8
Bilang paggunita sa ating mga bayani sa ika- 111 th Philippine Independ- ence Day, pinangunahan ni SND Gilberto Teodoro ka- sama sina AFP Chief of Staff General Victor Ibrado at Army Chief LtGen Delfin N Bangit ang pagbibigay pugay sa anim na daang (600) kabataang pinoy na galing sa Central Luzon, Metro Manila at apat na daang (400) sundalong re- servist ng Army Head- quartes ng Fort Bonifacio noong ika-13 ng Hunyo bi- lang pagkilala sa mga naiambag nila para sa kasa- rinlan ng ating bansa. Sa initiatiba ni SND Gilberto Teodoro, nagkaroon ng im- pormal na dialogo ang mga matataas na pinuno ng mili- tary at ang mga kabataang kristiano at muslim. Pag- katapos ng dialogo, nagka- roon ng simpleng salo-salo at nagkaroon ng pag- kakataon ang mga kabataan na maipahayag ang kanilang saloobin at mga opinyon. Ang simple na salu-salong ito ang siya ring nagbigay daan para mas maunawaan ng AFP at ng National Defense ang pangangailangan ng mga kabataan, ang kanilang minimithi, at mga pangarap para sa ating bansa. Ang “insurgency” na isa sa pinakaseryosong prob- lema sa ating bansa na tila walang katapusan, kung saan ang mga kabataan at mga musmos na mga bata ang pangunahing naaapektuhan at napagsasamantalahan ay hindi nakaligtaang talakayin sa nasabing dialogo. Madalas na napagsasamantalahan ang mura at inosenteng isipan ng mga bata sa pamamagitan ng pagdodok- trina at pa- grerekrut ng mga komu- nista. Bilang solusyon sa nakakaalar- mang prob- lemang ito, naisip ng pamunuan ng Philippine Army na magsagawa ng Youth Leadership Summit para maging kasangkapan ang mga kabataan para sa pagsulong ng kapayapaan. Ang mga kabataang luma- hok sa aktibidad na ito ay nagtapos ng Youth Leader- ship Seminar na ginanap sa 2 nd Infantry Division, Head- quarters and Headquarters Support Group at CMOBn. Layunin ng programang ito na ilabas at hasain ang abili- dad ng mga kabataan at mabigyan sila ng sapat na kaalaman upang sila’y mag- ing epektibong kasangkapan sa pagwawakas sa problema ng kumunismo at terorismo. Pagbibigay Pugay sa mga Kabataan at Reservist sa Araw ng Kalayaan Balitaan sa Barangay June Issue 2009 Vol. 1, Issue 6 Page 1 Volume 1, Issue 6 Si DND Sec Teodoro ay nagbibigay ng mainit na inspirasyon sa mga kabataan at Reservist sa Araw ng kalayaan. One Country… One People… One Army...

June Issue

Embed Size (px)

DESCRIPTION

One Country… One People… One Army... Si DND Sec Teodoro ay nagbibigay ng mainit na inspirasyon sa mga kabataan at Reservist sa Araw ng kalayaan . Volume 1, Issue 6 Vol. 1, Issue 6 Page 1 June Issue 2009 “Medical Mission”, Handog para sa mga Residente ng Payatas, Quezon City Medical Mission sa Payatas noong ika –10 ng Hunyo, isa sa mga pinakahandang medical mission ng CMOBn sa barangay, kung saan halos lahat ng mga kasundaluhan ng CMOBn ay nakilahok. One Country… One People… One Army...

