30
Republika ng Pilipinas CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY Lungsod Agham ng Munoz, Nueva Ecija  Mensahe  Mensahe  Mensahe  Mensahe   Ang pagsasabatas ng Anti-Red Tape Act o Batas Laban sa Katiwalian ng 2007 ( RA 9485 ) ay nagpatatag sa kapangakuan ng Central Luzon State University tungo sa mahusay na paglilingkod publiko. Bilang isang institusyon ng lalong mataas na pagkatuto ay likas na rito ang pag-ayon sa interes ng publiko gayundin ang huwarang paglilingkod sa tunguhin ng paglaban sa katiwalian lalo na sa pakikitungo sa bawat nangangailangan ng paglilingkod ng pamantasan. Maipakikita sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapatupad ng Gabay sa Mamamayan ang dedikasyon at suporta ng CLSU sa pagpupunyagi ng pamahalaan laban sa katiwalian, ito ang tipan ng pamantasan tungo sa maagap na paghahatid, mapitagan at mahusay na paglilingkod publiko. Binubuo ito ng payak at malinaw na mga hakbang sa pakikipag-ugnayan upang ito ay madaling maunawaan tungo sa mataas na kasiyahan ng mga pinaglilingkuran nito. Sa paglulunsad ng Gabay sa Mamamayan ng CLSU, ang administrasyon, kaguruan at mga kawani ay kahawak-kamay ko sa pagbibigay-diin sa sama-samang pagtatalaga ng sarili sa pagpapatuloy ng kultura ng kahusayan ng CLSU. RUBEN C. SEVILLEJA Pangulo ng Pamantasan Gabay sa Mamamayan ng CLSU 2 CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

Impormasyon Tungkol Sa Unibersidad

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Central Luzon State University

Citation preview

  • Republika ng Pilipinas CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY Lungsod Agham ng Munoz, Nueva Ecija

    MensaheMensaheMensaheMensahe

    Ang pagsasabatas ng Anti-Red Tape Act o Batas Laban sa Katiwalian ng

    2007 ( RA 9485 ) ay nagpatatag sa kapangakuan ng Central Luzon State University

    tungo sa mahusay na paglilingkod publiko. Bilang isang institusyon ng lalong mataas

    na pagkatuto ay likas na rito ang pag-ayon sa interes ng publiko gayundin ang

    huwarang paglilingkod sa tunguhin ng paglaban sa katiwalian lalo na sa pakikitungo

    sa bawat nangangailangan ng paglilingkod ng pamantasan.

    Maipakikita sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapatupad ng Gabay sa

    Mamamayan ang dedikasyon at suporta ng CLSU sa pagpupunyagi ng pamahalaan

    laban sa katiwalian, ito ang tipan ng pamantasan tungo sa maagap na paghahatid,

    mapitagan at mahusay na paglilingkod publiko. Binubuo ito ng payak at malinaw na

    mga hakbang sa pakikipag-ugnayan upang ito ay madaling maunawaan tungo sa

    mataas na kasiyahan ng mga pinaglilingkuran nito.

    Sa paglulunsad ng Gabay sa Mamamayan ng CLSU, ang

    administrasyon, kaguruan at mga kawani ay kahawak-kamay ko sa pagbibigay-diin sa

    sama-samang pagtatalaga ng sarili sa pagpapatuloy ng kultura ng kahusayan ng

    CLSU.

    RUBEN C. SEVILLEJA

    Pangulo ng Pamantasan

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 2

    CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

  • Pagpapatuloy ng Mahigit Dantaon nang Mahusay na Paglilingkod

    sa Edukasyon, Agham at Teknolohiya

    at Kaunlarang Agrikultural

    Maikling Kasaysayan

    Isa sa tanyag at prestihiyosong institusyon ng lalong mataas na

    pagkatuto sa bansa ang Central Luzon State University ( CLSU ). Nananatili at

    nagpapatuloy ito sa paglikha ng mahusay na mamamayan at nagkakaloob ng

    paglilingkod na may tatak ng kahusayan. Magdiriwang ang CLSU ng sentenaryo nito

    sa Abril 2007.

    Nagsimula ito bilang isang paaralang pansakahan sa pangalang Central

    Luzon Agricultural School sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.10 na

    ipinalabas ng gobernador ng Nueva Ecija na si James Smith noong Abril 12, 1907.

    Unang binigyang-diin nito ang pagpapaunlad ng mga magtatapos na may kasanayan

    upang matamo ang pangangailangan ng yamang-tao sa pagbubukas at pagbubungkal

    ng mayamang lupang pansakahan.

    Bilang isang paaralan, natanyag ang CLSU sa natatangi nitong

    kurikulum. Pinaunlad nito ang sining pang- agrikultura at pangmakinarya kasama ng

    mga pagsasanay at gawaing pang- akademiko. Nang lumaon, kinilala ang CLSU bilang

    ina ng paaralang bokasyunal at agrikultural sa bansa.

    Naging Central Luzon Agricultural College (CLAC) ang paaralan noong

    Disyembre 31,1950 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.300 na ipinalabas ng

    Pangulong Elpidio Quirino upang ipakilala ang edukasyong pang-agrikultura. Bilang

    isang institusyon ng lalong mataas na pagkatuto, Kinilala ang CLAC bilang unang

    pampamahalaang kolehiyo na itinatag ng pamahalaan ng Pilipinas na nagpapakilala

    ng edukasyong pang-agrikultura, edukasyong pang-inhinyerya, edukasyong

    pantahanan at iba pa.

