9
Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018

Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

  • Upload
    letruc

  • View
    215

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018

Page 2: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

1. Gawa 2:1-3.

Ang unang ulan.

2. Gawa 2:4-13.

Ang kaloob ng mga wika.

3. Gawa 2:14-32.

Ang unang pangaral.

4. Gawa 2:33-36.

Ang pagpaparangal kay Hesus.

5. Gawa 2:37-41.

Ang unang mga bunga.

Ang kabanata 2 ng Gawa ay pagtatalaga satungkulin ng Kristianong Iglesia.

3,000 tao ang sumampalataya sa loob ng isang araw. Salamat sa kapngyarihan ng Banal na Espiritu, ang Iglesia ay “yumaongnagtatagumpay, at upang magtagumpay.” (Apocalipsis 6:2)

Page 3: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

Gawa 2:1-3

“At biglang dumating mula sa langit ang isangugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilangkinauupuan. At sa kanila'y may napakitang mgadilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.” (Gawa 2:2-3)

Ang mga lagad ay nagkaisa sa pagsisisi, pagsamba, at panalangin.

Sila ay handa na tumanggap ng pangakong Banal na Espiritu, na kilala din bilang “unang ulan” (Joel 2:23). Iyon ay nangyari sa hindipangkaraniwang bagay.

Ang Epiritu ay laging gumagawa, ngunit hindi itonaibuhos ng lubusan hanggang sa oras na iyon. Ito ang sagot sa unang pamamagitan ni Hesus saAma (Juan 14:16). Itong pangyayari ay naganapminsan, at ito rin ay magganap na may kaparehong kapangyarihan bago ang IkalawangPagdating (“ang huling ulan”)

Page 4: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

Gawa 2:4-13

Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng ibat-ibang kaloob (1 Corinto 12:4-11). Iyong mga kaloob ay ibinigay upangtulungan ang Iglesia na mangaral namabisa.

Ang mga tao na nagkatipon -tipon saJerusalem ay nakaunawa ng MabutingBalita dahil naririnig nila ito sa kanilangsariling wika.

Ang kaloob na iyon ay ibinigay ulet sabahay ni Cornelius (Gawa 10:46; 11:15-17). Mayroon ding ibang kaloob ng pagwika na walang nakakaunawa at kailangang maipaliwanag (1 Corinto14:2, 5, 13)

Ngunit, may ilang tao na nililibak ang kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyainang gawain ng mga alagad.

Page 5: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

“Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at

nakakapagsalita ng iba’t-ibang mga wika. Nanggaling sila sa

malayong lugar tungo sa Jerusalem, at pansamantalang

nanirahan doon, upang makibahagi sa relihiyosong fiesta na

nagaganap at sundin ang mga hinihiling nito. Kung

nagkakatipon, nakakapagsalita sila ng bawat mga wika.

Itong pagkakaiba ng wika ay malaking hadlang sa Gawain

ng mga lingkod ng Dios sa pagpapahayag ng doktrina ni

Hesus sa kadulodulohan ng mundo. Ang Dios na iyon ay

kailangang magbigay sa bawat pagkukulang ng mga alagad

sa mahimalang paraan dahil sa mga tao ito’y pinakamainam

na katibayan ng patotoo ng mga saksing ito para kay Kristo.

Ginawa para sa kanila ng Banal na Espiritu ang hindi nila

magawa sa buong buhay nila; kaya na nilang ikalat ang

katotohanan sa ibang bansa, na nagsasalita ng kagaya

mismo ng salita ng kanilang kinakausap. Itong milagrosong

kaloob ang pinakamataas na katibayan na kanilang

maipapakita sa mundo na ang kanilang paggawa ay

nagdadala ng selyo ng Langit.”E.G.W. (The Story of Redemption, cp. 32, p. 242)

Page 6: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

Gawa 2:14-32

Upang salungatin ang pangungutya, sinimulan ni Pedro ang kanyang sermon sapaggamit ng Salita ng Dios upang ipaliwanagkung ano ang nangyayari.

Kanyang sinipi ang Joel 2:28-32 upangipaliwanag na ang Banal na Espiritu ay ibubuhos sa huling araw kagaya ng nangyayari noon mismo.

Tapos ipinaliwanag niya ang gawain, kamatayan, at muling pagkabuhay niHesus. Gumamit siya ng mga talata saKasulatan (Awit 16)

Ang sermon na ito ay halimbawa kung paano dalhin sa katotohanan ang mgatao. Dapat nating ipakilala si Hesus sakanila at bumatay sa Biblia.

Page 7: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

Gawa 2:33-36

“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, naginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.” (Gawa 2:36)

Pinagtibay ng Ama ang sakripisyo sakrus sa pamamagitan ng paglagay kay Hesus sa Kanyang kanang kamay.

Ang Banal na Espiritu ay ibinuhos dahil sa pagpaparangal na iyon.

Ganoon ipinaliwanag ni Pedro na ang sakripisyo ni Hesus sa krus ang tanging paraan ng kaligtasan.

Sa ikatlong bahagi ng kanyang sermon, ay ipinaliwanag ni Pedro ang pagpaparangal kay Hesus sa langit sa pagsipi niya muli sa Kasulatan: Awit 110:1.

Page 8: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

Gawa 2:37-41

“Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sakanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.” (Gawa 2:41)

Ang unang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Iglesia ay 3,000 bagong Kristiano.

Sila ay naniwala sa kasalanan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, kaya nagtanong sila kung paano sila mapapatawad. Sinabi sa kanila ni Pedro ang dalawang mahalagang pangangailangan:

Dagdag pa sa pagpapatawad sa ating mga kasalanan, tumatanggapdin tayo ng kaloob ng Banal na Espiritu. At tayo ay handa na upangganapin ang misyon ng Iglesia kung saan ito tinawagan.

Pagsisisi. Isang marubdob napaghangad na lumayo sakasalanan. Ito ay tugon sapanawagan ng Banal na Espiritu.

Bautismo. Ang panlabas natanda ng pagbabago nanaganap sa puso.

Page 9: Liksyon 2 para sa ika-14 ng Hulyo, 2018 - fustero.es · kaloob na ito (Gawa 2:13) upang kutyain ang gawain ng mga alagad. “Ang mga Judio ay kalat sa halos lahat na bansa, at nakakapagsalita

“Kung ang Espiritu ng Dios ay

manahan sa puso, binabago nito

ang buhay. Nawawala ang mga makasalanang pag-

iisip, ang mga maling gawain ay tinatalikuran; pag-

ibig, pagpapakumbaba, at kapayapaan ang

pumapalit sa galit, inggit, at awayan. Napapalitan

ng tuwa ang kalungkutan, at ang mukha ay

nagpapahayag ng liwanag ng Langit. Wala

nakakakita sa kamay na nag-aalis ng pasanin, o sa

liwanag na bumababa mula sa patyo sa itaas. Ang

pagpapala ay dumarating kung sa

pananampalataya ang kaluluwa ay susuko sa Dios.

At ang kapangyarihan na hindi nakikita ng mata

ay gagawa ng bagong nilalang

na kawangis ng Dios.”

E.G.W. (The Desire of Ages, cp. 17, p. 173)