10
Planong Aralin Pakikipaglaban sa Higante (Unang Aralin) Unang Aralin: Pumunta si Samuel sa Bethlehem Guro: Teksto sa Kasulatan: 1 Samuel 16:1-11 Layunin ng aralin: Malalaman ng mga bata ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nagalit ang Diyos kay Saul dahil sa pagsuway nito sa Kanyang mga utos at pumili Siya ng isa pang hari para sa Israel. Ipinadala Niya si Samuel sa isang mahalagang misyon upang hanapin ang haring iyon. Sa kabutihang palad, si Samuel ay isang masunuring propeta ay sinunod niya ang mga tagubilin ng Diyos. Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na 30 taon na si Saul ng maging hari ng Israel? Naghari siya sa loob ng 42 taon. ©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Planong AralinPakikipaglaban sa Higante (Unang Aralin)

Unang Aralin: Pumunta si Samuel sa Bethlehem Guro: Teksto sa Kasulatan: 1 Samuel 16:1-11 Layunin ng aralin: Malalaman ng mga bata ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nagalit ang Diyos kay Saul dahil sa pagsuway nito sa Kanyang mga utos at pumili

Siya ng isa pang hari para sa Israel. Ipinadala Niya si Samuel sa isang mahalagang misyon upang

hanapin ang haring iyon. Sa kabutihang palad, si Samuel ay isang masunuring propeta ay sinunod

niya ang mga tagubilin ng Diyos.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na 30 taon na si Saul ng maging hari ng Israel? Naghari siya sa loob ng 42 taon.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 2: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 1, 2, 3, at 4 mula sa kuwentong ‘Pakikipaglaban sa Higante.’ Mga

gagamiting tanong:

1. Bakit sumuway si Saul sa Diyos?

2. Ano ang inyong mga natutunan tungkol kay Samuel?

3. Ano ang tinitingnan ng Diyos at ano ang Kanyang desisyon?

4. Ano ang gawain ng isang pastol?

5. Sa inyong palagay, bakit si David ang pinili ng Diyos upang maging kapalit ni Saul bilang hari ng

Israel?

Mensahe: Basahin: Deteronomio 30: 9-10. Nasisiyahan ang Diyos sa tuwing sinusunod natin ang kanyang mga

utos (tagubilin). Ipinangako Niya ang magagandang bagay sa mga batang sumusunod sa Kanya.

Talatang isasaulo: “Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan

ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.” (1 Samuel 16:7)

Gawain: 1. Laro tungkol sa pagsunod: Patayuin ng paikot ang mga bata. Utusan sila gaya ng, “Sabi ni

Simon, itaas ninyo ang inyong kanang kamay.” Dapat na sundin ng mga bata ang sinabi ni

Simon. Kung sumunod ang bata sa utos na, “ibaba ninyo ang inyong kanang kamay” ng wala

ang salitang “sabi ni Simon” sa unahan, hindi na kasali ang bata sa laro dahil hindi iyon sinabi ni

Simon. Magpapatuloy ang laro hanggang sa isang bata na lamang ang matira.

2. For more David activities, check out our David & Goliath Activity Book. Preview here: https://

www.biblepathwayadventures.com/activities/david-goliath-activity-book/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing

panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 3: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Planong AralinPakikipaglaban sa Higante (Ikalawang Aralin)

Ikalawang Aralin: Pinahiran si David bilang hari ng Israel | Guro: Teksto sa Kasulatan: 1 Samuel 16:12-17:3 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na laging tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikalawang Aralin, ipinangako ng Diyos kay David na siya ang susunod na hari ng Israel.

Pinahiran siya ni Samuel bilang hari. Dahil sinuway ni Saul ang Diyos, nagulo ang kanyang isip.

Ipinayo ng isa sa mga alipin ni Saul na papuntahin sa kanya si David at patugtugin niya ito ng alpa

upang gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa di kalayuan, nagtitipon naman ang mga Filisteo

upang digmain ang Israel. Kakampi nila ang isang nakakatakot na mandirigma na nagngangalang

Goliat!

