18
FILIPINO VI Magandang Umaga!!!

Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

FILIPINO VI

Magandang Umaga!!!

Page 2: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Mababang Paaralan ng Abad Santos

Rizal St., Parañaque Ika-15 ng Marso, 2011

Gng. Paula ReyesAdoracion Flower Shop12 Rizal Avenue Manila

Gng. Paula Reyes:

Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga bulaklak na aming kailangan sa pagtatapos sa Sabado, Marso 21, 2011:

2 dosenang gladiolang dilaw1 dosenang puting rosas2 dosenang African daisy2 basket na may dekorasyong bulaklak

Kalakip po rito ang money order na isang libong piso (P1,000.00). Ang karagdagang kabayaran ay ibibigay po pagkatanggap ng mga bulaklak.

Sumasainyo,

Linda Bueno

Page 3: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Tungkol saan ang liham? Bakit naiiba ito sa mga liham na karaniwang ginagawa mo tulad ng liham pangkaibigan, iham pagbati, o paanyaya?

Basahin ang sumusunod na liham. Tungko saan ito? Ano ang kaibahan nito sa unang liham?

Page 4: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

285 Perez St.

Malibay, Pasay City Ika-20 ng Marso, 2011

G. Roberto S. SebastianBEA Laboratories Inc.63 CongressionalToro Hills, Quezon City

G. Sebastian:

Nabasa ko po sa inyong patalastas sa Inquirer na nangangailangan kayo ng utility boy na magdadala ng inyong mga produkto sa mga suki ninyong tindahan. Nais ko pong mag-apply sa posisyong ito ngayong bakasyon. Malaking tulong po sa akin kung tatanggapin ninyo ako sa trabahong ito. Anumang oras ay handa po akong makipagkita sa inyo para sa interbyu at upang malaman ko ang iba pang kahilingan para sa trabahong ito. Inaasahan ko po ang inyong pagtugon.

Lubos na gumagalang,

Rodel Santiago

Page 5: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Tuklasin 

Hindi lamang mga liham pangkaibigan ang ginagawa natin sa araw-araw. May liham tayong ginagawa na tungkol sa pag-order ng mga pagkain, aklat, damit, at iba pa. May liham tayo para sa pagpasok sa trabaho o pagbili ng kotse, bahay, at mga produkto. Ang mga liham na ito ay tinatawag na liham pangangalakal.

Ano ang kaibahan ng liham na ito sa liham pangkaibigan?Di tulad sa liham pangkaibigan na impormal o magaan ang

pananalita, pormal naman ang tono ng pananalita sa liham pangangalakal. Hindi paliguy-ligoy at deretso ang pagsulat nito .

Suriing muli ang mga haimbawang liham. Paano naiiba ang mga bahagi nito sa liham pangkaibigan?

Bukod sa adres ng sumusulat, ang liham pangangalakal ay nagtataglay ng panloob na adres o pangalan at tirahan ng taong padadalhan ng liham.

Page 6: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Sa halip na kuwit, tutulduk (:) naman ang ginagamit na bantas sa bating panimula. Mas porma din ang pagtawag sa taong sinusulatan.

Ang iba pang bahagi ng liham pangangalakal ay katawan ng liham, bating pangwakas at lagda.

Bakit kailangang marunong tayong sumulat ng liham pangangalakal? Bakit kailangan ang maayos at mainaw na pagsulat ng mga liham pangangalakal?

May iba’t ibang uri ng iham pangangalakal. Ang mga ito ay:1. Liham na humihingi ng gawaing mapapasukan2. Liham ng subskripsyon o order ng mga magasin o akat sa tindahan3. Liham na bumubili o nagbibili ng produkto

Page 7: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Ang liham pangangalakal ay isinusuat kung umoorder ng mga bagay na gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag-aaplay ng trabaho, o nagtatanong.

May kaibahan ang mga bahagi nito sa liham pangkaibigan at pormal ang tono nito.

Dapat ay maayos at malinaw ang pagkakasulat nito.

Tandaan

Page 8: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Gawin: Basahin ang sumusunod na iham pangangalakal:  1826 Jose Rizal St.

Guinobotan, AlbayIka-6 ng Enero, 2011

Ang PatnugotMagasing LiwaywayP.O. Box 1153Manila

Ginoo:Nais ko po sanang magkaroon ng lingguhang sipi ng magasin simula

sa unang linggo ng Pebrero. Kalakip po ng liham ko ang money order sa halagang dalawang libong piso (P2,000.00) para sa isang taon.

Lubos na nagpapasalamat,Lydia Dela Cruz

Page 9: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Sumulat ng kaparehong liham tungkol sa mga sumusunod: 

1. Pag-oorder ng sapatos sa isang tindahan sa Marikina

2. Pag-oorder muli ng isang magasin na natapos na ang subskripsiyon

3. Pag-oorder ng pagkain sa isang restawran

Page 10: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

B. Sumulat ng liham na nag-aaplay ng trabaho batay sa sumusunod na mga patalastas

Kumita Tuwing Hapon-Mag-deliver ng mga produkto sa mga tindahan- Magaan lang ang trabaho.-May bisikletang gagamitin.

Sumulat sa may-ari o tumawag sa telepono 850-02-39

1.

