Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    1/29

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    2/29

    Purihin ang Sri Guru at si Sri Gauranga

    Ni Swami B.R. Sridhar

    Ang pulyetong ito ay tinipon mula sa mga impormal na pakikipagtalakayan kay Srila Bhakti

    Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj, Ang Nagtatag at Unang Acharya ng Sri Chaitanya

    Saraswat Math, Nabadwip, India. Sa Ilalim ng patnubay nang aming Tagapangulo at Acharya, si

    Srila B.S. Govinda Maharaj.

    Nagsalin sa panulat: Sripad B.S. Tridandi Maharaj at Sri Mahananda dasa Bhakti RanjanNagsalin sa wikang Filipino: Rupa Vilas dasa

    Inalay nang mga Filipinong deboto sa lotus na paanan nang aming Sri Acharyyadeva:

    Ang Kanyang Banal na PagpapalaSrila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj

    Ang Kasalukuyang Tagapangulo at Humaliling Acharya nangSri Chaitanya Saraswat Math sa India at alinman sa mga sangay nito sa mundo.

    Karapatang-ari Sri Chaitanya Saraswat Math, Nabadwip, West Bengal, India.

    Ang sinumang nagnanais na makipag-ugnayan ay maaaring sumadya o makipagtalastasan sa

    Sentral Math o alinman sa mga sangay nito:

    Sri Chaitanya Saraswat MathKolerganj, P.O. Nabadwip, District Nadia, West Bengal, India 741302

    O sa local na sangay nito:

    Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines

    Sri Nama-hatta Center#66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo,

    Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City1101 Philippines

    Tel. 436-6287Cellphone: 0906-7681814

    E-mail:[email protected]

    mailto:[email protected]:[email protected]:[email protected]:[email protected]
  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    3/29

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    4/29

    Pambungad

    Labis-labis akong pinagpala dahil personal kong nakasama mismo si Srila Bhakti RaksakSridhar Deva Goswami Maharaj, ang ating si Srila Guru Maharaj, at gayun na dinang pagkakataong mailabas ang kanyang mga aral sa anyo ng isang pulyetos. Ang mga

    ipinangaral ni Srila Guru Maharaj ay buong-buhay niyang sinunod. Bagamat hindi nila personalna nakasama si Srila Sridhar Maharaj, pinatunayan naman nang mga matapat niyang tagasunod

    ang tunay at masayang espirituwal na buhay na kanyang itinuro. Kaya, nais din sana naminsamantalahin ang pagkakataong maikalat ang karunungang ito sa madla, sa pamamagitan nang

    mga makabagong kagamitan at makapag-imprenta nang maraming aklat. Ang lilikhaingtaginting ng mga makinang nag- iimprenta nito ay magpapabago sa ating kalagayan hindi

    lamang sa materyal na mundong ito, kundi kaya din nito kubkubin maging ang mga kaluluwangnasa espirituwal na kalagayan. Kung ganoon, labis-labis na kasiyahan ang maidudulot nito sa

    sandaling ang babasahing ito ay ating mailimbag, Ang Aliw ng Tahanan Isang Pasimula saPanloob na Kasiyahan. Ang lathalaing ito ay hango sa mga piling aral nang ating Banal na

    Maestro na tumatalakay sa teistikong espirituwal na buhay, at, upang makapaglingkod din kamisa kanyang Banal na Misyon, itoy aming inimprenta sa tulong nang mga mag-aaral nito.

    Kahit hanggang doon sa kahuli-hulihang araw ni Srila Guru Maharaj sa materyal na mundo,

    iginawad parin niya ang kanyang pagpapala sa mga nagkasalang kaluluwa sa anyo ng kanyangmga aral na minsan ay mahabang oras niyang itinuturo sa atin. Mula sa kanyang halimbawa,

    naunawaan natin ang mga ipinag-uutos nang mga Banal na Aklat na kahit hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng ating hininga, pilitin parin nating makapag- serbisyo sa mundo ng transedental

    na paglilingkodat ibigay din ang pagkakataong ito sa iba.

    Kapag ang pulyetos na ito ay maingat ninyong binasa, kayo ay tiyak na pagpapalain, angdamdamin ninyoy magiging masigla, at ang tunay na panloob na kasiyahan ay inyong

    mararating.

    Buong Paggalang,

    Swami B.S. GovindaSri Chaitanya Saraswat Math,

    ika 8 ng Pebrero 1992

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    5/29

    Ang Kanyang Banal na Pagpapala

    Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj

    Ang Kasalukuyang Sevaite na Tagapangulo at

    Humaliling Acharya nang

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    6/29

    Ang Kanyang Banal na Pagpapala

    Om Vishnupada Paramahamsa Parivrajakacharya-varya-

    astottara-sata-sri Srimad

    Srila Bhakti Sundar Govinda Deva Goswami Maharaj

    Tagapangulo at Acharya nang

    Sri Chaitanya Saraswat Math

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    7/29

    Ang Kanyang Banal na Pagpapala

    Om Vishnupada Paramahamsa Parivrajakacharya-varya-

    astottara-sata-sri SrimadSrila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

    Ang Tagapagtatag at Acharya nang

    Sri Chaitanya Saraswat Math

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    8/29

    Unang Bahagi

    Makinig kayong maigi sa aking sasabihin. Ipaliliwanag ko sa inyo ang lahat ng ito sapamamagitan ng siyentipikong pamamaraan, na malaya sa anumang konsepto nang ibang

    relihiyon.

    Una sa lahat, dapat ninyong tandaan, may tatlong lupain o kalagayan sa buhay: ang lupain ng

    materyal na kasiyahan, ang lupain nang mga tumalikod sa materyal na buhay o renunsiyasyon, atang lupain ng dedikasyon. Sa ngayon, tayo ay nasa lupain ng pagsasaya. Ang ibig sabihin nang

    kasiyahang ito ay pagsasamantala; dahil kung hindi tayo magsasamantala, walang sinuman angmaaaring mabuhay sa lupaing ito:

    ahastani sahastananam apadani catuspadam laghuni tatra mahatma jivo jivasya jivanam

    Ang mga may kamay ay nabubuhay sa pagkain nang mga walang kamay.Ang mga hayop na

    may apat na paa ay sa damo nabubuhay, at sa mga halamang gumagapang, atpa.at ang maliliitay pagkain nang mga malalaki.Ang lahat ng itoy maybuhay: maging ang mga gumagapang na

    halaman, mga damo, at puno, subalit lahat silay hindi maaaring mabuhay kung hindimagsasamantala.

    Ang lupaing ito ay lupain ng pagsasamantala, at, ayon nga sa ikatlong batas ni Newton, ang

    bawat kilos at galaw ay may katumbas na reaskyon. Kaya sa pamamagitan ng pagsasamantala,tayo ay nagkakautang, at upang mabayaran, tayo ay kailangang bumaba. Kaya, napakaramang

    jivas [mga kaluluwa] ang tumataas at bumababa, bumabagsak at tumataas dahil sa reaksyon sakanilang ginawa dito sa lupain ng pagsasamantala. Ang ating lipunan ay punung-puno nang mga

    pagsasamantala. Labis-labis ang nakikita nating mga pagsasamantala; saanmang dako ay may

    pinagsasamantalahan. Kaya kung wala nito, kung walang pagsasamantala, napakahirap angmabuhay dahil nasa lupain tayo ng pagsasamantala.

    Marami ang nais humulagpos sa tanikala nang pagsasamantala upang hanapin ang lugar nawalang pagsasamantala, walang reaskyon at walang ginagawa. Katulad ng mga Buddhist,

    mga Jains, at mga naniniwala kay Sankara. At upang makaiwas sila sa aksyon at reaksyon ngating mga pagkilos, silay pumapasok sa renunsiyasyon, tumatalikod sa mundo, hanggang sa

    marating ang Samadhi, ang konseptong tulad ng isang malalim at napakahimbing na pagtulog:itoy upang ganap na mawala sila sa mundong ito, at manatili sa kapatangang iyon. Ayaw

    na nilang bumaba, ang gusto nilay manatili na lamang sa ganoong kalagayan, na animoymahimbing na natutulog.

    Subalit ayon sa sekta ng mga Vaishnavas sa mga taong naglilingkod sa Supremong

    Katauhan ng Diyosmay isa pang mundo, at ito ang mundo ng dedikasyon. Ang mundong itoykabaligtaran nang pagsasamantala. Dito sa materyal na mundo, lahat tayo ay nagsasamantala sa

    mga nakapaligid sa atin, subalit doon sa lupain ng dedikasyon, ang lahat nang nakapaligid saatin ay atin namang pinaglilingkuran; at hindi lamang ang mga nakapaligid kundi maging doon

    sa pinaka-susi mismo ng ating buhay, ang paglilingkod sa pinaka-Sentro. Lahat tayo aymagkakasama, kaya ang lahat ay dapat na maging totoo sa pinaka-Sentro. Ang bagay na itoy

    1

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    9/29

    naipaliwanag na sa Srimad-Bhagavatam, sa pamamagitan ng paghahambing sa pagdilig sapinaka-ugat ng isang puno:

    yatha taror mula-nisecanena trpyanti tat-skandha-bhujopasakhah pranopaharac ca

    yathendriyanam tatheiva sarvarhanam acyutejya [Bha: 4.31.14]

    Maging doon sa literaturang Vedic, ganito din ang sinasabi, Siya ang hanapin mo nanakakaalam nang lahat ng ito:

    yasmina jnate sarvvamidam vijnatam bhavati yasmina prapte sarvvamidam praptam bhavati

    tad vijijnasasva tadeva brahma

    Mayroong isang bagay na talagang pinaka-sentro nang lahat ng ito, na sadyang nakakaalamng lahat, na kapag Siyay ating pinuntahan, lahat ay parang napuntahan na rin. Ang p inaka-buod

    nang payo ng Vedas ay ang paghahanap sa pinaka-Sentro. Ang hanapin ang pinaka-Sentro nanglahat. Sa simula, may mga magtatawa talaga sa atin: Anong sabi ninyo? Kapag Siyay aming

    nakilala, ang lahat ng itoy aming maiintindihan? At kapag Siyay napasaamin na, ang lahat ayaming nakuha na rin?anong kaululan ito? Baliw lamang ang nagsasabi nito! Kung kayat

    ibinigay nang Srimad-Bhagavatam ang isang halimbawa: na kapag diniligan mo ang ugat ngisang halaman, ang buong halaman ay nakikinabang, at kapag ikaw ay kumain, ang katawan mo

    ay nakikinabang, katulad din nito, kapag pinaglingkuran mo ang pinaka-Sentro, ang lahat aypinaglingkuran mo na. Itoy maaaring mangyari at kapag itoy inyong ginawa, makakapasok

    kayo sa lupain ng dedikasyon. Makakapasok kayo sa lupain ng dedikasyon kapag ang lupain ngpagsasamantala at maging ng renunsiyasyon ay inyong tinalikuran at iniwasan na. Dahil

    tagaroon ang inyong atma, ang inyong kaluluwa. Yan ang tunay na mundo, samantalang angmundong itoy kabaligtaran nito.

    Ang tunay na mundo ay isang lugar kung saan ang bawat yunit ay nag-aalay nang

    kanyang sarili sa kabuuan, na kinakatawan ng pinaka-Sentro, katulad ng isang taong maymalusog na pangangatawan, ang bawat atomo sa kanyang katawan ay kumikilos para sa

    kalusugan ng buong katawan. Subalit kapag ang atomong itoy nagsarili, itoy magsasamantalalang nang husto, at ang mga ganoong klaseng pgkilos ay talagang malinaw na makasasama sa

    atin. Dahil ang bawat bahagi ng ating katawan, ang bawat atomong nasa ating katawan, ay dapatkumilos para sa kapakinabangan nang buong sistema. Dahil may Sentrong gumagabay sa ating

    ikinikilos.

    Nasan ba ang pinaka-Sentrong ito? Ito ang naging tugon ngBhagavad-gita:

    sarvva-dharmman parityajya, mam ekam saranam vraja[Bg. 18.66]

    Ganito ang naging paliwanag ni Krsna: Talikuran na ninyo ang lahat ng dharmmas [mga

    gawain] sa halip, kayoy magpailalim sa Akin. Ang isang punto ko pa ay hinggil sa konseptongito. Si Hegel ay isang magaling na pilosopong Aleman at ang kanyang pilosopo ay kinilala sa

    mundo sa tawag na perpeksyunismo. Ayon sa kanyang paniniwala: ang Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan ay ang Pinakapangunahing Dahilan nang lahat ng bagay, at ito ay

    2

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    10/29

    may dalawang katangian. Ano-ano? Siya ang may sanhi nang lahat ng ito at itoy tanging para saKanyang kasiyahan lamang.

    Makinig kayong maigi. Ang ibig sabihin ng Siya ang dahilan nang lahat ng ito ay, Siya rin

    ang may likha nang Kanyang sarili walang sinuman ang lumikha sa Kanya. Dahil kung

    mayroon man, itoy higit na masmahalaga kaysa Kanya. Kung gayon, ang Kalubusan aykailangang maging isang anadi,itoy kailangang eternal na nabubuhay at hindi nilikha ninoman.At ito ang dapat na maging katangian nang Kalubusan.

    At ang isa pang katangian, ang Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan ay nabubuhay tanging

    para sa Kanyang sarili lamang. Nabubuhay para sa sarili Niyang kasiyahan, at hindi ninoman.Dahil kung nabubuhay Siya para lamang sa kasiyahan nang iba, Siyay magiging pangalawa

    lamang, at ang Kanyang mga pinaglilingkuran ang magiging masmahalaga. Samakatuwid, dapatang Kalubusan ay may dalawang katangiang ito: Siya ang may likha nang Kanyang katauhan, at

    nabubuhay tanging para bigyan lamang nang kasiyahan ang Kanyang sarili, bigyan nangkaganapan ang sarili Niyang hangarin. Ang Kalubusan ang may likha nang Kanyang sarili at

    itoy para sa Kanyang sarili. Na kahit isang damo, kapag itoy gumalaw, itoy gusto nangKalubusan.

    Lahat ng bagaybawat insidente, at lahat ng anumang maaaring mangyari ay nagaganap

    para sa Kanyang kasiyahan. Ang lahat ng ito ay Kanyang lila, Kanyang mga Paglalaro lamang,samantalang ang interes natin ay iba: ang interes natin ay naka-tuon doon sa ating pamilya o

    kaya nasa ating bansa o sa lipunang ating ginagalawan o nakatuon sa kapakanan ng tao, atbpa.Ang lahat nang mga ginagawa natin kung ating ihahambing sa walang- hangganan ay napakaliit

    at katiting na bahagi lamang, at lahat tayoy ganito ang ating ginagawa, nakahiwalay saKalubusan. Subalit kailangang iwan na natin ang lahat ng ito na animoy mga espesyal na

    gawain, at lumabas sa kamang-mangan, at sa halip, ating puntahan ang gawain para sa kabuuan.

    Sa bandang huli, ang sabi ni Krsna saBhagavad-gita ay, sarvva dharmman parityajya Itigil na ninyo ang lahat ng mga inaakala ninyong tungkulin, at mam ekam saranam vraja

    sa halip, pumailalim kayo sa paanan Ko.

    aham tvam sarvva-papebhyo moksayisyami ma sucah

    Palalayain Ko kayo sa lahat ng nararamdaman ninyong kahirapan.

    Sa madaling salita, kailangang maging tapat kayo sa pinaka-Sentro. Dahil sa kasalukuyan,ang lahat nang mga ginagawa ninyo ay pansarili lamang, kaya bitiwan na ninyo ang lahat ng

    pansariling interes at lubusan nang umanib sa interes nang kabuuan.

    Ang isang pulis kapag nangikil, itoy pinaparusahan, subalit kung siyay papatay para sainteres ng bayan, itoy ginagantimpalaan. Katulad din nito, ang lahat nang gagawin natin para sa

    kasiyahan nang lahat ay matatawag na isang kabutihan, subalit kung itoy pansarili o para saisang kaibigan, tayo ay maaaring maparusahan. Sa trabaho nating ito, wala tayong karapatang

    tumanggap nang suhol, tayo ay hindi din maaaring umaklas, dahil maaaring masira ang atingpinagtatrabahuan.

    3

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    11/29

    Sa trabaho nating ito, tayo ay hindi maaaring magsamantala o gawin angrenunsiyasyon. Ang magsamantala ay malinaw na masama talaga, at tayo ay hindi din

    maaaring mag-aklas, at ang renunsiyasyon o ang tumalikod sa gawain ay hindi din natinmaaaring gawin. Dahil ang interes nating lahat ay nasa Sentro, at ang Sentrong ito ay ang

    kabuuan nang lahat-lahat. Katulad nang paglalagay natin ng pagkain sa ating sikmura, itoy

    kanyang kinakalat saan ito kailangan. Ang ganitong klaseng buhay ay tinatawag naVaishnavaismo. Tayoy mga bahagi ng kabuuan. At may mga tungkulin tayong dapat gampananat ito ang tama at maayos na pamimintuho o dedikasyon sa kabuuan. Hindi tayo naglalagay nang

    mga pagkain sa ating mga mata, o kaya sa ating ilong, kundi sa sikmura lamang, na siyangnagpapakalat nito sa ating katawan upang maging malusog tayo. Lahat tayo ay pawang bahagi

    ng sandaigdigang ito, at ang tungkulin natin ay maglingkod sa lahat, ang tawag dito ay debosyon,pamimintuho, dedikasyon o pag-aalay, at pagpapailalim o pagsuko. Kanino natin ito malalaman?

    Sino ang tutulong sa atin? Tayo ay tutulungan nang mga Banal na Kasulatan, at ng mga santo atmga sugong nagmula pa sa lupaing iyon upang dalhin tayo doon sa katiwasayan nang buhay.

    Ang nagbigay sa atin nang relihiyon nang pinakamataas na kasiyahan sa buhay ay si

    Mahaprabhu Sri Chaitanyadev, Siya ang nagpaliwanag sa atin kung ano ang debosyon ayon sasinasaad nang Srimad-Bhagavatam, ang aklat na pinaka-buod nang lahat ng mga Banal na

    Aklat. Ayon kay Mahaprabhu, ang karunungan ay masmataas kaysa kapangyarihan. Dahilkarunungan ang kumokontrol sa kapangyarihan, subalit ganunpaman, ang karunungan

    ay mababa parin: dahil masmataas dito ang pag-ibig at pagmamahal, at ito ang pinakamataas salahat. Hindi karunungan o kapangyarihan, kundi tanging ang pagmamahal lamang ang maaaring

    magbigay sa atin nang kasiyahan sa buhay.

