20

Kaunlaran sa Siyensiya

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kaunlaran sa Siyensiya
Page 2: Kaunlaran sa Siyensiya

Maraming nagawa ang siyensiya noongika-19 na siglo.

Walang alinmang panahon sa kasaysayanng daigdig na nagtamo ang sangkatauhanng mga pambihirang kaunlaran sa mgalikas ng agham.

Page 3: Kaunlaran sa Siyensiya

Nabago ni Charles Lyell (1797-1859), isangEnglish geologist, ang siyensiyang heolohikal dahilsa kaniyang uniformitarian theory.

Sa kaniyang bantog na aklat na The Principles of Geology (1830), ipinalagay niya na nagkahugis angibabaw ng mundo, hindi dahil sa mga pagsabog ngkalikasan, kundi dahil sa dahan-dahan at unti-unting pagbabago sa paglipas ng panahon.

Ang teoryang ito ang tinanggap na paliwanagtungkol sa mga pagbabago sa ibabaw ng mundo.

Page 4: Kaunlaran sa Siyensiya
Page 5: Kaunlaran sa Siyensiya

Ang pinakasensyonal na teorya ng siglo ay ang teoryang ebolusyon, na nagsasabing ang buhay ay resulta ngebolusyon, sa pamamagitan ng mga sumusunod naantas. Ang ideya ng ebolusyon ay iminungkahi ng mgasinaunang tao.

Dalawang siyentipiko noong ika-18 siglo, sina Buffon at Lamarck, ang unang nagsabi nito.

Ngunit ang nagpasikat sa teorya ng ebolusyon ay angsiyentipikong English na si Charles Darwin (1809-82) sa kanyang akat na The Origin of the Species by Means of Natural Selection (1859). Kaya ang teoryang ebolusyon ay tinatawag na Darwinism.

Page 6: Kaunlaran sa Siyensiya

Ang teoryang Darwin ng ebolusyon ay lumikha ngmalaking kontrobersiya sa buong panahon ngmakabagong daigdig.

Ito ay sinuportahan ni Alfred Rusell Wallace (English), na naglinang ng teorya ng ebolusyon nanghiwalay kay Darwin; si Thomas Henry Huxley(English), na naging pangunahing kasama ni Darwin; at si Ernest Hacckel, isang German biologist at philosoper.

Page 7: Kaunlaran sa Siyensiya

Umunlad ang Kemistri noong ika-19 na siglopagkatapos matuklasan ni John Dalton (1766-1844) naang isang bagay (matter) ay binubuo ng napakalilit naatom.

Mula sa teorya ng atom ni Dalton, si Joseph Louis Gay-Lussac, isang French chemist, ang nakatuklasnoong 1809 na kapag hinalo ang iba’t ibang gas, nakakalikha ng mga bagong chemical compounds : halimbawa, ang dalawang bolyum ng oxygen ay nakalikha ng tubig.

Sa Germany, ang chemical science ay umunlad dahil samga pagsasaliksik ni Friedrich Wohler at Justus von Liebig.

Page 8: Kaunlaran sa Siyensiya

Noong 1828, inilatag ni Wohler ang pundasyon ngsynthetic chemistry. Nakagawa si Liebig ngartipisyal na abono sa kaniyang laboratoryo, kaya humusay ang maka-agham na agrikultura.

Sa huling bahagi ng ika-19 siglo, isinulong ni Dmitri Mendeleev, isang siyentipikong Russian, angperiodic law of chemistry na nagsasabing kapagang mga elemento ay nakatala nang sunud-sunodsa kaayusan ng kanilang atomic weights, magpapakita sila ng magkakatulad na katangian sapamamagitan ng walo.

Si Louis Pasteur (1822-95) ng France, isa sapinakabantog na chemist sa daigdig, ang gumamitng chemistry upang iligtas ang biological science.

Page 9: Kaunlaran sa Siyensiya

Ipinakilala niya ang pasteurization ng gatas(sterilization sa pamamagitan ng pagkukulo upangpatayin ang mga mikrobyo), tumuklas ng lunas sarabies, at nakatuklas na ang fermentation o pangangasim ng pagkain at iba pang sanhi ay sanhing bakterya.

Page 10: Kaunlaran sa Siyensiya

Ang mga bagong pagtuklas sa pisika noong ika-19 siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo ay tumulongsa pag-asenso ng sangkatauhan.

Ang mga kahanga-hangang nagawa sa siyensiya ay ang pagtuklas ni Count Volta ang electric battery noong 1800, ang imbensyon ni Michael Faraday ngelectric dynamo noong 1831, at imbensyon niThomas Edison ng electric bulb noong 1879.