    Noong Hunyo 18,1964 ang CLAC ay itinaas sa Central Luzon State University (CLSU) sa bisa ng Batas Republika Blg.4067 upang magkaloob ng mga pagsasanay na propesyunal at teknikal sa agrikultura at sining pangmakinarya; magkaloob ng maunlad na pagtuturo, magtaguyod ng pananaliksik, panitikan, pilosopiya, mga

  • agham, teknolohiya at sining. Mula sa nauna nitong oryentasyong pang-agrikultura, naging isang komprehensibong institusyon ng lalong mataas na pagkatuto ang CLSU na nagkakaloob ng ibat ibang kursong gradwado at di-gradwado. Nakapangalat sa 656 ektaryang lawak ng lupain sa Lungsod Agham ng Munoz na may layong 150 kilometro pa-Hilaga ng Maynila ang kampus ng CLSU. Inilunsad ang CLSU noong Oktubre 19,2001 bilang Model Agri-Tourism Site sa Luzon sa ilalim ng Philippine Agri-Tourism Program, magkatuwang sa proyektong ito ang Departamento ng Agrikultura at Departamento ng Turismo.

    Kasalukuyang Panahon

    Higit ng isandaat isang taon ang Central Luzon State University sa kasalukuyan. Mula sa oryentasyong pang-agrikultura ay naging isa itong komprehensibong pamantasan. Pinamumunuan ito ni Dr. Ruben C. Sevilleja bilang pangulo, ang CLSU ay nagpapatuloy sa katayuan nito bilang mapagkakatiwalaan sa larangan ng pananaliksik, sentro ng pagsasanay at pagtulong, sentro ng agribusiness, huwarang pook ng agri-tourism, at higit sa lahat isang komprehensibong institusyon ng lalong mataas na pagkatuto na may pagtatalaga sa pagpapatuloy ng misyon nito na lilinang ng yamang-tao, mga pananaliksik at teknolohiya tungo sa kakayanang pantao sa pandaigdigang kakayahang makipagsabayan at pangmatagalang kaunlaran.

    Sentro ng Kahusayan

    Itinalaga ng Commission on Higher Education / Komisyon ng Lalong Mataas

    na Edukasyon(CHED) ang Central Luzon State University bilang Center of Excellence

    (COE) o Sentro ng Kahusayan sa larangan ng Pangisdaan, Beterinarya at

    Medisina, Inhinyerya at Agrikultura. Unang naging COE ang mga programa ng

    agrikultura at pangisdaan noong taong 2002 hanggang 2007.

    Bukod dito, kinilala rin ang CLSU bilang Center of Development o Sentro ng

    Kaunlaran sa edukasyon, biyolohiya at kimika.

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 3 Gabay sa Mamamayan ng CLSU 4

    Bukod dito, kinilala rin ang CLSU bilang Center of Developm

    Nangungunang Paaralan

    Sa paglipas ng panahon, pinarangalan ang CLSU ng Professional

    Regulation Commission/ Komisyon sa Pamamalakad ng Propesyunal para sa

    palagiang pagpapakita ng kahusayan ng mga nagsipagtapos sa mga propesyunal na

  • pagsusulit. Maraming nagtapos dito ang kabilang sa Top 10 o sampung pinakamataas

    at ang bahagdan ng mga pumasa kadalasan ay higit na mataas sa pambansa.

    Sa taong ito lamang, kinilala ang CLSU sa kahusayan sa agrikultura bilang

    pangalawa sa nangungunang paaralan sa pambansang lebel, pangatlo sa pangisdaan

    maging sa beterinarya at medisina na may limang nagtapos na kabilang sa Top 10.

    Gayundin naman bilang High Performing Institution sa programa ng pagtutuos.

    Mga Programang Kinilala ng AAACUP

    Ang pamantasan sa kasalukuyan ay nanghahawakan sa pinakamaraming

    bilang ng programang di-gradwado na kinilala sa istatus na Lebel 2 ng Accredited

    Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines,Inc. (AAACUP).

    Sentro ng Pananaliksik at Pagpapaunlad

    May ibat ibang sentro ng pananaliksik at pagpapaunlad ang CLSU na

    lumilikha ng mga pananaliksik at teknolohiya para sa mga pinaglilingkuran nito. Ang

    mga sentrong ito ay nagsisilbi ring laboratoryo para sa mga estudyante at nagsisilbi ring

    atraksyon ng agri-turismo. Ang mga ito ay ang :

    Freshwater Aquaculture Center

    Philippine Carabao Center at CLSU

    Small Ruminant Center

    Nueva Ecija-CLSU Fruits and Vegetable Seeds Center

    Philippine-Sino Center for Agricultural Technology

    Ramon Magsaysay Center for Agricultural Resources and Environmental Studies

    Water Resources Management Center

    CLSU Affiliated Non-Conventional Energy Center

    Regional Science Teaching Center

    Center for Educational Resources Development and Services

    Center for Central Luzon Studies

    CLSU Testing and Evaluation Center

    Philippine-Israel Center for Agricultural Training

  • Dagdag din dito ang iba pang pambansang sentro ng pananaliksik at

    pagpapaunlad na kumikilos sa kampus, ito ay ang :

    Philippine Carabao Center National Office ( National Buffalo / Gene Pool )

    Bureau of Fisheries and Aquatic Resources National Freshwater Fisheries and

    Technology Research Center ( BFAR-NFFTR )

    DA- Agricultural Training Institute

    DOST Provincial Science and Technology Center

    DENR CENRO Community Environment and Natural Resources Office

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 6

    Mahalagang Kontribusyon sa Agham at Teknolohiya

    Sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagpupunyagi ng mga

    administrador at mga may kakayahang pangkat ng mga mananaliksik, ang CLSU ay

    nanguna sa mga bagong tuklas ng pampananaliksik na nagkaroon ng mahalagang

    kontribusyon sa pambansang kaunlaran. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod :

    Tilapia na mula sa pagiging babae ay ginawang lalaki na tinawag bilang

    super male tilapia ( YY-Male Technology )

    Paglilipat ng embriyon ng kalabaw na kilala sa tawag na test tube

    carabao.

    Teknolohiya ng paglilipat ng embriyon ng kambing,na kauna-unahan sa

    ganitong uri sa bansa.

    Kamlong ( kamatis-talong ) teknolohiya para sa wala sa panahong

    produksyon ng kamatis.

    Pagpaparami ng tisyu ng saging

    Produksyon ng mga ani sa mga lugar na nalalatagan ng abo at lahar.

    Ang mga nilikhang teknolohiya at binuong pananaliksik ay inihahatid sa mga

    inaasahang benipisyaryo sa pamamagitan ng ibat ibang mga ekstensyon at

    interbensyon at mga angkop na pagsasanay.

    Bukod dito, ang mga teknolohiya ng produksyon at mga siyentipikong

    pamamaraan na binuo sa pamantasan ay ipinatutupad at ipinakikita sa pamamagitan

    ng ibat ibang gawaing mapagkukunan ng kita tulad ng mga pananim,

    pagmamanukan, paghahayupan at iba pang mga natatanging gawain. Ang mga kita

  • buhat sa mga proyektong ito ay ginagamit bilang panulong na pagtugon sa mga

    pangangailangan ng mga programa ng pamantasan. Nagsisilbi rin itong laboratoryo ng

    pagtuturo at nagsisilbi ring huwaran ng mga proyektong pangkabuhayan para sa ibat

    ibang pinaglilingkuran ng pamantasan.

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 7

    Mga Prestihiyosong Gantimpala / Gawad

    Sa lahat ng mga natatanging nagawa o nakamit bilang isang institusyon

    ng lalong mataas na edukasyon, pananaliksik at pagpapaunlad, ang CLSU ay

    ginawaran ng ibat ibang gawad pang-institusyon. Kinabibilangan ito ng mga

    sumusunod :

    2 Tanglaw Awards noong 1995 at 2003 na ipinagkaloob ng Philippine

    Council for Agriculture, Forestry and Natural Resource Research and

    Development ( PCARRD )

    Gawad Lingkod Bayan noong 2005 na ipinagkaloob ng Civil Service

    Commission

    Likha Awards noong 2004 na ipinagkaloob ng DOST-TAPI

    State and University and Colleges (SUCs) Entrepreneurship Award ( nag-

    iisang ginawaran ) noong 2006 na ipinagkaloob ng Commission on

    Higher Education (CHED) at ng Philippine Center for Entrepreneurship

    (PCE)

    Best Research Program in Higher Education Institutes (HEIs), unang

    gantimpala, noong 2006 na ipinagkaloob ng Commission on Higher

    Education (CHED)

    Best Students Services Program Award ( Best Student Housing ) nag-

    iisang ginawaran mula sa lahat ng pampamahalaang pamantasan at

    kolehiyo sa bansa.

    Samantala, ang kaguruan ng CLSU ay nagkamit din ng maraming

    prestihiyosong gawad. Ang ilan sa mga gawad ito ay ang mga sumusunod:

    3 Metrobank Outstanding Teacher Awards

    3 Pantas Awards

  • Most Outstanding Professional in Fishery

    The Outstanding Women in Nations Services ( TOWNS ) na

    ipinagkakaloob ng TOWNS Foundation

    Most Outstanding Veterinarian in the Academe Awards

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 8 Outstanding Professional in Agricultural Engineering na ipinagkaloon ng

    Professional Regulation Commission ( PRC )

    Outstanding Agricultural Engineer na ipinagkaloob ng Philippine Society

    of Agricultural Engineers

    Honorary Fellow / Award na ipinagkaloob ng ASEAN Federation of

    Engineering Organization

    Most Outstanding Teacher in Animal Science na ipinagkaloob ng

    Philippine Society of Animal Science ( PSAS )

    Gawad Saka Outstanding Agricultural Scientist na ipinagkaloob ng

    Department of Agriculture

    Top Women Research Manager and Scientist na ipinagkaloob ng

    PCARRD-DOST

    Outstanding Agricultural Journalist in Print Media na ipinagkaloob ng

    Rotary Club of Manila

    Professional Media Award ( Print Category ) na ipinagkaloob ng

    PCARRD-DOST

    Parangal ng Bayan na ipinagkaloob ng Parangal ng Bayan Foundation

    Ugnayan

    Maraming ugnayang pambansa at pandaigdig ang CLSU. Kabilang sa

    mga institusyong pang-akademiko at pang-siyentipiko na lumikha ng

    pakikipagtulungan ang CLSU ay ang mga sumusunod :

    Maejo University and King Mongkuts Institute of Technology in Thailand

    Kyushu-Tokai University and Miyazaki University in Japan

    World Fish Center in Malaysia

  • California Polytechnic University Pomona, USA

    Florida International University , USA

    University of California Davis , USA

    University of Wales, Swansea, United Kingdom

    Human Agricultural University and Hebei Academy for Agriculture and

    Forestry Sciences, China

    Trubhuvan University and Kathmandu University in Nepal

    Fujian Normal University, Peoples Republic of China

    Bugema University, Uganda

    Norwegian University of Life Sciences (UMB) Norway.

