21
I.Layunin Nasasabi kung ang bagay ay mainit o malamig II.Paksang Aralin: Mga Pagbabagong Nagaganap sa mga Solid, Liquid, Gas Aralin 1: Pagsusukat ng Temperatura ng mga Bagay Gawain 1: Mainit ba o Malamig? Kagamitan manila paper, marker/pentel pen III.Pamamaraan Tingnan at suriin ang bawat larawan sa ibaba. Tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita ng mainit o malamig na bagay. 1 Science and Health III-Rosal 12:30-1:20 III-Sampaguita 1:20-2:10 III-Gumamela 2:10-3:00 III- Dahlia 3:40-4:30

Mam lolit science

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mam lolit science

I.LayuninNasasabi kung ang bagay ay mainit o malamig

II.Paksang Aralin: Mga Pagbabagong Nagaganap sa mga Solid, Liquid, GasAralin 1: Pagsusukat ng Temperatura ng mga BagayGawain 1: Mainit ba o Malamig?

Kagamitan manila paper, marker/pentel penIII.PamamaraanTingnan at suriin ang bawat larawan sa ibaba. Tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita ng mainit o malamig na bagay.

1

Science and HealthIII-Rosal 12:30-1:20 III-Sampaguita 1:20-2:10III-Gumamela 2:10-3:00 III-Dahlia 3:40-4:30

Page 2: Mam lolit science

Magbigay ng iba pang halimbawa ng mainit at malamig na bagay. Isulat ang mga ito sa angkop na hanay sa talaan.

Mainit na mga bagay Malamig na mga bagay

2

(1) (2)Gamit/Bagay

(3)Mainit ba?

(4)Malamig ba?

1

ningas ng kandila

2

sorbetes

3

kumukulong tubig

4

kumukulong sopas

5

iced tea

Page 3: Mam lolit science

Tanong1. Kailan mo masasabi na mainit ang bagay?2. Kailan mo masasabi na malamig ang isang bagay?

3. Paglalahat; Anu-ano ang iba pang halimbawa ng mga maiinit at malalamig na bagay.4. Paglalapat: Ipaliwanag ang mangyayari sa ice cream na binili ninyo kung hindi ninyo agad ito kakainin. Bakit?IV. Pagtataya:Tukuyin kung ang mga sumusunod ay m,ainit o malamig na bagay._______1. sindi ng kandila_______2. baga ng uling_______3. yelo_______4.kumukulong tubig_______5, sorbetes

I.LayuninNasasabi kung ang bagay ay mainit o malamig

II.Paksang Aralin: Mga Pagbabagong Nagaganap sa mga Solid, Liquid, GasAralin 1: Pagsusukat ng Temperatura ng mga BagayGawain 1: Mainit ba o Malamig?

Kagamitan manila paper, marker/pentel pen

3

Science and HealthIII-Rosal 12:30-1:20 III-Sampaguita 1:20-2:10III-Gumamela 2:10-3:00 III-Dahlia 3:40-4:30

Page 4: Mam lolit science

III.PamamaraanTingnan at suriin ang bawat larawan sa ibaba. Tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita ng mainit o malamig na bagay.

Magbigay ng iba pang halimbawa ng mainit at malamig na bagay. Isulat ang mga ito sa angkop na hanay sa talaan.

Mainit na mga bagay Malamig na mga bagay

Tanong1. Kailan mo masasabi na mainit ang bagay?2. Kailan mo masasabi na malamig ang isang bagay?

3. Paglalahat; Anu-ano ang iba pang halimbawa ng mga maiinit at malalamig na bagay.4. Paglalapat: Ipaliwanag ang mangyayari sa ice cream na binili ninyo kung hindi ninyo agad ito kakainin. Bakit?IV. Pagtataya:

4

Page 5: Mam lolit science

Tukuyin kung ang mga sumusunod ay m,ainit o malamig na bagay._______1. sorbets_______2. kalamansi juice_______3. baga na galling sa apoy_______4. uling_______5.kalan

Gawain 2: Pagsukat sa Temperatura ng Mainit/Maligamgam na BagayLayunin1.Nasusukat ang mga temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam gamit ang thermometer.

5

Page 6: Mam lolit science

2.Nababasa nang wasto ang temperatura na nakasaaad sa thermometer.

