16
Maging Kasangkot Ang sabi ng kawikaang Africano, "Ang isa lamang kamay kailanma'y hindi makapagtatayo ng bahay." Ang sabi ng kawikaang Pranses, "Ang pagkakaisa ay lumilikha ng lakas." Ang sabi ng kawikaang Englis, "Ang dalawang ulo ay higit na mabuti kaysa sa isa." Ang sabi ng Biblia, "Ang panaling tatlong ikid ay hindi madaling napapatid." (Ecclesiastes 4: 12). Ang mga kawikaang ito ay totoo. Sa pagtatayo ng bahay, kailangan ang maraming kamay. Hindi kayang gawin ng isang kantero ang buong gawain. Ang sabi ni Cristo, "Aking itatayo ang aking iglesia." Subalit tinawag Niya tayo na gumawang kasama Niya sa dakilang gawaing ito. Ang bawat isa sa atin ay mayroong bahagi. Sa ika-2 Aralin, ating nakita ang kahalagahan ng pagi- ging handa. Ngayon naman ay iyong makikita na ikaw mismo ay kailangang maging kasangkot. Sapagkat si Cristo sa Kanyang dakilang gawain ay may tanging gawa- ing ikaw lamang ang makagagawa! Nawa'y pagpalain ka ng Dios habang ikaw ay nag-aaral!

Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

  • Upload
    ngodan

  • View
    253

  • Download
    22

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

MagingKasangkot

Ang sabi ng kawikaang Africano, "Ang isa lamangkamay kailanma'y hindi makapagtatayo ng bahay."

Ang sabi ng kawikaang Pranses, "Ang pagkakaisa aylumilikha ng lakas."

Ang sabi ng kawikaang Englis, "Ang dalawang ulo ayhigit na mabuti kaysa sa isa."

Ang sabi ng Biblia, "Ang panaling tatlong ikid ayhindi madaling napapatid." (Ecclesiastes 4: 12).

Ang mga kawikaang ito ay totoo. Sa pagtatayo ngbahay, kailangan ang maraming kamay. Hindi kayanggawin ng isang kantero ang buong gawain.

Ang sabi ni Cristo, "Aking itatayo ang aking iglesia."Subalit tinawag Niya tayo na gumawang kasama Niya sadakilang gawaing ito. Ang bawat isa sa atin ay mayroongbahagi.

Sa ika-2 Aralin, ating nakita ang kahalagahan ng pagi-ging handa. Ngayon naman ay iyong makikita na ikawmismo ay kailangang maging kasangkot. Sapagkat siCristo sa Kanyang dakilang gawain ay may tanging gawa-ing ikaw lamang ang makagagawa! Nawa'y pagpalain kang Dios habang ikaw ay nag-aaral!

Page 2: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

Maging Kasangkot 41

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang ...

Maging MasunurinMaging Katulad ng AsinMapagkakatiwalaanPagtatalaga

Ang araling ito ay makatutulong sa iyo na ...

• llarawan ang mga paraan upang ikaw ay masangkot sapag-akay ng tao kay Cristo .

• Maunawaan kung paanong ang pagsunod at panana-gutan ay mahalaga sa pag-akay ng tao kay Cristo.

Page 3: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

42 Ebanghelismo Personal

MAGING MASUNURIN

Layunin 1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sapagsaksi nang isahan

Iyong matatandaan na ating pinag-usapan ang isangkasalan na doon ay ginawa ni Jesus ang tubig na alak.Ako'y naniniwala na ang payo ni Maria, na ma ni Jesus,na iniutos niya sa mga naglilingkod ay dapat na magingsalawikain ng bawat Cristiano. Sinabi niya, "Gawin ninoyo ang anumang sabihin niya sa inyo" (Juan 2 :5).

Kung walang pagsunod, walang pagtatagumpay sagawaing ebanghelismo personal. Totoong tayo'y isinugosa buong sanlibutan. Ito ay utos ni Cristo sa iyo at saakin. Ano ang iyong isasagot?

Bakit iniwan ni Felipe ang isang dakilang pagba-bagong-buhay sa Samaria upang pumunta sa disyertongmalungkot'! Sapagkat sinabi sa kanya ng Panginoon!Sapagkat sinabi ng Dios, siya'y sumunod (Mga Gawa8.26).

