2
Huntly College, New Zealand A ng Huntly College ay isang Taon 9-13 na co- educational na paaralan ng estado sa Huntly, isang maliit na bayan na may tinatayang 7000 tao. Ang Huntly ay isang oras na biyahe sa Timog ng Auckland at 35-minutong biyahe papunta sa Hamilton. Ang Kolehiyo ay may average na 330 estudyante at 30 kawaning nagtuturo. Ipinagmamalaki ng Huntly College ang akademiko at ispiritwal na mga tagumpay nito. Ang aming adhikain Pagbibigay ng mga Pagkakataon at Pagbuo ng Kinabukasan' ay nagbubuod sa kung ano ang ginagawa namin sa Huntly College. Kami ay karaniwang may 4 – 5 estudyanteng nagbabayad ng International na Pera sa alinmang isang taon. Ang lahat ng estudyante ay nangungupahan ng bahay sa mga lokal na pamilya. Naghahandog kami sa aming mga estudyante ng malawak na pangkalahatang edukasyon, pinagsasama ang mga akademikong pagkakataon sa pang-isport, pangkultura at panlipunang mga aktibidad upang himukin ang ganap na pag-unlad ng bawat indibidwal. Ang mga estudyanteng umaalis sa Huntly College ay gumagawa nito sa kaalamang natanggap nila ang mahusay na pundasyon sa edukasyon at marami ang nagpatuloy na makamit ang katanyagan at tagumpay sa kapwa loob at labas ng bansa. Ang malawak na hanay ng programang mapapakinabangan ay kumikilala sa iba-ibang mga kakayahan at pangangailangan sa mga pumapasok sa paaralan, at tinitiyak na ang lahat ng estudyante ay may pagkakataong magtagumpay sa kanilang sariling antas at sa kanilang piniling larangan. Ang mga estudyante ngayon ay maaaring mag-aral para sa hanay ng mga Pambansang Sertipiko, pati na rin ng National Certificate of Educational Achievement sa Antas 1 hanggang 3. Marami sa mga kurso na inialok sa Huntly College Incorporate Unit and Achievement Standards ang nagbibigay-kakayahan sa mga estudyante na mag-aral sa antas kung saan maaaring makamit nila ang tagumpay. Ang Polytechnic at ang Link Courses, at ang Gateway Programme, ay nagbibigay sa mga estudyante ng napakahusay na mga pagkakataon na paunlarin ang interes at mga kakayahan sa trabaho. Ang mabuting pagkakatustos na programa sa Filipino—International Students Brochure—January 2016

Huntly College, New Zealand · PDF filesa pang-isport, pangkultura at panlipunang mga ... pangkulturang gawaing panlabas. Ibinibigay ang mga pasilidad para sa rugby, hockey, soccer,

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Huntly College, New Zealand · PDF filesa pang-isport, pangkultura at panlipunang mga ... pangkulturang gawaing panlabas. Ibinibigay ang mga pasilidad para sa rugby, hockey, soccer,

Huntly College, New Zealand

A ng Huntly College ay isang Taon 9-13 na co-educational na paaralan ng estado sa Huntly, isang maliit na bayan na may tinatayang 7000

tao. Ang Huntly ay isang oras na biyahe sa Timog ng Auckland at 35-minutong biyahe papunta sa Hamilton. Ang Kolehiyo ay may average na 330 estudyante at 30 kawaning nagtuturo. Ipinagmamalaki ng Huntly College ang akademiko at ispiritwal na mga tagumpay nito.

Ang aming adhikain ‘Pagbibigay ng mga Pagkakataon at Pagbuo ng Kinabukasan' ay nagbubuod sa kung ano ang ginagawa namin sa Huntly College. Kami ay karaniwang may 4 – 5 estudyanteng nagbabayad ng International na Pera sa alinmang isang taon. Ang lahat ng estudyante ay nangungupahan ng bahay sa mga lokal na pamilya. Naghahandog kami sa aming mga estudyante ng malawak na pangkalahatang edukasyon, pinagsasama ang mga akademikong pagkakataon sa pang-isport, pangkultura at panlipunang mga aktibidad upang himukin ang ganap na pag-unlad ng bawat indibidwal. Ang mga estudyanteng umaalis sa

