10
1 Media at ang Pambansang Kaunlaran Isinulat ni Noel Sales Barcelona © 2004, 2010 Introduksiyon Ang media ang itinuturing na pinakamalakas na institusyong sosyal na nagtataglay ng kapangyarihang lumikha ng isang opinyong makapagpapabago sa kasaysayan ng bansa. Noong panahon ng Unang Kilusang Propaganda, bago ang Rebolusyong 1896 ni Bonifacio, nakalikha na ng isang malaking pitak sa kasaysayan ang media, sa anyo ng mga diyaryong limbag kapwa sa Pilipinas at sa Espanya na nagbunsod ng isang di- mapipigilang rebolusyong sosyal. Sa kasalukuyang panahon, ang papel ng media sa pagsusulong ng isang pambansang pagbabago sa pamamagitan ng paghuhubog ng isang esensiyal na opinyon publiko, at maging ng pagbabagong hubog sa umiiral na pilosopiya at sikolohiyang panlipuna ay hindi na maitatatwa lalo pa’t naging ugat ang eskalasyon ng kampanyang pagpapatalsik sa dalawang itinuring na mga kontrobersiyal na pangulong Ferdinand Edralin Marcos noong 1986 at Jose Ejercito (Joseph Ejercito Estrada) noong 2001 na nagluklok sa dalawang babaing lider na naging impluwensiyal, kapwa sa pagsusulong umano ng pambansang demokrasya at kalayaang sibil sa Pilipinas—Corazon Cojuangco Aquino noong 1986, at Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001 at ngayong 2004. Media ang naging instrumento ng mga nasabing makasaysayang pangyayari sa bayang Pilipinas at, sa ganang palagay, Media rin ang siyang makapagsusulong (sana) ng isang makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang makapagtaguyod ng isang demokratikong sistema ng pangmasang edukasyon at pagpapalaganap ng impormasyon: Na magiging batong-tuntungan naman ng iba pang sangay ng gobyerno upang lumikha ng polisiyang papabor sa kalakhan ng mamamayan. Media: Isang Depinisyon Media ang kolektibong katawagan sa mga entidad o institusyong tagapagbalita: radyo, telebisyon at diyaryo na nadagdagan ng dalawa pang anyo, ang pelikula at Internet. Tri- Media ang pinakapopular na katawagan sa kasalukuyang porma ng Media: telebisyon, radyo at diyaryo. At ang tatlong ito ang siyang sinasabing pinakamakapangyarihang institusyon pagdating sa pagtuturo, pagpapaalam at paghuhubog ng isang kamalayang panlipunan. Sa literal na pakahulugan, ang Media ang nagsisilbing tagapamagitan ng dalawang ibayong entidad pulitikal na partikular sa bansa: Burukrasya at ang kalakhan ng mamamayang siya namang nagsisilbing paunang tapagtaguyod ng anumang produktong iniaalok ng Media, partikular na ang impormasyon sa porma ng balita, patalastas at paglilibang.