    Masmataas sa hustisya ay habag o awa. Ang hustisya ay nabubuhay lamang kapag mayroongumiiral na mga batas, at mga patuntunan, atbpa., subalit para sa Awtokratang Kalubusan, doon sa

    Di Mapag-aalinlanganang Kabutihan ikaw ay walang pangamba. Dahil Siya ang Di Mapag-aalinlanganang Kabutihan, at sa Di Mapag-aalinlanganang Kabutihan ay umiiral ang Di Mapag-

    aalinlanganang Pag-ibig at Pagmamahalan, at ito ang ating tahanan! Ito ang daan pabalik saDiyos, sa ating tahanan. At ano ba ang ating tahanan? Ito ang lugar kung saan makikita nating

    nakapaligid sa atin ang mga mababait at mabubuting kaibigan. Kahit hindi natin isipin ang atingkapakanan, marami ang titingin pa rin sa kalagayan natin, marami ang mag-aalaga pa rin sa

    atinang totoo, lahat nang mga nasa paligid natin ang mag- aalaga sa atindahil ito ang atingtahanan. Ito ang lupain ng Kalubusan, at maaari tayong pumasok sa larangan nang paglilingkod

    sa Kanya, na siyang pinakamataas na kalagayan sa lahat, at nang sa ganoon ay makita natin angumiiral na pagmamahalan, pag-iibigan, pakikiisa, at kagandahan ng lugar na iyon. Ang lahat ng

    mga katangiang ito ay magkakatulad at likas na sa Pinaka-pangunahing Dahilan at Kabutihan, atito ang ating pupuntahan.

    Subalit dahil sa maling paggamit natin sa ating kalayaan, tayo ay naligaw nang landas

    at ngayon nga ay tinatawag upang bumalik, Umuwi na kayo, magbalik-loob na kayo sa Diyos,umuwi na kayo sa ating tahanan, na pinakamataas na lugar sa lahat, ang lupain nang pag-

    iibigan. Sa kabuuan, ang lahat ng mga sinabi ko sa inyo ang kamalayan kay Krsna, ay nasaBhagavad-gita at sa Srimad-Bhagavatam, at ito din ang konseptong ibinigay sa atin ni Sri

    Chaitanyadev. Ito ang Sri Chaitanya Saraswat Math at tanging ito lamang ang ipinapangaralnang buong misyon ng Gaudiya. Doon kayo magtungo sa pinaka-Sentro, ialay ninyo nang

    4

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    12/29

    lubusan ang inyong buhay sa Sentro, dahil ang Sentrong ito ay higit pa sa hustisya. Itoy ganapna mapagpala, mapagmahal at talagang napakaganda.

    Ang tatlong batayan sa relihiyon ng mga Vaishnava, ng Srimad Bhagavad-gita at Srimad

    Bhagavatam at ang maikling talaan nang lahat ng klaseng relihiyon ay ang

    pagsasamantala, renunsiyasyon, at dedikasyon, at ang mga kaluluwa ay kabilang sa lupain ngdedikasyon. Lahat ay naatasang maglingkod subalit dahil sa maling paggamit nang kalayaan,tayo ay napunta at napaloob sa mundo ng pagsasamantala. Tinutulungan nila Buddha, Jain,

    Parasanath at ng iba pa ang mga taong nagnanais na umalis sa mundong ito, upang makatakas satanikala nang pagsasamantalasa aksyon at reaksyonsa pamamagitan ng lubusang

    pamamahinga. Ganunpaman, naroroon parin ang posibilidad na maaari parin tayong masilo ngpatibong na ito, subalit doon sa tahanan ng mga malayang kaluluwa, lahat ay pawang

    naglilingkod, at ito ang aming hinahanap, ang bagay na nagbubuklod at bumubuhay sa kaniladahil nakita nating nagkakaisa silang kumikilos para sa kabuuan, at ang kaubuuang ito ay

    kumakatawan sa Di Mapag-aalinlanganang Kabutihan. Makikita natin ang lahat ng ito, kayanapakahalaga talaga ang maging isang tao. Sa pamamagitan ng tulong nang mga saddhusnang

    mga santo at sugo tayo ay makakawala din sa gusot na ito upang tuluyan na tayongmakapasok sa lupain ng pag-iibigan, dedikasyon, at pagmamahalan.

    Marami na kaming nailimbag na aklat, at maraming sinaunang banal na kasulatan ang

    maaaring umagapay sa inyo upang malinaw ninyong maintindihan ang lahat ng ibat -ibangaspetong ontolohikal ng relihiyon.

    5

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    13/29

    Ang Banal na Templo nang Sri Chaitanya Saraswat Math, at ang

    banal na Templo nang Magkawalay na Pagsasama.

    6

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    14/29

    Ikalawang Bahagi

    Doon sa ating tahanan ito ay punung-puno nang kalayaan, at sarap nang buhay nang lahat

    ng bagay. Doon sa lugar na iyon, ang pananalig, pag-ibig, at pagmamahal, atbpa ay natural nadumadaloy. Ang bagay na itoy hindi natin kayang arukin. Ang sabi nga nang

    Upanishads ay, huwag kayong magkamaling sukatin ang lupaing iyon sa pamamagitan nginyong mga pangangatwiran dahil ito ay hindi natin kayang arukin ng isipan. Itoy lagpas pa sa

    ating isipan. Dahil naiiba ang umiiral na batas dito. Dito sa materyal na mundong ito, kapagnagku-kwenta tayo at nagbibigay nang ating mga pala-palagay ang ginagamit natin ay mga punto

    [points], mga pamantayan [planes], at mga konkretong batayan [solid]. Kung ngayon ay nasakonkretong mundo tayo at limitado ang karanasan sa pagsukat ng mga bagay-bagay, ano angmagiging batayan natin sa pagsukat ng isang bagay na wala tayong kaalaman? Itoy hindi natin

    maaaring pagtalunan, dahil wala tayong muwang kung anong klaseng buhay at mga batas angumiiral sa bayan na iyon. Ang lupaing iyon ay sadya talagang kakaiba.

    Papaano natin susukatin ang hangin kung ang kaalaman natin ay hanggang sa tubig lamang?

    Katulad din nito, kung hanggang sa usapin ng hangin lamang ang ating kaalaman, papaano natinsusukatin ang kalangitan? Sa madaling salita, huwag natin isiping masusuri natin ang mga bagay

    na lagpas pa sa ating kaisipan, dahil itoy isang kahangalan.

    May mga bagay na sadya talagang matataas, na lingid sa kaalaman ng pangkaraniwang tao.Walang-dudang lahat tayoy may mga karanasan at kaalaman din, subalit itoy limitado lamang.

    At may mga bagay na sadya talagang hindi natin kayang arukin. Subalit kung silay bababaat magpapakilala sa atin, mga pahayag nilay maaari nating ipaghambing-hambing:

    Bakit ganito ang sinulat ng taong ito tungkol sa kalangitan, at iba naman ang sinasabi ng taongiyon. Sa ganitong paraan, matututo tayo sa ginawa nilang pagsusuri at malalaman natin ang

    tunay nilang katayuan hinggil sa nabanggit na bagay.

    Itoy katulad nang mga dalubhasang sumusuri sa pamamagitan nang pagsilip sa teleskopyo,

    ibat-iba ang kanilang nakikita at natutuklasan, at itoy maaari nating pag- aralan atipaghambing. Maaari parin tayong matuto sa mga nasilip nila bagamat magkakaiba angkanilang nakita. Dahil sa mga nakita nila sa kanilang teleskopyo, masasabi nating higit na

    masmataas at magaling, atbpa., ang gamit nilang teleskopyo kaysa ibang tao. Kaya, bagamatwala tayong teleskopyo at limitado lamang ang ating kakayahan, ang mga natuklasan nilay

    maaari nating ipaghambing.

    7

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    15/29

    Ang mga matataas na usaping nadiskubre sa pamamagitan ng mental na teleskopyo, o nangteleskopyo ng kaluluwa, ay matagal nang tinatalakay sa mga Banal na Kasulatan. Ang mga

    ganoong klaseng usapin ay alam na ng mga santo, at doon tayo sa kanila hihingi nang tulongupang makapasok sa loob ng lupaing iyon. Sa kasalukuyan ay wala pa tayong karanasan

    tungkol sa masmataas na kapatagan, subalit di-magtatagal, sa tulong nang mga santo at mga

    Banal na Kasulatan, magkakaroon din tayo nang ganoong klaseng teleskopyo, makikita atmararanasan din natin ang nasa itaas natin.sve svehadhikare ya nistha sagunah parikirttitah

    Kahanga-hangang iniintindi mo ang kalagayan mo.

    acintyah khalu ye bhava nastam tarkena yojayet

    Huwag ninyong pairalin ang diwa ng palaging nakikipagtalo. Dahil hindi ninyo makukuha

    ang lahat-lahat sa pamamagitan ng pakikipag-argumento: Hindi ito ang tamang pamamaraanupang ipaliwanag ang ating paniniwala. Dahil ang espirituwal na mundo ay acintya, itoy hindi

    maaaring arukin ninuman, ganun pa man, itoy alamin parin ninyo sa abot nang inyongmakakaya, ayon sa ating pananalig, at kamulatan. At ang higit sa lahat, kailangang tanggapin

    natin sa ating isipan na ang katamisan ay talagang napakatamis, at ang katotohanan ay sadyatalagang totoo, gaano man ito katindi, at kailanmay huwag nating sukatin ang nasa itaas na

    lupain.

