25
Aralin 10: Komunikasyong Berbal

Komunikasyong berbal

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Komunikasyong berbal

Aralin 10:

Komunikasyong Berbal

Page 2: Komunikasyong berbal

Komunikasyong Berbal

• Ang sistemang berbal ay ang paggamit ng wika bilang paraan ng pagbabatid ng kahulugan at pagpapahayag ng ating iniisip at saloobin. Ito rin ang ginagamit natin upang lumikha at magpanatili ng magandang relasyon sa kapwa. Sa kabilang banda, nagagamit din ang wika upang sirain at pigilan ang mga makabuluhang pakikipag-usap o pakikipag-palitang kuro at maaring humantong sa di magandang relasyon sa iba.

Page 3: Komunikasyong berbal

• Ipinaliwanag ni De Vito (2003) ang ilang katangian ng wika bilang sistema ng komunikasyon. Sa pagkilala natin sa kalikasan ng wika, bilang sistema ng komunikasyon, malalaman natin kung paano magagamit ang wika upang maging epektibo ang komunikasyon gayundin, upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan

Page 4: Komunikasyong berbal

• Ang kahulugan ng wika ay nagmumula sa tao

• -upang malaman natin ang kahulugan ng salita, ang tinitignan natin ay ang tao at hindi ang salita.

• Hal.• “Umiibig ako”• -pero tandaan pa din na habang nagbabago ang

tao, maaring magbago na rin ang pagkahulugan niya sa mga nakaraan o dating mensahe.

Page 5: Komunikasyong berbal

• Dahil sa ang tao ang nagbibigay ng kahulugan sa salita o wika, maaring magresulta ito ng isang anyo ng miskomunikasyong na tinawag ni De Vito na “bypassing”

• Bypassing- ay nagaganap kapag hindi nagtugma ang pagpapakahulugan ng tagapagsalita(sender) at ang tagatanggap.

Page 6: Komunikasyong berbal

• Hal.• 1. kapag ang dalawang taong nag-uusap ay gumamit ng

magkaibang salita ngunit nagpapahayag ng parehong kahulugan.– Jill: ayaw ko ng “Mutual Understanding” o “MU”. Gusto ko

ng mas permanenteng relasyon.– Jack: Hindi pa ako handa sa ganyang uri ng relasyon.

• 2. kapag ang dalawang taong nag-uusap ay gumagamit ng magkatulad na salita ngunit, nagpapahayag ng magkaibang kahulugan – Juan: Hindi ako naniniwala sa relihiyon– Pedro: Ako rin

Page 7: Komunikasyong berbal

• Ang kahulugan ng wika ay nakabatay sa konteksto

• - Ang berbal at di berbal na komunikasyon ay umiiral sa loob ng isang konteksto at ang konteksto ang siyang nagtatakda ng kahulugan dito.

• Hal.• “Kumusta?” – sa kaibigang nakasabay at nakatabi mo sa

jeep• “Kumusta?“- sa kaibigang dinalaw sa ospital

Magiging mahirap ang pagbibigay kahulugan sa mga senyas o wika kung ang mga ito ay nakahiwalay sa konteksto

Page 8: Komunikasyong berbal

• Ang wika ay kapwa denotatibo at konotatibo

• - Denotasyon- ay ang tiyak at literal na kahulugan ng salita. Ito yaong mga kahulugang nakikita sa diksyunaryo.

• - Konotasyon- ay mga pahiwatig na pang-emosyonal o pangsaloobin na ikinakapit ng tagapagsalita o tagapakinig bukod sa tiyak na kahulugan ng isang salita.

Page 9: Komunikasyong berbal

• Nilikha ni Hayakawa (1990) ang mga terminong “snarl words” at “purr words” upang lalong mapaliwanag ang pagkakaiba ng denotibo at konotatibong kahulugan ng salita.

1. Snarl Words- ay “highly negative”

2. Purr Words- ay “highly positive”

Page 10: Komunikasyong berbal

– Ang wika ay maaring tahas o maligoy

– -ang wika ay nakapagpapahayag ng eksaktong pakahulugan o saloobin, ngunit maari ring maging hadlang ang wika upang maging maligoy ang isang pahayag.