3.Napaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam.

Kagamitan2 beakers/magkaparehong babasaging lalagyan tulad ng basolaboratory thermometermagkaparehong dami ng mainit/maligamgam na tubig at tubig galing sa gripo

PamamaraanPag-aralang mabuti ang laboratory thermometer.2.Suriin ang mga tanda na makikita sa thermometer. - Ano ang pinakamaliit na bilang sa thermometer? Saang bahagi ito matatagpuan?- Ano ang pinakamataas na bilang sa thermometer? - Saang bahagi ito matatagpuan?- Anong yunit ng panukat ang ginamit?- Anong simbolo ang ginamit upang maipahayag ang sukat ng temperature?3. Lagyan ng kalahating dami ng tubig ang beaker galing sa gripo.

4. Hawakan ng patayo ang thermometer, siguraduhin na ang bahagi ng bulb nito ang siyang nasa ilalim.Ilubog ang thermometer sa beaker na may galling sa gripo. Ilubog lamang ang bahaging mayroong bulb upang masukat ang temperatura ng tubig.

6

Paalala: Huwag hawakan ang may kulay na pulang liquid sa loob ng thermometer. At huwag hayaang lumapat sa ilalim ng beaker.

Page 7: Mam lolit science

5. Tukuyin ang sukat ng temperatura ng tubig sa thermometer. Kunin ang tanda na katapat ng lebel ng pulang liquid sa thermometer at itala ito sa Talaan 1.a.Ano ang temperatura ng tubig galing sa gripo?(Ito ay Temperatura ng tubig galing sa gripo na ayon temperature sa loob ng silid-aral)

Paalala: Sa pagbasa ng thermometer, sikaping kapantay ng iyong mata ang lebel ng tubig sa thermometer.

6. Lagyan ng kalahating dami ng mainit /maligamgam na

tubig ang beaker.

7. Ilubog naman ang thermometer sa loob ng beaker na may mainit/maligamgam na tubig.

8.Suriin ang nangyayari sa lebel ng pulang liquid sa loob thermometer.

7

Paalala: Maging maingat sa pagsasalin ng mainit/maligamgam na tubig sa lalagyan. Maaaring ikaw ay mapaso o maaksidente. Hingin ang tulong ng guro.

Page 8: Mam lolit science

3. Tukuyin ang temperatura ng mainit /maligamgam na tubig pagkalipas ng 5 minuto, isulat ang temperatura sa Talaan 1 sa ibaba.- Ano ang temperatura ng mainit/maligamgam na tubig?

Talaan 1: Temperatura ng tubig galing sa gripo at mainit/maligamgam na tubigKagamitan Temperatura (0C)Tubig galing sa gripoMainit/Maligamgam na tubig

1.Paghambingin ang mga temperatura ng tubig na galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam.- Paano mo mapaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig na mainit/maligamgam?

2. Ilarawan ang epekto ng init sa tubig.- Ano ang epekto ng init sa tubig?

TanongAno ang iyong gagawin kung kailangan mo ng mainit o malamig na tubig sa bahay?Gawain 3: Pagsusukat ng Temperatura ng Malamig na BagayLayunin1. Nasusukat ang temperatura ng tubig na galing sa gripo at ng malamig na tubig gamit ang thermometer.2. Nababasa nang wasto ang temperatura gamit ang thermometer.3. Napaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa gripo at ng malamig na tubig.

Kagamitan2 beakers/magkaparehong babasaging lalagyan,laboratory thermometer,magkaparehong dami ng tubig na malamig at tubig na galing sa gripo,ice cubes

PamamaraanLagyan ang beaker ng kalahati ng tubig galing sa gripo.

8

Page 9: Mam lolit science

Ilubog ang thermometer sa beaker na may tubig galing sa gripo. Hawakan ito nang patayo.

Suriin ang sukat ng tubig sa thermometer.

Sukatin ang temperatura ng tubig galing sa gripo. (Basahin ang tanda

katapat ng sukat ng pulang likido sa loob ng thermometer). Itala ang temperatura sa Talaan -Ano ang temperatura ng tubig galing sa gripo? (Temperatura ng tubig galing sa gripo ayon sa temperatura sa silid-aralan)

Paalala: Sa pagbabasa ng thermometer, dapat kapantay ng inyong mata ang lebel ng pulang liquid sa thermometer.

