40
MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG PAGDATAL AT KAPASKUHAN MANWAL SA PAGDIRIWANG REV. JERIC C. CORTADO

MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

  • Upload
    others

  • View
    22

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA

KAPANAHUNAN NG PAGDATAL AT

KAPASKUHAN

MANWAL SA PAGDIRIWANG

REV. JERIC C. CORTADO

Page 2: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

2 | P a g e

MGA NILALAMAN PANIMULANG SALITA 3 PALIWANAG UKOL SA KAPANAHUNAN NG PAGDATAL AT PASKO 4 ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SALIGANG PADRON

NG MGA SERBISYO NG PASAMBA 6 GABAY SA PAGSINDI NG MGA KANDILA 8 MGA PAGPIPILIANG TAWAG SA PAGSAMBA 12 MGA PAGPIPILIAN SA PAMBUNGAD NA PANALANGIN 19 MGA PAGPIPILIAN SA PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD 22 MGA PAGPIPILIAN SA TAWAG SA PAGHAHANDOG 30 MGA PAGPIPILIAN SA PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG 32 MUNGKAHING GABAY SA PANANAMBAHAN SA GABI NG PASKO 34 ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA 38

Page 3: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

3 | P a g e

PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal at kapaskuhan, kasama ang pagsambang aginaldo. Hinango mula sa United Methodist Book of Worship, ang ilan ay sa mga artikulo ng General Board of Discipleship ng United Methodist Church, at ang ilan din ay mula sa aking mga koleksiyong aklat patungkol sa pagsamba at liturhiya. Una itong nalikom noong ako ay madestino sa Pioneer United Methodist Church, Poblacion, Mlang, Cotabato taong 2005-2006. Napalago noong ako ay madestino sa Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato nang apat na taon. Naisipang isaayos at gawing booklet noong ako nagturo na sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI) ng mga kursong “Introduction to Christian Worship” at “Sacramental Theology and Practice”. Ito ay tugon sa malimit ang reklamo ng mga naging mag-aaral sa kakulangan ng mga materyal kagaya nito na magagamit sa kanilang destino. Nakapaloob sa gabay na ito ang maikling paliwanag patungkol sa kapanahunan ng pagdatal at pasko, sa pagsambang aginaldo at mga rubrics na isaalang-alang sa pagdiriwang; mga pagpipiliang tawag sa pagsamba, panimulang panalangin, pagsisisi at pagpapatawad, tawag sa paghahandog at panalangin ukol sa paghahandog. Layon nitong booklet ay makatulong sa mga pastor at diyakonesa sa mga iglesyang buhay na buhay ang mga pagsamba gamit ang saligang padron ng United Methodist Church. At nawa’y sa paggamit nila nito ay mapalalim ang pang-unawa ng mga kapatiran sa kahulugan at hamon ng pagdatal at kapaskuhan. Sa Diyos ang papuri.

Page 4: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

4 | P a g e

PALIWANAG UKOL SA KAPANAHUNAN NG PAGDATAL AT KAPASKUHAN

Ang “Pagdatal” na sa wikang Ingles ay “Advent” ay katagang hango sa salitang Latin na “adventus”, na ang literal na kahulugan nito ay “pagdating” o “pagdatal”. Ang katagang “Advent” ay hiram nating mga Kristiyano sa sekular at paganong okasyo’t kahulugan. Tinanggap ng Kristiyano ang terminong ito bilang pantukoy sa panahon ng paghihintay kay Kristo sa ating buhay. Ito ay naging kapanahunan kung saan ginugunita ang unang pagdating nito at pagkakatawang-tao. Ito rin ay panahon ng pag-asa sa muli niyang pagdating upang itatag ang bagong langit at bagong lupa. Ang pagdatal ay unang ipinagdiwang, sumibol, at lumago sa Espanya, Pransya, at Italya bilang panahon ng paghahanda sa Pasko o sa paggunita ng kapanganakan ni Jesu-Cristo. Sa maagang yugto ng “Middle Ages” sa Pransya, naidagdag ang kaisipan ng muling pagbabalik ni Cristo sa katapusan ng panahon. Dito nagsimula na nagkaroon ng “penitential substance” ang kapanahunan ng Pagdatal. Ito ang dahilan bakit binibigyang diin ang pangangaral ni Juan Bautista at ng kanyang sinabi, “Pagsisihan ninyo‟t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!” Dahil din dito naging “purple” o lila ang kulay ng ating mga paraments at vestments sa tuwing sasapit ang pagdatal. Ayon kay Daniel Banedict, Jr, dating staff ng General Board of Discipleship, sa panahon nang ika-8 hanggang ika-13 na siglo kung saan ang Espanya ay nasa ilalim ng kontrol ng mga “Moorish” ginamit nila ang bughaw, na sumasagisag ng pag-asa. Sa patuloy na paglago at “standardization of colors” ang kulay bughaw ay ginagamit na sa panahon ng Pagdatal, subalit nanatili ang kulay lila bilang halili. Sa kaugalian ng mga Pillipinong Kristiyano, tampok din ang SIMBANG GABI o SIMBANG UMAGA sa kapaskuhan. Ito nagsisimula sa ika-16 ng Disyembre at magtatapos sa gabi ng ika-24 ng nasabing buwan. Binabalutan ng masasayang selebrasyon, mga awiting pampasko, at saganang hapag ng pagkain para sa lahat. Matapos ang pananambahan ay bahagi ng ating tradisyon ang salo-salo sa puto, biko, suman, mainit na kape o tsokolate. Ito ay unang nakilala sa Pilipinas bilang MISA DE GALLO, o pananambahan sa oras ng pagtilaok ng manok na tandang sa madaling araw, at tinawag din itong, PAGSAMBANG AGINALDO (Aguinaldo Mass). Ang “aginaldo” ay salitang Espanyol na ibig sabihin ay “regalo”. Ang Pagsambang Aginaldo ay kapahayagan ng ating regalo sa Panginoong Jesus, na isinilang sa sabsaban. Ito ay pagsambang naghahanda sa atin upang tanggapin ang dakilang regalo ng Diyos sa sanlibutan - ang kanyang bugtong na Anak. Sa gayon ay makaranas tayo ng liwanag at kalakasan, ng paglaya at kaligtasan.

Page 5: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

5 | P a g e

Samantala, ang Pasko naman ay nailalarawan bilang pagdiriwang sa kapanganakan ni Jesus. Ginugunita natin ang kongkretong pagpapahayag ng Diyos sa kanyang presensya sa ating kalagitnaan. Ang katagang “Christmas” o “Pasko” ay hango sa katagang Old English na “Crist Maesse”, na ang ibig sabihin ay “Christ’s Mass” o “Misa ni Cristo”. Ang “Christ” na ibig sabihin ay Tagapagligtas, Tagapagpalaya, Mesiyas, at ang “Mass” na mula sa salitang Latin na “Missio” na ang kahulugan ay “Mission”. Ibig sabihin sa pagdiriwang ng Pasko, hindi lamang natin ginugunita ang kapanganakan ni Jesus, kundi lalong higit pagyakap sa misyon mismo ni Cristo Jesus na ipinagkakatiwala sa atin. Ang misyon ni Jesus (Lucas 4:18-19) na ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita…ipahayag sa mga bihag na sila‟y lalaya, at sa mga bulag na sila‟y makakakita…. bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil. At ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.” Ang Pagdatal ay nagsisimula sa huling Linggo ng Nobyembre o unang Linggo matapos ang ika-27 ng Nobyembre hanggang sa takip-silim ng ika-24 ng Disyembre, laging binubuo ng apat ng Linggo ang kapanahunang ito. Samantala, ang Kapaskuhan naman ay magsisimula sa takip-silim ng ika-24 ng Disyembre hanggang ika-6 ng Enero. Sa gabi ng ika-24 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Pananambahan sa Gabi ng Pasko, ika-25 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Pananambahan sa Araw ng Pasko, susunod ang mga Pananambahan sa Una at Pangalawang Linggo Matapos ang Pasko, at sa huling Linggo ng kapanahunan ito ipinagdiriwang ang Epipanya. Ang Linggo ng Pagdiriwang sa Dakilang Kapahayagan ng Panginoon. Ang katagang Epipanya ay hango mula sa salitang Griyego na “epiphaneia” at ang kahuluga’y “manifestation” o “revelation”. Tampok sa pagdiriwang na ito ang mga Mago na sa kanilang presensya ipinapahiwatig na ang Diyos at ang Cristong isinilang sa sabsaban ay para sa lahat; ang Betlehem kung saan naisilang ang Mesias na nagpapahiwatig na sa grasya ng Diyos magkakaroon ang wala; ang regalong nagpapahayag ng lakas at kakayanang maiaambag upang ang bayan ng Diyos ay (Isaias 60:1), “bumangon …at magliwanag na tulad ng araw”; ang bituin na nagpapahayag na ang Diyos ay gumagawa ng inistiyatiba upang tayo gabayan. At kulay puti ang ating mga “paraments”, “vestments”, estola, at “hangings” na gagamitin sa kapanahunang ito. Ang Pagdatal at Pasko ay isang paggunita sa dakilang inisyatiba ng Diyos upang tayo ay abutin, mula sa sabsaban hanggang sa ating mga tahanan o kung saan man tayo naroon. Ito ay isang pagdiriwang sa dakilang kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos lalo na sa kalagayang salat at puno ng kahirapan at kapighatian. Ito rin ay isang panahon upang tanggapin ang hamong gawing ganap ang pagkakapatiran bilang katawan ni Cristo. Amen. (Rev. Jeric C. Cortado, 2010)

Page 6: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

6 | P a g e

SALIGANG PADRON NG MGA SERBISYO NG PAGSAMBA

SA PAGPASOK PAGHAHANDA

Magtitipon ang lahat sa ngalan ng Panginoon. Maaring sa mga panahong ito gagawin ang mga impormal na batian, mga pagbabalita at pagtanggap.

Tutugtugin ang instrumental na musika o imno ng paghahanda. + TAWAG SA PAGSAMBA +PAPURING AWIT

Maaring umawit ng imno ng pagpupuri o di kaya pangunuhan ng praise and worship ang mga papuring awitan.

[+PAGSINDI SA KANDILA NG PAGDATAL]

Ang pagsindi ng mga kandila ng pagdatal ay gagawin lamang sa lingguhang Pananambahan sa kapanahunan ng Pagdatal.

[+ANG PAGPASOK NG KANDILA NI CRISTO]

Ang pagpasok ng kandila ni Cristo ay gagawin sa Pananambahan sa Araw ng Pasko.

+PAMBUNGAD NA PANALANGIN PAGSISISI +PAGPAPATAWAD +GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON

DALANGING PANGKALIWANAGAN Ang panalanging ito ay sinasambit ng pastor o ng worship leader na nakatuon sa

dalawang bagay. Una, ito panalanging humihingi ng gabay at basbas mula sa Diyos sa pagbabasa ng mga aralin, sa gayon ay mapakinggan ng komunidad

ang katotohanan mula sa Diyos. Pangalawa, ito ay panalangin upang pagpalain ang pastor o tagapangaral sa paglalahad nito ng sermon, sa gayon ay

makapagdulot ito ng liwanag at inspirasyon sa mga nakikinig na bayan ng Diyos. ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni _______________ kabanata ____ mula sa talata ____ hanggang ____. Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan Mo‟y sa mi‟y maging ganap.

Page 7: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

7 | P a g e

ANG ARALIN SA MGA LIHAM/GAWA NG MGA APOSTOLES Tagabasa: Ang pagbasa mula sa ______________________, kabanata _____, sa mga talatang ______ hanggang _______. Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. + ANG PAGDAKILA SA EBANGHELYO

Ang lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin sa ebanghelyo.

(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.

+ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ______________. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang aralin). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. DALIT NA AWIT

Sa diwang ito, ang koro ay maaring mag-alay ng awit o isang natatanging alay na awit na aawitin ng komunidad.

SERMON +KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG +ANG PAGHAHANDOG +DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGKUHA NG TINAPAY AT SARO DAKILANG PASASALAMAT PAGPIRA-PIRASO SA TINAPAY PAMAMAHAGI NG TINAPAY AT SARO

PAGPAPAHAYO

IMNO PANALANGING PASTORAL +PAGPAPAHAYONG MAY PAGPAPALA +TATLONG AMEN PAGHAYO

Page 8: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

8 | P a g e

GABAY SA PAGSISINDI NG MGA KANDILA NG PAGDATAL AT NI CRISTO

1. +PAGSINDI NG UNANG KANDILA NG PAGDATAL Tinig 1: “Magkaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao‟y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan. Sa panahong iyon, ang Anak ng tao‟y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo” (Lucas 21:25-28). Tinig 2: Nakita ng tatlong mago at mga pastol ang mga tanda ng pagsilang ng Tagapagligtas na sinasabi ng mga propeta. Sa kasalukuyan, hanapin natin ang mga simpleng tanda na kasama natin si Jesus. Gaya ng makita ang ating sarili na nangangaral ng Magandang Balita sa mga dukha, ng kalayaan sa mga bilanggong pulitikal, ng kaliwanagan sa mga bulag, ng kaluwagan sa mga sinisiil, ng pagliligtas at kapayapaan.

(Papasok ang Tagapagdala/Tagasindi) Tinig 3: Kung kaya’t maging mulat at alerto lagi. Damhin ang Espiritu ng Diyos, ang presensya ni Jesus. Tagasindi: Ang liwanag ng kapayapaan ng Diyos ay sumaatin. Damhin natin ang katatagang kaloob niya sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang kalooban. Lahat: Amen.

2. +PAGSINDI NG IKALAWANG KANDILA NG PAGDATAL

Tinig 1: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan. Nagpadala pa siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una…. Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; Sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan. At ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan. Ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. ” (Lucas 1:68-70,76-77). Tinig 2: Malimit pinipili ng Diyos na magdala ng Kanyang mensahe ang mga taong hindi natin tanggap. Isang taong nabuhay sa ilang, nakasuot ng balat ng hayop, walang ibang kinakain kundi balang at iba pang pagkain sa gubat. Isang mahirap na pastol na tahimik at matiyagang nagbabantay ng tupa sa

Page 9: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

9 | P a g e

pastulan. Sa kasalukuyan sila ay maaring isang guro, janitor, waitress, karpentero, manggagawa, magsasaka, o maging sanggol. Ang pumarito ay hindi lamang para sa mga nasa sentrong lungsod. Para din siya sa mga taong nasa bundok, sa tabi ng riles ng tren, sa Afghanistan, sa Iraq, Siria, Africa, at sa Mindanao. Si Jesus ay sumasaatin hindi lamang sa pamamagitan ng mga sermon at inaawit nating imno. Kundi sa pamamagitan ng mga sirena ng ambulansya o ng mga sulat para sa mga bilanggo. Sa pamamagitan ng mga dumadalaw sa mga may karamdaman, o naghahatid ng relief goods sa mga evacuation centers, nagsasagawa ng mga medical at dental mission, at psycho-social intervention sa mga naging biktima ng samo’t saring kalamidad, at sa ating mga ngiti.

(Papasok ang Tagapagdala/Tagasindi) Tagasindi: Ang liwanag ng pag-asa mula sa Diyos ay sumaatin. Nawa’y ang Salitang ipinadala ng Diyos ay manguna sa atin tungo sa ganap ng paglaya at kaligtasan. Lahat: (awitin “Away in a Manger” UMH # 217 3rd stanza) Sa akin naman ay huwag kang mawalay, O Jesus na Panginoon ko‟t buhay; At ang lahat sa Iyo‟y mangahimlay. Ako‟y ihilig mo sa Iyong kamay. Amen.

3. +PAGSINDI NG IKATLONG KANDILA NG PAGDATAL

Tinig 1: Purihin ang Diyos lagi! Tinig 2: Purihin S’yang lagi! Tinig 1: “Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko: magalak kayo! Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin niyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus”, na isinilang sa pinakaabang karanasan ng pagsilang. (Filipos 4:4-7) Tinig 2: Sa pagsilang ni Jesus sa sabsaban, may paanyaya siya sa atin- isang paanyaya ng kapakumbabaan. Ang pagdatal ay panahon upang pasiglahin ang diwa ng pagpapakumbaba.

(Papasok ang Tagapagdala/Tagasindi ng ikatlong kandila ng pagdatal) Tagasindi: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa ningning mayroon ang buhay na may pagpapakumbaba. Ito’y isa sa mga sangkap ng pagiging lingkod ng Diyos. Ang sabi ni Jesus, “..sinuman sa inyo ang ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami” (Marcos 10:43b-45).

