Hadlangan Ang Pagbibigay Ng Water Permit

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/29/2019 Hadlangan Ang Pagbibigay Ng Water Permit

    1/7

    1

    HADLANGAN ANG PAGBIBIGAY NGWATER PERMIT KAY ISRAEL BUILDERS

    AND DEVELOPMENT CORPORATION (IBDC)

    BREAKING NEWS!!!!

    Ibig ko pong ipaalam sa inyo na magkakaroon ng OCULAR INSPECTION angLLDA sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring sa darating naFebruary 19 and 20, 2013 kaugnay sa application ng IBDC na bigyan ito ng WaterPermit sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring.

    Kailangan po nating sumama, makialam at hadlangan ang pagbibigay ng

    Water Permit sa IBDC upang hindi mapasakamay ng isang dayuhan ang karapatangkumuha at gumagamit ng tubig sa mga bukal o ilog ng ating bayan. HUWAG NATINGHAYAAN NA MAKINABANG ANG ISANG DAYUHAN SA MGA BUKAL AT ILOG NGATING BAYAN!!!

    1. T: Ano ang Water Permit?S: Ang Water Permit ay isang property right opagbibigay ng karapatan saisang kumpanya o tao na siyang ekslusibo o mag-isa na makakuha ng tubig saisang bukal o ilog.

    2. T: Ano ang ibig sabihin na ang Water Permit ay isang property right?S: Bilang isang property right ang Water Permit o karapatan na kumuha ng tubigsa isang bukal o ilog ay maaaring ibenta sa isang tao o ito ay maari ringipangprenda o collateral sa isang utang. Sa madaling salita, ang isang kumpanyao tao na walang pera ay maaaring magkaroon ng pera pag siya ay nabigyan ngWater Permit dahil pwede niyang ibenta sa ibang tao ang Water Permit o gamitinniyang pambayad sa utang o bilang collateral sa utang.

    3. T: Ano ang Water Permit na ina-aplayan IBDC?S: Si IBDC ay nag-aapply ng Water Permit para sa Sinabak Spring, Patak-PatakSpring at Mangulila Spring.

    4. T: Bakit kailangan nating hadlangan o tutulan ang pagbibigay ng Water Permitkay IBDC?S: Maraming dahilan kung bakit natin dapat tutulan ang pagbibigay ng WaterPermit kay IBDC.

    Una, ang Majayjay ang may-ari ng lupa na kinatitirikan o kungsaan matatagpuan ang Sinabak Spring at ito ay makikita sa Real EstateTax Declaration na nakalakip dito. Bilang may-ari ng lupa na kung saanmatatagpuan ang Sinabak Spring ang ibig sabihin ang ating bayan dinang may-ari ng Sinabak Spring, kaya ang Water Permit sa Sinabak

  • 7/29/2019 Hadlangan Ang Pagbibigay Ng Water Permit

    2/7

    2

    Spring ay hindi dapat ipamigay sa IBDC. Tama ba na ating ibigay kayIBDC ang Water Permit sa Sinabak Spring?

    HINDI TAMA AT LALO NA HINDI MAKATARUNGAN. Mahigit

    kumulang ng 100 taon na ang ating bayan ang nagpapatakbo atkumukuha ng tubig sa Sinabak Spring kaya hindi dapat natin ibigay kayIBDC o sa isang banyaga ang pagpapatakbo ng Sinabak Spring. Samadaling salita, matagal ng may karapatan ang ating bayan at mgamamamayan sa Sinabak Spring kaya hindi natin dapat hayaan si IBDCna mabigyan ng Water Permit sa Sinabak Spring.

    Kung mapapapunta kay IBDC ang pagmamay-ari atpagpapatakbo ng Sinabak Spring ang mga mamamayan sa ating bayan

    ay magiging dependent o aasa na lamang o mapapasailalim na sakapangyarihan ni IBDC. Ang malaking katanungan ay bakit hinahayaanng mga kasalukuyang opisyales ng ating bayan na kunin ni IBDC at parakanyahin ang Sinabak Spring?

