9
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL S.Y. 2010-2011 PAMANAHONG PAPEL “KAWALAN NG TRABAHO SA PILIPINAS” Inihanda ni: Viel G. Dela Luna

Kawalan ng trabaho

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kawalan ng trabaho

GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

S.Y. 2010-2011

PAMANAHONG PAPEL

“KAWALAN NG TRABAHO SA PILIPINAS”

Inihanda ni:

Viel G. Dela Luna

Ipinasa kay:

Gng. Lewelyne Galiga (guro)

Page 2: Kawalan ng trabaho

Paksa: Kawalan ng Trabaho sa Pilipinas

KABANATA 1

I. Introduksyon

Ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay isa sa pinakamatinding kinakaharap, hindi lamang ng mamamayan ng bansa, lalo’t higit ng pamahalaan. Kay tagal na subalit hindi pa rin nalulutas ng pamahalaan ang problema sa kawaln ng magandang oportunidad ng hanapbuhay sa Pilipinas. Ayon pa kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) – CAR Director Delfina Camarillo, magpapatuloy ang pag-alis ng mga manggagawang Pilipino hangga’t walang trabaho at may magandang suweldo na makukuha sa Pilipinas. Ang iba namang dahilan ay ang kahirapan o kawaln ng pera na makapag-aral o makapagtapos kung kaya’t sila ay nahihirapang humanap ng trabaho.

II. Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman at makita ang mga kadahilanan kung bakit marami sa ating mga kababayan ang walang trabaho o walang hanapbuhay at upang makita ang antas at estado ng kanilang pamumuhay bilang isang “unemployed” o walang trabaho. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik na ito ay magkakaroon at mabibigyan ng ideya ang mga mag-aaral kung ano ang mga maaring mangyari sa kanila sa hinaharap kung sakaling hindi sila makakita ng magandang hanapbuhay.

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

Maraming indibidwal ang aking nakikitang namamasyal lang at walang ginagawa, mga taong walang hanpbuhay. Maraming kaakibat o kaugnay ang talakaying ito, isa na rito ang kahirapan, populasyon o dami ng tao, atbp. Kayhalaga na ating mabatid ang pangangailangan natin ng magandang hanapbuhay sapagkat kailangan natin ito upang magkaroon tayo ng salapi na makatutulong sa ating pamilyang makaraos at makapamuhay ng sagana. Ang paghahanap ng trabaho ay may kaakibat na pagtitiyaga ung kaya’t ang bawat isa ay dapat magsikap upang maging marangal.

Page 3: Kawalan ng trabaho

IV. Saklaw at Limitasyon

Ang pagkawala ng trabaho ay nangyayari kapag ang isang tao ay walang hanapbuhay at sila ay aktibong naghahanap ng oportunidad ng trabaho sa loob ng apat na linggo. Ang pagkawala ng trabaho ay maaring boluntaryo di-boluntaryo. Ang boluntaryo ay nababatay sa desisyon ng isang indibidwal; kung saan ang idi-boluntaryo naman ay nagaganap dahil sa sosyo-ekonomiya na kapaligiran na kinabibilangan ng merkado ng istraktura, interbensyon ng pamahalaan at sa antas ng pinagsama-samang demand. Dahil rito, masasabing ang “frictional unemployment” ay isang uri ng boluntaryong pagkawala ng trabaho dahil sinasalamin nito ang pag-uugali ng isang indibidwal.

KABANATA 2

Mga kaugnay sa Pag-aaral at Literatura

I. Depinisyon ng mga terminolohiya

Philippine Overseas Employment Administration (POEA)o Ahensya ng pamahalaan na nagtataguyod at sumusubaybay sa mga

mamamayan na nagtratrabaho sa ibang bansa. Unmployed

o Mga taong walang hanapbuhay o trabaho

Frictional unemploymento Ito ay ang tagal ng panahon sa pagitan ng trabaho kapag ang isang

manggagawa ay naghahanap o palipat-lipat ng trabaho.

II. Metodolohiya

Surveyo Ginamit ko ang istratehiyang ito dahil gusto kong maipakita ang

maaaring kahinatnan ng pagkawala ng trabaho ng isang indibidwal kung sakaling hindi siya makakita ng magandang oprtunidad sa buhay.

Page 4: Kawalan ng trabaho

III. Instrumento ng Pananaliksik

Katanungan OO HINDI1. Mahalaga ba ang makatapos ng kolehiyo?2. Kung oo, nais mo bang magkaroon agad ng trabaho kapg nakatapos?3. Pareho bang may trabaho ang mga magulang mo?4. Nakpagtapos ba sila pareho?5. Mabuti ba ang lagay at estado ng buhay niyo ngayon?6. Kung walang trabaho ang iyong ama/ina, nakapagtapos ba sila?7. Para sa iyo, importante bang makapagtapos muna bago makapagtrabaho?8. Sa iyong palagay, may ginagawa bang aksyon ang pamahalaan sa problemang ito?9. Sa iyong palagay, mas malaki ba ang tiyansa ng pag-unlad at makapagtrabaho ang isang taong walang natapos?10. Sa iyong opinyon, kasalanan ba ng tao ang kawalan niya ng trabaho?