Huntly College ay gumagawa nito sa kaalamang natanggap nila ang mahusay na pundasyon sa edukasyon at marami ang nagpatuloy na makamit ang katanyagan at tagumpay sa kapwa loob at labas ng bansa. Ang malawak na hanay ng programang mapapakinabangan ay kumikilala sa iba-ibang mga kakayahan at pangangailangan sa mga pumapasok sa paaralan, at tinitiyak na ang lahat ng estudyante ay may pagkakataong magtagumpay sa kanilang sariling antas at sa kanilang piniling larangan. Ang mga estudyante ngayon ay maaaring mag-aral para sa hanay ng mga Pambansang Sertipiko, pati na rin ng National Certificate of Educational Achievement sa Antas 1 hanggang 3. Marami sa mga kurso na inialok sa Huntly College Incorporate Unit and Achievement Standards ang nagbibigay-kakayahan sa mga estudyante na mag-aral sa antas kung saan maaaring makamit nila ang tagumpay.

Ang Polytechnic at ang Link Courses, at ang Gateway Programme, ay nagbibigay sa mga estudyante ng napakahusay na mga pagkakataon na paunlarin ang interes at mga kakayahan sa trabaho. Ang mabuting pagkakatustos na programa sa

Filipino—International Students Brochure—January 2016

Page 2: Huntly College, New Zealand · PDF filesa pang-isport, pangkultura at panlipunang mga ... pangkulturang gawaing panlabas. Ibinibigay ang mga pasilidad para sa rugby, hockey, soccer,

Espesyal na Edukasyon ay pinapatakbo para sa mga may espesyal na pangangailangan. Ipinagmamalaki namin ang mga tagumpay ng aming tinuunang mga estudyante na piniling samantalahin ang karamihan sa mga oportunidad na ito ng pagkatuto. Ang pisikal na kapaligiran ng paaralan ay moderno, nagbibigay ng mga silid-aralan, mga pasilidad ng eksperto at kasangkapan sa pagtuturo sa pinakamataas na pamantayan para masiyahan ang mga estudyante. Nasa isang mahusay na pagkaka-develop na kapaligirang mistulang parke, ang sapat na espasyo ay magagamit para sa isport at pangkulturang gawaing panlabas. Ibinibigay ang mga pasilidad para sa rugby, hockey, soccer, cricket, netball, tennis at atletiks. Ang Huntly College ay may matagal nang tradisyon ng mga estudyante at kawani na nagsisikap upang malaman ang kanilang potensiyal sa loob ng silid-aralan, at mabuting kakayahan sa paglalaro sa palaruan.

Sa wakas, inaanyayahan ko ang lahat ng estudyante, mga magulang at mga tagapag-alaga na makipag-usap sa akin tungkol sa edukasyon ng bata, at magkakasamang gawin nating pinakamahusay hangga’t maaari ang kanilang panahon sa Huntly College. Inaasahan kong makita kita nang personal. Tim Foy—Punong-guro Cell phone: 021 339 840 Email: [email protected]

Kurso ng Pag-aaral Ang mga senior na estudyante ay naghahanda para sa mga pagsusulit sa dulo ng taon na isinasagawa sa Nobyembre. Ang NCEA ay ang kwalipikasyon na sinusubukan ng karamihan sa mga estudyante na makamit bago umalis sa Kolehiyo at magpatuloy sa karagdagang pag-aaral (unibersidad, polytechnics) o sa trabaho. Bayad sa Matrikula Kabilang sa $10,000.00 (NZD) ang lahat ng gastos sa kurso, bayad sa pagsusulit, uniporme (hindi kabilang ang medikal, insurance at kasuotan ng paa.) Pangungupahan ng bahay $220.00 bawat linggo (Pangungupahan ng bahay) Mga Kinakailangan sa Pagpasok Inaasahan namin ang isang minimum na rekisito sa Ingles (karaniwang IELTS band 4 minimum.)

Ang mga form ng pagpapatala at ang

impormasyon sa kurso ay makikita sa website: www.huntlycollege.school.nz.

Telepono+64 7 828 7152 - Fax +64 7 828 7153

PO Box 151, Huntly

Bridge Street, Huntly

NEW ZEALAND

[email protected]

www.huntlycollege.school.nz