14
Layunin: Nagagamit ang globo sa paglalarawan ng pisikal na anyo ng mundo. Natutukoy ang lokasyon o lugar ng mga bansa sa pamamagitan ng mga guhit sa globo.

Hekasi 6 module

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Hekasi 6 module

Layunin: Nagagamit ang globo sa

paglalarawan ng pisikal na anyo ng mundo.

Natutukoy ang lokasyon o lugar ng mga bansa sa pamamagitan ng mga guhit sa globo.

Nalalaman ang gamit ng mga espesyal na guhit ng globo

Page 2: Hekasi 6 module

Mga bata…ako si Mayumi, ang bago ninyong kaibigan.Nais kong magkaroon ng paa tulad mo. Upang makita ko ang aking mahal na prensipe d’yan sa lupa.Maari mo ba akong matulungan?Halika tulungan mo akong malampasan ang mga pagsubok. Na kung saan ang tamang paggamit ng globo ang s’yang magiging gabay upang ako’y magkapaa.

Page 3: Hekasi 6 module

Teka! Teka! Magdahan-dahan ka.

Paalaala bago ako gamitin, maayos mo itong sundin.1. Linisin ang mga kamay

bago ako hawakan.2. Iwasang mabasa o

mapunit ang aking pahina.3. Huwag din

akongsusulatan o sisirain.4. Higit sa lahat ibalik ako

sa lugar na pinagkuhanan.

Page 4: Hekasi 6 module

Kamusta ka na?Handa ka na ba?Halina’t samahan ako sa pagharap sa mga pagsubok na s’yang magiging daan upang magkarron ako’y magkapaa tulad mo.

Page 5: Hekasi 6 module

PRE-TEST:May isang bruha na may pag-ibig sa aking kasintahan na si Makisig, dahil sa galit n’ya sa akin ako’y kanyang isinumpang magkaroon ng buntot tulad ng isda. Kaya napilitan akong manirahan sa dagat at kami’y nagkahiwalay ng aking sinta.At ikaw batang nasa ika-anim na baitang ay nababalitang magaling sa paggamit ng globo…ikaw ang aking kailangan upang malampasan ang mga pagsubok na kailangang pagdaan upang ako’y magkapaa.Handa ka na ba? Kung ga’yon simulan na natin.Kailangan mo lamang ng masusing pag-iisip upang sagutan ang mga katanungang ito:

Ano ang pinaliit na replica ng mundo? Ano ang tawag sa gitnang guhit

latitude ng globo? Magbigay ng dalawang halimbawa ng

Page 6: Hekasi 6 module

Tama ba ang iyong mga sagot?Heto ang mga kasagutan:

Globo ekwador Maaaring

kasagutan:tagsibol

taglamig

Page 7: Hekasi 6 module

Nakakasiguro ako na handa ka nang matutunan kung paano at ano ang gamit ng globo.

Polong Hilaga

90˚60˚ 60˚

40˚ 40˚ guhit lahitud 20˚ 20˚

Guhitlonghitud

0˚ 0˚ ekwador 20˚ 20˚

40˚ 40˚ prime meridian 60˚ 60˚

90˚ Polong Hilaga

Pansining mabuti ang globo, mayroon itong mga guhit na patayo at pahalang. Ang mga guit na ito ay likhang isip lamang. Inilalarawan nito ang pagkakahati-hati ng mga bahagi ng daigdig. Ito ay nagsisilbing pantulong sa pagtukoy ng lokasyon o lugar ng mga bansa.

May dalawang polo ang daigdig. Ang Polong Hilaga na nasa itaas na bahagi ng globo at ang Polong Timog na nasa bahaging ibaba.

Ang pinakagitna at pinakapangunahing guhit latitude ay ang ekwador. Ito ang linya sa gitna na humahati sa mundo sa dalawang hating globo. Ang Hilagang Hating Globo at ang Timog Hating Globo.Hinahati nito ang mundo ng patayo. Ang bahaging nasa kaliwa ay tinatawag na Kanlurang Hating Globo at ang bahaging nasa kanan ay ang kinilalang Silangang Hating Globo.

