15
Emilio Aguinaldo Unang Pangulo ng Pilipinas Emilio Aguinaldo y Famy Pangulo ng Unang Republika Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa Espana kasama ang nabigong rebolusyong noong 1896.

Mga Pangulo ng pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

mga pangulo ng pilipinas mula noon hanggang kasalukuyan

Citation preview

Page 1: Mga Pangulo ng pilipinas

Emilio AguinaldoUnang Pangulo ng Pilipinas

Emilio Aguinaldo y Famy

Pangulo ng Unang Republika 

Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral

na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa Espana

kasama ang nabigong rebolusyong noong 1896.

Page 2: Mga Pangulo ng pilipinas

Manuel L. QuezonIkalawang Pangulo ng Pilipinas

Manuel Luis Quezon y Molina

Unang Presidente ng Commonwealth

Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944.

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878.

Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa

siya sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay binata pa.

Page 3: Mga Pangulo ng pilipinas

José P. LaurelIkatlong Pangulo ng Pilipinas

José Paciano Laurel y García

Pangulo ng Ikalawang Republika

Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging

pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya

ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika

Page 4: Mga Pangulo ng pilipinas

Sergio OsmenaIkaapat na Pangulo ng Pilipinas

Sergio Osmeña y Suico

Ikalawang Pangulo ng Commonwealth

Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago naging pangulo, siya ay

nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa

Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan.

Page 5: Mga Pangulo ng pilipinas

Manuel RoxasIkalimang Pangulo ng Pilipinas

Manuel Acuña Roxas

Ikatlong Pangulo ng Commonwealth

Unang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng

abogasya sa UP at naging topnotcher siya sa Bar Exam noong 1912.

Page 6: Mga Pangulo ng pilipinas

Elpidio QuirinoIkaanim na Pangulo ng Pilipinas

Elpidio Rivera Quirino

Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng

digmaan, siya ay nahalal bilang bise presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong

Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.

Page 7: Mga Pangulo ng pilipinas

Ramon MagsaysayIkapitong Presidente ng Pilipinas

Ramon del Fierro Magsaysay

Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na

"Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi

rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang kanyang

eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.

Page 8: Mga Pangulo ng pilipinas

Carlos P. GarciaIkawalong Pangulo ng Pilipinas

Carlos Polistico Garcia

Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong

Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" bilang

simbolo ng pagiging makabayan.

Page 9: Mga Pangulo ng pilipinas

Diosdado MacapagalIkasiyam na Pangulo ng Pilipinas

Diosdado Pangan Macapagal

Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang "poor boy

from Lubao" dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng

Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan.

Page 10: Mga Pangulo ng pilipinas

Ferdinand MarcosIkasampung Pangulo ng Pilipinas

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika

Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika

Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami siyang

naipagawang mga importanteng imprastaktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21, 1972,

siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa kaguluhan tulad ng pambobomba sa Plaza

Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya ang mga

bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno

'Ninoy' Aquino Jr.

Page 11: Mga Pangulo ng pilipinas

Corazon AquinoIkalabing-isang Pangulo ng Pilipinas

María Corazón Cojuangco-Aquino

Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika

Unang Pangulo ng Ikalimang Republika

Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang Marso 25, 1986.

Tinaguriang "Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento sa panunumbalik ng demokrasya sa

bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang "People Power Revolution".

Page 12: Mga Pangulo ng pilipinas

Fidel V. RamosIkalabindalawang Pangulo ng Pilipinas

Fidel Valdez Ramos

Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika

Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng kaniyang

panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at

napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-

unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa "krisis

pampinansyal' ng mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997.

Page 13: Mga Pangulo ng pilipinas

Joseph E. EstradaIkalabintatlong Pangulo ng Pilipinas

Joseph Ejercito Estrada

Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika

Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa

tawag na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang

alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagka-

pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon.

Page 14: Mga Pangulo ng pilipinas

Gloria Macapagal ArroyoIkalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas

Maria Gloria Macapagal-Arroyo

Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika

Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni

Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong

1987 bilang pangalawang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni

Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at pagkatapos ay naging

Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente

Estrada ang pwesto noong 2001.

Page 15: Mga Pangulo ng pilipinas

Benigno S. Aquino IIIIkalabinlimang Pangulo ng Pilipinas

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III

Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika

Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy.

Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno

Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino.