18
PATINTERO- AY ISANG LARO NG LAHI KUNG SAAN MAY 6-8 MIYEMBRO. ANG GOAL NILA AY MAKALUSOT SA MGA BANTAY O TAYA. AT MAKAPAG-HOME. * Bordon Patintero Siato Luksong Tinik Iring-Iring Takip-Silim Sipa Agawang Sulok Piko(Hopscotch) Taguan Tumbang Preso Habulan Estatwa Luksong Lubid Palo-Sebo Halap-Halap (Blindfold) Kadang-Kadang (Coconut Stills Race) Labtikaray (Pitikan or Flicking) Laglag Panyo (Drop the Handkerchief) Lawin-Lawin (Hawk and Chicks, Pacpa Can, Banog Banog) Pusa at Aso (Cat and Dog) Serereng Sintak Taytayek (Softdrink crown twirling) Sulot (Hook the Rubber Band) Luksong baka Tansing Kapitang bakod Saranggolahan Yato-Yato (Passing the Handkerchief) Dinoron (Bamboo Pushing) Holen (Marbles) Sumping Paluan ng Palayok Sungka Tatsing

LARO NG LAHI

Embed Size (px)

DESCRIPTION

LARO NG LAHI

Citation preview

Page 1: LARO NG LAHI

PATINTERO- AY ISANG LARO NG LAHI KUNG SAAN MAY 6-8 MIYEMBRO. ANG GOAL NILA AY MAKALUSOT SA MGA BANTAY O TAYA. AT MAKAPAG-HOME. * Bordon

Patintero Siato Luksong Tinik Iring-Iring Takip-Silim Sipa Agawang Sulok Piko(Hopscotch) Taguan Tumbang Preso Habulan Estatwa Luksong Lubid Palo-Sebo Halap-Halap (Blindfold) Kadang-Kadang (Coconut Stills Race) Labtikaray (Pitikan or Flicking) Laglag Panyo (Drop the Handkerchief) Lawin-Lawin (Hawk and Chicks, Pacpa Can, Banog Banog) Pusa at Aso (Cat and Dog) Serereng Sintak Taytayek (Softdrink crown twirling) Sulot (Hook the Rubber Band) Luksong baka Tansing Kapitang bakod Saranggolahan 

Yato-Yato (Passing the Handkerchief) Dinoron (Bamboo Pushing) Holen (Marbles) Sumping Paluan ng Palayok Sungka Tatsing Yo-yo Biola (Leapfrog)

Page 2: LARO NG LAHI

Dama (Checkers) Karera ng Lata Pinalsi-It Karera ng Sako Sipa sa Mangis Tiyakad Tupa Turumpo Agawan ng Biik Karera ng Kalabaw Juego de Anillo Juego de Prenda Pabitin Panyong Palaran

10 Pinakasikat na Larong Tradisyunal ng Pilipino

Page 3: LARO NG LAHI

Ang mga tradisyunal na larong Pilipino ay sadyang nakapang-aakit, kakaiba, at bunga ng malikhaing imahinasyon. Sa magkakasabay na hiyawan ng bawat manlalaro ay hindi mo mapipigilang mapasali sa kasiyahan. Sa katunayan nga, kahit na magalit pa ang ina kapag umuwi ang batang marumi, pawis, at amoy araw, bawat batang Pilipino’y hindi inaalintana maski pa mapingot ang kanilang mga taynga makasama lang sa paglalaro nito. Isang napakagandang bagay pa tungkol dito ay pwede itong laruin ng kahit sino ng walang bayad! Jack-en-poy, hali hali hoy! Sinong matalo siyang unngoy! Tara na at maglaro!

Kilala rin ang larong Pilipino sa bansag na “Laro ng Lahi" dahil sinasagisag nito ang kulturang tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino. Unang inilunsad ang palarong ito noong Pebrero 10, 1984 sa Laoag, Ilocos Norte sa pangunguna ng Ministry of Education, Culture, and Sports (ngayo'y Department of Education), Office of the Provincial Governor at Office of the Municipal Mayor. Di naglaon ay ibinilang na rin ito sa ilalim ng araling Physical Education ng Bureau of Physical Education and School Sports.