Media at Ang Pambansang Kaunlaran

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

1

Media at ang Pambansang Kaunlaran Isinulat ni Noel Sales Barcelona © 2004, 2010 Introduksiyon Ang media ang itinuturing na pinakamalakas na institusyong sosyal na nagtataglay ng kapangyarihang lumikha ng isang opinyong makapagpapabago sa kasaysayan ng bansa. Noong panahon ng Unang Kilusang Propaganda, bago ang Rebolusyong 1896 ni Bonifacio, nakalikha na ng isang malaking pitak sa kasaysayan ang media, sa anyo ng mga diyaryong limbag kapwa sa Pilipinas at sa Espanya na nagbunsod ng isang di-mapipigilang rebolusyong sosyal. Sa kasalukuyang panahon, ang papel ng media sa pagsusulong ng isang pambansang pagbabago sa pamamagitan ng paghuhubog ng isang esensiyal na opinyon publiko, at maging ng pagbabagong hubog sa umiiral na pilosopiya at sikolohiyang panlipuna ay hindi na maitatatwa lalo pa’t naging ugat ang eskalasyon ng kampanyang pagpapatalsik sa dalawang itinuring na mga kontrobersiyal na pangulong Ferdinand Edralin Marcos noong 1986 at Jose Ejercito (Joseph Ejercito Estrada) noong 2001 na nagluklok sa dalawang babaing lider na naging impluwensiyal, kapwa sa pagsusulong umano ng pambansang demokrasya at kalayaang sibil sa Pilipinas—Corazon Cojuangco Aquino noong 1986, at Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001 at ngayong 2004. Media ang naging instrumento ng mga nasabing makasaysayang pangyayari sa bayang Pilipinas at, sa ganang palagay, Media rin ang siyang makapagsusulong (sana) ng isang makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang makapagtaguyod ng isang demokratikong sistema ng pangmasang edukasyon at pagpapalaganap ng impormasyon: Na magiging batong-tuntungan naman ng iba pang sangay ng gobyerno upang lumikha ng polisiyang papabor sa kalakhan ng mamamayan. Media: Isang Depinisyon Media ang kolektibong katawagan sa mga entidad o institusyong tagapagbalita: radyo, telebisyon at diyaryo na nadagdagan ng dalawa pang anyo, ang pelikula at Internet. Tri-Media ang pinakapopular na katawagan sa kasalukuyang porma ng Media: telebisyon, radyo at diyaryo. At ang tatlong ito ang siyang sinasabing pinakamakapangyarihang institusyon pagdating sa pagtuturo, pagpapaalam at paghuhubog ng isang kamalayang panlipunan. Sa literal na pakahulugan, ang Media ang nagsisilbing tagapamagitan ng dalawang ibayong entidad pulitikal na partikular sa bansa: Burukrasya at ang kalakhan ng mamamayang siya namang nagsisilbing paunang tapagtaguyod ng anumang produktong iniaalok ng Media, partikular na ang impormasyon sa porma ng balita, patalastas at paglilibang.

Page 2: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

2

Media bilang isang industriyang kumikita Isang industriyang nilikha ang Media upang kumita. Ang isang negosyanteng tulad ng mga Lopez, Gokongwei, Gozon at iba pa, sa larangan ng brodkasting ay nagtayo ng mga pasilidad ng pagbabalita upang kumita. Hindi maitatatwang sa Pilipinas, ang malalaking estasyon ng radyo, telebisyon at maging ang mga ahensiyang wires at on-line news broadcasting na nauuso sa kasaluyan ay pag-aari ng mga kilalang Media tycoons: Lopez para sa ABS-CBN Holdings, Inc.; Tony Cojuangco para sa ABC-5; Gozon para sa GMA 7. Sa kabilang banda, pag-aari naman ng iilang tao rin, partikular ng mga mayayamang negosyanteng Intsik ang mga pahayagan: Robina Gokongwei-Sy ng Summit Publishing; Dante Francis Ang ng The Manila Times at ng Sunday Times Magazine, kabilang na dito ang tabloid na Kabayan; Teodoro Locsin, Jr. ng Today. Maibibilang na rin dito ang mga Lopez dahil sa kanilang ABS-CBN Publishing na itinuturing na ikalawa ngayong nangungunang tagapaglathala ng magasing panlibangan tulad ng Chalk na ang pangunahing target ay mga kabataan; Metro Magazine; at iba pa. Bagaman may mga entidad na maituturing na pag-aari ng Estado, unti-unti na rin itong ginagawang empresa (enterprise) upang kumita ang gobyerno. Ang National Broadcasting Company (NBN 4), ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13), ang Radio Philippines Network (RPN-9), at ang Philippine News Agency (PNA) na humahawak naman ng mga Philippine wires; at iba pang estasyon ng radyo na pag-aari ng Estado ay pawang mga institusyon ng pagbabalitang nilikha upang pagkunan ng kita at gayundin, upang maging sangay propaganda ng pamahalaan. Ngayon, unti-unti ang nabanggit—gaya ng NBN 4, RPN 9 at IBC 13—ay unti-unti nang isinasapribado dahil sa kawalan nang kumita ng mga ito, para sa gobyerno. Ayon sa isang primer na ipinalabas ng National Peoples’ Media and Press Center of the Philippines, Inc. (NCPM), nananatili ang mga institusyon ng mas Media sa kamay ng iilang mga mayayaman o may kakayanang makabili ng prangkisa o pahintulot buhat sa gobyerno at makabili ng mga kagamitan tulad ng mga computers para sa layout at online broadcast, papel, makinang pang-imprenta at iba pa. Ibig sabihin isang kumikitang industriya ang Media. Multibilyong piso kung tutuusin ang industriya ng Media. Dito masasabing may napakalaking potensiyal na mamuhunan ang isang tao upang kumita. Datapwa, dahil na rin sa monopolistikong kalakaran sa ganitong uri ng empresa, marami rin ang pahayagang nagsasara at mga estasyong nalulugi at tuluyan nang hindi nakapag-eere. Nariyan ang dating Philippine Post, Manila Shining Star, at ang Metro Sun Star na dati’y nakikipagsabayan sa malalaking diyaryo tulad ng Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin at Philippine Star.