    Kung kayo ay bulag at siya ay nakakakita, natural lamang na humingi ka nang tulong sanakakakita. Tayoy bulag din, dahil kung hindi, hindi natin kailangang kumonsulta pa sa duktor.

    Ang Guru ay katulad ng isang espesyalistang duktor, pinaniniwalaan natin ang kanyang

    kakayahan dahil batid nating nagsasabi siya nang totoo at hindi nanghuhula lamang. At itoydepende sa kamulatan natin. Katulad ng isang bulag kapag itoy sinuri at ginamot nang totoong

    duktor itoy maaaring makakita at masasabi niyang, Oo nga, medyo nakakakita na ako.Nakakaaninag na ako. At sa oras na iyon, ang opinyon ng mga kasama niyang bulag ay wala

    nang halaga, dahil direkta na siyang nakakakita. Naramdaman na niya ang bisa nang ibinigay nagamot sa kanya dahil siyay nakakakita na.

    Ganun din sa mga siyentipikong pag-aaral. Noong unang panahon, noong madiskubre ni

    Faraday ang elektrisidad, maraming tao ang nagtawa sa kanya. Ano ito? Mukhang kakaiba ah.Anong gagawin natin dito sa kuryente?

    Nabasa ko kung papaano ipinakita ni Faraday ang gamit sa kanyang natuklasan. Sa gamit

    niyang makina, itoy nakapagpapalabas ng kuryente at pinagagalaw ang mga pira- pirasongpapel. Marami din ang nasiyahan sa kanyang natuklasan , subalit isang matandang babae ang

    pumuna, Halimbawang may kuryente na nga, Ginoong Faraday, e ano naman ang silbi nangmaluhong paglalaro mo.

    At itoy sinagot ni Faraday, Madam, ano din po ba ang pakinabang natin sa isang bagong

    silang na anak? Ganito ang punto niya dito, ang sanggol mula nang itoy isinilang tayo ang nag -aalaga, subalit kapag itoy lumaki na, siyay may pakinabang na. Katulad din nito, may mga

    8

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    16/29

    taong nagsasabing ang kamalayan sa Diyos daw ay luho lamang, uso -uso lang, o parangpaglalaro langwala daw praktikal na gamit o pakinabang.

    Subalit kapag ang kamalayan sa Diyos ay naging matindi na, sa mga nakadama nito, ang

    lahat ng iba pang gawain, gaano man ito ka importante, ay nawawalan na nang halaga. Bakit?

    Dahil ibig nating mabuhay. Ayaw nating mamatay. Lahat tayo ay gustong mabuhay. Walangsinuman ang magsasabing ayaw na nilang mabuhay, at hindi lamang mabuhay, kundi angmamuhay nang masaya, matiwasay at may dahilan. Higit sa lahat, ayaw natin nang kaguluhan,

    kasawian, kalungkutan, atbpa.Kapag ang kamalayan sa Diyos ay umusbong na sa ating loob, ang pananaw natin ay

    magiging malinaw. Bakit tayo naghahanap nang mga kung anu-anong bagay dito sa materyal namundong ito? Lahat tayo ay naghahanap nang kaligayahan, subalit guni-guni lang ang

    hinahanap natin, pawang kathang-isip lamang. Kailanman, ay hindi magiging maligaya angmga mortal. Gumagalaw TAYO sa mortal na mundong ito, subalit wala parin tayong

    maramdamang kasiyahan; ang lakas natin ay nasasayang lang. Ang nakukuha natin sa kaliwa aykinuhuha naman ng kabila. Sa mga matatalino, ang ganitong klaseng pagsasayang nang lakas, ay

    hindi katanggap-tanggap bilang prinsipyo ng buhay.

    Dahil ibang antas ng buhay ang kanilang nakikita. Alam nilang, Akoy immortal, atwalang-kamatayan. Akoy kabilang sa eternal na mundo, subalit nabihag lamang nitong mortal

    na aspeto ng buhay. Kaya, sa sandaling akoy makawala dito, normal na akong makatatayo.Mapapansin ninyong ang inyong mga sarili ang kaluluwa, ang nakakaramdam nang lahat ng

    ito, ang mismong nakakakita nitong lahat ay taga ibang lupain pala subalit nasilo lamang nangmortal na mundong ito na punung-puno ng kahirapan. Itoy miserableng mundo. Subalit dahil sa

    matibay ninyong paniniwala kayo ay tataas hanggang umabot sa immortal na kapatagan. Bilangpagpapatunay, ang positibong kalagayang ito ay ating mararamdaman, Ah, malinaw ko nang

    nakikita at naririnig ang lahat, at damdaming itoy higit na totoo kaysa sa mundongpinanggalingan ko. Sa mundong iyon ay walang malinaw, subalit ngayon ay malinaw na akong

    nakakakita at nakakarinig.

    Ang kaluluway maaaring direktang makipag-ugnayan sa Diyos, at doon sa lupain ng Diyos.Sa ngayon, tayo ay gumagalaw sa lupain ng mga di-tuwirang pakikipag-ugnayan: dahil

    gumagamit pa tayo ng ating mata, tainga, atbpa., at nang mga naging karanasan natin dito samundong ibabaw, at pagkatapos, itoy tutungo pa muna sa ating isipan bago natin maranasan.

    Subalit doon sa usapin ng kaluluwa, lahat ay direkta o tuwiran agad nating mararamdaman, hindina natin kailangang gumamit pa nang anumang instrumento o ano pa mang bagay. Ang nakikita

    ng ating mata ay iba kaysa sa nasisilip sa microscope. Silay magkakaiba. Ang mundong itoyating napagmamasdan sa pamamagitan ng ating mga mata, nadidinig ng ating tainga, atbpa.,

    subalit doon sa kaluluwa, kung tatalikuran natin ang pagtaas sa negatibong bahagi, iba angating mararamdaman, Ah! Ito pala ang katauhan ng kaluluwa. Hindi na natin kailangang

    gumamit nang anumang instrumento o anupamang bagay dahil direkta na nating mararamdamankung sino tayo.

    Nasisilip nang isang kaluluwa kung sino siya, nasisilip niya ang kanyang sarili at

    habang sinusuri niya ang kanyang sarili, unti-unti niyang nauunawaan kung sino talaga siya. Sapamamagitan ng pagsasalalisim, nang pag-susuri sa ating mga sarili, makikita nang kaluluwa

    9

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    17/29

    ang lahat nang konsepto tungkol sa kanyang sarili na walang ginagamit na anumang instrumento.At doon sa positibong bahaging iyon, ito ang kanyang matutuklasan: Hindi pala ako

    namamatay.

    Ang materyal na kapatagan ay lupain ng maling pag-aakala at di-pagkakaunawaan, subalit

    doon sa masmataas na kapatagan ay walang alitan, walang di- pagkakaunawaan. Kapagnakapasok ka sa loob nito, ang mga kaisipan natin, kahit sabihin pa nating hindi pa lubusan, aymalinaw nating maiintindihan na totoo pala. At ang sinumang makakaranas nito ay tiyak na

    maniniwala at susulong pa.

    Nabatid ni Socrates na immortal pala ang kaluluwa. Matibay niya itong pinaniwalaan kungkayat maging ang kanyang buhay ay hindi na niya pinahalagahan. Matapos niyang malaman na

    immortal pala ang kaluluwa, tinalikuran niya ang mundong ito. Ganito din katindi ang nagingpaniwala ni Kristo sa kanyang Panginoon kung kayat hindi siya nasilaw sa kasiyahan at luho ng

    buhay sa mundong ibabaw: lahat ay tahasan niyang iniwan at tinalikuran.

    Maraming bagay ang nakikita nang karunungan na hindi nakikita nang ating mata.Tanggapin nating masmaraming nakikita ang mata ng karunungan kaysa mata ng katawang lupa.

    Katulad din ng mga bagay na nakikita lamang sa pamamagitan nang malalalim na pananaw:Halika at pagmasdan mo! Kapag ang mata natin ay natatakpan nang katarata itoy hindi

    nakakakita, subalit kung siyay wala nito, itoy nakakakita. Ang kamang-mangan ay katulad dinng katarata na bumubulag sa ating mata. Pawang mabababa lamang ang nakikita natin, subalit sa

    pamamagitan ng masmalalim na pananaw marami na tayong nakikita. Kapag ang matang ito aytinulungan nang mata ng karunungan itoy masmaraming nakikita mga malalalim na bagay.

    Ang inaakala nating ating nakikita ay walang halaga. Dahil ang tunay na mayhalaga ay angnakikita nang mga taong may malalalim na pananaw. At ang lahat ng itoy hindi pare -pareho:

    dahil may mga taong sadyang matalino, higit na mastatalino, at ang mga pinaglipasan na nangpanahon Ibat-ibang grado, ayon sa kakayahan nang tumitingin.

    Madali nating nasasabing tayo ay nasa mortal na mundong ito, subalit ano ba ang kaugnayan

    natin dito? Hindi bat ang katawan lamang natin. At lagpas sa katawan ay ang ating isipan, atmasmataas sa isipan ay ang katalinuhan, at masmataas sa katalinuhan ay ang kaluluwa.

    Mapapansin nating eternal pala ang tahanan ng mga kaluluwa, at silay eternal din mismo.At magmula sa lugar na iyon ay maaari na nating hanapin ang pinaka-Kaluluwa ng lahat, ang

    pinagmumulan mismo nang lahat ng ating kaisipan.