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na laging pumipili ang Diyos ng mga pastol upang manguna sa mga Israelita? Sina

Abraham, Isaac, Jacob, Moises at David ay mga pastol.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 4: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 5, 6, at 7 mula sa kuwentong ‘Pakikipaglaban sa Higante.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Sino ang pinangakuan ng Diyos na magiging sunod na hari ng Israel?

2. Ano ang inyong natutunan tungkol kay David?

3. Ano ang nagpapahirap kay Saul?

4. Paano tinulungan ni David si Saul sa tuwing pinahihirapan ito ng masamang espiritu?

5. Ano ang pangalan ng nakakatakot na mandirigmang Filisteor?

Mensahe: Basahin: Deuteronomio 7:9. Sa buong Bibliya, gumawa ang Diyos ng maraming pangako. Sa tuwing

nangangako ang Diyos, tinutupad Niya iyon.

Talatang isasaulo: “Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling

karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga

tatahakin.” (Kawikaan 3:5-6)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Goliat

2. For more David activities, check out our David & Goliath Activity Book. Preview here: https://

www.biblepathwayadventures.com/activities/david-goliath-activity-book/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 5: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Planong AralinPakikipaglaban sa Higante (Ikatlong Aralin)

Ikatlong Aralin: Hinamon ni Goliat ang mga Israelita Guro: Teksto sa Kasulatan: 1 Samuel 17:4–27 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikatlong Aralin, naghanda ang mga mandirigmang Israelita at mga Filisteo sa pakikipaglaban sa

isa’t isa. Humarap sila sa isa’t isa sa lambak ng Ela. Sa loob ng apatnapung araw, hinamon ni Goliat

ang mga Israelita na labanan siya. Dinalhan ni David ng pagkain ang kanyang mga kapatid na

kabilang sa mga sundalo ng Israel. Natakot ang mga sundalong Israelita na labanan si Goliat,

maliban kay David. Itinanong niya kung ano ang gantimpala ng hari sa sinumang makakapatay sa

higanteng Filisteo.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ang higanteng si Goliat ay may taas na siyam na talampakan at 9 na pulgada?

(1 Samuel 17:4)

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 6: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 8, 9 at 10 mula sa kuwentong ‘Pakikipaglaban sa Higante.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Bakit pumunta si David sa kampo ng mga Israelita?

2. Ilan sa mga kapatid ni David ang kabilang sa mga sundalong Israelita?

3. Ano ang hamon ni Goliat sa mga Israelita?

4. Bakit natatakot kay Goliat ang mga sundalo ni Haring Saul?

5. Ano ang gantimpala ng hari sa sinumang makakapatay kay Goliat??

Mensahe: Basahin: Deuteronomio 20:1. Mapagtitiwalaan natin ang Diyos sa bawat mahihirap na sitwasyon.

Tutulungan Niya tayo sa ating mga pakikipaglaban.

Talatang isasaulo: “Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat

sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan man.”

(Deuteronomio 31:6)

Gawain: 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan.

Pagkatapos, markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na limang talampakan. Patayuin

ang bawat bata sa harap ng mga marka sa pader upang maikumpara nila ang taas ni David sa

taas ni Goliat.

2. For more David activities, check out our David & Goliath Activity Book. Preview here: https://

www.biblepathwayadventures.com/activities/david-goliath-activity-book/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing

panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 7: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Planong AralinPakikipaglaban sa Higante (Ikaapat na Aralin)

Ikaapat na Aralin: Humingi si David ng pahintulot na labanan si Goliat Guro: Teksto sa Kasulatan: 1 Samuel 17:28–40 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata ang tungkol sa katapangan

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikaapat na Aralin, nilait ni Eliab si David dahil sa pagpunta nito sa labanan. Ngunit hindi

pinansin ni David ang kanyang nakatatandang kapatid; sa kanyang puso, nais niyang iligtas ang

Israel mula sa mga Filisteo. Nang marinig ni Saul ang tungkol sa katapangan ni David, ipinatawag

niya ito. Humingi si David ng pahintulot kay Saul na labanan si Goliat. Sa huli, pumayag si Haring