Page 3: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

3

Media bilang panlipunang institusyon Bagaman masasabing ganoon ang kalakaran, nananatili pa rin ang impresyon na ang Media ay siyang sentro ng serbisyo publiko at isang institusyong sosyal o panlipunan dahil nakapokus ang kalakhang bahagi nito sa pag-alam at pagpapakilos ng tao. Kung susuriin, naging isang bahagi ng sosyal na gawain ng tao ang Media dahil ang lahat ng mamamayan ay umaasa sa impormasyong hatid ng Media at ang mga impormasyong ito ang siyang nagagamit ng tao para sa kanyang pang-araw-araw na gawain. Sa mga magsasaka halimbawa, ang programa hinggil sa wastong pag-aalaga ng baboy, pagpapalago ng palay at pagpapanatili ng isang palaisdaan ay magiging malaking tulong para sa sariling ekonomiya o kabuhayan. Nakalilikha din ang midya ng isang malayang pagpasok ng mga impormasyong kailangan para maipakilala ang isang batas na babago sa takbo ng buhay ng mga mamamayan. Kung titingnan, obligado ang Lehislaturang magpatalastas sa diyaryo na may pambansang sirkulasyon bago maipatupad ang batas. Media Bilang Pampulitikang Insitusyon Hindi maihihiwalay ang Media sa pulitika. Ito ang siyang tinaguriang ikaapat na bahagi ng estado (fourth estate of the state) na siyang lumilikha naman ng di-nasusulat na batas panlipunan. Nagaganap ito sa pamamagitan ng ahitasyon na isinasagawa ng Media sa panahon na kailangan ng isang pagkilos. Halimbawa, ang kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada na ang Media ang siyang naging sanhi ng pagpapakilos na malaking bilang masa para mapatalsik ang dating pangulo sa poder at mailuklok ang kanyang bise-presidente, si Gng. Macapagal-Arroyo. Kung titingnan, may kapangyarihang pansarili ang Media tulad ng hindi magagawa ng gobyernong pilitin ang sinumang Media practitioner na ibunyag ang kanyang pinagkunan ng impormasyon. Gayundin naman, sa kabilang banda, ang Media ang siyang pinakamainam na instrumento ng propagandang pampulitika lalo na sa panahon ng eleksiyon. Ito rin ang siyang nagsisilbing daluyan ng ilang pampulitikang gawain tulad ng mga paglilitis na dapat makita ng madla, ang pagaanunsiyo ng bagong mga batas at maging ang ulat ng mga ahensiya ng gobyerno sa bayan. Media at Edukasyong Panlipunan

