27
MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS ANITA MAGSAYSAY-HO Si Anita Magsaysay-Ho ( Manila , 25 May 1914- ) ay kilala para sa kanyang mga abstrak na mga dibuho ng mga babae sa kanilang pang- araw-araw na gawain at ng mga hubad na babae. Nag-aral siya ng pagpipinta sa U.P. School of Fine Arts. Ilan sa mga kanyang guro ay mga kilalang pintor tulad ni Fabian dela Rosa , Fernando Amorsolo and Irineo Miranda . Sa pagtapos niya sa U.P. noong 1933, pumunta siya sa U.S. para mag-aral pa sa Art Students League sa New York at sa Cranbrook Academy of Arts sa Michigan. Isa siya sa mga Modernists, ang iisang babae na kasama ng 13 na pintor na nagpasimula ng mga estilong moderno noong 1950s. Noong 1958, isa siya sa mga 6 Outstanding Filipino painters, kasama ni Vicente Manansala , Arturo Luz , Hernando R. Ocampo , Carlos "Botong" Francisco , at Fernando Zobel , na itinuring ng 8 kilalang tao sa larangan ng sining sa Manila Chronicle panlinggo na magasin This Week.

Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

Embed Size (px)

DESCRIPTION

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Citation preview

Page 1: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

ANITA MAGSAYSAY-HO 

Si Anita Magsaysay-Ho (Manila, 25 May 1914- ) ay kilala para sa kanyang mga abstrak na mga dibuho ng mga babae sa kanilang pang-araw-araw na gawain at ng mga hubad na babae.

Nag-aral siya ng pagpipinta sa U.P. School of Fine Arts. Ilan sa mga kanyang guro ay mga kilalang pintor tulad ni Fabian dela Rosa, Fernando Amorsolo and Irineo Miranda. Sa pagtapos niya sa U.P. noong 1933, pumunta siya sa U.S. para mag-aral pa sa Art Students League sa New York at sa Cranbrook Academy of Arts sa Michigan.

Isa siya sa mga Modernists, ang iisang babae na kasama ng 13 na pintor na nagpasimula ng mga estilong moderno noong 1950s. Noong 1958, isa siya sa mga 6 Outstanding Filipino painters, kasama ni Vicente Manansala, Arturo Luz, Hernando R. Ocampo, Carlos "Botong" Francisco, at Fernando Zobel, na itinuring ng 8 kilalang tao sa larangan ng sining sa Manila Chroniclepanlinggo na magasin This Week.

 Si Anita Magsaysay-Ho, na kamag-anak ng dating presidenteng Ramon Magsaysay, ay kilala para sa kanyang mga larawan ng pesanteng Filipina. Ipinagdiwang niya sa kanyang mga kambas ang kababaihan ng bansa na sa kalakhan ay manggagawang dagat at bukid: nagtatahip ng palay, umaani ng prutas at gulay, nagtatali ng tinabas na tubó, nagsusulsi ng lambat at nagtitinda ng sariwang húli, naghahabi ng basket, nagluluto, nagtatanim.

Page 2: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Malalim ang paghanga ni Magsaysay-Ho sa Filipina. Kahit na makailang beses siyang tumira sa ibang bansa dahil sa negosyo ng kanyang asawa — Hong Kong, US, Brasil, Japan, at Canada — nanatili sa kanyang puso ang kanyang mga kababayan. Naging inspirasyon ang kanilang kilos, pag-uugali, paraan ng pagpapakita ng ligaya at lunggati, kasipagan at kahinaan, ang kanilang pagdiriwang ng buhay. “Batid ko ang lakas, kasipagan, at dignidad ng Filipina, dahil isa ako sa kanila,” ang sabi ni Anita (sa Inggles) kay Alfredo Roces sa librong ‘Pagpupugay sa Kababaihan’ (‘In Praise of Women’).

Malaki ang papel ni Magsaysay-Ho sa pagdadala ng estetikang modernista sa pagpinta sa Pilipinas. Kasama niya sa listahan ni Victorio Edades ng “13 Modernista ng Pilipinas” sina Galo Ocampo, Botong Francisco, Vicente Manansala, H.R. Ocampo, Cesar Legaspi, Demetrio Diego, Diosdado Lorenzo, Jose Pardo, Ricarte Purugganan, Bonifacio Cristobal, at Arsenion Capili. Sa pamamagitan ng pagsasalarawan niya ng buhay Filipino at pagsasanib ng tradisyunal sa modernista sa sining, nananatiling kayamanan ng bansa ang kanyang iniwang mga likha.