Ang siyensiya ng acoustics ay sinimulan ng isangsiyentipikong German, si Heinrich Rudolf Hertz, ay nakatuklas ng tinawag na Hertzian waves nahumawi ng landas para sa imbensyon ng wireless telegraphy.

Page 11: Kaunlaran sa Siyensiya

Noong 1898, pinahanga ng mag-asawang Dr. Pierre at Marie Curie ang mundo sa kanilangpagkatuklas ng bagong elementong tinatawagna radium. Sa tuklas na ito, sila ay ginawaranng Nobel Prize sa Pisika noong 1903.

Ang radium ay nakukuha mula sa mineral natinatawag na “ pitch-blended” na malakas saradioactive.

Sa pasimula ng ika-20 siglo, si Albert Einstein(tubong German ngunit naging mamamayangAmerikano), isa sa pinakadakilang henyo ngsiyensiya sa daigdig, ang nagpabago ngsiyensiya ng pisika.

Page 12: Kaunlaran sa Siyensiya

Ang kaniyang theory of relativity, naiminungkahi niya noong 1905, ay nagbigay sataong bagong pananaw sa matter, oras, spaceat kilos, na magkakaugnay sa isa’t isa.

Ang kaniyang mga siyentipikong pag-aaral anghumawi ng landas para sa siyensiyang nukleyar.

Page 13: Kaunlaran sa Siyensiya

Ang siyensiya ng medisina ay nagkaroon ngmalaking pagbabago noong ika-19 siglo. Si Elias Metchnikoff (Russian) ang nakatuklas ng white blood corpuscles na lumalaban sa mga mikrobyo.

Si Louis Pasteur (French) ang nanguna sa laranganng serum therapy sa pamamagitan ng pagtuklas ngisang antitoxin laban sa hydrophobia.

Si Robert Koch (German) ang nakatuklas ngmikrobyo ng tuberkulosis, si Emil von Behring(German) ang nakatuklas ng antitoxin laban sadiphtheria.

Page 14: Kaunlaran sa Siyensiya

Isang malaking tulong sa pagtitistis ay anganaesthesia.

Ito ay unang ginamit noong 1846 ni Dr. John C. Warren, isang Amerikanong siruhano saBoston.

Ngunit ang anaesthesia lang, ay hindi lubos namakakatulong sa pasyente kung ang panganibng pagkakalason pagkatapos ng operasyon ay hindi maiiwasan.

Ang antiseptic ay unang ipinakilala noong 1876 ni Dr. Joseph Lister ng England.

Page 15: Kaunlaran sa Siyensiya

Isa pang kontribusyon sa pagtitistis ay angX-ray, na natuklasan noong 1895 ni Wilhelm von Roentgen (German).

Page 16: Kaunlaran sa Siyensiya

Ang mga dakilang heograpikal na eksplorasyon ngika-16 na siglo ay ipinagpatuloy noong ika -19 nasiglo.

Ang mababangis na rehiyon ng Amazon at Orinocosa South America ay ginalugad ng isangsiyentipikong German, si Alexander von Humboldt.

Sa kaniyang bantog na aklat na Kosmos (1885), inilatag niya ang batayan ng siyensiya sa pisikal naheograpiya.

Page 17: Kaunlaran sa Siyensiya

Si Von Humboldt ay kinikilala din bilang “Father of Science Climatology” dahil gumawa siya ngmalawakang pag-aaral ng iba’t ibang klima at gumuhit ng unang mapa ng klima ng daigdig.

Ang “Dark Continent” (Africa) ay ginalugad ngmisyonerong-eksplorer na si Dr. David Livingstone at ng Amerikanong mamamahayag nasi Henry Stanley.

Ang Tibet ay ginalugad ni Even Hedin (Swede) mula 1893 hanggang 1902 at mula 1906 hanggang1908.

Ang mga unang nagsisikap na galugarin ang Northat South Poles ay ginawa noong ika-19 siglo.

Page 18: Kaunlaran sa Siyensiya

Mula 1881 hanggang 1896, si A.W. Greely(American) at Fridjoy Nansen (Norwegian) ay nagtangkang marating ang North Pole ngunitnabigo.

Ngunit noong Abril 7, 1909, si Robert E. Peary (American) ang nagtagumpay sapagdating doon.

Siya ay kilala bilang tumuklas ng North Pole.

Ang karangalan ng pagkatuklas ng South Poleay Roald Amundsen (Norwegian), na naratingito noong Disyembre 16, 1911.

Page 19: Kaunlaran sa Siyensiya
Page 20: Kaunlaran sa Siyensiya

Submitted by:

Yr. & Sec.:

Submitted to: