Upload
nialaelyzamolina
View
730
Download
25
Embed Size (px)
Citation preview
HEKASI4
ModifiedInSchoolOffSchoolApproachModules(MISOSA)DistanceEducationforElementarySchoolsSELFINSTRUCTIONALMATERIALS
BAKITIBAIBAANGKLIMAATPANAHON
SAMUNDODepartmentofEducationBUREAUOFELEMENTARYEDUCATION2ndFloorBonifacioBuildingDepEdComplex,MeralcoAvenuePasigCity
Revised2010bytheLearningResourceManagementandDevelopmentSystem(LRMDS),
DepEdDivisionofNegrosOccidentalundertheStrengtheningtheImplementationofBasicEducation
inSelectedProvincesintheVisayas(STRIVE).
ThiseditionhasbeenrevisedwithpermissionforonlinedistributionthroughtheLearningResourceManagementDevelopmentSystem(LRMDS)Portal(http://lrmds.deped.gov.ph/)underProjectSTRIVEforBESRA,aprojectsupportedbyAusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.
1
GRADE IV
BAKIT IBA-IBA ANG KLIMA AT PANAHON SA MUNDO
Pansinin mo ang mga bata sa larawan. Ano ang masasabi mo sa kanilang mga kasuotan?
Saang bahagi ng mundo sila matatagpuan?
Sa modyul na ito matututunan mo ang :
* ibat-ibang bahagi ng mundo na tumatanggap ng ibat-ibang tindi ng sikat ng araw habang lumiligid sa mundo.
* paghahambing ng mga panahon sa ibat ibang latitud ayon sa posisyon ng mundo habang lumiligid sa araw.
ALAMIN MO
2
Bago mo umpisahan ang modyul na ito, pagbalik-aralan mo muna ang
nakaraang aralin. Sagutin mo ang mga pagsasanay sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan
A. Iguhit ang tamang posisyon ng mundo sa pag-ikot nito sa paligid sa araw. B. Ibigay ang tamang salita na hinihingi ng bawat pangungusap sa ibaba.
_____ 1. Pagligid ng mundo sa araw.
_____ 2. Buwan kung saan isinasama ang sobrang araw.
_____ 3. Ito ay nagaganap minsan sa apat na taon.
_____ 4. Umaabot sa _____ na araw ang isang rebolusyon.
_____ 5. Nagaganap sa bilis na _____ km ang pag-ikot ng mundo.
C. Isulat ang Wasto kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at
kung mali ang isinasaad iwasto ito.
_____ 1. Ang pagligid ng mundo sa araw ay tinatawag na rotasyon
_____ 2. Sa pagbabago ng panahon kaagad na naaapektuhan ang
temperatura.
_____ 3. Ang bahaging di-nasisikatan ng araw ay masasabi nating
gabi. Gabi sa bahaging di nasisikatan ng araw.
_____ 4. Tumataas ang temperatura ng mga bagay kung ito ay di
nasisikatan ng araw.
_____ 5. Nakahilig ng 53 digri ang mundo habang umiikot sa araw.
PAGBALIK-ARALAN MO
3
Suriin mo ang larawan ng globo.
PAG-ARALAN MO
Kung nasagot mong lahat ang pagsasanay, maaari ka nang magpatuloy!
Globo A
Globo B
4
Suriing mabuti ang globo A at globo B. Ang globo B ay kabilang bahagi ng globo A. may mga pahalang na guhit na makikita sa globo. Ang mga guhit na ito ay pawing nasa isip lamang. Ang guhit sa gitna ay ang Ekwador.
Sa hilaga at timog ng ekwador ay may espesyal na guhit latitude. Mula sa
ekwador patungong hilaga, makikita ang Tropiko ng Kanser at Kabilugang Artiko. Mula sa Ekwador papuntang hilaga, makikita naman ang Tropiko ng Kaprikornyo at Kabilugang Antartiko.
Ano kaya ang kaugnayan ng mga espesyal na guhit na ito sa pagkakaiba-
iba ng klima sa mundo?