Page 8: Hekasi 6 module

Ang mga likhang guhit na pahalang na mapapansin sag lobo at tinatawag na guhit latitude o parallel. Ang kathang guhit na patayo mula sa Hilaga hanggang sa Polong Timog ay tinatawag na meridian o longhitud.

Mayroon pang mga espesyal na guhit ang makikita sag lobo. Ito ay ang guhit na kaagapay ng ekwador. Tingnan ang mga ito sa larawan.

POLONG HILAGA

Mababang latitud 66 ½ ˚H Latitud Kabilugang Artiko

Gitnang Latitud 23 ½ ˚H Latitud Tropiko ng Cancer

MababangLatitud

EkwadorMababang

Latitud Tropiko ng Capricorn 23 ½ ˚T LatitudGitnang Latitud

Kabilugang AntartikoMababang Latitud 66 ½ ˚T Latitud

POLONG TIMOG

Ang mga bansang nakalapat sa pagitan ng ekwador hanggang sa Tropiko ng Cancer at Tropiko ng Capricorn ay nakararanas ng mainit o klimang tropical.

Sa isang buong taong, umiiral ang tag-araw at tag-ulan sa mga bansang nakapaloob ditto. Sinasabing nasa mababang latitude ito.

Ang mga lugar naman na saklaw ng Tropiko ng Cancer hanngang Kabilugang Artiko at Tropiko ng Caprocorn hanggang Kabilugang Antartiko ay nasa gitnang latitud. Ang mga bansang nakahimlay ditto ay nakararanas ng katamtamang klima. Sa buong taon, umiiral ditto ang apat na uri ng klima: Tag-init, taglamig, tagsibol at taglagas.

Page 9: Hekasi 6 module

Nasa mataas na latitude naman ang mga lugar na nasa pagitan ng Kabilugang Artiko hanggang sa Polong Hilaga at ang nasa pagitan ng Kabilugang Antartiko hanggang Polong Timog. Sa isang buong taon, ang bansa rito ay nakararanas ng mahabang taglamig at tag-init. Ang mga lugar na nakalapat ditto ay nababalutan ng yelo.

Siguro naman kayang kaya mo nang sagutin ang mga sumusunod na katanungan.Galingan mo kaibigan….

1. Saan ginagamit ang globo at ano ang kahalagahan nito?

2. Bakit minabuting lagyan ng kathang-guhit ang globo?

3. Anu-ano ang mga likhang guhit na ito?4. Anu-ano ang mga espesyal na guhit ng globo?5. Ano ang tinutukoy ng bawat guhit?

Page 10: Hekasi 6 module

Tapos mo na bang sagutan?

Tingnan natin kung tama ang iyong sagot.

1. Ang globo ay modelo ng mundo na na nagbibigay ng mabisa at malinaw na paglalarawan sa pisikal na anyo ng mundo.

2. Inilalarawan ng mga kathang-guhit ang pagkakahati-hati ng mga bahagi ng daigdig bilang pantulong sa pagtukoy ng lokasyon o lugar ng mga bansa.

3. Mga polo, ekwador, prime meridian, guhit latitude at longhitud.

4. Kabilugang Artiko, Tropiko ng Cancer, Tropiko ng Cancer at Kabilugang Antartiko.

5. Tumutuloy ito sa klima na

Page 11: Hekasi 6 module

POST TEST: Ang galing mo kaibigan…

Ayan malapit na akong magkaroon ng paa. Heto pa ang kailangan nating malampasan. Galingan mo…….

Kailangang mo lang pag-aralan ang larawan.Tukuyin at sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod

1. A =2. B =3. C =4. DE =5. AB =

Page 12: Hekasi 6 module

Tingnan kung tama ang iyong sagot.

1. Polong hilaga2. Polong timog3. latitud4. ekwador5. prime meridian

Page 13: Hekasi 6 module

Yeheeyy!!! Ang galing mo naman kaibigan…Nalampasan mo nang matagumpay ang mga pagsubok. Dahil sa’yo mayroon na akong paa ngayon. At kasama ko na rin ang aking pinakamamahal na prinsipe.Maraming salamat sa’yo kaibigan…