    Pangunahin / Pinakamahusay na Akademikong Programa

    Tunguhin ng akademikong programa na magkaloob ng mahusay na

    edukasyon na nagtatampok sa mga sumusunod na katangian : matatag na agham at

    teknolohiya, pagiging handa sa mga kinakailangan sa hinaharap at pag-unlad, kaugnay

    ng pangangailangang agro-industriyal ng rehiyon, impluwensya sa pagpapalakas ng

    kakayahan ng mamamayan na pinaglilingkuran nito, at kontribusyon tungo sa patuloy

    na kaunlaran.

    Upang makamit ang tunguhing ito, 23 di-gradwado at 33 gradwadong mga

    kurso ang ipinatutupad ng walong kolehiyo, ng Institute of Graduate Studies (IGS) at

    ng Open University. Bukod sa mga binanggit, dalawang kursong pang-diploma at

    walong kursong pang-sertipiko ang ipinagkakaloob naman ng Open University habang

    ang Regional Science Training Center ay nagkakaloob naman ng mga kursong pang-

    sertipiko sa pagtuturo, biyolohiya, agham, pisika, kimika at matematika.

    Ang mga programang kurikular na ito ay sa agrikultura at mga kaugnay na

    larangan ; sa mga saligang agham, sining at humanidades, pangangalakal, inhinyerya

    at edukasyon na pawang nasa antas di-gradwado. Ang IGS naman ay nagpapatupad

    ng maunlad na edukasyong pang-gradwado at pananaliksik sa agrikultura at mga

    kaugnay na agham tungo sa pagpapaunlad ng pangmatagalang sistema ng

    pagsasaka, sa edukasyon at sa kaunlarang pangkabukiran, at ng lalong mataas na

    antas ng magagamit na agham tungo sa industriyalisasyong agrikultural. Sa ngayon

  • ang institusyon ay nagkakaloob ng 8 kursong doktorado, 15 kursong masteral at 10

    masteral sa propesyunal na pag-aaral.

    Bilang isa sa pangunahing pamantasan sa bansa, lumikha ang CLSU ng

    mga nanguna sa mga eksaminasyong propesyunal para sa

    mga guro, akawntant, kemist, magsasaka, mangingisda, doktor ng agham pambeterinarya at medisina, inhinyerong sibil at inhiyerong agrikultural. Ang iba pang mga kurso sa pamantasan ay ang Batsilyer sa agham ng panulong agrikultural na edukasyon ( agricultural extension education ), agrikultural na edukasyon ( agricultural education ), teknolohiyang pang-impormasyon ( information technology ), agham pantahanan ( home economics ), teknolohiya ng pagkain ( food technology ), biyolohiya ( biology ), kemistri ( chemistry ), statistics ( estadistika ) at AB pangkaunlarang komunikasyon ( development communication ), sikolohiya ( psychology ) at aghmam panlipunan ( social science ), gayundin ang Batsilyer sa agham ng pangangalakal at pagtutuos ( bachelor of science in business administration and accountancy ) at agrikultural na pangangalakal ( agribusiness ). Dagdag pa rito, isang karangalan ng CLSU ang pagiging nag-iisang pamantasan sa Pilipinas na nagkakaloob ng baiting-baitang ( ladderized ) na antas ng kursong Doktor sa Agham Pambeterinarya at Medisina. Ang unang apat na taon nito ay nagkakaloob sa mga estudyante ng digring Batsilyer sa Agham ng Paghahayupan. Kung itoy ipagpapatuloy at makumpleto ang anim na taon, ang estudyante ay gagawaran naman ng digring Doktor sa Agham Pambeterinarya at Medisina. Ang CLSU ay naglilingkod sa mga estudyante sa buong Pilipinas at sa daigdig. Ang malawak na linya ng mga programa nito sa antas gradwado at di-gradwado ay tinuturuan ng mga bihasang propesor at mga dalubhasa sa ibat ibang larangan ng ispesyalisasyon. Maraming bilang ng kaguruan nito ang tumanggap ng ibat ibang prestihiyosong gawad.

    Bakit Nagtutungo ang mga Panauhin sa CLSU

    Ang Central Luzon State University, ang pook ng agri-turismo sa Luzon

    ay nagpapatuloy bilang paboritong destinasyon ng mga panauhin mula sa ibat ibang

    antas at kalagayan sa buhay. Sa katunayan, ang pangunahing dahilan kung bakit sila

    nagtutungo rito ay upang kanilang makita mismo ang mga pasilidad at kagandahan ng

    kampus at upang magkaroon ng mga kaalaman at impormasyon tungkol sa ibat ibang

    inobatibong programa at proyekto nito.

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 10 Gabay sa Mamamayan ng CLSU 11

    Dahil dito,ang paghahatid ng edukasyon sa pamamagitan ng agri-turismo

    ang nakahahalina sa libong bilang ng mga turistang lokal at banyaga mula sa hanay ng

    mga mag-aaral, mga magsasaka hanggang sa matataas na ranggong opisyal at mga

  • negosyante na bumisita sa CLSU.

    Ang mga sentro ng pananaliksik at pagpapaunlad ng CLSU gayundin

    ang mga proyektong pangkabuhayan ang sumasaklaw sa pagpapamalas ng buong

    agri-turismo na nagkakaloob ng mahahalagang karanasan ng pagkatuto para sa mga

    turistang lokal at banyaga.

    Ang pinakamalimit na proyekto ng CLSU ay ang mga sumusunod :

    Small Ruminants Center nangangasiwa sa pagpapabuti ng mga

    katutubong kambing sa pamamagitan ng pagpapalahi gamit ang

    mahuhusay na lahi.Nagbunga ito ng isang pagtuklas na nakilala bilang

    Super Ovulation Embryo Transfer (SCET). Kabilang din ito sa

    pagpaparami ng produksyon ng tupa.