Tingnan mo naman ngayon ito.
Sulyap-sulyapan mo ang nakalarawan habang bumabasa. Ang mga pagitan ng mga guhit ay sinusukat sa digri ().
Mula sa Ekwador pataas sa Tropiko ng Kanser at mula sa Ekwador
pababa sa Tropiko ng Kaprikornyo ay may sukat na 0 hanggang 23. Ang bahaging ito ay sakop ng Mababang Latitud
KABILUGANG ARKTIKO
TROPIKO NG KANSER
EKWADOR
TROPIKO NG KAPRIKORNYO
KABILUGANG ANTARKTIKO66 66
66 66
23 23
23 23
0 0
90
90
mataasna
latitud
mataasna
latitud
mababanglatitud
gitnanglatitud
gitnanglatitud
Hilaga
Timog
. Tingnan ang larawan ng Globo A at B.
5
Mula sa Tropiko ng Kanser hanggang Kabilugang Arktiko sa hilaga at
mula Tropiko ng Kaprikornyo hanggang Kabilugang Antarktiko sa Timog ay 23 hanggang 66. Ang bahagi ito ng mundo ang Gitnang Latitud.
Mula Kabilugang Arktiko hanggang polong Hilaga at mula Kabilugang
Antarktiko hanggang polong Timog ay 66 hanggang 90. Ang bahaging ito ay Mataas ng Latitud
Ilagay sa tamang guhit ang sumusunod.
. Tingnan natin kung nauunawaan mo ang mga paliwanag na binasa.
Kopyahin ang drawing sa iyong kuwaderno.
66 66
66 66
23 23
23 23
0 0
90
90
6
- mababang latitud - tropiko ng Kanser - gitnang latitud - tropiko ng Kaprikornyo - mataas na latitud - Kabilugang Arktiko - ekwador - Kabilugang Antarktiko
Upang higit na mauunawaan, basahin ang sumusunod; Sa pagligid ng mundo sa araw, may mga lugar sa mundo na tuwirang
tumatanggap ng sikat ng araw. Ang mga lugar na ito ay matatagpuan sa pagitan ng Tropiko ng Kanser (23 H latitud) at Tropiko ng Kaprekonyo (23 T latitud). Ang bahaging ito ang tinatawag na mababang latitud. Tinatawag din itong tropiko. Ang mga bansang nasasakop ng mga espesyal na guhit na ito ay tinatawag na mga bansang tropical. Ang mga bansang ito ay nakararanas ng dalawang panahon; tag-ulan at tag-araw.
Sa mga lugar naman na matatagpuan sa pagitan ng Tropiko ng Kanser 23
at Kabilugang Arktiko (66 H latitud) at Tropiko ng Kaprekornyo (23 T latitud) at Kabilugang Antartiko (66 T latitud), ang sikat ng araw ay pahilis. Ang mga bahging ito ay ang gitnang latitud. Ang klima sa parteng ito ay temperate o katamtamang init at lamig. Ang mga bansang nabibilang sa gitnang latitud ay may apat na panahon; taglamig, tagsibol, tag-araw at taglagas.
Mula naman sa Kabilugang Arktiko 66 H latitud hanggang Polong
Hilaga 90 H latitud aty Kabilugang Antartiko 66 T latitud, hangganng Polong Timog (90 T latitud) ay ang mga Rehiyong Polar o Mataas na latitud. Labis ang lamig dito dahil nababalot ng yelo sa loob ng anim na buwan, dahil hindi gaanong nasisikatan ng araw.
Araw
Polong Hilaga
Polong Timog
Kabilugang Arktiko
Tropiko ng Kanser
Tropiko ng KaprikornyoKabilugang Antarktiko
EKWADOR
7
Pag-aralan mo naman ang talahanayang ito.