Page 3: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

MARIA JOSEFA GABRIELA CARI-O SILANG

MARIA Josefa Gabriela Cari-o Silang ang buong pangalan ng ating bayani na mas kilala bilang Gabriela Silang. Marso 19, 1731 noong siya'y isinilang sa kapatagan ng Sta Caniogan, Ilocos Sur. Nakilala siya sa kasaysayan bilang ang matapang na si Gabriela.

Inampon siya sa murang edad ng mayaman at kilalang negosyanteng si Don Tomas Millan. Sa edad na 20, nakipag-isang dibdib siya sa isang matanda ngunit mayamang kilala sa kanilang bayan. Sa tatlong taong pagsasama ay hindi pinalad na magkaroon sila ng anak at hindi nagtagal ay pumanaw ang asawa ni Gabriela.

Taong 1757, nakapag-asawa siyang muli at sa pagkakataong ito, sa isang binatilyong lider ng rebeldeng grupo naman na may edad na 27. Diego Silang ang tunay niyang pangalan at tubong Caba, La Union siya.

Page 4: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Kusang-loob na sumapi si Gabriela sa kilusan ng kanyang asawa. Masidhing layunin nila ang palayain ang buong bayan ng Ilokos mula sa kamay ng mga mapagsamantalang Kastila. Madalas na kasama si Gabriela sa mga labanan upang sumuporta at ipaglaban ang sariling bayan.

Sa kasamaang palad, ang kaibigan na tinuring ni Diego na isang mestizo na Kastila na nagngangalang Miguel Vicos ang siya ring nagtraydor at pumatay sa kanya. Labis na dinamdam ni Gabriela ang masalimuot na pagkamatay ng kanyang kabiyak. Dahil dito, lalo niyang pinag-alab ang pakikipaglaban sa mga kastila. Pinangunahan niya ang grupong iniwan ng kanyang asawa. Ang pagmamahal sa tinubuan at hapdi ng karanasan ang nagbunsod sa kanya upang lupigin ang lahat ng mga Kastilang nais sumakop sa Ilocos.

Siya ang kauna-unahang babaing namuno ng rebolusyon sa Pilipinas. Kasama ng mga tauhan ng kanyang asawa, hinikayat nila ang ibang mga gerilya upang magkaisa at palawigin pa ang pakikipaglaban. Sa pangunguna niya'y buong tapang nilang sinalakay ang mga mapagsamantalang mga dayuhan sa Ilocos. At dahil dito'y lalong tumindi ang pagnanais ng mga Kastila na patayin na siya. Nabalitaan naman ito kaagad ni Gabriela kaya't pansamantala siyang nagtungo sampu ng kanyang mga tauhan sa Piddig, Abra, kung saan nagtago at nagtayo sila ng mga "headquarter."

Ika-10 ng Setyembre 1763, muli silang nagbalik sa Vigan upang muling makipaglaban, ngunit sa pagkakataong ito'y, naging handa, mas lakas at higit na marami ang mga sundalong Kastila na sinalakay nila. Nalupig ang marami niyang kasamahan. Ang balong si Gabriela'y naiwanan lamang ng walong tauhan.

Ilang araw matapos ang engkuwentro, noong ika-29 ng Setyembre 1763 isang karimarimarim na pangyayari ang naganap. Nadakip ang ating bayani kasama ng walong tapat niyang tauhan na agad din namang pinugutan sa mismong Plaza ng Vigan, Ilokos Sur.

Namatay si Gabriela Silang, subalit naipaglaban niya hanggang sa huli ang ninanasang kalayaan sa kamay ng mga mananakop.

Page 5: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

CHARMAINE CLARICE

PEMPENGCO 

Si Charmaine Clarice Pempengco o mas kilala bilang Charice

Pempengco ay ipinanganak noong 10 Mayo 1993. Una siyang nakilala sa

isang paligsahan ng pag-awit sa ABS-CBN. Nakarating siya safinals at

nagwagi ng ikatlong pwesto. Noong nakaraang taon (2007), nakita

sa YouTube ang kaniyang angking galing sa pag-awit hanggang siya ay

naimbitahan ng The Ellen DeGeneres Show, isang pamosong palabas sa

Page 6: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

telebisyon sa Amerika. Nasundan ito ng isa pang imbitasyon mula sa Paul

O'Grady Show, isang sikat na palabas sa London. Naging panauhin din siya

sa The Oprah Winfrey Show, isa ring popular na programa sa telebisyon sa

Amerika. Sa lahat ng mga pagtatanghal na nabanggit, binigyan si Clarice

ng standing ovation. Isang pagpapatunay na sumasaludo sa talento ng isang

Filipino maging ang mga dayuhan saan mang bahagi ng mundo.