    Dairy Farm nagsisilbi bilang isang huwaran ng maliit ngunit mahusay

    na negosyo sa mga produkto ng buffalo. Nagsasagawa ito ng mga

    pananaliksik at tumutulong sa mga intersadong magsasaka na

    magsimula ng katulad na negosyo na nakabatay sa mga bagong

    teknolohiya at mga paraan ng pangangasiwa. Ito rin ay nagbibigay ng

    ibat ibang uri ng may mataas na uri at mabuti sa kalusugang produkto

    mula sa gatas na laging mayroon para sa mga mamimili sa lahat ng

    tindahan nito.

    Freshwater Aquaculture Center Kasama ng iba pa, ipinakikita ang

    intensibong pag-aalaga ng tilapia sa isang kongkretong bilog na mga

    tangke gayundin ang pagpaparami ng mga hito, higanteng gurami at

    pulang tilapia.

    Fruits and Vegetable Seed Center nangangasiwa sa produksyon ng

    de-kalidad at mga malulusog na binhi ng mga gulay at mga punla ng

    mga punongkahoy upang matugunan ang pangangailangan ng mga

    magsasaka. Ito rin ay nagpapamalas ng produksyon ng mataas na uri

    ng mga pananim gamit ang teknolohiya ng greenhouse.

    Agricultural Museum ang mga kagamitang nakatanghal ay

    nakapreserba at pinangangalagaan upang itanyag ang pamanang

  • cultural ng mga Pilipino sa gitnang Luzon sa larangan ng agrikultura,

    pangisdaan ang mga kaugnay na hanapbuhay. May anim na

    seksyon ang museo, ito ay ang mga kagamitan sa pagtatanim ng palay

    at gulay, mga katutubong kasangkapang pambahay, mga personal na

    kasuotan, mga kagamitan sa pangangaso at pangingisda.

    LIVING FISH MUSEUM ang museo ay may koleksyon ng ibat ibang

    katutubong isda, mga ornamental na isdang tabang, mga reptilya, mga

    molusko at mga halamang tubig.

    BIOSCIENCE AND BIOTECHNOLOGY MUSEUM kinabibilangan ito ng

    koleksyon ng Soolohikal at Botanikal na mga reperensya kasama ng

    ibat ibang ispesimen kapwa ng mga hayop na na may gulugod (

    vertebrate ) at walang gulugod ( invertebrate ), koleksyon ng

    propagasyon ng mga mikrobyo na sumusulpot na lamang ( fungal )

    gayundin ng propagasyon ng mga baktirya ( bacterial ) at galeriya na

    nagtatampok sa istatik at maliit na bersyon, nagtatanghal sa mga

    halaman at hayop ng Gitnang Luzon at mga kalapit na rehiyon.

    ORGANIC VEGGIE PARK nagtatampok sa produksyon ng mga gulay

    at mga pananim gamit ang mga kagamitang organiko na angkop maging

    sa mga lungsod at bayan.

    ENVIRONMENT MANAGEMENT INSTITUTE BIODIVERSITY MUSEUM

    nagpapamalas ng mga pag-aaral sa pagkakaiba-iba ng mga hayop at

    halaman ( biodiversity ) ng ibat ibang biyolohikong komunidad (

    ecosystem ) ng Gitnang Luzon. Napanatili nito ang koleksyon ng mga

    insekto mula sa ibat ibang mga pamilya, mga macrofungi,mga pinatuyong

    hayop at mga koleksyon ng pinatuyong mga halaman ng Gitnang Luzon.

    Ito rin ay nagtatampok ng mga dayorama ng pantubig at panlupang

    komunidad, poster ng ibat ibang suliraning pangkalikasan at mga epekto

    nito at pag-aaral ng mga gawi at gawain tungo sa pangmatagalang

    konserbasyon ng mga hayop at mga halaman ( biodiversity ).

    CENTER FOR TROPICAL MUSHROOM RESEARCH AND

    DEVELOPMENT Nagsisilbing sentro ng mga pananaliksik at mga

  • pagsasanay sa pagpapaunlad at pagpapakilala ang agham at teknolohiya

    ng kabute. Nagpapamalas ng produksyon ng ibat ibang uri ng kabute

    at propagasyon ng mga binhi nito at iba pa.

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 12

    Ang Tanggapan ng Kagalingan/Gawaing Pampubliko ang namamahala sa

    pagpapatala/pagpapareserba, pagtanggap, at pagpasyal ng mga panauhin sa ibat

    ibang agri-tourism site ng pamantasan.

    PILOSOPIYA

    Ang pangunahing sukatan sa pagkamabisa ng Central Luzon State

    University bilang isang institusyon ng lalong mataas na pag-aaral ay ang ambag at

    impluwensya nito sa edukasyon, ekonomiya, sosyal, kultural, politikal at moral na

    kagalingan gayundin sa pangkapaligirang kamalayan ng mga mamamayang

    pinaglilingkuran nito.

    BISYON

    Ang Central Luzon State University bilang isang pamantasang may

    pandaigdigang kahusayan na nagbibigay- karunungan sa mga mamamayang may

    kahandaan, may kabuluhan at itinatalaga ang sarili sa paglilingkod at pagpapahusay.

    MISYON

    Ang Central Luzon State University ay lilinang ng yamang-tao na may

    pananagutan at kakayahang panlipunan taglay ang kaalaman sa pag-ahon sa

    kahirapan, pangangalaga sa kapaligiran at pandaigdigang kakayahang

    makipagsabayan tungo sa pangmatagalang kaunlaran.