– Tahasang pananalita- ay nagpapahayag ng tiyak na pagpapakahulugan kaya’t walang pag-aalinlangan sa kaisipan at damdaming nais na ipabatid.

– Di Tuwirang Pananalita- ay pagpapahayag ng kahulugan sa isang maligoy na paraan. Hindi tahasan ang pagsasabi, ipinahihiwatig lang.

Page 11: Komunikasyong berbal

– Maggay (2002) na pahiwatig

– “Ang pahiwatig ay isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan ng matalas na pakiramdam at matunog na pagbabasa ng mga berbal at di berbal na palatandaang kaakibat nito.”

Page 12: Komunikasyong berbal

– Dagdag pa ni Maggay, ginagamit ang ligoy upang magparangal ng isang talastasan. Ito rin ay nakapagpapabawas ng tindi ng mga puna, lalo na kung ito ay sasabihin sa isang sitwasyong marami ang nakikinig.

– Ngunit, habang tumataas ang antas ng pakikipagpalagayang loob natin sa ating kausap, tumataas din ang berbalisasyon at pagtatapatan ng tunay na damdamin at kaisipan.

Page 13: Komunikasyong berbal

– Ang wika ay institusyong pangkultural

– -Ang bawat kultura ay nagtatakda ng mga paraan kung paano nila gagamitin ang kanilang wika nat may sariling sistema ng pagbibigay kahulugan.

– -Ang mga berbal at di berbal na mensahe ay pinamamahalaan ng mga tuntunin o pamatayan na siyang nagsasabi kung ano ang makabuluhan, karapat-dapat, pinahihintulutan o dapat asahan sa isang sosyal na sitwasyon. Ang mga tuntunin ay institusyong kultural. Hindi sila unibersal na batas kung kaya’t maaaring magkaiba-iba sa bawat kultura.

Page 14: Komunikasyong berbal

Natututunan natin ang mga pamamaraan ng pakikipagtalastasan, ang mga tuntunin ng kaangkupan at pagpapakahulugan sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga kilos o gawi ng mga nakatatandang nakapaligid sa atin habang tayo ay nagkakaisip.

Page 15: Komunikasyong berbal

Natututunan natin ang mga pamamaraan ng pakikipagtalastasan, ang mga tuntunin ng kaangkupan at pagpapakahulugan sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga kilos o gawi ng mga nakatatandang nakapaligid sa atin habang tayo ay nagkakaisip.

Page 16: Komunikasyong berbal

Epektibong Paggamit ng Berbal na Mensahe

Upang epektibong magamit ang wika, mahalagang matukoy natin ang mga “conceptual distortion” tulad ng mga maling pag-aakala, lihis na paniniwala, mga maling pangangatwiran, maling pagpapakahulugan sa tuwing tayo ay nakikipagtalastasan at palitan ang mga ito ng tiyak at wastong pamamalagay ukol sa wika.

Page 17: Komunikasyong berbal

• Ang wika ay sumasagisag lamang sa realidad, hindi ito ang realidad

• Oryentasyong Intensyonal- ay isang tendensiya na tingnan ang mga tao, bagay o pangyayari batay sa kung ano ang sinabi ng ibang tao o kung anong leybel ang ikinapit sa kanila.

• Hal.• “Terror” si Miss Cruz– - bago ka pa man pumasok sa klase niya, agad mong

paplanuhin kung paano mo siya pakikitunguhan, at kung ano ang ikikilos mo sa kanyang harapan

Page 18: Komunikasyong berbal

• Upang maiwasan:

• Oryentasyong Ekstensyunal- tingnan muna at suriin nang maigi ang aktwal na tao, bagay o ang pangyayari, saka pagtugmain ang mga leybel na ikinapit sa kanila.