Higit na naipamalas ni Clarice sa buong mundo ang galing ng mga Pinoy

noong siya ay nagtanghal sa isang palabas na pinamagatang "David Foster &

Friends" sa Mandalay Bay sa Las Vegas. Kasama niya ang mga beteranong

mang-aawit tulad nina Josh Groban, Michael Bubéle, Kenny G., Andrea

Bocelli, Brian McKnight at iba pa. Dalawang ulit na nabigyan si Charice

ngstanding ovation.

JESSICA ELIZABETH SANCHEZ

Si Jessica Elizabeth Sanchez (ipinanganak noong Agosto 5, 1995) ay isang Amerikanang mang-aawit na mula sa San Diego, California. Siya ay ngayong nakikipagpaligsahan para sa ika-11 na season ng Amerian Idol. Siya ay 11 na

Page 7: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

taon pa lamang nang makita siya sa telebisyon, dahil sa kaniyang sinalihang kompetisyon sa Estados Unidos na tinatawag na "America's Got Talent"

Si Jessica, ay ipinanganak noong Agosto 5, 1995 sa Chula Vista, California kina Gilbert and Edita Sanchez. Ang kaniyang ama ay isang Mexican-American na nagmula pa sa Texas, habang ang kaniyang ina ay ipinanganak sa lalawigan ng Bataan.

Siya rin ay naging isang mag-aaral sa Eastlake Middle School sa Chula Vista, na napili para sa isang full-scholarship sa Theater of Arts sa Hollywood.

Siya ay nagsimulang umawit sa gulang na 2, at naimpluwensiya kabilang sina Mariah Carey, Whitney Houston, Celine Dion, Etta James, Christina Aguilera, Beyonce Knowles, at Michael Jackson.

Si Jessica ay kumanta ng "Respect" (kanta ni Aretha Franklin) sa "Showtime at the Apollo" sa gulang na sampu

Si Jessica ay lumahok sa unang season ng America's Got Talent sa gulang na 11. Siya ay hindi naka-abot ng semi-finals. Hindi siya nakapag-ganap hanggang siya ay nakabilang sa Wild-Card round na pinili ni Brandy Norwood, at doon niya inawit ang "I Surrender" ni Celine Dion.

Sa Setyembre 22, 2008, siya ay naghubad sa harap ng maraming tao at siya ay nagsayaw sayaw Siya rin ay nagkanta ng "The Star-Spangled Banner" noong Setyembre 27, 2009 para sa San Diego Chargers versus Miami Dolphins matchup

Noong Hulyo 8, 2011, siya ay nag-audition sa ika 11 ng season ng American Idol sa San Diego, California. Ang kaniyang group performance kabilang sina Deandre Brackensick at Candice Glover ay nakatanggap ng Standing Ovation galing sa mga hurado, at ang kaniyang pangkat ay nakarating papunta sa susunod na round, at sunod-sunod ang kaniyang tagumpay at naka-abot hanggang semi-finals, kung saan siya ay kumanta ng "Love You I Do" at doon siya ay nakatanggap ng Standing Ovation, at nakapasok sa top 13.

Sa kinalabasan sa Top 7 noong Abril 12, si Sanchez ay nagsiwalat bilang kalahok na natanggap ng pinakamababang bilang ng mga boto, pero siya ay sinagip ng mga hurado, na siyang gumawa ng kasaysayan bilang unang babaeng kalahok sa American Idol ang na sinagip ng mga judges.

Sa lahat ng kaniyang mga inawit, siya ay nakatanggap ng limang standing ovation galing sa mga hurado.

Page 8: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

IMELDA MARCOS

Page 9: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Si Imelda Marcos (ipinanganak na Imelda Remedios Visitacion Romualdez noong 2 Hulyo 1929) ay isang Pilipinong politiko at asawa ng ika-10 Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986. Si Imelda Marcos ay kadalasang naaalala sa buong mundo para sa kanyang maluhong pamumuhay noong panunungkulan ng kanyang asawa bilang Pangulo na itinalang ikalawang pinaka-kurakot na pinuno sa buong mundo. Kabilang sa sinasabing maluhong pamumuhay ni Imelda ang kanyang koleksiyon ng higit sa isang libong mga pares ng mga mamahaling sapatos.

Kilala siya sa mga tanyag na pangalan tulad ng Steel Butterfly at Iron Butterfly, na parehong naisasalin sa bansag na Bakal na Paru-paro.

Si Marcos ay isinilang noong 2 Hulyo 1929 sa Ospital ng San Juan de Dios sa Intramuros, Maynila. Si Marcos ay ang panganay na anak nina Vicente Lopez Romualdez (apo ng prayle na si Don Francisco Lopez na mula sa Granada, España) at Remedios Trinidad ng Baliuag, ang ikalawang asawa ng nabalo na si Vicente. Siya ay bininyagan kinabukasan, 3 Hulyo 1929, sa simbahan ng San Miguel sa Maynila.