Citation preview

Page 1: June Issue

Bilang paggunita sa ating mga bayani sa ika-111th Philippine Independ-ence Day, pinangunahan ni SND Gilberto Teodoro ka-sama sina AFP Chief of Staff General Victor Ibrado at Army Chief LtGen Delfin N Bangit ang pagbibigay pugay sa anim na daang (600) kabataang pinoy na galing sa Central Luzon, Metro Manila at apat na daang (400) sundalong re-servist ng Army Head-quartes ng Fort Bonifacio noong ika-13 ng Hunyo bi-lang pagkilala sa mga naiambag nila para sa kasa-rinlan ng ating bansa. Sa initiatiba ni SND Gilberto Teodoro, nagkaroon ng im-pormal na dialogo ang mga matataas na pinuno ng mili-tary at ang mga kabataang kristiano at muslim. Pag-katapos ng dialogo, nagka-roon ng simpleng salo-salo at nagkaroon ng pag-kakataon ang mga kabataan na maipahayag ang kanilang saloobin at mga opinyon. Ang simple na salu-salong

ito ang siya ring nagbigay daan para mas maunawaan ng AFP at ng National Defense ang pangangailangan ng mga kabataan, ang kanilang minimithi, at mga pangarap para sa ating bansa.

Ang “insurgency” na isa sa pinakaseryosong prob-lema sa ating bansa na tila walang katapusan, kung saan ang mga kabataan at mga musmos na mga bata ang pangunahing naaapektuhan at napagsasamantalahan ay hindi nakaligtaang talakayin sa nasabing dialogo. Madalas na napagsasamantalahan ang mura at inosenteng isipan ng mga bata sa pamamagitan ng

pagdodok-trina at pa-grerekrut ng mga komu-nista.

B i l a n g solusyon sa nakakaalar-mang prob-lemang ito, naisip ng

pamunuan ng Philippine Army na magsagawa ng Youth Leadership Summit para maging kasangkapan ang mga kabataan para sa pagsulong ng kapayapaan. Ang mga kabataang luma-hok sa aktibidad na ito ay nagtapos ng Youth Leader-ship Seminar na ginanap sa 2nd Infantry Division, Head-quarters and Headquarters Support Group at CMOBn. Layunin ng programang ito na ilabas at hasain ang abili-dad ng mga kabataan at mabigyan sila ng sapat na kaalaman upang sila’y mag-ing epektibong kasangkapan sa pagwawakas sa problema ng kumunismo at terorismo.

Pagbibigay Pugay sa mga Kabataan at

Reservist sa Araw ng Kalayaan

Balitaan sa Barangay

June Issue 2009

Vol. 1, Issue 6

Page 1 Volume 1, Issue 6

Si DND Sec Teodoro ay nagbibigay ng mainit na inspirasyon sa mga kabataan at Reservist sa Araw ng kalayaan.

One Country… One People… One Army...

Page 2: June Issue

Noong ika-10 ng Hunyo 2009, magkatuwang na inilunsad ng CMOBn, Philippine Army at Lokal na Opisyales ng Phase 7, Payatas,Quezon City ang ”medical mission” sa mga kababayan nating mahihirap na resi-dente ng nabanggit na baranggay. Naging punong abala din ang 3rd Code Company sa pamumuno ni CPT BALAN na nakatalaga sa Brgy na ito sa paghahanda ng mga kakailan-ganin sa programa. Hindi rin nagdalawang-isip na mag-abot ng tulong ang mga civilian volunteers, Brgy Police, Payatas Family Care Movement at ang Journey of Passion Healing Crusade. Ang programang medical mission ay

ginanap sa Phase 2 Covered Court, Ilang-Ilang Payatas, Quezon City. Ang naturang aktibidad ay kinapa-looban din ng libreng bunot ng ngipin bukod pa sa mga libreng gamot na ibinabahagi at libreng konsultasyon. Tunay ngang ka-paki-pakinabang sa mga kababa-yan nating salat sa buhay ang mga ganitong programa kung kaya’t ito’y kanilang dinagsa. Habang isi-nasagawa ang programa, may mga ilang ginang pa na nakapanayam at nagpaabot ng pasasalamat sa tulong na kanilang tinatamasa. Ayon sa kanila, sa sobrang hirap ng buhay ngayon ay hindi na nila binibigyan ng prayoridad ang pag-papagamot at pagpapabunot ng ngipin. Nagkakasya lang daw kasi sa pang araw-araw na pangkain ang kakarampot nilang kinikita.