Patintero

Page 4: LARO NG LAHI

Ang larong ito ay masasabing pinakakilalang laro ng mga Pilipino. Patuloy na kumakalat ang popularidad nito sa iba’t ibang lalawigan bagamat mas kilala ito sa Bulacan. Bilis, liksi, at galing sa pagtaya ng kalaban ang pangunahing dapat na isinasaalang alang ng bawat manlalaro. Ang basehan ng pagkapanalo sa larong ito ay ang bilang ng mga manlalarong nakalampas sa bawat guhit nang hindi natataya ng kalaban. Ang isang grupo ay kinabibilangan ng hindi bababa sa 10 miyembro. Maaaring maglaro ng patintero sa kahit anong lugar basta’t nasusulatan ang sahig ng yeso na nagsisilbing hangganan o kaya naman ay mga linyang dapat malampasan ng bawat manlalaro. Bilang pasimula ng laro, maghahagis ang isa ng barya upang malaman kung aling grupo ang mauunang maglaro at kung sinong grupo ang taya.

Page 5: LARO NG LAHI

Luksong Lubid

Ang larong ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro ay simple lamang na kahit pinagdugtong dugtong na goma ay maaari nang gamitin. Sa larong ito lumulukso ang bawat manlalaro habang pabilis nang pabilis ang ikot ng tali o ng pinagdugtong na mga goma. Kapag tumama ang tali sa paa ng lumulukso, dahilan upang matigil ang pagikot nito ay siyang papalit naman ang ibang manlalaro. Isa pang uri ng luksong lubid ay tinatawag na Chinese Garter. Sa larong ito, tatlo o higit pang manlalaro ang maaaring sumali. Gamit ang garter, lulukso lamang ang bawat manlalaro ngunit hindi tulad ng sa naunang uri, ang garter ay pataas ng pataas: mula sa bukong bukong hanggang sa itaas ng ulo. Kapag matatangkad naman ang iyong mga kalaban at may mahaba kang binti ay malaki ang tsansa ng pagkapanalo. Madalas itong makitang nilalaro ng mga bata sa makikipot na kalye ng Tondo, Manila.

Taguan

Page 6: LARO NG LAHI

Isang larong sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga, ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya”. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.

Trumpo

Page 7: LARO NG LAHI

Sa madaling pagsasaliksik ng larong trumpo, makikita mo muna ang sikat at hinahangaang palabas noong 90s. Ito ay pinamamagatang “Tropang Trumpo” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid, Michael V, Gellie De Belen at Carmina Villaroel. Ang nakakatawang palabas na ito ay handog sa larong trumpo. Sa salitang banyaga, tinatawag din ang larong ito bilang Spinning Top sa Ingles, Spun Tsa Lin sa Intsik at Koma Asobi sa Hapon.

Dalawang mahalagang gamit ang kinakailangan upang makapaglaro nito. Una ay ang gawa sa kahoy na hugis ng tulad sa acorn na mayroong pako na nakabaon ang ulo mula sa kahoy at ang pangalawa, isang mahabang lubid na magpapaikot sa kahoy na may pako. Sa oras na mapakawalan na ang kahoy mula sa lubid, marapat na maglaan ng sapat na espasyo ang manlalaro upang magpaikot ikot ito sa iba’t ibang direksyon.

Mahilig maglaro ng trumpo ang mga batang lalaki sa Lanao del Sur. Nasa kanilang lugar rin nagmula ang pinakamalaking trumpo sa Pilipinas; tinatawag itong Batige.

Sipa

Page 8: LARO NG LAHI

Tinatawag na Tepak Sakraw sa Indonesia at Sepak Raga sa Malaysia, ang larong ito ay madaling makikita sa lansangan sapagkat mga punit punit at makukulay na plastik at isang takip ng bote o tansan lang ang kailangan. Nilalaro ito sa pamamagitan ng paghahagis at pagsipa pataas gamit ang paa, siko o iba pang parte ng katawan. Kapag sumayad na sa lupa ang tansan, ibig sabihin ay tapos na ang laro. Madalas kang makakakita ng mga batang naglalaro ng sipa sa mga pampublikong paaralan ng Bulacan, pagkatapos ng kanilang mga klase.

Bahay bahayan

Page 9: LARO NG LAHI

Katulad ng larong ito ang Titser Titseran (Umaarteng guro) at Doktor doktoran (umaarteng doktor). Sa larong ito ay may mga batang umaarte na tulad sa ama at ina ng isang bahay, partikular na ang nipa hut, at may kasamang beybi na manika. Ang karaniwang ginagawa ng ama dito ay pumapasok sa trabaho habang ang ina na nakasuot ng saya ay naghahanda ng makakain gamit ang mga putik na gawa sa plato at mga damo at bulaklak na nagsisilbing pagkain. Inaalagaan din ng umaarteng ina ang beybi na manika na kanilang anak. Kalat ang kasikatan ng larong ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sapagkat bawat bata ay mismong sa magulang nakakakuha ng ideya kung paano sila gagayahin.