Page 10: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

10 | P a g e

Lahat: (awitin “O Little town of Bethlehem” UMH # 230, 3rd stanza) How silently, how silently, the wondrous gift is given; so God imparts to human hearts the blessings of his heaven. No ear may hear his coming, but in this world of sin, where meek souls will receive him, still the dear Christeners in. Amen

4. +PAGSINDI NG IKAAPAT NA KANDILA NG PAGDATAL

Tinig 1: Nang panahong yaon, iniutos ng Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Kaya‟t umuwi ang bawa‟t isa sa sariling bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret, Galilea, si Jose‟y pumunta sa Jerusalem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya‟y mula sa angkan at lahi ni David. (Lucas 2:1,3-4) Tinig 2: Sa pagkakataong ito ating inaalala si Jose, ang mabuting asawa ni Maria, ginawa ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng kanyang pamilya. Sa madilim nilang kalagayan, naging bahagi siya upang maisilang ang liwanang na inaasam ng bayan. Wala mang tumanggap na tahanan at nag-alay ng maayos na silid upang si Maria ay maayos na magsilang ng sanggol na si Jesus. Ang sabsaban, ang bukod tanging nagbukas upang doon isilang ang Mesiyas.

(Papasok ang Tagapagdala/Tagasindi ng ikaapat na kanidla ng pagdatal) Tagasindi: Sa ikaapat na kandilang ito ng pagdatal, ating ipinagdiriwang ang liwanag sa gitna ng kapighatian at karahasan. Ang katuparan ng pangarap, babangon ang bayan ng Diyos, “..liliwanagin ni Yahweh sa pamamagitan ng kanyang kaningningan.” (Isaias 60:2). Kasama natin ang Diyos! Lahat: (awitin “Emmanuel, Emmanuel” UMH # 204) Emmanuel, Emmanuel, his name is called Emmanuel God with us, revealed in us, his name is called Emmanuel.

5. +ANG PAGPASOK NG KANDILA NI CRISTO

Tinig 1: Samantalang naroroon sila, dumating na ang panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan. (Lucas 2:6-7). Tinig 2: Sa piling ng kanyang amang si Jose, at kanyang inang si Maria, ang sanggol sa sabsaban ay pinupuri ng mga pastol, at mga common tao.

(Papasok ang Tagapagdala ng kandila ni Cristo) Tagapagdala: Sa araw na ito ating pinasasalamatan ang mga sanggol na kapiling natin. Sila ay nagpapaalala sa kahalagahan ng buhay, sa yaman at pagkakataon upang maranasan ang pangako ng Diyos, na Cristo. Alam

Page 11: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

11 | P a g e

natin na isinilang na si Jesu-Cristo, at sa kanyang pagsilang ay naisilang ang mga hamon sa atin. Kasama natin ang Diyos! Lahat: (awitin “Emmanuel, Emmanuel” UMH # 204) Emmanuel, Emmanuel, his name is called Emmanuel God with us, revealed in us, his name is called Emmanuel.

Page 12: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

12 | P a g e

MGA PAGPIPILIANG TAWAG SA PAGSAMBA

1. + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang Diyos ng kapayapaan ay umaanyaya sa atin sa kapanahunang ito ng pagdatal upang sama-samang magpuri at maglingkod. Komunidad: Kami ay nagagalak sa tuwing inaanyayahan kami sa tahanan ng Diyos. Ito kapahayagan na bahagi kami sa pagdiriwang ng kanyang bayan. Tagapanguna: Halikayo! Salubungin ang ating kaligtasan! Salubungin ang bagong araw at pag-asa! Salubungin ang prinsipe ng kapayapaan! Komunidad: Narito kami upang damhin ang kapayapaang kaloob ng Diyos. Narito kami upang humanda sa lakad na niloloob ng Diyos. Tagapanguna: Sumainyo ang kapayapaan ng Diyos! Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Salubungin natin siya ng papuri!

2. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Batiin natin ang ating mga katabi, gaya ng pagbati ni Jesus sa atin. “Ang kapayapaan ay sumainyo!” Ang pag-asa mula sa Diyos ay sumainyo. Komunidad: Sa gitna ng kahirapan ay may pag-asang isinilang sa sabsaban. Tagapanguna: Makinig, bayan ng Diyos, sa mensahe ng pag-asa. Maging mapanuri sa paligid. May mga pagkakataon doon upang lumago, lumaya, at maibahagi ang Magandang Balita. Komunidad: Ang Diyos ng Pag-asa ay nagkakaloob sa atin ng kagalakan at kapayapaan. Tagapanguna: Ating purihin ang Diyos!

3. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sambahin ang Panginoon ng buhay at kapakumbabaan. Inihayag niya ang kanyang kalinga sa mga aba at nagpapakumbaba.

Page 13: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

13 | P a g e

Komunidad: Nahahabag siya sa lahat ng mga may takot sa kanya. Ipinahayag niya ang lakas ng kanyang mga bisig at walang magtagal na mga palalo at mapagmataas sa harapan nito. Tagapanguna: Ang kanyang pag-ibig at pagtutuwid ay walang-patid.

4. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sama-sama tayong maghanda upang batiin ang sanggol ni Maria, ang tinawag nating Emmanuel. Komunidad: Ipagdiwang natin ang kamangha-manghang gawa ng Diyos para sa sangkatauhan. Itaas natin ang ating mga puso upang ipahayag ang Mabuting Balita at kaliwanagan. Tagapanguna: Ating pagtibayin ang pananampalatayang mahal tayo ng Diyos. Komunidad: Sa Diyos ang papuri!

5. + TAWAG SA PAGSAMBA (AWIT 98 UMH818) Tagapanguna: Umawit ng bagong awit at sa Diyos ay ialay, pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya ay taglay na kabanalan, walang mahirap na natamo yaong hangad na tagumpay. Tugon: O Magsaya at magdiwang. Kabataan: Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag. Sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas. Ang pangako sa kanyang bayan lubos niyang tinutupad. Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas! T Kalalakihan: Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig; Ang Diyos ay buong galak na purihin sa pag-awit! Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog. At ang Diyos ay papurihan ng tugtuging maalindog. T Kababaihan: Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli. Magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating hari. Umingay ka karagatan, at lahat ng lumalangoy. Umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon. T Tagapannguna: Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman. Umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan. Pagkat siya’y dumarating maghahari sa daigdig. Taglay niya’y katarungan at paghatol na matuwid.T Tagapanguna: Ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus! Ang kapanganakan ng Mesiyas! Ang nagkaloob ng kaganapan ng katiyakang kasama natin ang Diyos! T

Page 14: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

14 | P a g e

Komunidad: Nagkaloob ng dahilan ang Diyos upang umawit ng may kagalakan. Ang awit ay awiting may galak, kasabay ng pag-indak, at pagpalakpak. T Tagapanguna: Pagkalooban natin ng masigabong palakpakan ang sanggol na isinilang sa sabsaban! (Ang lahat ay mag-alay ng masigabong palakpakan)

6. +TAWAG SA PAGSAMBA (Awit 118:14-29 UMH # 857) Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Tagapanguna: Purihin ang Diyos at ang kanyang anak na ating Panginoon at Tagapagligtas. At kapayapaan mula sa ating Panginoong Jesus ay sumainyo. Lahat: At sumaiyo rin Tagapanguna: Dahilan kay Yahweh ako’y pinalakas at ako’y tumatag. Siya sa buhay ko, ang Tagapagligtas. Tugon: This is the day the Lord has made; Let us rejoice, Let us rejoice, let us rejoice and be glad. Tagabasa 1: Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang. “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay! Ang lakas ni Yahweh ang siyang nagdulot n gating tagumpay. Sa pakikibaka sa ating kaaway.” T Tagabasa 2: Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysay ang gawa ni Yahweh na Panginoon ko. T Tagabasa 3: Pinagdusa ako at pinarusahan ng labis at labis. Ngunit ang buhay ko’y di niya pinatid. T Tagabasa 4: Ang mga pintuan ng banal na 14n gat’y inyo ngayong buksan. Ako ay papasok at itong si Yahweh ay papurihan. T Tagabasa 5: Ito yaong pintong pasukan ni Yahweh, ang Panginoong Diyos. Tanging ang matuwid ang pababayaang doo’y makapasok! T Tagabasa 6: Aking pinupuri ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan, dininig mo ako’t pinagpagtagumpay. Ang batong natakwil ng ngagtatayo ng tirahang-bahay. Sa lahat ng bato’y higit na mahusay. T Tagabasa 7: Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Diyos na si Yahweh. Kung iyong mamasdan ay kawili-wili! O kahanga-hanga ang araw na itong ang Diyos ang nagbigay. Tayo ay magalak, ating ipagdiwang! T Tagabasa 8: Kami ay iligtas, tubusin mo, O Yahweh, kami ay iligtas. At pagtagumpayin sa layuni’t hangad. Ang pumaparito sa ngalan ni Yahweh ay pagpapalain. Magmula sa 14n gat, mga pagpapala’y kanyang tatanggapin! T

Page 15: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

15 | P a g e

Tagabasa 9: Si Yahweh ang Diyos. Pagkabuti niya sa mga hinirang. Tayo ay magtaglay ng sanga ng kahoy, simulang magdiwang. At tayo’y lumapit sa dambanang banal. T Tagabasa 10: Ikaw ay aking Diyos, kaya naman ako’y nagpapasalamat. Ang pagkadakila mo ay ihahayag. T Tagapanguna: O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya’y mabuti. Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili.