Hulog daw ng langit ang naisipang proyek-tong ito ng mga sundalo at tunay ngang na-raramdaman nila ang pagmamalasakit kahit sa simpleng tulong lang na ito. Sana raw ay mas lalo pang lumawak ang serbisyo pub-liko na ginagawa ng mga kasundaluhan. Sa programang ito, humigit sa limandaang (500) residente ang pumila at nakinabang para sa libreng serbisyo. Ang mga progra-mang tulad nito ay bunga ng kooperasyon at pakikipagtulungan ng CMOBn, Philippine Army sa pamunuan ng Lungsod ng Maynila, mga lokal na opisyales at residente ng iba’t -ibang barangay na lubhang nangangailan-gan ng tulong. Ito ay patunay lamang na sa isang nagkakaisang komunidad, ang ka-payapaan at kaginhawaan ay madaling

makamtan.

“Medical Mission”, Handog para sa mga Residente ng Payatas, Quezon

City

Medical Mission sa Payatas noong ika –10 ng Hunyo, isa

sa mga pinakahandang medical mission ng CMOBn sa

barangay, kung saan halos lahat ng mga kasundaluhan ng

CMOBn ay nakilahok.

Page 2 Volume 1, Issue 6

Balitaan sa Barangay

One Country… One People… One Army...

Page 3: June Issue

Kalayaan. Ang araw ng kalayaan ng taong ito ay dapat higit na makabuluhan dahil dito sa mga panibagong tagumpay ng ating kasaysayan. Ang pagpanalo ng taong-bayan sa Edsa dos, ang nabigong pagsisikap ng mga ambisyosong puwersa sa pagsa-samantala sa madla, at ang at-ing halalang nasyonal at lokal noong mayo katorse -- lahat ng mga ito ay muling pinapatibay ang determinasyon ng mga Pili-pino na manirahang malaya,

demokratiko, at may dignidad sa bansa. . Sa araw na ito ay ginugunita natin ang nakaraan upang muling sariwain ang kagitingan ng lahing pilipino. At sa pamam-agitan ng ala-alang ito ay manumbalik sa atin ang lakas ng pagkakaisa at determi-nasyong magtagumpay at manguna sa anumang hamon na ating haharapin. Ha-bang nagdidiriwang tayo sa napaka-espesyal na pangyayari, alalahanin natin hindi lamang ang ating mga panibagong tagumpay kundi na rin ang hirap at pakiki-baka ng ating mga ninuno upang gawin ang paraan para sa kalayaan ng Pilipinas. Hayaan ang kanilang dakilang sakripisyo na maging inspirasyon natin habang tayo ay nagsisikap ngayon na palakasin ang ating minamahal na Republika bilang isang makapangyarihang ekonomiya at isang bu-hay ng dignidad at kapayapaan para sa bawat Pilipino.

Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nabigyang kaganapan noong Hunyo 12, 1898 kung saan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagsasarili ng Pilipinas laban sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika.

Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan tuwing ikalabindalawa ng Hunyo, ngunit ang sinasabing tunay nitong kalayaan ay kinilala lamang ng bansang Amerika noong ikaapat ng Hulyo, 1946. Magmula noon, ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 4, alang-alang sa nasyonalismo o pag-kamakabansa at ayon na rin sa sangguni ng mga mananalaysay. Ang Republic Act.No. 4166 ay nilagdaan upang maging batas ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964. Isinasaad sa batas na ito na ang petsang Hunyo 12,mula pa sa panahong kinikilala ito bilang Araw ng Watawat ay siya ring Araw ng

E D I T O R Y A L (Araw ng Kalayaan 09)

Balitaan sa Barangay

Volume 1, Issue 6 Page 3 One Country… One People… One Army...