    Ang pinaka super na Kaluluwa nang lahat ay katulad ng araw na pinagmumulan din nanglahat ng liwanag. Ang araw na pinagmumulan nang lahat ng sinag ay ating malalapitan sa

    pamamagitan ng kanyang sinag. Katulad din nito, batid nating ang ating sarili ay maliit na bahagilamang ng kamalayan, at ang lupaing iyon na pinaka-super na kamalayan, super na karunungan,

    at super na kabuhayan ay maaari nating puntahan. Kung ganoon, ang pinaka-ultimong dahilannang lahat, ang pinaka-bukal pala nang lahat ay maaari nating puntahan. Doon sa lugar na

    iyon, hindi tayo basta-basta makakapasok, lalu nat kung ito ay dahil sa kapritso at sarilingkagustuhan lamang natin, maliban kung tutulungan tayo talaga nang mga taga roon. At ang

    tulong na itoy nasa anyo ng Guru, nang mga Vaishnavas, at nang iba pang ahenteng nagmula salupaing iyon. Sa pamamagitan nila maayos nating mararating ang ating patutunguhan.

    10

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    18/29

    Sa kasalukuyan tayo ay parang mga hari sa ating nasasakupan, subalit ang lahat ng itoy

    pawang pansamantala lamang, panandalian, lumilipas, namamatay, at nagbibigay nang reaksyonsa atin. Kung susuriin nating maigi, ang lahat ng itoy nagbibigay sa atin ng reaksyon.

    Ang masarap ngayon ay maaaring masaklap na bukas, kung ganoon, maghanap tayo nang isang

    masmagandang lugar, isang mabuting lugar na maaari nating tayuan ng bahay. At sa paghahanapnating itoy makikita din natin ang sariling tahanan, at itoy tamang-tama.

    Pabalik na tayo sa ating tahanan. Pabalik sa Diyos, doon sa ating tahanan doon sanapakasarap na bahay. Ang ganitong klaseng damdamin ay ating mararamdaman kapag ang

    mga nag-aanyayang ito sa atin, ang mga sugong ito ng Panginoon, ay pinapasok tayo sa loob atginawaran nang pagkakataong magkaroon ng kahit maliit na partisipasyon. Ang mga ahenteng

    ito ang magdadala sa atin tungo sa tunay na lupain, at doon ay ating mapagmamasdan kung anotalaga ang itsura ng ating tahanan. Sa ganitong paraan tayo makakapunta sa bahaging iyon.

    Sa umpisa, ay masasabi nating hindi natin alam kung saan tayo patungo: Dito sa mundong

    ibabaw marami ang nakapaligid sa akin, at hindi ko alam kung saan talaga ako patungo. Lahat ayparang guni-guni at walang-linaw. Subalit sa sandaling magsimula na tayo sa ating paglalakbay

    unti-unti nating makikitang naroroon pala sa bahaging iyon ang halos lahat nang nilikha,naroroon sa bahaging iyon ang mga nagsasabi nang katotohanan. Samantalang ang materyal na

    bahaging ito ay napakaliit at kakaunti, at ang nagsasabi nang katotohanan ay katiting lamang.

    Ang akala natin, halos lahat nang nilikha ay naririto sa materyal na mundo at kakaunti at mgaespesyal na kaluluwa lamang ang nakakapunta sa immortal na mundo, tulad nina Socrates,

    Muhammad, Buddha, atbpa. Subalit unti-unti malalaman din nating higit na masmalawak pala atwalang-hangganang masmalaki pa ang nasa itaas na mundo kaysa sa materyal na bahaging

    ginagalawan natin. Itoy tulad nang mga nakaratay sa ospital o kaya nakakulong sa piitan, silaykakaunti lamang, tulad din nito, kakaunting tao din ang naririto sa materyal na mundo bilang

    kanilang kaparusahan.

    Sa kasalukuyan tayo ay nasa labas at ang ating isipan ay doon din nakatuon. Wala tayongmagawa sa kalagayan natin. Ang tanging pag-asa natin ay nakasalalay sa habag nang mga banal

    na sugo. Sila ang magliligtas sa atin at magsasabing, Ano itong ginagawa ninyo? Huwagkayong dumako sa bahaging iyon. Dahil lubhang mapanganib sa dakong iyon, dahil naroroon

    ang lupain ng kamatayan. Sumama kayo sa akin. Dadalhin ko kayo doon sa lupain ng eternalna nectar. Ang mga sugong ito ang gigising mula sa pagkakahimbing natin, mula sa ating

    kabaliwan at kamang-mangan. Sila ang mga Vaishnavas, at sila din ang nagbigay nang mgaBanal na Kasulatan na naglalahad nang kasaysayan tungkol sa lupaing iyon at sa mga santong

    nagpunta na roon. At sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan ang pananalig natin ay unti-unting magiging matibay at magiging maigting upang higit pa nating makasama ang mga

    saddhus. At kapag itoy ating ginawa higit na mapapabilis naman ang ating pagtaas.

    Ang damdmin natin ang makapagsasabi kung tayo ay talagang tumataas o hindi. Hrdayenabhya nujato. Mismong puso ninyo ang magsasabing tunay na tumataas na kayo. Dahil kung

    hindi, saanman tayo mapadako puro kasawian lamang ang ating mararamdaman, dahil sabahaging ito ng mundo ang mga usapan ay pawang hindi totoo pawang kasinungalingan, at

    11

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    19/29

    panloloko. Maraming bagay ang nagaganap sa ngalan ng relihiyon, na animoy isang negosyo,subalit hindi nangangahulugang wala talagang tunay na kamulatan at tunay na kaligtasan.

    Hrdaye nabhya nujato mismong ang puso natin ang magsasabi, Oo. Ito ang hinahanap ko.Ito ang nararamdaman ko mula sa kaibuturan nang aking puso, maaari pala itong mangyari,

    parang ibig ko tuloy sumayaw.

    Sri Bamanpara-dham. Ang Banal na Templo nang Sri

    Chaitanya Sarawat Math na nasa banal na lupain ng Sri

    Bamanpura, ang lupain kung saan isinilang ang Kanyang

    Banal na Pagpapala Srila Govinda Maharaj.

    12

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    20/29

    Ikatlong Bahagi

    Dito sa mundong ito, normal ang kumilos tayo, ang maging malakas at magsamantala sa mganasa paligid natin, at gayun din sa ating kalikasan. Tayo ay palagi nag-iipon nang lakas upang

    magamit sa darating na panahon.

    Ang ganitong kalakaran ay likas na sa mga tagarito sa mundo. At ang sinumang hahadlang ay

    itinuturing na napakasama dahil sa pagsalungat sa ganitong takbo nang buhay, ang mag-iponnang lakas.

    Ganunpaman, bilang paalala sa kahalagahan ng yamang nakapaloob sa atin, sinasabing

    bagamat walang-interes ang internal nating katauhan sa pagkakamal nang yaman, hindi kayangsirain nang nakalabas nating katauhan ang nakapaloob na katauhan: ang taong nasa loob nito,

    upang mabuhay lamang.

    Ito ang dapat nating tatandaan: ang lahat nang nasa labas ay hindi masyadong mahalagadahil lahat silay dumarating at umaalis. Maging ang katawang ito na sentro ngayon ng ating

    kaisipan ay maglalaho din, kung ganoon, ano ang silbi nang pagkakamal nang yaman para sakatawang ito? Kaya kailangang gumising na ang katauhang nasa loob ng inyong kaluluwa. Dapat

    natin siyang hanapin at hingan nang tulong. Dahil ang kampanyang itoy magiging matagumpaylamang kapag nakasama natin angsaddhu, ang isang santo.

    Isang kawalan para sa atin ang isang araw na hindi natin makasama at makausap ang isang

    santo at hindi natin marinig ang mga talakayan hinggil sa panloon na kahulugan ng usapin

    tungkol sa sustansya ng buhay.

    Ito ang palagi ninyong tatandaan, harapin ninyo ang inyong mga sarili. Pangalagaan ninyo

    ang inyong kapakanan, hanapin ninyo ang sarili ninyong katauhan.

    Huwag ninyong pansinin ang mga bagay na nasa labas ng mundo at kung anuman angnangyayari dito, sa halip, sumisid kayo tungo sa katotohanan, tungo sa nakapaloob na

    yaman ninyo.

    Hanapin ninyo ang sarili ninyong katauhan at ang mundong tinatahanan nito. Hanapin ninyoang tahanang ito. Na pabalik sa Diyos, pabalik sa ating tahanan. Gamitin ninyo ang lahat ng

    inyong lakas upang makauwi sa inyong tahanan, at hindi na muling gumala-gala pa sa ibanglupain: sa lupain ng kamatayan. Kahit ano pa ang mangyari, iwasan ninyong magawi sa

    lupain ng kamatayan, sa halip ang hanapin ninyo ay ang eternal na lupain. Mapapansin ninyongkayoy tagaroon pala. Alamin ninyo kung nasaan ang inyong tahanan, kung bakit ito naging

    tahanan natin. Ano ba ang ibig sabihin kapag tayoy nasa loob ng ating t ahanan? Ang ibigsabihin nito kayo ay taga-rito, dito kayo isinilang. Subalit tanggapin natin ang katotohanang wala

    tayo sa ating tahanan. Magiging mapalad lamang tayo kapag ang bagay na ito ang hinanap natin.

