53
HEKASI IV Date: _____________ I. Layunin: Nakikilala ang globo bilang modelo ng mundo Nakikilala ang mga bahagi ng mundo II. Paksang-aralin: Mga Bahagi ng Mundo Sanggunian: BEC-PELC 1. A l Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globo, mapang pandaigdig, larawan ng sistemang solar, kagamitang pansining, dalandan o ponkan Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok sa pangkatang gawain III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga mahahalagang pangyayari na naganap sa mga bata noong nakalipas na bakasyon. 2. Pagsasanay Laro: Saluhan ng Bola Ihahagis ng guro ang bola sa klase. Ang makasasalo ay magbibigay ng pangalan ng prutas, bagay o gamit sa bahay na bilog tulad ng bola, plato at iba pa. 3. Balik-aral a. Ilahad ang larawan ng sistemang solar. Pag-usapan ang kaayusan at laki ng mga planeta. Pangalanan ang mga ito. b. Itanong: Anu-ano ang mga planeta sa sistemang solar? Paano naglalakbay ang mga planeta sa kalawakan? Pang-ilang planeta ang mundo? B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda a. Ipakita sa klase ang globo. Ipasuri ang hugis iba't ibang kulay na nakikita sa globe na siyang kumakatawan sa mga bahagi ng mundo. b. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam nila tungkol sa mundo at kung ano pa ang nais nilang malaman tungkol dito. 2. Pagbubuo ng Suliranin Ano ang modela ng mundo? Anu-ano ang mga bahagi ng mundo? 3. Pananaliksik Ipabasa ang batayang aklat at ipalikom ang datos at mahalagang impormasyon tungkol sa paksa. 4. Pangkatang Gawain Magpapalabunutan ang bawat pangkat kung anong paksa ang tatalakayin. Patnubayan ito sa pangangalap ng impormasyon. Pag-uusapan din ng bawat pangkat kung paano nila ililimbag ang nakalap na datos. Pangkat I a. Sa unang kahon gumuhit ng dalandan. Kulayan ito Sa kabilang kahon iguhit ang globo. Paghambingin ang dalawa.

lesson plan in HEKASI gr. 4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sample plan for grade 4 HEKASI

Citation preview

HEKASI IV Date: _____________

I. Layunin: Nakikilala ang globo bilang modelo ng mundo Nakikilala ang mga bahagi ng mundo

II. Paksang-aralin: Mga Bahagi ng Mundo Sanggunian: BEC-PELC 1. A l

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globo, mapang pandaigdig, larawan ng sistemang solar, kagamitang pansining, dalandan o

ponkan Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok sa pangkatang gawain

III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga mahahalagang pangyayari na naganap sa mga bata noong nakalipas

na bakasyon. 2. Pagsasanay

Laro: Saluhan ng Bola Ihahagis ng guro ang bola sa klase. Ang makasasalo ay magbibigay ng pangalan ng prutas, bagay o gamit sa bahay na bilog tulad ng bola, plato at iba pa.

3. Balik-aral a. Ilahad ang larawan ng sistemang solar. Pag-usapan ang kaayusan at laki ng mga planeta. Pangalanan

ang mga ito. b. Itanong: Anu-ano ang mga planeta sa sistemang solar?

Paano naglalakbay ang mga planeta sa kalawakan? Pang-ilang planeta ang mundo?

B. Panlinang na Gawain1. Paghahanda

a. Ipakita sa klase ang globo. Ipasuri ang hugis iba't ibang kulay na nakikita sa globe na siyang kumakatawan sa mga bahagi ng mundo.

b. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam nila tungkol sa mundo at kung ano pa ang nais nilang malaman tungkol dito.

2. Pagbubuo ng Suliranin Ano ang modela ng mundo? Anu-ano ang mga bahagi ng mundo?

3. Pananaliksik Ipabasa ang batayang aklat at ipalikom ang datos at mahalagang impormasyon tungkol sa paksa.

4. Pangkatang Gawain Magpapalabunutan ang bawat pangkat kung anong paksa ang tatalakayin. Patnubayan ito sa

pangangalap ng impormasyon. Pag-uusapan din ng bawat pangkat kung paano nila ililimbag ang nakalap na datos.

Pangkat I a. Sa unang kahon gumuhit ng dalandan. Kulayan ito Sa kabilang kahon iguhit ang globo.

Paghambingin ang dalawa.

Pangkat II a. Suriin ang globo. b. Iguhit ang balangkas nito. Kulayan ng dilaw ang malalaking masa ng lupain. c. Anong bahagi ng mundo ang kinakatawan ng iba't ibang mga hugis at kulay sa globo?

Pangkat III a. Suriin ang globo. b. Balangkasin ito. c. Kulayan ng pula ang mga masa ng lupain. d. Kulayan ng asul ang mga karagatan. Pangalanan ito.

Pangkat IV a. Alin ang higit na malaki, bahaging tubig o bahaging lupa? b. Ipakita sa pamamagitan ng circle graph.

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa Paalaala: Maaaring magtanong ang guro bago o pagkatapos ng paguulat. Itanong: Ano ang hugis ng mundo?

Bakit inihahalintulad ito sa isang dalandan?Ano ang napapansin ninyo sa prutas na ito? Sabihin na ang mundo ay katulad ng dalandan patag sa mga polo at maumbok sa bandang gitna

(ekwador). Ito ang naglalarawan sa hugis ng mundo bilang isang oblate spheroid. Linangin ang kaisipang kontinente. Ipaturo sa globo ang Asia, Africa, Australia, Europe, South

at North America at Antartic. Sabihin na ito ay mga kontinente na binubuo ng malalaking masa ng lupain sa mundo.

6. Paglalagom Itanong: Ano ang hugis ng mundo? Ano ang nagbibigay modelo rito?

Anu-ano ang mga bahagi ng mundo? Ano ang bumubuo ng mga bahaging lupa? bahaging tubig? C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng pahayag at mga batayang kaahman o natutuhan sa pag-aaral

ngpaksa. Halimbawa:

Ang hugis ng mundo ay oblate spheroid. Ang globo ay modelo ng mundo. Ang mundo ay binubuo ng dalawang bahagi: bahaging lupa at bahaging tubig. Pinakamalaking

anyong tubig ang karagatan. Ang Pacific Ocean ang pinakamalawak sa buong mundo. Pinakamalaking masa ng lupain ay tinatawag na kontinente. Ang Asia ang pinakamalaki at Australia

ang pinakamaliit. 2. Paglalapat

Ipagawa sa mga bata. Gumuhit ng globo. Pangalanan ang mga kontinente. Kulayan ito nang matingkad na kulay.

Pangalanan ang mga karagatan. Kulayan ito nang mapusyaw na kulay.

IV. Pagtataya Isulat ang wastong sagot.

1. Ang __________ ay modelo ng mundo. 2. Ang pinakamalaking kontinente ay __________. 3. Ang bahaging tubig ay bumubuo ng __________ bahagdan ng mundo. 4. Ang pinakamalaking anyong tubig ay mga __________. 5. Ang hugis ng mundo ay __________.

V. Kasunduan

Gumupit ng mga larawan ng anyong tubig at anyong lupa sa dyaryo. Pangalanan ang mga ito at ibigay ang katangian.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin: Nakikilala ang ekwador, prime meridian at International Date Line bilang mga guhit na nasa isip (imaginary

lines) na humahati sa mundo sa mga hatingglobo

II. Paksang-aralin: Mga Imahinaryong Guhit na Humahati sa Mundo Sanggunian: BEC-PELC 1. A 2

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globe, flashcards, manila paper, krayola Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang katangi-tanging kinalalagyan ng Pilipinas.

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain:

1. Balitaan Pagpapalitan ng balitang narinig sa radyo o napanood sa telebisyon.

2. Pagsasanay Ilagay sa wastong hanay ang mga salita.

karagatan sapa golpokontinente lawa kipottangway lambak pulo

3. Balik-aral Itanong: Anu-ano ang mga bahagi ng mundo? Ano ang bumubuo ng bahaging lupa? bahaging tubig?

(Ipaturo sa globo.) Ano ang pinakamalaking kontinente? pinakamaliit? (Ipaturo sa globo.) Ilan ang karagatan sa mundo? Ano ang pinakamalawak na karagatan?

B. Panlinang na Gawain: 1. Paghahanda

a. Ipasuri ang globo. Itanong: Bukod sa kalupaan at karagatan, ano pa ang napapansin ninyo sa globo?

Sabihin na sa pamamagitan ng mga guhit na ito ay maipakikita ang lokasyon o kinalalagyan ng isang lugar sa mundo. Linawin na ang mga guhit ay likhang-isip lamang.

2. Pagbubuo ng Suliranin Anu-ano ang mga guhit na humahati sa mundo?

3. Pananaliksik 4. Pagtalakay sa Paksa

Gawain I a. Gumuhit ng bilog sa pisara na may pahalang na guhit sa pinakagitnang bahagi nito. Sabihin na ito

ang ekwador. b. Ipahanap ang ekwador sa globo. Ipalarawan ito. c. Itanong: Saan matatagpuan ang ekwador? Asa anong digri ang kinalalagyan nito? Sa ilang bahagi

hinati ng ekwador ang mundo? Ano ang tawag sa bawat bahagi? Ano ang tawag sa pinakamalayong pook sa dakong hilaga? dakong timog?

Gawain II a. Gumuhit sa pisara ng malaking bilog na may patayong guhit sa pinakagitnang bahagi nito.

Sabihin na ito ay prime meridian. b. Ipahanap sa globo ang prime meridian. Ipatalunton ito sa daliri. Ilarawan.

Itanong: Saan matatagpuan ang prime meridian? Saan ito dumaraan? Nasa anong digri ang kinalalagyan nito? Sa ilang bahagi nahahati ng prime meridian ang mundo? Saang banda matatagpuan ang silangang hatingglobo? kanlurang hatingglobo? Saan matatagpuan ang Pilipinas?