MGA LATITUD KLIMA KINAROROONAN
MGA HALIMBAWANG
BANSANG NASASAKUPAN
Mababang Latitud
Mainit sa buong taon Klimang Tropikal (may panahong tag-init at tag-ulan)
Mula 0 hanggang 23
Pilipinas, Indonesia, Columbia
Gitnang Latitud May panahong tagsibol, tag-init, tag-lagas at tag-lamig (Humigit kumulang sa tatlong buwan ang tagal ng isang panahon)
Mula 23 hanggang 66
Canada, Australia, France, Argentina, Namibia
Mataas na Latitud
Lugar ng mga polo. Malamig na malamig May bahaging 6 na buwang gabi at 6 na buwang araw
Mula 66 hanggang 90
Alaska, Greenland, Iceland
Batay sa talahanayan sagutin mo ang mga tanong. 1. Anong uri ng klima ang nararanasan sa mataas na latitud? 2. Anong mga bansa ang may ganitong klima?
3. Ano ang klimang nararanasan ng Pilipinas? Anong bahagi ng mundo ang
kinaroroonan ng Pilipinas?
8
4. Ilang uri ng panahon ang nararanasan sa mga gitnang latitud? Anu-ano
ang mga ito?
5. Anu-anong mga bansa ang nasa gitnang latitud?
Ano ang tinatamaan ng sikat ng araw kapag tag-init sa Hilagang hating
globo at taglamig sa Timog hating globo?
Ngayon, subukin mo ang iyong natutuhan. Gawin mo ang mga
pagsasanay sa iyong kwadernong sagutan.
A. Lagyan ng angkop na pangalan ang mga patlang ng larawan.
PAGSANAYAN MO
66
66
23
23
0
5. __________
2. __________
4. __________
3. __________
1. __________
9
B. Punan ang patlang ng wastong sagot ayon sa isinasaad ng pangungusap sa bawat bilang.
__________ 1. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng 23 sa hilaga at
timog ng ekwador. __________ 2. Apat na uri ng klima ang nararanasan ng mga tao sa
bahaging ito ng mundo. __________ 3. Dalawang uri ng klima ang mararanasan dito na kung
saan matatagpuan ang Pilipinas. __________ 4. Mayelo sa lugar na ito at nasa 66 hilaga. __________ 5. Hindi nagpapakita ang araw sa lugar na ito sa timog
sa loob ng kalahating taon. __________ 6. Lugar na may pinakamainit na sikat ng araw. __________ 7. Ito ay nasa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko
ng Kaprikornyo. __________ 8. Linyang latitud na matatagpuan sa 23 hilaga ng
ekwador. __________ 9. Matatagpuan ang linyang latitud na ito sa 66
hilagang latitud . __________ 10. Espesyal na linyang latitud na nasa 0 latitud.
C. Isulat ang K kung may katotohanan ang sinasabi at WK kung walang katotohanan. __________ 1. Diretsong natatamaan sa sinag ng araw ang mga
lugar na nasa mababang latitude. __________ 2. Ang kabilugang Artiko ay nasa katimugang bahagi ng
mundo. __________ 3. Dalawang uri ng panahon ang mga lugar sa pagitan
ng Tropiko ng Kanser at Kabilugang Artiko. __________ 4. Sa gitnang latitude, mainit na mainit ang tag-init at
malamig na malamig ang tag-lamig. __________ 5. Sanhi ng pagkaiba-iba ng panahon ng mga lugar sa
mundo ay ang pagkiling ng mundo sa aksis nito.
10
D. Tukuyin mo kung saang bahagi ng mundo matatagpuan ang mga
sumusunod na bansa. Isulat kung gitna, mataas o mababang
1. Canada = _____
latitud. Hanapin sa globo.
3. Thailand = _____ 5. Alaska = _____ 2. Pilipinas = _____ 4. Australia = _____
Ang mga espesyal na latitud na iniuugnay sa klima ay ang mga
sumusunod:
- Tropiko ng Kanser - Kabilugang Antartiko - Tropiko ng Kaprikornyo - Kabilugang Arktiko
Ang gitnang latitud, mataas na latitud at mababang latitud ay bahagi ng mundo na nakakaapekto sa klima at panahon ng isang lugar.
Ang apat na uri ng klima sa gitnang latitud ay ang taglamig,
tag-init, taglagas at tagsibol.