    13

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    21/29

    Ang kailangan natin ay kung papaano mapapawi ang ating pagka-uhaw. Ganito ang dapatnating maging damdamin: Akoy naririto sa mundong ito, subalit nananatiling walang

    kasiyahan. Hindi ko alam kung papaano magiging maligaya ako. Itoy hinahanap ko parin,kung ganoon, ano ang dapat kong gawin upang mapawi ito? Sa ngayon tayo ay nasa katawang-

    lupang ito, hindi mahalaga kung ano ang laman ng ating katawanang butong nasa loob nito,

    kung papaano tumatakbo ang dugo ko, ang ugat ko, atbpa. Hindi na mahalagang malaman panatin kung anong klaseng dugo mayroon tayo. Sa halip, ito ang dapat nating itanong: Sino baako, bakit ako naghihirap? Kailan ako mawawalan nang problema. Ito ang dapat nating

    itinatanong at inilalagay sa ating isipan. Athato brahma- jijasasaan ba ako nagmula? Saanba ako nanggaling? Papaano ako nabubuhay? At ano ang naghihintay sa akin sa darating na

    panahon? Ito ang mga pangunahing katanungang dapat nating inaalala, at kailangang ituonnatin talaga ang lahat nang lakas natin sa paghahanap ng solusyon. Itoy hindi lamang para sa

    isang taohindi lamang para sa aking sarilikundi itoy para narin sa lahat nang nilalang.

    Ang dapat nating gawin ay hanapin ang pinagmumulan nang lahat ng bagay at hindi nangkung anu-anong bagay, dahil itoy pagsasayang lamang nang ating lakas. Ayon sa mga Banal na

    Kasulatan kung tayo ay magtatanong, ito ang dapat nating itanong: Saan ba ako nagmula? Anoang bumubuhay sa akin? Ano ang naghihintay sa akin sa darating na panahon? Bakit ako

    palaging balisa? At, ano ang dapat kong gawin upang ako ay maging maligaya? Ito ang dapatnating itanong, dahil kung hindi natin ito itatanong, walang-saysay ang iba pang mga

    pagtatanong natin: tayo ay mamamali. Marami ang walang- katapusang nagtatanong nang kunganu-anong bagay, kung ganoon, dapat tayong matutong magtanong nang maayos, kung papaano

    mag-usisa, nang magkaroon naman nang kahalagahan ang ating lakas at hindi nasasayanglamang.

    Magiging mabuti at kapaki-pakinabang lamang ang mga pagtatanong natin kung itoy

    makatutugon at makapagbibigay katuparan sa tunay na layunin natin sa buhay, samakatuwid,ilaan at kontrolin natin ang ating lakas sa tamang paraan. Ngayon ay Kali- yuga ang panahon

    ng kaguluhan at ang tanging tunay na kailangan natin sa buhay ay ang makasama ang mgasanto at Banal na Pangalan ni Krsna saddhu sange krsna-nama. Dahil kung hindi, at tayoy

    malilihis ng landas, sa bawat hakbang na gagawin natin tayo ay maliligaw.

    sadhu-sange krsna-nama ei matra cai samsara jinite ara kona vasttu nai

    Sa lahat, ito ang pinaka-masustansyang paalala sa atin ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, attanging ito lamang ang pinaka-mainam sa lahat upang makalabas tayo sa mga bagay na di

    kanais-nais.

    Ayon sa Kanya, napakahirap umusal o bumigkas nang Krsna-nama na malayo sa pilingnang mga saddhus. Sa madaling-salita, ang solusyon ay nasa saddhu-sanga. Kaya hanapin natin

    ang grupo ng mga kaluluwang namulat na sa katotohanan, sila ang dapat nating hanapin,upang maging maayos ang lahat, at sa lahat ng saddhus, ang pinaka-hari sa kanila ay ang Guru.

    Sa lahat nang mga mabubuting taong nagbibigay sa atin nang payo, ang Gurudeva ang pinaka-hari sa lahat. Ang Guru ang taong umaagapay at nagbibigay sa atin ng kasiyahan, dahil kung

    hindi, sino ang dapat nating paniwalaan at sino sa palagay ninyo ang makapagbibigay pa sa atinnang lubusang kaalaman at kanino natin dapat ilaan ang ating buhay? Tanging ang Guru lamang

    14

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    22/29

    ang makapagbibigay sa atin nang ating pangangailangan. Dahil sa kanya dumadaan ang mgakautusang nagmumula sa itaas, mula doon sa pinakamataas na lupain nang pag-ibig. At

    upang tayo ay mabiyayaan, kailangang sumama tayo doon sa pinakamataas at pinung-alon na iyon. Ito ang kanilang ipinapaliwanag sa atin.

    Sa kabuuan, kailangang ilaan natin ang ating mga sarili upang magamit nang nasa itaas, nangmga may matataas na kaisipan at naninirahan sa masmataas na lugar. Dahil sa ganitong paraan,makakasama natin ang nasa itaas na may pinaka-pinung antas ng buhay. Sa buhay natin ay

    mayroong ibat-ibang uri ng alon at interes, ibat-ibang tagumpay at kasawian, subalit doonlamang natin dapat itutok sa pinaka-mataas ang ating mga sarili. Dahil para sa atin, ang buhay

    nating ito ay hindi na kaakit-akit. Dahil batid nating ang lahat nang itoy pawang luma, bilasa atpanis na. Dahil kahit saanmang lugar ay naroroon ang apat na kaaway natin, angjanma, mrtyu,

    jara, vyadhi ang maipanganak na muli, ang mamatay, ang tumanda, at ang magkasakit, nasadya naman talagang hindi nagbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan. Kahit kailan, kapag may

    kamatayan tiyak walang kasiyahan. Anong kariktan ang makikita natin sa ganitong kalagayan, napalaging may naka-ambang kamatayan: hindi ito kaakit- akit. Samakatuwid, buong kasabikang

    hanapin natin ang lugar na maaari nating tirahan. Doon tayo dumako sa masmataas na lugar naiyon at manirahan.

    yad gatva na nivartante tad dhama paramam mama

    [Bg. 15.6]

    Ang sabi nga ni Krsna sa Srimad Bhagavad-gita ay, Kapag naroroon ka na sasupremong lupain Ko, ikaw ay hindi na muling babalik pa sa mundong ito ng kamatayan.

    abrahma-bhuvanal lokah

    punar avartino rjjunamam upetya tu kaunteya

    punar janma na vidyate[Bg. 8.16.]

    Ganito ang Kanyang itinuro kay Arjuna, Sa lugar Ko lamang makikita ang

    permanenteng kalagayan. Dito sa mundong ito, ang lahat nang gawain, kahit hari ka pa, aypanaginip lamang. Kaya, kung nais mo talagang mawala sa panaginip na ito at pumasok

    sa loob ng realidad, itaas mo ang iyong sarili sa isang pamantayan habang hinahanap mo anglupain ng katotohanan, dahil ang lugar na itoy hindi kayang lamunin nang kamatayan. Gamitin

    mo ang lahat ng lakas mo upang maitayo ang bagay na permanente. Sa kasalukuyan, ginagamitmo ang lakas mo sa bagay na maaaring masira anumang sandali hindi bat itoy isang

    kabaliwan?

    uddhared atmanatmanamnatmanam avasadayet

    atmaiva hy atmanobandhur atmaiva ripur atmanah

    [Bg. 6.5]

    15

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    23/29

    Tandaan ninyo. Kayo ang kaibigan nang sarili ninyo. At kayo din ang kaaway nito. Itoymagiging kaaway mo kapag hindi mo inalagaan ang pagtaas nito. Subalit magiging kaibigan ka

    ng sarili mo kapag itoy tinulungan mo nang husto.

    bandhur atmatmanas tasya, yenaivatmatmana jitah[Bg. 6.6]

    Kapag kinontrol mo ang iyong sarili at inilagay sa tamang landas, ikay hindi maliligaw,

    magiging matagumpay ka,magiging tunay na kaibigan ka pa nang sarili mo. Subalit kapaghinayaan mong makaladkad ka nang iyong mga pandama na masmabababa pa sa iyo, ikaw ay

    dadalhin nito sa lupain ng pagsasamantala, at ang lahat nang mga gagawin mo ay magkakaroonnang reaksyon sa iyo, ikaw ay maghihirap dahil magiging kaaway ka ng sarili mo. Kaya pag-

    isipan mo ang lahat nang sinabi Kong ito.

    vimrsyaitad asesena, yathecchasi tatha kuru[Bg. 18.63]

    Pag-isipan mong maigi, pagkatapos gawin mo ang tamang hakbang. Ang buhay ng tao ay

    napakahalaga. Kapag tinangay ka nang mga reaksyon nang mga ginawa mo, mawawala sa iyoang kakayahang sumuri at magpasya, maaari kang maging isang puno, maging isang hayup, o

    ano pa man. Bakit, sa akala mo bay masasabi mong hindi ka magiging hayop sa susunod nabuhay? Ano ang katiyakan mo na hindi ka nga magiging ganun?