Page 4: June Issue

Sa pakikipag-ugnayan ng mga sun-dalo ng CMOBn sa pamunuan ng Arellano University Jose Abad Santos Campus, Pasay City, mapayapa at matagumpay na naisa-katuparan ang “information drive” noong ika-27 ng Hunyo sa kanilang unibersidad. Layunin ng programang ito ay upang mali-wanagan ang mga tao partikular ang mga estudyante sa tunay na hangarin ng mga mapagbalat-kayong prenteng organisasyo ng CPP-NPA-NDF. Sa programang ito, karaniwang tinatalakay ang proseso ng pa-grerekluta ng mga huwad na grupo at ang iba’t-ibang estratehiya na ginagamit nila upang sila’y makahikayat ng mga miyem-bro. Sa pamamagitan ng programa ng

CMOBn na “education and infor-mation awareness” magiging alerto at mapanuri ang mga tao ukol sa mga napupusuang or-ganisasyon na kanilang aaniban. Mainit na tinanggap ng Arellano University sa pangunguna ni Gi-noong Francisco V. Caylo, pangulo ng unibersidad ang mga sundalo ng CMOBn sa kanilang programang “information drive”. Malugod ding nakibahagi sa programang ito si Dra. Bibiana Jocelyn D Cuasay, Vice President ng unibersidad. Ang mga estudyante ng NSTP (National Ser-vice Training Program) sa nasabing unibersidad ay tahimik at buong pusong nakinig sa mensaheng ipi-

naabot ng mga tagapagsalita. Si CPT MARIO M CHICO (QMS) PA at Bb. Agnes M Reaño ng CMOBn ang mga naging tagapagsalita. Bawat detalye ay masusing inunawa ng mga tagapakinig. Mahigit kumulang isang daan at limampu (150) ang dumalo sa progra-mang ito. Nagkaroon ng pagkakataong makapaglabas ng saloobin, suhestiyon at kuro-kuro ang mga estudyante at guro pagkatapos ng pamamahagi ng karanasan at kaalaman ang mga tagapagsalita. Sa isang panayam kay Jessica Rivera, isang First Year student ng kursong Hotel and Restaurant Management, ang “information drive” ay isang napakagan-dang

(itutuloy sa pahina 5)

“Education and Information Awareness” sa Arellano University”

Volume 1, Issue 6 Page 4

Balitaan sa Barangay

Isang oportunidad na maibahagi ni Ms Agnes

Reaño ang kanyang buhay at karanasan bilang

amazona noong nasa loob pa siya ng kilusan.

One Country… One People… One Army...

Page 5: June Issue

programa na naisipang ipatupad ng mga sundalo ng CMOBn. Marami daw ang namu-lat sa tamang daan na dapat tahakin para sa ikabubuti ng mga estudyante. Natutunan din daw nila ang mga estratehiyang ginagamit ng mga huwad na grupo sa paghihikayat ng mga aanib sa kanila. Ngayong alam na nila na makakasira pala sa kanilang pag-aaral at kinabukasan ang paglahok sa mga aktibis-tang gawain, sisiguraduhin nila na hindi sila magpapalinlang sa mga rekruter ng mga makaliwang grupo. Muli ay nagpasalamat siya sa CMOBn at nabigyan sila ng pag-kakataon at oras. Ramdam na ramdam daw nila ang tunay na pagmamalasakit sa kanila ng mga sundalo. (WAKAS)

din silang mga bagong pang subok sa mga estudyante dahil alam na ng mga prenteng organisasyon na ang Hukbong Katihan ng Pilipinas ay naging sagabal sa kanilang mga plano lalong- lalo na ang mga estudyante sa mga paaralan.

Dahil sa programa na ipinapatupad ng ating kasundaluhan, ang mga estudyante at mga residente ng iba’t ibang barangay ay namulat sa mga maling propaganda ng mga prenteng organisasyon ng CPP/NPA/NDF laban sa ating pamahalaan. (WAKAS)

Mga Estudyante ng Emilio Aguinaldo, Muntik Nang

Maengganyo

Volume 1, Issue 6 Page 5

Balitaan sa Barangay

Masusing nakinig ang mga estudyante

ng Emilio Aguinaldo College sa pro-

gramang Information Awareness

Drive ng CMOBn, PA

One Country… One People… One Army...

Sa programang “information awareness” ng CMOBn, Philippine Army, maraming tao ang namulat at natuto lalo na ang mga estudyante kung paano maiwasan ang pagrerekrut ng mga prenteng organisasyon ng CPP-NPA-NDF. Sa husay at sa mabubulaklak na pananalita ng mga rekruter ng mga huwad na grupo, sa una ay aakalain mong totoo at tunay and hangarin nila para sa kapakanan ng nakararami ngunit kung sisiyating mabuti ang idinodoktrina nila ay isang huwad at mapagkunwari pala. Kung ikaw ay tunay na mapanuri at may sapat na kaalaman tungkol sa estratehiya ng mga prenteng organisasyon, kahit kailan ay hindi ka mahihikayat o mauuto na umanib sa kanilang grupo. Hindi lang yan at marami

Page 6: June Issue

Volume 1, Issue 6 Page 6

Ang mga ibinahaging mapapait na

karanasan ni miss Agnes Reano sa poder ng mga rebeldeng NPA ang nagbibigay daan sa kanyang mga tagapakinig para masusing pagisipan ang tila walang katuturang ipinaglalaban ng mga rebeldeng CPP/NPA/NDF laban sa ating Gobyerno. Ang komunismo na ibinabandera ng mga makaliwang grupo ay matagal nang kinalimutan ng mga bansang nagpasimuno nito kagaya ng Russia at China ngunit nakapagtataka dahil may mga tao pa na gustong sundan ang mga naburang yapak nito. Marahil ay nakarating na sa ating kaalaman ang hirap na pinagdaanan ng mga tao sa mga komunismong bansa kaya kahit sila mismo ay nagkusang baguhin ang kanilang sistema sa mas makataong paraan tungo sa kanilang kaunlaran. Dito sa ating bansa, kahit kailan ay hindi naaangkop and komunismong sistema dahil kung ganito ang gagawin ng tao, ang paurong na progreso ang maging kasunod nito.

Sa pakikipag-ugnayan ng mga sundalo kay Dra Cecelia P Reyes, Director Extension and Linkages ng Emilio Aguinaldo College, Quezon City, muling nabigyan ng pagkakataon ang CMOBn na maghatid ng impormasyon at dagdag kaalaman sa mga estudyante at pamunuan ng Emilio Aguinaldo College noong ika-29 ng

Hunyo 2009. Muling nasundan pa ito ng karagdagang “information awareness drive” noong ika-1 ng Hulyo ng taong kasalukuyan. Naging mainit ang pagtanggap ng mga estudyante at guro sa mga sundalo kung kaya’t naging maganda ang takbo ng programa. Ang bawat isa ay masusing nakinig sa mga paliwanag ng mga naging tagapagsalita na sina CPT MARIO CHICO at Bb. Agnes Reaño. Mga estudyante ng kursong Nursing, Medical Technology, Radio Technician, Pharmacy, Biology at Dentistry ang lumahok sa aktibidad na ito. Bago sinimulan ang paghahatid ng dagdag kaalaman at impormasyon, isang “video clip” muna ang ipinalabas tungkol sa buhay ng mga batang mandirigma at kung paano sila nahikayat ng mga prenteng organisasyon hangang sa proseso ng tu-luyan nilang Pagakyat sa bundok at nagging

Balitaan sa Barangay

One Country… One People… One Army...

Buong pusong nakikinig ang mga estudyante habang ibina-

bahagi ni LT REBLORA ang kahalagahan ng mga kabataan

bilang pag-asa ng Bayan.

Page 7: June Issue

Praktikal at Masustansiyang Baon para sa mga Bata

Sa hirap ng buhay, karaniwan nang

suliranin ng mga magulang ang baon ng mga anak na nag-aaral. Inaalala ng mga magulang kung paano nila maipaplano ang paghahanda ng baon na masustansiya, madaling ihanda at higit sa lahat ay akma lamang sa budget ng mag-anak.

