6
Mga Relihiyon sa Silangang Asya Mr. Jose S. Espina

Mga relihiyon sa silangang asya

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga relihiyon sa silangang asya

Mga Relihiyon sa Silangang Asya

Mr. Jose S. Espina

Page 2: Mga relihiyon sa silangang asya

Japan

Zen Buddhism• Isang uri ng mahayana Buddhism. Nagmula ang Zen sa Chan Buddhism ng China. Mula sa India, sinala ni Bodhidharma, isang mongheng Indian, ang Chan sa China •nagsimulang kumalat ito sa Japan nang ipakilala ito ng Mongheng Tsino noong ika-8 siglo.

Aral / Doktrina Binibigyan-pansin ng Zen ang

pagkamit ng kaliwanagan sa pamamagitan ng pagninilay-nilay o meditasyon. Nakatuon din sa pamumuhay ng payak at disiplinado. Mga katangian ito na nakaakit sa kultura ng samurai.

Page 3: Mga relihiyon sa silangang asya

JapanShintoismo• Ang katutubong relihiyon ng Japan , isang uri ng animismo• Sinasamba sa Shinto ang mga kami o banal espiritu.Dalawang uri ng kami

1. Kami sa kalikasan

2. kami sa namatay na ninuno

Si Amaterasu ang pinakamahalagang kami. Ang diyosa ng araw na kinikilalang pinagmulan ng kanilang bansa.

Aral / Doktrina puno ng ritwal at seremonya ang Shinto na

ang layunin ay ang paglilinis at pagtatanggal ng mga masamang espiritu. Ang paglilinis ay mahalaga bago ang seremonya. Isinasagawa ang paglilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng bibig at kamay. Nililinis din ang kalooban sa pamamagitan ng pagsamba sa kami. Ang paglilinis na panlabas at panloob ay integral na bahagi ng pagsamba sa kami

layunin ng pagsamba ang pasalamatan ang mga kami upang higit na magkaloob ito ng ibayo pang biyaya. Ang pagsamba ay maaring sa pamamagitan ng mga dasal, sayaw at simpleng paghahandog ng pagkain.

Page 4: Mga relihiyon sa silangang asya

TibetTibetan Buddhism o Lamaismo• Isang uri ng Mahayana Buddhism. Ang salitang Lamaism ay hango sa Lamas na nangangahulagang “ang mga superyor”. Ang mga lamas ay tumutukoy sa mga mongheng Tibetan.• isang theocracy bansa kung saan ang pinunong ispirituwal at pulitika ay iisa. • Ang pinunong ito ay tinatawag na Dalai Lama na pinaniniwalaang reinkarnasyon ni Avalokitesva.

Si Tenzin Gyatzo ang ika -14 at kasalukuyang dalai Lama

kilala ang Tibetan Buddhism sa pagiging banal hindi lamang ng mga monghe pati ang pangkaraniwang Tibetan.

makikita ang kanilang pagiging banal sa pamamagitan ng paglalakbay sa kanilang lupain, at pag-aalay kay Buddha, pagbabasa ng banal na tekto, pagpapaikot ng mani wheel o player wheel, at pag-awit ng mantra

Ang prayer wheel ay pinaiikot clockwise ng mga Tibetan upang makakuha ng basbas mula kay Avalokitesvara. Nakaukit sa prayer wheel o kayat nakasulat sa papel sa loob ng prayer wheel ang mantra o mga banal na salita.

Page 5: Mga relihiyon sa silangang asya

Relihiyon sa Hilagang Asya

MongoliaShamanismo Ang katutubong relihiyon sa

hilagang Asya, ang relihiyon ng sinaunang Mongolia, partikular sa panahon ng Imperyong Mongol ni Genghis Khan

Nagmula ito sa katagang Shaman na nangangahulugang mga ekspertona nagsisilbing tagapamagitan ng mga Tao sa kanilang diyos, nanggagamot ng mga sakit at nagtatanggal ng mga masamang espiritu.

Si Tengri ang dakilang diyos na kumakatawan sa din sa asul na kalangitan.

Dinadasalan din nila ang mga espiritu na nananahanan sa mga bundok at ipa pa.

Nakapaloob sin ang pagsamba sa mga dakilang guardian spirit o mga dakilang ninuno na nagsisilbing tagapangalaga ng mga tao.

Page 6: Mga relihiyon sa silangang asya

Relihiyon sa Timog Silangang Asya

Animismo Ito ang katutubong

relihiyon sa rehiyon. Hango sa salitang Latin na

anima na nangangahulugang soul spirit, ang mga tagasunod ng animismo ay naniniwala na ang daigdig ay pinananahanan ng mga makapangyarihang pwersa o mga espiritu.Mga Espiritu ng Animismo

1. Espiritu sa kalikasan2. Espiritu ng mga ninuno

May mga espiritu ng kalikasanna mabubuti at mayroon din masama.

Tinatawag din ang mga espiritu na anito o diwata sa Pilipinas, nat sa Myanmar, at phi sa Laos.

Ang mga matataas na lugar ang pinaniniwalaang tahanan ng mga espiritu. Hal. Ang Banahaw ay banal na bundok.

Naniniwala sa kapangyarihan ng anting-anting upang maligtas sa kapahamakan.

Upang makausap ang espiritu, kailangang ng tagapamagitan. Sa TSA ang tagapamagitan ay matandang babae. Sa Pilipinas tinatawag na katalonan sa katagalugan at babaylan sa Bisaya