9
Kard Katalog- ay isang listahan ng lahat ng nilalaman ng isang aklatan, na nakaayos gamit ang isang tarheta o kard para sa bawat isang bagay na makikita sa aklatan Uri ng Kard Katalog  Kard ng manunulat/may-akada  ito ang batayang kard at tinatawag na pangunahing tala. Nakaayos ito nang paalpabeto batay sa unang titik ng apelyido ng manunulat  Kard ng Pamagat- katulad ng kard ng may-akada subalit makikita mo sa itaas ang pamagat ng aklat. Ito ay nakaayos nang paalpabeto batay sa unang salita ng pamagat ng aklat. Kard ng Paksa- ito ay inihanda para sa bawat paksang ganap natinalakay sa aklat. Nakaayos ito nang paalpabeto ayon sa unang titik ng paksa ng aklat. BAHAGI NG KARD KATALOG 1. May-akda 2. Pamagat 3. Paksa F Santos , Angeles S. 398.6 Isang libo at isang bugtong/ Angeles S. Sa 261 Santos,- ikalawang pagkalimbag.  1958 Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cm 62713 1. Riddles, I. Titles F 398.6 Isang libo at isang bugtong/ Sa 261 Santos , Angeles S. Isang libo at isang bugtong/ Santos , Angeles S. - ikalawang pagkalimbag.  Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cm F 398.6 Mga Bugtong Sa 261 Isang libo at isang bugtong/ 1958 Angeles S. Santos,- ikalawang pagkalimbag.  Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cm May Akda Paksa Pamagat ng Aklat Naglimbag Pahina Call Number

Kard Katalog

Embed Size (px)

DESCRIPTION

reviewer

Citation preview

Kard Katalog- ay isang listahan ng lahat ng nilalaman ng isang aklatan, na nakaayos gamit ang isang tarheta o kard para sa bawat isang bagay na makikita sa aklatanUri ng Kard Katalog Kard ng manunulat/may-akada ito ang batayang kard at tinatawag na pangunahing tala. Nakaayos ito nang paalpabeto batay sa unang titik ng apelyido ng manunulat Kard ng Pamagat- katulad ng kard ng may-akada subalit makikita mo sa itaas ang pamagat ng aklat. Ito ay nakaayos nang paalpabeto batay sa unang salita ng pamagat ng aklat. Kard ng Paksa- ito ay inihanda para sa bawat paksang ganap natinalakay sa aklat. Nakaayos ito nang paalpabeto ayon sa unang titik ng paksa ng aklat.BAHAGI NG KARD KATALOG1. F Santos , Angeles S.398.6 Isang libo at isang bugtong/ Angeles S. Sa 261 Santos,- ikalawang pagkalimbag.1958 Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cm62713 1. Riddles, I. TitlesMay-akda

Call Number

2. F 398.6 Isang libo at isang bugtong/ Sa 261 Santos , Angeles S. Isang libo at isang bugtong/ Santos , Angeles S. - ikalawang pagkalimbag. Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cmMay AkdaPamagatPaksa

Pamagat ng Aklat

Naglimbag3. F 398.6 Mga BugtongSa 261 Isang libo at isang bugtong/ 1958 Angeles S. Santos,- ikalawang pagkalimbag. Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958 103 p. :ill;26 cmPaksa

PahinaKlasipikasyon Ginagamit sa Aklatan May dalawang uri ng klasipikasyong ginagamit sa mga aklatan ang Sistemang Dewey Decimal at ang Sistemang Library of Congress. Sa Sistemang Dewey Decimal, pinapangkat ang mga aklat sa sampung pangunahing asignatura: 000 -099 Panlahatang Aklat : ensayklopidya , sangguniang , aklat100-199 Pilosopiya : sikolohiya, Katauhan,, pag uugali 200 299 Relihiyon : Bibliya , aralin sa relihiyon, metolohiya 300 -399 Agham Panlipunan; abogasya, edukasyon, pamahalaan, ekonomiya 400 -499 Pilolohiya ; wika , retorika, talatinigan 500 -599 Agham; matimatika, elektrisidad , pisika, botani, zoology 600 -699 Agham (Applied ): hanapbuhay, imbensyon, absasyon, pagsasaka 700 -799 Sining; Paglilibang, musika, pagpipinta, arkitektura, palakasan, teatro 800-899 Literatura: dula, panulaan, sanaysay, talumpati 900 -999 Kasaysayan: heograpiya, paglalakbay, talambuhay.Ang sistemang Library of Congress ay kakaiba sa una

A Panlahatang AklatB Pilosopiya, RelihiyonC KasaysayanD Kasaysayan ng Ibang BansaE-F Kasaysayan ng Amerika (Pilipinas)G Heograpiya/ AntropolohiyaH Agham PanlipunanJ Agham PampulitikaK AbogasyaL AdukasyonM MusikaN SiningP Wika at PanitikanQ AghamR MedisinaS PagsasakaT TeknolohiyaU Agham PanghukboV Agham PandagatZ Agham Pang-aklatan/ Bibliograpiya

Pormularyong Pampaaralan- pagpupuno ng mga wastong impormasyong personal o impormasyon tungkol sa sarili na my wastong baybay

Tayutay- Angtayutayay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.URI NG TAYUTAY1.Pagtutulad (simile)Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salitat pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anakiy, kawangis ng,gayang, kasing-, sing-, ga-, atbp.Halimbawa:Ang tao ay kawangis ng Diyos.2.Pagwawangis (Metaphor)Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.Halimbawa:Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.3.Pagtatao (Personification)Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ngpandiwao pangngalan.Halimbawa:Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.4.Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole)Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.Halimbawa:Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.5.Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)Ito ay ang pagbanggit sa bahagibilangkatapay ng kabuuan, o ng kabuuanbilangkatapat ng bahagi.Halimbawa:Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.6.Panghihimig o OnomatopeyaIto ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.Halimbawa:Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.7.Panawagan (Apostrophe)Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.Halimbawa:Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.8.Pag-uyam (irony)Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.Halimbawa:Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.9.Paglilipat-wika o Transferred EpithetTulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.Halimbawa:Patay tayo diyan.10.Pagpapalit-tawag(Metonymy)Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Halimbawa: Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.11. Pagsalungat (Epigram) Ang mga salitang pinag-uugnay nito ay pinagsasalungatan sa kahulugan Halimbawa: kung sinong gumawa ng batas, siya ang unang lumalabag12. Pagtanggi Ginagamit ang salitang hindi upang maipahiwatig ang lalong makahulugang pag-sang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunodHalimbawa: Ang puso ko ay hindi bato

Tono- ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upag higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap.Halimbawa:Nagbago na ako. Nagbago na ako? Nagbago na ako!

Diin- tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.Halimbawa:ba.t (tao)- Ito ay binibigkas ng may diin sa ikalawang pantig. Malumi ang bigkas bat (paghihirap) - Ito ay binibigkas nang tuloy-tuloy,Walang antala at diin sa huling pantig. Mabilis ang bigkas ba.ta (roba) - Ito ay binibigkas nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli, banayad at walang antala ang bigkas sa huling pantig. Malumay ang bigkas Antala-saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.Halimbawa:Hindi siya mahirap. Hindi, siya ang mahirap Hindi siya, ang mahirap

Pangungusap- lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.

Dalawang bahagi ng Pangungusap

Simuno(subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap. May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari.Panaguri(predicate)ito ay ang bahagi ng pangungusapna nagsasabi ng kung ano tungkol sa simuno. Ayos ng PangungusapKaraniwang Ayosng pangungusap- kung ang nauuna ay ang panaguri kaysa sa simuno/paksa. HalimbawaBumili ng tinapay ang bata.(panaguri)(simuno)AngDi-karaniwang Ayosng pangungusap- kung nauuna ay ang simuno kaysa panaguri at ginagamitan ng panandang "ay".HalimbawaAng bata ay bumili ng tinapay.(simuno)(panaguri)Mga Uri ng PangungusapPaturol o Pasalaysay ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay.Nagtatapos ito sa tuldok (.).Halimbawa: Tumakbo ng mabilis ang aso.Pautos ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).Halimbawa: Kunin mo ang aking damit sa lalagyan.Patanong ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).Halimbawa: Bakit ka umiiyak?Padamdam ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).Hala!Aba!Ha!Hoy!Gising!Naku!Halimbawa: Naku, nalulunod ang bata!

Kayarian ng PangungusapAng payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.Mga halimbawa: Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye atnagpintang mga pader sa paaralan. Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ngBuwanngWika.Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa:Halimbawa: Nagtatag ng isang pangako si Arnel at umisip siya ng magandang proyekto para sa mga kabataan sa kanyang pook. Maraming balak silang gawin saLinggo: magpapamigay sila ngpagkainsa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mgamaysakitsa gabi.Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.Halimbawa: Gaganda ang iyongbuhaykung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang. Ang batang putol ang mgakamayay mahusay gumuhit.Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.Halimbawa: Ang buhay samundoay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay. Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.

Parirala- lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri. Wala itong buong diwa.Halimbawa: sa ibang bansa, doon sa malayong lugar

Sugnay- lipon ng mga salitang may simuno at panaguri ngunit bahagi lamang ng pangungusap.May dalawanguri ng sugnay: Angsugnay na makapag-iisa-ay bahagi ng pangnungusap na may buong diwa kahit ihiwalay sa pangungusap. Angsugnay na di-makapag-iisa- naman ay hindi nagbibigay ng pinangungunahan ngpangatniggaya ngngunit, samantalang, kung, para, habang.

Pangatnig- ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.Mga Uri ng Pangatnig1.Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.Halimbawa: Namatay si Mang Iskongunitang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.2.Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong nabakito upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhaysapagkatnariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.3.Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.Halimbawa: Magingang mga kasamahan niyay nagpupuyos ang kalooban.4.Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.Halimbawa: Sumisigaw ang kanyang puso athumihingi ng katarungan.Pangatnig na panimbang din ang tawag saat, ngunit, datapwatsapagkat nag-uugnay ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig nasamakatuwid, kung gayon, kaya.5.Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.Halimbawa: Sakalinghindi ibigay, magpapatuloy ang welga.6.Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.Halimbawa: At sa wakasnaibigay rin ang kanilang sahod.7.Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.Halimbawa: Kung anoang utang,siya ringkabayaran.