10
ANG EDITORYAL Ano pa nga ba kundi mga pasis- tang hayop na alaga ng Duterteng halimaw ang nagsagawa ng krimen na ito? Sino pa ba ang magdiriwang sa pagpaslang kay Echanis kundi ang mga mapang-api at mapagsa- mantala na walang-sawa at walang- pagod niyang binatikos at nilabanan kasama ang masang anakpawis? May iba pa bang layunin ang karu- maldumal na krimeng ito kundi ang itarak ang hilakbot sa dibdib ng taumbayan? Ano pa nga ba kundi galit, paghihimagsik, at ibayong ta- pang at paglaban ang tugon ng sambayanan? Ang brutal na pagpaslang kay Echanis ay bahagi ng tumitindi at walang-habas na teroristang pag- daluhong ng estado sa ilalim ng re- himeng Duterte. Partikular na tina- target ang kilalang mga personahe at pwersang patriyotiko at demok- ratiko na aktibo sa hayag na kilu- sang masa na pinakamasigla sa paglalantad at paglaban sa anti- mamamayang rehimeng Duterte at sa pagsusulong ng demokratikong mga pakikibakang masa. Isang linggo lamang paglipas ng Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado S i Ka Randall Echanis, 72, beteranong rebolusyonaryo at lingkod-bayan, tagapagtaguyod ng masang anakpawis, at tagapagsulong ng makata- rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi- nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan sa Quezon City noong madaling-araw ng Agosto 10. Siya'y iginapos, pinagsasasaksak at hinampas sa ulo. Ang tanging saksi, ang dumamay na kapitbahay, ay tuluyan ding pinatahimik. pagpaslang kay Echanis, muling umatake ang mga pasistang hayop. Pinaslang sa Bacolod City si Zara Alvarez, 39, tagapagtaguyod ng karapatang-tao at aktibo sa pagbi- bigay ng mga serbisyong pangkalu- sugan sa mga komunidad. Tulad ni Echanis, si Alvarez ay kabilang sa 600 aktibistang inakusahan ng De- partment of Justice na "terorista" sa kaso laban sa PKP at BHB. Noong Mayo, dinukot, tinortyur at pinahi- rapan din si Carlito Badion, 52, pangkalahatang-kalihim ng organi- sasyong Kadamay. Ilang araw bago nito, pinaslang sa Iloilo City si Jory Porquia, 58, kilalang aktibista at koordinador sa syudad ng partidong Bayan Muna. Ang tuluy-tuloy na pasistang paninibasib laban sa mga kilalang aktibista sa kalunsuran ay isinasa- gawa ng mga armadong ahente ng

Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo LI Blg. 16

Agosto 21, 2020

www.cpp.ph

EDITORYAL

Ano pa nga ba kundi mga pasis-tang hayop na alaga ng Dutertenghalimaw ang nagsagawa ng krimenna ito? Sino pa ba ang magdiriwangsa pagpaslang kay Echanis kundiang mga mapang-api at mapagsa-mantala na walang-sawa at walang-pagod niyang binatikos at nilabanankasama ang masang anakpawis?May iba pa bang layunin ang karu-maldumal na krimeng ito kundi angitarak ang hilakbot sa dibdib ngtaumbayan? Ano pa nga ba kundigalit, paghihimagsik, at ibayong ta-pang at paglaban ang tugon ng

sambayanan?Ang brutal na pagpaslang kay

Echanis ay bahagi ng tumitindi atwalang-habas na teroristang pag-daluhong ng estado sa ilalim ng re-himeng Duterte. Partikular na tina-target ang kilalang mga personaheat pwersang patriyotiko at demok-ratiko na aktibo sa hayag na kilu-sang masa na pinakamasigla sapaglalantad at paglaban sa anti-mamamayang rehimeng Duterte atsa pagsusulong ng demokratikongmga pakikibakang masa.

Isang linggo lamang paglipas ng

Hindi magpapagupo ang bayansa terorismo ng estado

Si Ka Randall Echanis, 72, beteranong rebolusyonaryo at lingkod-bayan,tagapagtaguyod ng masang anakpawis, at tagapagsulong ng makata-rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-

nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan sa QuezonCity noong madaling-araw ng Agosto 10. Siya'y iginapos, pinagsasasaksak athinampas sa ulo. Ang tanging saksi, ang dumamay na kapitbahay, ay tuluyanding pinatahimik.

pagpaslang kay Echanis, mulingumatake ang mga pasistang hayop.Pinaslang sa Bacolod City si ZaraAlvarez, 39, tagapagtaguyod ngkarapatang-tao at aktibo sa pagbi-bigay ng mga serbisyong pangkalu-sugan sa mga komunidad. Tulad niEchanis, si Alvarez ay kabilang sa600 aktibistang inakusahan ng De-partment of Justice na "terorista"sa kaso laban sa PKP at BHB. NoongMayo, dinukot, tinortyur at pinahi-rapan din si Carlito Badion, 52,pangkalahatang-kalihim ng organi-sasyong Kadamay. Ilang araw bagonito, pinaslang sa Iloilo City si JoryPorquia, 58, kilalang aktibista atkoordinador sa syudad ng partidongBayan Muna.

Ang tuluy-tuloy na pasistangpaninibasib laban sa mga kilalangaktibista sa kalunsuran ay isinasa-gawa ng mga armadong ahente ng

Page 2: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

Agosto 21 , 2020 ANG BAYAN2

estado sa utos ni Duterte at ng Na-tional Task Force to End Local Com-munist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Kahit walang batayang li-gal, matagal nang idinadawit ngmga buhong na pasista ang mga ak-tibista sa armadong rebolusyonar-yong kilusan. Tinatarget magingang mga artista, kritikal na mas-midya, taong-simbahan at karani-wang mamamayang kritikal kay Du-terte. Ang mga target ng kanilangpagpaslang, pag-aresto, pagdukot opagkukulong ay matagal nang pina-raratangan ng AFP at PNP sa mgatarpolin at satsat sa masmidya,upang palabasing tama o makatwi-ran ang ginagawa nilang pagsasam-pa ng mga gawa-gawang kasongkriminal o kaya'y tahasang pagpas-lang sa mga lider-masa at mga akti-bista.

Kung walang-awat ang pasis-tang pagsalakay sa kalunsuran, lalopang marahas at walang pakunda-ngan ang panunupil ng AFP sa ka-nayunan, kung saan malayo sa matang midya at mabagal ang daloy ngimpormasyon. Sa ilalim ngpaghahari ni Duterte, hindi bababa

sa 264 ang magsasakang pinaslangng mga sundalo, pulis, paramilitarat mga armadong ahente ngrehimen.

Wala silang sinasantong kara-patan o mga alituntunin kundi angkapangyarihan at batas ng militar.Saanman ang masang magsasaka aynanindigan at nagtanggol sa kani-lang karapatan o lumaban para salupa, naroon ang mga pasista upangsila'y patahimikin at gupuin. Tero-rismo ng estado ang kinakaharapnila sa araw-araw.

Sinumang natutong magsalitapara sa kanilang interes ay pinara-ratangang sumusuporta sa arma-dong kilusan. Ipinapataw nila angmga kontrol ng militar sa mga ko-munidad, kabilang ang curfew,tsekpoynt, pagkontrol sa pagbili ngpagkain, pagbawal sa pagsasaka atiba pang hakbangin na sinasabingkontra sa BHB, subalit katunaya'ypahirap sa masa. Ang mga sibilyangresidente ay pwersahang kinaka-sangkapan ng AFP sa kanilang ma-dugo at mapanupil na gera. Ipina-parada sila sa publiko bilang mga"sumurender," pwersahang nire-

Tomo LI Blg. 16 | Agosto 21, 2020

NilalamanANG

instagram.com/prwcnewsroom

@prwc_info

[email protected]

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

Editoryal: Hindi magpapagupo ang bayan sa

terorismo ng estado 1

Ka Randy, bayani ng masang anakpawis 3

10 sundalo, patay sa Negros 3

Lider ng Partido, pinaslang sa Laguna 4

Manggagawang pangkalusugan, pinaslang 4

Paraligal ng Anakpawis, inaresto 4

Laban para mabuhay 5

Opensiba sa Negros, Bukidnon, Masbate 6

BKP sa Samar 6

Maiiksing balita 7

Malakihang pangungutang ni Duterte 8

Pagbebenta ng armas ng US 9

Julie de Lima, itinalaga ng NDFP 9

Asong ulol na 12th IB 9

2,000 Lumad, magsasaka, nagbakwit 9

Supertubo sa bakuna 10

rekrut sa CAFGU, pinaggigiya samga operasyong militar, hinahakotsa mga raling papuri sa militar atiba pa.

Sa paglulunsad ng gera, walaring sinusunod na batas ang AFP.Sa pag-upat ni Duterte, ilang mgarebolusyonaryong lider at pwersana ang brutal na pinaslang kahit pawala sa katayuang lumaban. Si KaMario Caraig, isa sa mga lider ngPartido sa Southern Tagalog, ay pi-nagbabaril noong Agosto 8 sa La-guna kahit siya'y natutulog. Suga-tan siya at nagpapagaling noon.Noong Marso, si Ka Julius Giron, 71,isa sa pinuno ng Partido at pangu-nahing konsultant sa usapangpangkapayapaan, ay walang-awangpinaslang sa Baguio City, kasamaang kanyang duktor at isang kasa-ma sa tirahan.

Taliwas din sa mga interna-syunal na makataong batas angdumadalas na paghuhulog ng AFPng 500-libras na bomba at bulag napanganganyon sa pinaghihinalaangkampo ng BHB na nagsasapeligrosa buhay at kabuhayan ng masangmagsasaka at minoryang mama-mayan sa mga kanugnog na komu-nidad.

Lahat nang ito—mula sa pam-pulitikang pamamaslang sa kalun-suran hanggang sa militarisasyon sakanayunan—ang bumubuo ng lara-wan ng terorismo ng estado sa ila-lim ni Duterte. Sa harap ng pan-demya, pinaprayoridad ni Duterteang pagpapaigting sa terorismo ngestado. Ginagamit niya ang pina-kabrutal na anyo ng pasismo sa la-yong balutin sa takot ang buongbayan, patahimikin ang kanilangmga protesta at sugpuin ang kani-lang mga pakikibaka.

Habang lango sa kapangyari-han, mas malawak pang poder angtinatakam ni Duterte para tuluy-tuloy na makapagkamal ng yamanmula sa pagbubulsa ng pondongpampubliko, aregluhan sa mgakontrata, suhol ng mga sindikato sadroga at iba pa. Labis-labis ang pa-ngamba ni Duterte at ng kanyangmga alipures na matanggal sila sa

"Hindi...," sundan sa pahina 3

Page 3: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

ANG BAYAN Agosto 21 , 2020 3

Ka Randall Echanis, bayaning masang anakpawis

Binigyan ng pinakamataas na parangal ng rebolusyonaryong kilusan at ma-mamayan ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines

(NDFP) at tagapangulo ng Anakpawis Partylist na si Randall Echanis (Ka Randy)noong Agosto 17. Nagsagawa ng karaban ang mga kaanak, kasamahan at kanyangtagasuporta mula Quezon City tungong Marikina City kung saan siya inilibing.

Brutal na pinaslang si Ka Randy atkanyang kapitbahay noong Agosto 10sa Novaliches, Quezon City. Inilara-wan ni Danilo Ramos, tagapangulo ngKilusang Magbubukid ng Pilipinas, angpagpatay sa kanya at iba pang kon-sultant ng NDFP bilang “pinakamasa-hol na pagpatay sa kapayapaan sa Pi-lipinas.”

Susi si Ka Randy sa pagbalangkasng burador at pinal na bersyon ngComprehensive Agreement on Socio-economic Reforms (CASER) sa pagitanng NDFP at Government of the Repub-lic of the Philippines. Bilang kasapi ngReciprocal Working Committee forSocial and Economic Reforms ng NDFP,pinangunahan ni Ka Randy ang pagba-balangkas sa mga prubisyon ng Agrari-an Reform and Rural Development naseksyon ng CASER. “Ginamit niya angkanyang masaklaw na kaalaman paraitulak ang libreng pamamahagi ng lupasa mga magsasaka bilang bahagi ng tu-nay na reporma sa lupa at pambansangindustriyalisasyon,” ayon sa NDFP.

Hinirang si Ka Randy ng Pamban-sang Katipunan ng mga Magbubukidbilang isang “natatanging rebolusyo-

naryo na mula pagkabata hanggang sahuling hininga ay nakibaka para sakalayaan at demokrasya.” Noongkanyang kabataan, nakilala siya bilangKa Makar sa kanayunan.

Sinaluduhan ng Partido Komunistang Pilipinas ang kanyang mahaba atmayamang serbisyo sa masang mag-sasaka at makabuluhang papel sapagsusulong ng kapayapaang naka-batay sa hustisya. Inilarawan siya ngPartido bilang isang “walang kamata-yang rebolusyonaryo.”

Si Ka Randy ay inilarawan ngkanyang mga nakasama bilang isangmasayahin, mahinahon at mapag-kumbabang lider na labis na minama-hal ng mga magsasaka. “Tatang” angtawag sa kanya ng mga nakababatangaktibista.

“Hindi namatay nang walang ka-buluhan si Ka Randy. Siya ay namatayna isang minamahal na bayani atmartir ng magsasaka at kilusang masa.Ang kanyang buong buhay na pakiki-baka para sa lupa, hustisya at kapa-yapaan ay nararapat lamang na tula-ran,” pagsasalaysay ng kanyang asa-wang si Erlinda sa araw ng libing.

poder at mapwersang ha-rapin ang di mabilang nakasong kriminal at pagla-bag sa karapatang-tao,malantad ang itinatagongyaman, at mapanagot salahat ng kasalanan sa ba-yan. Walang tigil ang mgaiskema ni Duterte paramanatili sa poder sa pa-mamagitan ng pagbabagosa konstitusyon, pagsa-saayos sa resulta ng elek-syong 2022 para makaupoang kanyang mga hihira-ngin, o tahasan pangpagpapataw ng paghaha-ring diktadura.

Ang tumitinding tero-rismo ng estado ay tandang desperasyon ng rehi-meng US-Duterte na ku-mapit sa poder sa harapng lumalakas at lumalawakna panawagan para sakanyang pagbibitiw o pag-papatalsik.

Lalong sumisidhi angdeterminasyon ng bayanna lumaban sa harap ngpalyadong militaristangpagtugon ng rehimen sapandemya, papalalang ko-rapsyon at pagnanakaw,pagpapahirap at pang-aa-pi sa bayan.

Subalit sa halip namagupo, ibayo pang galit,determinasyong lumabanat tapang ang namumuosa dibdib ng mamamayan.Sa halip na mapatahimik,ang taumbaya'y lalongnapupukaw sa pangangai-langang magsalita, mag-protesta at magbangon.Sa halip na tumalikod,handa ang sambayananna harapin ang mga kina-kailangang malaking sak-ripisyo para labanan atgapiin ang pasistang te-rorismo at kamtin anghangad na kalayaan.

"Hindi...," mula sa pahina 2

10 sundalo, patay sa ambus sa Negros

INAMBUS NG BAGONG Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang nag-oopera-syong mga tropa ng 62nd IB sa Sityo Tabago, Barangay Sandayao, Guihulngannoong Agosto 14. Hindi alam ng mga sundalo na batid ng mga Pulang mandirigmaang kanilang presensya. Paglapit nila sa kampo ng BHB, pinasabugan sila ngbomba. Sampung sundalo ang napatay at dalawa ang nasugatan.

Samantala, pinabulaanan ng BHB ang pinalaganap ng militar na engkwentrosa Sityo Maluy-a sa parehong baryo kung saan napatay diumano ang isang man-dirigma. Ayon sa BHB, tinortyur at pinaslang ng mga sundalo si Requem Remasogna isang magsasaka. Mga sibilyan din ang dinakip na tatlo pa na pawang mgamenor de edad.

Page 4: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

Agosto 21 , 2020 ANG BAYAN4

Ka Jethro, lider ng Partido sa Southern Tagalog

Isang lokal ng Batangas na naging pinuno ng armadong kilusan sa Sout-hern Tagalog ang pinaslang ng Armed Forces of the Philippines noong

Agosto 8. Tulog ang sugatan at wala nang kakayahang lumaban na si MarioCaraig (Ka Jethro) nang barilin siya ng mga sundalo ng 1st IB sa tinuluyanniyang bahay sa Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna.

Malubha siyang nasugatan sanaging engkwentro ng kanyang yu-nit at ng militar sa parehong lugarnoong Agosto 4 kung saan napatayang tatlo pang Pulang mandirigma.Labag sa mga internasyunal na ali-tuntunin ng digma ang paslanginang isang mandirigmang sugatan atwalang kakayahang lumaban.

Si Ka Jethro ay isa sa mga upi-syal ng Panrehiyong Ko-mite ng Partido saSouthern Tagalog at ngKomiteng Tagapagpa-ganap nito. Naging lidersiya ng rebolusyonar-yong kilusan sa Bata-ngas, kung saan siyanaorganisa laban sadiktadurang Marcos.Sa prubinsya niyaiginugol anghindi bababa sa27 taon ng

kanyang 36-taong pagkilos sa pag-pupundar ng rebolusyonaryong ki-lusan ng prubinsya. Mula sa pagi-ging kalihim at upisyal pampulitikang isang yunit sa gawaing masa saBatangas, naging kalihim siya ngkomite ng Partido sa prubinsyanoong 2017.

Sa kanyang mahabang panu-nungkulan, nailunsad at naipagta-

gumpay sa Batangasang mga pakikibaka

para sa lupa at ka-buhayan ngmasang anak-pawis. Ang mga

pakikibakang ito aynakatuon laban samga burgesya-kum-prador at panginoongmaylupa tulad ng mgapamilyang Sy, Ayala,Roxas, Ang at Cam-pos. Kabilang dito ang

reyd sa mga armadong tauhan atari-arian ni Henry Sy sa Nasugbunoong Enero 2017.

Pinahirapan din ng mga sundaloang mga kaanak nina Ka Jethro,gayundin ng mga Pulang mandirig-mang napaslang na sina Rey Maci-nas at Alex Perdeguera na bawiinang kanilang bangkay. Inabot pa ngilang araw bago ibigay ang mgakatawan sa kanila. Hanggang nga-yon ay inililihim pa rin ng mga sun-dalo kung saan nila inilibing siDioscoro Cello. Tahasang paglabagang mga kasong ito sa alituntuninng digma.