Bakit iniwan ni Abraham ang kanyang bayan, mgakaibigan, at ang kanyang bukirin upang pumunta sahindi niya alam na patutunguhan? Ginawa niya itosapagkat sinabi sa kanya ng Panginoon (Genesis 12:1).Bakit niya dinala ang kanyang anak na kanyang pinaka-iibig at ihandog siya sa layunin ng Dios? Maaaring hindiniya naiintindihan ang mga dahilan noon.Subalit dahil saito ay iniutos ng Dios, siya'y sumunod (Genesis 22:9-10).

Page 4: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

Maging Kasangkot 43

Sa loob ng maraming panahon, maraming mga tao angnagdusa sapagkat sila'y sumunod kay Cristo. Pinili ngilan sa kanila ang kamatayan kaysa ikaila si Cristo. Angkanilang pamantayan ay ang sukdulang pagsunod saDios.

Tayo ay inihambing ng Biblia sa sundalo (2 Timoteo2:3). Si Cristo ang ating Kapitan. Bilang sundalo niCristo, tayo ay may utang na loob na sumunod sa atingPanginoon. Kapag ang sundalo ay hindi sumunod sa kan-yang pinuno, ang pakikibaka ay matatalo. Ang pagsunodang susi sa tagumpay ng alinmang hukbo!

Gawin Mo Ito

Ano ang dapat na maging pamantayan ng bawatCristiano na gumagawa ng pag-eebanghelyo per-sonal? (piliin ang isang sagot).a) Gawin ang sa tingin mo'y pinakamatuwid.b) Gawin ang iniuutos sa iyo ni Cristo.k) Gawin ang paraang makaaabot sa lahat ng tao.

2 Ang isang Cristiano ay katulad ng isang sundalokapag ipinamumuhay niya anga) lubos at matapat na pagsunod.b) pagsunod ayon sa kanyang pagkaunaw-k) paraan ut ang manatiling ligtas sa pagdurusa.

3 Ano ang ating maaasahan kapag tayo'y nagingmasunurin?

Page 5: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

44 Ebanghe/ismo Personal

MAGING KATULAD NG ASIN

Layunin 2. Magpakita ng mga paraan na ang kalikasanng isang Cristiano ay katulad ng asin.

Bago tayo makagagawa ng isang bagay para kay Cristo,kailangang tayo'y maging ayon sa Kanyang ibig namangyari. Tayo ay magiging mga saksi. Ang pagigingsaksi ay hindi lamang paggawa. Higit sa lahat, ito ay uring pamumuhay. Ang pagsaksi ay hindi lamang atinggawain, kundi atin ding kalikasan! Kaya nga ang sabi niJesus sa Kanyang mga alagad, "Kayo ang asin ng lupa'(Mateo 5:13).

Bakit inihambing tayo ni Jesus sa asin? Alam mo,ayon sa ating nalalaman, ang asin ay ginagamit sa iba'tibang layunin. Nais kong ibahagi sa iyo ang ilang paraanng paggamit ng asin sa aming bansa.

Ang asin ay nagbibigkis sa tao. Sa aming bansa ngUpper Volta sa Africa, ang asin ay ginagamit upang pag-isahin ang dalawang tao, dalawang pamilya, o maging angdalawang tribo. Ang isang binata bago siya magpakasal,siya'y nagbibigay ng isang handog na ang sinasagisag ayasin sa magulang ng kasintahang babae. Sa ganitongparaan ang kanilang pagkakaisa ay tinatakan. Sa gayonding paraan, tayo ay ginawa ni Jesus na asin upang atingmaiugnay ang tao sa Dios.

Ang asin ay lumilikha ng pakikipagkaibigan. Ang asinay isa sa mga unang handog na ginamit ng mga putingmananaliksik upang makuha ang pakikipagkaibigan samga pinunong Africano. Ginawa ng kasalanan na ang tao

Page 6: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

Maging Kasangkot 45

-_\l~ ..~...~ .-ay maging kaaway ng Dios. Tayo ay Kanyang asin upangdalhin silang muli pabalik sa Dios.