Ayon sa isang experto sa mga pagkain at nutrisyon na si Ginang Ma. Idelia G Glori-oso ng Food and Nutrition Research ng De-parment of Science and Technology, ang mga sumusunod ay ilan sa mga praktikal na paalala na dapat tandaan. Una ay ang pagha-handa ng talaan o listahan ng mga posibleng menu para sa tanghalian at miryenda ng mga bata. Dapat isaalang-alang na ang menu ay dapat na masustansiya, madaling ihanda at pasok na pasok sa panlasa ng mga bata. Da-pat patulungin ang mga anak sa paghahanda ng baon o di kaya naman ay maaari ding ipa-gawa sa kanila mismo ang sariling sandwich upang mas ganahan silang kumain ng pagka-ing kanilang inihanda. Mas mainan din na ihanda na ang palaman o sandwich “fillings” sa gabi upang hindi magahol sa oras sa umaga. Panatilihin ding nakalagay sa refrig-erator ang palaman upang ito’y hindi ma-panis. Maari ding isama ang mga anak sa pag-gogrocery upang makapili sila ng ninanais na baon ngunit dapat bantayan ang mga anak sa pamimili upang magabayan sila sa pagpili ng pagkain na may sapat na nutrisyon.

Alalahanin din dapat ang food safety sa paghahanda ng baon upang mapanatili ang

kalusugan ng mga bata. Iwasang mag-iwan sa mga baunan ng inyong anak ng mga pag-kaing madaling masira. Mas mainam din na sa paghahanda ng baon ng mga bata ay magsama ng iba’t-ibang uri ng pagkain at prutas para sa balanseng diet ng mga anak.

Sa paghahanda ng baon ng mga

bata, hindi kailangan ng gumastos ng mahal

para sa masasarap na pagkain. Mahalaga na

isaalang-alang ang mura ngunit masustansi-

yang pagkain na makakatugon sa mga pan-

gangailangang pangkalusugan ng mga anak.

(WAKAS)

Volume 1, Issue 6 Page 7

Balitaan sa Barangay

One Country… One People… One Army...

DAGDAG KAALA-

MAN

Page 8: June Issue

Volume 1, Issue 6 Page 8 Balitaan sa Barangay

Itay!.. Pinagalitan poako ng aking guro.

Hinalikan ko po kasi ang akingklasmate.

Aba ! Itong anak ko pala manang-mana sakin.Anak nga talaga kita. Eh .. Anu, masaya kabasa paghalik mo sa klasmate mo?

Opo!! Kasi , ang pogi-pogitalaga ng klasmate ko itay,,haaayhayhay,.. Bongga..

Hoy ka rin!! Umiinom ako para gumandaka sa paningin ko. Bruha!!

Ikaw ang magastospuro ka make-up. Hoy!! Nagpapaganda ako, para sayo.

Hoy tama na iyangpag-iinom mo ngalak Pedro. Masyadokang magastos.

Isang araw , umuwi si noel ng malungkotgaling Eskwelahan sa kadahilanang pinagalitansiya ng kanyang guro.

Bakit namananak, Anu baang ginawamo?

Isang gabi , nagbabangayan ang magasawa sa may silid ng bahay at nagsisigawan pa ng………………………………….

Oooooork… bakla….(Nasamid ng husto)

Balitaan sa Barangay

B A L I T A A N S A B A R A N G A Y ….

TUNGO SA MAUNLAD, MATIWASAY AT NAGKAKAISANG KOMUNIDAD!!!

OPISYAL NA BUWANANG PAHAYAGANG PANG-BARANGAY NG CIVIL-MILITARY OPERATIONS BAT-

TALION, CIVIL-MILITARY OPERATIONS GROUP, PHILIPPINE ARMY NA MAY HEADQUARTERS SA JUSMAG VILLAGE,

FT. BONIFACIO, TAGUIG CITY. ANO MANG KOMENTO, SUHESTYON O KONTRIBUSYON NA NAIS IBAHAGI AY PWE-

DENG IPAHATID SA MGA SUMUSUNOD:

TELEFAX: 845– 9555 LOC 6433 Website: www.cmobn.com

E– MAIL: [email protected] Friendster: [email protected]

CELLPHONE:: 09229596385/ 09167703289

ONE COUNTRY… ONE PEOPLE… ONE ARMY!!!