Upload
others
View
30
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
1
Pagmasdan mo ang larawan.
Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan?
Saan-saang lugar mo nakita ang mga larawang ito?
May pagkakaiba sa anyo ang kapaligiran ng bansa. Mapapansin mo sa mga
larawan na may mga pook na higit na mataas kaysa iba. May mga pook na patag
at tumpok-tumpok sa mga burol. Ang kabuuang larawan ng Pilipinas ay binubuo
ng anyong lupa. Ito ay tinatawag na topograpiya ng bansa.
Sa modyul na ito matututuhan mo ang iba’t ibang anyong lupa na nagdudulot ng
malaking bagay/pag-unlad sa kabuhayan ng bansa.
Game ka na ba?
ALAMIN MO
GRADE VI
TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN NG
BANSA
2
Napag-aralan mo na ang mga likas na yaman. Suriin mo ang iba’t ibang likas-yaman na
nakasulat sa ibaba. Punan mo ang tsart sa pamamagitan ng pagtala nito sa tamang pangkat.
1. ginto
2. bangus
3. molave
4. korales
5. bundok
troso
mais
kamagong
pandaca
karagatan
pilak
palay
nara
pygmea
burol
apog
niyog
ipil-ipil
chromite
bulkan
Yamang-Lupa Yamang-Tubig Yamang-Mineral
PAGBALIK-ARALAN MO
3
Pagmasdan mo ang larawan.
Ito ang kapatagan ng Pilipinas sa Gitnang Luzon, mataba ang lupang pansakahan
dito kaya tinaguriang “Bangan ng Bigas” ang pook na ito. Dito nanggagaling ang
malaking bahagi ng bigas na panustos sa bansa. Nang pumutok ang Bulkang Pinatubo
naapektuhan nang husto ang mga lupang pansakahan tulad ng lalawigan ng Pampanga,
Zambales at Tarlac. Hanggang sa kasalukuyan nadarama pa rin nila ang epekto nito sa
kanilang kabuhayan.
Bukod sa pansakahan, ang malaking pagawaan at industriya ay nasa kapatagan.
Ang lupain ng bansa ay pinangangalagaan at pinangangasiwaan dahil sa yamang lupa nito
na maaaring makatugon sa pangangailangan ng bansa.
Saan matatagpuan ang matabang lupang pansakahan na tinaguriang “Bangan
ng Bigas” sa Pilipinas?
Anong nangyari sa Gitnang Luzon na nakaapekto sa kabuhayan ng mga taong
naninirahan doon?
PAG-ARALAN MO
4
Ang Luzon ay pinakamalaking pulo ng Pilipinas. Iba-iba ang anyong lupa rito.
Ang pinakamahabang hanay ng bundok na matatagpuan sa Pilipinas ay ang Sierra Madre.
Nasasakop nito ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Nueva Ecija,
Quirino, Aurora at Quezon. Ang pinakamataas na tuktok na nararating sa Sierra Madre
ay mga 2,000 metro mula sa pantay-dagat.
Nakikita sa larawan ang mga bulkan na matatagpuan sa Zambales, Cordillera,
Nueva Viscaya sa Timog Silangan.
Pagmasdan mo ang Bulkang Pinatubo. Ito ay itinuring na bulkang patay na naging aktibo
noong 1991. May taas itong 1,790 metro. Ito ay isa lamang sa mga halimbawa ng mga
bulkan na malaking kapinsalaan ang naidulot sa kabuhayan ng bansa.
Ano ang nangyari sa lupang sakahan ng mga taga Zambales, Pampanga
at Tarlac?
May natitira pa kayang ganda ng tanawin sa mga pook na nabanggit
matapos pumutok ang Bulkang Pinatubo?
Saan kayang lugar napatira ang mga tao sa lugar na ito?
5
May mga bundok din sa katimugang bahagi ng Bataan. Kabilang dito ang Bundok
Samat, Bundok Maraviles at Bundok Natib. Matatagpuan naman sa Nueva Viscaya ang
Bundok Pulog na pinakamataas sa Luzon. Sa pagitan ng mga hanay ng bundok na ito
makikita ang Lambak ng Cagayan. Ang Lambak na ito ay binubuo ng mga lalawigan ng
Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya at Quirino. Sa Luzon matatagpuan ang pinakamalapad
na kapatagan sa bansa – Ang Gitnang Luzon, na nasa gawing Silangan ng mga bundok
ng Zambales.
Tingnan mo ang larawan ng Chocolate Hills sa ibaba. Hugis pabilog ang itaas
nito. Ang Chocolate Hills na matatagpuan sa Carmen, Bohol ang pinakatanyag sa mga
burol sa Pilipinas. Kung tag-araw parang tumpok ng tsokolate ang mga ito, kaya
dinarayo ito ng turista.
Bukod sa Bohol mayroon ding mga burol sa lalawigan ng Rizal, Batangas, Samar
at Gitnang Luzon
Ito naman ang larawan ng Lambak at Talampas.