7. +TAWAG NG PAGSAMBA (SA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON)

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang bagong taon ay nagpapaalala sa pangako ng Diyos na magkaroon ng bagong langit at lupa. Kapatiran: Purihin ang Diyos, Siyang alpha at omega. Purihin ang Diyos na siyang lumukob ng kabutihan sa atin. Tagapanguna: Ating ipagdiwang ang mga bagong posibilidad ng buhay. Nagpapaalala sa kayamanang likas na pinamana sa atin. Kapatiran: Purihin ang Diyos, sa mga yamang tubig at lupain at kagubatan, sa mga palay at bunga ng kahoy na sumasagisag ng buhay. Tagapanguna: Ito ang araw ng muling pagpapatibay ng ating tipan sa Diyos. Lahat: Purihin ang Diyos sa pagkakaloob ng pagkakataong salubungin ang bagong taon ng may pag-asa at laya.

8. + TAWAG SA PAGSAMBA (SA LINGGO NG EPIPANYA)

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Pagpapahayag ng Panginoon, o ang Epipanya. Ito ay paggunita sa pagdalaw ng tatlong pantas at ang pag-aalay nila ng ginto, kamanyang at mira sa naisilang na Mesiyas. Sa ating pagdiriwang ngayon, patuloy tayong pinaalalahanan na ang kapaskuhan ay hindi magtatapos sa ganitong tagpo. Ito ay dapat magpatuloy sa ating pang-araw-araw na buhay. Isabuhay ang misyon ni Cristo ang pinakadiwa sa atin ngayon ng Epipanya. Italaga natin ang ating buhay sa dakilang misyon ni Cristo, at sumainyo ang kapayapaa’t biyaya ng Diyos. Komunidad: At sumaiyo rin.

Page 16: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

16 | P a g e

9. + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, simulan natin ngayon ang masayang tradisyon ng Pagsambang Aginaldo. Ang paggunita ng siyam na buwan na nasa sinapupunan ni Maria si Jesus at isinilang sa sabsaban sa Bethlehem. Sa siyam na umaga o siyam na gabi ay sama-sama tayong mag-aalay ng mga kaloob, panalangin, at pagsisisi sa kasalanan. Nawa’y ang tapat nating pagsisimbang aginaldo ay maging regalo natin sa Sanggol na magdiriwang ng kanyang kaarawan. Komunidad: Nawa’y manatili tayong nagkakaisa, nagdadamayan, at nagmamahalan sapagkat ito ang tunay na diwa ng Pasko. Tagapanguna: Purihin ang Panginoon na dumating upang iligtas ang tao at ang sanlibutan. Sa gayon, ang biyaya at kapayapaan ng Diyos ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Salubungin natin siya ng may papuri!

10. + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, tampok sa pagdiriwang natin ngayon ay ang pagninilay sa lahing pinagmulan ni Jesus. Niyakap ni Jesus ang isang masalimuot na kuwento at karanasan ng mga tao, upang sangkapan tayo ng kalakasan at katatagang kumilos patungo sa paglaya. Komunidad: Purihin natin si Jesus, ang Mesiyas, ang anak ni Abraham at anak ni David. Tagapanguna: Ang kanyang kapayapaan at kagalakan ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Sa Diyos ang papuri.

11. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, at dagat ay panig sa naapi. May pagkaing handa sa mga nagugutom at pinapalaya niya ang mga

Page 17: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

17 | P a g e

nabibihag sa kasalanan at kasakiman. Siya ay papurihan. At sumainyo ang pag-ibig ng Diyos. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Aleluya!

12. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Purihin ang Diyos sa kanyang pagiging makatarungan. Komunidad: Kagalakan ang tumalima sa Diyos. Tagapanguna: Ipinagtatanggol Niya ang karapatan ng mga kawawa. Ang salita Niya’y parang tungkod na ipapalo sa malulupit, ang hatol niya ay kamatayan sa masasama. Komunidad: Katarungan at katapatan ang paiiralin sa kanyang pamamahala. Tagapanguna: Purihin natin ang Panginoon na isinilang sa abang sabsaban. At sumainyo ang kalayaang biyaya ng Diyos. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Aleluya!

13. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Pasalamatan natin ang Panginoon na nagsugo sa kanyang Anak upang ating maging Tagapagligtas. Ang Espiritu ng kapayapaan at galak ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos!

14. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sinabi pa ni Yahweh, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Sion, pagkat maninirahan ako sa piling mo.” Sa araw na yaon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri kay Yahweh at pasasakop sa kanya. Siya’y maninirahan sa gitna ninyo (Zacarias 2:10-11b). At sumainyo ang mapagpalayang kapangyarihan ng Diyos. Komunidad: At sumaiyo rin. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos!

Page 18: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

18 | P a g e

15. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Tayo ay magtipon upang sumamba at magpuri. Ang banal na Espiritu ay umaanyaya sa atin sa tapat na pananalangin. Sa gayon ang Diyos ay mapapupurihan. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos!

16. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Dios na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Habang papalapit na tayo sa pagdiriwang ng kaarawan ng Tagapagligtas, maranasan nawa natin ang kagandahang-loob ng Diyos sa ating buhay. Komunidad: Madama nawa nating tayo rin ay mahalaga para sa Diyos- tulad ni Juan, magiging Tagapagpakilala kay Jesus na isinilang sa sabsaban. Tagapanguna: Nawa ang pag-ibig ng Diyos Magulang ay laging sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

17. +TAWAG SA PAGSAMBA

Pastor: Maging handa nawa tayo sa kanyang pagdating. Sumainyo ang biyaya ng Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Ang sanggol sa sabsaban ay naghihintay sa atin. Lumapit kayo at tunghayan siya! Komunidad: Ang matagal na hinahangad at hinihintay ng bayan ay naisilang na at nasa kalagitnaan na natin! Aleluya! Tagapanguna: Iwanan ninyo ang listahan ng inyong ipaghandang pagkain at bibilhin. Lumapit kayo sa abang sabsaban kung saan isinilang ang Mesiyas. Komunidad: Ang mga nagkikislapang Christmas lights at lanterns ay malimit bumubulag sa atin sa tunay na diwa ng Pasko. Isipin nating naisilang siya sa abang kalagayan. Tagapanguna: Halikayo! Magtipon at magdiwang sapagkat ang Mesiyas ay naisilang. Komunidad: Papuri sa kaitaasan!

Page 19: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

19 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA PAMBUNGAD NA PANALANGIN

1. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos ng Kapayapaan, maging pagkakataon nawa ang aming pagtitipon ngayon upang maranasan ang kapanatagang kaloob mo. Sangkapan niyo po kami ng kakayanang makita Ka sa aming pang-araw-araw na gawain. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

2. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos, tipunin niyo po kami sa gitna ng aming kahirapan. Ipagkaloob mo nga ang iyong pangitain patungkol sa aming tunguhin. Kung saan matatamasa ng lahat ang buhay na ganap at kasiya-siya. Amen.

3. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Pinupuri ka namin, O Diyos, sa iyong pakikipisan sa amin. Pinagtagpo mo kami ngayon bilang isang bayan upang higit naming maunawaan ang kahulugan ng pagsilang ni Jesus. Gawin nawang pagkakataon ito na kami ay higit na maliwanagan sa espiritu ng kapakumbabaan. Amen.

4. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na Manlilikha, ang lahat dito sa lupa at maging sa langit ay sa iyo. Sa pananambahan namin ngayon, higit ka nawa naming makilala. Amen.

5. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Naghahari naming Diyos, binubuksan namin ang aming buhay sa liwanag at katotohanan na iyong kaloob. Mangusap ka nawa sa amin, O Diyos, sa pamamagitan ng sanggol sa Betlehem. Maghari nawa sa amin ngayon ang galak at pag-asa, ang kapanatagan at kalakasan, ang pag-ibig at pagkalinga. Amen.

6. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Manalangin tayo.

Page 20: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

20 | P a g e

Lahat: O Diyos, na aming magulang, salamat po sa mga biyaya na iyong ibinigay. Sa patuloy mong pagtitiwala sa amin, kahit sa kabila ng ilang ulit na ikaw ay nabigo. Sa kabila ng di matapos-tapos na pangako ay patuloy kang nakikipagtipan sa amin. Nawa sa pagkakataong ito, tulungan Mo kami na maisabuhay ang iyong mga katuruan. Ito ang dalangin namin sa pangalan ni Jesus. Amen.

7. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ginawa mo kaming mga bagong nilikha sa pamamagitan ng iyong Anak na si Jesus, aming Cristo. Patuloy niyo po kaming samahan at patatagin sa paglilingkod at pagpupuri sa Iyo. Amen.

8. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ang aming pagtitipon ay gawin mo nawang kalugod-lugod sa iyong harapan, at sangkapan kami ng talino’t katatagan. Amen.

9. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ang dakilang misteryo ng pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay mapag-ukulan nawa namin ng pansin sa aming pananambahan. Maipagdiwang nang may di magmamaliw na pag-ibig ang kapanganakan ni Jesus, kasama ng Santo Espiritu. Amen.

10. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Dios na aming Magulang, sa pagsambang ito ay loobin mong manuot ang Iyong pag-ibig sa amin. Umunlad kami sa pagsunod sa Iyo at pagsasabuhay ng pananampalatayang malaya at mapagpalaya. Kay Cristo Jesus kasama ng Santo Espiritu magpasawalang-hanggan. Amen.

11. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa gitna ng aming mga pagtitiis dalhin niyo po kami sa inyong liwanag. Maranasan ang galak sa pagiging bahagi ng pangangaral ng Mabuting Balita. Ipagkaloob niyo nga po ang katatagang sumunod kay Cristo-Jesus. Amen.

Page 21: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

21 | P a g e

12. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Dios na aming Magulang, ngayong malapit na ang Pasko ng Pagsilang ng iyong Anak, kaming mga lingkod mong hindi karapat-dapat ay tangkilikin nawa sa pag-ibig ng iyong Salita na nagkatawang-tao. Manahan nawa sa amin ang Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Page 22: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

22 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

1. PAGSISISI AT PAGPAPAWAD PAGSISISI Pastor: Sa harap ng liwanag ng Diyos, nahahayag ang ating mga kasalanan. Tayo ay magbalik-loob upang linisin ang ating mga kasalanan at makaranas ng kaginhawaan. Isang kalakasan ang pagsisisi at pagtutuwid. Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Tagapanguna: O Diyos ng kapayapaan, ipinapahayag namin ang aming mga kahinaan. Ang walang katapusang bangayan sa loob at labas ng Iyong tahanan. O Diyos, patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Pinatatalas namin ang aming mga tabak upang makidigma, sa halip na gawin itong araro at gamitin sa paghahanapbuhay. O Diyos, patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Ang isinusulong nami’y pansariling interes at layunin, sa halip na itaguyod ang kagalingan ng lahat. O Diyos, patawarin niyo po kami. T

(Sandaling katahimikan) +PAGPAPATAWAD Pastor: Ang mga tanda ng kaligtasan ay sumasaatin. Pangungunahan tayo ng Diyos sa isinusulong natin na dakong walang api at nang-aapi. Isang dakong mabubuong muli ang bayan ng Diyos. Ating pasalamatan ang Diyos sapagkat pinatatawad tayo.

2. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Pastor: Masyado na tayong abala sa pagdiriwang ng kapaskuhan. May panahon pa kaya tayo upang pagnilayan ang pagsilang ng Mesyas sa sabsaban? Natali tayo sa maraming burloloy, mamahaling dekorasyon at pamahiin. Kung gaano kalinis ang ating mga tahanan sa panahong ng pagdatal at kapaskuhan, ganon din ba kalinis ang ating puso? Tayo’y lumapit sa Diyos, at magsulit. Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Tagapanguna: O aming Diyos, kinikilala namin ang aming pagkukulang sa iyo at sa Cristong isinilang sa sabsaban. Hindi namin narinig ang iyak ng kaligtasan mula sa sabsaban, dahil abala kami sa aming mga paputok at maiingay na tugtugan. Patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Naging abala kami sa aming personal at makasariling paghahanda upang maitaas ang sarili. O Diyos patawarin niyo po kami. T

Page 23: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

23 | P a g e

Tagapanguna: Tulungan niyo po kaming mapasigla ang tinanggap naming bautismo, at mapaalab ang pagiging alagad ng pag-asa at katuwiran. Cristo, kaawaan mo po kami. T

(Sandaling katahimikan) +PAGPAPATAWAD Pastor: Nakikipagtagpo sa atin ang Diyos sa iba’t ibang kaparaanan upang pakinggan ang ating mga karaingan. Napapalaya tayo sa pamamagitan ng pagpapailalim sa Kanyang kalooban. Ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo-Jesus ay nahahayag na Siya ay Pag-ibig at Pag-asa.

3. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Pastor: Ngayon ay ipahayag natin ang ganap na pagsisisi sa Diyos, sa lahat ng ating mga pagkukulang sa Kanya. Hindi lingid sa atin ang malawak na ministeryo ng ating Panginoong Jesus sa pamamagitan ng iglesya. Ngunit nananatili lamang tayo sa apat na sulok ng gusaling ito. Dalhin natin sa Diyos ang ating kahinaan at mga pasanin. Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Aba akong di gasino, na tinubos ng dugo mo; lumalapit na totoo, sa iyo Dios, na Cordero. Opisyales ng Konsilyo ng Iglesya: Tinawag mo kami upang maglingkod ng may katapatan, subalit hindi namin ito nagagampanan nang may pagpapakumbaba at kasiglahan. Nakalimutan namin na ang ministeryo na ipinagkatiwala mo sa amin ay ministeryo ng Panginoong Jesus, at dapat na isakatuparan. Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Sa aba kong kaluluwa, Dugo Mo nga ay sukat na, Na makahugas sa sala, Oh! Cordero ng Dios Ama. Komunidad: Panginoon, patawarin mo kami dahil kuntento na lamang kami sa pakikinig at pagkakaroon ng isang komportableng pananampalataya. Pinagkalooban mo kami ng buhay at talento, subalit hindi namin ito pinagyayaman sa paglilingkod sa iyong iglesya. Naging bingi kami sa iyong panawagan na paglingkuran ka sa pamamagitan ng mga aba at nangangailangan. At naging kampante na lamang kami sa pagdiriwang ng Pasko, na hiwalay sa tunay na kahulugan – ang pagsisisi at pagpapakababa. Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Akong abang lumalangoy, sa sigalot at linggatong, At nang huwag maparool, Ampunin, Corderong Poon. Mga Manggagawa ng Iglesya: Patawarin mo rin kami, O Diyos, sa hindi namin paggampan ng ganap sa tungkuling iniatang mo sa amin. Patawarin mo rin kami kung hindi namin napahahalagahan ang aming ka-

Page 24: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

24 | P a g e

manggagawa. Kahabagan mo kami, sapagka’t kadalasan kami ay nagkakamali. Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Sa „king aba‟t maralita, bulag ang isip at dukha, Magdalang habag at awa, Corderong Dios na dakila. Tagapanguna: Sa biyaya ng iyong pag-ibig, O Diyos, lingapin mo kami sa iyong iglesya. Pinagsisihan namin ang aming mga gawang masama, na siyang humahadlang sa aming buhay kapatiran. Amen.

(Sandaling katahimikan) +PAGPAPATAWAD Pastor: Sa kay Cristo, ang pilay ay makalalakad, ang bingi ay makaririnig, ang bulag ay makakakita, ang mga may sakit ay makararanas ng lunas, ang mga patay ay mabubuhay, at ang mga nagpapakumbaba ay itataas. Maghahari ang Diyos, magpapatawad, at magpapalakas sa ating paglilingkod.

4. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: Masyado tayong abala ngayon sa paghahanda ng kapaskuhan. Ngunit ang tanong, naghahanda nga ba talaga tayo para sa sanggol na isinilang sa sabsaban? O sa mga pansarili lamang nating kaligayahan? Tugon: (aawitin UMH # 484) Panginoong Dios, mahabag ka. Tagapanguna: Paano mo masasabing may masayang kapaskuhan sa gitna ng maraming kumakalam na tiyan at umuungol sa kumunoy ng kahirapan. T Kabataan: Sa ating mga pag-aawitan, palakpakan at sayawan, sa gitna ng salo-salo sa ganitong pagdiriwang. Paano madama ang tunay na esensya ng kapaskuhan kung hungkag ang malasakit at pakunwari ang tawanan. T Kababaihan: O Diyos, patawarin niyo po kami. Sa abala naming paghahanda ay nagiging manhid kami, at wala nang panahon upang pagnilayan kung anong ipinapahiwatig ng iyak ng isang sanggol sa sabsaban.

(Tahimik na pagbubulay) +PAGPAPATAWAD Pastor: Ang pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay tanda rin ng pagtanggap ng Diyos sa atin. Ang liwanag ng pagsilang ni Jesus ay liwanag na nagpapahayag sa Diyos na nakiisa sa ating kalagayan. Dahil dito may katiyakan na maranasan ang kanyang kapatawaran.

Page 25: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

25 | P a g e

5. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD PAGSISISI Tagapanguna: Ang araw ng Pasko ay araw ng pagdiriwang sa kaganapan ng pag-ibig ng Diyos. Kung saan ang pag-ibig na ito ang matibay na pundasyon ng bawat pamilya at pamayanan. Inaasahan sa atin na ito ay pagyamanin, sa ating mga tahanan at lipunang kibabibilangan. Ngunit paano maisakatuparan? Dahil hindi naman natin ito tapat naisasabuhay. Tugon: (aawitin UMH # 484) Panginoong Dios, mahabag ka. Tagapanguna: Kami ay naging makasarili O Diyos, sinira namin ang kabanalan ng iyong pag-ibig. Ginawa naming pugad ng karumihan ang aming puso. O Diyos, patawarin mo kami. Kumilos ka sa amin at kami ay pakabanalin. T

(Tahimik na pagbubulay) + PAGPAPATAWAD Pastor: Pinalalakas tayo ng Diyos upang maging lingkod. Makinig sa kanyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay tayo ng may dangal sa lipunang ating kinabibilangan.

6. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin?”(Mateo 18:21a) Komunidad: Mga kapatid, kung may mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso (Galacia 6:1). Tagapanguna: Subalit ano po ang matuwid? Makailang ulit ko pong papatawarin ang isang taong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Komunidad: Magpaumanhinan kayo at magpatawaran kung may hinanakit kayo sa isa’t isa. Pinatawad kayo ng Panginoon kaya’t magpatawad din kayo (Colosas 3:13). Tagapanguna: Makapitong ulit ko po ba siyang patatawarin? (Mateo 18:21b) Komunidad: Sinabi ni Jesus, “Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, „Nagsisisi ako,‟ patawarin mo.” (Lucas 17:4) +PAGPAPATAWAD Pastor: Ang sabi ni Jesus magpatawad kayo hindi lamang “makapito, kundi pitumpung ulit pa nito.” (Mateo 18:22b) Ang pag-ibig ay hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mpagtanim sa kapwa

Page 26: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

26 | P a g e

(1 Corinto 13:5). Pinagkalooban tayo ng biyayang umibig at magpatawad sa isa’t isa.

7. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: Bagamat dumating si Jesus sa ating mundo, hindi lahat ay tumanggap sa kanya. Buksan nating ang ating mga puso upang matuto tayong magpasakop sa Diyos. (Tahimik na pagbubulay) Tugon: (awitin, “Change my Heart”) BAGUHIN, O DIOS, ITONG PUSO KO. PAGHARIAN MO ABANG BUHAY KO. HUBUGIN MO, O DIOS, LIKHAIN MO. ANG KALOOBAN MO‟Y S‟YANG DALANGIN KO. Tinig 1: Panginoong Jesus, liwanag ang hatid mo sa mga taong namumuhay sa kadiliman. Makalakad nawa kami sa iyong liwanag. Panginoon, kaawaan mo kami. T Tinig 2: Panginoong Jesus, tinipon mo ang sangkatauhan sa iyong pagdating. Maging daan nawa kami tungo sa pagkakaisa. Cristo, kaawaan mo kami. T Tinig 3: Panginoong Jesus, ibinigay mo ang iyong sarili sa lahat ng naghahanap sa iyo. Magalak nawa kami sa aming pagsamba sa iyo. Panginoon, kaawaan mo kami. T

(Tumahimik ang lahat) +PAGPAPATAWAD Pastor: Kung tayo ay nananalanging higit pa sa mga salita at ang ating mga pagdulog ay matapat at walang halong pagkukunwari. Ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap, nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.

8. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: Sa pamamagitan ni Propeta Isaias, sinabi ng Diyos na lagi nating gawin ang matuwid at itaguyod ang katarungan. Sa pagdating ba Niya, inihahanda ba natin ang ating sarili sa pagtupad sa kanyang mga utos?

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Ang Diyos ay nasasaktan sa ating mga nagawang pagkakamali at pagkukulang. Subalit ang Diyos ay nagagalak sa ating paglapit na may

Page 27: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

27 | P a g e

pagpapakumbabang paghingi ng tawad sa Kanya at sa kapwa. Gawin ang ating buhay ay makakaranas ng pagbabago sa Kanyang kandungan.

9. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: Sa diwang ito, tayo ay lumapit sa Diyos upang humingi ng tulong at tawad. Linisin at pagalingin sa kapangyarihang nakapagpapabago sa ating mga pag-uugali at buhay.

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Palubog na ang karahasan at kahirapan upang bigyang daan ang bagong umaga. Pasalamatan natin ang naging daan nito, ang SANGGOL NA ISINILANG SA SABSABAN, ang dakilang kapahayagan ng malaking habag ng Diyos sa sangkatauhan.

10. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: Ang pagdatal ay hindi lamang simpleng paghahanda ng magagarang dekorasyon, mamahaling burloloy, regalo, at pagkain. Ang pagdatal ay paghahanda higit sa lahat sa ating sarili. Suriin natin ang ating sarili. Tayo nga ay naghahanda sa kalagayaan at katangiang inaasahan ng Diyos. (Sandaling katahimikan) Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Tinig 1: Mapagkalingang Diyos, aming ipinapahayag ang aming mga pagkukulang at pagkakamali (sandaling tumahimik upang bigyan ng pagkakataon ang komunidad sa tahimik na pagsisisi). Kami po ay nangangailangan ng tubig na tutugon sa aming pagka-uhaw subalit tuyo ang aming mga balon. Tinig 2: Kami po ay natatakot lumapit sa buhay na tubig. Takot kaming uminom ng tubig na nasa iyo mismong mga kamay. Nahihirapan kaming tanggapin na kami ay nagkulang at nagkamali.. Tagapanguna: O Diyos, tulungan niyo po kami at kaawaan. Samahan niyo po kami sa pagbabago at pagbabalik-loob sa iyo. Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD

Page 28: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

28 | P a g e

Pastor: Ang pagdatal ay isang malaking pagluwal ng pagkakataong maranasan ang biyaya ng Diyos. Nagbubukas sa atin sa bagong buhay at kaparaanan upang mabuhay. Tayo ay lumapit sa Diyos at hayaang linisin Niya ang ating puso mula sa pagkainggit, galit, at pagkukunwari. Ang pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay isang malaking kapakitaan sa mapagpakumbabang Diyos. Sa Diyos na madaling lapitan, kaibigan, at maasahan.

11. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD PAGSISISI Tagapanguna: Iniligtas tayo ng Diyos sa pagsugo niya ng Kanyang Anak, na isinilang ni Birheng Maria. Pinahahalagahan ba natin ang Ina ng Diyos? Tinutularan ba natin ang kanyang mga halimbawa? Siyasatin natin ang ating mga sarili.

