan (ang learning objectives ay dapat malinang sa pamamagitan ng mga akmang tanong at aktibidad)

3. Maging reyalistiko sa pagtatakda ng oras at iskedyul. Huwag piliting matapos ang textbook. Kung susundin talaga ang UBD,

Page 6: Generic UBD

ayon na rin mismo kina Wiggins at McTighe, ang bisa at lalim ng pagkatuto ang mahalaga, at hindi ang basta na lamang matapos o ma-cover ang required na babasahin. Sabi nga, quality over quantity.

4. Maging reyalistiko rin sa kakayahan ng mga mag-aaral. Huwag maglagay ng mga aktibidad na imposibleng magawa ng mga mag-aaral o yaong masyadong matrabaho. Ikunsidera/isaalang-alang na hindi lamang Filipino ang asignaturang pagpapaguran nila. Kung maglalagay man ng mahirap-hirap na aktibidad, gawin itong proyekto na may malaking puntos na katumbas (kumbaga, 1 “engrandeng” aktibidad lamang bawat quarter).

Mga Pangkalahatang Paalala PAGKATAPOS gumawa ng UBD Unit Plans1. Magsagawa ng pulong upang ikumpara at ikritik ang bawat UBD

Plan. Ang mga magkakasama sa isang antas ang siya ring magkakasama sa pulong na ito.

2. Irebisa ang mga unit plan batay sa mga puna. Maaaring mag-adopt ng isa lamang unit plan para sa buong paaralan kung homogenous ang lahat ng klase. Gayunman, tiyakin na ang adopted UBD plan ay nagsasaalang-alang pa rin sa individual differences ng mga estudyante.

Pagbuo ng UBD Unit PlanUNANG YUGTO: Ano ang dapat matutuhan ng mga mag-

aaral?• Piliin ang mga araling sasaklawin ng yunit• Siguraduhing may tematikong pagkakaugnay ang mga

pinagsama-samang akda sa isang yunit• Itakda kung ilang pagkikita ang ilalaan sa yunit• Tukuyin ang mga layunin o pamantayang pampagkatuto (ibatay

sa mga competency na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon)• Tukuyin ang mga kakailanganing pag-unawa/big ideas: malalim,

makabuluhan sa karanasan at lipunang ginagalawan ng mag-aaral, may kaugnayan at kailangan sa tunay na buhay,

Page 7: Generic UBD

• Maghanda ng mga mahahalagang tanong/essential questions: nagbubunsod ng pag-unawa sa big ideas; nagdudulot ng malalim na pag-

•• iisip, aktibong talakayan, mga bagong pagkaunawa at mga

bagong • tanong; naiuugnay sa personal na karanasan at dating kaalaman

o prior learning • Itransporma ang mga big idea sa format na pariralang

nagbubuod (ito ang mga performance objectives)• Itakda ang mga tiyak o ispesipikong kasanayan na lilinangin o

idedevelop sa yunit

IKALAWANG YUGTO: Anong kailangang gawin ng mga mag-aaral para mapatunayan na natutuhan nila ang aralin?

• Planuhin kung anong pagtataya o assessment ang gagamitin.• Magsimula sa paghahanda ng mga “gawain sa pagganap”

(performance task): mga awtentiko at makabuluhang aktibidad • Maghanda rin ng iba pang uri ng pagtataya (pagsusulit, pagsagot

ng rubrics, pagsagot ng pagsasanay, paggawa ng graphic organizer atbp.)

IKATLONG YUGTO: Anu-anong mga hakbang ang aktwal na isasagawa sa loob ng silid-aralan?

• Planuhin ang aktwal na daloy ng aralin (ang “lesson plan” mismo)

STAGE 1/UNANG YUGTO: DESIRED RESULTS/INAASAHANG BUNGAEstablished Goal/Mga Pamantayan:Enduring Understandings/Big Ideas/Kakailanganing Pag-unawa/Mahahalagang Kaisipan:Students will understand that.../Mauunawaan ng mga mag-aaral na...

