8
1 Pamahalaan ng British Columbia | Konsultasyon sa Badyet 2021 Tayo ay nagtatrabaho patungo sa isang bagong normal para sa ating sarili at sa ating ekonomiya. Ngayon higit sa dati, kailangan nating mamuhunan sa mga tao, mga komunidad at sa isang malinis na kinabukasan upang matiyak ang isang malakas na pagbawi na gumagana para sa lahat. Sa mga komunidad sa buong B.C., ang trabaho ay isinasagawa sa mga bagong kalsada, mga ospital at mga paaralan upang lumikha ng isang mas mahusay na kalidad ng pamumuhay na may higit na paggamit sa mga serbisyong pangkalusugan at pangkomunidad na inaasahan ng mga tao. Ang mga makabuluhang pamumuhunan sa edukasyon ng K-12, pagsasanay sa mga kasanayan at ang bagong Pagkuha sa Pamigay na Salapi (Access Grant) ng B.C. ay tutulungan ang mga tao na tumugon sa kasalukuyang mga hamon sa ating merkado ng trabaho, habang sumusulong patungo sa isang kinabukasan sa ating lalawigan kung saan ang iyong mga oportunidad ay hindi tinukoy batay sa iyong edad, kita o tirahan sa bahay. Ito ang kinabukasan na nais nating lahat para sa ating mga sarili, ating mga kaibigan, ating mga anak at mga apo. At magkasama, alam kong makakarating tayo doon. Ang konsultasyong ito ay ang iyong pagkakataon upang ikuwento, ibahagi ang iyong mga ideya at ibalangkas ang iyong mga prayoridad para sa kinabukasan ng ating lalawigan. Alam kong maraming mga tao ang hindi nakakatiyak kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Sa katunayan, ang daan sa hinaharap natin ay may mga hamon. Nguni't kapag ako ay nasa labas sa ating komunidad, nakikita ko ang lagi kong nakikita: ang hindi kapani-paniwalang katatagan at habag ng mga British Columbian at isang matibay na paniniwala na maaari nating - at naisin - na bumuo ng isang mas mahusay na kinabukasan, nang magkasama. Kagalang-galang na Carole James Ministro ng Pananalapi at Diputadong Premiyer Apat na mga maikling buwan pa lamang mula nang ipakilala ng ating pamahalaan ang Badyet 2020, at gayon pa man, ibang-iba ang hitsura ng mundo ngayon. Ang COVID-19 ay nakaapekto sa bawa't aspeto ng ating buhay, ang ating mga komunidad, at sa paraan ng ating pagnegosyo. Marami sa atin ay umaangkop sa isang bagong gawain na nagtatrabaho mula sa bahay, habang ang iba pang mga pamilya ay nakikipagbuno sa katotohanan ng pananalapi ng mga nabawasang oras o pagkawala ng trabaho. Sa panahon ng kahirapan na ito, tayo ay lubos na nakasandal sa mga taong naghahatid ng mga serbisyo sa mga groseri at mga parmasya. Ang mga paramedik, mga doktor at mga nars ng B.C. ay patuloy nagtatrabaho nang walang tigil sa mga pambungad ng pandemyang ito, kasama ang mga kawani ng pamamahala at tagapaglinis na inaasahan natin upang mapanatiling tumatakbo ang ating sistema ng pangangalaga sa kalusugan. Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at pag-asa. Tayo ay sumusulong sa isang ligtas na paraan, na may mga restawran na nagsisimulang magbukas ang kanilang mga pintuan, mga tagapag-ayos ng buhok na malugod na tumatanggap ng mga sabik na kustomer, at ang mga taong nasisiyahan sa magagandang mga parke ng ating lalawigan. Tungkol sa pandemyang ito, ang B.C. ay may isa sa pinakamabilis na lumalagong mga ekonomiya sa bansa, sero sa utang sa pagtatakbo, at isa sa pinakamababang antas ng kawalan ng trabaho sa mga lalawigan. Ang matibay na piskal na pundasyong ito ay makakatulong sa pagbawi ng ekonomiya ng British Columbia. KONSULTASYON NG BADYET 2021

KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

1 Pamahalaan ng British Columbia | Konsultasyon sa Badyet 2021

Tayo ay nagtatrabaho patungo sa isang bagong normal para sa ating sarili at sa ating ekonomiya. Ngayon higit sa dati, kailangan nating mamuhunan sa mga tao, mga komunidad at sa isang malinis na kinabukasan upang matiyak ang isang malakas na pagbawi na gumagana para sa lahat.Sa mga komunidad sa buong B.C., ang trabaho ay isinasagawa sa mga bagong kalsada, mga ospital at mga paaralan upang lumikha ng isang mas mahusay na kalidad ng pamumuhay na may higit na paggamit sa mga serbisyong pangkalusugan at pangkomunidad na inaasahan ng mga tao.Ang mga makabuluhang pamumuhunan sa edukasyon ng K-12, pagsasanay sa mga kasanayan at ang bagong Pagkuha sa Pamigay na Salapi (Access Grant) ng B.C. ay tutulungan ang mga tao na tumugon sa kasalukuyang mga hamon sa ating merkado ng trabaho, habang sumusulong patungo sa isang kinabukasan sa ating lalawigan kung saan ang iyong mga oportunidad ay hindi tinukoy batay sa iyong edad, kita o tirahan sa bahay.Ito ang kinabukasan na nais nating lahat para sa ating mga sarili, ating mga kaibigan, ating mga anak at mga apo. At magkasama, alam kong makakarating tayo doon. Ang konsultasyong ito ay ang iyong pagkakataon upang ikuwento, ibahagi ang iyong mga ideya at ibalangkas ang iyong mga prayoridad para sa kinabukasan ng ating lalawigan.Alam kong maraming mga tao ang hindi nakakatiyak kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Sa katunayan, ang daan sa hinaharap natin ay may mga hamon.Nguni't kapag ako ay nasa labas sa ating komunidad, nakikita ko ang lagi kong nakikita: ang hindi kapani-paniwalang katatagan at habag ng mga British Columbian at isang matibay na paniniwala na maaari nating - at naisin - na bumuo ng isang mas mahusay na kinabukasan, nang magkasama.

Kagalang- galang na Carole James Ministro ng Pananalapi at Diputadong Premiyer

Apat na mga maikling buwan pa lamang mula nang ipakilala ng ating pamahalaan ang Badyet 2020, at gayon pa man, ibang-iba ang hitsura ng mundo ngayon.Ang COVID-19 ay nakaapekto sa bawa't aspeto ng ating buhay, ang ating mga komunidad, at sa paraan ng ating pagnegosyo. Marami sa atin ay umaangkop sa isang bagong gawain na nagtatrabaho mula sa bahay, habang ang iba pang mga pamilya ay nakikipagbuno sa

katotohanan ng pananalapi ng mga nabawasang oras o pagkawala ng trabaho.Sa panahon ng kahirapan na ito, tayo ay lubos na nakasandal sa mga taong naghahatid ng mga serbisyo sa mga groseri at mga parmasya. Ang mga paramedik, mga doktor at mga nars ng B.C. ay patuloy nagtatrabaho nang walang tigil sa mga pambungad ng pandemyang ito, kasama ang mga kawani ng pamamahala at tagapaglinis na inaasahan natin upang mapanatiling tumatakbo ang ating sistema ng pangangalaga sa kalusugan.Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at pag-asa. Tayo ay sumusulong sa isang ligtas na paraan, na may mga restawran na nagsisimulang magbukas ang kanilang mga pintuan, mga tagapag-ayos ng buhok na malugod na tumatanggap ng mga sabik na kustomer, at ang mga taong nasisiyahan sa magagandang mga parke ng ating lalawigan.Tungkol sa pandemyang ito, ang B.C. ay may isa sa pinakamabilis na lumalagong mga ekonomiya sa bansa, sero sa utang sa pagtatakbo, at isa sa pinakamababang antas ng kawalan ng trabaho sa mga lalawigan. Ang matibay na piskal na pundasyong ito ay makakatulong sa pagbawi ng ekonomiya ng British Columbia.

KONSULTASYON NG BADYET 2021

Page 2: KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

2 Konsultasyon sa Badyet 2021 | Pamahalaan ng British Columbia

PLANO NG AKSYON SA COVID-19 NG B.C.Ang mga epekto ng COVID-19 ay nararamdaman sa buong mundo, at hindi naiiba ang ekonomiya ng B.C. Kami ay gumawa ng agarang pagkilos sa Plano ng Aksyon sa COVID-19 ng British Columbia - $5 bilyong mga suporta sa kita, suporta sa buwis at direktang pagpopondo para sa mga tao, mga negosyo at mga serbisyo, at pagpopondo para sa mga hakbang sa pagbawi ng ekonomiya. Kasama sa plano ang $2.8 bilyon upang matulungan ang mga tao at pondohan ang mga serbisyo na kailangan nila upang malagpasan ang kagyat na krisis at $2.2 bilyon para sa mga negosyo at tulungan silang makabawi pagkatapos ng pagsiklab.Kabilang sa mga paunang suporta ay ang Pang-emerhensiyang Benepisyo para sa mga Manggagawa ng B.C., ang isang beses, libre sa buwis na $1,000 na pagbabayad sa mga British Columbian na

ang kakayahang magtrabaho ay naapektuhan ng pandemya. Sa Hulyo, ang pinahusay na Kredtio sa Buwis ng Aksyon sa Klima (Climate Action Tax Credit) ng B.C. ay nagbibigay sa mga karapat-dapat na pamilya ng apat ng hanggang sa $564 at mga karapat-dapat na indibidwal ng hanggang sa $218 sa isang pinahusay na

pagbabayad. Maraming mga suporta ang makukuha para sa mga higit pang nangangailangan nito, ng mga taong nasa tulong sa kita o tulong sa kapansanan na tumatanggap ng karagdagang $300 bawa't buwan sa kanilang tseke sa loob ng tatlong buwan.Alam namin na para sa maraming mga British Columbian na ang mga gastos na may kaugnayan sa pabahay ay ang pinakamalaking pinansiyal na panggigipit. Iyon ang dahilan kung bakit ang pamahalaan ng B.C. ay naglunsad ng isang pansamantalang tulong na salapi sa pag-upa sa pamamagitan ng Pabahay ng BC (BC Housing) upang makapaghatid ng hanggang $500 bawa't buwan para sa mga nangungupahan, na direktang binabayaran sa mga kasero.Ang pamahalaan ay gumawa din ng mga hakbang upang suportahan ang mga negosyo ng B.C. sa pamamagitan ng pagpapaliban sa mga pagbabayad ng buwis para sa buwis sa kalusugan ng tagapag-empleyo, buwis sa mga panlalawigang pagbebenta, buwis sa hotel, buwis sa karbon at mga iba pa hanggang sa katapusan ng Setyembre. Makikita rin ng mga may-ari ng komersyal na pag-aari na ang karaniwang singil sa buwis ng komersyal na ari-arian ay bumaba nang malaki sa 2020. At libu-libong mga maliliit na negosyo sa buong lalawigan ay maaaring pansamantalang makakita na ang kanilang upa ay nabawasan ng 75% sa pamamagitan ng bagong pederal-probinsyal na programa ng Tulong sa Pang-emerhensiyang Komersyal na Upa ng Canada (Canada Emergency Commercial Rent Assistance).Ang pagsusuporta sa mga tao, sa mga First Nations, mga negosyo, at mga hindi-pangkalakal sa buong pandemya ay mahalaga sa pagtugon at pagbawi ng B.C. mula sa COVID-19. At bilang isang pangunahing bahagi ng ating $5-bilyong Plano ng Aksyon sa COVID-19, ang Lalawigan ay naglaan ng $1.5 bilyon upang magdulot ng muling paglaki sa ekonomiya ng British Columbia.

ISANG MATIBAY NA PUNDASYON PARA SA B.C. Maraming mga bagay ang nagbago bilang isang resulta ng COVID-19, nguni't ang pagbawi ng ating lalawigan mula sa pandemyang ito ay patuloy na nakasalalay sa mga mahahalaga: mga malulusog na tao, mga matatag na komunidad at pananagutan sa pangmatagalang piskal na pagpaplano. Ito ang mga parehong prinsipyo na humuhubog sa pamamaraan ng ating pamahalaan sa Badyet 2020.Ang Badyet 2020 ay nagpapatuloy na magtayo sa pag-unlad na nakita sa nakaraang tatlong taon - itinayo ito sa ating pag-unlad upang gawing mas abot-kaya ang pamumuhay at pinalalakas ang ating mga sistema ng pangangalaga sa kalusugan at edukasyon, at mamumuhunan sa isang malinis na ekonomiya. Ang Badyet 2020 ay namuhunan sa imprastraktura na kailangan natin sa mga bagong kalsada, mga tulay, pabahay, mga paaralan at mga ospital. At gumawa ng isang plano ang Badyet 2020 para sa kinabukasan kung saan ang iyong mga oportunidad ay hindi tinutukoy ang iyong edad, kita o postal code.

ISANG MALUSOG NA BRITISH COLUMBIASa loob ng nakaraang tatlong taon, ang mga pamumuhunan ng pamahalaan upang mapahusay ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng B.C. ay pinapabuti ang pagkuha sa at kalidad ng pangangalaga. At ngayon, habang nagtutulungan tayo upang tumugon sa at makabawi mula sa pandemya ng COVID-19, ang ating mga magiting na paramedik, mga doktor, mga nars at iba pang mga manggagawa sa pangangalaga sa kalusugan ay lumalagpas at higit pa papunta sa mga hangganan upang mapanatili tayong ligtas, malusog at walang pinsala.Sinusuportahan ng ating pamahalaan ang mga manggagawa sa pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng pamumuhunan sa isang mataas na kalidad, modernisadong sistema na maaaring tumugon sa mga kagyat at umuusbong na mga pangangailangan.Lumalawak ang populasyon ng B.C. At nagsusumikap kami upang mapahusay ang sistema ng pangangalaga sa kalusugan at matugunan ang kahilingan sa mga bago o pinabagong mga ospital at isang pinalawak na network ng pangunahing pangangalaga, na may mga bagong kagyat at mga pangunahing sentro ng pangangalaga sa buong British Columbia.May mga hamon sa hinaharap, nguni't sa isang matibay na sistema ng pangangalaga sa kalusugan, ang mga British Columbian ay maaaring magtiwala na nalalaman na magkakaroon sila ng pagkaroon ng mataas na kalidad na pangangalaga na kinakailangan upang manatiling malusog sa lahat ng mga yugto ng buhay.