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Magmahalan tayo bilang magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob. Binigyan tayo ng Diyos ng kakayanang magmahal at lumaya. Ang sanggol na isinilang sa sabsaban ay kapahayagan ng kasiguruhang ibinigay nga ng Diyos ang pag-asa sa buhay ng walang hanggan.

12. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: Tayo ay inaanyayahan sa katapatan ng paghahanda ng ating buhay sa pagdiriwang ng kapanganakan ng Panginoong Jesus. Kung paano ang abang sabsaban ay naging bukas sa Mesias upang makapanahan. Siya rin nawa nitong kapaskuhan at sa lahat ng panahon tayo ay bukas sa Mesias. Ilagay ang ating sarili sa kahandaan upang ganap na manahan ang Diyos sa ating kalagitnaan.

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Nang tinawag natin ang Diyos sa ating panghihina, pinakinggan niya tayo. Ang pagdatal ay isang malaking kapahayagan ng Diyos, ang

Page 29: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

29 | P a g e

pagsilang kay Jesus sa sabsaban ay isang patunay na iniibig niya tayo. Anupat walang dahilan upang sa Diyos tayo ay mag-alinlangan. Aleluya.

13. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: Tayo ay inaanyayahan ng Diyos na ating ipahayag sa Kanya at sa kapwa ang mga naging kasalanan at ang nagawa laban sa kanyang kaluwalhatian. Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, naninikluhod po kami sa inyo sa paghingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan sa Iyo at sa aming kapwa. Tulungan niyo po kaming makapagpanibago ng buhay at gawi sa pamamagitan ng Iyong masaganang pagpapatawad. Amen.

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay pumarito upang patawarin tayo at muli tayong mapabilang sa kanyang pamilyang pinagpapala. Sa Diyos ang papuri!

14. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

PAGSISISI Tagapanguna: Ang sanggol na si Jesus ay sagisag ng kagandahang-loob at awa ng Diyos. Nadarama ba natin ang pag-ibig ng Diyos? Ibinabahagi ba natin sa iba ang pag-ibig na ito?

(Tumahimk) Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:

(Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. +PAGPAPATAWAD Pastor: Mga kapatid, ating pagnilayan ang mensahe mula sa Deuteronomio 30:19-20, “Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal. Ibigin ninyo si Yahweh, makinig sa kaniyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”

Page 30: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

30 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA TAWAG SA PAGHAHANDOG 1. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos (Hebreo13:16). Ialay natin sa Diyos ang katapatan at kapahayagan ng ating pasasalamat.

2. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Sa pagsilang ni Jesus sa sabsaban, naisilang din ang ating pag-asa. Pasalamatan natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ating mga ikapu, pangako, at handog. Italaga ang ating mga buhay sa kanya.

3. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Alalahanin natin ang kahulugan ng pagtatalaga. Alalahanin na isang pagpapala ang maghandog ng buhay.

4. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Wala tayong pagmamay-ari sa mundong ito, maging ang ating buhay ay hindi natin pagmamay-ari. Ito ay sa Diyos. Tayo ay katiwala lamang sa buhay na ito at inaasahan sa atin na pagyamanin ito para sa kapakanan ng lahat.

5. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ating purihin ang sanggol sa sabsaban sa pamamagitan ng ating mga handog. Kilalanin natin ang tagumpay ng Diyos sa ating buhay. Tumugong may galak sa Kanyang panawagang humayo upang mangaral.

6. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Sino ang mangunguna sa bayan ng Diyos? Walang iba kundi iyong nagsisimula nang nabubuhay at nakakaunawa sa habag ng Diyos. Ang ating buhay at mga kaloob ay maging tugon sa hamon ng kapaskuhan.

7. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Tayo ay katiwala lamang sa buhay na ito. At inaasahan sa atin ng Diyos na pagyamanin ito para sa kapakanan ng lahat. Ang iglesya ay mahalagang daluyan ng biyaya.

Page 31: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

31 | P a g e

8. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ating hangad ang kagalingan ng bayan ng Diyos. Nagiging ganap ito sa diwa ng ating pagbabahagi sa yamang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.

9. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ating ipadama ang ating pasasalamat sa diwa ng pagkakaloob. Isang kapahayagan ng kahandaang ipagdiwang ang natatanging pangyayaring naipahayag ng Diyos ang dakila nitong inisyatiba upang atin siyang makapiling sa kay Cristo Jesus.

10. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Mga kapatid, magdala kayo ng mga handog sa tuwing haharap sa Panginoon, ayon sa inyong makakaya at sa biyayang tinanggap ninyo mula sa Kanya.

11. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Mga kapatid, ating pakinggan ang tagubilin ni Apostol Pablo sa mga mananampalataya sa Corinto at ang hamon sa atin sa kasalukuyan (2 Corinto 9:7-8), “Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay-higit pa sa inyong pangangailangan-upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.”

12. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ipinagkaloob ng Diyos na ating Magulang ang kanyang bugtong na anak na si Jesu-Cristo upang tayo ay makasumpong ng buhay at kasaganaan. Kaya naman, tayo’y inaanyayahan na ihandog din ang ating sarili at lahat ng tinatangkilik sa Panginoon na tanda ng pag-ibig sa kanya.

Page 32: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

32 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

1. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Kasama nitong mga kaloob, pangako, at ikapu, O Diyos, inihahandog naming ang aming sarili upang maging daan ng iyong nilalayong kapayapaan. Amen.

2. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Taglay ang kagalakan, aming itinatalaga sa iyo ang aming mga handog kasama ang aming buhay, sa gayon kami ay makatugon sa hamon ng panahon. Amen

3. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa pamamagitan nitong mga kaloob ay mahayag ka nawa, O Diyos. Ang buhay nawa namin ay maging kapahayagan ng iyong pag-ibig para sa lahat. Dalangin namin ito, sa pangalan ng sanggol sa Betlehem, na muling naisilang sa aming mga puso ngayon. Amen.

4. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa pamamagitan ng biyayang ito ay makapagbahagi kami ng iyong kabutihan at mahayag ang iyong pagliligtas. Habang aming nararanasan ang galak ng pagkakaloob, nagiging malaya ang aming mga labi sa pagsaksi sa iyong biyaya. Higit n’yo pong palaguhin ang mapanglikha naming kalakasan. Iniaalay namin ito sa iyo, O Diyos. Amen.

5. + PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: O aming Diyos, tanggapin niyo po ang aming mga handog na kapahayagan ng aming pagpupuri at pasasalamat. Patuloy niyo po kaming pagpalain at ang aming mga buhay ay gawing makabuluhan. Amen.

6. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos ng buhay, na siyang nagkakaloob ng lahat ng aming mga tinatangkilik, tanggapin niyo ang aming alay. Umaasa kami na iyong

Page 33: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

33 | P a g e

pagpalain ang mga buhay na nagtalaga sa kay Cristo kasama ng Santo Espiritu. Amen

7. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Lahat: Dios na aming Magulang, tanggapin niyo ang aming mga handog ng pagpupuri at pasasalamat. Ang aming mga pangako na gumawa ng mabuti at tumulong sa kapwa. Tulungan niyo po kaming mapanindigan na sa aming katapatan sa iyo ang lahat ay pagpapalain at walang magugutom na lingkod Mo na aming makakapiling. Amen.

8. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Lahat: O aming Diyos, pinalago mo kami sa Iyong pag-ibig. Pinalakas mo kami sa Iyong Espiritu. Nagpapatuloy kaming kumikilos dahil sa Iyong kabutihan at kapangyarihan.Tanda ng aming pasasalamat. Amen.

9. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Lahat: Basbasan niyo po ang paghahandog na ito. Higit na payabungin ang aming mga buhay sa pangangaral at paglilingkod, sa gayon, lumaganap ang iyong pag-ibig sa lahat ng dako. Amen.

10. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Lahat: Salamat O Diyos, sa iyong kabutihan na nagkaloob sa amin ng kakayanan upang makapagbahagi at makatulong sa kapwa. Ipinagkakaloob namin ang mga handog na ito, kasama ng aming sarili upang hubugin ang komunidad sa iyong kalooban, sa Espiritung taglay ni Cristo. Amen.

11. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: O Diyos, ng aming buhay, nawa ang aming mga kaloob ay makapag- ambag upang maisakatuparan ang iyong misyon sa sanlibutan. Tulungan mo kaming maging ganap ang iyong pag-ibig at presensya sa lipunang aming ginagalawan. Amen.