    Maliban kina Kon. Torio Ronabio, Fredie Estupigan at SK Pres.Victor Gruezo III, wala ni isa man sa kasalukuyan nating opisyales ngMajayjay ang tumututol o humahadlang sa pagbibigay ng Water Permitkay IBDC sa Sinabak Spring. WALANG GINAWA na pagsang-ayon ang

    mga members ng Sanguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor AnaRosa sa Resolusyon na ginawa nina Kon. Torio Ronabio, FredieEstupigan at SK Pres. Victor Gruezo III upang tutulan ang pagbibigay ngWater Permit kay IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring atMangulila Spring.

    Kaya mga kababayan itanong po natin sa mga opisyalesnatin na Walang Ginagawa kung bakit hinahayaan nila na kunin atkanyahin ni IBDC ang Sinabak Spring na isang pag-aari ng ating

    mahal na bayan?

    Pangalawa, ang Patak-Patak Spring ay nasa lupa na pag-aari ngConejos Family at sila ay tutol sa pagbibigay ng Water Permit kay IBDC.Ang Patak-Patak Spring ay matagal na ring pinanggagalingan ng tubigng ating bayan kaya dapat hindi mapunta kay IBDC ang Water Permit saPatak-Patak Spring. Ang ating bayan ang dapat na siya ring maykarapatan sa Patak-Patak Spring upang hindi tayo maging dependent oumaasa sa isang banyaga na katulad ni IBDC.

    Pangatlo, ang Water Permit sa Mangulila Spring ay hindi dindapat mapunta kay IBDC dahil ang tubig na manggagaling sa MangulilaSpring ay dadalhin lamang ni IBDC sa mga kalapit bayan samantalangkulang na kulang ang tubig sa ating bayan. Ang tubig na kukunin ni

  • 7/29/2019 Hadlangan Ang Pagbibigay Ng Water Permit

    3/7

    3

    IBDC sa Mangulila Spring ay 900 Liters Per Second (LPS) or 54,000Liters Per Min. or 3,240,000 Liters Per Hour or 77,760,000 Liters PerDay na dapat sana ay dalhin at pakinabangan sa ating bayan.

    Pang-apat, ayon sa Contract for the Supply of Bulk Water sapagitan ng Majayjay at IBDC na may petsa August 1, 2011, maliwanagna nakasaad sa Article IV Section 7 (d) na ang may karapatan namag-apply ng Water Permit sa LLDA ay ang ating bayan. Si IBDC aywalang karapatan para mag apply ng Water Permit. Ang obligasyon niIBDC ay tulungan lamang ang ating bayan sa pag aaply ng WaterPermit sa LLDA. Kaya ang katanugan, Bakit sa halip na tulungan angating bayan, si IBDC mismo ang nag apply na Water Permit sa LLDA?

    Kaya dapat tutulan at hadlangan natin ang pagbibigay ng WaterPermit kay IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at MangulilaSpring. Kaya kung makakaharap ninyo ang opisyales ng atingbayan, itanong ninyo sa kanila kung bakit hinahayaan nila na mag-apply ng Water Permit si IBDC sa Sinabak Spring, Patak-PatakSpring at Mangulila Spring na gayong nakalagay sa Contract forthe Supply of Bulk Water na ang may karapatan na mag-apply ngWater Permit ay ang ating bayan.

    Itanong natin sa mga members ng Sangguniang Bayan lalong-lalo na kay Vice Ana Rosas kung bakit hindi nila sinang-ayunan angResolution na ipinasok nina Konsehal Torio, Ronabio, Fredie Estupiganat SK Pres. Victor Gruezo III upang tutulan ang pagbibigay ng WaterPermit kay IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at MangulilaSpring.

