6
3 Madaling Hakbang para Manalo sa Laban para sa Kalusugan “Nagsisimula sa unang hakbang ang libong milyang paglalakbay,” sinulat ng paham na Tsinong si Lao Tzu 2,500 taon ang nakakaraan. Posibleng hindi nasusukat sa milya ang inyong paglalakbay tungo sa kalusugan, pero ang tatlong madadaling hakbang na ito ang makatutulong sa inyo na maipanalo ang malusog na laban. Hakbang 1 Una, matatanggap ninyo sa koreo ang ID card ng Miyembro ng HPSM. Darating pagkatapos nito ang inyong Welcome Kit. Basahin ang Welcome Kit at itago lamang para madaling mabasang muli kapag may katanungan. Ilagay ang ID card ninyo sa pitaka, at dalhin ito kapag kumonsulta sa inyong doktor. Hakbang 2 Pumili ng doktor para sa inyo at/o pamilya sa pamamagitan ng pagtawag sa HPSM sa 1-800-750-4776 (libre) o 650-616-2133. Kapag hindi kayo pumili ng doktor sa loob ng unang 30 araw ng pagiging miyembro, posibleng pumili na kami para sa inyo. Gayon pa man, makakapili kayo lagi ng bagong doktor sa pamamagitan ng pagtawag sa HPSM. Hakbang 3 Tumawag sa doktor ninyo bago magdalawang buwan pagkatanggap sa inyong ID card. Kahit na malusog kayo, kailangan ninyong dalawin ang bago ninyong doktor para sa palagiang eksaminasyong pangkalusugan. Masasagot niya ang anumang katanungan ninyo tungkol sa pagpapanatili ng kalusugan. Taglagas 2016 Health matters 1 3 Madaling Hakbang para Manalo sa Laban para sa Kalusugan 1 Manatiling Malusog – Magpabakuna Laban sa Trangkaso nang LIBRE 2 Libreng Pagsasaling-wika para sa mga Miyembro ng HPSM 3 Ano ang Gagawin Kapag Dumating ang Singil ng Doktor 3 Makakapagpa-acupuncture na ang mga Miyembro ng Medi-Cal at CareAdvantage sa 2017 4 Pinaka-unang Programa para sa Pangangalaga sa Komunidad (Community Care Settings Pilot 5 Maligayang ika-50 Kaarawan, Medi-Cal! SA ISYUNG ITO Manatiling Malusog – Magpabakuna laban sa Trangkaso nang LIBRE Padating na ang panahon ng trangkaso, kaya magpabakuna para maiwasan ang magkasakit. Libre ang mga iniksiyon sa trangkaso sa lahat ng miyembro ng HPSM. Mapapanatili kayo nitong malusog, kaya hindi kayo liliban sa trabaho. At mapapanatili nitong malusog ang mga anak ninyo kaya hindi sila liliban sa paaralan. At kung hindi kayo magkakatrangkaso, hindi ninyo mahahawahan ang iba. Kaya panalo ang lahat! (Maliban sa mikrobyo ng trangkaso.) Magpabakuna nang libre sa pagbisita sa inyong doktor o lokal na parmasyotika—at dalhin ninyo ang inyong ID ng Miyembro sa HPSM.

Healthmatters Taglagas 2016 - HPSM::Welcome · PDF filePadating na ang panahon ng trangkaso, ... sa wika ng inyong doktor para ... • Mas maraming pangangalaga—Noong una, binabayaran

  • Upload
    vudieu

  • View
    222

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Healthmatters Taglagas 2016 - HPSM::Welcome · PDF filePadating na ang panahon ng trangkaso, ... sa wika ng inyong doktor para ... • Mas maraming pangangalaga—Noong una, binabayaran

3 Madaling Hakbang para Manalo sa Laban para sa Kalusugan“Nagsisimula sa unang hakbang ang libong milyang paglalakbay,” sinulat ng paham na Tsinong si Lao Tzu 2,500 taon ang nakakaraan. Posibleng hindi nasusukat sa milya ang inyong paglalakbay tungo sa kalusugan, pero ang tatlong madadaling hakbang na ito ang makatutulong sa inyo na maipanalo ang malusog na laban.

Hakbang 1 Una, matatanggap

ninyo sa koreo ang ID card ng Miyembro ng HPSM. Darating pagkatapos nito ang inyong Welcome Kit. Basahin ang Welcome Kit at itago lamang para madaling mabasang muli kapag may katanungan. Ilagay ang ID card ninyo sa pitaka, at dalhin ito kapag kumonsulta sa inyong doktor.