Gawain III a. Sabihing ito ang International Date Line. b. Itanong: Saan matatagpuan ang International Date Line? Nasa anong digri ang kinalalagyan nito?

Sa ilang bahagi hinahati ng International Date Line ang mundo?

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa Itanong: Anu-ano ang mga imahinasyong guhit na humahati sa mundo?

6. Paglalagom

Mga Guhit sa Globo Lokasyon Kahalagahan

Pahalango

ParallelEkwador

pinakagitna o sentro pahalang

Hinahati ang mundo sa hilagang hatingglobo at timog hatingglobo

nasa 0°.

Patayoo

Meridian

PrimeMeridian

pinakagitna sentro

patayo

Hinahati ang mundo sa silangang hatingglobo at kanlurang hatingglobo.

nasa 0°

InternationalDate Line

Katapat ng pnme meridian

180°

Bakit mahalaga ang mga ito sa pag-aaral ng mundo?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.

2. Paglalapat Laro: Sampung manlalaro

Gumuhit ng malaking bilog sa silid-aralan. Pag-ihip ng pito, tatakbo sa tamang lugar ayon sa senyas ng guro.

IV. Pagtataya:Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Guhit na pahalang sa gitna ng globo na humahati sa mundo sa hilaga at timog hatingglobo.

a. ekwador c. International Date Lineb. parallel d. prime meridian.

2. Ito’y guhit na patayo sa gitna ng globo.a. ekwador c. prime meridian.b. parallel d. International Date Line

V. Kasunduan: Pangalanan ang nasa larawan.

1. ________

2. ________

3. ________

4. ________

5. ________

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nasasabi ang mga katangian ng mga guhit latitud .(parallels) na kaagapay ng ekwador Nakikilala ang mga espesyal na guhit latitud na kaagapay ng ekwador tulad ng Tropiko ng Kanser at Tropiko

ng Kaprikornyo, Kabilugang Arktiko, at Kabilugang Antartiko Nasasabi ang kahalagahan ng mga espesyal na guhit latitud (parallels)

II. Paksang-aralin Mga Espesyal na Guhit Latitud Sanggunian: BEC-PELC 1. A 3,1. A 3.11, 1. A 3.2

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globo, mapa ng daigdig, krokis ng mundo at lente Pagpapahalaga: Pagiging maingat sa pagsusuri

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga pangunahing isyu sa ating bansa

2. Pagsasanay Ano ang globo? mapa? Ano ang naiisip mo kapag nakikita ang salitang globo?

3. Balik-aral Tukuyin ang ipinakikita ng larawan at sabihin ang mga nalalaman tungkol dito.

a. Ito ang ekwador. b. Ang ekwador ay guhit na pahalang na matatagpuan sa pinakagitnang bahagi ng globo. c. Hinahati nito ang mundo sa hilagang hatingglobo at timog hatingglobo.

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

Ipasuri ang globol/krokis ng mundo. Ipatuon ang pansin sa mga pahalang na guhit. Sabihing ang mga pahalang na guhit sa globo ay tinatawag na mga guhit latitud o parallell. Inilagay ang mga ito sa globo at mapa upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar. Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa mga guhit latitude o parallels? (Pabilog na guhit sa globo mula

kanluran patungong silangan, ekwador ang pinakamalaking bilog sa mga parallel, pabilog na guhit na lumiliit habang papalayo sa ekwador at papalapit sa mga polo.)

Sabihing may mga espesyal na parallel na gumaganap ng mahalagang papel sa paglibot ng mundo sa araw.

2. Pagbubuo ng Suliranin a. Anu-ano ang mga espesyal na guhit latitud o parallels? b. Saan-saan ito matatagpuan? c. Anu-ano ang mga kahalagahan ng mga guhit latitud?

3. Pananaliksik 4. Pangkatang Gawain

Pangkat I a. Suriin ang globo. b. Linyahanng sinulid ang hangganan ng bawat espesyal na parallelc. Lagyan ng tanda ang Pilipinas. Pangkat II a. Pasinagan ng lente ang globo. b. Anu-anog mga espesyal na guhit ang naabot ng diretsong sinag ng araw.c. Anu-anong espesyal na guhit ang naaabot ng philis na sinag ng araw?

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa. Halimbawa: Ang ekwador ang guhit na humahati ng mundo sa hilaga at timog hatingglobo.

2. Paglalapat Gumuhit ng bilog. Ipakita ang mga espesyal na parallel. Lagyan ng disenyo ang bawat isa,

kulayan at ileybel ito.

IV. Pagtataya Bilugan ang titik ng wastong sagot. 1. Saang hatingglobo makikita ang kabilugang arktiko?

a. Hilaga b. timog c. silangan d. kanluran2. Anong espesyal na parallel ang nasa 23 ½ o timog latitud?

a. Tropiko ng Kanser c. Kabilugang Antartiko b. Tropiko ng Kaprikornyo d. Kabilugang Arktiko

3. Nasa zero digri latitud ang ______________ a. ekwador c. International Date Line b. prime meridian d. guhit latitud

V. Kasunduan Gumuhit ng bilog. Ipakita ang mga espesyal naparallel. Itala ang mga bansang matatagpuan dito.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nasasabi ang katangian ng mga guhit longhitud Nasasabi ang kahalagahan ng mga espesyal na guhit longhitud. Prime meridian, International Date Line

II. Paksang-aralin Mga Espesyal na Guhit Longhitud Sanggunian: BEC-PELC 1. A 4, 1. A 4. 1

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globo, mapa at flashcards Pagpapahalaga: Maingat na pagsusuri

III. PamamaraanA. Pammulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga nangyayari sa pamayanan

2. PagsasanayIpatukoy kung parallel o meridian ang nasa flashcards.

a. linyang pahalang o horizontal b. tumatakbo mula hilaga patungong timog c. mga imahinaryong linya d. iisa ang malaking bilog e. tumatakbo sa Silangang-kanlurang direksyon

3. Balik-aral Pangalanan ang mga espesyal na parallel sa larawan. Sabihin Ang kahalagahan nito

Itanong: Ano ang pagkakaiba ng latitude sa parallel? longhitud sa meridian? Ipasulat ang konsepto sa loob ng mga kahon. Bakit mahalaga ang mga guhit na ito?

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

a. Ipasuri ang globo. Ipatuon ang pansin sa mga patayong guhit. Sabihing ang patayong guhit sa globe ay mga guhit longhitud o meridians. Tulad ng mga parallels, inilagay ito sa mapa upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar.

b. Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa mga guliit longhitud o meridian? Sabihin na tulad ng guhit latitud o paralle'ls, mayroon ding espesyal

na guhit longhitud. 2. Pagbubuo ng Suliranin

Anu-ano ang mga espesyal na meridian? Saan-saan matatagpuan? Ano ang kahalagahan nito? 3. Pananaliksik 4. Pangkatang Gawain 5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa

a. Itanong: Ano ang pinakagitnang guhit na longhitudinal? Saan ito matatagpuan? (Ipaturo sa mapa.) Saan dumaraan ang prime meridian? Ipatalunton ita sa mga daliri. Bakit mahalaga ang prime meridian? Ipahanap ang International Date Line, Ipaliwanag ang kabuuan ng -bilog ay 360°.

b. Itanong: Ano ang katapat ng 0°. Bakit hindi tuwid o diretso ang International Date Line? 6. Paglalagom

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng paglalahat a batayang kaalaman tungkal sa paksa. Halimbawa:

May natatanging gawain ang bawat espesyal na guhit sa globa. 2. Paglalapat

Paghambingin ang ekwadar at prime meridian.

IV. Pagtataya Isulat ang wastang sagat.

1._________________________________________________ Ang katapat ng prime meridian ay " 2._________________________________________________-3 Anu-ano ang mga espesyal na meridian?_______at______" 4. Ekwador: hilaga at timog; Prime Meridian: _______at _________.

5. Saang meridian nagpapalit ng petsa at araw tuwing binabagtas ito?

V. Kasunduan Gumuhit ng bilog. Ipakita ang prime meridian at Internattonal Date Line.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

1. Layunin Nasasabi na ang layo ng mga lugar sa mundo ay nasusukat sa digri Nakikilala ang digri latitud (0° latitud)

bilang panukat ng layo ng lugar pahilaga at patimog mula sa ekwador

II. Paksang-aralin Digri Latitud Bilang Panukat sa Layo ng Lugar Mula Ekwador Sanggunian: BEC-PELC 1. A 7,7.1

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globe, mapang pandaigdig, mapa ng Pilipinas, krokis ng mundo at flashcards Pagpapahalaga: Ipagmalaki ang katangian ng Pilipinas

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang pandaigdig 2. Pagsasanay

Tingnan ang krokis ng globo. Pangalanan ang bahaging may bilang. 3. Balik-aral

Paghambingin ang parallel o guhit latitud at meridian o guhit longhitud.Gamitin ang Venn diagram.

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

a. Pagpapakita ng larawan ng barko at eroplanong naglalakbay

b. Hikayating magtahong ang mga bata tungkol sa larawan. Itanong: Bakit kaya sa paglalakbay ng barko sa karagatan at eroplano sa himpapawid ay

nakararating sila sa paroroonan? Sabihin: Aalamin natin kung paano sila nakararating sa tiyak na lugar sa tulong ng latitud at

longhitud na gabay nila. 2. Pagbubuo ng Suliranin

Paano nasusukat ang layo ng isang lugar sa tulong ng latitud? 3. Pananaliksik 4. Pagtalakay sa Paksa Gawain I

a. Ipasuri ang krokis b. Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa krokis? Ano ang tawag sa mga pahalang na guhit? Ano

ang nakikita sa gilid ng bilog? Gawain II

a. Balikan ang krokis.b. Itanong: Nasa anong digri ang ekwador? Gaano ang layo ng mga parallel sa isa't-isa? Ilan ang

kabuuang bilang ng digri mula sa ekwador hanggang polong hilaga? polong timog? Gawain III

a. Ipalagay ang letrang A sa 30° hilagang latitud at B sa 150 Timog latitud. b. Itanong: Saang hatingglobo makikita ang A? B?