Noong Disyembre 1965, ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos ay nahalal na ikasampung Pangulo ng Pilipinas at si Imelda Marcos ay naging unang ginang ng Pilipinas. Si Imelda ay malawakang itinanghal sa mga lokal at internasyonal na media gayundin sa mga artikulo ng magasin. Noong Hulyo 1966, nang dumalaw ang Beatles sa Pilipinas para sa isang konsiyerto, inanyayahan sila ni Imelda na dumalo sa isang pagtanggap na pang-agahan sa Malakanyang.

Si Imelda Marcos ay magkaroon ng makapangyarihang papel sa pamahalaan ng kanyang asawa. Siya ay hinirang ng kanyang asawa sa iba't ibang mga posisyon gaya ng Gobernadora ng Kalakhang Maynila, Ministro ng Paninirahan, at Ambassador Plenipotentiary and Extraordinary. Noong 7 Disyembre 1972, tinangkang saksakin at patayin ni Carlito Dimahilig si Imelda Marcos gamit ang bolo sa entablado sa isang paggawad ng mga gantimpala para sa pagpapagandang sibiko na isinahimpapawid ng live sa telebisyon. Si Dimahilig ay binaril at pinatay ng mga bantay na pulis. Si Imelda ay sinasabing nagtamo ng 75 pagtahi sa kanyang mga kamay at braso. Noong 1978, inihalal si Marcos bilang isa sa 165 kasapi ng Pansalamantalang Batasang Pambansa, kung saan nagsilbi siyang kinatawan para sa Pambansang Punong Rehiyon. Pinasimulan ni Imelda ang ilang mga palatuntunan gaya ng "Rebolusyong Lunti" na humikayat sa mga mamamayan na magtanim ng mga gulay at prutas sa kanilang mga hardin

Page 10: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

gaya ng malunggay, bayabas, papaya at avocado at pagpaplano ng pamilya upang mabawasan ang populasyon ng bansa. Noong panahon ng mga baha sa Sentral Luzon noong 1972, ang mga bag na naglalaman ng mga nutribun na isang tinapay na may mataas na bitamina at may gatas na inimbento ng USAID ay tinatakan ng "Courtesy Imelda Marcos-Tulungan project" bagaman isa itong donasyon ng ahensiya ng Estados Unidos na USAID para sa mga nasalanta ng baha ayon kay Nancy Dammann Communications Media Advisor ng USAID sa 17 taon.[1][13] Noong mga maagang 1980, ipinakilala ni Marcos ang golden kuhol sa Pilipinas upang dagdagan ang protina ng populasyon ngunit kalaunang naging mga peste para sa magsasaka sa mga taniman ng kanin.[1] Ipinatayo ni Imelda at kanyang asawa ang iba't ibang mga gusali sa Pilipinas na Cultural Center of the Philippines (noong 1966), Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas (1974), Philippine Heart Center (1975), Coconut Palace (1978), Philippine Children's Medical Center (1979), Lung Center of the Philippines (1981), Sentrong Pampelikula ng Maynila (1981) at National Kidney and Transplant Institute (1983). Ang pagpapatayo ng mga gusaling ito ay sinasabing pinondohan mula sa pangungutang sa dayuhan ng kanyang asawa.

MILANIE MARQUEZ

Page 11: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Si Mimilanie Laurel Marquez, o mas kilala bilang Melanie Marquez ay isang artista sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Bukod dito, siya kilala rin bilang prodyuser, manunulat ng libro, at nag-eendorso ng mga produkto. Bago sumabak sa larangan ng showbis, siya ay nagawagi bilang Miss International at naging isang modelo. Kasama nina Jim Acosta at Dr. Dietmar Rummel, siya ay sumulat ng librong pinamagatang Beauty Reborn: the New Placenta No-Nonsense Beauty Guide na inilathala noong 2006. Kasalukuyang naninirahan si Melanie sa Utah at abala bilang isang magsasaka, habang paminsan-minsa'y rumarampa bilang modelo.

Nagtapos si Melanie ng Bachelor of Science in Business Administration bilang Cum Laude mula sa International Academy of Management and Economics noong Nobyembre 2006. Kumuha rin siya ng ilang aralin sa Warnborough University sa United Kingdom.