Page 4: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

4

Tatlo ang batayang katungkulan ng Media sa lipunan: tagapagmulat o agitator, tagapagpangkat o organizer at tagapagpakilos o mobilizer. Nagaganap ang tatlong nabanggit sa pamamagitan ng paghuhubog ng isang opinyon publiko. Ang opinyon publiko ang itinuturing na isa sa pinakamalakas na kapangyarihan ng mamamayan bukod sa pagluklok ng isang pinuno ng pamahalaan. Naiaanyo lamang ito sa pamamagitan ng Media: Ang impormasyon o edukasyong natatanggap ng isa sa Media ang siyang nagiging batayan ng kanyang pagsusuri at kanyang pagkilos lalo na sa mga napapanahong isyu. Ayon kay Ma. D’Jay D. Lazaro, executive director ng NCPM at isa sa mga desk editor ng Remate Tonight, may ginagampanang mahalagang papel ang Media sa pagpapakilos ng mamamayan upang tumugon sa isyu. Noong panahon ng kampanya kontra-Marcos (1986) malaki an g naitulong ng Media upang maganap ang unang Rebolusyong Edsa na sinundan, matapos ang 15 taon ng Ikalawang Rebolusyong Edsa (Edsa II) na siya namang nagpatalsik si dating Pangulong Estrada. Nitong nakaraan, ang pagkakahantad sa Media ng kalagayan ni Angelo dela Cruz ang siyang nagpakilos sa mamamayan upang puwersahin ang administrasyong Macapagal-Arroyo upang makipagnegosasyon, paalisin ang tropang Pilipino sa Iraq at iwaksi nang pansamantala ang ugnayang Pilipinas at Estados Unidos upang mailigtas ang buhay ng binihag ng Overseas Filipino Workers (OFW). Hindi na bago ito sa usapin ng pagpapakilos ng masa sa pamamagitan ng ahitasyon (agitation) ng Media o dyornalismo. Bago ang Rebolusyong 1896 at bago ang proklamasyon ng Rebolusyonaryong Gobyerno noong 1898, naging daluyan ng impormasyon at edukasyong pangmasa ang mga diyaryong La Solidaridad at Diyaryong Tagalog ng Kiluasang Propaganda at Katipunan na siya namang nakahikayat sa kalakhan ng mamamayan upang humingi ng panlipunang pagbabago: pulitikal, ekonomikal at edukasyonal. Kaya nga, nakasentro pa rin sa isang di-maitatangging gawaing sosyal ang Media: ang tinatawag na serbisyo publiko sa anyo ng pagpapaalam sa masa kung ano ang nasa likod ng mga pangyayari at pagpapaliwanag sa kanila ng ugat ng tunay na pangyayari. Ito naman ang siyang huhubog sa isang polisiyang kapaki-pakinabang (kung sakali) sa buong sambayanan. Kabalintunaan sa kasalukuyang kalakarang Media sa Pilipinas Hindi maiiwasang dahil nga sa pribadong industriya ang Media, nasasagkaan nito ang gawain ng Media bilang instrumento ng pambansang pagbabago. Madalas na nasasala ang mga balita at impormasyong nakararating sa tao.

Page 5: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

5

Patalastas o anunsiyo ang siyang bumubuhay sa mga institusyon ng Media. Humigit-kumulang sa tatlo at kapat (¾) o higit pa ng kinikita ng Media ay mula sa kanilang patron o mga advertisers. Naririyan ang kompanya nina Eduardo Cojuangco, ang San Miguel Group of Companies, na siyang pinakamalakas na tagapagpasta ng anunsiyo sa mga diyaryo at telebisyon maging sa radyo. Nariyan ang minu-minutong anunsiyo ng kanyang produktong serbesa, karne, at iba pang produktong buhat sa kanyang kompanya at mga subsidaryo. Dahil sa utang na loob ng mga may-ari ng kompanya ng Media sa isang tulad ni Danding, nasasagkaan ang ilang mga impormasyong dapat na malaman ng publiko. Nang isinusulat ito, mayroong nagaganap na malawakang welga ngayon sa San Miguel Beer warehouses sa Kalookan, Pureza sa Sta. Mesa, Maynila, Makati at Cubao na may malaking implikasyon sa kabuhayan ng nakararami dahil humigit-kumulang sa 10,000 o higit pa ang mawawalan ng hanapbuhay at madaragdag sa 13.7% ng kawalang trabaho. Noong nakaraang eleksiyong 2004, hindi nabunyag sa kahit saanmang estasyon ang lihim na kasunduang Arroyo at Cojuangco sa kontrobersiyal na Coco Levy Fund. Ilan lamang sa mga Media entities ang kumagat sa balita at sa dakong huli, namatay ang isyu. Nanalo pa rin si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa kabila ng eskandalo. Dahil naman sa pag-aari ng mga Lopez ang Meralco, Maynilad at iba pang industriyang may kinalaman sa konstruksiyon, telekomunikasyon o samakatuwid, utilidad (utilities), napagtatakpan ang ilang balita ng pagsasamantala ng mga ito sa sambayanan. Mahigit sa P19 na bilyon ang sobrang singil ng Maynilad Water Services na nakapailalim sa Benpres, Inc., ang grupo ng kompanya ng mga Lopez ang hindi naiulat sa Media. Hindi ito ibinalita sa mismong ABS-CBN at lumabas lamang sa mga kalabang estasyon sa pagpupursigi ng ilang grupong cause-oriented. Gayunman, mayroong dahilan ang kabilang estasyon kung bakit nito “kinagat” o ibinalita ang isyu: ang kita mula sa mga advertisers dahil sa buyability ng istorya at siyempre pa, pambala nila ito laban sa kalabang istasyon. Ibig sabihin, ang pagkagat ng GMA-7 ng mga Gozon at Duavit ay bahagi lamang ng kanilang “corporate scheme” at hindi talaga pagkiling o pakikinig at pagpapalaganap ng isyu ng masa. Ang napipintong di-makatarungang pagtaas ng singil sa NLEX (North Luzon Expressway) na hinawakan ng Benpres Holdings Inc. na ipinagkasundo sa gobyerno. Hindi ito nailabas kahit saan mang diyaryo maliban sa ilang mga alternative Media entities tulad ng Pinoy Weekly, Bulatlat.com, at Southern Tagalog Exposure. Bilang isang ideolohikal na aparato kapwa ng Estado at ng Masa