Essential Questions/Mahahalagang Tanong:

Page 8: Generic UBD

Students will know.../Mababatid ng mga estudyante ang...(Performance Objectives-Core Concepts):

Students will be able to.../Magagawa ng mga estudyante na...(Performance Objectives-Core Skills):

STAGE 2/IKALAWANG YUGTO: ASSESSMENT EVIDENCE/PAGTATAYAPerformance Task/Gawaing Pampagkatuto/Gawain ng Pagganap:

Other Evidence/Iba pang pagtataya:

STAGE 3/IKATLONG YUGTO: LEARNING PLAN/DISENYO NG PAGKATUTOMga Gawaing Pampagkatuto:

Isang UBD Plan para sa isang yunit ngTanglaw ng Wika at Panitikan IV (Filipino)

Pamagat ng Yunit: “Kanin at Kalayaan”Mga Sakop na Aralin: “Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan” (tula) at “Walang Panginoon” (maikling kwento) Bilang ng Linggo: 2

STAGE 1/UNANG YUGTO: DESIRED RESULTS/INAASAHANG BUNGAEstablished Goal/Mga Pamantayan:

(Batay sa Panlahat at Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto sa Filipino na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon noong Marso 6, 2006)• Nasasabi ang bisa akda ng piniling salita ayon sa kahulugang

matalinghaga, likas at tago.• Nasusuri ang bisa sa pagkakabuo ng mga pangngusap batay sa

paggamit ng mahahaba at maiikling pangungusap.• Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa

nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig• Naiuugnay ang mga kaalaman tungkol sa akda batay sa

kaligirang pangkasaysayan nito• Nailalapat sa akda ang iba pang pananaw (teorya) at lapit sa

panunuring pampanitikan.• Nakasusulat ng konseptong papel ng piniling paksa.• Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang kagamitang

pinagkukunan ng tala

Enduring Understandings/Big Essential Questions/Mahahalagang

Page 9: Generic UBD

Ideas/Kakailanganing Pag-unawa/Mahahalagang Kaisipan:Students will understand that.../Mauunawaan ng mga mag-aaral na...

• Nakabatay ang paghubog at pag-unlad ng wika sa mga taong gumagamit nito

• May angkop na salita para sa iba’t ibang sitwasyon.

• Ang pananakop ng mga dayuhan (kolonyalismo) ay isa sa mga sanhi/dahilan ng paghihirap ng isang bansa.

• Ang kalayaan ang susi sa pag-unlad ng bayan.

• Ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa ay isa sa mga malalang suliranin ng mga magsasaka sa ating lipunan na nagbubunga ng iba pang problema.

• Sinasalamin ng panitikan ang mga nangyayari sa lipunan kaya mahalagang pag-aralan ito.

• Mahalaga sa buhay ng tao ang kalayaan dahil ito ang susi sa paghahangad ng iba pang mabubuting bagay.

• Ang pagsandig sa sarili (self-reliance) ay daan tungo sa kaunlaran ng bayan.

• Ang mga karapatang pantao ang nagbibigay ng kahulugan at kabuluhan sa buhay ng tao: kung walang karapatang pantao, hindi iiral ang pagiging tao ng tao.

Tanong:• Bakit nagbabago ang

kahulugan ng salita  sa paglipas ng panahon?

• Anu-ano ang mga posibleng ugat ng malalang kahirapan ng Pilipinas sa kabila ng masaganang likas na yaman ng bansa?

• Paano sinasalamin ng panitikan ang kasaysayan?

• Paano naman nagiging bahagi ng kasaysayan ang isang akdang pampanitikan?

• Paano naaapektuhan ng lipunang ginagalawan ng isang tao ang kanyang mga pasya at katauhan?

• Bakit mahalaga ang kalayaan sa buhay ng bawat tao?

• Anu-anong salik (factor) ang maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa ?

• Anu-ano ang benepisyo/kabutihang maidudulot sa iyo ng paggalang sa karapatan ng ibang tao?

