2
Noong ika17 ng Marso, ipinatanggal ng Business Concessionaires Office (BCO) ang mga silya at mesa na nakapwesto sa harap ng bawat kiosk sa buong campus. Ito raw ay isinagawa bilang pagsunod sa isang dokumento na naaprubahan noong 2009 ang Mga Alituntunin na Gagabay sa Mga Ambulant Vendors at Mga Umuukupa ng Mga Kiosks na Miyembro ng Samahan ng Mga Manininda sa U.P. Campus. Inc. (SMUPC). Ayon sa seksyong D.4.c. ng dokumento: D.4.c. hindi pahihintulutan ang paglalagay ng mga mesa at mga silya sa palibot ng kariton. Hanggang dalawang (2) silya lamang ang maaring gamitin para sa pangangailan ng manininda. Ang lugar sa paligid ng kariton ay hindi dapat gawing tambayan ng mga estudyante. Maliban sa isyu ng mga silya at mesa, binawi rin ang mga permit at ipinatanggal ang mga kariton nila Mang Gener Agarao at Aling Luzviminda Sinoy sa College of Home Economics. Ang mga ito ay naitaguriang sanhi ng kakulangan ng espasyo sa kalsada, at labag daw sa seksyong E.2. ng nasabing dokumento: E.2. Makapagtitinda lamang ang mga vendors sa mga lugar sa labas ng mga gusali ng Yunit. Ito ay mga lugar na hindi nakasasagabal sa estudyante at maging sa daloy ng trapiko. Isasangguni rin sa mga Dekano ang pagtakda sa mga puwestong ito, lalo na’t nasasakupan ito ng open grounds ng mga Yunit. Ang mga roving vendors ay hindi pinapayagang makapagtinda sa loob ng building. Sa pagpapatupad ng mga polisiya sa loob ng unibersidad ukol sa mga kiosk, importanteng kilalanin natin ang mga dagdagserbisyong naibibigay ng mga manininda. Hindi maipagkakaila ang kanilang mahalagang papel sa karapatan ng mga Iskolar ng Bayan sa abot kayang pagkain, at pati na rin sa mga tambayan. Hinggil naman sa mga kariton sa College of Home Economics, naniniwala kami na ang nangyaring pagtanggal ng mga permit ay labag sa parehong dokumento na pinanghahawakan ng BCO. Ayon sa seksyong H ng dokumento:

Kaisa UP's UP Manininda Statement

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lubos na ikinukundena ng KAISA UP ang mga naging aksyon ng administrasyon. Kaya naman isinusulong namin ang mga sumusunod na panawagan:1. Payagan ang paggamit ng mga silya at mesa sa mga kiosk. 2. Ibalik ang mga kariton sa College of Home Economics, pati na rin ang mga permit. 3. Humarap sa isang maayos na konsultasyon at diskusyon kasama ang lahat ng mga grupong apektado. Isulong ang administrasyong para sa masa!

Citation preview

  • Noong ika-17 ng Marso, ipinatanggal ng Business Concessionaires Office (BCO) ang mga silya at mesa na nakapwesto sa harap ng bawat kiosk sa buong campus. Ito raw ay isinagawa bilang pagsunod sa isang dokumento na naaprubahan noong 2009- ang Mga Alituntunin na Gagabay sa Mga Ambulant Vendors at Mga Umuukupa ng Mga Kiosks na Miyembro ng Samahan ng Mga Manininda sa U.P. Campus. Inc. (SMUPC). Ayon sa seksyong D.4.c. ng dokumento:

    D.4.c. hindi pahihintulutan ang paglalagay ng mga mesa at mga silya sa palibot ng kariton. Hanggang dalawang (2) silya lamang ang maaring gamitin para sa pangangailan ng manininda. Ang lugar sa paligid ng kariton ay hindi dapat gawing tambayan ng mga estudyante. Maliban sa isyu ng mga silya at mesa, binawi rin ang mga permit at ipinatanggal ang mga kariton nila Mang Gener Agarao at Aling Luzviminda Sinoy sa College of Home Economics. Ang mga ito ay naitaguriang sanhi ng kakulangan ng espasyo sa kalsada, at labag daw sa seksyong E.2. ng nasabing dokumento: E.2. Makapagtitinda lamang ang mga vendors sa mga lugar sa labas ng mga gusali ng Yunit. Ito ay mga lugar na hindi nakasasagabal sa estudyante at maging sa daloy ng trapiko. Isasangguni rin sa mga Dekano ang pagtakda sa mga puwestong ito, lalo nat nasasakupan ito ng open grounds ng mga Yunit. Ang mga roving vendors ay hindi pinapayagang makapagtinda sa loob ng building. Sa pagpapatupad ng mga polisiya sa loob ng unibersidad ukol sa mga kiosk, importanteng kilalanin natin ang mga dagdag-serbisyong naibibigay ng mga manininda. Hindi maipagkakaila ang kanilang mahalagang papel sa karapatan ng mga Iskolar ng Bayan sa abot-kayang pagkain, at pati na rin sa mga tambayan. Hinggil naman sa mga kariton sa College of Home Economics, naniniwala kami na ang nangyaring pagtanggal ng mga permit ay labag sa parehong dokumento na pinanghahawakan ng BCO. Ayon sa seksyong H ng dokumento:

  • H. Ang paglabag sa alinmang alituntunin ay papatawan ng karampatang parusa ayon sa mga sumusunod:

    Unang paglabag---warning Ikalawang paglabag---isang linggong suspension. Ipaaalam ng SMUPC sa BCO ang pangalan ng mga violators Pangatlong paglabag---rekomendasyon ng SMUPC sa BCO na tanggalin ang permit ng violator. Ito ay nangangahulugang hindi na bibigyan pa ang vendor ng pagkakataon o pahintulot na makapagtinda sa loob ng kampus.

    Ayon sa UP Manininda, hindi dumaan sa tamang proseso ang pagpapatanggal sa kanila Mang Gener at Aling Luzviminda bilang biglaan ang pagbawi ng kanilang mga permit. Maliban dito, hindi rin kami sumasang-ayon na ang pagpapatanggal sa mga kariton ang tamang solusyon sa problema ng administrasyon hinggil sa trapiko. Lubos na ikinukundena namin ang mga naging aksyon ng administrasyon. Kaya naman isinusulong namin sa pamamagitan ng petisyong ito ang mga sumusunod na panawagan: 1. Payagan ang paggamit ng mga silya at mesa sa mga kiosk. 2. Ibalik ang mga kariton sa College of Home Economics, pati na rin ang mga permit.

    3. Humarap sa isang maayos na konsultasyon at diskusyon kasama ang lahat ng mga grupong apektado. Aming inaasahan ang agarang pagtugon ng administrasyon sa isyung ito ng mga estudyante at ng mga manininda. Ating isulong ang isang administrasyong para sa masa!