    Huwag mong sabihing dito sa lupain ng kamatayan maaari lamang tayong umasenso. Ang

    pag-asenso o pag-unlad ay hindi nakikita sa kadiliman at sa kamang-mangan, kundi doon satuwirang pagpasok natin sa positibong pagkilos, dahil kayo mismo ang makakaramdam nang

    inyong pag-unlad. Hrdaye nabhya nujatomararamdaman ninyo mismo ang inyong pagtaas,mararamdaman ninyo ito nang husto. Hindi kayo paaasahin at dadalhin nito sa ibayong lugar

    upang patayin, saktan, pagmalupitan, atbpa. Walang ganito.

    bhaktih paresanubhavo viraktiranyatra caisa trika eka-kalah

    prapadyamanasya yathasnatahsyus tustih pustih ksud-apayo nu-ghasam

    [S.Bhag:11.2.42]

    Ipinapaliwanag nang bantog na sloka na ito ng Srimad-Bhagavatam na kapag ikaw ay

    kumain, itoy malalaman nang iyong tiyan. Sasabihin niyang, Ah, nakakain na ako. Ikaw aymakakaramdam nang kabusugan, magiging malakas ang katawan mo, makakaramdam ka nangkasiyahan dahil nakakain ka na. Magiging malusog ang iyong pangangatawan, magiging

    malakas ka, at ang isa pa, mismong ang sarili mo ang magsasabing ikaw ay busog na. At ayawmo nang kumain. Tulad din nito, doon sa espirituwal na buhay maraming palatandaan ang

    magpapatunay kung talagang tumataas na tayo, kung talagang umuunlad na tayo.

    16

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    24/29

    Ngayong tayo ay naging tao na, napakahalaga ang pagkakataong ito para sa atin, subalit itoynasasayang lamang dahil sa maling paggamit. Nasasayang lamang ang napakahalagang lakas

    natin dahil sa maling paggamit. Uttisthatah jagratah prapyovaran nivodhatah -- kaya, gumisingkayo, bumangon at kumilos na, hindi lamang kayo, kundi maging ang iba pa, sumama na kayo sa

    kampanyang ito upang magkatulungan tayo.

    Ang pinakamahalaga sa lahat, sa ilalim nang pangangalaga at gabay ng isang masmataas nasugo, kumilos tayo at gawin natin ang mga debosyunal na gawain at maging abala sa mga

    programang ginagawa natin, upang nang sa ganoon, wala nang matitirang panahon o oras upanggumawa tayo nang mga walang-kwentang makamundong bagay. Malaking kapakinabangan para

    sa atin kapag nakasama natin ang mga deboto sa mga ganoong klaseng programa.

    17

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    25/29

    18

    Si Srila Sridhar Maharaj at ang mga debotong taga Kanluran. Marahil dahil na rin sa

    kanyang labis na katandaan, hindi na kayang mag-isang maglakad o maupo si Srila Sridhar

    Maharaj, madalas itong may karamdaman, subalit tuwing may mga bibisitang deboto mula

    sa ibayong-dagat, siya ay aking pinakikiusapan na kung maaari kahit mga lima o sampung

    minuto lang niya itong harapin, kahit hindi na siya magsalita o magbigay nang panayam.

    Subalit sa sandaling itoy kanya nang simulan, animoy wala itong nararamdaman, parang

    bumabalik ang kanyang kabataan, nagiging masiglang-masigla ito at punung-puno nanginspirasyon na nangungusap nang Krsna-katha na umaabot pa halos mga ilang oras.. Srila

    Govinda Maharaj.

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    26/29

    Ikaapat na Bahagi

    Mahalagang katangian para sa atin ang magkaroon nang panloob na kasiyahan, upang hindi

    natin mapansin ang nangyayari sa atin sa magulong mundong ito. Itoy malapit -lapit na sa lugarng kaluluwa. Ang tunay na bhakti, o debosyon ay ahaituki, itoy kusang umuusbong; siya dinkasi mismo ang sanhi nang kanyang pag-usbong. Itoy kusang umuusbong. Katulad nang sinabi

    ni Hegel, ang realidad o katotohanan ay produkto lamang nang kanyang sariling katauhan.Ang realidad ay hindi kathang-isip, itoy naka-batay sa aktuwal na sistema, isang sistemang siya

    mismo ang nagpapatakbo nang kanyang buhay. Itoy anadi at ahaituki, itoy eternal, walang-kamatayan, at walang sinuman ang maaaring lumikha. Ang bhakti ay lumabas dahil sa kanyang

    bhakti. Siya ang sanhi ng kanyang sarili. Ito ang inilarawan sa atin upang higit natingmaunawaan kung ano ang bhakti. Walang lumikha sa bhakti, dahil itoy eternal nang

    naroroon, subalit natatakpan lamang at kailangan nating buksan, at tuklasin. Ang lakas nitoynakatago lamang. Kaya kapag itoy ating binuksan, itoy unti-unti at dahan-dahang lalabas: na

    para bagang bagong-gisingat naalimpungatan. Ang tumatakip sa bhakti ay anyabhilasa,

    karma, jana ang paghahangad nang mga panandaliang aliw, ang mga pagtatangka upangmakapag-samantala at mga pagwawalang-bahala o pamamahinga. Ang mga takip na itoy dapat

    nating alisin upang makita natin ang busilak na katauhan ng bhakti.

    Mahirap makahanap nang mga taong naaakit at kinalulugdan ang mga nasa masmataas nakatotohanan, lalu na ngayon sa makabagong panahong ito kung saan ang lahat ng isipan ay

    nakatuon sa pagsasamantala, at sa pagkakaroon nang karunungan. Maging ang pagiging

    marunong, na sunud-sunuran din sa pagsasamantala ay lumilikha din nang mga kaguluhan.Napakalaking pangamba ang idinulot sa at in nang enerhiyang atomiko at ng iba pang bagay natinuklas nang siyensiya: na sa anumang sandali ay maaaring sumira sa ating mundo. Inilagay

    lamang tayo nang ating siyentipikong kaalaman sa isang kalagayan na sa anumang sandali lahatay maaaring magwakas! Ang karunungang itoy masasabing isang pagpapatiwakal. Ang

    pagpapalawig nang ganitong uri ng karunungan ay isang pagpapatiwakal. Ang ginagawa natingpagsasamantala ay nagbibigay nang reaksyon. Kaya kapag niyakap natin ang lahat ng ito, ang

    malawakang pagsasamantala, itoy magdudulot sa atin ng pralaya, nang maha-pralaya, nangmalaganap at lubusang pagkasira. Pagsabog man ito ng bombang atomika o nang anupamang

    natural na sakuna, ang pralaya ay darating parin, at pagkatapos, muli na namang lilikhainang mundong ito: muling ipapanganak at mamatay, isisilang at muling mamamatay. Ang

    bawat isa ay muling ipapanganak at mamamatay, at ang buong sandaigdigan ay walangkatapusang, muli na namang isisilang at mamamatay.

    Kaya kung nais talaga nating makawala sa tanikalang ito, kailangang lisanin natin ang mga

    bagay na nararanasan natin. Ganito din ang sinasabi sa atin ngBhagavad-gita at ng Upanishads,indriyani parany ahur. Sa lahat, ang pandama natin ang pinaka-pangunahin, dahil kung

    wala tayong mata, tainga, ilong, o kamay, atbpa., tayo ay wala rin sa mundong ito. Dahil sapandama natin tayo ay nagkaroon ng mundo. Sa mundong ating ginagalawan, ang pinaka-

    19

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    27/29

    mahalaga sa lahat ay ang ating pandama. At pagkatapos ang indriyebhyah param manah --ang ating isipan. Ano ba ang ating isipan? Ito ang kapangyarihang nasa loob natin na pumipili sa

    mga nais nating gawin, Ito ang gusto ko, yan ang ang gusto ko. May mga bagay nakinagigiliwan natin, at inaayawan din natin, ito ang umiiral na prinsipyo sa ating isipan. Higit na

    masmahalaga ang ating isipan kaysa ating mga pandama, dahil minsan kahit dumaan ka pa sa

    aking harapan, ikay hindi ko namalayan, Naku, hindi kita napansin. Hindi kita napansingdumating. Samakatuwid, ang isipan ay nasa sentro, at higit itong mahalaga kaysa ating mgapandama.

    Ang mga pandama natin ay higit na masmahalaga kaysa mga bagay na nasa labas ng mundo,

    at higit na masmahalaga naman sa pandama ay ang ating isipan, dahil kahit anuman angating naramdaman kapag itoy hindi tinanggap nang ating isipan, tulad ng mga pintuan, ay

    nawawalan nang halaga. At pagkatapos nito, ay ang manasas tu para buddhir namanmayroon pang isang prinsipyong nasa loob din natin, itoy isang pinong bagay kung tawagin ay

    mga pagrarason, buddhi, at ano ba ang katangian nito? Ang sabi sa atin ng ating isipan ay, Ah,ito ang gusto ko, subalit ang sagot naman ng buddhiay, Huwag. Huwag mong kunin yan,

    mapapahamak ka. Sa halip ito ang kunin mo, masmakakabuti ito sa iyo. Ang bagay na itona nagbibigay sa atin ng kapangyarihang pumili, ay ang pagrarason, ito ang isang

    masmataas na prinsipyong nasa loob din natin. At pagkatapos, buddher yah paratas tu sahmayisang bagay na sadyang masmataas pa sa ating katalinuhan at ito ang ating kaluluwa.

    Sa ganitong paraan, mababakas natin ang ibat-ibang elemento. Ang mga pandama natin ay

    higit na masmahalaga kaysa sa mga bagay na nakikita natin sa mundo; at higit na masmahalagasa ating pandama ay ang ating kaisipan; masmataas at maspino at masmahalaga naman sa ating

    isipan ay ang ating katalinuhan, ang ating karunungan; At buddher yah paratas tu sahsubalitmay isang bagay na higit na masmataas pa kaysa sa buddhi, at ito ang ating kaluluwa. At ano ba

    ang katangian nito? Ang kaluluwa ay tulad ng isang liwanag.