IV. Mga Respondante

Pangalan Edad Katayuan sa Buhay1. Shiela G. Dela Luna 40 Head Teacher III2. Adryn Lara Pesigan 15 Sekundarya (4th year)3. Norma V. Garcia 62 Retired Teacher4. Afrille De Guzman 23 Kolehiyo ( Nursing)5. Juztlynne De Claro 16 Kolehiyo (Customs Ad.)6. Micah Janina De Sagun 15 Sekundarya (4th year)7. Pamela Joy Leynes 16 Sekundarya (4th year)8. Jailah V. Bamba 16 Sekundarya (4th year)9. Liza J. Dela Luna 47 Taong Bahay 10. Gracia Casilihan 25 Guro11. Sonny Valderama 16 Sekundarya (4th year)12. Juana Angeles 15 Sekundarya (3rd year)13. Jay-ar Leonor 29 May sariling negosyo14. Jovet Enriquez 15 Sekundarya (4th year)15. Jayson De Vera 15 Sekundarya (4th year)

Page 5: Kawalan ng trabaho

Kabanata 3

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Batas

KabuuanOO HINDI

1 |||||-|||||-|||||2 |||||-|||||-|||||3 |||||-|||||-| ||||4 |||||-||||| |||||5 |||||-|||||-|| |||6 |||||-|||||-||| ||7 |||||-|||||-|||||8 |||||-||| |||||-||9 |||||-| |||||-||||10 |||||-||| |||||-||

Mula sa talaang aking ginawa ay makikita ang kahalagahan ng pagkakaroon g maayos na trabaho lalo na sa panahong nagkakaroon ka na ng sariling pamilyang kailangang buhayin ay pakainin. Bagamat hindi man ganun kadali ang paghahanap ng trabaho dahil sa mga klasipikasyong hinahanap katulad ng pagiging tapos ng kolehiyo, ito ay hindi dapat natin gawing hadlang sapagkat hindi lahat ng may trabaho ay nakatapos at hindi lahat ng nakatapos ay may trabaho. Oo, kung minsan ay nasa tao ang dahilan kung bakit siya ay walang hanapbuhay, ito ay sapagkat siya ay kulang sa siapg at tiyaga. Dahil sa survey na itoay nakita ko ang iba’t ibang estado sa buhay ng tao may trabaho man o wala.

Kabanata 4

I. Lagom

Ang kawalan ng trabaho ng isang tao ay magpapatuloy kung hindi ito bibigyang-pansin ng pamahalaan pati na rin ng iyong sarili. Sa ibang bansa, kapansin-pansin ang dami ng bilang ng taong walang trabaho sa kadahilanang wala ng bakanteng maaring pasukan kung kaya’t ang iba ay nagpapasyang

Page 6: Kawalan ng trabaho

mangibang-bansa. Ang iba naman ay hindi nakukuntento sa maliit na sahod. Kung ang bawat indibidwal ay magkakaroon ng kakuntentuhan sa sarili ay tiyak na uunlad ang ating bansa. Dahil sa survey na aking ginawa, ito ay magsisilbing salamin sa buhay ng isa sa limang Pilipinong namumuhay ng walang trabaho. Napatunayan kong ang buhay ay isang gulong. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay mas nabigyang linaw sa aking isipan ang mga daang aking tatahakin sa hinaharap at nakatulong ito upang aking mapaghandaan ang naghihintay na bukas.

II. Konklusyon

Ayon sa aking nasaliksik, hindi lahat ng maunad at umaasenso ay may trabahong may magandang kita. Ang iba sa kanila ay bunga ng kanilang sipag at tiyaga. Nakita ko rin ang iba’t ibang kadahilanankung bait wala silang hanapbuhay katulad na lamang ng di sapat na edukasyon, walang bakante sa mga kompanya, hindi kuntento sa mababang suweldo at iba pa. ito ang ilan sa dahilan kung bakit marami anf “unemployed” dito sa bansa. Aking masasabi na malaki ang pagkukulang at di pagbibigay ng pansin ng pamahalaan sa sitwasyong ito sapagkat kahit mamigay sila ng trabaho ay kulang pa rin ito sa libu-libong Pilipino, kasama na ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

III. Rekomendasyon

Aking napagisip-isip at napagtanto na kaydami ng bilang ng walang trabaho dito sa ating bansa ngunit hindi nagagawan ng paraan kung kaya’t sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, sana ay mamulat at mas lalong mabuksan ang isipan ng mga mag-aaral sa maaari nilang kahinatnan kapag hindi sila nagsumikap at kapag hindi sila natutong lumaban sa mga bato ng buhay.

IV. Pinagkunang Sanggunian

en.wikipedia.org/wiki/Unemployment#Controlling_or_reducing_unemployment

Page 7: Kawalan ng trabaho