• Hindi dapat pinagbubuhusan ng atensyon ang leybel bagkus, mas mabuting bigyang-pansin ang tao, bagay o pangyayari batay sa kung paano mo sila nakita at hindi batay sa kung paano sila ipinakikilala batay sa mga salita

Page 19: Komunikasyong berbal

Ang wika ay nagpapahayag ng kapwa katotohanan at hinuha

Hal.“Siya ay nakasuot ng pulang bestida”=“Siya ay

nagkikimkim ng sama ng loob”-bagamat walang pinagkaiba sa istruktura ng mga pangungusap, magkaiba ang dalawang pangungusap na ito. Ang bestidong pula ay nakikita natin gamit ang ating dalawang mata. Ito ay masasabing “factual” o nababatay sa katotohanan. Ang nagkikimkim ng sama ng loob ay Imperensyal.

Imperensyal- ito ay pahayag na ginawa batay lamang sa palagay

Page 20: Komunikasyong berbal

Upang maiwasan:

• Ipahayag ang mga pangungusap na imperensyal sa paraang tentatibo o sa paraang maglalahad ng mga posibleng pagpipilian.– Hal.– “natanggal sa trabaho ang taong iyan dahil sa

iskandalong kinasangkutan niya.”

Page 21: Komunikasyong berbal

Ang wika ay halos istatik

Ebalwasyong Istatik- ay isang “conceptual distortion” na tumutukoy sa tendensiyang panatilihin ang mga ebalwasyong ibinigay natin sa mga tao o bagay samantalang sa katotohanan ay may nangyari nang pagbabago sa kanila. Madalas, ang mga berbal na pahayag na sinambit natin tungkol sa isang pangyayari o tao ay nananatiling istatik.Hal.“Talagang ganyan siya. Dati na siyang ganyan”

Page 22: Komunikasyong berbal

Upang maiwasan:

• Ang paggamit ng isang kaparaanan na tinawag ni De Vito(2003) na “mental date”

• Hal.• Iba si Miss Cruz 1990 kay Miss Cruz 2008• Ang kakayahang pang akademiko 2000 ay iba sa

kakayahang pang akademiko 2008.

Page 23: Komunikasyong berbal

Ang wika ay nakapagkukubli ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tao at pangyayari

1. Indiskriminasyon- ay ang pagkabigong makita o magbigyang pagkakaiba ang mga tao o pangyayaring bagama’t may pagkakaiba ay magkakatulad dahil sa nasasakop ito sa isang panlahatang kategorya

2. Stereotyping- batay sa nasyonalidad, lahi, relihiyon, kasarian, at iba pa.

Stereotype- isang de-kahong paglalarawan sa isang pangkat ng mga tao na ikinakapit natin sa bawat taong bahagi ng pangkat na iyon na walang pagsasa-alang-alang sa indibidwal na katangian nila.

Page 24: Komunikasyong berbal

3. Pananaig ng mga “extreme terms” at ang kakulangan o pagkawala ng mga tinatawag na “middle terms“– isang katangian ng wika na nagbubunga ng polarisasyonPolarisasyon- ang tendensiyang tingnan ang mundo sa magkasalungat na direksyon at maglarawan gamit ang magkabilang dulo

Hal.Kung sasabihing di ka “pro-life”, kung gayon “pro-choice” ka.

-ang mga opsiyon na inilhad ay hindi naglalatag ng lahat ng mga posibilidad. Ang isang tao ay maaring sumang-ayon o kumampi sa ilang bagay, ngunit maari ring hindi sumang-ayon sa ilang mga bagay o di kaya nama’ y maaaring neutral ang posisyon niya.

Page 25: Komunikasyong berbal

• Upang maiwasan:

• Gumamit ng isang extensional device na tintawag na pag-iindeks. Ito ay isang mental na pagsasaalang-alang ng pagkakaiba ng mga tao, bagay o pangyayari bagama’t nasasakpop sila ng isang leybel o kategorya.

Hal. Iba si guro1 kaysa kay guro2

• Pakatandaan na ang karamihan ng mga tao ay maaaring nakapwesto o umiiral sa gitna o pagitan ng mga salungatang ito.