    Isang halimbawa ang ibinigay sa atin ng mga Banal na Kasulatan, sa gabi, sa kabilugan ngbuwan ang kalangitan ay may makapal na kaulapan at natatakpan nito ang buwan subalit dahil

    sa liwanag na nagmumula sa buwan nakikita parin natin ang makapal na kaulapan. Ayon kayVyasadeva, ang sumulat ng Vedas, ang atma, ang kaluluwa, ay parang liwanag din ng buwan.

    O, tulad ng araw: bagamat itoy natatakpan nang ulap, ang kaulapan ay nakikita parinnatin dahil sa liwanag ng araw. Katulad din nito, ang atma ay isang sinag ng liwanag mula sa

    loob natin, at dahil itoy naroroon lamang sa bandang likuran, nararamdaman natin ang takbong ating kaisipan. Kaya kapag inalis ang liwanag, lahat ng bagay ay mamamatay.

    Kapag ang liwanag na ito ay nawala, ang lahat ng bagay na nagbibigay sa atin nang

    karunungan, maging ang ating kaisipan, ang ating katalinuhan, ang kapangyarihan nating pumili,at marami pang ibat-ibang bagay ay mawawalan din nang halaga. Ang liwanag na ito ay ang

    ating atma, itoy isang maliit na sinag ng liwanag, na bukud-tangi sa lahat ng bagay na naririto samundo. Ang kaluluwa ay isang katiting na bahagi ng liwanag at mayroong lupain naman ng

    liwanag na gawa sa mga pinagsama-samang kaluluwa, kaya, dahil dito muling nagaganap angpagbabago: magmula sa kutob hanggang sa itinitibok, magmula sa kaluluwa tungo sa Super-

    kaluluwa, magmula sa atma tungo sa Paramatma. Kung dito sa mundo ay mayroong ether,hangin, init, tubig, lupa, bato, atbpa., ganun din doon sa maspinong mundo: . magmula sa

    20

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    28/29

    katalinuhan tungo sa kaluluwa, pataas sa Super na kaluluwa, hanggang doon sa pinaka Super nakaluluwa nang lahat . . . . Kaya magmula sa bahagi ng ating ikinukutob dapat tayong tumulak

    patungo sa kalubusan. Dahil ito talaga ang pinaka-tinitibok nang ating damdamin.

    Doon sa teorya ni Darwin hinggil sa ebolusyon ng tao, tayo daw, lahat tayo ay nagmula sa

    materyal na bagay. Ayon sa kanyang paniniwala, kahit na tayo ay nasa sinapupunan palamang, ay umusbong na ang isang materyal na bagay at magmula doon, umusbong naman angkarunungan. Sa madaling salita, ayon sa kanya, ang kamalayan daw ay nagmula sa bato, doon sa

    materyal na bagay. Subalit itoy hindi pinaniniwalaan nang mga tagasunod ng hayag nakatotohanan. Ayon sa kanila, ang kamalayan ay ang lahat-lahat ng ito, at ang lahat ng bagay ay

    nakalutang sa karagatan ng kamalayan. Ang tawag dito ay subjective-evolution, ebolusyon opag-inog ng buhay ayon sa ating paniniwala. Ang sinasabi naman ni Darwin ay objective-

    evolution, ang pag-inog ng buhay ayon sa ating napagmamasdan, ayon sa ating nakikita, subalitayon sa mga Banal na Kasulatang Vedic, ang lahat ng bagay, lahat ng ito, ay nasa ilalim ng

    kategorya ng subjective-evolution, o pag-inog nang buhay ayon sa ating paniniwala. Ayon ngasa sinabi nang isang pilosopong taga- Europe, si Obispong Berkely, Ang isipan natin ay wala

    sa loob ng mundo, kundi, ang mundo mismo ang siyang nasa loob nito. Lahat kasi aynakalutang sa antas ng kamalayan. Kamalayan ang nakaka-pansin nang lahat ng bagay.

    Ayon sa bahagi nila Darwin ang buhay daw ay nagmula sa fossil, nagmula sa isang bato.

    Subalit ano ba ang fossil? Ang fossil ay isang partikular na konsepto ng ating isipan, at angbahaging iyon, ay bahagi ng kamalayan. Samakatuwid, dapat lamang nating paniwalaan na ang

    pinakamahalaga sa lahat ay ang kamalayan. Kahit ano pa ang sabihin mong nauna pa, basta angnauna sa kanila ay kamalayan muna, dahil kung wala nito, wala tayong maririnig na pahayag

    tungkol sa anupamang bagay. Kaya ayon sa ipinahayag na pagpapatunay nang Vedic nakatotohanan, ang Brahman ang nangingibabaw na impersonal na aspeto ng Kalubusan ay

    siyang pinagmulan nang lahat ng kaluluwa, at masmataas sa kaluluwa, sa atma, ay ang Superkaluluwa, ang Paramatma. Dito sa materyal na mundo, ang lahat ay nasa madilim na bahagi, at

    doon sa maliwanag na bahagi: ito naman ang eternal na mundo, na punung-puno ng ibat-ibangmasasayang gawainmga pag-alon sa karagatan ng kasiyahan at kariktan.

    Kaya dapat nating malaman kung ano ang tungkulin natin sa buhay, ano ang

    kahalagahan nang pagiging isang tao, at kung ano ang gamit ito. Napakarami na ang nagbigaynang mga pahayag tungkol sa relihiyon, subalit ang nais lamang natin ay malaman ang

    katotohanan at mabigyan nang masayang solusyon ang lahat ng ito, kung kayat maigi natinitong pinaghahambing-hambing, at pinag-aaralan nang husto.

    Ayon sa pahayag nang mga Banal na Kasulatan, huwag tayo basta-basta magpapalit nangating paniniwala. Halimbawa, sa isang hukbo ng kasundaluhan, kapag sinabi ng ating kumander

    na, Huwag kayong aalis dito. Hanggang sa kamatayan. Subalit sa ibang pagkakataon, iba angkanyang sinasabi, Lusob, lumusob kayo. Katulad din nito, ayon sa shastra, ayon sa kautusan

    nang Banal na Kasulatan, Naipanganak kayo sa isang particular na lugar ayon sa inyong karma,kaya saanman kayo naroroon, manatili parin kayo sa inyong kinatatayuan dahil baka mahulog

    kayo. Subalit may mga pagkakataong, ang utos naman ay ganito , Sige, sulong! Sumulong kayotungo sa Kalubusan! Tumaas pa kayo. Ganun din ang sinasabi nang Bhagavad-gita,

    21

  • 7/31/2019 Home Comfort (Aliw Ng Tahanan)

    29/29

    Huwag kayong basta-basta umalis sa kinatatayuan ninyo, na resulta nang mga nakaraangpagkilos ninyosa halip, manindigan kayo dito hanggang sa kamatayan! Subalit muli, iba na

    naman ang sinasabi ni Krsna:

    sarvva-dharmman parityajya mam ekam saranam vraja

    Kung may pagkakataon kayong makapunta doon sa pina-Sentro, gawin ninyo kahit ano paang mangyari. Ito ang rebolusyunaryong pamamaraan. Mayroon kasing tinatawag na umiiral na

    pangkaraniwang pamamaraan at rebolusyunaryong pamamaraan. Doon sa rebolusyunaryongpamamaraan, lahat nang bagay ay iyong gagawin kahit ano pa ang mangyari, makarating lang sa

    pinaka-sentro ng katotohanan, at ang pagkakataong itoy nasa sa atin dahil tayo ay naging tao,kaya gawin natin ang lahat ng bagay kung ito ay sadyang kinakailangan.

    Sa pagiging isang tao lamang maaari nating magamit ang ating diskriminasyon at

    pagpapasya. Dahil kapag nawala na sa atin ang ganoong karapatan tayo ay maaaring maginghayop o halaman, at walang sinuman ang maaaaring makapagsabi kung kailan tayo makababalik

    at malayang makagagawa nang ating desisyon. Kung ganoon, lubhang napakahalaga talaga nangbuhay na ito, at tayo ay naging tao, kaya huwag nating sayangin ang buhay nating ito at gayahin

    ang ginagawa nang mga hayop: ang ahara, nidra, bhaya, maithuna ang kumain, matulog,mangamba, at sa bawat sandali ay maghanap nang kasiyahan, dahil dadalhin lamang tayo nito sa

    kung saan-saan.

    Kapag ikaw ay naging hayop o alinman sa ibon, uod, insekto, atbpa. ang ganitongkasiyahan ay ibibigay sa iyo upang maging ganito, subalit ang usapin tungkol sa kaluluwa mo,

    tungkol sa relihiyon, tungkol sa tamang gawain, ay hindi ninyo makakamit, dahil tanging sapagiging tao lamang maaari ninyo itong maunawaan. At kapag nakasama naman ninyo ang mga

    santo, at napag-sapan ang inyong kalagayan, magbabago ang takbo nang buhay ninyo atmaliligtas pa ang sarili ninyo. Ngunit isang pagpapatiwakal kapag naging tao kayo at sinayang

    ang pagkakataong ito! Dahil parang nagpakamatay na rin kayo sa sandaling ang buhay na ito aysinayang ninyo at hindi ninyo ginamit upang lubusang mailigtas ang sarili ninyo.

    22