Hakbang 2 Pumili ng doktor para

sa inyo at/o pamilya sa pamamagitan ng pagtawag sa HPSM sa 1-800-750-4776 (libre) o 650-616-2133. Kapag hindi kayo pumili ng doktor sa loob ng unang 30 araw ng pagiging miyembro, posibleng pumili na kami para sa inyo. Gayon pa man, makakapili kayo lagi ng bagong doktor sa pamamagitan ng pagtawag sa HPSM.

Hakbang 3 Tumawag sa doktor ninyo

bago magdalawang buwan pagkatanggap sa inyong ID card. Kahit na malusog kayo, kailangan ninyong dalawin ang bago ninyong doktor para sa palagiang eksaminasyong pangkalusugan. Masasagot niya ang anumang katanungan ninyo tungkol sa pagpapanatili ng kalusugan.

Taglagas 2016Healthmatters

1 3 Madaling Hakbang para Manalo sa Laban para sa Kalusugan

1 Manatiling Malusog – Magpabakuna Laban sa Trangkaso nang LIBRE

2 Libreng Pagsasaling-wika para sa mga Miyembro ng HPSM

3 Ano ang Gagawin Kapag Dumating ang Singil ng Doktor

3 Makakapagpa-acupuncture na ang mga Miyembro ng Medi-Cal at CareAdvantage sa 2017

4 Pinaka-unang Programa para sa Pangangalaga sa Komunidad (Community Care Settings Pilot

5 Maligayang ika-50 Kaarawan, Medi-Cal!

SA ISYUNG ITO

Manatiling Malusog – Magpabakuna laban sa Trangkaso nang LIBREPadating na ang panahon ng trangkaso, kaya magpabakuna para maiwasan ang magkasakit. Libre ang mga iniksiyon sa trangkaso sa lahat ng miyembro ng HPSM. Mapapanatili kayo nitong malusog, kaya hindi kayo liliban sa trabaho. At mapapanatili nitong malusog ang mga anak ninyo kaya hindi sila liliban sa paaralan. At kung hindi kayo magkakatrangkaso, hindi ninyo mahahawahan ang iba. Kaya panalo ang lahat! (Maliban sa mikrobyo ng trangkaso.)

Magpabakuna nang libre sa pagbisita sa inyong doktor o lokal na parmasyotika—at dalhin ninyo ang inyong ID ng Miyembro sa HPSM.

Page 2: Healthmatters Taglagas 2016 - HPSM::Welcome · PDF filePadating na ang panahon ng trangkaso, ... sa wika ng inyong doktor para ... • Mas maraming pangangalaga—Noong una, binabayaran

2 | HealthMatters

Huwag nang Istorbohin ang Pamilya at mga Kaibigan – Magpatulong sa Tagasalin

Mas mabuti ang tagasaling HPSM na ipagsalin kayo kaysa kapamilya (tulad ng mga anak) o kaibigan.

Sabi ng HPSM,“Hayaang tagasalin na ang bahala sa mga salita ninyo para mapangalagaan na kayo ng kapamilya o mga kaibigan.”

May Pinsala ba Kayo sa Pandinig?

Mapasasamahan namin kayo sa isang tagasalin sa American Sign Language (ASL) sa pagbisita ninyo sa doktor nang walang anumang bayarin. Para humiling ng tagasaling ASL, tumawag sa 1-800-735-2929 nang hindi bababa sa limang araw bago ang pagbisita sa doktor.

Libreng Pagsasaling-wika para sa mga Miyembro ng HPSMKung hindi nagsasalita ang inyong doktor ng inyong wika, makakakuha kayo ng libreng tagasalin para makapag-usap kayo. May tagasalin kami sa telepono para sa lahat ng palagian ninyong pagbisita, at sa mga espesyal na kaso, masasamahan nila kayo sa inyong pagbisita. Ang lahat ng aming nakasulat na materyales ay nasa wikang Ingles, Kastila, Chinese, at Tagalog rin.