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 13 Gabay sa Mamamayan ng CLSU 14

    MGA OPISYAL NG CLSU

    2013

    Dr. Ruben C. Sevilleja

  • Pangulo ng CLSU

    (+6344) 456 0688

    Dr. Tereso A. Abella

    Vice President for Academic Affairs and concurrently

    Director, Freshwater Aquaculture Center

    Pangalawang Pangulo para sa mga Gawaing Akademiko at Direktor, Sentro ng

    Pagpaparami ng Isda sa Tubig Tabang

    (+6344) 456 5197

    Dr. Raul D. Divina

    Vice President for Administration

    Pangalawang Pangulo para sa Administrasyon

    (+6344) 456 5272

    Dr. Teotimo M. Aganon

    Vice President for Research, Extension & Training

    VP for Research, Extension and Training

    (+6344) 456 0609

    Dr. Eduardo G. Marzan, Jr.

    Vice President Bussiness Affairs

    Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Pangnegosyo

    (+6344) 456 0698

    Dr. Federico O. Perez

    Dean, College of Agriculture

    Dekano, Kolehiyo ng Agrikultura

    (+6344) 456 7206

    Dr. Renato G. Reyes

  • Dean, College of Arts & Sciences

    Dekano, Kolehiyo ng mga Sining at Agham

    (+6344) 940 1405 / (+6344) 456 7209

    Dr. Danilo S. Castro

    Dean, College of Business Administration & Accountancy

    Kolehiyo ng Pangangalakal at Pagtutuos

    (+6344) 456 5191

    Dr. Rhodora I. Dela Rosa

    Dean, College of Education

    Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon

    (+6344) 456 7210

    Dr. Ireneo C. Agulto

    Dean, College of Engineering

    Dekano, Kolehiyo ng Inhenyerya

    (+6344) 456 7208

    Dr. Emmanuel M. Vera Cruz

    Dean, College of Fisheries

    Dekano, Kolehiyo ng Pangisdaan

    (+6344) 940 7356

    Dr. Hilaria T. Cuaresma

    Dean. College of Home Science & Industry

    Dekano, Kolehiyo ng Agham Pantahanan at Industriya

    (+6344) 456 7212

    Dr. Romeo S. Gundran

    Dean. College of Veterinary Science & Medicine

  • Dekano, Kolehiyo ng Agham Pambeterinarya at Medisina

    (+6344) 456 5877

    Dr. Rosita Carlos

    University Graduate Program Office

    (+6344) 4565190

    Dr. Elizabeth S. Suba

    Dean, Office Students Affair

    Dekano, Tanggapan para sa mga Gawaing Pang-estudyante

    (+6344) 940 7030

    Dr. Flor Amor B. Monta

    Dean, Open University

    Direktor, Open University

    (+6344) 4565242

    Dr. Melissa E. Agulto

    Dean, Admission

    Dekano, Admisyon

    (+6344) 4565190

    Dr. Apolinario L. Domingo

    Director, Crop Production Office

    Direktor, Opisina ng Pagpaparami ng Pananim

    (+6344) 456 0698

    Ernesto A. Martin

    Director, Animal Production Office

    Direktor, Opisina ng Pagpaparami ng Alagang Hayop

  • (+6344) 456 0698

    Dr. Fracisco D. Cuaresma

    Director, Commercial Business Development Office

    Direktor, Tanggapan para sa Negosyong Pangkalakal

    (+6344) 940 7537

    Dr. Quirino D. Dela Cruz

    Director, Research

    Direktor, Saliksik

    (+6344) 456 0704

    Dr. Pastora S. Coloma

    Director, Extension

    Direktor, Ekstensyon

    (+6344) 456 5203

    Dr. Teodora T. Battad

    Director, Training

    Direktor, Pagsasanay

    (+6344) 4560013

    Ms. Evelyn Y. Hilario

    Acting Director, Financial Management Office

    Gumaganap na Direktor, Serbisyong Pampananalapi at Pamamahala

    (+6344) 456 0107

    Mr. Leonardo S. Bravo

    Director, Administrative Service

    Direktor, Mga Serbisyong Pang-administratibo

    (+6344) 456 0107

  • Dr. Edwin C. Atabay

    Director, Philippine Carabao Center at CLSU

    Direktor, Sentro ng Kalabaw sa Pilipinas-CLSU

    (+6344) 456 5238

    Dr. Ponciano D. Cuaresma

    Director, Center for Central Luzon Studies

    Direktor, Sentro para sa mga Pag-aaral sa Gitnang Luzon

    (+6344) 456 5709

    Prof. Milagros A. Santos

    Director, CLSU Testing & Evaluation Center

    Direktor, Sentro ng CLSU sa Pagsubok at Pagtataya

    (+6344) 456 5215

    Prof. Jay C. Santos

    Director, Inst. of Sports, Physical Education & Recreation

    Direktor, Linangan sa Palakasan, Edukasyon Pangkatawan at Libangan

    (+6344) 806 6426

    Dr. Victorino T. Taylan

    OIC, CLSU Alternative & Renewable Energy Center

    Opisyal, CLSU-AREC

    (+6344) 456 5592

    Engr. Nemesio A. Macabale, Jr.

    Director, Information System Institute

    Direktor, Linangan ng mga Sistema ng Impormasyon

    (+6344) 456 5267

  • Dr. Annie Melinda P. Alberto

    Director, Institute for Climate Change and Environmental Management

    Direktor, Linangan ng Pangangasiwa ng Kapaligiran

    (+6344) 456 5843

    Dr. Emilio M. Cruz

    Director, Small Ruminant Center

    Direktor, Sentro para sa mga Maliliit na Ruminant

    (+6344) 456 0968/ (+6344) 806 2908

    Dr. Regidor G. Gaboy

    Director, Center for Educational Research Development Services

    Direktor, Sentro para sa Pagpapaunlad ng mga Mapagkukunang Reperensya sa

    Pagtuturo at mga Serbisyo

    (+6344) 456 5704

    Dr. Fe L. Porciuncula

    Director, Ramon Magsaysay Center for Agricultural

    Direktor, RM-CARES

    (+6344) 456 0704

    Dr. Emmanuel V. Sicat

    Director, PhilSino Center of Agricultural Tech.