Saul at ibinigay kay David ang kanyang baluti. Ngunit may ibang plano si David. Sa halip na suutin

ang baluti, pumili siya ng limang makikinis na bato mula sa isang ilog.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na si Haring Saul ang pinakamataas na lalaki sa buong Israel? (1 Samuel 9:2)

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 8: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 11, 12, at 13 mula sa kuwentong ‘Pakikipaglaban sa Higante.’ Mga

gagamiting tanong:

1. Paano si David inihanda ng Diyos sa paglaban kay Goliat?

2. Bakit hindi natatakot si David na labanan si Goliat?

3. Bakit hindi nakakatiyak si Haring Saul na matatalo ni David si Goliat?

4. Anong uri ng kasuutan ang ibinigay ni Haring Saul kay David upang labanan si Goliat?

5. Anong sandata ang kinuha ni David upang labanan si Goliat?

Mensahe: Basahin: Awit 23. Isinulat ni David ang Awit na ito. Bilang isang batang pastol, natutunan ni David

na magtiwala sa Diyos bilang kanyang pastol. Ang pagtitiwalang ito ang nagbigay sa kanya ng

tapang upang labanan si Goliat.

Talatang isasaulo: “Tandaan mo ang bilin ko: “Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot

o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man

magpunta.” (Josue 1:9)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Haring Saul at David

2. For more David activities, check out our David & Goliath Activity Book. Preview here: https://

www.biblepathwayadventures.com/activities/david-goliath-activity-book/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing

panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 9: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Planong AralinPakikipaglaban sa Higante (Ikalimang Aralin)

Ikalimang Aralin: Tinalo ni David si Goliat! | Guro: Teksto sa Kasulatan: 1 Samuel 17:41–58 Layunin ng aralin: Makakapagbalik-aral ang mga bata sa kahalagahan ng pagtitiwala at pagsunod sa Salita ng Diyos

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikalimang Aralin, hinarap ni David at Goliat ang isa’t isa sa isang labanan. Binalahan ni David ng

bato ang kanyang tirador at pinatamaan si Goliat. Tinamaan sa noo si Goliat at bumagsak ito na

una ang mukha sa lupa. Nanalo si David sa labanan sa pamamagitan lamang ng bato at tirador!

Nang makita ng mga Filisteo na patay na si Goliat, tumakbo sila. Ngunit hinabol sila at pinatay ng

mga Israelita. Nagdiwang ang buong Israel sa malaking tagumpay ni David!

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na sa panahong iyon, walang pang panday sa Israel? Dinadala pa ng mga Israelita

sa mga Filisteo ang kanilang mga gamit na yari sa bakal upang patalasin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 10: Lesson plan FTG Tagalog - Bible Pathway Adventures · 2018-07-10 · 1. Gawain: Markahan ang isang bahagi ng pader na may taas na siyam na talampakan. Pagkatapos, markahan ang isang

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 14, 15, 16, at 17 mula sa kuwentong ‘Pakikipaglaban sa Higante.’ Mga

gagamiting tanong:

1. Sino ang nagbigay ng kapangyarihan kay David upang labanan at talunin si Goliat?

2. Anong mga sandata ang ginamit ni David upang patayin si Goliat?

3. Ano ang nangyari sa mga sundalong Filisteo pagkatapos na mapatay ni David si Goliat?

4. Paano ipinagdiwang ng mga Israelita ang tagumpay ni David?

5. Anong bagong trabaho ang ibinigay ni Haring Saul kay David?

Mensahe: Basahin: Mga Gawa 13:20–22. Tinawag si David na lalaki ayon sa puso ng Diyos. Ano ang ibig

sabihin ng Diyos sa salitang ito? (Inibig ni David ang Diyos at sinubukang sundin ang Kanyang

Salita)

Talatang isasaulo: “Sumagot si David, “Ang dala mo'y tabak, sibat at pantusok, ngunit lalabanan kita sa pangalan ni

Yahweh, ang Makapangyarihang Diyos ng Israel na iyong hinahamak.” (1 Samuel 17:45)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Nagdiwang si David

2. Check out our David & Goliath Activity Book for more activities. Preview here: https://

www.biblepathwayadventures.com/activities/david-goliath-activity-book/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing

panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com