Hindi pa rin inililitaw ng militarang pamilyang kumupkop kay KaJethro. Ayon sa mga saksi, hulingnakitang dinala sa presinto ng pulisng Laguna sina Virgilio Asedillo, angkanyang anak na si Chloe, 19, atkanyang asawang si Marknel.

Sa Ilocos Sur, isa pang mandi-rigmang wala na sa katayuang lu-maban ang pinatay ng AFP. Binarilng mga sundalo ng 7th ID si PamelaOcliaso Peralta (Ka May-may) saBarangay Suagayan, Santa Lucianoong Agosto 8.

Paraligal ng Anakpawis,inaresto

INARESTO NG PULISYA ang parali-gal ng Anakpawis Partylist na siPaolo Colabres habang binabanta-yan ang labi ni Randall Echanis saisang punerarya sa Barangay PaangBundok, La Loma, Quezon Citynoong Agosto 11. Sinampahan siColabres ng kasong obstruction ofjustice at idinetine nang isang linggosa Camp Karingal. Isang araw bagoang pang-aaresto, sapilitang kinuhang mga pulis ang labi ni Echanis ha-bang nakaburol ito sa Quezon Ave-nue.

Para pagtakpan ang pampuliti-kang motibo sa pamamaslang, pina-lalabas ng pulisya na kaso lamang ngpagnanakaw at pagpatay ang krimen.

Manggagawang pangkalusugan, pinaslang sa Bacolod

BINARIL AT NAPATAY ng mga elemento ng estado sa isang mataong lu-gar ang manggagawang pangkalusugan na si Zara Alvarez, 39, sa Ero-reco Subdivision, Barangay Mandalagan, Bacolod City noong Agosto 17.

Aktibong kasapi si Alvarez ng Negros Island Integrated HealthProgram, isang organisasyong nagbibigay ng serbisyo at pagsasanaymedikal sa mga maralitang komunidad sa isla. Isa siyang kilalang taga-pagtanggol ng karapatang-tao hindi lamang sa Negros kundi sa interna-syunal na komunidad. Sa nakaraang dalawang dekada, pinagsilbihan niyaang mga magsasaka at manggagawang-bukid dito. Naging bahagi siya ngprogresibong programa ng simbahang Katolika.

Kabilang sa mga kumundena sa ekstrahudisyal na pagpaslang angupisina ng United Nations Special Rapporteur on the Situation of HumanRights Defenders, Amnesty International at Samiduon.

Isa si Alvarez sa tinangka ng rehimen na ipadeklarang terorista.Hindi ito nagtagumpay pero paulit-ulit pa rin siyang malisyosong iniug-nay sa armadong kilusan. Bago nito, iligal siyang hinuli at ikinulong sailalim ng rehimeng Aquino III mula 2012 hanggang 2014 sa gawa-gawakasong pagpaslang at pagnanakaw. Si Alvarez ang ika-13 tagapagtang-gol sa karapatang-tao na pinaslang sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Page 5: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

ANG BAYAN Agosto 21 , 2020 5

Laban para mabuhay

Resulta ng matagal at mapangwasak na lockdown ni Rodrigo Duterte angnaitalang pinakamalalang pagbagsak ng lokal na produksyon sa unang

hati ng taong 2020. Ramdam ito sa mga prubinsya sa Mindanao at Visayas nasumabay sa lockdown ng Luzon at Metro Manila noong Marso. Ora-orada atwalang planong pinatigil ng mga lokal na gubyerno ang produksyon, trans-portasyon at komersyo, at iba't ibang kabuhayang pinakakakitaan ng masanganakpawis.

Ang mga manggagawa atmalamanggagawang nakapanayamng Ang Bayan sa Visayas at Minda-nao ay kumikita ng ₱250 hanggang₱500 kada araw. Malaking bahaging kanilang sahod at kita ay napu-punta sa pagkain at pambayad ngkuryente at tubig. Kulang na kulangang kanilang kinikita para mapaaralang kanilang mga anak. Wala silangimpok sakaling may magkasakit.Baon sila sa utang. Ang mga walangnatanggap na ayuda aynakaasa sa kakarampotat panakanakang re-mitans mula sa mgakamag-anak na nag-tatrabaho sa ibangbansa.

Nang ipinataw angmga lockdown, kalakhansa kanila ang hindi naka-tanggap ng kumpensa-syon mula sa kanilangmga pinagtatrabahuan. Tanging angmga dating rehistrado sa 4Ps angnakatanggap ng ayuda mula sa es-tado. Sa desperasyong kumita, na-tulak silang pumasok sa mga traba-hong walang katiyakan ang kanilangkalusugan at kaligtasan. Napilitansilang tumanggap ng mas mababapang sahod at magtrabaho sa masmasasahol na kundisyon sa pagga-wa. Para abutin ang kalahati ng ki-nikita, sinasagad nila ang kanilangmga katawan kahit pa masapeligroang kalusugan nila at ng kanilangpamilya.

Bawas na kitaNagtatrabaho sa asukarera sa

Visayas si Victor, 47 taong gulang,may asawa at anak. Kumikita siyang ₱10,000 kada buwan para sa 8-oras na trabaho, 6 na araw kada

linggo. Kahit noong wala pang pan-demya, malayong hindi nakasasapatang kinikita niya para sa pag-aaralng tatlo niyang anak. Nang mag-lockdown, may trabaho pa rin siVictor pero bawas ang pagkakataonniya para sa dagdag na kita dahilnagbawas ng produksyon at ibinabang kumpanya ang hazard pay.

Pangingisda naman ang pangu-nahing ikinabubuhay nina Jerome atBitao. Bago ang pandemya, kumikita

si Bitao ng ₱300 kadaaraw sa pangingisda

sa Visayas. Si Jero-me naman ay pana-panahong nagtat-rabaho sa malala-king pangisdaan atnangunguha ng tul-ya, alimango at ta-laba sa bakawan sa

Mindanao. Mula ₱400hanggang ₱600 ang kini-

kita niya kada araw.Hindi nakalista bilang benepi-

syaryo ng 4Ps kaya walang natang-gap na ayuda si Jerome. Umaasaang kanyang pamilya sa paminsan-minsang padala ng kamag-anak niyamula sa ibang bansa. Para kumita,alas-5 pa lamang ng umaga ay na-ngangalap na siya ng yamang-dagatsa bakawan. Alas-3 ng hapon na si-ya kumakain pag-uwi niya sa bahay.