Ang asin ay gumagawa ng kapayapaan. Ang aking loloay may isang toro. Ang toro ay may matulis na sungay atwalang sinumang puedeng makalapit sa kanya. Subalitang aking lolo ay may lihim. Kapag gusto niyang maka-lapit sa toro, siya ay hahawak ng isang limpak ng asin sakanyang kamay. Kapag nakita ng toro ang asin, siya'ylalapit sa aking lolo na katulad ng isang kordero.

Tayo ay isinugo ni Jesus sa sanlibutan upang magdalang kapayapaan. Kapag ating ipinakita sa mga tao natayo'y nagmamalasakit sa kanilang mga pangangailangan,magagawa nating maibahagi ang kapayapaan ng Dios sakanila.

Ang asin ay nangangalaga. Sa buong sanlibutan, lalona sa mga bansang umuunlad, ang asin ay ginagamitupang ang karne ay hindi mabulok. Kung ang Dios ay

Page 7: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

46 Ebanghelismo Personal

hindi naglagay ng asin sa dagat, hindi mangyayari na angtao ay makapamuhay sa lupa. Magkakaroon ng mara-ming dumi sa tubig. Ang ating pananatili bilang asin ngDios ay mag-iíngat sa tao sa kasalanan habang atingibinabahagi si Jesu-Cristo sa kanila.

Ang asin ay nagpapalasa: Nang tayo'y itulad ni Cristosa asin, ito ay isang paraan ng pagsasabing ang sanlibutanay kagaya ng pagkaing walang lasa. Iyan ay totoo, sapag-kat ang buhay na walang Cristo, walang Dios, ay buhayna walang pag-asa. Walang tunay na kagalakan sa buhaysilang hindi nakakakilala kay Cristo. Sa pamamagitan ngpagiging asin para sa mga taong nasa palibot natin, ikawat ako ay makatutulong sa kanila na matagpuan angbagong kahulugan sa kanilang buhay.

Ang asin ay hindi pagkain sa kanyang sarili. Ang asinay bahagi lamang ng pagkain. Ang asin ay hindi pinaka-pagkain, gayon man ay iyong nalalasahan ito sa pagkain.Kapag ikaw ay namumuhay na katulad ng pamumuhayni Cristo, ang iyong pagkatao ay magpapadama sa ibakay Cristo. Ang iyong presensya ay maaaring magdala ngmensahe na higit pa roon sa iyong sinabi.

Saan nagmula ang asin? Madalas ito'y kinukuha mulasa lupa. Kami ay may mga minahan ng asin sa Africa.Mayroon bang mabubuting bagay na magmumula salupa? Mayroon. Tayo ay nilikha ng Dios mula sa alabokng lupa. Tayo ay bunga ng lupa, at tayo ay ginawanggayon ni Cristo. Tayo na Kanyang mga kaaway, mala-layo sa Kanya, ay hinirang Niya upang tayo ay magingasin. Mayroon bang mabubuting bagay na magmumula salibingan? Mayroon. Si Cristo ay lumabas buhat sa libi-ngan! O anong kahanga-hangang kapangyarihan!

Page 8: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

Magzng Kasangkot 47

Ang asin ay masusumpungan sa lahat ng dako. Walangbansa, walang tahanan, walang pamilya na ang aS~l ayhindi mo matatagpuan. Gayon din naman, ang asin niCristo ay umaabot sa buong sanJibutan.

Nais ni Cristo na ikaw ay maging asin sa iyongpamilya, at sa dako na iyong pinaglilingkuran, upang sapamamagitan ng iyong buhay ay makita ng mga tao angmga kahanga-hangang gawa ni Cristo sa iyo at luwal-hatiin nila ang Dios

~~ ~ Gawin Mo Ito

4 Isulat ang apat na paraan upang ikaw ay maaaringmaging katulad ng asm sa iyong dakong tinitirahan.

5 Bilugan ang titik ng mga pangungusap na nagpa-pakita ng aralin na ating matututuhan sa asin.

a. Ang Cnstiano ay gumagawa ng kaaway.b Ang Cristiano ay tumutulong sa mga tao na

masumpungan ang Dios.k Ang ating kalikasan ay magigmg katulad ng kay

Jesus.d Ang ating salita ay higit na mahalaga kaysa atmg

pagkatao.e Ang aking buhay ay kailangang humikayat ng tao

kay Jesus.g Ang buhay na walang Cnsto ay katulad ng pag·

kaing walang asin.

