11
Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Roman

Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

*Reporting*AP 2nd QuarterVIII-Fibonacci '15-'16

Citation preview

Page 1: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng

Kapangyarihang Roman

Page 2: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga

usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang

kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng

pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang

pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng

digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang

lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng

nais ng Senate.

Assembly ng Roma

Senate ng Roma

Page 3: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Tratado

- Ang tratado ay isang pormal at masistemang

nakasulat na diskurso hinggil sa ilang kaalaman o

paksa, na sa pangkalahatan ay mas mahaba at sa

paraang mas malalim kaysa sa isang sanaysay.

Mas nakatuon ito sa pag-iimbistiga o paglalantad

ng mga prinsipyo ng paksa.

Page 4: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa

katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga

opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang

katungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa

katiwalian ay lumalaki dulot ng mga kapaki-pakinabang na

kontrata para sa kagamitan ng hukbo.

Page 5: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa

pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira

dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo ni Hannibal.

Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi

sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng

mayayaman sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag

ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng Rome upang

maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking

industriya ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho.

Epekto ngIkalawang Digmaang Puniko

Page 6: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Ang yaman napumasok sa Rome mula sa

napanalunan sa mga digmaan ay

napakinabangan lamang ng mayayaman.

Higit na lumawak ang agwat sa pagitan ng

mayayaman at mahihirap. Binago ng

lumalaking yaman ang ugali ng mga tao

tungo sa pamahalaan. Pinalitan ng kasakiman

at marangyang pamumuhay ang tradisyon ng

pagsisilbi.

Page 7: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Ang Banta ng Digmaang Sibil

Page 8: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius

Gracchus, kapwa tribune, ang lumalaking agwat

sa pagitan ng mayayaman at mahihirap bilang

panganib sa katatagan ng Republic. May mga

nagtangkang magpatupad ng pagbabago katulad

ng mga sumusunod

Gaius Gracchus

Tiberius Gracchus

Page 9: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Pinuno: Tiberius Taon na panunungkulan 133 B.C.E

Pangyayari- Nagpanukala ng ng batas sa pagsasaka kung saan

ang mga lupang nakamit sa digmaan ay ipinamahagi upang

magkaroon ng bukirin ang mahihirap. Nais niyang limitahan ang

dami ng lupa na maaring ariin ng mayayaman upang pigilin ang

mga ito sa pagkamkaam ng higit pang maraming lupa.

Epekto - Upang hadlangan si Tiberius at takutin ang iba pang

nagnanais ng pagbabago, ipinapatay siya ng isang grupo ng

mamamayan.

Page 10: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Pinuno: Gaius Gracchus Taon na panunungkulan 123 B.C.E.

Pangyayari - Sinundan ni Gaius Gracchus ang hakbang patungo sa

pagbabago na sinimulan ng kaniyang nakatatandang kapatid,

subalit, ang mga mayayaman ay hindi rin sang-ayon sa kaniyang

mga panukala.

Epekto - Sinalakay si Gauis at ang kanayang 3,000 na tagasunod

ng isang pangkat ng mga senador kasama ang inupahang hukbo

at alipin. Ipinapatay ng Senate ang mga tagasunod ni Gaius

Gracchus. Siya naman ay nagpatiwakal.

Page 11: Mga Pagbabagong Dulot Ng Paglawak Ng Kapangyarihang Roman (Group 6)

Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na

Gracchus ang mainit na tunggalian ng mga

patrician sa Senate at ng mga plebeian at

alipin. Sumiklab ang mga serye ng rebelyon

na nauwi sa digmaang sibil noong 105 B.C.E.

Bumalik ang kaayusan sa Rome nang maging

diktador si Sulla noong 82 B.C.E.