Kami ay nagdaragdag ng paggamit sa mga pang-iwas at pangdiyagnostikong mga MRI at pagpapabuti ng pag-aalaga para sa mga nakatatanda na may mga bagong pamumuhunan sa pangunahing pangangalaga, kalusugan sa bahay, pangmatagalang pangangalaga, mga serbisyo sa pagtulong sa pamumuhay at pahinga.

Page 3: KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

3 Pamahalaan ng British Columbia | Konsultasyon sa Badyet 2021

PANGANGALAGA NG BATAAng abot-kaya, makukuhang pangangalaga ng bata ay kritikal na mahalaga habang tinitingnan nating ligtas na buksang muli ang ekonomiya. Ang ating mga makasaysayang pamumuhunan sa pangangalaga ng bata ay nagbibigay sa mga magulang - lalo na ang mga kababaihan - ang pagkakataon na ganap na makilahok sa lugar ng trabaho at tulungan na maibalik ang ekonomiya ng B.C.

Ang mga libu-libong bagong lisensyadong lugar sa pangangalaga ng bata ay nagbukas sa B.C. at ang ilang mga pamilya ay nakatitipid ng hanggang $19,200 taun-taon, na nangangahulugang ang mga pamilya ay nakatitipid ng hanggang $1,600 bawa't bata bawa't buwan.Sa ngayon, ang Pangangalaga ng Bata ng BC ay nakapaghatid ng:

» Higit sa 13,000 mga bagong lugar. » $10 o mas mababa/araw na pangangalaga ng bata para

sa 29,000 mga bata sa pamamagitan ng Benepisyo sa Abot-kayang Pangangalaga ng Bata (Affordable Child Care Benefit) at Inisyatibo sa Pagbabawas ng Pagbabayad sa Pangangalaga ng Bata (Child Care Fee Reduction Initiative).

» Nabawasan ang mga singil para sa higit sa 61,000 mga pamilya.

» Ang pagtaas ng sahod para sa higit sa 12,000 mga maagang tagapagturo sa pagkabata [early childhood educators (ECE)].

» 5,400 iskolarsip para sa mga ECE.Bilang tugon sa COVID-19, ang pamahalaan ay higit na namuhunan sa pangangalaga ng bata upang matiyak na ang mga sentro ay maaaring manatiling bukas ngayon, at ang mga sentro na sarado ay maaaring magbukas muli sa hinaharap. Bilang karagdagan, higit sa 2,500 mga manggagawa sa mahahalagang serbisyo na nasa pambungad ng pandemya ay sinangguni upang buksan ang mga lugar ng pangangalaga ng bata sa pamamagitan ng bagong proseso ng pagtutugma sa pangangalaga ng bata ng Lalawigan.

GINAGAWANG MAS ABOT-KAYA ANG PAMUMUHAY

ANG BAGONG BENEPISYO PARA SA OPORTUNIDAD NG BATA NG B.C. Simula sa Oktubre 1, 2020, halos 300,000 na mga pamilya ang makikinabang mula sa bagong Benepisyo para sa Oportunidad nng Bata ng BC, isang libre sa buwis na pagbabayad para sa mga pamilya na may mga anak na wala pang 18 taong gulang. Ang mga buwanang pagbabayad ay makakatulong sa mga pamilya na may mga pangangailangan tulad ng pagkain at damit, na karagdagang nagbabawas sa mga gastos sa pangangalaga ng bata, at ginagawang posible ang mga pagkakataon tulad ng mga isport at mga sining.

PABAHAYAng abot-kayang pabahay ay isa sa mga pinakamalaking hamon na hinaharap ng mga tao at mga pamilya sa buong lalawigan. Ang Badyet 2020 ay nagpatuloy sa pag-unlad sa 10-taong plano ng pamahalaan na mamuhunan ng $7 bilyon upang magtayo ng higit sa 100,000 mga bahay.Bilang tugon sa COVID-19 na pandemya, ang pamahalaan ng B.C. ay nagpatupad ng isang pansamantalang suplemento sa upa, pinigilan ang mga pagpapalayas at pinigilan ang taunang pagtaas ng upa sa panahon ng estado ng emerhensiya. Upang mabigyan ang mga mahihinang tao ng isang ligtas na lugar upang manatili sa panahon ng pandemya at higit pa, binuksan ng pamahalaan ang mga suportadong bahay sa buong lalawigan, mula sa Prince Rupert, hanggang sa Squamish at Kamloops, habang kumukuha din ng mga tuluyan sa mga hotel at sentro ng komunidad sa Vancouver at Victoria.