    Higit sa lahat dapat itanong natin kay Mayor Filo Guera bakit siyaay nagbigay ng letter Cetification sa LLDA na may petsang Marso 14,

    2012, na walang tutol o hadlang ang ating bayan sa pagbibigay ngWater Permit kay IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring atMangulila Spring. Bakit hindi ang ating bayan ang nag-apply ng WaterPermit gayong malinaw na nakalagay sa Article IV Section 7 (d) ngContract for the Supply of Bulk Water na ang ating bayan ang siyangmay karapatan mag-apply ng Water Permit sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring. Nakalakip ditto ang letter Certificationna may petsang Marso 14, 2012 mula kay Mayor Guera.

    Pang lima, pag nabigyan ng Water Permit si IBDC malamang natuluyan ng matuyuan ng tubig o mamatay na ang mga lupaingagricultural o bukirin sa ating bayan dahil si IBDC na ang may control saSinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring at si IBDC aymalamang hindi bigyan ng tubig ang mga lupaing agricultural o bukirin

  • 7/29/2019 Hadlangan Ang Pagbibigay Ng Water Permit

    4/7

    4

    sa ating bayan dahil sinasabi na wala namang nakalagay sa planoni IBDC kung paano bibigyan ng tubig ang mga lupaing agriculturalo bukirin sa ating bayan.

    Pang huli, kung mabigyan ng Water Permit si IBDC sa SinabakSpring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring, malamang magsimulana si IBDC na maningil ng bayad sa tubig. Hanggang wala pang WaterPermit si IBDC, hindi pwedeng maningil si IBDC ng bayad ng tubig,hingan ninyo si IBDC ng kopya ng Water Permit.

    Kaugnay pa rin ng paniningil ng bayad sa tubig, hingin ninyo angkontrata o kasulatan na kayo ay may kontrata kay IBDC para magbayadng singil sa tubig kay IBDC. Tandaan po ninyo ang kontrata ninyong

    pinirmahan sa pagkakabit ng water meter ay sa isang Majayjay Waters.Katulad na ng sinabi noon, ang Majayjay Waters ay hindi naka rehistrosa Department of Trade and Industry (DTI) and Securities and ExchangeCommission (SEC) at dahil dito lumalabas na ang Majayjay Waters naisang impostor. Sa madaling salita, kung wala kayong pinirmahan nakontrata kay IBDC sa pagkakabit ng water meter, si IBDC ay walangkarapatan na maningil ng bayad sa tubig.

    Kung sakali na puputulin ni IBDC ang inyong supply ng tubig dahil

    ayaw ninyong magbayad dahil wala naman kayong kontrata kay IBDC,ano ang dapat ninyong gawin? Ang inyong gawin ay huwag papasukinsa inyong bahay o bakuran o paligid ng bahay ang tauhan ni IBDC nagustong putulin ang inyong supply ng tubig. Ang inyong supply ng tubigayon sa batas ay isang property right o ari-arian at ayon sa batastayo ay may karapatan para ipagtanggol ang ating ari-arian sapamamagitan ng paggamit ng tamang pwersa (REASONABLE FORCE)upang di makuha o mawala sa atin ang ating ari-arian. ANGPAGTATANGGOL SA ATING ARI-ARIAN O SUPPLY NG TUBIG AY

    TINATAWAG SA BATAS NA SELF-DEFENSE. Sa madaling salitakailangang matuto tayong tumindig at makipag laban at huwag natinghayaan na yurakan ni IBDC ang ating karapatan at ari-arian. Tandaannatin ang kasabihan WALANG MANG-AAPI KUNG WALANGNAGPAPA-API.

    KAYA MGA KABABAYAN, ako po ay muling nananawagan sainyo na tayo ay magsama sama upang tutulan o hadlangan angpagbibigay ng Water Permit sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at

    Mangulila Spring.

    MABUHAY ANG MAJAJAYENOS!!!

  • 7/29/2019 Hadlangan Ang Pagbibigay Ng Water Permit

    5/7

    5

  • 7/29/2019 Hadlangan Ang Pagbibigay Ng Water Permit

    6/7

    6

  • 7/29/2019 Hadlangan Ang Pagbibigay Ng Water Permit

    7/7

    7