Tag-init at tag-ulan ang dalawang panahon sa mababang latitud.
Nag-iiba ang uri ng panahon sa mundo dahilan sa pagbabago
ng posisyon ng mundo habang lumiligid ito sa araw. Ang pagkiling nito sa aksis nang 23 ang may kinalaman dito.
TANDAAN MO
11
Sagutin mo ang katanungan ng may katapatan.
A. Kung ikaw ay bibigyang pagkakataon na makausap ang mga taong naninirahan sa gitnang latitud o rehiyong temperate, anu-anong mga gawain sa rehiyong tropikal o mababang latitud tulad ng Pilipinas ang iyong maipagmamalaki? (Gamitin ang concept mapping).
B. Sagutin mo.
1. Masasabi mo bang mapalad ang Pilipinas sa pagiging isang bansa na matatagpuan sa mababang latitude ng mundo? Bakit?
2. Kung hindi kaya nakakiling ang aksis ng mundo, ano kaya ang
epekto nito?
ISAPUSO MO
Mga
Gawaing
Ipagmamalaki
12
C. Mahalaga bang pag-aralan ang pagbabagu-bago ng klima? Bakit?
(Gamitin ang Discussion Web)
Ngayon sukatin mo ang iyong natutuhan tungkol sa modyul na ito. Maaari mo nang umpisahan ang pagsagot sa mga pagsasanay sa ibaba. Isulat sa kwadernong sagutan ang iyong sagot.
A. Pillin ang wastong sagot at titik lamang ang isulat bilang sagot.
_______ 1. Umiikot ang mundo sa sariling _______. a. latitud c. aksis b. longhitud d. orbit _______ 2. Nakahilig ang mundo nang _______ digri. a. 23 c. 365 b. 66 d. 24 _______ 3. Ang Pilipinas ay nasa _______ latitud. a. gitnang c. polong b. mataas na d. mababang _______ 4. 364 na araw ang pagligid ng mundo sa _______. a. buwan c. orbit b. araw d. constellation
PAGTATAYA
Oo ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________
Hindi ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________
Mahalaga bang pag-aralan ang pagbabagu-bago ng klima? Bakit?
13
_______ 5. _______ ang panahon sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at
Kabilugang Artiko. a. 2 c. 4 b. 3 d. 5 _______ 6. Ang magkabilang polo ng mundo ay _______. a. napakalamig c. napakahangin b. napainit d. mahalumigmig _______ 7. Ang Tropiko ng Kaprikorniyo ay nasa _______ hatingglobo. a. Hilagang c. Timog b. Silangang d. Kanlurang _______ 8. Karaniwang _______ ang temperatura sa mga lugar na mainit. a. malamig c. mataas b. mababa d. malayo _______ 9. Kung ang bagay ay naiinitan tumataas ang ________ nito. a. hangin c. temperatura b. kalangitan d. kalupaan _______ 10. Kung araw ang bahaging nasisikatan ng araw _______ naman
ang hindi nasisikatan a. tanghali c. bukang liwayway b. madaling araw d. gabi B. Panuto: Isulat ang mataas na latitude, gitnang latitud at mababang
latitude upang matukoy ang kinalalagyan ng mga sumusunod na bansa. Gumamit ka ng globo o mapa.
1. France = ____________________
2. Hawaii = ____________________
3. Argentina = ____________________
4. Columbia = ____________________
5. Iceland = ____________________
14
C. Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang larawan ng globo at sagutin ang mga katanungan.
1. Bahaging mas matagal na nasisikatan ng araw. _______________ 2. Bahagi ng mundo na kung saan palihis ang sikat ng araw.
__________________ 3. Bahaging sinisikatan lang ng araw sa loob ng kalahating taon.
__________________ 4. Bahagi ng mundo na may katamtamang init. _________________ 5. Pinakamainit na bahagi ng daigdig. __________________
D. Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong na bubuo sa tamang
diwa ng bawat pangungusap.