Jack-en-poy

Page 10: LARO NG LAHI

Sa Ingles, ang bansag dito ay Rock-Paper-Scissors. Ang larong ito ay naglalayong matalo ang bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro. Halimbawa, talo ng gunting ang papel, talo ng papel ang bato at talo ng bato ang gunting. Hindi makukumpleto ang larong ito kung wala ang kantang “jack-en-poy, hali, hali hoy! Sino’ng matalo siya’ng unggoy! Kinahihiligan ito ng karamihan sa Maynila.

Luksong Baka

Page 11: LARO NG LAHI

Sa larong ito, ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito. Sa mga bukirin ng Pangasinan sikat ang larong pinoy na ito.

Siyato

Page 12: LARO NG LAHI

Kung tatanungin mo ang mga bata sa Visayas tungkol sa larong Pitiw (syato), ay kilalang kilala nila ito. Dalawang manlalaro ang maglalaban dito. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at mahabang patpat para gawing panghampas nito. Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang unang maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat hanggang sa maipalo palayo mula sa home base. Ang napalayong patpat ay pupuntahan ng naghagis at uulitin ang unang ginawa. Titigil lamang ito kung hindi natamaan ang kahoy habang nasa hangin. Ibabalik ito ng manlalaro habang sumisigaw ng “siyato” pabalik sa home base. Kung hindi nakasigaw ng “siyato” ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.

Palo Sebo

Page 13: LARO NG LAHI

Hindi makukumpleto ang pistang Pilipino kung walang Palo Sebo. Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing pampadumulas. Kinakailangan ang malakas at makapit na paghawak sa kawayan upang makaabot sa tuktok at makuha ang premyo. Sa mga lalawigan sa Luzon tanyag ang larong ito sapagkat maraming puno ng niyog (madalas gamitin sa larong ito) ang matatagpuan dito.

Patintero o Harang taga

Page 14: LARO NG LAHI

� Ang isang koponan ay binubuo ng 6 na manlalaro (4 ang manlalaro, 2 pamalit)� Maaari lamang magpalit ng manlalaro ang isang koponan kapag may naka-home-base (alinman sa naglalarong koponan)� Ang bawat kalahok na papasok sa linya ay bibigyan ng 20 minuto sa bawat tatlong (3) beses ng laro.� Ang laro ay may apat (4) na linya na may guhit sa gitna mula sa unang linya hanggang sa huli o pang-apat na linya. Bawat linya ay may bukat na 12 metro at 6 na metro bawat layo ng bawat linya.� Ang laro ay may 3 mananalo base sa kanilang mataas na puntos.

Basihan ng Puntos� Ang bilang ng puntos ay ibabase lamang sa makaka goal. Kapag natapos ang takdang oras, bibigyan ng score ang taong may pinakamalayong narating na linya ayon sa sumusunod: (isang tao lang ang pagbabasihan ng bilang).

2 bilang/linya papasok X 4 linya = 83 bilang/linya pabalik X 4 linya = 125 karagdagang bilang kung maka home-base = 5--------25 kabuuang bilang

Ang larong sungka ay isang katutubong larong Pilipino na

Page 15: LARO NG LAHI

ginagamitan ng tabla na may pitong butas sa magkabilang gilid at dalawang imbakang malaking butas sa dulo nito. Sa pagsisimula ng laro, ang bawat butas ay nilalagyan ng tig-pitong bato. Ang mga batong ito ang sisikapin ng bawat manlalaro na mailagay sa kanikanilang imbakan. Masmaraming batong makuha, siya ang panalo.

Hmmmm… may limang bato sa unang butas, sa pangalawa may siyam at anim sa kabila. Alin kaya ang pupulutin ko para matapatan ko yong nakatumpok na bato nya. Marami rami ‘yon kapag nakuha ko!

Mga ganyang tipo ang iniisip ko nun habang naglalaro kami ng sungka ng aking bunsong kapatid.