Gawain IVa. Isusulat ng guro ang sagot sa pisara. A-30° H Latitud.

Sabihin na sa pagbasa ng latitud sa globo, kinakailangang dugtungan ng hilaga (H) o timog (T) upang masabi kung nasa hilaga o timog sila ng ekwador.

b. Ipabasa ang sagot. Magpakita uli ng krokis at ipagawa sa mga mag-aaral. c. Itanong: Sa anong latitud ang x? Ano ang makikita sa 600 hilagang latitud? Gaano ang layo

ng sa ekwadar? Alin ang pinakamalayo sa timog? Saan matatagpuan ang O? 5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa

Itanong: Ano ang digri latitud? Bakit ito mahalaga? (para malaman ang layo ng isang lugar ) Saan nagmumula ang pagsukat ng isang lugar para malaman ang layo nito maging sa hilaga o sa timog? Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang digri latitud ng globo?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkal sa paksa. 2. Paglalapat

a. Gumuhit ng bilaog. Guhitan ito ng mga parallel at bilangin sa digri na nagmumula sa ekwadar. b. Iguhit ang mga sumusunad sa wastong digri latitud, hilaga o timog ng ekwador.

IV. Pagtataya 1. Paglalapat

b. Gumuhit ng bilog. Guhitan ito ng mga parallel at bilungin sa digri na nagmumula sa ekwadar. b Iguhit ang mga sumusunad sa wastong digri latitud, hilaga o timog ng ekwador.

IV. Pagtataya Suriin ang krokis ng globo. Isulat ang tamang sagot. 1. Gaano ang layo ng sa ekwador?

a. 75° H c. 45° T b. 600 H d. 60° T

2. Saang guhit makikita ang ( ) ? a. 60° H latitud c. 45° T latitud b. 60° T latitud d. 45° H latitud

3. Saan matatagpuan ang ( ) ? a. 45° T latitud c. 30° T latitud b. 450 H latitud d. 30° H latitud

V. Kasunduan Gamitin ang mapa. Ibigay ang latitud na kinaroroonan ng sumusunod na bansa.

Pilipinas Taiwan HaponMalaysia Indonesisa Vietnam

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nakikilala ang digri longhitud (0° long) bilang panukat ng layo ng lugar pasilangan at pakanluran mula sa

prime meridian Naipaliliwanag ang kahulugan ng grid. Nagagamit ang grid bilang pantulong sa paghanap ng isang lugar sa globo at mapa

II. Paksang-aralin Paggamit ng Grid sa Pagsukat ng Layo ng Lugar Sanggunian: BEC-PELC I A. 5, 6, 7.2

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globo, mapa ng Pilipinas, krokis ng globo at marker/ruler Pagpapahalaga: Ipagmalaki ang sariling bansa

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang pang-agham

2. Pagsasanay Ipatukoy ang mga espesyal na guhit sa globo.

3. Balik-aral Pag-aralan ang krokis at ilagay ang mga cutouts sa wastong lugar

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

a. Ipahanap sa globo ang prime meridian at International Date Line.Itanong: Aling bahagi ng mundo ang silangan? kanluran? Anu-anong mga kontinente/bansa ang

nasa silangan? kanluran? 2. Pagbubua ng Suliranin

Paano nasusukat ang layo ng lugar sa silangan o kanluran ng prime meridian? 3. Pananaliksik 4. Pagtalakay sa Paksa Gawain I

a. Ipasuri ang krokis/globo. b. Itanong: Ano ang pinakagitnang guhit na langhitudinal?

Nasa anong digri langhitud ang prime meridian? Gaano ang layo ng meridian sa isa't-isa? Ilang digri longhitud ang layo ng International Date Line mula prime meridian pakanluran? pasilangan? Ano ang ginagamit na panukat sa layo ng lugar pakanluran a pasilangan mula saprime meridian?

Gawain II a. Tingnang muli ang globo. Ilagay ang letrang A at C tulad ng nasa larawan. Itanong: Saang direksyon makikita ang A? Saang digri longhitud ito makikita?

Gawain III a. Ipasuri ang globo at mapa

Itanong: Ano ang napapansin ninyo tungkol sa guhit latitud at guhit longhitud? Sabihin na ang pinagtagpong guhit latitud at longhitud ay tinatawag na grid. Sa

paggamit ng grid natutukoy ang tiyak na kinalalagyan ng isang lugar. b. Ipakita ang mapa ng Pilipinas. Ipahanap ang pulo ng Basilan. Ipalagay ang ruler sa 6°H latitud

at 1220 sa longhitud Itanong: Nasaan ang Basilan?

c. Magbigay ng ilang pagsasanay. 5. Pang-uulat/Pagtalakay sa Paksa

Itanong: Ano ang grid? Bakit mahalaga ang grid? Ano ang prime meridian? Saan matatagpuan ang International Date Line?

6. Paglalagom

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o mga batayang kaalaman tungkol sa paksa. Halimbawa:

Ang digri longhitud ang ginagamit bilang panukat ng layo ng lugar pasilangan o pakanluran mula sa prime meridian.

Ang grid ang pinagtagpong guhit longhitud at latitud. Sa pamamagitan ng grid ay matutukoy ang tiyak na kinalalagyan ng isang lugar.

2. Paglalapat Gamitin ang mapa. Ibigay ang latitud at longhitud na kinaroroonan ng bawat bansa.

Bansa Latitud Longhituda. Pilipinasb. Singaporec. Hongkongd. Malaysiae. Japan

IV. Pagtataya Gamitin ang mapa ng Pilipinas sa pagsagot ng mga tanong.

1. Anong pulo ang nasa 12° H latitud at 120° S longhitud? a, Busuanga b. Romblon c. Semirara d. Sulu

2 Anong pulo ang matatagpuan sa 6° H latitud at 121° S longhitud? a. Sulu b. Basilan c. Tawi-tawi d. Sibutu

3. Anong pulo ang matatagpuan pagitan ng 12° at 13° H latitud at sa pagitan ng 122° at 123° S longhitud? a. Romblon b. Sorsogon c. Panay d. Negros

V. KasunduanSagutin ang sumusunod. Gamitin ang mapa. 1. Saan ka pinanganak? ________HL ________RL 2. Taga saan ang nanay mo? ________ ________ 3. Nasaan ang Maynila? ________ ________

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nagagamit ang north arrow/compass rose sa pagsasabi ng direksyon Nasasabi ang pangunahin at pangalawang direksyon

II. Paksang-aralin Paggamit ng Pangunahin at Pangalawang Direksyon Sanggunian: BEC·PELC 1. A 8

Batayang Aklat sa REKASI 4 Kagamitan: mapa ng Pilipinas, mapa ng pamayanan, compass, kagamitang pansining, cassette tape Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pagkakaroon ng kaalaman

II. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang pangkalusugan

2. Pagsasanay a. Ehersisyo sa saliw ng musika b. Sa pamamagitan ng dyads mag-uusap ang mga bata tungkol sa isang bagay na nawawala o lugar na

hinahanap. 3. Balik-aral

Ipasusulat sa pisara sa tulong ng cluster map ang mga salitang ginagamit nila sa pagbibigay ng direksyon.

B. Panlinang na Gawain 1. Pahahanda

A N NADireksyon

Silangan Kanluran Hilaga Timog Etc.

Ano ang – Pangunahing

direksyon? Pangalawang

direksyon? Mga instrument sa

pagsasabi ng direksyon?

2. Pabbubuo ng SuliraninAnu-ano ang mga pangunahing direksyan? Anu-ano ang pangalawa o sekundaryang direksyan?

Ano ang instrumentang ginagamit sa pagsasabi ng direksyan? 3. Pananaliksik 4. Pangkatang Gawain

Pangkat IIpakita sa pamamagitan ng guhit ang pangunahin at pangalawang direksyon.

Pangkat IIa. Iguhit o kumuha ng larawan ng compass/compass rose at north arrow. Ilarawan ito. b. Ipakita sa mapa ang gamit nito. Pangkat IIIa. Paano ang pagsasabi ng direksyan kung walang compass? Ipakita sa klase.

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa Itanong: a. Anu-ano ang mga pangunahing direksyan? pangalawang direksyan? Ano ang pagkakaiba ng

pangunahin (kardinal) at pangalawang direksyon (kalahatang direksyan)? b. Ano ang ginagamit na gabay sa paghahanap ng isang lugar? Ana ang campass? compass rose? north

arrow? Ilarawan ito. Paano ito ginagamit? Ano ang gamit ng north arrow? Kung walang compass, paano ang pinakamadaling paraan sa pagsasabi ng direksyan?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o mga batayang kaalaman tungkol sa paksa. Halimbawa:

Ang compass ay isang. mahalagang instrumentong ginagamit sa paghahanap ng direksyon. Ang panandang North Arrow ay ginagamit sa mapa bilang batayan sa pagsasabi ng mga direksyon.

Ito ay isang palaso na nakaturo sa hilaga. Ang apat na pangunahing direksyon ay hilaga, timog, silangan,at kanluran. Tinatawag na pangalawang direksyon ang nasa pagitan ng pangunahing direksyon.

2. Paglalapata. Basahin ang mga sumusunod at sagutin:

Noong unang panahon, ang mga pirata ay gumamit na ng mapa. Tinawag nila itong mapa ng kayamanan. Ginawa nila ito upang madali nilang matukoy ang pinagbaunan ng ginto, alahas at salapi na kanilang nakuha sa mga pasahero ng mga sasakyang-dagat.