Hanggang $1,600 bawa’t taon Para sa mga pamilya na may isang anak.

Ang pag-akses sa abot-kayang pangangalaga ng bata ay kritikal sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay sa lugar ng trabaho at pagsusuporta sa mga mahahalagang manggagawa na nasa pambungad.

Hanggang $3,400 bawa’t taon Para sa mga pamilya na may tatlong anak.

Hanggang $2,600 bawa’t taon Para sa mga pamilya na may dalawang anak.

Page 4: KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

4 Konsultasyon sa Badyet 2021 | Pamahalaan ng British Columbia

PAGTUGON SA PAGHAMON AT PAGGAWA NG MGA BAGONG PAGKAKATAON PARA SA BRITISH COLUMBIAAng mga British Columbian ay nagsusumikap upang sustentuhan ang kanilang mga sarili at kanilang mga mahal sa buhay sa panahon ng pandemyang ito. Nguni't para sa maraming mga pamilya, ang COVID-19 na pandemya ay nangahulugan ng mga pagkawala ng trabaho at nabawasang mga oras. Walang pag-aalinlangan na ito ay isang mahirap na panahon, nguni't magkasama tayo ay makakaraos.Ang isang pangunahing bahagi nito ay ang pagsusulong sa plano ng pamahalaan upang lumikha ng mabuti, ligtas na mga trabaho para sa mga tao sa mga komunidad sa buong British Columbia. Ang Badyet 2020 ay gumawa ng mga bagong pangako upang magdala ng paggasta ng suportadong mamamayang kapital ng higit sa tatlong mga taon sa $22.9 bilyon - ang pinakamataas na antas sa kasaysayan ng B.C. Ang pagbawi ng ekonomiya ng ating lalawigan ay patatakbuhin ng gawaing isinasagawa na sa bago at pinabuting mga ospital at mga pasilidad ng kalusugan, mga proyekto sa highway at transit, mga paaralan at bagong pabahay para sa mga British Columbian.Ang malusog, matatag na mga tao ang bumubuo ng pundasyon ng isang malakas na ekonomiya - isang ekonomiya kung saan walang naiiwan, at naroroon ang mga pagkakataon para sa lahat ng mga pagkakataon. Kinumpirma ng Badyet 2020 ang paninindigan ng Lalawigan na makipagkasundo sa mga Katutubong tao sa pamamagitan ng pagbabahagi ng 7% ng neto ng kinita sa paglalaro ng lalawigan sa First Nations. Makatutulong ito sa mga First Nation na matugunan ang pangangailangan para sa matatag, pangmatagalang pagpopondo sa kanilang mga komunidad, at suportahan ang tunay at pangmatagalang pagkakasundo.Ang lakas ng isang mas luntiang hinaharap upang makatulong na mapalago ang ating ekonomiya ay nasa gitna ng CleanBC, ang plano ng ating pamahalaan na mamuhunan ng $1.3 bilyon patungo sa aksyon sa klima sa loob ng apat na taon. Ang CleanBC ay isang pangunahing haligi ng Muling Pagsisimula (Restart Plan) ng B.C. at ang ating daan sa isang mas matatag na ekonomiya.Mula sa matibay na pang-ekonomiyang pundasyon na ito na maaaring tumugon at magtayong muli ang British Columbia mula sa mga hamon sa pananalapi na dulot ng COVID-19. Ang impormasyon sa pamamagitan ng katugunan mula sa mga negosyo, mga nagtatrabaho, mga hindi pangkalakal, First Nations, at publiko, $1.5 bilyon sa pondong panlalawigan sa loob ng $5 bilyon na Plano ng Aksyon sa COVID-19 ng B.C. ay suportahan ang pagbawi ng ekonomiya at mga negosyo sa sandaling lumipas ang pandemya.

EDUKASYONAng pagbubukas ng mga paaralan sa B.C. ay isang mahalagang susunod na hakbang habang nililikha natin ang ating bagong normal. Ang paaralan ay kung saan ang mga bata sa B.C. ay natututo kung paano kumonekta sa bawa't isa at lumaki nang magkasama. Habang nakikipagtulungan kami upang maipatupad ang mga bagong hakbang upang mapanatiling ligtas ang mga guro, kawani at mga mag-aaral sa ating mga pampublikong paaralan, patuloy kaming namumuhunan sa tagumpay ng mga mag-aaral ng B.C. Tinitiyak ng Badyet 2020 na ang ating K-12 na sistema ng edukasyon ay may pinakamataas na pagpopondo sa pagpapatakbo ng paaralan sa kasaysayan ng B.C. .