Kung may natutunan man ako sa larong ito, ‘yon ay ang tamang pagbibilang at pagkwenta sa isip. Mahalaga ang pagkwenta at mabilis na pagbibilang ng mga bato sa bawat butas bago pumulot ng bato upang sa gayon ay alam mo kung saan ka hihinto o tatapat pag-ubos ng batong hawak.

Maliban sa kapatid kong bunso, nakakalaro ko din ng sungka si kuya, at minsan pati si tatay—pero masmadalas naming laruin ni tatay ‘yong larong lusalos. Madalas ding dumarayo sa bahay namin yong isang pinsan ko dahil sa gusting-gusto rin nitong makipaglaro ng sungka sa amin.

Dahil sa isa lang ang sungkaan namin, may mga pagkakataon na bumubutas nalang kami sa lupa ng sungkaan kapag may nauna nang gumamit ng tablang sungkaan namin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung gaano na katanda ang sungkaang iyon. Basta ang alam ko, nung nagkaisip ako, nandun na iyon sa bahay namin. Minsan inuupuan ko, minsan yakap ko, minsan kahiga ko at may mga pagkakataon ding ginagamit ko itong panghampas sa madadaya at mapang-asar na kalaro ko! Hehe.

Dahil sa dalas kong maglaro ng sungka nung bata ako, siguro nasa expert mode na akoSayang… kase wala ang ganitong laro sa mga tournament, kung meron siguro palagay ko nag SUNGKA GRANDMASTER ako! Ano sa palagay n’yo? Kaya ko nga kaya?

.

Narito ang Panuntunan ng Larong Sungka

Page 16: LARO NG LAHI

May labing-apat na butas ang tabla ng larong sungka, na nahahati sa dalawa, na may kasamang imbakang butas para sa bawat manlalaro. Pinamamahalaan ng bawat manlalaro ang pitong mga butas na nasa kani-kaniyang gilid ng tabla, at ang bilang ng mga butil na naimbak sa kani-kaniyang mga imbakan, nasa gawi ng kaliwang kamay ng bawat manlalaro, ang pinakapuntos nila.

98 magkakatulad na mga buto ang ginagamit na mga piyesa.

Paghahanda bago maglaro

Nilalagyan ng pitong butil ang bawat butas maliban sa mga imbakan na nananatiling walang laman.

Layunin

Makalikom ng maraming bilang ng mga butil na higit sa kalaban ang layunin ng laro.

Paggalaw

Nagsasalitan ang mga manlalaro sa pagkakalat ng mga buto, maliban sa unang galaw na isinasagawa ng kapwa manlalaro. Sa isang ikot, pumipili ng isang pamamahalaang butas (mula sa pitong mga butas) ang isang manlalaro. Aalisin ng manlalarong nakapili ng pamamahalaang butas ang lamang butil mula sa butas na ito at ikakalat ang mga ito sa bawat butas na madaraanan ng kaniyang ikot, pakanan (galaw na umaayon sa paikot at pakanang kilos ng mga kamay ng isang orasan). Tinatawag na “pagtatanim” o “pagpupunla” ang galaw na ito ng manlalaro. Nilalagpasan ng “pagtatanim” ng mga butil ang imbakan ng kalabang manlalaro, subalit hindi ang saliring imbakan ng kumikilos na manlalaro.

Kapag bumagsak ang huling butil sa isang may-lamang butas, kukuhanin ng manlalaro ang lahat ng laman ng butas na iyon, at magpapatuloy sa paglalagak ng mga butil na nagsisimula sa butas ding iyon na pinagkunan ng mga bagong hawak na buto. Magpapatuloy ang paglalagay ng mga buto hanggang sa bumagsak ang pinakahuling buto sa imbakan ng isang manlalaro, o sa isang butas na walang laman.

Kung sakaling bumagsak ang huling buto sa imbakan ng isang manlalaro, kaagad na nagkakaroon ng dagdag na pagkakataong umikot ang mga manlalaro, na maaaring magsimula sa kahit ano sa pitong butas na pinamamahalaan nila.

Pagkuha

Page 17: LARO NG LAHI

Kapag bumagsak ang huling butil na “ipinupunla” sa isang butas na walang laman na nasa gawi o gilid ng gumagalaw na manlalaro, malilikon ng manlalarong iyon ang lahat ng mga lamang butil ng butas na tuwirang nakapahalang sa kaniya, kahit nasa gilid o “ibayo” ng kalaban. Kung walang laman ang butas na nasa gawi ng kalaban, wala malilikom na mga butil ang manlalarong gumagalaw.