Ikaw man ay maaaring gumamit ng mapang katulad ng mapang ginamit ng mga pirata. Nasa ibaba ang isang halimbawa ng mapa na maaari mong magamit upang matukoy ang

kinalalagyan ng kayamanang ibinaon ng mga pirata. Pag-aralan ito.

b. Hanapin ang kayamanang nakabaon. Sundin ang mga sumusunod: 1. Mula sa daungan, taluntunin ang liku-likong daan. 2. Mula sa puno, lumakad. patungong silangan hanggang makarating sa liku-likong daan. 3. Mula sa puno, lumakad patungong silangan hanggang makarating sa krus na daang malapit sa

kamalig. Lumiko patungong hilaga.4. Pagdating sa kanto, lumiko patungong kanluran hanggang sa marating ang Burol ng Diwata.

Mula rito, matatanaw ang magkasangang daan. 5. Taluntunin ang daan patungong kanluran at tumawid sa tulay na bakal. Huminto sa ibaba ng

tulay. 6. Mula sa ibaba ng tulay lumakad ng sampung hakbang patungo sa punungkahoy. Lagyan ng

ekis ang hinintuan. Dito matatagpuan ang kayamanan. Natagpuan mo ba?

IV. PagtatayaPag-aralan ang larawan at sagutin ang mga tanong. 1. Saang direksyon ang gusaling Bonifacio? 2. Saang direksyon ang pintuan ng paaralan? 3. Saang direksyon ang kantin? 4. Saang direksyon ang gusaling pantahanan? 5. Saang direksyon ang palikuran?

V. Kasunduan 1. Iguhit ang lugar na kinaroroonan ng inyong bahay Sa bandang itaas na sulok, lagyan ng panandang palaso

na nakaturo sa hilaga . 2. Tukuyin ang mga kalyeng nakapalibot sa kinaroroonan ng inyong bahay.

a. sa silangan ______________b. sa kanluran ______________c. sa hilaga ______________d. sa timog ______________

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

1. Layunin Nagagamit ang pangunahin at pangalawang direksyon sa pagsasabi ng kinalalagyan ng isang lugar batay sa

lokasyon ng ibang lugar (relative location)

II. Paksang-aralin Kaugnay na Lokasyon ng Isang Lugar Sanggunian: BEC-PELC 1. A 9

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: mapa ng Pilipinas, mapa ng'Asya, mapa ng NCR, larawan ng gubat Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kaalaman sa direksyon

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang pampalakasan

2. Pagsasanay a. Laro - Treasure Hunt (Pilngkatang Gawain) b. Bigyan ng activity card at pinalaking larawan ng gubat Sitwasyon: May batang naligaw sa gubat.

Nakasalubong siya ng matanda na nagturo sa kanya ng landas pauwi. Masundan mo kaya? c. Sundin ang mga sumusunod na panuto. Lagyan ng x kapag narating ang lugar na may salungguhit.

1. Mula sa X lumakad patimog hanggang sa punong nakabuwal. 2. Pagdating sa punong nakabuwal lumiko at sundan ang landas patungong silangan.3. Mula sa lawa, lumakad nang pahililga at huminto sa maraming punungkahoy. 4. Mula rito, tuntunin ang liku-likong daan patungong silanganhang gang umabot ka sa krus

na daan. Lumiko at lumakad patimog.Sa dulo ng daan makikita ang isang kubo sa tabi ng malaking puno. May dalawang land as dito. Sundan ang landas patungong silangan.Itanong: O, ano nakalabas ka ba sa gubat? Saang landas kayo lumabas? Ano ang

nakatulong sa inyo? Anu-ano ang mga direksyong iyon? Ano ang iyong pinagbatayan sa pagtukoy ng direksyon.

3. Balik-aral a. Ipakita ang mapa ng Pilipinas. b. Itanong: Anog pananda ang nakikita sa bandang itaas ng mapa? Saan ito. nakatura? Batay sa north

arrow nasaan ang Batanes? Saranggani? Catanduanes? Palawan?

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

Ipakita ang isang mapa ng pamayanan. Pag-aralan ito.2. Pagbubua ng Suliranin

Ano ang mga pangunahing direksyan? mga pangalawang direksyan?3. Pagsasaliksik 4. Pangkatang Gawain

Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Bawat pangkat ay guguhit ng pamayanan. Sasabihin kung anu-ano ang matatagpuan sa iba't-ibang direksyan, pangunahin o pangalawang direksyan.

5. Pag-uulatlPagtalakay sa Paksa a. Itanong: Nasaan ang plasa?

Kung ang plasa ang gagawing batayan. Anong gusali ang nasa kanluran nito? Anong gusali ang nasa silangan?

b. Itanong: Saang direksyan naroron ang munisipya? Anong gusali ang ginamit na batayan?

c. Itanong: Kung ang pamilihan ang magiging batayan, nasaan ang plasa? Nasaan ang restauran? Ano ang gusaling nasa Timog-kanluran ng pamilihan? Ano ang gusaling ginawang batayan?

6. PaglalagomPaaalala: Ang tsart ay ginagawa ng guro sa pisara habang nagtatalakayan.

a. Tingnan ang pagsasaayos ng mga lugar sa tsart. b. Itanong: Ano ang napansin ninyo sa mga lugar? Nagbago ba?

Sa direksyon ng mga lugar, may pagbabago ba? Bakit nagbago ang direksyon ng mga lugar?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat at batayang kaalaman tungkol sa paksa. Halimbawa:

Ang direksyon ng isang lugar ay naaayon sa pinagbabatayang lugar. Ang direksyon ng isang lugar ay batay sa kinalalagyan o lokasyon ng ibang lugar.

Ginagamit ang pangunahin at pangala ang direksyon sa pagsasabi ng lokasyon ng isang lugar. 2. Paglalapat

Kumuha ng mapa ng Pilipinas at Asya. Pansinin ang north arrow. Saan ito nakaturo? Pangkat I

Pag-aralan ang mapa ng NCR. Hanapin ang Maynila. Anu-ano ang mga lungsod at lalawigan ang nakapaligid dito?

Pangkat II Narito ang mapa ng Luzon. Hanapin ang Bulacan. Anu-anong mga lalawigan ang nasa bandang

timog nito? hilaga? kanluran? silangan? Pangkat III

Suriin ang mapa ng Asia. Hanapin ang Pilipinas. Anu-anong mga bansang kalapit nito? Gamitin ang iba't ibang-direksyon H,S, T, at K. Pangkat IV

Suriin ang mapa ng Pilipinas. Itala ang mga karagatang nakapaligid dito.

IV. PagtatayaHanapin sa mapa ng Pilipinas ang sagot sa mga sumusunod na tanong: 1. Si Mr. Santos ay nasa Maynila. Ibig niyang magbakasyon sa Baguio. Saang direksyon siya patutungo?

a. Hilaga c. Kanluran b. Timog d. Silangan

2. Anong lalawigan ang nasa dakong silangan ng Tarlac? a. Zambales c. Nueva Ecija b. Pangasinan d. Pampanga

3. Nasa Bataan si Mrs. Ramos. Mamamakyaw siya ng bigas sa Bulacan. Saang direksyon siya patutungo? a. Hilagang-silangan c. Timog-silangan b .. Hilagang-kanluran d. Timog-kanluran

V. Kasunduan Magdisenyo ng isang pamayanan. Gawing puntong reperensya ang inyong tahanan. Sa bandang silangan - may simbahan at paaralanSa bandang kanluran - may pamilihan at estasyn ng pulisSa bandang timog - may palaruan o parkeSa bandang hilaga - may ospital

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nagagamit ang globo/mapa sa pagtukoy ng tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas

II. Paksang-aralin Tiyak na Kinalalagyan ng Pilipinas Sanggunian: BEC-PELCI. A 10

Batayang Aklat ng HEKASI.4 Kagamitan: globo, mapang pandaigdig, mapa ng Pilipinas at cutouts Pagpapahalaga: Nabibigyang halaga ang kaalaman sa paggamit ng globo o mapa

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan tungkol sa mga bagong proyekto ng pamahalaan sa inyong mga pamayanan

2. PagsasanayMagpakita ng mapa ng isang pamayanan. Ipasagot ang mga tanong tungkol dito.

a. Anong gusali ang nasa timog? b. Anong gusali ang nasa Hilagang-kanluran? c. Saang direksyon ang pamilihan? d. Saang direksyon makikita ang sinehan? e. Pagkatapos ng klase, pupunta sa plasa ang mga magaaral. Saang direksyon sila patutungo?

3. Balik-aral Suriin ang mapa ng Pilipinas. Itanong: Kung ang pagbabasihan ay Panay, nasaan ang Romblon? Kung ang pagbabasihan ay Masbate, nasa anong direksyon, ang Romblon? Kung ang gagamitin

ay pulo ng Tablas, nasaan ang Romblon? Ano ang tiyak na kinalalagyan ng Panay? Romblon? Masbate? Tablas?

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

Ipahanap ang Pilipinas sa globo at mapang pandaigdig, nasaan ang Pilipinas? 2. Pagbubuo ng Suliranin

Ano ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas? 3. Pananaliksik 4. Pangkatang Gawain

Nasaan ang Pilipinas? PangkatI a. Suriin ang globo. b. Tukuyin ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas batay sa

lupalop o kontinenteng kinaroroonan kinalalagyan nito sa Asia hating-globong kinaroroonan

c. Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit Anu-anong mga anyong tubig ang nakapaligid dito?

Pangkat II a. Tukuyin ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas batay sa malalaking anyong tubig na

nakapaligid dito. b. Balangkasin ang mapa at isulat ang karagatang nakapaligid dito. Anu-anong mga bansa ang

nakapaligid dito? Pangkat III a. Tukuyin ang lokasyon ng Pilipinas. b. Isa-isahin ang mga karatig bansa sa iba't-ibang direksyon.

Ano ang tiyak na kinalalagyan ng ating bansa? Pangkat IV a. Tukuyin ang lokasyon ng Pilipinas. b. Ipakita sa pamamagitan ng grid ang hangganan ng Pilipinas sa digri latitud at digri longhitud . c. Lagyan ng tanda sa globo at mapa.

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa Itanong: Nasaan ang Pilipinas? Anu-anong mga anyong tubig ang nakapaligid dito? mga bansa? Ano

ang tiyak na kinalalagyan ng ating bansa?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat at mga batayang kaalaman tungkol sa paksa. Halimbawa:

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-silangang Asya. Nasa hilagang hatingglobo ito, napaliligiran ito ng mga bansa at anyong tubig.

Ang tiyak na lokasyon nito ay sa pagitan ng 4° - 21°H latitud at 116° - 127° S longhitud. 2. Paglalapat

Gumuhit ng malaking bilog. Gawin itong globo. Ipakita sa globo ang kinaroroonan ng Pilipinas. Kulayan ito.

IV. Pagtataya A. Gumuhit ng malaking bilog. Ipakita ang kinaroroonan ng Pilipinas. Kulayan ito. B. Isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas? a. Timog-kanluran c. Gitnang-silangan b. Timog-silangan d. Pinakatimog ng mundo

2. Alin sa mga sumusunod na anyong tubig ang nasa silangan ng Pilipinas? a. Pacific Ocean c. Karagatang Atlantiko b. Karagatang Indian d. Karagatang Arktiko

3. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas? a. 4°- 20° H latitud at 116° - 127° S longhitud b. 4° - 21° H latitud at 116° - 126° S longhitud c. 4° - 20° H latitud at 116° - 127° S longhitud d. 4° - 21° H latitud at 116° - 127° S longhitud

V. Kasunduan Iguhit ang mapa ng Pilipinas sa grid.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nagagamit ang iskala ng mapa sa pagsasabi ng sukat at layo ng isang lugar sa ibang lugar Nakikilala na ang malaking bagay ay maaaring katawanin ng maliit na bagay

II. Paksang-aralinAng IskalaSanggunian: BEC-PELC 1 A 11, A 11.1

Batayang Aklat sa Hekasi 4Kagamitan: ruler, kartolina, meter stick at cutoutsPagpapahalaga: Nagbibigay halaga ang kaalaman sa paggamit ng iskala ng mapa

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. BalitaanPababalitaan ng mga balitang naririnig sa radyoo napanood sa telebisyon

2. Pagsasanaya. Ipatukoy ang nasa larawan at ibigay an gamit nitob. Ipatukoy ang sistema ng direksyong ipinakikita sa krokis.

3. Balik-aralAno ang nagpapakita ng pangunahin at pangalawang direksyon? Paano isinusulat ang mga direksyon?

B. Panlinang na Gawain1. Paghahanda

Pagbuo ng Puzzel Guguhit ng isang parihaba ang guro sa pisara. Ipakukuha niya ang cutouts sa mesa na may direksyon

sa likod. Babasahin ito ng bata at susundin ang sinasabing direksyon.2. Pagbuo ng Suliranin

Ano ang iskala? Saan ginagamit ang iskala? Paano ginagamit ang iskala?3. Pananaliksik4. Pangkatang Gawain

Gamitin ang inyong iskala. Kunin ang laki ng sumusunod ast iguhit itoPangkat Bagay na Susukatin Akwal na Sukat Pinaliit na Sukat

IIIIIIIVV

BlackboardTable topCabinetpintuan

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa Ipasuri sa mga bata ang larawan o nabuong puzzle at ang aktwal na silid-aralan: a. Itanong:

Pareho ba ang hugis, kagamitan at laki ng nasa larawan at sa aktwal n.a silid-aralan? Paano nagkakapareho? nagkakaiba? Sabihin na maaaring ibigay ang aktwal na sukat sa pinaliit na modelo sa pamamagitan ng paggamit ng iskala at pagpapakita ng mapa. Ipakita ang iskala at ipaliwanag ang katumbas na yunit na panukat.

Gawain I Paggawa ng Iskala a. Tiklupin ang kartolina upang tumigas tulad ng ruler. b. Kopyahin ang is kala sa tabi ng tiniklop na papel. Gawain II Pagsukat ng classroom a. Sukatin ang kwarto sa pamamagitan ng meter stick. b. Bilangin ang puwang sa iskala at kwentahin kung gaano ito kalaki.

6. Paglalagom Ano ang iskala? Saan ito ginagamit? Bakit mahalaga ito?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.

Halimbawa:

Maaaring ibigay ang aktwal na sukat sa pinaliit na modelo sa pamamagitan ng paggamit ng iskala. 2. Paglalapat

Paggawa ng mapa. Gumamit ng iskala. Pangkat Bagay na Susukatin Aktwal na Sukat Pinaliit na Sukat

IIIIIIIV

PisaraTable topCabinetpintuan

IV. Pagtataya Basahin ang bawat aytem at isulat ang tamang sagot.

1. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 50 kilometro, ang 3 sentimetro ay magiging katumbas ng ______. a. 200 km c. 100 km b. 150 km d. 300 km

2. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 100 kilometro, ang 1,000 kilometro ay katumbas ng _____.a. 20 sm c. 10 sm b. 5 sm d. 1 sm

3. Ilang metro ang 1 sentimetro sa iskala? a. 5 m c. 20 m b. 10 m d. 30 m

V. Kasunduan Gumawa ng mapa ng inyong pamayanan. Gumamit ng iskala.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nagagamit ang is kala ng mapa sa pagsasabi ng sukat at layo ng isang lugar sa ibang lugar. Nasusukat ang layo ng isang lugar sa ibang lugar sa tulong ng iskala ng mapa.

II. Paksang-aralin Paggamit ng Iskala Sanggunian: BEC-PELC 1. A 11, I. A 12

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: mga larawan, road map, mapa ng pamayanan, mapa ng Pilipinas, show cards, ruler at cartolina Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang kaalaman sa pagsukat ng layo ng isang lugar.

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Talakayin ang mga balita tungkol sa ekonomiya ng bansa.

2. Pagsasanay . Everybody Show

Isulat ang iskala at sabihin kung ano ang ipinahihiwatig nito. 1 sentimetro ang katumbas ng 1 metro (1 sm : 1 m).

Ang ibig sabihin nito ay ang 1 sentimetro sa mapa ay katumbas ng 1 metro sa lupa at 1 sentimetro ay katumbas ng 50 kilometro (1 sm : 50 km) Ang ibig sabihin nito ay ang isang sentimetro sa mapa ay katumbas ng 50 kilometro sa lupa .

Kung ang iskala ay 1 sm : 10 m, ano ang sukat ng lupa kung ito ay may 4 na sentimetro sa mapa? 3. Balik-aral

Pangkatang Gawain a. Ilabas ang gawaing-bahay. Pag-usapan ito. Pumili ng isa at iulat sa klase. b. Gupitin ang pinaliit na aala at idikit sa pisara.

Iskala - 1 sm : 3 ft.

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

Paglalahad ng mapa. Itanong: Gaano ang layo ng simbahan mula sa paaralan?

a. Ipagawa ang panukat bago magsukat. Magtiklop ng papel upang tumigas ito. Lagyan ng mga guhit na kasukat ng iskala sa mapa.

b. Ipasukat ang layo ng mga lugar na ginagamit ang panukat na ginawa. Sabihin: Sa pamamagitan ng inyong ginawang panukat, sukatin ang layo ng paaralan sa simbahan. Itanong: Kung ang isang hati o isang sentimetro ay katumbas ng 10 kilometro, ilang kilometro ang

layo ng paaralan sa simbahan? Gaano naman ang layo ng palengke mula simbahan? Munisipyo sa palengke? Parke o ospital? atbp.

2. Pagbubuo ng SuliraninAno ang gamit ng iskala sa mapa? Paano ginagamit ang iskala sa mapa?

3. Pagsasaliksik 4. Pangkatang Gawain Pangkat I at III Pag-aralan ang mapa sa ibaba. Gamitin ang iskala at ruler sa pagsagot sa tanong.

a. Gaano kalayo ang simbahan sa palengke? b. Gaano kalayo ang palengke sa ilog? c. Gaano kalayo ang toll gate sa clover leaf? d. Ilang metro ang layo ng simbahan mula sa clover leaf?

Pangkat II at IV Pag-aralan ang road map sa ibaba. Gamitin ang iskala upang masagot ang mga tanong sa ibaba. a. Gaano kalayo ang Recto sa Laguna?b. Ano ang distansya ng Mabini sa Rizal?c. Gaano kalayo ang Mabini sa Recto? d. Paano mo nasagutan ang bilang 3? e. Ano ang nakatulong upang masagutan ang layo ng mga lugar.

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa

Itanong: Ano ang unang tinitingnan sa mapa para mapadali ang pagsukat ng layo o distansya ng isang lugar sa ibang lugar sa mapa? Ano ang sinasabi ng iskala? Paano maaaring masukat ang layo ng isang lugar sa ibang lugar sa mapa?

C. Pangwakas ng Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa. Halimbawa:

Ang layo ng isang lugar sa ibang lugar ay nasusukat sa pamamagitan ng iskala

2. Paglalapat Sa pamamagitan ng iskala, alamin ang layo ng lugar sa ibang lugar. Sagutin ang mga tanong

pagkatapos.

IV. Pagtataya Pag-aralan ang mapa ng Luzon. Gumawa ng panukat at gamitin ang iskala sa pagsagot ng mga tamng

tanong. 1. Nasa Pampanga si Lito. Pupunta siya sa Benguet. Gaano kalayo ang Benguet sa Pampanga? 2. Gaano kahaba ang lalawigan ng Quezon? 3. Gaano kalayo ang Tarlac sa Bataan? 4. Luluwas ng Maynila si Mang Tonyo, magmula Ilocos Sur, ilang kilometro ang tatakbuhin ng bus

patungo ng Maynila? 5. Ang 2nd lap ng karera ng bisikleta ay magmumula sa Pangasinan patungong Bataan. Pagkatapos ay

babalik sa Pangasinan. Ilang kilometro lahat ang tatakbuhin ng mga karerista?