Page 9: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

48 Ebanghelismo Personal

MAPAGKAKATIWALAAN

Layunin 3. Ipaliwanag ang pananagutan ng isang Cris-tiano upang tulungan ang ibang tao na maki-lala si Cristo.

Halimbawang nakita mo ang isang kotseng naaksi-dente at ang mga tao ay nasaktan. Sila'y dumadaing athumihingi ng saklolo. Ano ang iyong gagawin? Maaarimo silang dalhin sa pinakamalapit na ospital o kayanama'y tumawag ng ambulansiya. Subalit sa halip nagawin yaon, ikaw ay basta na lamang umalis. Ano angmangyayari?

Bagaman hindi mo sila nakikilala, at hindi ikaw angdahilan ng sakuna, ikaw ay lumalabag sa batas. Maaaringmabilanggo ka dahilan sa hindi mo pagtulong sa mga taosa kanilang pangangailangan.

Basahin mo ang sinasabi ng Dios sa Kanyang Salita:"Sa gayo'y ikaw, anak ng tao, ay inilagay ko na ban-tay sa sambahayan ni Israel; kayat dinggin mo angsalita sa aking bibig, at magbigay alam ka sa kanila saganang akin. Pagka aking sinabi sa masama, Oh masa-mang tao, ikaw ay walang pagsalang mamamatay saiyong kasamaan, at ikaw ay hindi nagsasalita upangmagbigay alam sa masama ng kanyang lakad; angmasamang yaon ay mamamatay sa kanyang kasamaan,ngunit ang kanyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyongkamay. Gayon ma'y kung bigyang alam ang masamang kanyang lakad upang humiwalay, at hindi niyahiniwalayan ang kanyang lakad; mamamatay siya sakanyang kasamaan ngunit ililigtas mo ang iyong kalu-luwa (Ezekiel 33:7-9).

Page 10: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

Maging Kasangkot 49

Ako'y nalulungkot na maraming Cristiano ang hindinakaaalam ng kanilang pananagutan, o katungkulan saibang mga tao. Ikaw at ako ay may tiyak na panana-gutan. Hindi natin maaaring pabayaan ito. Isipin mo nalamang ang mga taong nasa palibot mo: ang iyongpamilya, ang iyong pinaglilingkuran, sa madla, sa mgahayag na dako. Ilan sa kanila ang nakikipagbaka sabuhay na hindi kasama si Cristo? Ikaw ba ay uupo nalamang at pababayaan mo silang mamatay? Hindi, hindimaaari! Bakit hindi mo sabihin ang kagaya ng kayIsaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias6:9).

Isang araw, pinagaling at pinalaya ni Jesus ang isanglalaking iginapos ng diablo. Ang lalaking ito ay hubad atnakatira sa sementeryo. Matapos na siya'y pagalingin niJesus, sinabi sa kanya ni Jesus, "Umuwi ka sa inyo atsabihin mo sa kanila ang dakilang bagay na ginawa ngDios sa iyo" (Lucas 8 :39). Halos aking nakikita na ang

Page 11: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

50 Ebanghelismo Personal

taong ito ay nagbabahay-bahay na ibinabahagi ang mabu-ting balita ng kahanga-hangang kapangyarihan ni Jesus!Ang ating sariling mga kaibigan, ang ating sariling bayan,ang ating tinitirahan kailan ma'y hindi makaririnig ngmabuting balita ni Cristo malibang ito'y ating sabihin sakanila.