Page 6: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

6

Dahil sa napakalakas na impluwensiya ng Media, isa itong maituturing na aparatong ideolohikal o tagahubog ng kaisipang pambayan. Nakapaloob dito ang pagpapalaganap ng isang popular na kultura, popular na demokrasya at iba pang ideolohiyang nakakawing sa sinasabing pilosopiya ng nakaaangat. Sabi nga ni Louis Althusser, sa kanyang diskursong "Ideology and Ideological State Apparatuses: Notes Toward Investigation" (1969), ibinilang niya ang Media bilang isa sa mga aparatong represibong ideolohikal ng estado. Ibig sabihin, tuwiran man o hindi, may tiyak na kontrol ang Estado (na ngayon ay pinamumunuan ng mga burgis at naghaharing-uri) sa mga entidad sa Media at ito naman ang siyang humuhubog sa kaisipan ng masa. Ang kaisipan namang ito ang siyang humuhubog sa opinyon ng taumbayan hinggil sa mga isyu:

• sa sosyoekonimiko at sosyopulitikong relasyon ng mga nasa lipunan Nahahati ang Pilipinas sa limang espisipikong uri (class) ang lipunang Pilipino:

� 1% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang mga itinuturing na panginoong maylupa at burgesyang komprador. Sila ang karaniwang nagmamay-ari ng kalakhang yaman ng bansa, kasama na ang pangunahing industriya: kuryente, tubig, Media at mga empresa.

� 1% ang nabibilang sa pambansang burgesya: sila ang saray (strata) ng burgesya

na nasa gitna ng malakibg burgesyang komprador at petiburgesya. Mga negosyante silang nagnanais ng makabansang industriyalisasyon at saklaw ng kanilang interes ang maliliit na pagawaan, pangingisda, maliitang manupaktura, katamtamang pangangalakal (medium trade) at negosyo sa transportasyon, at intermedyang industriya.

� 8% ang mga itinuturing na petiburges: kabilang dito ang mga guro, estudyante,

mga propesyunal na maliit ang kita, empleyado at mababang opisyal ng gobyerno o burukrasya, gitnang magsasaka (middle peasant o nagmamay-ari ng di-gaanong kalakihang lupang sinasaka), ekspertong tagayaring kamay, karpintero-kontratista, mangingisdang may sariling bangkang de-motor at kagamitan, at bihasang manggagawang may mataas-taas na sahod.

� 15% ang mga manggagawa

� 75% ang mga magsasaka o tagapagbungkal ng lupa.

Page 7: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

7

Hindi madalas na naipakikita ang ganitong pagkakahati-hati sa lipunan, bagaman may ilang nagsasabing malayo ang agwat ng pamumuhay ng mga mayayaman at mga mahihirap, kapwa sa kalungsuran at kanayunan. Sa pagitan ng mayaman at mahirap, ang mga mayayaman ang lumilitaw na tagalikha dahil sila ang may kakayanang makapagmay-ari ng mga industriya. Subalit, kung titingnan, ang mga manggagawa at magsasaka kasama ang iba pang nasa 99% na porsiyento ng populasyon ang siyang may kakayahang makalikha ng masasabing kabuhayan ng bansa. Madalas na hindi ito naipakikita sa Media. Ngunit, madalas na ipinakikita ang malaking agwat ng kabuhayan ng mga mayayaman at mahihirap sa mga pelikula, palabas at mga dokumentaryo.