2. Nangangailangan ng isang receptionist sa isang tindahan ng bulaklak.

Ipadala ang liham ng aplikasyon sa:Teresa Flower Shop

P.O. Box 1020, Manila

Page 11: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

A. Sumulat ng liham pangangalakal batay sa isa sa mga sumusunod na mga sitwasyon:1. Nag-aaplay ka sa pagpasok sa isang

paaralan sa hayskul.2. Nais mong bumili ng mga halamang

pantanim.3. Sinusulatan mo ang prinsipal upang

magpaalam sa paggamit ng inyong awditoryum para sa palabas ninyo sa Filipino.

4. Nag-aaplay kang maging isang tutor ng mga bat sa isang pamilya.

5. Nais mong sabihin sa mga mag-aaral sa ibang seksiyon na ipinagbibili ng inyong klase ang mga kakaning ginawa ninyo sa HELE.

Paunlarin:

Page 12: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

B. Isulat nang maayos ang sumusunod na mga bahagi ng isang liham pangangalakal. Pagsunud-sunurin ang mga ito. Gumamit nang wastong bantas. Gawin ito sa sagutang papel.

1. 366 Daang Mabini Marikina, Metro Manila Ika-30 ng Marso, 2011

2. Lubos na gumagalang Maria Fe Reyes

3. G. Lino S. Rom Dane Publishing House 203 Mindanao Avenue Extension Project 8 Quezon City

4. Ginoong Rom

5. Nabasa ko po sa pahayagan na nangangailangan kayo ng isang ilustrador sa komiks sa inyong tanggapan. Nais ko pong mag-applay sa posisyong ito. Mahilig po ako sa pagguhit. Marami na po akong mga iginuhit na nanalo sa mga paligsahan sa aming paaralan. Kung inyong mamarapatin, nais ko pong makipagkita sa inyo para sa interbyu at para ipakita ang mga ginawa ko. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na makapagtrabaho ngayong bakasyon upang makatulong naman po sa aking mga magulang.

Lubos po akong umaasa sa inyong pagsagot.

Page 13: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

C.Sabihin ang pang-ukol at pariralang pang-ukol na ginagamit sa bawat pangungusap. 1. Sundin mo ang batas ukol sa trapiko.2. Labag sa batas jaywalking.3. Maraming tao ang napaparusahan sa hindi pagsunod sa batas. 4. Hindi nila binabasa ang mga paalala tungkol sa pagsunod ng sa mga batas-trapiko.5. Ang mga paalala ay para sa kabutihan ng lahat6. May mga pulis na nagpapatupad ng batas ukol sa disiplina sa daan.7. Kaya lang marami pa rin ang walang kamalayan hinggil sa batas na ito.8. Ayon sa iba,hindi nila alam na may batas pala tungkol sa jaywalking.9. Karamihan sa mga tao ay talagang walang pag-uugali sa daan.10. Natatakot lamang sila kapag may nakikitang pulis na manghuhuli sa kanila.

Page 14: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

C.Sabihin ang pang-ukol at pariralang pang-ukol na ginagamit sa bawat pangungusap. 1. Sundin mo ang batas ukol sa trapiko.2. Labag sa batas jaywalking.3. Maraming tao ang napaparusahan sa hindi pagsunod sa batas.4. Hindi nila binabasa ang mga paalala tungkol sa pagsunod ng sa mga batas-trapiko.5. Ang mga paalala ay para sa kabutihan ng lahat6. May mga pulis na nagpapatupad ng batas ukol sa disiplina sa daan.7. Kaya lang marami pa rin ang walang kamalayan hinggil sa batas na ito.8. Ayon sa iba,hindi nila alam na may batas pala tungkol sa jaywalking.9. Karamihan sa mga tao ay talagang walang pag-uugali sa daan.10. Natatakot lamang sila kapag may nakikitang pulis na manghuhuli sa kanila.

Page 15: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

D. Ibigay ana angkop na pang-ukol na bubuo sa talata.Isulat ang sagot sa sagutang papel.  Nagkaroon ng proyekto ng ”Linis-Tanim” (1) __________ paaralan. Ang mga mag-aaral ay nagdala ng mga pananim (2)_____________ proyekto. Nagsimula (3)_____________ isang palatuntunan ang gawain. May nagtalumpati (4)_________________ kagandahan ng pagtatanim. (5)_______________ tagapagsalitang panauhin, makatutulong ang mga gulay na itinatanim sa pang-araw-araw na gastusin bukod sa ito ay nakatutulong din (6)______________ kalusugan ng ating katawan. Sinabi rin niya ang mga bagay-bagay (7)_________________ wastong pagtatanim at ang mga dapat gawin (8)_____________ pangangalaga sa mga ito (9)________________ maninirang insekto.

sapara sa

satungkol sa

Ayon sa

sa

tungkol sapara sa

laban sa

Page 16: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Takdang-Aralin

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-ukol:

1. Ni/kina2. Kay/kina3. Ayon sa4. Para sa5. Ayon kay

6. Para kay7. Laban kay8. Alinsunod sa9. Tungkol sa10. Hinggil sa

Page 17: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal
Page 18: Pagsulat Ng Liham Pangangalakal

Salamat po!!!