Lagyan ng kalahating dami ng malamig na tubig ang beaker.(Lagyan ng kaunting maliliit na yelo upang maging malamig ang tubig).

9

Paalala: Huwag hawakan ang bulb ng thermometer. At huwag hayaang lumapat sa ilalim ng lalagyan.

Page 10: Mam lolit science

6. Ilubog ang thermometer sa loob ng beaker na may malamig na tubig.

7. Suriing muli ang sukat ng pulang liquid sa thermometer.8. Basahin ang temperatura ng tubig na malamig. Pagkalipas ng 5 minuto, itala ang temperatura sa Talaan 2 sa ibaba. -Ano ang temperatura ng tubig na malamig?Talaan 2. Temperatura ng tubig galling sa gripo at tubig na malamigKagamitan Temperatura (0C)Tubig galing sa gripoTubig na malamig

9. Paghambingin ang mga temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig na malamig.- Paano mo paghahambingin ang temperatura ng tubig galing sa gripo sa tubig na malamig?

10. Ilarawan ang epekto ng pag-aalis ng init sa tubig. - Ano ang epekto ng kawalan ng init sa tubig?

Aralin 4: Pagbabagong Nagaganap sa mga Bagay Sanhi ng TemperaturaGawain 1: Ano ang Mangyayari Kapag ang Kandila ay Nainitan o Lumamig?LayuninNailalarawan kung ano ang mangyayari sa kandila kapag ito ay nainitan at lumamig.

10

Page 11: Mam lolit science

Kagamitanmaliliit na piraso ng kandila,1 kutsara, makapal na tela, platitong seramik , 1 piraso kandila,posporo

Pamamaraan1.Balutin ang hawakan ng kutsara ng makapal na tela. Ilagay ang piraso ng maliit na kandila sa kutsara. Tingnan ang nasa larawan.2. Nasa anong anyo (solid, liquid, gas) ang maliliit na piraso ng kandila?3. Itayo ang kandila sa isang platitong seramiks at sindihan tulad ng nasa larawan.4. Hawakan ang kutsara at ilagay sa tapat ng may sinding kandila.

5. Initin ang kutsara na may lamang maliliit na piraso ng kandila ng limang (5) minuto. Tingnan at pag-aralan ang mangyayari sa kandila.

- Ano ang nangyari sa maliliit na piraso ng kandila?

- Mayroon bang nagbago sa anyo ng kandila? Anong anyo mayroon ito ngayon?

-Ano ang dahilan ng pagbabago ng anyo ng kandila?- Ano ang epekto ng init sa kandila?

6. Alisin ang kutsara sa tapat ng may sinding kandila.7. Maghintay ng ilang minuto hanggang lumamig ang kandila. Suriin at alamin kung ano ang mangyayari sa kandila.

- Anong nangyari sa kandila ng lumamig?

11

Paalala: Ang kutsara ay iinit. Mag-ingat sa

paghawak.

Page 12: Mam lolit science

- Mayroon bang pagbabago sa anyo ng kandila? Anong pagbabago ang nangyari?- Bakit nangyari ang pagbabago?- Ano ang epekto ng pag-alis ng init sa kandila?- Mayroon bang nagbago nang sindihan ang kandila?

Gawain 2: Ano ang Mangyayari Kapag ang Tubig ay Ininit?LayuninNailalarawan ang mangyayari sa tubig habang tumataas ang temperatura o habang naiinitan ang tubigKagamitan

beaker,tubig,pangguhit/pananda

Pamamaraan1.Lagyan ng 10 ml na tubig ang beaker. Markahan ang beaker ayon sa antas ng dami ng tubig sa loob.

2. Ilagay ang beaker na may tubig sa ilalim ng init ng araw sa loob ng 15 minuto. Tingnan at pag-aralan kung ano ang mangyayari.

3. Markahan muli ang lebel ng tubig sa loob nito.a.May nakita ba kayong pagbabago sa antas ng dami ng tubig?b. Ano ang ipinakita ng pagsusuri na ito?c. Ano ang epekto ng sikat ng araw sa tubig? d. Nasubukan mo na bang maglagay ng palanggana na may tubig sa ilalim ng init ng araw? Anong nangyayari sa dami ng tubig?

