27
Iba’t ibang Akda sa Panahon ng Español

Iba’t ibang Akda sa Panahon ng Español

  • Upload
    gilead

  • View
    665

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Iba’t ibang Akda sa Panahon ng Español. Dulang Pantanghalan. Sanaysay. Tula. Dulang Pantanghalan. Karagatan. Eupemistikong pahayag. Duplo. Ang Karagatan Ang karagatan ay isang larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao. - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Iba’t ibang Akda sa

Panahon ng Español

Page 2: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Dulang Pantanghalan

Sanaysay

Tula

Page 3: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Dulang Pantanghalan

Karagatan

Duplo

Eupemistikong pahayag

Page 4: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Ang Karagatan

Ang karagatan ay isang larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao.

Sa katagalugan, ang karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang prinsesa. Ang singsing diumano ay nahulog sa dagat at ang binatang makakakuha nito ay magiging mapalad sa pag-ibig ng dalaga.

Page 5: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Ang Karagatan1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang nais

magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon.7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga.10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. 11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinghaga.

Page 6: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Ang Duplo

Ang duplo, katulad ng sa karagatan ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin ang mga naulila.

Ang mga pananalita’y patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma.

Page 7: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Eupemistikong pahayag

Alam mo ba?

Ang Matalinghagang Pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

Page 8: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Pansinin ang sumusunod na impormasyon.

1.Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:a.paksa ng usapanb.taong sangkot sa usapanc.lugar

2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang.

3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.

Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.

Page 9: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Halimbawa: Sa halip na sabihing: Gumagamit ng: 1. patay sumakabilang buhay2.nadudumi tawag ng kalikasan3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay4. Katulong kasambahay

Page 10: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag.

Page 11: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Sanaysay

Page 12: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Ito'y makatwirang paghahanay ng mga kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at haka-haka.

Page 13: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Ang karanasan ang nagtutulak sa tao

upang siya ay makapagpahayag. Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga dayuhang Español sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng paniniil ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang upang ipahayag nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin.

Page 14: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Ano nga ba ang TULA ?

Ang Tula ay nagsasabing ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa dito. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Ito ay maaaring batay sa emosyon at damdamin ng tao base sa kanyang karanasan.

Page 15: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Uri ng TULA a.) Tulang Pasalaysay

b.) Tulang Pandamdamin o liriko

c.) Tulang Padula o dramatiko

d.) Tulang Patnigan

Para sa karagdagang impormasyon suportahan ang website na ito.

http://pilipinasatbp.wordpress.com/tag/tulang-dula-o-pantanghalan/

Page 16: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

ay kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan.

a. Epiko- mahabang tulang pasalaysay na naglalarawan ng pambihirang katangian at kapangyarihan ng pangunahing tauhan.Hal. Biag ni lam-ang, Indarapatra at Sulayman

http://teksbok.blogspot.com/2010/09/awit-at-korido.html

Pindutin ito

Page 17: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

ay mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao.

Pindutin ito

http://www.scribd.com/doc/61295829/Tulang-Pandamdamin

Page 18: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan.

Hal.a. Senakulo - pagsasadula ng buhay ng Panginoon mula

sa pagsilang hanggang sa kamatayanb. Sarswela - drama musikal na tumatalakay sa maigting

damdamin ng tao: pag-ibig, paghihigati, kalupitan at mga sulraning sosyal at poltikal.

c. Moro-moro - paglalaban ng Moro at Kristiyanod.Karilyo- pag-akto at pagdayalogo ng mga aninong

repleksiyon ng mga tautauhang yari sa karton at gumagalaw sa likod ng puting kumot o tabing.

Page 19: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.

http://tl.wikipedia.org/wiki/Tulang_patnigan

Pindutin ito

Page 20: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Anyo ng TULA

Ang katutubong anyo ng tula

Ang malayang taludturan

Ang tradisyunal na tula

Page 21: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Ngunit dapat manatili ang karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na ipinakilala niya Sa kanyang tulang “ Ako ang Daigdig”.

http://lrmshspluma.t83.net/#/malayang-taludturan/4527398188

Pindutin ito

Page 22: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang dito.Ang anyo ng tula na May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.

Ngunit di lang diyan nagtatapos ang lahat.May tatlong natitira at kakaibang anyo pa ang tula na kinakailangan ninyong malaman.Ito ay ang DIONA, TANAGA at DALIT.

Page 23: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Tatlong Uri ng Katutubong Tula

Diona Tanaga Dalit

Page 24: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Page 25: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

Pindutin ang website na ito para sa karagdagang impormasyon.

http://tagaloglang.com/Basic-Tagalog/Mga-Halimbawa/tanaga-maiikling-tula.html

Pindutin ito

Page 26: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Pindutin ang website na ito para makita ang halimbawa ng tulang diona.

http://wiki.answers.com/Q/Mga_halimbawa_ng_dalit

Pindutin ito

Page 27: Iba’t  ibang Akda sa Panahon ng Español

Maraming Salamat sa Pakikinig !