V. Kasunduan Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas. Gumawa ng panukat na naaayon sa iskala. Hanapin ang Maynila.

Alamin ang distansya/layo nito sa iba pang lalawigan.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Naipaliliwanag kung paano ang pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis ay nagiging dahilan ng araw at gabi Nasasabi na ang mundo ay umiikot sa kanyang sariling aksis minsan sa loob ng 24 na oras Nasasabi ang dahilan ng pagkakaiba ng temperatura sa araw at sa gabi

II. Paksang-Aralin Pag-ikot ng Mundo sa Kanyang Aksis Sanggunian: BEC-PELC 1. B 1, B 1.1, B 1.2

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globe, flashlight, beyblade, trumpo at kagamitang pansining Pagpapahalaga: Pahalagahan ang pagkakaroon natin ng magandang kapaligiran

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. BalitaanTalakayin ang mga balita tungkol sa pagpapalaganap ng turismo sa bansa.

2. Pagsasanay Laro: Beyblade Contest

Ipalarawan ang beyblade - hugis, tulis o parang pako na iniikutan nito. Ipalaro ang patagalang pag-ikot ng beyblade.

3. Balik-aral Ipahanap ang kanilang mga lalawigan. Alamin ang laki nito. Ipagamit ang natutunan sa paggamit

ng iskala.

B. Panlinang na Gawain1. Paghahanda

a. Itanong: Nakakita kanaba ng trumpo? Sabihing katulad ng beyblade, ito ay umiikot din. (paikutin). Ipapansin ang hugis at ang nagpapaikot nito. b. Itanong: Alam mo bang ang mundo ay gumagalaw rin katulad ng isang trumpo?

2. Pagbubuo ng Suliranin Paano umiikot ang mundo? Ano ang nangyayari kapag umiikot ang mundo?

3. Pagsasaliksik 4. Patalakay sa Paksa

Gawain I a. Hawakan ang globo ng dalawang kamay at paikutin ito mula kanluran pasilangan. b. Itanong: Ano ang kinakatawan ng globo?Ano ang nangyayari sa mundo? Saan ito umiikot? Sa

anong direksyon umiikot ang mundo? Anong mosyon ang ipinakikita nito? Dahil sa pasalungat na pag-ikot ng mundo, saan tila sumisikat at lumulubog ang araw?

Gawain IIa. Pailawin ang flashlight at itutok sa globo. Dahan-dahan paikutin ang globo habang pinasisinagan

ng flashlight. Isulat ang inyong obserbasyon.b. Itanong: Ano ang kinatawan ng flashlight? Ano ang napansin nyo sa bahaging naiilawan ng

flashlight? Bakit? Ano naman ang mapapansin nyo sa bahaging di naabot ng sinag ng flashlight? Bakit? Ano ngayon ang nararanasan ng bahagi ng mundong naaabot ng sinag ng araw? Ano naman ang nararanasan sa bahaging di-naaabot ng sinag ng araw o nakatalikod sa araw? Bakit tayo nakararanas ng gabi at araw? Ilang oras tumatagal ang gabi? araw? Anong nangyayari sa temperatura kapag gabi? araw? Bakit

Gawain III a. Hanapin ang Pilipinas sa globo. Lagyan ito ng tape. Pasinagan o pailawan ng flashlight ang Pilipinas.

Isulat ang inyong obserbasyon. b. Ano ang nararanasan'ng bansang Pilipinas? Anu-ano pang mga bansa ang nakararanas nito? Anu-

anong mga bansa naman ang nakararanas ng gabi? c. Itanong: Saan umiikot ang mundo?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa. Halimbawa:

Ang mundo ay umiikot sa sariling aksis mula kanluran na rotasyon. Ito ang dahilan ng

pagkakaroon ng araw at gabi. Ang isang kumpletong rotasyon ng mundo ay umaabot sa 24 na oras. Mataas ang temperatura kung araw at mababa kung gabi.

2. Paglalapat Ipakita ang tanawin kung araw at kung gabi. Gamiting background ang asul sa araw at itim sa

gabi.

IV. Pagtataya Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang pag-ikot ng mundo sa sariling aksis ay tinatawag na ________________

a. rebolusyon c. direksyon b. rotasyon d. imahinasyon

2. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng gabi at araw? a. Ang pagligid ng mundo sa araw b. Ang pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis c. Ang pagtaas ng temperatura sa araw d. Ang paggalaw ng mundo

3. Umiikot ang mundo sa direksyong patungong _______ . a. hilaga - timog c. kanluran - silangan b. timog - silangan d. silangan - kanluran

V. Kasunduan Sa pamamagitan ng Venn diagram, paghambingin ang nagaganap sa gabi at sa araw.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Naipaliliwanag kung paanong ang pagligid ng mundo sa araw ay nagiging dahilan ng pagkakaiba ng

panahon at klima sa iba't ibang bahagi ng mundo Natutukoy na ang mundo ay lumiligid sa araw sa loob ng 365 ¼ araw Nasasabi na ang mundo ay nakahilig sa kanyang aksis ng 23 ½ habang lumiligid sa araw

II. Paksang-aralin Pagligid ng Mundo sa Araw Sanggunian: BEC-PELC 1. B 2; B 2.2

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: larawan, kalendaryo, kagamitang pansining Pagpapahalaga: napapahalagahan ang kaalaman ukol sa mundo

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagtalakay sa mga pangunahing isyu

2. Pagsasanay Laro: Gagawa ng malaking bilog. Pagpito ng guro, tatakbo ang mga bata sa direksyong isinigaw

ng taya. Ang isisigaw niya ay maaaring "gabi o araw". 3. Balik-aral

Itanong sa mga mag-aaral kung ana ang nalalaman nila tungkol sa rotasyon. Gamitin ang concept map sa pagtatala ng mga sagot.

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

a. Magpakita ng larawan. Pag-uusap-usap tungkol ditob. Itanong : Ano ang inyong napapansin sa galaw ng mundo?

2. Pagbubuo ng Suliranin Ano ang tawag sa mosyong pagligid ng mundo sa araw?Anong pagkakaiba nito sa rotasyon?

3. Pananaliksik 4. Pangkatang Gawain

PangkatI a. Itanong: Ano ang rebolusyon?

Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit/drowing. b. Itanong: Ano ang tawag sa dinaraanan ng mundo habang lumiligid sa araw?

Kailan pinakamalapit ang mundo sa araw? pinakamalayo? Pareho ba ang rotasyon at rebolusyon? Ilang araw umaabot ang isang buong ligid ng mundo sa araw?

Pangkat II a. Isakilos ang pag-ikot ng mundo sa sariling aksis. b. Pumili ng dalawang kamag-aral na gaganap ng mundo (A) at araw (B).

Si A ay tatayo lamangng tuwid sa gitna ng bilog. Si B ay tatayo sa harap ni A ng may dalawa o tatlong talampakan. Pagkatapos liligid si B kay A habang umiikot din sa sarili nang pasilangan.

Pangkat III

Sa pamamagitan ng Venn diagram, paghambingin ang rotasyon at rebolusyon.

Pangkat IV Magpakita ng kalendaryo at isulat ang bilang ng bawat buwan.

a. Itanong: Paano nagkakaroon ng leap year? Ipaliliwanag ito ng guro na dalawa ang galaw o mosyon ng mundo.

b. Itanong: Pareho ba ang galaw ng dalawa? Paano ba nagkakaiba? 5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa

Itanong: Bukod sa rotasyon, ano pa ang isang galaw ng mundo? 6. Paglalagom .

Anu-ano ang dalawang galaw ng mundo?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat at batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay. Halimbawa:

Habang umiikot ang mundo sa kanyang aksis, lumiligid din ito sa isang eliptikal orbit. Ang mosyong ito ay tinatawag na rebolusyon. Lumiligid ang mundo sa arawsa pasilangang direksyon. Arig isang kumpletong rebolusyon ay tumatagal ng 365 ¼ . na araw o katumbas ng isang taon.

2. Paglalapat

Alamin ang kasagutan. Ipinanganak si Helen noong ika-19 ng Enero, 1995. Kung pagbabatayan ang taon ng kanyang

kapanganakan. a. ilang pagligid ng mundo sa araw ang naganap mula noon? b. ilang taon na siya ngayon?

IV. Pagtataya Lagyan ng tsek () ang bawat patlang na nagsasabi tungkol sa rebolusyon

ng mundo. 1. Lumiligid sa araw 2. Nagiging dahilan ng araw at gabi 3. Umiikot sa sariling aksis ng pasilangang direksyon 4. Umiikot ng 365 ¼ na araw 5. Sinusundan ang eliptikal na orbit sa pagligid sa araw

V. Kasunduan Iguhit at kulayim ang dalawang mosyon ng mundo.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Naipaliliwanag kung paanong ang pagligid ng mundo sa araw ay nagiging dahilan ng pagkakaiba ng panahon

at klima sa iba't-ibang bahagi ng mundo Nasasabi na ang mundo ay nakahilig sa kanyang aksis ng 23 ½ habang lumiligid sa araw

II. Paksang-aralin Pagkakaiba-iba ng Panahon sa Iba't Ibang Bahagi ng Mundo Sanggunian: BEC-PELC I. B 2, I. B 2.2

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globe, larawan ng mundo, lente Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng gabi at araw

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagtglakay sa mga pangunahing balita sa bansa

2. Pagsasanay Pag-aralan ang larawan ng mundo. Pangalanan ang iba't-ibang bahagi nito.

3. Balik-aralAnu-ano ang dalawang mosyon ng mundo? Ano ang rebolusyon? (Gamitin ang concept kluster.)

B. Panlinang na Gawain 1. Pahahanda

a. Magpakita ng mga larawang nagpapahiwatig ng iba't-ibang panahon at klima sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Pag-usapan ito.

b. Linangin ang konsepto ng panahon batay sa larawan sa itaas. 2. Pagbubuo ng Suliranin

Bakit nagkakaiba-iba ang panahon sa mundo? 3. Pananaliksik 4. Pangkatang Gawain Gawain I

a. Lagyan ng tanda ang hilagang hatingglobo. b. Paikutin ang globo at pasinagan ng lente. Pag-usapan ang obserbasyon.