Kami ay nagtatayo, nagpapalawak at labis na pinagpabuti ang mga paaralan sa bawa't sulok ng lalawigan. Ang aming kasaysayan ng pamumuhunan ay nangangahulugan din na ang ating mga lugar sa edukasyon ay may mas maraming mga guro, mga espesyal na guro ng edukasyon, mga sikologo at mga tagapagpayo. Binawasan namin ang mga laki ng klase at dinagdagan ang mga mapagkukunan sa silid-aralan upang matulungan ang mga mag-aaral ng lahat ng mga edad at mga kakayahan na magtagumpay.Ang mga pagbabagong ginawa kasunod ng pagsusuri sa modelo ng pagpopondo ay nangangahulugan na sa mga panahon ng kahirapan na ito, magkakaroon ng mahalagang karagdagang suporta para sa mga mahinang mag-aaral. Ang $93.3 milyon sa tinatarget na pagpopondo ay magpapatuloy na suportahan ang mga katutubong nag-aaral.Ang karagdagang $23 milyon ay ibibigay sa pamamagitan ng isang bagong suplemento sa mga distrito ng paaralan sa 2020-21 upang makilala ang mga bata at kabataan sa pangangalaga, ang mga bata na naninirahan sa mga mababang kitang pamilya at mga mag-aaral na may mga hamon sa pangkaisipang kalusugan. Ang suplemento na ito ay ilalaan gamit ang data na sinaliksik sa panahon ng proseso ng Pagsusuri ng Modelo nang Pagpopondo (Funding Model Review).

Kasama sa aming plano ang pinakamataas na kapital na pagpopondo sa $2.8 bilyon sa loob ng tatlong taon.

Page 5: KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

5 Pamahalaan ng British Columbia | Konsultasyon sa Badyet 2021

IMPRASTRAKTURA AT PAGLIKHA NG TRABAHOAng B.C. ay handang tumugon sa mga hinaharap na hamon sa isang pang-ekonomiyang plano na nagbibigay ng mahusay na trabaho sa pagbubuo ng imprastraktura na kailangan ng ating lumalaking lalawigan sa mga komunidad sa buong British Columbia. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtatayo ng ating lalawigan, ang mga tao ay magkakaroon ng akses sa mga trabaho, imprastraktura at mga serbisyo na kinakailangan upang malampasan ang COVID-19 na pandemya at paglipat sa isang bago, mas malakas na ekonomiya.

Sa populasyon ng B.C. na nakatakdang tumaas sa pangmatagalang panahon, tataas lamang ang pangangailangan sa mga bagong paaralan, mga highway, mga ospital at mga bahay. Ang trabaho na isinasagawa sa mga proyektong pang-imprastraktura ay nakapagpapasigla ng higit sa 100,000 direkta at hindi direktang mga trabaho sa buong lalawigan sa panahon ng konstruksyon.

POST-SEKUNDARYONG EDUKASYONAng ating post-sekundaryong pagsasanay at sistema ng edukasyon ay nanatiling maliksi sa panahon ng pagsiklab ng COVID-19, na lumilipat mula sa kampus patungo sa virtual na pagsasanay. Ito ay posible dahil ang pamahalan ng B.C. ay nakatuon sa pag-aalis ng mga hadlang at paglilikha ng mga landas sa mga oportunidad.

» Ang Pangunahing Edukasyong Pang-adulto at Pag-aaral ng Wikang Ingles ay libre na ngayon.

» Labindalawang daang dating kabataan sa pangangalaga ang nakinabang sa pamamagitan ng mga pag-aaral sa kolehiyo, unibersidad at kalakalan ng libre.

» Ang mga pautang ng mag-aaral ng B.C. ay walang interes. » At nakikipagtulungan kami sa mga post-sekundaryong

institusyon upang magtayo ng libu-libong karagdagang mga kama sa pabahay ng mag-aaral.

At sa pagsisimula ng taglagas na ito, higit sa 40,000 mga mag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad ang makakatanggap ng agarang suporta sa mga paunang gastos ng kanilang edukasyon sa pamamagitan ng bagong BC Access Grant.Ang pamigay na salapi na batay sa pangangailangan ay makakatulong na magtiyak na ang mga mag-aaral na may mababa at gitnang kita ay tatanggap ng hanggang sa $4,000 sa isang taon upang makatulong sa gastos ng mga programa na hahantong sa isang degree, diploma o sertipiko.Pinagsama ng BC Access Grant ang Canada Access Grant, at ang pagpopondo na ito, kasama ang suporta ng pederal na pamahalaan para sa mga mag-aaral sa post-sekundaryo sa panahon ng COVID-19, ay nangangahulugan na ang mga mag-aaral ng B.C. ay maaaring manatili sa silid-aralan at maging bahagi ng maningning na kinabukasan ng B.C.