Dahil dati nang benepisyaryo,nakatanggap ng ayudang ₱11,900 siBitao at kanyang asawa sa nakara-ang anim na buwan (abereyds na₱1,600 kada buwan.) Kahit isamaang kanyang kita, kulang ito kahit sapagkain pa lamang. Wala siyangdagdag na pondo para tustusan angpag-aaral na online, modular oblended ng kanyang mga anak. Dahildito, hindi niya ini-enrol ang dalawa

niyang anak sa hayskul at dalawapa sa elementarya.

Kapit sa patalimBumalik sa trabaho sa kon-

struksyon sina Arnel, Genero atBerns nang lumuwag ang mgarestriksyon ng lockdown noong Mayo.

Si Arnel, na dating walang tra-baho, ay nakuha sa isang lokal nakumpanya kung saan pumapasoksiya Lunes hanggang Sabado, wa-long oras kada araw, para sa sahodna ₱2,500 kada linggo. Umutang si-ya para makabili ng motorsiklo paramay masakyan. Kinuha niya angtrabaho kahit wala siyang pinirma-hang kontrata. Wala siyang anu-mang gamit pangkaligtasan kontraCovid-19 o kahit sa mapanganib namga trabaho tulad ng pagwi-wel-ding.

Si Genero, sa kabilang banda,ay dati nang may trabaho sakonstruksyon bilang opereytor ngheavy equipment. Ibinukas ulit angkonstruksyon sa prubinsya bilangpabor sa isang multinasyunal naplantasyon ng pinya at pumasok si-ya kahit walang paghahandangpangkalusugan at walang katiya-kang sasagutin ng kumpanya anggastos sakaling mahawa siya ngCovid-19. Kapag may ubo o lagnat,umiinom lamang siya ng paraceta-mol o di kaya'y antibiotic at umaasana gumaling siya.

Sa tatlo, pinakahirap si Bernsdahil simula pa lamang ng lockdown,nagsara na ang kumpanyang pinag-tatrabahuan niya. Hanggang nga-yon, wala siyang trabaho. Naka-tanggap siya ng kakarampot naayuda bilang benepisyaryo ng 4Ps.Para punan ito, naglalako siya ngisda para makakain ang kanyangpamilya. Nagpasya siya at kanyangasawa na hindi muna papasukin angkanilang mga anak dahil mahihira-pan silang magsilbing guro sa kanila.

Sagad sa trabahoDrayber ng motorela sa isang

"Laban...," sundan sa pahina 6

Page 6: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

Agosto 21 , 2020 ANG BAYAN6

pensasyong bigas mula sa pinagtat-rabahuang kumpanya at ayuda.Problema nila ang transportasyon atkaligtasan papunta sa trabaho. Maypinagagamit kay Gladys na face shi-eld sa trabaho pero kailangang iwanito sa tindahan kapag umuuwi siya.Kinailangan niyang bumili ng sari-ling face mask at face shield para sabyahe. No work, no pay/hazard payang patakaran ng pinagtatrabahuanniya.

Si Luz, 50 taong gulang, ayilang dekada nang labandera. Ku-mikita siya ng abereyds na ₱6,000kada buwan sa halos buong arawna paglalaba. Nasa ₱8,400 anginaabot na kita kung isasama angsahod ng kanyang asawa na nag-tatrabaho bilang caretaker ng isangmanukan. Kulang pa ito sa gastossa pagkain nila at kanilang dala-wang anak.

sentrong bayan sa Mindanao si Ma-nuelito. Bago ang pandemya, kumi-kita siya ng abereyds na ₱500/arawo ₱12,000/buwan. Kulang ito sa ti-natayang minimum na ₱24,000 nakailangan ng kanyang pamilyangmay walong myembro.Dahil kulang, nangu-ngutang si Manuelitoat nagbabayad nanghanggang₱600/linggo.

Isang beseslamang siyanakatanggapng ayudangpinansyal(₱1,700) atpagkain mulanang mag-lockdown. Nang mulingpinayagang bumyahe ang mga mo-torela, nangutang siya para malag-

yan ng mga plastik na harang angkanyang motorela. Wala pa sa kala-hati ng kita niya noon ang kinikitaniya ngayon kada araw dahillimitado ang pinahihintulutangsumakay kada byahe.

Parehong nasa pagbebenta angmag-asawang Gladys at

Jack. Kung pagsasa-mahin, kumikita silang

dalawa ng mahigit₱15,000 kada buwankapalit ng pagtat-rabaho nang walongoras, anim na arawkada linggo. Parehosilang nawalan ngtrabaho sa lock-

down, at napilitangmaglipat-lipat sa mga

kamag-anak para mapunan ang pa-ngangailangan sa pagkain. Ito aykahit may natanggap silang kum-

"Laban...," mula sa pahina 5

22 kasapi ng Partido sa Samar,nakapagtapos ng BKP

SA KABILA NG tuluy-tuloy na operasyongmilitar sa isla ng Samar, 22 kasapi ng bata-yang organisasyon ng Partido sa baryo atkomite ng Partido sa seksyon ang mata-gumpay na nakapagtapos ng Batayang Kur-so ng Partido (BKP) noong Hunyo.

Pinangunahan ng komite sa laranganang paghahanda para sa pag-aaral. Dahilhindi kakayanin ang konsentradong aktibi-dad dulot ng sitwasyong militar, napagpa-syahan na gawing staggered o tilad-tiladang talakayan. Ang mga sesyon ay inilulun-sad dalawa hanggang tatlong beses kadalinggo. Dalawa ang prinsipal na instruktorhabang apat naman ang naghati-hati sailang bahagi ng BKP.

Ang mga pag-aaral ay tuwing ala-6hanggang alas-9 ng gabi, upang hindi mahi-rapang dumalo ang mga mag-aaral. Ayonkay Ka Gary, isa sa mga instruktor at kasaping komiteng larangan, bahagi ang pag-aaralsa gawaing konsolidasyon sa seksyon upangmakatulong sa mga estudyante sa pamu-muno nila sa baryo. Sa pamamagitan dinnito, nareresolba ang mga panloob na suli-ranin na kinakaharap ng pamunuan at ga-yundin, sa pagitan ng mga tagabaryo.