    Direktor, Teknolohiyang Pang-agrikultura ng Pilipinas at Tsina

    (+6344) 456 5463

    Dr. Armando N. Espino, Jr.

    Director, Water Resources Management Center

    Direktor, Sentro ng Pangangasiwa sa Yamang Tubig

    (+6344) 940 7001

  • Ms. Nora F. Magno

    OIC, University Health Services

    Direktor, Mga Serbisyong Pangkalusugan ng Pamantasan

    (+6344) 456 0689

    Dr. Arnel T. Panuyas

    Director, Physical Plant & Site Development Office

    Direktor, Tanggapan ng Pagpapaunlad ng Lugar at Pagtatayo ng Gusali

    (+63) 9173506446

    Dr. Minerva D. Maylem

    Director, Auxiliary Services Office

    Direktor, Awksilyari

    (+6344) 456 0107

    Dr. Sofronio P. Kalaw

    Director, Center for Tropical Mushroom & Development

    Direktor, Sentro ng Pagpapaunlad at Pagpaparami ng Kinakaing Kabute

    (+6344) 456 0107

    Prof. Verjun J. Dilla

    Director, Expanded Tertiary Education Equivalency & Accreditation Program

    Dirertor, ETEEAP

    (+6344) 456 7210-5881

    Dr. Rosita Carlos

    Director, University Graduate Program Office

    Ms. Nuelah F. San Juan

  • University Librarian

    Libraryan ng Pamantasan

    (+6344) 456 7211

    Dr. Firma C. Viray

    President, Faculty Association

    Pangulo, Samahan ng mga Fakulti

    (+6344) 4567212

    Ms. Paulina A. Valeriano

    President, Non-Academic Staff Association

    Pangulo, Samahan ng mga Kawaning Hindi Nagtuturo

    (+63) 906-384 6096

    Engr. Adorable P. Pineda

    Director, Presidential Management Office &

    President, CLSU Union of Teacher & Employees

    Direktor, PMO

    Presidente, CLUTCHES

    (+6344) 940 02 08

    Mr. Devin Carl P. Sagun

    President, USSC

    Pangulo, Kataas-taasang Konseho ng Estudyante sa Pamantasan

    (+6344) 456 7228

    Mr. Edgardo C. Ibaez

    Univ. & Board Secretary

    Kalihim ng Pamantasan at Lupon ng mga Rehente

    09153189541

  • Gabay sa Mamamayan ng CLSU 22 Gabay sa Mamamayan ng CLSU 23

    2008 LUPON NG REHENTE NG CLSU

    Hon. Patricia B. Licuanan, Chair, CHED

    Chairman

    Tagapangulo

    0929-206-03-88

    Represented by Dr. Ruperto S. Sanggalang

    Commissioner, CHED-Presiding Chair

    Komisyuner, CHED

    (+632) 441-09-27 , (+632) 441-12-57 /58/60/61 loc. 406 or 407

    Dr. Ruben C. Sevilleja

    President, CLSU

    Vice-Chairman

    Pangalawang Tagapangulo

    Pangulo ng Pamantasan

    0947-893-68-70

    Mga Kasapi

    Hon. Pia S. Cayetano

    Senator & Chair, Senate Committee on Education, Culture and Arts

    Senador at Tagapangulo

    Komite sa Edukasyon at Kultura sa Mataas na Kapulungan

    (02) 552-66-83

    Fax (02) 552-66-84

  • Hon. Roman T. Romulo

    Congressman & Chair, House Committee on Higher and Technical Education

    Kinatawan at Tagapangulo

    Komite sa Mataas at Edukasyong Teknikal sa Mababang kapulungan

    (02) 442-43-99

    (02) 931-50-01 loc 7145

    Director, Severino C. Santos

    Director, NEDA RO3

    (045) 963-6772

    Director, Victor B. Mariano

    Director, DOST RO3

    0922-8919384

    Director, Andrew B. Villacorta

    Director, DA-RO3

    0917-5781685

    Dr. Teotimo M. Aganon

    President, CLSU Alumni Association, Inc.

    0905-3571431

    Engr. Edgardo A. Alfonso

    Private Sector Representative

    Kinatawan ng Pribadong Sektor

    0917-5660575

    Dr. Firma C. Viray

    President, CLSU Faculty Association, Incv.

  • Pangulo, Samahan ng Kaguruan

    0927-2314728

    Mr. Devin Carl P. Sagun

    President, CLSU Supreme Student Council

    Pangulo, Konseho ng Estudyante CLSU

    0926-6986876

    Mr. Edgardo C. Ibaez

    University & Board Secretary

    Kalihim ng Lupon

    0915-3189541

    MGA PANANDA AT MGA TALA SA KAAYUSAN AT MGA ISTRUKTURA

    NG PANGANGASIWA

    COA- Commission on Audit

    Komisyon ng Awdit

    UBS- University Board Secretary

    Kalihim ng Pamantasan at Lupon ng Rehente

    IAU- Internal Audit Unit

    Panloob na Awdit Yunit

    ARO- Alumni Relations Office

    Tanggapan sa Pakikipag-ugnayan ng Alumni

    USF- University Security Force

    Puwersa ng Seguridad sa Pamantasan

    PMS- Presidential Management Staff

    Kawani sa Pangangasiwa ng Pangulo

    MIS- Management Information System

  • Sistema ng Pangangasiwa ng Impormasyon

    PDO- Planning and Development Office

    Tanggapan ng Pagpaplano at Pagpapaunlad

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 25

    PAO- Public Affairs Office

    Tanggapan para sa mga Gawaing Pampubliko

    SPECIAL PROJECTS- tumutukoy sa pinagsama-samang mga proyektong

    ipinatupad kasama ng iba pang ahensya ( sa kasalukuyan kabilang dito ang Nueva

    Ecija fruit and Vegetables Seed Center at Philippine Sino Center for Agricultural