Itanong: Anong napapansin ninyo sa hilagang hatingglobo? Paano ito naaabot ng sinag ng araw? Anong panahon ang nararanasan dito? Ano ang nararamdaman sa ganitang panahon? Anu-anong mga buwan nararanasan ang tag-init sa hila gang hatingglobo? Kailan nangyayari ang pinakamahabang araw at pinakamaikling gabi? Ipakita ang larawan.

Gawain II Paikutin muli ang globo hanggang makarating sa sangkapat ¼ na bahagi ng paglalakbay at pasinagan

ng lente. Itanong: Anong napapansin ninyo sa mga polo? Anong nangyayari sa mundo? Ano naman ang panahon

sa hilagang hatingglobo? Anu-anong buwan nararanasan ito? Ipakita ito sa larawan. Gawain III

a. Paikutin muli ang globo hanggang makarating sa kalahatian ¾ Pasinagan ng lente. b. Itanong: Sa kalahatian ng paglalakbay, anong nangyayari sa mundo? Anong panahon mayroon ito?

Ano ang nararanasan sa hilagang hatingglobo? Anu-anong mga buwan nararanasan ang tag-lamig? Ipakita sa larawan.

Gawain IV a. Paikutin muli ang globo hanggang makarating sa ikatlong kapat ¾ ng kanyang rebolusyon.

Pasinagan ng lente. b. Itanong: Ano ang nangyayari sa mundo? Anong panahon ang nararanasan ng mga taga hila gang hatingglobo? Bakit tinatawag ang panahon na tagsibol?

5. Pagtalakay sa Paksa a. Ipakita ang larawan at mag-usap-usap tungkol dito.

b. Taluntunin ang paglalakbay ng mundo sa paligid ng araw. Bigyang pokus ang posisyon ng mundo.

Pansinin ang posisyon ng mundo habang umiikot sa araw. Habang ang mundo ay umiikot at lumiligid sa araw ang kanyang aksis ay nakahilig ng 23 ½ Ang pagkahilig nito ang nagiging dahilan ng pagkakaiba-iba ng mga panahon sa iba't-ibang panig ng mundo. Itanong: Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang masasabi ninyo?Sabihin: nakakiling nang paharap sa araw at may mga panahon na nakakiling nang palayo sa araw

6. Paglalagom Bakit nag-iiba-iba ang panahon sa iba't-ibang panig ng mundo?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay. Halimbawa:

Ang pag-iiba-iba ng posisyon ng mundo habang lumiligid sa araw ang nagiging dahilan ng pag-iiba-iba ng panahon.

2. Paglalapat Gumuhit ng mga larawan ha nagpapahiwatig ng iba't-ibang panahon sa mundo. Sabihin kung saang

bansa nangyayari ang mga ito.

IV. Pagtataya Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang nagiging bunga ng pag-ikot ng mundo at pagligid sa araw na nakakiling nang 23.5°?

2-3. ng hilagang hatingglobo ay nakaharap sa araw at nakararanas ng diretsong sikat ng araw. Anong panahon mayroon ito? Ano naman ang panahon sa timog hatingglobo?

4. Anong panahon nagsisimulang tumubo 0 sumibol ang mga dahon sa puno? 5. Ano ang nangyayari kapag walang polong nakahapay sa araw?

V. Kasunduan Gumupit ng larawang nagpapahiwatig ng iba't-ibang gawain sa iba't-ibang panahon.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Natatalakay kung bakit ang iba't-ibang bahagi ng mundo ay tumatanggap ng iba't-ibang tindi ng sikat ng araw habang lumiligid sa araw Napaghahambing ang panahon ng iba't-ibang latitud ayon sa posisyon ng mundo habang lumiligid sa araw

II. Paksang-aralin Iba't-ibang Tindi ng Sikat ng Araw sa Iba't-ibang Bahagi ng Mundo Sanggunian: BEC-PELC 1. B 2. 3, 1. B 2.4

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globo, krokis ng mundo, lente Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang kaalaman tungkol sa mundo

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalita ukol sa mga pangunahing isyu sa mga pahayagan

2. Pagsasanay Pansinin ang posisyon ng mundo habang lumiligid sa araw. Sabihin kung anong panahon ang

nararanasan ng mga lugar na ito.

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

Pagpapakita ng mga larawan ng iba't-ibang bahagi ng mundo. Alamin kung bakit nagkakaiba tayo ng tinatanggap na tindi ng araw.

2. Pagbubuo ng Suliranin Bakit nagkakaiba-iba ang tindi ng sinag ng araw sa iba't-ibang bahagi ng mundo?

3. Pananaliksik4. Pagtalakay sa Paksa

Gawain Ia. Paikutin ang globo. Itutok ang lente habang pinapaikot itob. Itanong: Ano ang kinakatawan ng globo? ng lente? Ano ang napapansin ninyo sa sinag ng araw na

natatanggap ng iba't ibang bahagi ng mundo? Pare-pareho ba ang natatanggap na matinding sikat ng araw sa iba't-ibang bahagi ng mundo? Bakit? Aling latitud ang tumatanggap ng tindi ng sikat ng araw? Balikan ang krokis sa Balik-aral. Kulayan ito. Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang klima rito? Anu-anong mga bansa ang may ganitong klima?

Gawain II a. Paikutin ang globo habang nakatutok ang lente. b. Itanong: Aling bahagi ng mundo ang hindi tumatanggap ng ditetsong sinag ng araw? Bakit? Paano

ito tumatanggap ng sinag ng araw? Bakit? Nasa anong latitud ang tumatanggap ng pahilis na sinag ng araw? Balikan ang krokis sa Balik-aral at kulayan ang inaabot ng pahilis na sinag ng araw.

Gawain IIIa. Pasinagan ang globob. Itanong: Anong bahagi ng globo ang hindi tumatanggap ng sinag ng araw? (Balikan ang krokis sa

Balik-aral at kulayan ito.) Itanong: Paano lumiligid ang mundo sa araw? Ano ang nangyayari sa-pagligid ng mundo sa araw?

Bakit nagkakaiba-iba ang panahon sa bansa habang ang mundo'y lumiligid sa araw? 6. Paglalagom

Latitud LokasyonSinag ngAraw na

Natatanggap

Klima/Panahon

MababangLatitude

23.5° H-Tropiko ng

Kanser23.5° T-

Kaprikornyo

DiretsoTag-ulanTag-araw

GitnangLatitude

Pagitan ngmataas at

mababa 23.5°at 66.5° T

Pahilis

tag-inittaglagastaglamigtagsibol

Mataas naLatitud

66.5° H / 90° H66.5° T / 90° T

Pahilis/Hinditumatanggap

Lagging malamig6 buwang gabi6 buwang araw

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat at batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay. Halimbawa:

Ang iba't-ibang bahagi ng mundo ay tumatanggap ng iba't-ibang tindi ng sikat ng araw habang lumiligid ito sa araw.

2. Paglalapat Gumuhit ng mundo. Hatiin sa iba't-ibang latitud at guhitan ng iba't-ibang uri ng linya. Kulayan ayon

sa tindi ng tinatanggap na slnag ng araw.

IV. Pagtataya Bilugan ang titik ng wastong sagot. 1. Alin ang naaabot ng diretsong sikat ng araw sa buong taon?

a. mababang latitud c. mataas na latitud b. gitnang latitud d. lahat ng lugar sa mundo

2. Bakit nagkakaiba-iba ang tindi ng sikat ng araw sa iba't-ibang bahagi ng mundo? Dahil sa______a. pag-ikot ng mundo sa sariling aksis c. pagligid ng mundo sa araw b. pagkiling ng mundo d. pag-ilwt ng mundo ng 24 na or as

V. Kasunduan Magtala ng limang bansang matatagpuan sa iba't-ibang latitud. Sa ikatlong kahon, ilagay ang kaukulang

panahon/klimang nararanasan ng mga tao roon.

Bansa Lokasyon Panahon/Klima

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nailalarawan ang klima ng Pilipinas ayon lokasyon nito sa mundo. Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal

II. Paksang-aralinAng Klima ng Pilipinas Sanggunian: BEC-PELC 1. B 3, 1. B 3.1, 1. B 3 2

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: globo, mapa ng Pilipinas, mapa ng mundo, weather report sa dyary Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang klima ng bansa

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan ukol sa mga pangyayarig nabasa o napakinggan

2. Pagsasanay * Pilipinasa. tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas b. kinaroroonang hatingglobo c. nilalatagan sa Asia d. mga karatig bansa e. malaking tubig na nakapaligid

3. Balik-aral Pangalanan ang iba't ibang bahagi ng mundo

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

Magpaskil ng mga larawan na nagpapakita ng iba't-ibang klima sa mundo. 2. Pagbubuo ng Suliranin

Anong klima mayroon ang Pilipinas? Bakit ganito ang klimang nararanasan ng bansa? 3. Pananaliksik 4. Pangkatang Gawain

Bumuo ng tatlong pangkat na tatalakay sa mga salik na may kaugnayan sa klima ng bansa. a. lokasyon at klima b. temperatura at pagkakaiba ng klima c. pag-ulan at pagkakaiba ng klima

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksaa. Ipahanap ang Pilipinas sa globo o mapa.

Itanong: Nasaan ang Pilipinas? Anong klima mayroon ang Pilipinas?b. Balikan ang krokis sa Balik-aral. Palagyan ng ekis X ang Pilipinas.