Students will know.../Mababatid ng mga estudyante ang...(Performance Objectives-Core Concepts):

• Kahalagahan ng kahulugang literal, pagbuo ng salitang

Students will be able to.../Magagawa ng mga estudyante na...(Performance Objectives-Core Skills):

• Magamit ang diksyunaryo sa pananaliksik ng kahulugang

Page 10: Generic UBD

tambalan at paglalapat ng pag-aangkop sa komunikasyon

• Akmang paggamit sa dalawang antas ng komunikasyon (pormal at di pormal).

• Mahigpit na kaugnayan ng panitikan sa kasaysayan at kung paano magagamit ang pag-aaral nito sa pagsasagawa ng mga repormang kailangan sa lipunan

• Kahalagahan ng kalayaan sa pag-unlad ng bansa

• Masasamang epekto ng kolonyalismo neokolonyalismo sa ekonomya at pulitika ng bansa

• Benepisyong matatamo sa paggalang sa karapatang pantao

literal ng ilang piling salita• Magamit sa sariling

pangungusap ang iba’t ibang salita

• Maipaliwanag ang kaugnayan sa sarili, pamilya at lipunan ng mga akdang pampanitikan.

• Makapagpahayag ng kaisipan sa paraang berbal at di berbal (concept mapping, tableau, pagsasadula, pangkatang pagtalakay)

• Mailapat ang teoryang Formalismo at Realismo sa pagsusuri ng akda

STAGE 2/IKALAWANG YUGTO: ASSESSMENT EVIDENCE/PAGTATAYAPerformance Task/Gawaing Pampagkatuto/Gawain ng Pagganap:

Pagbuo ng mga salitang tambalan at mga salitang nilapatan ng pag-aangkop: Isipin na kumakain ka sa isang karinderya kasama ang mga kaibigan, namamasyal kasama ang pamilya at nanonood ng debate ng mga pulitiko. Bumuo ng mga dayalogong naglalaman ng mga salitang tambalan at nilapatan ng pag-aangkop, alinsunod sa mga binanggit na konteksto .

Pagsasadula ng sitwasyon ng mga magsasaka bago at

Other Evidence/Iba pang pagtataya:• Maikling pagsusulit• Pagsasanay sa aklat• Rubrics ng

produkto/pagganap (Performance task rubrics)

• Paglikha ng graphic organizers (concept mapping atbp.)

Page 11: Generic UBD

pagkatapos magkaroon ng tunay na reporma sa lupa: Kasama ang 7 kamag-aral, pag-usapan ang sitwasyon ng mga magsasaka bago at pagkatapos magkaroon ng reporma sa lupa. Gawin itong lunsaran upang magampanan nang makatotohanan ng bawat kasapi ang papel ng alinman sa mga sumusunod: magsasaka, asendero at mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR). Ipakita ang sitwasyon ng mga magsasaka bago at pagkatapos magkaroon ng tunay na reporma sa lupa.

Paglikha ng konseptong papel/sanaysay na naglalahad ng kahalagahan ng kalayaan at iba pang karapatang pantao sa buhay ng tao, batay sa personal na karanasan at mga kontemporaryong kaganapan sa lipunan.

STAGE 3/IKATLONG YUGTO: LEARNING PLAN/DISENYO NG PAGKATUTOMga Gawaing Pampagkatuto:

Unang Linggo:Orientation: Talakayin ang tema/buod ng yunit at ibigay ang balangkas/outline ng mga kasanayan na dapat linangin sa pamamagitan ng mga aralin at gawain, at tukuyin din ang iba’t ibang uri ng pagtataya na dapat asahan.

Pagtalakay sa Aralin sa WikaKlase: Suriin ang mga salitang tambalan at salitang nilapatan ng pang-aangkop o “coining.” (nasa aklat)

Pangkatang Gawain (Gawain sa Pagganap): Bumuo ng mga dayalogong naglalaman ng mga salitang tambalan at nilapatan ng pag-aangkop, alinsunod sa iba’t ibang sitwasyon.

Page 12: Generic UBD

Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase : Magbigay ng reaksyon sa mga sumusunod na larawan (mula sa internet): kahirapan sa Pilipinas, mga malalaking negosyo sa Pilipinas na pag-aari ng dayuhan at mga masaganang likas na yaman ng bansa.