    Technologies)

    ORGANIZATIONS Kabilang dito ang Faculty Association Inc. Non-Academic

    Staff Association, CLSU Labor Union of Teachers & Employees at University Supreme

    Student Council

    VPBA

    Vice President for Business Affairs

    Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Pangnegosyo

    VPAA

    Vice President for Academic Affairs

    Pangalawang Pangulo para sa mga Gawaing Akademiko

    VPAD

    Vice President for Administration

    Pangalawang Pangulo para sa Administrasyon

    VPRET

    Vice President for Research, Extension and Training

    Pangalawang Pangulo para sa Saliksik, Ekstensyon at Pagsasanay

  • Gabay sa Mamamayan ng CLSU 26

    UBDC

    University Business Development Council

    Konseho ng Pagpapaunlad ng Negosyo ng Pamantasan

    OS

    Office Staff

    Kawani ng Tanggapan

    GC-

    General Administration and Support Services Council

    Pangakalahatang Pangangasiwa at Konseho ng mga Kaugnay na

    Serbisyo

    CODD

    Council of Deans and Directors

    Konseho ng mga Dekano at Direktor

    ARC

    Academic Research Council

    Konseho ng Saliksik na Pang-akademik

    RMC

    Research, Extension & Training Management Staff

    Saliksik, Ekstensyon at Pagsasanay sa Kawani sa Pangangasiwa

    IGS-

    Institute of Graduate Studies

    Linangan para sa Araling Gradwado

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 27

    OSA

  • Office of Student Affairs

    Tanggapan para sa mga Gawaing Pang-estudyante

    OAR

    Office of Admissions & Registration

    Tanggapan ng Admisyon at Pagpapatala

    OU

    Open University

    Open University

    NSTP

    National Service Training Program

    Pambansang Programa sa Pagsasanay sa Paglilingkod

    UAO

    University Accreditation Office

    Tanggapan ng Akreditasyon ng Pamantasan

    RSTC

    Regional Science Teaching Center

    Sento ng Pagtuturo ng Agham sa Rehiyon

    ISI

    Information Systems Institute

    Linangan ng mga Sistema ng Impormasyon

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 28

    ISPEAR

    Institute of Sports, Physical Education and Recreation

    Linangan sa Palakasan, Edukasyong Pangkatawan at Libangan

  • EMI

    Environmental Management Institute

    Linangan ng Pangangasiwa ng Kapaligiran

    CTEC

    CLSU Testing & Evaluation Center

    Sentro ng CLSU sa Pagsubok at Pagtataya

    ETEEAP

    Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program

    Pinalawak na Katumbas ng Edukasyong Tersarya at Programa sa

    Akreditasyon

    CERDS

    Center for Educational Resources Development & Services

    Sentro para sa Pagpapaunlad ng mga Mapagkukunang Reperensya sa

    Pagtuturo at mga Serbisyo

    CBAA-

    College of Business Administration and Accountancy

    Kolehiyo ng Pagtutuos at Pangangasiwa ng Negosyo

    CAS

    College of Arts and Sciences

    Kolehiyo ng mga Sining at Agham

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 29

    CEn

    College of Engineering

    Kolehiyo ng Inhenyerya

    CEd

    College of EducatioN

  • Kolehiyo ng Edukasyon

    CAg

    College of Agriculture

    Kolehiyo ng Agrikultura

    CF-

    College of Fisheries

    Kolehiyo ng Pangisdaan

    CHSI-

    College of Home Science and Industry

    Kolehiyo ng Agham Pantahanan at Industriya

    CVSM

    College of Veterinary Science and Medicine

    Kolehiyo ng Agham Pambeterinarya at Medisina

    CTMRD-

    Center for Tropical Mushroom Research & Development

    Sentro para sa Saliksik at Pagpapaunlad ng Kabuteng Tropiko

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 30

    CCLS-

    Center for Central Luzon Studies

    Sentro para sa mga Pag-aaral sa Gitnang Luzon

    USHS- University Science High School

    ULHS- University Laboratory High School

    ASTS- Agricultural Science and Technology School

  • CLARRDEC-

    Central Luzon Agricultural Resources Research and Development

    Pagpapaunlad at Saliksik sa Yamang Pang-agrikultura ng Gitnang Luzon

    PCC-

    Philippine Carabao Center-CLSU

    Sentro ng Kalabaw sa Pilipinas-CLSU

    WRMC-

    Water Resources Management Center

    Sentro ng Pangangasiwa sa Yamang Tubig

    SRC-

    Small Ruminant Center

    Sentro para sa mga Maliliit na Ruminant

    Gabay sa Mamamayan ng CLSU 31

  • RMCARES-

    Ramon Magsaysay Center for Agricultural Resources & Environmental

    Studies

    Sentro ni Ramon Magsaysay para sa Yamang Pang-agrikultura at mga

    Pag-aaral sa Kapaligiran

    SRDC-

    Seed Research & Development Center

    Sentro ng Pagpapaunlad at Saliksik sa Buto ng Halaman