Kalusugan: $6.4B upang magtayo at magpalawak ng mga ospital at mga pasilidad ng kalusugan, at para sa medikal na kagamitan.

Pabahay: Higit sa $1B para sa karagdagang abot-kayang pabahay para sa mga nakatatanda, mga katutubong mamamayan, mga indibidwal, at mga pamilya.

Edukasyon: $2.8B upang palitan, baguhin at palawakin ang mga paaralan ng K-12 - na marami ay isasama ang mga lugar ng pangangalaga sa bata at mga sentro ng pag-aaral ng kapitbahayan.

Transportasyon: $7.4B para sa mga prayoridad na proyekto kabilang ang mga pagpapalit ng tulay, mga pagpapalawak ng highway, at mga pagpapabuti ng koridor.

Para sa programa na ang haba ay mababa sa 2 taon, ang mga mag-aaral ng B.C. ay maaaring makatanggap ng isang kabuuan na hanggang $4,000 sa isang taon.

Para sa programa na ang haba ay 2 taon at pataas, ang mga mag-aaral ng B.C. ay maaaring makatanggap ng isang kabuuan na hanggang $4,000 sa isang taon.

Post-sekundaryong edukasyon: $3.1B upang mapalawak ang ating mga institusyon, makatulong na matugunan ang mga pangangailangan ng mga manggagawa, at bumuo ng pabahay ng mag-aaral.

Ang B.C. ay namumuhunan ng pinakamataas na antas kailanman sa mga paaralan, mga ospital, mga post-sekundaryong pasilidad, pagbibiyahe at mga kalsada.

HABA NG PROGRAMA: MABABA SA 2 TAON,

BC Access Grant:Hanggang $4,000 bawa’t taon

Canada Access Grant:Hindi nalalapat

Kabuuan: Hanggang $4,000 bawa’t taon

$4,0003,0002,0001,000

0

HABA NG PROGRAMA: 2 TAON AT PATAAS

BC Access Grant:Hanggang $1,000 bawa’t taon

Canada Access Grant:Hanggang $3,000 bawa’t taon Kabuuan:

Hanggang $4,000 bawa’t taon

$4,0003,0002,0001,000

0

Page 6: KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

6 Konsultasyon sa Badyet 2021 | Pamahalaan ng British Columbia

MGA KATANUNGAN SA SURVEY1. Ang pamahalaan ng B.C. ay

nakatuon sa paggawa ng mas abot-kayang pamumuhay, paghahatid ng mga serbisyong inaasahan ng mga tao at pagbubuo ng matatag, mapanatiling ekonomiya. Ano ang iyong tatlong nangungunang mga prayoridad upang makatulong na mapabuti ang pamumuhay para sa iyo at sa iyong komunidad habang tayo ay nasa panahon ng COVID-19?

a:

b:

c:

2. Bukod sa agarang pangangailangan upang mapanatiling malusog at ligtas ang mga tao sa panahon ng COVID-19 na pandemya, ano ang mga aksyon na dapat unahin ng pamahalaan upang makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng B.C? Mangyaring ihanay ang iyong tatlong nangungunang pagpipilian.

� Pabutihin ang pag-akses sa abot-kayang pag-aalaga ng bata

� Pabutihin ang mga suportang pampisikal at pangkaisipang kalusugan at mga programa para sa lahat ng mga manggagawa

� Pabutihin ang mga regulasyon sa merkado ng pananalapi at seguridad ng B.C.

� Mamuhunan sa paglipat sa isang malinis na ekonomiya at pagbawas ng polusyon

� Suportahan ang mga bayad na sick leave para sa mga nagtatrabahong British Columbian

� Dagdagan ang suporta sa pananalapi para sa pagbawi ng ekonomiya sa COVID-19

� Dagdagan ang mga pagkakataon para sa pagsasanay at post-sekundaryong edukasyon

� Dagdagan ang mga programa para sa mga kababaihan, mga LGBTQ2S+, mga Katutubong mamamayan at iba pa na nahaharap sa mga sistematikong hadlang

� Mamuhunan sa abot-kayang pabahay at magtrabaho upang patatagin ang merkado ng real estate

� Mamuhunan sa pangangalagang pangkalusugan at pagiging handa sa emerhensiya laban sa posibleng mga pagsilakbo sa hinaharap ng COVID-19

� Bawasan ang mga hadlang sa kalakalan at tagapagtaguyod sa mga hangganan para sa mga industriya ng B.C.