Itanong:Saang latitud ang kinalalatagan ng Pilipinas? Saan matatagpuan ang mababang latitud? Ano ang taguri sa mga bansang nakalatag dito? Bakit? Ano ang taguri sa bansang Pilipinas? Anong klima mayroon ang Pilipinas bilang isang bansang tropikal?

Sabihin: Ang mga bansang tropiko ay laging tuyo, mainit at maulan sapagkat nasa mababang latitud. Tumatanggap ito ng direktang sikat ng araw kaya dalawa lamang ang uri ng panahon sa buong taon: tag-init at tag-ulan. Ang mga bansang ito ay may klimang tropikal.

Itanong: Anong mga buwan nagsisimula/nagtatapos ang tagulan? Anu-anong mga buwan ang hindi maulan subalit malamig ang panahon? Anu-ano namang mga buwanang mainit?

6. Paglalagom Ipabuo ang organizer.

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubo ng paglalahat o mga batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay. Halimbawa:

Ang Pilipinas ay isang bansang tropical.2 Paglalapat

Gumuhit ng larawang nagpapahiwatig ng mga Gawain ng tag-init

IV. PagtatayaA. Bilugan ang titik ng wastong sagot.1. Alin ang naglalarawan ng klima ng bansa?

______ 1. mainit ______ 2. malamig ______ 3. maulari ______ 4. kataintaman

a. 1 at 2 b. 2 at 3 c. 3 at 4 d. 1 at 32. Saan matatagpuan ang Pilipinas?

a. sa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kanser b. sa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kaprikornyo c. sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikornyo d. sa pagitan ng mababang latitud at mataas na latitude

3. Ilarawan ang Pilipinas. 1) Malapit ito sa ekwador. 2) Nasa mababang latitud ito. 3) Nasa pagitan ito ng ekwador at Tropiko ng Kanser. 4) Pahilis ang natatanggap na sikaf ng araw nito:

a. 1, 2, 3 c. 1 at 2 b. 2, 3, 4 d. 3 at 4

V. Kasunduan Magtala ng mga gawain sa panahon ng tag-init at panahon ng tag-ulan.

Pilipinas, Bansang Tropiko

Klimang Tropikal Mga Gawain

Tag-init

Tag-ulan

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Nagagamit ang mapang pangklima sa paglalarawan ng klima sa iba't-ibang bahagi ng bansa

II. Paksang-aralin Paggamit ng Mapang Pangklima Sanggunian: BEC-PELC 1. B 4.1

Batayang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: mapang pangklima, mga larawan, krokis ng mundo Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang klima ng bansa

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pakikipagbalitaan ukol sa mga pangyayari sa pamayanan.

2. Pagsasanay Ipatukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa globo/mapa o krokis. Itanong: Nasaan ang Pilipinas? Ilarawan ito.

3. Balik-arala. Bakit nabibilang ito sa mga bansang tropical? Ano ang klima rito?b. Pag-aralan ang talahanayan.

4. Pangalananan ang iba’t-ibang latitud.Tukuyin ang klimang nararanasan sa bawat latitude. Isulat ang mga bansang nakakasakop dito.

B. Panlinang na Gawain1. Paghahanda

Itanong: Pareho ba ang nararamdaman ng mga taga-Baguio at taga-Maynila kapag tag-init? Bakit? Bakit tinaguriang summer capital ng bansa ang Baguio? Anong konsepto ang napapaloob dito? Paano nagkakaiba-iba ang klima sa iba't-ibang bahagi ng bansa?

2. Pananaliksik 3. Pangkatang Gawain

a. Suriin ang mga lalawigang saklaw ng: Pangkat I - Unang uri ng klima Pangkat II - Ikalawang uri ng klima Pangkat III - Ikatlong uri ng klima Pangkat IV - Ika-apat na uri ng klima

b. Kulayan ito sa mapa. Unang uri – pula Pangatlong uri - DilawPangalawang uri - Asul Pang-apat na uri - Berde

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa . Itanong: Anu-anong mga lalawigan sa Pilipinas ang may dalawang magkaibang panahon - tag-init

buhat Nobyembre hanggang Abril, tag-ulan sa ibang buwan? Anong uri ng panahon ito? Anu-anong mga lalawigan ang halos walang tag-init at ang pinakamaulaning buwan ay mula Nobyembre hanggang Enero? Anong uri ng panahon ito? Anu-anong mga lalawigan ang halos walang pagbabago sa panahon? Anong uri ng panahon ito? Ano namang mga lugar ang may ulan sa buong taon? Anong uri ng panahon ito?

6. Paglalagom Suriin natin ang mapa. Itanong: Ano ang tawag sa mapang ito? Anu-ano ang mga pananda na ginamit dito? Batay sa mapang

ito, ilang magkakaibang klima mayroon ang ating bansa? Anu-ano ang mga ito?

Uri ng Klima Deskripsyon Mga lalawigan

Unang Uri

Ikalawang Uri

Ikatlong Uri

Ika-apat na Uri

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa.Halimbawa:

Ang paggamit ng mapang pangklima ay mabisang paraan para matukoy ang klima sa iba't-bang bahagi ng bansa.

2. Paglalapat Kumuha ng outline map. Kulayan ito ayon sa uri ng klima.

IV. Pagtataya Isulat ang tamang sagot.

1. Ano ang dalawang pangkalahatang uri ng klima sa Pilipinas? 2. Anong uri ng klima sa karamihang lalawigan sa Mindanao?3. Ikaw ay taga-Lambak ng Cagayan anong uri ng klima mayroon kayo?4. Sa anong direksyon ng bansa ang maulan?5. Anong uri ng klima ang nasa bandang kanluran ng bansa?

V. Kasunduan Gumupit ng balita sa dyaryo tungkol sa panahon. Iulat ito sa klase.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin Naiisa-isa ang uri ng pananim at hayop sa bansaNaiuugnay ang uri ng pananim at hayop sa klima ng bansa.Naipaliliwanag ang kinalaman ng klima sa uri ng pananim sa bansa.

II. Paksang-aralin Kinalaman ng Klima sa Uri ng Pananim at Hayop Sanggunian: BEC-PELC 1. C 1,1. C 2, 1. C 3

Batay.ang Aklat sa HEKASI 4 Kagamitan: mapa, mga larawan ng klima. ' Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang ating mga pananim at mga hayop

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Pagbabalitaan ukol sa mga pagbabagong napapansin sa pamayanan pamayanan

2. Pagsasanay Magpakita ng mga larawang nagpapahiwatig ng ibat-ibang klima o panahon

3. Balik-aral a. Tingnan ang mapang pangklima ng Pilipinas. b. Itanong: Batay sa sanggunian, ilang uri ng klima mayroon ang bansa? Anu-ano ang mga iyon? Anu-

apong mga lugar ang may i:llan halos buong taon? Kulungin/ituro ito sa mapa at lagyan ng tanda.

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda

a. Pagpapakita ng cutouts at pag-uusap-usap tungkol dito a. Itanong: Saan-saang panig nabubuhay ang mga ito? Bakit?

2. Pagbubuo ng Suliranin Anu-ano ang mga uri ng pananim at hayop sa bansa? Ano ang kaugnayan ng klima sa mga pananim

at hayop na nabubuhay sa bansa? 3. Pananaliksik 4. Pangkatang Gawain

Pangkat I a. Iguhit ang mga gulay, bulaklak at prutas na nanggagaling sa Baguio. Kulayan ito. b. Itanong: Saan nanggagaling ang maraming gulay tulad ng repolyo, brokoli at petsay? mga

bulaklak tulad ng chrysanthemum at rosas? prutas katulad ng strawberry? Bakit doon lamang nabubuhay ang mga parianim na iyon?

Pangkat II a. Iguhit ang madawag nakagubatan ng Palawan/Quezon.

Kulayan ito. b. Itanong: Saan-saan matatagpuan ang matitigas na punungkahoy tulad ng narra, apitong at mulawin? Bakit doon lamang nabubuhay ang mga punungkahoy na iyon? Pangkat III a. Iguhit ang mga likas na hayop na nabubuhay sa bansa.

Kulayan ito. b. Itanong: Anu-ano ang mga likas na hayop ang matatagpuan sa bansa? Saan-saang bahagi ng

bansa ito makikita? Bakit doon lamang nabubuhay ang mga hayop na iyon? Pangkat IV a. Gumuhit ng ilang punungkahoy na namumunga. Kulayan ito. b. Itanong: Anu-anong mga punong namumunga at dipangkaraniwang halamang nabubuhay sa bansa?

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa Itanong: Anu-anong mga uri ng pananim ang dapat alagaan kung panahon ng tag-ulan? Tag-araw?

6. Paglalagom Ipasuri ang nabuong tsart upang makabuo ng paglalahat.

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng mga kaalaman tungkol sa paksa. Halimbawa:

May kinalaman ang klima at katangian sa uri ng halamang tumutubo rito. May mga halaman sa isang lugar na hindi makikita sa iba, atbp.

2. Paglalapat Pestibal ng mga bulaklak at hayop Gumawa ng maskara ng hayop ang mga naman ay gagawa ng

bulaklak-na headgear

IV. Pagtataya Piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang matatagpuan saan mang dako ng bansa dahil matibay sa init at lamig?

a. agila c. kalabaw b. tamaraw d. kabayo

2. Anong mga pananim ang tumutubo sa lugar na maikli ang tag-araw.a. akasya, kawayan, kugon, talahib b. apitong, lawaan, tangile, yakal c. aguho, bakawan, pawid, talisay d. kamagong, mais, molave, palay

3. Malamig ang klima sa Baguio kaya roan ay maraming _____ a. mansanas b. bayabas c. strawberries d. lansones

V. Kasunduan Gumuhit ng paboritong pananim a hayop. Sumulat ng talata tungkol dito.

Remarks: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________