Ang pananagutang ito ay nadama ni apostol Pablo.Bagaman siya'y hinirang ng Dios upang magdala ng men-sahe sa mga Hentil, na hindi niya sariling bayan, hindiniya pinabayaan ang sinuman. Saan man siya pumuntadinadala niya ang mensahe, una sa kanyang mga kababa-yan at pagkatapos ay sa mga Hentil. Sa mga Gawa 1:8ako'y naniniwala sa sinasabi sa atin ni Jesus na tayo'ymaging mga saksi Niya, una ay sa Jerusalem (sa atingtahanan), pagkatapos ay sa lahat ng Judea (sa atingbansa), pagkatapos ay sa Samaria (sa ating karatig bansa),at panghuli, sa buong hangganan ng sanlibutan (angbuong daigdig). Ibig magsahta ni Jesus sa iyong bayan.Nais Niyang iligtas sila. Nais Niyang isulat ang kanilangmga pangalan sa Kanyang Aklat ng Buhay. Subalit hindiSiya hahayong mag-isa. Nais Niyang gumawang kasamamo at sa pamamagitan mo.

Nang si Pablo ay mangusap sa mga pinuno ng iglesiasa Efeso, kanyang sinabi ang ganitong mga pananalita:

"Sapagkat hindi ako nagkulang sa pagbibigay sa inyong lahat ng katotohanan tungkol sa Dios. Ingatanninyo ang inyong sarili at ang buong kawan na pina-mahalaan sa inyo ng Espiritu Santo, sapagkat ginawaNiya kayong mga taga-pag-alaga ng iglesia ng Dios nabinili Niya ng sarili Niyang dugo" (Mga Gawa20:27-28).

Page 12: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

Maging Kasangkot 51

Gawin Mo Ito

6 Bilang itinakdang bantay ng Dios, ano ang pinaka-mahalaga mong katungkulan?a) Pag-aralan ang Biblia.b) Magbigay ng babala sa mga hindi mananam-

palataya sa kanilang kalagayan.k) Iligtas ang mga tao.

7 Una dapat kong sabihin sa _ang tungkol sa sa Dios.

8 Ikalawa dapat kong sabihin sa _ang tungkol sa Dios.

9 Pagkatapos ay dapat kong sabihin sa _

at ang tungkol sa Dios.

10Ipagpalagay na nating ang Dios ay nagbibigay sa iyong pagkakataong makapagsabi sa isang tao tungkolkay Cristo, at hindi mo ito ginawa. Siya'y namatayna hindi napagsabihan. Ano ang iyong magigingdamdamin?

11Ipagpalagay na ikaw ay nagsabi sa isang tao tungkolkay Cristo at siya'y hindi nakinig sa iyo Hindi nata-galan siya'y namatay. Ano ang iyong magiging dam-d '?amm.

Page 13: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

52 Ebangheiismo Personal

PAGTATALAGALayunin 4. Magbigay ng mga dahilan kung bakit dapat

tayong magtalaga sa pagbabahagi ng mabu-ting balita.

Bagaman ang gawain ay dakila, ang Dios ay nalulugodna gamitin ang mga tao, bilang saksi, upang ibahagi angmabuting balita sa lahat ng sasampalataya. Ang pagka-alam na nais ng Dios na ikaw at ako ay Kanyang gagami-tin ay dapat na lumikha sa atin ng buong pusong pagta-talaga para makilahok sa pagsaksi tungkol kay Jesus.

Ang Dios ay hindi kapos ng manggagawa. Kung gugus-tuhin Niya, maisusugo Niya ang maraming anghel upangsabihin ang tungkol kay Cristo. At ito'y magagawa nilasa loob ng magdamag lamang. Totoo na ang mga anghelay Kanyang isinugo upang ihayag ang mabuting balita ngkapanganakan ni Cristo sa mga pastol. Totoo na ang mgaanghel ang nagbalita ng pagkabuhay na mag-uli ni Cristonoong Linggo ng Pagkabuhay. Maaari pa rin Niyang Isugoang Kanyang mga anghel upang maglingkod sa mga tao.Subalit hindi Niya sila pinili na maging saksi tungkol saKrus. Ikaw at ako ay Kanyang pinili - mga karaniwan atmahihinang tao, upang ipahayag ang mabuting balita salahat ng dako!

Hindi ba kahanga-hangang bagay na malaman na angMakapangyarihang Dios ay tumitiwala sa atin upang dal-hin ang mga tao kay Cristo? Ayaw Niya na ang hindisumasampalataya ay mamatay sa kanilang mga kasalanan.Iyan lamang ay mabuting balita na at mahalaga para pag-usapan! Subalit kailangan pa rin Niya ang maraming paa,

Page 14: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

Maging Kasangkot 53

marami pang mga kamay, marami pang mga labi, maramipang mga tao na magpapahayag ng ganitong salita ngbuhay doon sa mga hindi pa nakasusumpong sa Kanya.