Para humiling ng tagasalin:• Mga miyembro ng Medi-Cal, Healthy Kids at

HealthWorx: tumawag sa 1-800-750-4776• Mga miyembro ng CareAdvantage:

tumawag sa 1-866-880-0606

HPSM

• Maisasalin ang mga komplikadong impormasyon sa kalusugan mula sa wika ng inyong doktor para maintindihan ninyo ito

• Maisasalin ang inyong sinasabi para ganap na maintindihan ng inyong doktor ang mga sintomas at alalahanin sa kalusugan

• May pananagutang legal sa pagiging pribado ninyo

Mga Kapamilya at Kaibigan

• Baka hindi maintindihan at masabi nang malinaw sa inyo ang sinasabi ng inyong doktor

• Baka hindi malinaw na mailarawan ang inyong mga problema at alalahanin sa kalusugan sa inyong doktor

• Baka maasiwa na marinig at pag-usapan ang inyong mga pribadong problema sa kalusugan

Page 3: Healthmatters Taglagas 2016 - HPSM::Welcome · PDF filePadating na ang panahon ng trangkaso, ... sa wika ng inyong doktor para ... • Mas maraming pangangalaga—Noong una, binabayaran

2 | HealthMatters Taglagas 2016 | 3

Ano ang Gagawin Kapag Dumating ang Singil ng DoktorMay natanggap kayo sa koreo na singil mula sa opisina ng doktor: dapat ba ninyong bayaran ito? Baka hindi. Bilang miyembro ng HPSM, magbabayad lamang kayo ng singil ng doktor kung:• Tumanggap kayo ng mga serbisyong hindi

nasasakop ng Medi-Cal• Nagpunta kayo sa provider na hindi-kabilang-

sa- network • Mayroon kayong ibang seguro sa kalusugan at

HPSM Medi-Cal, at hindi ninyo sinunod ang mga tuntunin ng ibang seguro sa pagkuha ng mga serbisyo

• Mayroon kayong Bahagi ng Bayarin ng Medi-Cal o co-pays (kabahagi sa binabayaran) mula sa HealthWorx o CareAdvantage CMC/DSNP Bahagi D na mga medikasyon

Kapag nakatanggap kayo ng singil ng doktor na hindi kabilang sa isa sa mga ito, huwag itong bayaran: tumawag sa halip sa HPSM Member Services sa 1-800-750-4776. Tumawag agad sa amin para maiwasan ang pagkakasira sa credit ninyo. Tawagan din kami kung:• Nabayaran ninyo ang singil ng doktor na

inaakala ninyong hindi dapat bayaran• Pinagbayad kayo ng provider para sa serbisyong

sakop ng Medi-Cal • Nakakuha kayo ng singil matapos kayong

makatanggap ng mga serbisyo• Nakakuha kayo ng singil matapos mabayaran

ng HPSM ang inyong provider• Nakakuha kayo ng singil mula sa ahensiya para

sa pangongolekta (collection agency)

Makakapagpa-acupuncture na ang mga Miyembro ng Medi-Cal at CareAdvantage sa 2017Kung miyembro kayo ng planong Medi-Cal o CareAdvantage, makakapag-acupunture na kayo simula sa Enero 1, 2017. Makakakuha kayo ng mas maraming sesyon kung sasabihin ng doktor na kailangan ninyo ito.

Ano ang acupuncture?

Isang paraang ng pagpapagaling ng mga Tsino ang acupuncture na 3,000 taon nang ginagawa. Kabilang dito ang pagtutusok ng maliliit na karayom sa balat sa mga takdang punto sa katawan.

Saan nakatutulong ang acupuncture?

Napatunayan sa mga pag-aaral na nakatutulong ang acupuncture sa pagtatanggal ng kirot, sakit ng ulo, kalungkutan, problema sa pagtulog, mga allergy, at marami pang iba.

Paano ako makakukuha ng mga sesyon ng acupuncture?

Tumawag sa 650-616-2133 para makakita ng acupuncturist na malapit sa inyo. Hindi ninyo kailangan ng abiso mula sa inyong doktor o iba pang eksperto sa kalusugan para magpa-acupuncture.

Page 4: Healthmatters Taglagas 2016 - HPSM::Welcome · PDF filePadating na ang panahon ng trangkaso, ... sa wika ng inyong doktor para ... • Mas maraming pangangalaga—Noong una, binabayaran

4 | HealthMatters

Pinaka-unang Programa para sa Pangangalaga sa Komunidad (Community Care Settings Pilot)Noong 2014, sinimulan ng HPSM ang inobatibong pagsubok na programang tinatawag na Community Care Settings Pilot (CCSP). Tumutulong ang programa sa pagkakaroon ng pangmatagalang pangangalaga sa mga tao sa kanilang sariling tahanan. Noong Hunyo 2016, pumasok sa programa ang ika-100 miyembro. Nagsisilbi na ito ngayon sa mahigit 120 katao.