Indibidwal na Gawain: Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.7-8)

Klase: Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.8). Iugnay ang nilalaman ng tula sa mga kontemporaryong pangyayari sa daigdig sa tulong ng mga larawan. Bigyang-diin ang pag-iral ng neokolonyalismo (hindi direktang kolonyalismo) sa kasalukuyang panahon. (Giyera sa Iraq at Afghanistan, charter change pabor sa mga dayuhan, pagmimina ng mga kumpanyang dayuhan sa Pilipinas atbp. Maaaring magpakita ng ilang video clips). Batay rito, lumikha ng concept map ng mga epekto ng kolonyalismo at neokolonyalismo sa bansa.

Pangkatang Gawain: Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na ihanda ang pagtatanghal ng tableau ng mga piling eksenang mula sa tula.

Klase: Suriin ang istruktura ng tula (sukat at tugma; bilang ng taludtod sa bawat saknong atbp.; estilo ng paglalahad ng mga pangyayari atbp.). Ipaliwanag na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Formalismo/Formalistiko.Magsagawa ng pagtataya sa tableau gamit ang isang rubrics.

Tahimik na pagbasa: p. 4-5 ng TAMBULI IV - Tomo 14, Blg. 4 (S.Y. 2009-2010)

Maikling pagsusulit

Homework: Ipaguhit sa mga mag-aaral ang larawang-diwa ng tula (tuon sa konsepto ng kolonyalismo at neokolonyalismo).

Ikalawang LinggoPagtalakay sa Aralin sa Wika

Klase : Magparinig o magpakita ng video ng usapan ng mga kabataan at usapan sa isang pormal na pulong. Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga salitang ginamit sa dayalogo. Ipaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng antas pormal at di pormal sa komunikasyon, at kahulugang konotatibo at denotatibo ng mga salita sa tulong ng lektura sa p.12 ng sangguniang aklat.

Page 13: Generic UBD

Indibidwal na Gawain: Pasagutan ang p. 14-15 ng sangguniang aklat.

Tahimik na Pagbasa: p.6-7 ng TAMBULI IV - Tomo 14, Blg. 4 (S.Y. 2009-2010)

Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase : Magpakita ng mga video clip na tungkol sa Hacienda Luisita o mga magsasaka sa Sumilao (maaaring i-download mula sa Youtube. Maaari ring gamitin ang ilang bahagi ng ‘‘Sa Ngalan ng Tubo’’ na mabibili sa Ibon Foundation.).

Indibidwal na Gawain: Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.23)

Klase: Ibuod ang kwento sa pamamagitan ng dugtungang pagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari at paglalahad ng mahahalagang detalye. Gumamit ng story frame. Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.24). Iugnay ang nilalaman ng kwento sa mga kontemporaryong pangyayari sa lipunan sa tulong ng mga news clippings ukol sa mga suliranin ng mga magsasaka (kawalan ng reporma sa lupa, welga sa Hacienda Luisita, hunger strike ng mga magsasaka sa Sumilao, Fertilizer Scam atbp.).

Pangkatang Gawain: Talakayin ang pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa. Suriin ang mga mahahalagang probisyon ng Genuine Agrarian Reform Program (GARB) at Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) upang masipat ang mga positibong epekto ng reporma sa lupa (i-download sa internet ang teksto at pagsusuri ng mga batas na ito).

Gawain sa Pagganap: Isadula ang kalagayan ng mga magsasaka bago at pagkatapos ng pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa. Gumamit ng mga dayalogong pormal at di pormal at mga salitang may kahulugang denotatibo at konotatibo.

Klase: Suriin ang kaugnayan ng akda sa mga makatotohanang pangyayari noon at ngayon sa lipunan. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Realismo/Realistiko.

Magsagawa ng pagtataya sa ginawang pagsasadula sa pamamagitan ng rubrics (tingnan ang kalakip na halimbawa.)

Page 14: Generic UBD

Gawain sa pagganap (pangwakas na gawain para sa yunit): Pagsulat ng konseptong papel.

Homework: Magtala ng 5 salawikain sa kwaderno. Saliksikin ang talambuhay ni Emilio Jacinto.