Madalas ay nasasabi ng mga Cristiano na sila ay nag-hihintay sa muling pagbabalik ni Cristo. Maraming mgahimno at mga awitin ay nasulat tungkol sa Kanyangmuling pagbabalik. Maraming mga aklat ang nasulattungkol sa paksang ito. Madalas ay nananalangin tayo nggaya ng kay apostol Juan, "Dumating Ka nawa, Pangi-noong Jesus!"

Madalas ay ating nakakaligtaan ang kinakailanganggawin na Siya mismo ang nagsabi sa atin. Sinabi Niya,"Ipangangaral sa buong mundo ang magandang balitaukol sa kaharian, para marinig ng lahat ng bansa. Pagka-tapos, darating na ang wakas" (Mateo 24: 14).

Page 15: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

54 Ebanghelismo Personal

Ibig mo bang Siya'y bumalik agad? Ibig mo bangSiya'y makasama magpawalang hanggan? Kung gayon,huwag nang mag-aksaya ng panahon, maging kasangkotsa pamamahayag ng mabuting balita. Gumawa ng isangpersonal na pagtatalaga upang maging kasangkot!

Nang ang apostol Pablo ay sumulat sa mga taga-Romatungkol dito, sinabi niya, "Kaya naman nakikiusap akosa inyo, mga kapatid, alang-alang sa mayamang awa ngDios - ibigay ninyo sa Kanya ang inyong mga katawanbilang mga handog na buhay, banal, at nakalulugod saKanya" (Roma 12:1). Ito ay pangungusap na ang dina-dala ay pagtatalaga ng buhay, na ang ibig sabihin ayibigay mo nang lubos ang iyong sarili sa isang bagay.Ibigay mo ang iyong sarili nang lubos sa pagpapakalat ngmabuting balita ni Jesu-Cristo!

Gawin Mo Ito

12 Isulat ang dalawang dahilan kung bakit dapat tayongmagtalaga sa pagbabahagi ng mabuting balita tung-kol kay Jesus.

13Gusto mo bang ibigay ang iyong sarili nang lubos sagawain ng pagpapakalat ng mabuting balita tungkolkay Jesus? Bakit hindi mo ipanalanginito ngayon?

Page 16: Maging Kasangkot - Global University - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L5150TA_L03.pdf · Isaias, "Narito ako, Panginoon, suguin Mo ako" (Isaias 6:9). Isang

Maging Kasangkot 55

Tingnan Kung Tama Ang Iyong Mga Sagot

1 b) Gawin ang iniuutos sa iyo ni Cristo.2 a) lubos at matapat na pagsunod.3 tagumpay4 Maaari mong sabihin: Maaari kong dalhin ang mga

tao sa Dios. Maaari kong tulungan ang aking mga kai-bigan. Maaari akong maging tagapagdala ng kapaya-paan. Maaari kong labanan ang kasalanan sa pama-magitan ng pagiging halimbawa. Maaari kong ipakitakung gaano kaganda ang buhay para sa isang Cris-tiano. Maaari akong maging katulad ni Jesus.

5 a Mali k Tama e Tamab Tama d Mali g Tama

6 b) Magbigay ng babala sa mga hindi mananam-palataya sa kanilang kalagayan

7 aking pamilya8 aking mga kaibigan at kapit-bahay9 aking karatig bansa, buong sanlibutan

10 Malungkot, sapagkat siya'y namatay na walang pag-kakataong makilala si Cristo at hindi ko ginawa angaking pinakamabuti.

11 Malungkot, sapagkat hindi niya tinanggap angbabala. Subalit ako'y magagalak na aking ginawa angaking pinakamabuti upang hikayatin siya kay Cristo.

12 Sapagkat hinirang tayo ng Dios upang gawin anggawaing ito. Sapagkat gusto nating si Jesus ay bu-malik agad.

13 Ako'y umaasa na ang iyong isinagot ay "oo". Gustong Dios na gamitin ka.