Ang HPSM ang unang hindi-para-sa-tubo na planong pangkalusugan sa U.S. na nagbukas ng ganitong programa. Ang mga kasama namin sa programa ay ang Brilliant Corners at ang Institute on Aging (IOA). Kompanya sa pabahay ang Brilliant Corners na tumutulong sa mga tao na makakita ng tahanan, at nangangasiwa

ang IOA ng pangangalaga sa mga miyembro sa kabuuan ng programa. Kapag may tahanan na ang isang miyembro, nagsisikap ang HPSM at IOA na panatilihin sila roon. Isinasagawa namin ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga palagiang pagbisita ng doktor, pangangalagang batay sa pagtutulungan ng pangkat (team-based-care)at iba pang suporta.

Karamihan sa mga pasyenteng CCSP ay hindi na bumalik sa pangmatagalang pangangalaga (long-term care). Nasisiyahan dito ang mga taong nasa programa. Sa isang sarbey sa mga miyembro, 100% ang nasisiyahan sa kanilang Care Manager (Tagapamahala ng Pangangalaga). Bukod rito, 86% ang nagsabing bumuti ang kalidad ng kanilang buhay.

Sa ngayon, kaunti pa lamang ang naipapasok naming miyembro ng HPSM sa CCSP. Inaasahan naming balang araw ay maibibigay namin ang mga pinakamabuting bahagi ng programa sa mas maraming miyembro. Sa gayon, mas maraming tao ang sasaya at lulusog pa sa kanilang tahanan.

Noong Hunyo 2016, malugod na tinanggap ng CCSP sa programa ang ika-100 miyembro ng HPSM. Heto ang isa sa kanilang mga kuwento.

Nagtatrabaho noon sa opisina si Rick Weinstein nang magkasakit siya. Isinugod siya sa ospital, kung saan tinanggalan doon ang namuong dugo sa kanyang binti. Iyon na ang huling araw na nakapagtrabaho si Rick. Mula noon, galing na sa Social Security and Disablity ang lahat ng kita niya. Hindi nagtagal, hinarap din niya ang iba pang

sakit, tulad ng diabetes at mga sakit sa puso.

Noong Mayo 2015, nagkaroon siya ng ikalawang impeksiyon. Walang siyang magawa kundi manirahan sa pasilidad ng ekspertong pangangalaga (skilled nursing facility). Mayroon doong social worker

na nagngangalang Erin na isa ring CCSP Care Manager. Naniwala siya na mas gusto ni Rick na manirahan sa sariling

tahanan kapag gumaling na. Sumang-ayon si Rick, kaya nagsikap si Erin na maipasok siya sa programa.

Habang gumagaling si Rick sa operasyon, hinanapan siya ng Brilliant Corners ng murang lugar na matitirahan sa Daly City. Noong Enero 2016, sapat na ang paggaling niya para makalipat sa tahanan. “Malaki ang naitulong ng programa sa akin,” sabi ni Rick. “Naibigay nila sa akin ang tulong para makapamuhay ako nang mag-isa.” Bilang bahagi ng pangangalaga, may mga

“Malaki ang naitulong ng programa sa akin”

Itutuloy sa likuran ng pabalat. u

Page 5: Healthmatters Taglagas 2016 - HPSM::Welcome · PDF filePadating na ang panahon ng trangkaso, ... sa wika ng inyong doktor para ... • Mas maraming pangangalaga—Noong una, binabayaran

4 | HealthMatters Taglagas 2016 | 5

Maligayang ika-50 Kaarawan, Medi-Cal!Noong 1965, mga dalawang-katlo (two-thirds) ng taona lagpas sa edad 65 sa U.S. ang walang healthcare, at mahihirap ang mahigit sa kalahati sa kanila. Pinirmahan ng Pangulon noon na si Lyndon Johnson ang Medicare at Medicaid bilang batas, at nagbigay ito ng pangangalagang pangkalusugan sa milyon-milyong tao. Nagbukas ito ng daan sa programang Medi-Cal ng California sa sumunod na taon. Dahil dito, limampung taon na ang Medi-Cal sa 2016. Narito ang isang pagtanaw kung paanong nagawa ng programang healthcare na ito na maging mas mabuting lugar para sa kalusugan ang California.• Mas maraming tao—Nang ilunsad ito,

sinakop ng Medi-Cal ang mas kaunti sadalawang milyong tao (mga 6% ng mga taga-California). Ngayon, nagbibigay na ito ngmababa- o walang-bayaring pangangalagangpangkalusugan sa mahigit sa 13 milyong tao(mga isa sa bawat tatlong taga-California).Halos limang milyon ang sumali rito magmulanoong 2014, salamat sa malaking bahagi saAffordable Care Act.