Taong 1979 nang siya ay lumaban sa ibang bansa dala-dala ang pangalan ng Pilipinas at nagwagi ng titulo ng Miss International sa Tokyo, Japan. Matapos noon, ipinagpatuloy niya ang kanyang karera sa pagmomodelo sa iba't ibang magasin sa loob man o labas ng bansa. Hindi naglaon, napabilang siya bilang isa sa mga supermodel sa buong mundo at pinalad na mag-modelo sa Estados Unidos at Europa, pero nagbalik din siya sa bansa.

Bilang sikat na beauty queen at modelo ay pinasok na rin niya ang larangan ng pag-arte. Gumanap siya ng iba't ibang karakter sa mga pelikulang aksyon at drama, kasama na rito ang pagganap bilang bida sa isang pelikula tungkol sa sarili niyang buhay.

Page 12: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Simula noon ay naging aktibo na siya bilang isang aktres, host sa telebisyon, prodyuser ng pelikula, at ang higit sa lahat, mag-endorso ng produkto.

Bukod sa pagsali at pagkapanalo sa Miss International noong 1979, nanalo rin siya bilang “Face of the 80s” sa New York noong 1985 at first runner-up sa Supermodel competition noong 1986. Sa parehong taon, tinawag rin siya bilang “Most Glamorous Woman” sa Italya. Taong 2005 naman nang sumali siya sa Mrs. World bilang kinatawan ng Pilipinas.

Dahil sa kanyang kasanayan sa pagmomodelo, na nagsimula sa murang edad pa lamang, tinitingala at nirirespeto rin siya bilang tagapagsanay ng mga modelo. Kabilang sa kanyang mga naturuan at nahasa ay sina Ruffa Gutierrez para sa Miss World 1993 at nagwagi bilang 2nd Princess; Charlene Gonzales para sa Miss Universe 1994; at Miriam Quiambao para sa Miss Universe 1999 at nagwagi bilang 1st Runner-up.

Siya rin ay kinukuha bilang hurado sa iba't ibang mga kumpetisyon mapa-beuty contest man, patimapalak para sa pagmomodelo, o patimpalak na naghahanap ng mga panibagong talento.

Lumabas na rin siya sa Binibining Pilipinas World of BC 2004 pageant at sa Binibining Pilipinas World of Canada 2004 pageant. Nagbukas na rin siya ng sarili niyang paaralan para sa mga nais magmodelo, sumali sa beauty pageants, at mag-artista.

Page 13: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

TRINIDAD TECSON

Si Trinidad Tecson (18 Nobyembre 1848 – 28 Enero 1928) na kilala na “Ina ng Biyak na Bato” at “Mother of Mercy”. Si Tecson ay kabilang sa ilang babaeng Filipino, na nakipaglaban kasama ang mga rebolusyonaryong, noong panahon ng mga Espanyol. Si Tecson ang tinuturing na ina ng Philippine National Red Cross, dahil sa kaniyang naging tulong sa kasamahang Katipunero.

Isinilang si Tecson sa San Miguel de Mayuno, Bulacan, na isa sa 16 na anak nina Rafael Tecson at Monica Perez. Siya ay tinuruang mabasa at magsulat ni Quinto, na isang kilalang guro sa kanilang bayan. Natutong mag-eskrima sa pamamagitan ni Juan Zeto, na isang maestro ng eskrima.

Kinatatakutan si Tecson, ng kaniyang mga kalaro at mga nakakakilala sa kaniya dahil siya ay mahusay mag-eskrima at sa angkin niyang taas, “Tangkad” kung tawagin siya ng kaniyang mga kaibigan. At nang maulila si Tecson, tumugil siya sa pag-aaral, at sinamang manirahan ang kaniyang mga kapatid sa kamag-anak.

Noong 19 na taon pa lamang si Tecson, nang siya ay ikasal. Biniyayaan ang mag-asawa ng dalawang anak, na sina Sinforoso at Desiderio. Ang pagbili at

Page 14: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

pagbenta ng baka ang pangunahing ikinabubuhay ni Tecson, nagbebenta rin siya ng isda, talaba, at banagan (lobster) , sa Maynila.

Nagsimulang mamulat sa mga kalupitan ng mga Espanyol si Tecson, nang siya ay maging kagawad ng Logia de Adopcion, na itinatag noong 1893. Ang samahang ay binuo upang tuligsain ang maling pamamalakad ng mga paring Espanyol sa Filipinas.

Noong 1895, sa edad na 47, si Tecson ay sumali sa Katipunan. Namangha ang kaniyang mga kasamahan ng gamitin niya ang kaniyang dugo sa paglagda ng kaniyang panunumpa, na noon ay hindi pinapagawa sa babaeng kasapi ng Katipunan. Bilang isang katipunero, kasama si Tecson sa grupo na kumuha ng mga armas sa loob ng korte sa Kalookan, at sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Hen. Mariano Llanera ang kaniyang pinuno nang sumiklab ang rebolusyon.

