10
1 GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET COMPOSTING Alam mo ba na sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at malago ang mga halaman? Ito ay maaaring kunin sa natural na kapaligiran. Sa pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad ng dahon ay maaaring gawing abono. Tinatawag itong organikong abono. Ito ay nakapagpapaunlad sa kalidad o uri ng lupang pagtataniman. Sa modyul na ito, tatalakayin natin at matututuhan mo ang wastong pamamaraan sa paggawa ng compost. Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa modyul na ito, balikan natin ang natutuhan sa pag-aalaga ng lupa sa pamamagitan nitong mga bugtong. ALAMIN MO PAGBALIK-ARALAN MO Ako’y isang uri ng pataba, Upang mapagyaman ang lupa, Nagdudulot ako ng sustansiyang kailangan, Na galing sa nabubulok na bagay. Ano ako?____________ Ako’y dapat idagdag sa halaman, Kung mabagal ang paglaki Maaaring ako’y ikalat sa paligid Isabog sa pagitan ng halaman O ihalo sa tubig at idilig Ano ako?_______________

GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

  • Upload
    others

  • View
    127

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

1

GRADE V

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/

BASKET COMPOSTING

Alam mo ba na sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at

malago ang mga halaman? Ito ay maaaring kunin sa natural na kapaligiran. Sa

pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad ng

dahon ay maaaring gawing abono. Tinatawag itong organikong abono. Ito ay

nakapagpapaunlad sa kalidad o uri ng lupang pagtataniman.

Sa modyul na ito, tatalakayin natin at matututuhan mo ang wastong

pamamaraan sa paggawa ng compost.

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa modyul na ito, balikan natin ang

natutuhan sa pag-aalaga ng lupa sa pamamagitan nitong mga bugtong.

ALAMIN MO

PAGBALIK-ARALAN MO

Ako’y isang uri ng pataba,

Upang mapagyaman ang lupa,

Nagdudulot ako ng sustansiyang kailangan,

Na galing sa nabubulok na bagay.

Ano ako?____________

Ako’y dapat idagdag sa halaman,

Kung mabagal ang paglaki

Maaaring ako’y ikalat sa paligid

Isabog sa pagitan ng halaman

O ihalo sa tubig at idilig

Ano ako?_______________

Page 2: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

2

Basahin ang panayam ng mga bata at intindihin ang nilalaman nito.

Ang leksiyon ng mga bata ay tungkol sa composting. Naisipan nilang

kapanayamin si Mang Isko, isang magsasaka sa kanilang lugar.

Mga Bata: Magandang umaga po, Mang Isko.

Mang Isko: Magandang umaga naman. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?

Mga Bata: Kami po ay nagpunta rito upang alamin kung paano ang paggawa

ng compost. Ito po kasi ay leksiyon namin ngayon.

Mang Isko: Alam ninyo mga bata, may mga komersiyal na pataba na maaaring

mabili sa iba’t ibang tindahan. Kaya lang ang paggamit ng compost ay higit na

iminumungkahi lalo na kung ang lugar ay may malawak na bakuran. Halina kayo sa

likod ng bahay ko at ipakikita ko sa inyo ang paggawa ng compost.

Gagawa tayo ng hukay dito sa isang bahagi ng bakuran at dito natin itatapon

ang mga nabubulok na kalat upang maging pataba pagkalipas ng ilang buwan. Ito

ay tinatawag na compost pit.

Tulong-tulong tayong gumawa para matutuhan ninyo sa pamamagitan ng

sumusunod na mga hakbang.

Ang Paggawa ng Compost Pit

1. Pumili ng angkop na lugar.

a. patag at tuyo ang lupa

b. may kalayuan sa bahay

c. malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa.

PAG-ARALAN MO

Page 3: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

3

2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at dalawang

metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at hayaang nakabilad sa araw

upang hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo.

3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon mga balat

ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang

umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono

urea ang inilagay na basura sa hukay.

Page 4: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

4

4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15 sentimetro ang

kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawin itong paulit-ulit hanggang

mapuno ang hukay

5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdidilig araw-

araw. Tiyaking hindi ito babahain kung panahon naman ng tag-ulan.

Makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang pirasong dahon ng

saging upang hindi bahain.

Page 5: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

5

6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid.

Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging

mabilis ang pagkabulok ng mga basura.

7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo. Haluing

mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas ng dalawang

buwang o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis na

pagkabulok ng mga basurang ginamit.

Mga bata: Hay! Nakapapagod pala gumawa ng compost pit pero enjoy po naman.

Maraming salamat po Mang Isko. Paano po pala kung halimbawa

wala kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, puwede pa rin ba

kami makagawa ng sariling pataba?

Page 6: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

6

Mang Isko: Oo naman, Ito’y sa pamamagitan ng basket composting. Isang

paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura pero sa sisidlan

naman at hindi sa hukay. Halina kayo, ipakikita ko sa inyo. Ito ang

mga paraan sa paggawa ng basket composting.

1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May

isang metro ang lalim

2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatong-patong na tuyong dahon. dayami,

pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng

compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.

Page 7: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

7

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang

mabulok kaagad ang basura.

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito

pamahayan ng langaw at iba pang peste.

Page 8: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

8

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang

magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

Mga Bata: Ang galing mo po, Mang Isko. Kailan naman po namin pwedeng

gamitin ito?

Mang Isko: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan pagkalipas

ng dalawang buwan o mahigit.

Mga Bata: Maraming salamat po. Mang Isko. Ang dami naming natutunan

sa mga ginawa nating compost pit at basket composting.

Mang Isko: Walang anuman mga bata.

Pagkatapos mabasa ang panayam, ano-ano ang mga hakbang sa

paggawa ng basket composting. Ano ang iyong natutuhan?

Page 9: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

9

Subukin natin ang natutuhan mo sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa

kuwadernong sagutan.

A. Tumingin ka sa paligid ng inyong bahay. Aling lugar ang puwede mong

gamitin sa paggawa ng organikong pataba?

1. compost

2. basket composting

B. Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mong gawin.

C. Sa napili mo, paano ang wastong paraan ng paghahanda nito?

Ang compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo, dahon, balat ng

prutas at gulay, at mga dumi ng hayop na pinabubulok sa isang hukay sa isang

malawak na lugar samantalang ang basket composting ay pagbubulok ng basura sa

isang sisidlan.

Basahin ang mga sumusunod na pamantayan sa paggawa ng compost/basket.

Iguhit ang mukhang masaya kung nasisiyahan ka o

angkop na gawin at mukhang malungkot kung hindi kanais-nais.

1. Ihanda ang mga mahahalagang materyales na gagamitin.

2. Mag-ingat sa paggamit ng matatalas at matutulis na kagamitan upang hindi

masugatan.

3. Itapon ang mga kasangkapan sa ilog pagkatapos.

4. Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.

5. Magsigawan habang gumagawa.

SUBUKIN MO

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 10: GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET

10

Isaisip uli ang mga natutuhang mga paraan sa paggawa ng compost pit at

basket composting.

1. Gumawa ng compost pit sa bakuran ninyo o sa likod ng inyong bahay sa

tulong ng iyong mga kasambahay.

2. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay na gumawa ng basket composting at

ipaliwanag ang kahalagahan nito.

Tingnan natin uli ang galing mo sa pag-intindi nitong modyul.

Basahin ang sitwasyon at suriing mabuti kung ano ang magandang gawin.

1. Nakikita mong maraming basura sa paligid ninyo. Ikinakalat lang ito ng

mga kapitbahay mo kung saan-saan at ang iba naman ay nakita mong

sinusunog ito. Pulungin mo sila sa pahintulot ng kapitan at ipaliwanag ang

benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok ay hindi susunungin.

2. Kapanayanim mo rin ang isang kakilalang naghahalaman sa pulong na ito.

Tanungin ang uri ng patabang ginagamit gayundin ang kabutihang dulot nito

sa mga alagang pananim. Isulat ng patalata ang kinalabasan ng

pakikipagpanayam.

Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging Pagtataya ng

modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na

modyul.

GAWIN MO

PAGTATAYA