• ang konsyumerismo at ang pagpapalaganap ng kulturang popular (na mapaminsala)

Ipinalalaganap ng popular Media ang isang kulturang nakabatay sa pagbili (consumerism). Dahil sa may kakayanan ang mga petiburges at mga nasa bahaging "nakaaangat" na bumili, patuloy ang pagpapalaganap o pagpopopularisa ng mga bagong produkto (mga kosmetiko halimbawa) upang hikayatin ang masa na bumili. Gayundin naman, pinalulutang ng Media ang isang uri ng malabsang kulturang ipinaampon sa masa bilang kanyang sariling kultura. Nariyan ang mga pelikulang porno, mga nakasasakit na gag shows at iba pa.

• popular na demokrasya Nasa mukha rin ng Media ang balintunang relasyong pampulitika tulad ng mga huwad na repormang ipinapalaganap ng gobyerno. Binubusog ang tao ng mga pangako buhat sa mga pulitiko sa pamamagitan ng pag-eere nito sa Media. Bagaman mayroong mga kongkretong proyekto, hindi ipinalalabas ng Media dahil sa sensura ng gobyerno ang kapalpakan ng mga proyekto. Hal. Ang mapaminsalang polisiya ng globalisasyon at pribatisasyon. Bagaman may sinasabing may kalayaan sa pamamahayag, maraming mga mamamahayag ang sinasagkaan ng karapatan sa pamamahayag. Ang unos sa industriya ng Media Bagaman may kabalintunaan, hindi rin maiiwasang binabayo rin ang sinasabing demokratikong identidad at gawain ng Media.

• Sensura at sariling-sensura (self-censorship)

Page 8: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

8

May ilang mga pahayag at mga balitang hindi naipalalabas dahil hindi pinapayagan ng editor o ng tagapaglathala na mailabas. Malaganap ang ganitong kaso sa mga diyaryong kinakandili ng mga maimpluwensiya. Bilang utang na loob, maraming mga impormasyon ang nananatili na lamang nakatago at hindi nailalathala. Marami ring kasong "minamasahe" ang mensahe dahil na rin sa "utang na loob". Ang dapat malathala’t hindi nailalathala.

• Korupsiyon at pang-ekonomikong suliranin Marami na ring mga taong Media ang napipilitang “ikalakal” ang sarili upang masapatan ang kita. Maraming mga korespondent sa probinsiya maging sa kalungsuran ang nagiging PR na lamang ng mga pulitiko at mga korporasyon. Gayundin, pinipiling ipagbili ang prinsipyo upang magkaroon ng sapat na salaping panustos sa sarili at sa pamilya. Marami kasing mga Media practitioners sa mga lalawigan ang kumikita lamang ng P1,500 isang buwan o mas mababa pa.

• Pagsupil sa karapatang mag-unyon Tulad ng iba pang empresa, may ilang mga pahayagan at mga estasyon ng telebisyon at radyo ang nagtatayo ng unyon: gaya rin ng ibang unyon ng mga manggagawa, bawal ang welga, dinadaya ang CBA (Collective Bargaining Agreement) at sinusupil ang karapatang mag-unyon. Ayon sa ulat ng Bulatlat.com, kasalukuyang nagtatanggalang ngayong 2010 ng mga empleyado ang ABS-CBN Internal Job Market. Ang puntirya nila: mga opisyal at kasapi ng unyon. Ginagawa nila ito para tuluyang maisakatuparan ang balak ng ABS-CBN na tuluy-tuloy na kontraktuwalisasyon sa hanay ng kanilang manggagawa, nang sa gayon, ay kaunti lamang ang kanilang “gagastusin” kung pag-uusapan ang pagbabayad sa benepisyo at sahod ng kanilang mga manggagawa.

• Hindi makatarungang mga batas Sa panig ng pamamahayag pangkampus, ang Campus Journalism Act of 1991 (Republic Act 7079) na nagdulot ng pagsasara ng mga publikasyong pangkampus tulad ng Ang Pamantasan. Kasama rin din dito ang pagpapaigting o pagpapabuti sa batas sa libelo at paninirang-puri (slander) na karaniwang ginagamit upang masensura ang karamihan sa mga mamamahayag.

