Upload
shael-zoleta
View
287
Download
26
Tags:
Embed Size (px)
Citation preview
MAPA AT GLOBO
MAPA
• Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng nasasaad na kalawakan. Kadalasan ang mapa ay isang dalawang-dimensyong modelo ng isang tatlong-dimensyong kalawakan. Ngunit dahil sa mga kompyuter at mga kalipunan ng dato na siyang nagpalawig ng pagsulong ng Mga Sistema ng Heograpikong Impormasyon (Geographic Information Systems o GIS), nagagawa na ring nasa tunay na panahon at dinamiko o masigla ang paggalaw ng datos na heograpikal.
• Ang mapa ay ginagamit sa paglalahad ng anumang lokal na pag-aari ng buong mundo o parte nito. Puwede rin siyang gamitin upang ilahad ang anumang pamamagitan, tulad ngutak o kalawakan sa labas ng mundo.
MGA URI NG MAPA
May iba't ibang uri ng mapa. Ang bawat isa ay may gamit at kahalagahan. Ito ay
ang mga sumusunod:
MAPANG PISIKAL• uri ng mapa na naglalarawan sa
anyong lupa o tubig.
MAPANG EKONOMIKO O MAPA NG EKONOMIYA
• uri ng mapa na nagpapakita ng produkto ng iba't-ibang lugar.
MAPA NG KLIMA• uri ng mapa na nagpapakita ng tipo
ng klima ng iba't ibang lugar.
MAPANG PULITIKAL• uri ng mapa na nagpapakita ng mga
lungsod, kabisera, lalawigan, bayan, at barangay. Ito ang madalas na ginagamit na mapa
MAPA NG KALATAGANG-LUPA (RELIEF MAP SA INGLES)
• uri ng mapa na nagpapakita ng mga topograpiya (mababa o mataas na lugar).
MAPA HISTORIKAL O MAPANG PANGKASAYSAYAN
• uri ng mapa na nagpapakita ng makasaysayang lugar tulad ng tanggulan, bahay ng mga bayani, parke at iba pa.
MAPA NG TRANSPORTASYON O MAPA NG DAAN
• uri ng mapa na nagpapakita ng mga daan, riles ng tren, paliparan, aklatan at iba pa.
MAPANG KULTURAL O MAPANG PANGKALINANGAN• uri ng mapa na nagpapakita ng mga
museo, teatro, at iba pa.
MAPANG BOTANIKAL/MAPANG SOOLOHIKAL
• uri ng mapa na nagpapakita ng mga natatanging hayop at halaman.
MAPANG DEMOGRAPIKO• ito ang mga demograpiko sa mga
rehyon I,rehyon II,rehyon III at iba pa.
MAPA NG PILOTO/MAPANG AERONOTIKAL
• Nagbibigay ng inpormasyon sa mga piloto. Nakalagay rito ang mga airport/landing strips/runways/navaids/VORs/ILS frequencies at ang Air traffic Frequencies/Airspaces at marami pang iba.
GLOBO• Isang modelo ng mundo. Sa globo
makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente.
BAHAGI NG GLOBO• Mayroong iba’t ibang bahagi ang
Globo.
EKWADOR• ito ang humahati sa globo sa
dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.
LATITUD• ito ang mga guhit na paikot sa globo
na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.
LONGHITUD• ito ang mga patayong guhit na
naguugnay sa polong hilaga at polong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.
PUNONG MERIDYANO• matatagpuan ang guhit na ito sa
panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.
INTERNASYUNAL NA GUHIT NG
PETSA (INTERNATIONAL DATE LINE)
• matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa at oras.
GRID O PARILYA• ito ay nabubuo kapag pinagsama o
nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitud
HILAGANG HATI NG GLOBO• ang itaas na bahagi ng ekwador
SILANGANG HATI NG GLOBO• ang ibabang bahagi ng ekwador