� I-streamline ang mga proseso at regulasyon ng pamahalaan

� Iba pa:

3. Kung mayroon kang isang dolyar upang ilagay sa mga programa at mga serbisyo sa buong pamahalaan, paano mo pipiliing hatiin ito?

Rectangle-landscape ¢ Abot-kayang pangangalaga ng bata

Rectangle-landscape ¢ Abot-kayang pabahay

Rectangle-landscape ¢ Mga Sining at kultura

Rectangle-landscape ¢ Pagtatayo ng malinis na ekonomiya

Rectangle-landscape ¢ Pag-unlad ng mga bata at pamilya

Rectangle-landscape ¢ Pagbabawas ng utang

Rectangle-landscape ¢ Pangangalagang Pangkalusugan

Rectangle-landscape ¢ Pagbabawas ng Kawalan ng tahanan at kahirapan

Rectangle-landscape ¢ Mga mapagkukunan para sa katutubo at Muling Pagkakasundo

Rectangle-landscape ¢ Katarungan at kaligtasan ng publiko

Rectangle-landscape ¢ Edukasyon ng K-12

Rectangle-landscape ¢ Pangangalaga sa pangkaisipang kalusugan at mga pagkagumon

Rectangle-landscape ¢ Edukasyon ng post-sekundaryo at pagsasanay ng kakayahan

Rectangle-landscape ¢ Pampublikong transportasyon

Rectangle-landscape ¢ Mga kalsada, mga highway at mga tulay

Rectangle-landscape ¢ Teknolohiya at pagbabago

Rectangle-landscape ¢ Iba pa

Rectangle-landscape ¢ Kabuuan

Page 7: KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

Cariboo

Thompson/ Okanagan

Northeast

Nechako

North Coast

Vancouver Island/Coast

Mainland/ Southwest

Kootenay

Mga Rehiyon ng Pag-unlad ng British Columbia

7 Pamahalaan ng British Columbia | Konsultasyon sa Badyet 2021

4. Dahil sa patuloy na pangangailangan para sa mga programa, mga suporta at mga serbisyo ng pamahalaan, paano mo nais na makita ang iyong pamahalaan na patuloy na magbayad para sa kanila?

� Dagdagan ang utang ng lalawigan

� Dagdagan ang personal na buwis sa kita

� Dagdagan ang buwis sa kita ng korporasyon

� Dagdagan ang mga buwis na nakabatay sa pag-aari

� Dagdagan ang buwis sa pagkonsumo, kabilang ang PST at Buwis sa Karbon

� Pagbabawas o pagtatanggal ng mga umiiral na Programa

� Iba pa:

5. Mangyaring tukuyin ang iyong rehiyon:

� North Coast

� Vancouver Island/Coast

� Lower Mainland/Southwest

� Kootenay

� Nechako

� Northeast

� Cariboo

� Thompson/Okanagan

Page 8: KONSULTASYON NG BADYET 2021...Sama-sama, tayo ay nagpupunyagi sa isang hindi pa naganap na sitwasyon. At bawa't araw nakikita natin ang mga senyas ng pagbabago, pagiging matatag at

8 Konsultasyon sa Badyet 2021 | Pamahalaan ng British Columbia

ISUMITE ANG IYONG MGA IDEYAAng Permanenteng Piniling Komite sa Pananalapi at mga Serbisyo ng Pamahalaan ay isa sa sampung permanenteng mga komite ng Pambatasang Pagpupulong ng B.C. Bawa't taon, ang komite ay nagsasagawa ng mga konsultasyon sa buong lalawigan upang hingin ang mga pananaw ng mga British Columbian tungkol sa mga prayoridad para sa susunod na badyet ng lalawigan at naghaharap ng isang huling ulat na may mga rekomendasyon sa Pambatasang Pagpupulong. Maaari mong ibahagi ang iyong mga pananaw sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng survey o paggawa ng isang nakasulat, audio o video na pagsusumite. Ang Komite ay nagsasagawa din ng mga pampublikong pagdinig sa pamamagitan ng komperensya sa video/telepono. Ang mga pagdinig ay aayusin ayon sa tema kasama ang mga nagtatanghal na pinangkat sa maliliit na mga pangkat batay sa mga temang ito.

Para sa buong detalye kung paano makilahok at mga pagkakataon upang gumawa ng isang pagsusumite o punan ang survey, makipag-ugnay sa:

PERMANENTENG PINILING KOMITE SA PANANALAPI AT MGA SERBISYO NG PAMAHALAANRoom 224, Parliament Buildings, Victoria, B.C. V8V 1X4 Email: [email protected] Telepono: 1 (877) 428-8337 (libreng tawag) Telepono (250) 356-2933 (tumawag ng collect)Web: bcleg.ca/FGSbudget Ang konsultasyon ay isasara sa Martes, Hunyo 26, 2020 ng alas-5 ng hapon.