Page 9: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

9

• Karahasan Mula 1986, sa panahon ng pananauli diumano ng demokrasya, 55 mamamahayag na ang pinaslang (may nagsabing umaabot na raw sa 137; hindi pa kabilang ang di-nauulat. Ang Media, ang pambansang pagmumulat at ang kaunlaran Kung mahahamig, maaring magamit ang Media, gaya nang nasabi bilang isang progresibong instrumento ng pagbabago. Dito papasok ang sinasabing "alternative Media" o mga entidad na kontra popular na Media na naghahantad ng tunay na kalagayan ng lipunan at naghuhubog ng isang esensiyal na opinyon publiko. Dahil sa lakas ng Media na makahubog ng isip ng madla, maaring gamitin ito upang tuwirin ang kabaluktutang ipinalaganap sa pamamagitan din ng Media. Narito ang mga halimbawa:

1. Ang isang balita halimbawa tungkol sa pag-aalsa ng magbubukid sa Timog Katagalugan ay maaring tanggapin bilang isang balitang pangkaraniwan. Subalit ang pag-ugat nito bilang isang suliraning panlipunan, alalalong baga ang relasyon ng kapangyarihan sa pagitan ng mga magbubukid at panginoong maylupa ay higit na magbibigay linaw sa manonood o mambabasa upang maunawaang ang balitang nabasa, napanood o napakinggan ay isang malinaw na indikasyon ng umiiral na hindi patas na relasyong pangkapangyarihan sa kasalukuyang lipunang Pilipino.

Ang pag-aalsa ng mga magbubukid ay malinaw na tatanggapin bilang tugon sa isang di-makatarungang patakaran hinggil sa pag-aari ng lupa. Dito, mapakikilos ang nakararami upang ipagtanggol at ipaglaban ang tunay na repormang agraryo. Mapupuwersa ng gayong mga pagkilos ang gobyerno upang baguhin ang bulok na sistema sa paghahati-hati ng lupain at pagpapaunlad ng buhay bukid.

2. Sa pamamagitan ng isang dokumentaryo ng paghahantad sa paglabag sa karapatang pantao, tulad ng nagaganap sa Timog Katagalugan, agad na maaksiyunan ang kasong tulad ng kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy na pinaslang ng mga militar.

Ang paghahantad ng korupsiyon sa gobyerno at pagsisilbi ng isang entidad ng Media sa sambayanan ang makapagpapabago sa gobyerno. Pinakamagandang halimbawa nito ang pagpapatalsik sa diktadurang Marcos at ang pagpapanauli ng demokrasya.

Page 10: Media at Ang Pambansang Kaunlaran

10

Kongklusyon

� Pahapyaw lamang ang nabanggit sa itaas. Kung itotodo ang potensiyal ng Media bilang instrumento ng edukasyon at paglilinaw, makalilikha ang kasalukuyang lipunan ng mga pagbabagong esensiyal at progresibo para sa pangkalahatan.

� Sa tunay na Media ng masa magmumula ang mga mabubuting panukalang

pangkabuhayan sa pamamagitan ng paghahantad ng kontra-mamamayang polisiya sa kabuhayan, na isasagawa naman ng tunay na demokratikong gobyerno na hindi naman malabong maabot ng Pilipinas at ipapatupad nang walang pag-aalinlangan;

� Ang mapanuring Media ang siyang susugpo sa korupsiyon ng gobyerno at siya

namang magtuturo sa mamamayan kung paano kumilos bilang paglaban sa kabalintunaang ito;

� Ang Media bilang institusyon o edipisyo ng demokrasya ang siyang

magpapalaganap ng tunay na kahulugan ng demokrasya at magsusulong nito; at

� Ang tunay na Media ang siyang magiging katulong ng tunay na demokratikong pamahalaan sa pagsusulong ng isang maayang bukas na may malayang impormasyon at isang edukasyong masang nakapagpapamulat at nakapagpapalaya.

Talasanggunian: Iba’t ibang balita sa peryodiko, telebisyon at internet National People’s Media and Press Center of the Philippines, Inc. (2002) Primer on

Media.