Upload
others
View
29
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Ang pahayag ni Jesu Kristo kay Juan (Apocalipsis 1:9-18)
Saan: sa Patmos (1:9)
Kailan: Sa araw ng Panginoon (1:10)
Paano: gaya ng Mataas na Saserdote (1:12-18)
Ang liham sa pitong pitong iglesia (Apo. 1:11, 19-20; 2:1-7)
Paano ipapaliwanag ito (1:11, 19-20)
Ang mensahe sa iglesia ng Efeso (2:1-7)
Nagsimula ang Apocalipsis sa isang bukas naliham sa pitong iglesia sa Asia Minor (Turkey). Ang pagkakasunod ng mga iglesia ay kagaya ng sinusunod ng taong nagdadala ng mga liham.
Idinikta ni Jesus ang liham kay Juan. Bawatdetalye sa liham ay may natatangingkahulugan, kabilang ditto ang kanyang paraanat mensahe sa mga iglesia. Mayroon paring espesyal na kahulugan ito ngayon sa atin kahitnaisulat ito halos 2000 taon na ang nakalipas.
Patmos Epheso
Smirna
Pergamo
Tiatira
SardisFiladelfia
Laodicea
DAGAT EGEO
ANO ANG MERON SA PATMOS?
• Ang Patmos ay mabato at tigang na isla (10x6 mi—16x10 km). Ginawa ng mga taga Roma itong bilangguan.
BAKIT NANDOON SI JUAN?
• Inakusahan siyang nangangaral ng malingpananampalataya tungkol Kay Jesus noongmatanda na siya. Ang emperor ng Roma na siDomitian ang nagpatapon sa kanya doon (sapagitan ng 81 at 96 AD)
ANO ANG GINAWA NI JESUS PARA SA KANYA?
• Dinalhan ni Jesus si Juan ng mga salita ng pag-asa at kasiglahan, gaya ng ginawa Niya sa mgakaibigan ni Daniel sa hurnuhan at kay Esteban noong siya ay pinatay.
Makakasiguro tayo na sasamahan tayo ni Jesus kung tayo’y naghihirapdahil sa ating pagiging tapat na saksi.
“Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig kosa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang
pakakak.” (Apocalipsis 1:10)
Paano natin ipapaliwanag ang “Araw ng Panginoon”?
Linggo
• “Ang Araw ng Panginoon” ay unang ginamitupang tukuyin angLinggo sa katapusanng ikalawang siglo. Hindi itonangangahulugang“Linggo” sapanahon ni Juan.
Ikalawang Pagparito
• Ibig sabihin nito, nakakatanggap na siJuan ng pangitaintungkol saIkalawang Pagparitonang matanggapn’ya ang bagongPahayag (Is. 13:6; 2P. 3:10). Angpalagay na ito ay hindi nakabase satalata saApocalipsis.
Sabado
• Sa Lumang Tipan, tinawag ng Dios (Panginoon) angSabado na “akin”, kaya ito’y KanyangAraw (Ex. 31:13; Is. 58:13). Tinawag din ni Jesus ang sarilibilang “Panginoonng Sabado” (Mt. 12:8; Mr. 2:28). Kaya tinanggap niJuan angApocalipsis nangSabado, Araw ng Panginoon.
Ano ang pisikal na hitsura ni Jesus sa Apocalipsis 1?
Apocalipsis 1:13-16
Mahabang damit
Ginintuang paha
Puting buhok
Mata na apoy
Tansong paa
Madagundong na tinig
Espada mula saKanyang bibig
Mukha na kagaya ng araw
Daniel 10:5-6
Damit na lino
Gintong sinturon
---
Mata na apoy
Tansong paaMadagundong natinig
---Mukhang gaya ng kidlat
Ang taong nakasuot ng gaya sa nakita nina Juan at Daniel ay siCristo Jesus na nakadamit bilang Mataas na Saserdote.
Nakita ni Juan si Jesus na naglalakad saharap ng pitong ilawan nakumakatawan sa pitong iglesia (1:20)
Ang mensahe sa bawat iglesia ay nagsisimula sa “alam ko ang iyong mgagawa” (2:2, 9, 13, 19; 3:1, 8, 15). Lagingkasama si Jesus ng Kanyang bayan. Kilala Niya ang Kanyang bayan at kilalaNiya ang bawat isa sa atin.
Siya ay dakila at maharlika, ngunit hinditayo dapat matakot sa Kanyangpresensya.
“At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sakaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanangkamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at anghuli’” (Apocalipsis 1:17)
Siya ang namatay at nabuhay muli. May susiSiya sa kamatayan. Mas makapangyarihan Siyasa kamatayan at iniingatan Niya ang mganabubuhay.
KAGYAT
(PANGKASAYSAYAN)
Isang mensahe mula kay Jesus para sa bawat iglesia nanagtitipon sa pitong siyudad saAsia Minor sa panahon ni Juan.
HINAHARAP
(PROPESIYA)
Isang mensahe mula kay Jesus para sa bawat iglesia nanagtitipon sa pitong siyudad saAsia Minor sa panahon ni Juan.
PANDAIGDIGIsang mensahe sa bawat iglesiaat mananampalataya sa bawatsandal ng kasaysayan.
“Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo saisang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: saEfeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.”(Apocalipsis 1:11)
Ang mensahe sa pitong iglesia sa Asia ay maipapaliwanag sa tatlong magkaibang
antas (1:19):
“Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na itoay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanangkamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto.’”(Apocalipsis 2:1)
Ang Efeso ay napakahalagang siyudad saAsia. Pastor si Juan sa siyudad na iyon napuno ng imoralidad at pangkukulam(Gawa 19:19)
Nanatiling matibay ang iglesia sa kabila ng malabong palibot doon. Ngunit, nakalimutan nila ang kanilang unang pag-big gaya ng ginawa ng lumang Israel (Jeremias 2:2)
Ang iglesiang ito ay kumakatawan saiglesiang Kristiano sa unang siglo (sapagitan ng 31 AD at 100 AD)
Sundin natin ang mga banal na payo upangmaiwasan natin ang kanilang mga mali at maingatan ang kanilang magagandangkatangian: (1) Alalahanin ang unang pag-ibig; (2) magsisi; (3) at gumawa ng mabuti.
“Siya [Jesus] ay naglalakad sa gitna ng Kanyang
mga iglesia sa buong haba at lapad ng lupa.
Tinitingnan Niya sila nang may mataas na interes
upang tingnan kung nasa espiritwal na kalagayan na
sila na kanilang maisusulong ang Kanyang kaharian.
Nandiyan si Kristo sa bawat pagtitipon ng iglesia.
Kilala Niya lahat na konektado sa Kanyang gawain.
Alam Niya iyong mga pusong maaari Niyang lagyan
ng banal na langis, na kanilang maibabahagi rin sa
iba. Iyong mga nagdadala ng gawain ni Kristo sa
ating mundo, kumakatawan sa salita at mga gawa
ng karakter ng Dios, ginaganap ang plano ng Dios sa
kanila, ay mahalaga sa Kanyang paningin. Natutuwa
si Kristo sa kanila gaya ng isang tao na natutuwa sa
maayos na harden at sa samyo ng mga bulaklak na
kanyang tinanim.”E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 6, cp. 53, p. 418)