6
Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o kabundukan.
Ang Talampas ay isang patag na lupa rin sa itaas ng bundok o bulubundukin. Sa
mga talampas ng bansa, nangunguna ang Bukidnon.
Matatagpuan sa Timog Silangang Luzon ang Bundok Makiling at Bundok
Banahaw. Makikita rin ang Bulkang Taal, ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig, na isa
sa mga aktibong bulkan ng bansa.
Nasa Timog Silangang bahagi rin ang Tangway. Mayroon itong bulkang gaya ng
Mayon (ang pinakamagandang bulkan sa Pilipinas), Isarog, Iriga at Bulusan.
Alam mo ba na kahit nakapipinsala at mapanganib sa buhay at ari-arian, marami
ring ibinibigay na kapakinabangang pangkabuhayan ang mga bulkan. Ang pagdayo ng
mga turistang banyaga ay nangangahulugan ng pagpasok ng maraming dolyar sa
Pilipinas. Ang mga putik na galing dito ay nagsisilbing pataba.
Puro kapinsalaan lang ba ang idinudulot ng pagputok ng bulkan?
Kung ikaw ay naninirahan sa isang lugar na malapit sa bulkan. Ano-ano ang
nararapat mong gawin?
May isa pa ring anyong lupa na may bahaging nakausli at napapaligiran ng tubig. Ito ay
ang Tangway. Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba.
Ang Zamboanga at Bicol ay mga tangway o peninsula samantalang nakarugtong
ang isang bahagi ng mga ito sa mga karatig-lalawigan, may mga bahagi ang mga ito na
napaliligiran ng tubig.
7
Basahin ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Saan matatagpuan ang matabang lupang pansakahan na tinaguriang “Bangan ng
Bigas”?
A. Timog
B. Silangan
C. Gitnang Luzon
D. Kanlurang Visayas
2. Saan matatagpuan ang Sierra Madre, ang pinakamahabang hanay ng bundok sa
Pilipinas?
A. Bohol
B. Laguna
C. Zambales
D. Cagayan at Isabela
3. Ang pangunahing katangian ng topograpiya ng Pilipinas ay ang pagiging
mabundok nito. Bakit kaya ang Bundok Apo ay kilala sa lahat ng mga bundok sa
bansa?
A. ito ang pinakakalbong bundok sa bansa
B. ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas
C. ito ang pinakamahabang bundok sa Pilipinas
D. ito ang pinakamaganda sa lahat ng bundok sa bansa
4. Ang mga di-aktibong bulkan ay kabilang din sa mga topograpiya ng bansa.
Anong bulkan ang nagdala ng maraming pinsala sa mga tao sa Pampanga at
Zambales at sa mga karatig bayan at gayon din sa Metro Manila?
A. Bulkang Tao
B. Bulkang Mayon
C. Bulkang Kanlaon
D. Bulkang Pinatubo
5. Ano ang tawag sa isang patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o
kabundukan?
A. burol
B. lambak
C. tangway
D. talampas
PAGSANAYAN MO
8
Iba’t iba ang anyong lupa sa Pilipinas, may kapatagan, kabundukan, lambak, burol,
bulkan, talampas, tangos at tangway.
Alin sa sumusunod ang iyong ginagawa? Lagyan ng tsek ang iyong sagot.
Mga Gawi Ginagawa Di-ginagawa
1. Naglalaro sa kapatagan
2. Nagbabasa ng tungkol sa
topograpiya ng Pilipinas
3. Ipinagmamalaki ang magagandang
tanawin sa bansa
4. Nagtitipon ng mga larawan tungkol
sa topograpiya ng bansa
5. Gumagawa ng paraan upang
mapanatili ang kalinisan at
kaayusan ng ating anyong lupa
TANDAAN MO
ISAPUSO MO
9
Sangguniin ang mapang pisikal ng Pilipinas sa ibaba. Magbigay ng halimbawa ng sumusunod:
1. ilog
2. lambak
3. bundok
4. kapatagan
5. burol o talampas
GAWIN MO
10
Subukin mong tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga katangian ng mga anyong lupa.
Maaari kang pumili ng sagot sa kahon sa ibaba.
1. Pinakamaliit na bulkan sa daigdig _________________.
2. Pinakamataas na bundok sa Luzon _________________.
3. Pinakamataas na bundok sa Pilipinas ________________.
4. Pinakamagandang bulkan sa Pilipinas dahil sa hugis nito _________________.
5. Pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas _______________.
Humanap ka ng larawan ng anyong lupa. Idikit mo sa iyong kwaderno. Pumili ng isa
at sumulat ng isang paglalarawan tungkol dito.
PAGTATAYA
PAGPAPAYAMANG GAWAIN
Kapatagan ng Gitnang Luzon
Bundok Apo
Sierra Madre
Bulkang Taal
Bulkang Mayon
Bundok Pulog
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na
modyul.