Nakasamang nakipaglaban ni Tecson sina Hen. Francisco Makabulos ng Nueva Ecija, Hen. Mariano Llanera, Hen. Isidro Torres, at Hen. Gregorio del Pilar ng Bulakan. Siya ang naging nars ng mga sugatang Katipunero sa laban. At sa madugong Bakbakan sa San Miguel at Zaragosa, si Tecson ay tinamaan sa kaniyang hita. Napilitan ang kaniyang mga kasamahan na umatras patungong Biyak-na-Bato, na naging punong himpilan ni Hen. Emilio Aguinaldo.

Nang magsimulang sakupin ng mga Amerikano ang Filipinas, si Tecson ay muling nakibaka. Sumali siya sa grupo ni Hen. Gregorio del Pilar. Kasama siyang umatake sa puwersa ng mga Amerikano na nakahimpil sa Bulakan at Calumpit. Humawak si Tecson ng posisyon sa Republika ng Malolos, bilang Comisario ng Digmaan.

Nakita ni Tecson ang bangkay ni Hen. Antonio Luna, habang siya ay papuntang Cabanatuan, dahil siya at ang mga kasamahang rebolusyonaryo ay tinutugis ng mga Amerikano. Magkakasamang tinawid nila Tecson at mga sugatang rebolusyonaryo ang kabundukan ng Zambales papuntang Santa Cruz hanggang Iba.

Nang matapos ang sigalot, ipinagpatuloy ni Tecson at ang kaniyang asawa ang kanilang hanapbuhay sa Nueva Ecija, at nagtinda siya ng karne sa bayan ng San Antonio at Talavera. At nang mamatay ang asawa, muling ikinasal siya kay doroteo Santiago at nang mamatay ito, napangasawa naman niya si Francisco Empainado.

Page 15: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Noong 28 Enero 1928, si Tecson ay namatay sa Philippine General Hospital, sa edad 80. Ang kaniyang labi ay inilagak sa Cementerio del Norte.

FRANCISCA REYES AQUINO

Francisca Reyes Aquino, ang legendary "Ina ng Philippine Dancing," ay ipinanganak sa Lolomboy, Bocaue, sa Philippine Lalawigan ng Bulacan, sa 9 Marso 1899. Siya ay ang pinakamatanda sa tatlong anak ng Filipe Reyes at Juliana Santos Reyes ng Manila. Nakuha niya ang kanyang Certificate High School Teacher sa 1,923 at ang kanyang Bachelor of Science in Education degree sa 1,924 mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Bilang unang bahagi ng 1921-1923, Francisca ay nagsimula ang kanyang paghahanap para sa dances katutubong gamitin sa pag-aaral habang ang isang Student Assistant sa Pisikal na Educatiion. Siya ay manlalakbay sa remote Barrios (kanayunan komunidad) sa Luzon at Northern Luzon. Sa

Page 16: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

1,924, siya ay naging Assistant magtuturo. Siya ay mabilis na nakita ko na, na may higit pang epekto ng Western culture, maraming mga dances ay nawala o mabago nang husto.

Siya ay patuloy na pangangalap ng katutubong dances, songs, at mga laro para sa sanaysay ang kanyang master's sa Unibersidad ng Pilipinas sa 1,926. Binagong niya ang kanyang trabaho sa 1,927, at nai-publish na ito bilang Philippine Folk Dances at Games. Sa mga ito at mamaya mga koleksyon, ang malaking pagkakaiba-iba ng uri ng sayaw, tuhn, at musika na nakalarawan ang isang maraming-faceted Filipino character.

Siya ay nagtanong sa upuan ng isang komite sa unibersidad na nais pumunta sa pinaka-remote na lugar ng Pilipinas upang makalikom ng mga materyal direkta mula sa mga lumang mga tao na ginamit sa sayaw ang mga ito sa mas bata sa kanilang mga araw. Ang daan-daang mga dances ay tinipon at transcribed na may malapit na pansin sa kanilang pagiging tunay at lokal na kulay, at pagkatapos ay ipinakita sa publiko Manila sa iba't ibang recitals sayaw. Ang mga unibersidad inaalok klase sayaw sa pisikal na departamento ng edukasyon at ng isang tropa katutubong sayaw ay nabuo na toured sa probinsya upang ipagbigay-alam ang mga tao sa iba't-ibang katutubong dances ng bansa.

Mula 1929-1931, Francisca's pagtuturo at pananaliksik ay interrupted sa pamamagitan ng dalawang taon ng pag-aaral sa Boston University bilang isang Unibersidad ng Pilipinas Fellow. Ang pagtanggap ng isang Certificate in Physical Education, karanasan ang broadened kanyang propesyonal na interes sa sayaw bilang isang form ng art at din bang sa kanya para sa mas masinsinang larangan ng pananaliksik sa kanyang pagbabalik.