1. Matatagpuan sa 23 hilaga ng ekwador ang Tropiko ng (Kanser, Kaprikornyo)
2. Ang kabilugang (arktiko, antarktiko) an nasa 66 timog sa gitnang
latitud. 3. May (dalawa, apat) na panahon sa lugar ng gitnang latitud. 4. Ang (rehiyong temperate, rehiyong polar) ay hindi tinatamaan ng
diretsong sikat ng araw. 5. Tinatawag ding rehiyong tropical ang (mataas, mababang) latitud.
E. Tama o Mali: Isulat ang Tama
_____ 1. Hindi nagbabago ang klima sa ibat-ibang lugar sa loob ng
isang taon. _____ 2. Sa gitnang latitud ay may apat na panahon. _____ 3. Ang sikat ng araw sa bahaging gitnang latitud ay pahilis. _____ 4. Sa ekwador matatagpuan ang pinakamainit na lugar. _____ 5. Sa bahaging Arktiko at Antarktiko hindi nakikita ang araw.
kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at kung hindi ay iwasto.
Kung nasagutan mo nang buong husay ang Pagtataya, binabati kita. Maaari mo nang umpisahan ang susunod na modyul.
10 - BAKIT IBA-IBA ANG KLIMA AT PANAHON SA MUNDO - Cover10 - BAKIT IBA-IBA ANG KLIMA AT PANAHON SA MUNDOALAMIN MOPAGBALIK-ARALAN MOPAG-ARALAN MOPAGSANAYAN MOTANDAAN MOISAPUSO MOPAGTATAYA
/ColorImageDict > /JPEG2000ColorACSImageDict > /JPEG2000ColorImageDict > /AntiAliasGrayImages false /CropGrayImages true /GrayImageMinResolution 300 /GrayImageMinResolutionPolicy /OK /DownsampleGrayImages true /GrayImageDownsampleType /Bicubic /GrayImageResolution 300 /GrayImageDepth -1 /GrayImageMinDownsampleDepth 2 /GrayImageDownsampleThreshold 1.50000 /EncodeGrayImages true /GrayImageFilter /DCTEncode /AutoFilterGrayImages true /GrayImageAutoFilterStrategy /JPEG /GrayACSImageDict > /GrayImageDict > /JPEG2000GrayACSImageDict > /JPEG2000GrayImageDict > /AntiAliasMonoImages false /CropMonoImages true /MonoImageMinResolution 1200 /MonoImageMinResolutionPolicy /OK /DownsampleMonoImages true /MonoImageDownsampleType /Bicubic /MonoImageResolution 1200 /MonoImageDepth -1 /MonoImageDownsampleThreshold 1.50000 /EncodeMonoImages true /MonoImageFilter /CCITTFaxEncode /MonoImageDict > /AllowPSXObjects false /CheckCompliance [ /None ] /PDFX1aCheck false /PDFX3Check false /PDFXCompliantPDFOnly false /PDFXNoTrimBoxError true /PDFXTrimBoxToMediaBoxOffset [ 0.00000 0.00000 0.00000 0.00000 ] /PDFXSetBleedBoxToMediaBox true /PDFXBleedBoxToTrimBoxOffset [ 0.00000 0.00000 0.00000 0.00000 ] /PDFXOutputIntentProfile () /PDFXOutputConditionIdentifier () /PDFXOutputCondition () /PDFXRegistryName () /PDFXTrapped /False
/CreateJDFFile false /Description > /Namespace [ (Adobe) (Common) (1.0) ] /OtherNamespaces [ > /FormElements false /GenerateStructure false /IncludeBookmarks false /IncludeHyperlinks false /IncludeInteractive false /IncludeLayers false /IncludeProfiles false /MultimediaHandling /UseObjectSettings /Namespace [ (Adobe) (CreativeSuite) (2.0) ] /PDFXOutputIntentProfileSelector /DocumentCMYK /PreserveEditing true /UntaggedCMYKHandling /LeaveUntagged /UntaggedRGBHandling /UseDocumentProfile /UseDocumentBleed false >> ]>> setdistillerparams> setpagedevice