12

Page 13: Mam lolit science

Gawain 3: Ano ang Mangyayari sa Water Vapor Kapag Lumalamig? Layunin

Nailalarawan ang nangyayari sa water vapor kapag lumamig.Kagamitanice cubes,kutsara,garapon na may takip, orange juice

PamamaraanHawakan nang dalawang kamay ang walang laman na garapon.- Ano ang iyong naramdaman?Lagyan ng orange juice ang garapon (lampas ng kalahati nito) katulad ng nasa larawan sa ibaba.Lagyan ng ice cubes. Pagkatapos, mahigpit na ilagay ang takip ng garapon.

Aluging mabuti ang garapon nang ilang segundo.Hawakan ang ibabaw ng lalagyan ng ilang minuto.-Ano ang iyong naramdaman?- May hangin bang nakapalibot sa garapon? - Mayroon bang water vapor na nakapalibot sa garapon?

- Saan nanggaling ang water vapor ?Ipatong muna ang garapon sa ibabaw ng mesa sa loob ng dalawang minuto.

Pagkatapos ng dalawang minuto, tingnan at suriing mabuti ang garapon.Hawakan ang ibabaw ng garapon ng ilang minuto.

13

Page 14: Mam lolit science

- Ano ang iyong naramdaman at nakita sa ibabaw ng garapon?- Ano ang kinalabasan nang pagsusuri mong ito?

Gawain 4: Ano ang Mangyayari sa Naphtalene Ball Kapag Nainitan?

LayuninNailalarawan ang nangyari sa naphthalene ball kapag nainitan o inilagay sa lugar na may mataas na temperatura. Kagamitan maliit na piraso ng naphthalene ball 2 magkaparehong may kulay na platito, piraso ng bato, piraso ng damit

PamamaraanKumuha ng isang piraso ng naphthalene ball. Ilagay ito sa isang kapirasong damit tulad ng nasa larawan.

Napthalene ball

Ibalot ito sa kapirasong damit.

14

Page 15: Mam lolit science

Durugin ang naphthalene ball sa maliliit na bahagi sa pamamagitan ng bato.Hatiin ang durog na naphthalene ball sa dalawang bahagi.Ilagay ang durog na naphthalene ball sa isang platito at ang kalahati ay sa isang platito.

- Nasa anong anyo ang napthtalene ball (solid, liquid, gas)?Ilagak ang isang (1) platito sa loob ng silid.

Ang isa naman na platito ay sa labas ng silid na nasisikatan ng araw tulad ng nasa larawan.

Pagkalipas nh 10 minuto, tingnan at suriin ang naphthalene ball sa una at ikalawang platito. Ilarawan ang iyong obserbasyon.- Ano ang iyong napansin?- May nakita ka bang pagbabago sa kaanyuan ng naphthalene ball sa dalawang platito?- Ano ang sinasabi ng nakita mo?

- Ano ang epekto o dulot ng init sa naphthalene ball?

15

Page 16: Mam lolit science

- May kaalaaman ba kayo sa camphor ball? (komersiyal na ngalan ng naphthalene ball) Gawain 5: Ano ang Mangyayari sa Hangin na Nasa Loob ng Bote at Lobo kung Ito ay Mainitn o Palalamigin?

LayuninNailalarawan kung ano ang mangyayari sa hangin sa loob ng bote/lobo kung ito ay paiinitin at palalamiginKagamitanbabasaging bote (may makipot na bunganga),lobo2 maliit na palanggana,mainit na tubig,malamig na tubig

PamamaraanKumuha ng lobo. Banatin ang butas at ipasok sa bibig ng bote tulad ng nasa larawan.

- May hangin ba sa loob ng bote?- May hangin ba sa loob ng lobo?

Ilagay ang bote sa palanggana na may mainit na tubig. Masdan at suriin ito pagkalipas ng 3 minuto.

- Anong nangyari sa lobo?- Ano ang epekto ng mainit na tubig sa hangin sa loob ng bote?Ilipat ang bote sa palanggana na may malamig na tubig. Masdan at suriin itong muli ang gawain pagkalipas ng 3 minuto.

16

Page 17: Mam lolit science

- Anong nangyari sa lobo? - Ano ang epekto ng malamig na tubig sa hangin sa loob ng bote?

17