• Mas maraming pangangalaga—Noonguna, binabayaran lamang ng Medi-Cal angsingil sa pangangalagang pangkalusuganng mga naka-enroll. Ngayon, sakop na nitoang mga problemang medikal, kalusuganng isip, paningin, dental at pang-aabuso sadroga. Tumutulong din ito sa mga matatandaat taong may kapansanan para manirahansa tahanan na may suporta mula sa mga

kapamilya at manggagawa para sa kalusugan sa tahanan (home health).

• Mas higit ang mga pagkakaiba-iba—Noon,sakop lamang ng Medi-Cal ang mahihirapna pamilya, mga nagdadalantao at maykapansanang na taga-California. Mula noon,mas marami pang tao ang naisama na:mula matatanda at mababa-ang-sahod namanggagawa hanggang sa mga batang hindidokumentado.

HPSM at Medi-Cal: 30-Taon ng Pagiging Mag-partner sa Kalusugan

Naitatag ang HPSMnoong 1987, at

magtatalumpung taon na sa susunod na taon:• Sakop ng HPSM ang halos 145,000 katao—o

mga isa-sa-bawat-limang residente ng SanMateo

• Mula 2014, lumaki ang enrollment sa HPSMMedi-Cal nang 43% nang hanggang sa 110,000miyembro

• Sa ating programang CareAdvantage, sakopng HPSM ang mga 11,000 miyembro na kapwamay Medicare at Medi-Cal

• Ipinagmamalaki ng HPSM na nasakop nitoang mga hindi dokumentadong tao mulanang magsimula kami—na deka-dekada bagomaipasa ng California ang batas na naggawadng mga benepisyong Medi-Cal sa mga batanghindi dokumentado noong 2015

Page 6: Healthmatters Taglagas 2016 - HPSM::Welcome · PDF filePadating na ang panahon ng trangkaso, ... sa wika ng inyong doktor para ... • Mas maraming pangangalaga—Noong una, binabayaran

regular na konsultasyon si Rick sa doktor at dalaw kay Erin. Binalikan din ni Rick ang ministeryong gawain sa kanyang simbahan, ang Tiburon Christian Fellowship. Ginabayan niya doon ang mga binatang nasa-panganib sa loob nang higit

sa 15 taon. Pinahahalagahan din niya ang gabay espiritwal na ibinibigay sa kanya ng mga kasamang miyembro ng simbahan.

Kinakaharap pa rin ni Rick ang mga hamon, ngunit kalahok siya sa physical therapy at pag-eehersisyo. “Hangga`t kaya ko,

ayokong maratay,” sabi niya. “Parang iyang kasabihan sa The Shawshank Redemption,” sabi niya. “Kumilos para mabuhay o kumilos para mamatay.Nagsisikap akong kumilos paramabuhay. Laging nasa likod koang Health Plan of San Mateo.”

u Pagpapatuloy mula sa pahina 4

Ang HealthMatters ay inilathala bilang isang serbisyo sa komunidad para sa mga kaibigan at tagapagtangkilik ng Health Plan of San Mateo (HPSM). 801 Gateway Blvd., Suite 100, South San Francisco, CA 94080. Telepono: 1-800-750-4776. Web: www.hpsm.org.

Ang impormasyon ng HealthMatters ay nagmumula sa

isang malawak na hanay ng mga eksperto sa medisina. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin o mga tanong tungkol sa tiyak na nilalaman na maaaring makaapekto sa inyong kalusugan, mangyaring makipag-ugnay sa inyong tagabigay ng serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan. Maaaring gamitin ang mga modelo sa mga larawan at mga guhit.

HPSM Marketing Department: Mat Thomas—Editor in Chief | Peggie Van— Graphic Designer

Itinataguyod namin ang mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan ng aming mga miyembro at ng iba pang mga hindi napaglilingkuran na mga residente ng County ng San Mateo.