Sa 1,934, Francisca asawa Professor Ramon P. Tolentino, Jr, at pagkatapos ay Assistant Director ng Department of Physical Education, na-share sa kanya managinip ng pagtataguyod ng Philippine Folk dances sa pisikal na kurikulum ng edukasyon ng Pilipinas na paaralan. Sa parehong taon, unibersidad presidente Jorge Bocobo nagbigay nasasalat suporta sa mga research proposal Frances Reyes Tolentino, ang pagpapagana sa kanya, ang kanyang asawa at isang kasamahan sa unibersidad, Antonio Buenaventura, sa pag-aaral katutubong dances sa Mindanao, Leyte, at Mountain Province at maitala ang songs na may aid ng isang makina Victor-record. Paglalakbay-dagat Ang mga materyales na natipon sa 38 katutubong dances at 33 songs at airs. Pananaliksik na ito ay inspirasyon sa pamamagitan ng compositions Mr Buenaventura at iba pang mga kasapi ng mga propesor ng musika at

Page 17: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

isang bilang ng mga pampublikong pagtatanghal kung saan ang Pangulo Bocobo enthusiastically endorsed. Sa Leyte, sila natagpuan ng Tinikling, danced sa pagitan ng mabilis clapped, steel poles at pinangalanan matapos ang isang pang-paa ibon, ang mga tikling, makikita sa paddies bigas. Tinikling mula noon ay maging isang pambansang mga paboritong ng parehong mga bata at matatanda. Sa 1,935, sila ginawa kumpletong tala sa 33 katutubong songs at dances sa Mountain Province, 8 sa Ilocos Norte, 14 sa 11ocos Sur, at 4 sa Abra.

Karaniwang ng kanyang pagpayag na gumawa ng isang dagdag na pagsusumikap upang ang iba ay maaaring malaman ang kanyang bansa mas mabuti, Mrs Reyes Tolentino organisado ang mga Filipiniana katutubong sayaw tropa na gumanap para sa servicemen bilang isang bahagi ng Estados Unidos Army Espesyal na Serbisyo para sa pitong buwan sa 1,945. Ang pagkamatay ng kanyang asawa, sa 1939, pagkatapos ng apat at kalahating taon ng isang malapit na personal at propesyonal na sosyohan, nasubukan Mrs Reyes Tolentino's malasakit sa kanyang sarili na ipinataw misyon upang mapagbuti Philippine kultura sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng sining ng pagganap ng mga kamag-anak. Ang kanyang pananampalataya, na ang kanyang anak na babae, at ang kanyang malalim na interes sa kanyang mga gawain sa buong buhay, subalit, dinala niya ito sa pamamagitan ng personal na pagkawala sa mas higit na nagawa.

HONORIA ACOSTA-SISON

Page 18: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Honoria Acosta-Sison

Ina ng Obstetrika sa Pilipinas (Mother of Philippine Obstetrics)

Si Dr. Honoria Acosta- Sison ay ang kauna-unahahang Pilipinang manggagamot at ang unang Pilipino na nakapagtapos sa American Medical School at pinaka-unang espesyalista o dalubhasa sa obstetrics.

Page 19: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

LEONOR OROSA-GOQUINCO

Si Leonor Orosa- Goquinco, kilala rin sa pangalang Cristina Luna, ay kilala para sa kanyang mga natatanging koreograpiya tulad ng Firebird, Clowns, Story of Man, at ang Noli Suite. Siya ay idineklarang Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw noong 27 Marso 1976.

Ipinanganak siya noong 24 Hulyo 1917 sa Jolo, Sulu at ikalawa sa mga anak nina Sixto Orosa at Sevedna Luna. Siya ay ikinasal kay Benjamin Goquingco kung saan sila ay may tatlong anak.

Siya ay nagtapos ng may pinakamataas na karangalan noong hayskul at nagtapos ng Batsilyer ng Agham sa Edukasyon bilang Summa cum laude sa St. Scholastica's College. Kumuha siya ng mga graduate courses sa teatro, drama at musika sa Columbia University at Teachers College sa New York City, USA.

Nagkaroon siya ng pagsasanay sa ballet sa ilalim nina Lilia Lopez, Epifania Rodriguez, at Luva Adameit. Si Francisca Reyes-Aquino, na isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw ay naging guro niya.

MGA NAIAMBAG

Sa Sayaw

Circling the Globe, 1964

Dance Panorama, 1965

The Elements, 1940 -Ito ang kauna-unahang ballet na ginawan ng koreograpiya ng isang Pilipino

Page 20: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Trend: Return to the Native, 1941 -Kauna-unahang Folkloric ballet sa Pilipinas

Vintal, Morolandia, 1938

Festival in Maguindanao -Naglalarawan ng kasal ng isang maharlikang Muslim

Eons Ago: The Creation -Nagpapakita ng mga alamat ng Pilipinas tungkol sa paglikha ng mundo

Filipinescas: Philippine Life, Legend, and Lore in Dance, 1960 -Gumamit siya ng mga impluwensiya mula sa mga sayaw ng Igorot, Moro at Kristiyano.

Miner's Song

The Bird and the Planters

Tribal -Tungkol sa kamatayan ng isang mandirigma

Easter Sunday Fiesta -Nagpakita ng mga larong Pilipino tulad ng sipa, palo sebo at juego de anillo

Sa Pagsusulat

Dances of the Emerald Isles, 1980, - tungkol sa kasaysayan ng sayaw sa Pilipinas

Her Son, Jose Rizal

MGA PARANGAL

Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1961 at 1964

Rizal Centennial Award, 1962

Republic Culural Heritage Award, 1964

Presidential Award of Merit, 1970

Tandang Sora Award, 1975

Columbia University Alumni Association Award, 1975

Page 21: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

FRANCISCA REYES AQUINO 

Si Francisca Reyes Aquino , isang edukador, guro at nasyonalista, ay ang unang babaeng ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw sa bansa. Gumawa siya ng malawak at masusing pag-aaral ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas at dahil dito, malaki ang naiambag niya sa pagsulong ng kultura ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw.

BUHAY

Ipinanganak siya noong 9 Marso 1899 sa Lolomboy, Bocaue, Bulakan at

panganay sa tatlong anak nina Felipe Reyes at Juliana Santos Reyes.

Nag-aral siya sa Meisic Elementary School, Tondo Intermediate School at

Manila High School sa Tondo, Maynila. Natamo naman niya ang kanyang

“High School Teacher's Certificate (H.S.T.C.) noong 1923 at ang kanyang

Batsilyer sa Agham sa Edukasyon noong 1924 mula sa Unibersidad ng

Pilipinas (UP). Nagkaroon din siya ng dalawang taon na pag-aaral sa Boston

University bilang isang UP Fellow kung saan niya nakamit ang kanyang

“Certificate in Physical Education”.

Page 22: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Nagsimula siyang manaliksik ng mga katutubong sayaw noong 1921 at

naglakbay sa mga malalayong baryo sa Hilaga at Gitnang Luzon. Patuloy

siyang lumikom ng mga katutubong sayaw, kanta at laro para sa

kanyang master thesis sa UP noong 1926 at matapos na rebisahin ito noong

1927, inilimbag niya ito na may titulong Philippine Folk Dances and Games.

Naging superintendent siya ng Physical Education, Bureau of Public Schools,

Philippine Republic noong 1947 at consultant ng Bayanihan Folk Dance

Troupe. Nagturo rin siya sa ilang mga folk dance camps at nagsagawa ng

mga seminar o workshop sa iba't ibang unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Itinanghal niya ang kanyang Philippine dances and folklore sa Fourth

International Congress on Physical Education and Sports for Girls and Women

sa Washington, D.C .

Naging kasapi siya ng Women's Athletic Committee of the Philippine

Amateur Athletic Federation, 1940-1954, 1955-1956 at United Nations

Association of the Philippines; nagsilbi sa Curriculum Committee of the

National College of Physical Education; National YMCA Board, 1945-1946; at

Entertainment Committee of the International Society for Education, 1960.

Itinatag niya ang Filipiniana Folk Dance Troupe at The University of the

Philippines Dance Troupe.

MGA ISINULAT Philippine National Dances (1946) Gymnastics for Girls (1947) Fundamental Dance Steps and Music (1948) Foreign Folk Dances (1949) Dances for all Occasion (1950) Playground Demonstration (1951) Philippine Folk Dances, Volumes I to VI

PARANGAL Republic Award of Merit mula kay Presidente Ramon Magsaysay, 1954 Doctor of Sciences degree in Physical Education, Honoris Causa mula

sa Boston University Doctor of Humanities, Honoris Causa mula sa Far Eastern University,

Maynila, 1959 Cultural Award mula sa UNESCO

Page 23: Mga Kababaihan Sa PILIPINAS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Rizal Pro-Patria Award Certificate of Merit mula sa Bulacan Teachers Association Ramon Magsaysay Award, 1962 Award for Outstanding Alumna, College of Education, UP Pambansang Alagad ng Sining , 1973