Mga berdugong batalyon, inatake ng BHBsa Negros, Bukidnon, Masbate

MAGKAKASUNOD NA OPENSIBA ang inilunsad ng BagongHukbong Bayan (BHB) bilang tugon sa nagpapatuloy na pagha-hasik ng pasistang teror ng mga batalyon ng Armed Forces ofthe Philippines (AFP) sa Negros, Bukidnon at Masbate.

Pinaputukan ng BHB-Central Negros ang pwersa ng 62nd IBsa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidentalnoong Agosto 14. Dalawa ang sugatan sa mga sundalo. Sa su-munod na araw, pinaputukan ng BHB ang detatsment ng CAFGUat 62nd IB sa Barangay T-Hill sa Guihulngan, Negros Oriental.

Sa Bukidnon, tatlong sundalo ng 88th IB at 8th IB ang na-patay sa anim na operasyong haras at isnayp ng BHB sa Bara-ngay Canangaan sa Cabanglasan; mga barangay ng Can-ayanat Managok, Malaybalay City; at Sityo Kipolot, BarangayPalacapao, at Barangay San Roque, Quezon noong Hunyo 22hanggang ikatlong linggo ng Hulyo.

Isinagawa din ng BHB-Bukidnon ang dalawang aksyong-pamarusa laban sa isang mapanirang kwari at panginoongmaylupa sa Valencia City. Pinaralisa ang isang loader, damtrak, breeder at backhoe sa Barangay Sinabwagan at isangtraktor at isang harvester sa Barangay Sinayawan.

Sa Capiz, isa ang patay at dalawa ang sugatan sa mga tro-pa ng 12th IB sa Barangay Roosevelt, Tapaz noong Agosto 9matapos tambangan ng isang yunit ng BHB-Panay.

Pinasabugan naman ng BHB-Masbate ang apat na sasak-yang militar na nagkakarga ng may 50 sundalo sa hanggananng Barangay Malinta at Usab, Masbate City. Apat ang naiulatna patay sa mga sundalo, kabilang ang dalawang upisyal.

Page 7: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

ANG BAYAN Agosto 21 , 2020 7

Page 8: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

Agosto 21 , 2020 ANG BAYAN8

Papalaking utang sa ngalan ng pandemya

Inianunsyo ng rehimeng Duterte noong Agosto 6 ang plano nitongmangutang ng karagdagang ₱3 trilyon sa susunod na taon. Gaga-

mitin ng rehimen ang mga pautang para tapalan ang pamalagiang de-pisito sa badyet ng bansa. Gaya sa nagdaang mga taon, lubhangkulang ang pondo para sa mga plano nitong gastusin at na-katakdang bayarang utang.

Ang uutangin ay katumbas ng67% ng pinaplanong ₱4.5-trilyongpambansang badyet para sa 2021.Ibig sabihin, sa bawat sampung pi-song gagastusin ng reaksyunaryonggubyerno, halos pitong piso ay mag-mumula sa utang. Ang planong gas-tusin sa susunod na taon ay masmataas nang 10% sa ₱4.1-trilyongpambansang badyet ngayong taon.

Aminado maging ang mga upi-syal sa ekonomya ng rehimen na hi-git pang lolobo ang depisito sa bad-yet sa darating na mga taon lalupa’tinaasahan ang pagbaba ng makuku-lekta nitong buwis dulot ng nagpa-patuloy na mga lockdown sa iba’tibang bahagi ng bansa. Anila, tinata-yang papalo sa ₱1.82 trilyon ang de-pisito sa buong 2020. Ito na ang ma-giging pinakamataas sa kasaysayan.

Ayon sa estadistika ng rehimen,₱560.4 bilyon na ang depisito nitosa badyet ngayong unang hati ngtaon. Mas mataas ito nang mahigit13 beses sa naitala sa parehong pa-nahon noong nakaraang taon. Angpagsirit ng depisito ay pangunahingresulta ng pagbagsak ng nakulek-

tang buwisdulot ngmalawakanglockdown nanagpatigil sa pro-duksyon at iba pangekonomikong mga aktibi-dad. Dagdag pa rito angmalalaking insentiba sa pag-bubuwis na ibinigay ng rehimen samga korporasyon sa panahon ngpandemya. (Basahin ang kaugnay naartikulo sa Ang Bayan, Hunyo 7.)

Kasabay ng pagbulusok ng ki-tang buwis, ₱2.29 trilyon na langang kukulektahin ng rehimen nga-yong taon, mas mababa nang 28%na una nitong tinarget. Noong Hul-yo, wala pa sa 32% nito ang naku-lekta.

Sa laki ng kakulangan sa pondo,₱1.7 trilyon na ang kabi-kabilanginutang ng rehimen sa tabing ng“muling pagpapasikad sa ekonom-ya.” Higit doble ito kumpara sa na-karaang taon.

Saan galing ang pautang?Ayon sa gubyerno, 75% ng uu-

tangin ay sa anyo ng mga bono opapeles sa pangungutang, at 25%naman ay magmumula sa mga im-peryalistang bangko at institusyongpampinansya.

Sa nakalipas na anim na buwan,nakapagtala ang rehimen ng ₱1.3-trilyong panloob na utang sa pormang mga bono, at ₱226-bilyong pan-labas na utang.

Para magpakitang-gilas sa mgadayuhang bangko, paulit-ulit nanagmayabang si Finance Sec. CarlosDominguez na hindi kailanman titi-gil sa pagbabayad ng utang ang Pi-lipinas kahit pa sa harap ng pan-demya. Sa unang hati ng taon,₱547.3 bilyon na ang binayarangutang ng rehimen habang nagugu-tom at walang trabaho ang mama-mayan. Mahigit 34% nito ay bayadsa interes.

Para mapanatili ang mataas nagrado sa pangungutang at makahi-kayat ng bibili sa mga bono nito, la-gi’t laging nagkukumahog ang reak-syunaryong estado na magbayad ngutang at magpatupad sa mga neoli-beral na rekomendasyon na ipina-pataw ng mga nagpapautang. Anggradong ito ay ibinibigay ng mgaimperyalistang “credit ratingagency” sa pangunguna ng tinagu-riang Big Three na kinabibilanganng S&P Global Ratings (S&P),Moody's at Fitch Group na pawangnakabase sa US at tinatauhan ngmga teknokrata ng World Bank.

Page 9: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

ANG BAYAN Agosto 21 , 2020 9

2,000 Lumad, magsasaka, pinalayas ng militar

PINALAYAS NG 88th at 8th IB ang may 2,000 Lumad at magsasaka sa15 komunidad ng Cabanglasan, Bukidnon noong Hunyo 21. Tinatakan ngmga berdugo bilang “no man's land" ang mga komunidad matapos angkumprontasyon at dayalogo ng mga datu sa mga sundalo at lokal nagubyerno (Basahin ang kaugnay na artikulo sa Ang Bayan, Hunyo 21).

Dalawang araw pagkatapos nito, naghulog ng 15 bomba ang militar salugar gamit ang mga helikopter. Labing-isang beses na kinanyon ang erya,at pinaulanan din ito ng mga bala ng kalibre 50 masinggan. Nawasak angmga maisan at namatay ang mga alagang hayop ng mga residente. Kina-tay ng mga sundalo ang mga naiwang alagang hayop sa komunidad.

Pinasuko bilang mga kasapi ng hukbong bayan ang mga residente.Isinailalim sila sa siyam na araw na treyning bilang mga paramilitar naipantatapat sa mga Pulang mandirigma.

Noong Hulyo 31, pinagbakwit din ang mga Lumad mula sa tatlongmagkakanugnog na sityo ng Mindao, Miaray at Kalakapan. Labing-limang beses ding nagpaputok ng mga kanyon malapit sa komunidad.

Asong ulol na 12th IB

PARANG MGA ASONG ulol ang mga tropa ng 12th IB na naghasik ng terorsa Janiuay, Iloilo mula Agosto 5 hanggang ikalawang linggo ng buwan.

Ayon kay Jurie Guerrero, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan(BHB)-Central Panay, pitong magsasaka ang binugbog ng mga sundalosa Atimonan, Janiuay. Dalawa ang idinetine at pinaggiya sa mga ope-rasyong kombat. Ninakaw ng mga sundalo ang gawang-bahay na de-sabog na mga baril ng mga magsasaka na kanilang ginagamit bilangpandepensa. Binantaan, ininteroga at inakusahan silang mga kasapi ngBHB. Winasak din ang kanilang mga taniman.

Para bigyang katwiran ang kabangisan, nag-imbento ang 12th IBng pekeng engkwentro sa parehong lugar noong Agosto 8.

Pagbebenta ng armas ng US, di apektado ng pandemya

Walang epekto ang pandemya sa pagbebenta ng US ng mga armas atgamit militar. Mula Enero hanggang Hulyo, inaprubahan nito ang 43

kontrata na halos 70% na kumpara sa benta sa buong taon ng 2019. Labingli-ma ang inaprubahan sa Hulyo, kabilang ang kontrata sa Pilipinas para sa iba'tibang sasakyang pandagat, mga masinggan, bomba at bala. Mula Marso 30hanggang Mayo 28, tinatayang nasa $7.5 bilyon ang halaga ng inaprubahannitong mga kontrata sa ibebentang mga armas.

Noong nakaraang taon, halos$70 bilyon ang kinita ng US sa pag-bebenta ng mga armas, eroplano atiba pang kagamitang militar sa 28bansa. Kabilang sa mga bumili angSaudi Arabia na may masasahol nakrimen laban sa sangkatauhan kaug-unay sa pang-aatake nito sa Yemen.Sa Asia, pinakamarami ang benta ngUS sa India, Taiwan at mga bansangkaagaw ng China sa South China Sea.

Para palawakin ang pagmama-nupaktura at merkado ng mga ar-

mas, sunud-sunod na tinalikuran niPres. Donald Trump ang mga ka-sunduan at tratadong naglilimita sapaggamit ng mapangwasak naarmas at gamit pandigma. Una naniyang ipinawalambisa ang Inter-mediate-range Nuclear Forces Tre-aty, na responsable sa pagwasak ngmalaking bilang ng armas nukleyarsa mundo. Kasabay nito, inianunsyoni Trump ang paglalaan ng $46 bil-yon para sa pagpapalakas ng arse-nal na nukleyar ng US sa 2021. Ang

iba pang kasunduang ipinawalam-bisa at nakatakdang ipawalambisani Trump ang Open Skies Treaty,Outer Skies Treaty, New STARTTreaty at Missile TechnologyControl Regime—mga kasunduangnaglilimita sa pagmamanupaktura,pagtitipon at pagsusubok ng mgaarmas na nukleyar at iba pang mgasandata ng maramihang paglipol.

Kasabay nito, kinansela rin niTrump noong Enero ang patakaranna nagbabawal na magmanupaktu-ra, mag-ipon at gumamit ng anti-personnel landmines na sumasabogkapag nagalaw ng biktima (victim-activated) labas sa peninsula ngSouth Korea. Labag ito sa Mine BanTreaty na pinirmahan ng 164 bansasa Ottawa, Canada noong 1997.

Julie de Lima, pansamantalangpinuno ng NDFP peace panel

ITINALAGA NOONG Agosto 19 ngNational Democratic Front of thePhilippines (NDFP) bilang pansaman-talang pinuno ng negotiating panelnito si Julieta de Lima bilang pangha-lili sa yumao nitong pinuno na si FidelAgcaoili.

Ayon kay NDFP chief politicalconsultant Jose Ma. Sison, si de Limaang pinaka-nakatatanda sa mga tau-han nito sa labas ng bansa para ipag-patuloy ang pakikipag-ugnayan samga tagapamagitan sa peace panel.

Hindi nagmamadali ang NDFP napunan ang nabakanteng mga pusisyonni Agcaoili, gayundin ni RandallEchanis na pinaslang noong nakara-ang linggo. Ani Sison, “may panahonang NDFP na muling buuin ang mgaworking committee bago muling mag-simula ang usapang pangkapayapaan,malamang kung wala na si Duterte sapoder.”

Dating pinamumunuan ni de Limaang Joint Secretariat at Joint Moni-toring Committee sa ilalim ng Com-prehensive Agreement on Respect forHuman Rights and International Hu-manitarian Law (CARHRIHL).

Page 10: Hindi magpapagupo ang bayan sa terorismo ng estado · rungang kapayapaan, ay walang-awang pinahirapan at pinaslang. Pi-nasok ng mga pasistang berdugo ang kanyang inuupahang tirahan

Agosto 21 , 2020 ANG BAYAN10

Supertubo sa bakuna

Lagpas sa karaniwang tubo, kumakamal ang mga monopolyo kapitalistangkumpanyang Big Pharma ng supertubo mula sa pagtatakda ng presyo ng

mga gamot na lagpas-lagpas sa gastos nito sa produksyon. Pinakanakasusuk-lam ang kapitalistang pagkaganid sa tubo ng mga ito kapag labis nilang itina-taas ang presyo sa mga panahong limitado ang suplay at mataas ang demand(tinatawag na price-gouging). Pinakamalala ito sa kaso ng mga gamot at ba-kunang pansalba ng buhay.

Inianunsyo ng Pfizer noongMarso na hindi bababa sa $40(₱2,000) ang dalawang-dosis na ba-kunang kontra Covid-19 na ibebentanito sa US. Hanggang $37 (₱1,850)naman ang ipepresyo ng Modernapara sa kada dosis ng bakuna. Tina-tayang kikita ang Moderna nanghanggang $20 bilyon sa benta nitosa US pa lamang.

Napalalaki rin ang kanilangnakakamal na tubo sa pamamagitanng pagpapababa sa gastos sa pro-duksyon. Malaking bahagi nito ayang paggamit sa pondong pampubli-ko sa ginagawa nilang pananaliksik.Samakatwid, ang pera ng mgamamamayan ay inilalaan para pag-tubuan ng malalaking kapitalista.

Noong Marso, naglaan ang gub-yerno ng US ng $10 bilyon sa mgakumpanya ng gamot nang walanganumang kundisyon kung paano atgaano kabilis dapat imanupakturaang bakuna, at kung magkano angdapat na maging presyo nito. Kabi-lang sa mga nabiyayaan ang Moder-na na binigyan ng $483 milyonnoong Abril at ang Johnson &Johnson na tumanggap ng kalaha-ting bilyong dolyar para gumawa ngbakuna at iba pang gamot sa Covid-19. Noong Hunyo, dagdag na pondoang ibinigay ng rehimeng Trump saBig Pharma sa anyo ng mgakaltas sa buwis, supor-tang teknikal at ibapang insentiba sa tina-guriang Operation WarpSpeed. Isang dating upi-syal ng GlaxoSmithKline atModerna ang namumuno sa

programang ito.Sadyang hindi rekisito na ga-

wing abot-kaya ng Big Pharma angpresyo ng bakuna kahit pa pinopon-dohan ng buwis ng mamamayangAmerikano ang mga pananaliksik.Ito ay para tiyakin ang kanilangdambuhalang kita dahil tumatanggiang mga ito na magmanupaktura ngisang gamot kung hindi ito mapag-kakakitaan ng husto. Sa UK, balakibenta ng AstraZeneca ang ini-eksperimentong bakuna ng Oxfordsa halagang $3-$4 (₱150-₱200) la-mang sa the Netherlands, Germany,France at Italy. Pampublikong pon-do rin ang ginagamit ng OxfordUniversity, isang pampublikongpaaralan, para sa pananaliksik.

Ngayon pa lamang, pinagkaka-kitaan na ng husto ng dambuhalangmga kumpanya sa gamot ang pan-demya. Noong Marso, nanawaganang grupong Doctors Without Bor-ders sa mga ito na tumigil sa pag-samantala sa pandemya at gawingabot-kaya ang kanilang mga gamot.

Kinastigo ng grupo ang GileadSciences na nagtangkang monopoli-sahin ang produksyon at pagpepre-syo ng remdesivir, isa sa mga gamot

na may bisa sa mga kritikal na pa-syenteng may Covid-19. Pumalpakang gamot laban sa hepatitis at si-pon, pero napaunlad ito kamakailanlaban sa Covid-19 ng mga syentistang University of Alabama. Pampub-likong pondo ang ginamit para samabilis na pag-aaral nito. Dahil ha-wak ng Gilead Sciences ang patente,o karapatan sa pormula, hindi pwe-deng imanupaktura ang gamot nanghindi nagbabayad sa kumpanya.

Ibinebenta ito ngayon ng Gileadsa halagang $3,120 (₱156,000) o$520 (₱26,000) kada dosis para sapaggagamot ng mga kritikal na pa-syenteng may Covid-19. Sa mga at-rasadong bansa na pinayagan ngGilead na magmanupaktura ng ge-neric na bersyon, umaabot pa rin sa$600 (₱30,000) o $100 (₱5,000)ang presyo nito kada dosis. Sa isangpag-aaral, tumaas na nang 22% angkita ng Gilead sa panahon ng pan-demya.

Kinastigo rin ng grupo ng mgaduktor ang Cepeid, isang kumpan-yang gumagawa ng mga test kit, sasobrang pagpepresyo nito sa pina-unlad nitong rapid test kit (XpertXpress SARS-CoV-2) sa halagang$19.80/test (₱990). Kung tutuusin,$3 (₱150) lamang kada test anggastos sa produksyon, kabilang angpagmanupaktura. Tulad ng Gilead,napaunlad ng Cepeid ang kit gamitang $3.7 milyong pampublikongpondo ng US.

Ginagamit ang test kit na ito samakinang GeneXpert na nagpopro-seso ng specimen mula sa ilong atlalamunan ng isang indibidwal. Ka-raniwang nailalabas ang resulta ngtest sa loob ng 45 minuto. Isa angPilipinas sa 145 bansang bumibili samga kit na ito. Mayroong 28 labo-ratoryo sa bansa na nakaasa samakinang GeneXpert.

Ayon sa grupo ng mga duktor,ang teknolohiyang ginagamit sa testna ito ay katulad sa ginagamit ng

kumpanya sa mgatest nito para satuberkulosis.

Pangalawang bahagi ng tatlong-parteng serye kaugnay sa bakuna sa Covid-19at industriya ng paggagawa ng gamot. Basahin ang unang bahagi, "Bakuna saCovid-19 at ang ganid na Big Pharma," sa Ang Bayan, Agosto 7, 2020.