Page 34: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

34 | P a g e

MUNGKAHING GABAY SA PANANAMBAHAN SA GABI NG PASKO

SA PAGPASOK

PAGTITIPON MGA MALASAKIT AT PAGBABALITA +TAWAG SA PAGSAMBA

PROKLAMASYON AT TUGON IMNO “O Come, All Ye Faithful” AIC # 30 Halina at tayo‟y magpuri‟t magdiwang, Pagkat si Cristo‟y isinilang sa Bethlehem;

Ating awitan Hari ng mga anghel. Koro:

Halina‟t Siya‟y purihin, Halina‟t Siya‟y purihin. Si Cristong ating Hari at Panginoon!

Purihin si Cristo, O hukbo ng langit, Pagkat Siya‟y karapatdapat paglingkuran; Purihin ang Hari ng kapayapaan. Koro

Kami‟y nagpupugay sa Iyong pagsilang, Jesus, ang aming papuri‟y alay sa Iyo. Tunay na Tao ngunit Dios ding totoo. Koro

ARALIN “Ang Hula” Tagabasa: Ang pagbasa ng aralin mula sa Aklat ni Isaias 9:2, 6-7 (basahin). – Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. PAGSINDI SA UNANG KANDILA NG PAGDATAL IMNO “O Little Town of Bethlehem” AIC # 25 Munting bayan ng Bethlehem, Payapa‟t tahimik ka, Tala‟t bitwin nagniningning sa langit na kay ganda; At sa gabing malalim sa Iyo‟y sumilang na, Si Cristong pag-

asa namin – Hari ng pagsinta. Si Cristo ay sumilang na sa hamak na sabsaban; Mga anghel ang tanod Niya Habang Siya’y nahihimlay. O Tala sa umaga, Balita’y itanghal, Awitan at purihin Siya na Hari ng tanan.

Buong pusong ibinigay Dakilang handog ng Dios, At sa buong sanlibutan katubusan ang dulot; Taong makasalanan, Magsisi nang lubos; Ang puso mo

ngayo‟y buksan, Papasok si Jesus! Cristong Sanggol ng Bethlehem, Dalangin nami’t luhog; Pusong may sala’y linisin at doon ay pumasok; Tinatanggap ka namin, Dakilang Kaloob; O Panginoong Emmanuel sumaaming lubos! Amen.

Page 35: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

35 | P a g e

ARALIN “Ang Bisita” Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Lucas Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang Lucas 1:26-38). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. IMNO “Prepare the Way of the Lord” UMH207 Prepare the way of the Lord. Prepare the way of the Lord, and all people will see

the salvation of our God. PAGSINDI SA IKALAWANG KANDILA NG PAGDATAL ARALIN “Ang Paglalakbay at Kapanganakan” Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Lucas Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang Lucas 2:1-7). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. IMNO “Away in a Manger” UMH # 217

Away in a manger, no crib for a bed, the little Lord Jesus laid down his sweet head the stars in the sky looked down where he lay, the little Lord Jesus, asleep

on the hay. The cattle are lowing, the baby awakes, but little Lord Jesus, no crying he makes; I love thee, Lord Jesus, look down from the sky and stay by my cradle till morning is nigh.

Be near me, Lord Jesus, I ask thee to stay close by me forever, and love me, I pray; bless all the dear children in thy tender care, and fit us for heaven to live

with thee there. PAGSINDI SA IKATLONG KANDILA NG PAGDATAL ARALIN “Ang mga Pastol at mga Anghel” Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Lucas Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang Lucas 2:8-14). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. IMNO “Hark! the Herald Angels Sing”AIC # 26 Angheles ay nag-awitan: “Ang Mesyas ay sumilang!” Kaligtasa‟y Kanyang dulot,

Tayo‟y naugnay sa Dios. Sansinukob ay nagdiwang, At sampu ng kalangitan;

Page 36: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

36 | P a g e

Ihayag sa balana – Ang Mesyas ay sumilang na. Angheles nag-awitan: “Ang Mesyas ay papurihan!”

Ang Cristong tampok sa langit, Dios ng awa’t pag-ibig; Sa takdang kapanahunan, Sa mundo ay sumilang. Si Cristo’y Dios na totoo ngunit Siya’y nag-anyong tao; Nakisama sa atin si Jesu-Cristong Emmanuel! Angheles nag-awitan: “Ang Mesyas ay papurihan!”

Hari ng kapayapaan ay ating papurihan, Kaliwanagan ay dulot sa buong sansinukob. Langit ay kanyang iniwan at sati‟y nakipisan; Sa kanya ang manalig,

Patawad ay makakamit; Angheles nag-awitan: “Ang Mesyas ay papurihan!” PAGSINDI SA IKA-APAT NA KANDILA NG PAGDATAL

ARALIN “Ang Pagsunod sa Bituin” Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Lucas Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang Lucas 2:15-20). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. IMNO “Angels We Have Heard on High” PAGSINDI SA KANDILA NI CRISTO SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG +ANG PAGHAHANDOG (Sa pagkakataong ito lilikumin o dadalhin sa altar ang ating mga handog, kaloob, pangako, at ikapu. Dito na rin dadalhin o ipapasok ang tinapay at saro kung hindi

pa ito naayos sa altar. Gagawin natin ito sa saliw ng angkop na tugtugin o awitin.)

+DOKSOLOHIYA +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

PAGSINDI NG KANDILA NG BAWAT ISA SA KANDILA NI CRISTO Pastor: Ang sabi ni Jesus, “Kayo‟y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay ilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat na nasa bahay. Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang

Page 37: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

37 | P a g e

inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Diyos na nasa langit” (Mateo 5:14-16). IMNO “Silent Night, Holy Night” AIC # 33

Kay tahimik ng paligid Sa gabing marikit; Ang isang Birhen ay nagsilang ng tanging Sanggol sa sabsaban;

Paghimlay ay payapa, Paghimlay ay payapa. Kay tahimik ng paligid, Angeles umawit; Ang tanang pangamba’y naparam Sa balitang sakdal ng inam: “Dumatal na ang Hari,” “Dumatal na ang Hari”

Kay tahimik ng paligid, Ang badya‟y pag-ibig; Dios ay nagbigay ng biyaya; Dinggin ang magandang balita:

“Ang Mesyas ay sumilang,” “ Ang Mesyas ay sumilang!” Kay tahimik ng paligid, Tala ay namasid; Mga mago ay nagsihanap sa sanggol na Tagapagligtas- Si Cristong manunubos, Si Cristong manunubos! Amen. PANALANGING PASTORAL +PAGBABASBAS Pastor: Ang kapayapaan ni Cristo ay sumaating lahat sa patuloy na paglalakbay. Komunidad: Magliwanag sa atin ang liwanag ni Cristo sa ating paghayo. Pastor: Ang pag-ibig ng Diyos ay naisilang sa ating kalagitnaan. Komunidad: At tayo ay muling inilawan sa gabing ito. Pastor: Humayong taglay ang kapayapaan. Ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa lahat n gating makakasalamuha. Komunidad: Tayo ay sinag ng pangalang Emmanuel! Kasama natin ang Diyos! Lahat: Aleluya! Amen. (Ang lahat ay mag-alay ng masigabong palakpakan) +IMNO “Joy to the World” AIC # 24 +PAGHAYO (Hahayo ang mga tao na nakasindi ang mga kandila)

Page 38: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

38 | P a g e

KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA Pastor: Tayo ay magkaisa sa makasaysayang kapahayagan ng pananampalatayang Kristiyano. Lahat: Sumasampalataya tayo sa Diyos, ang Amang makapangyarihan, tagapaglikha ng langit at daigdig. Sumasampalataya tayo kay Jesu-Cristo, ang namumukod-tangi n‟yang anak, ang ating Panginoon. Ipinaglihi s‟ya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ni Birheng Maria. Nagdusa s‟ya sa ilalim ng pamamahala ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Bumaba s‟ya sa hanay ng mga patay. Sa ikatlong araw, muli s‟yang bumangon. Umakyat s‟ya papasok sa langit, at iniluklok sa gawing kanang kamay ng Ama. Muli s‟yang darating upang hatulan ang mga nabubuhay at ang mga patay. Sumasampalataya tayo sa Banal na Espiritu, sa banal na Iglesia Katolika, sa komunyon ng mga banal, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Page 39: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

39 | P a g e

Si REV. JERIC C. CORTADO ay ordained elder ng Mindanao Philippines Annual Conference ng United Methodist Church. Pumasok sa ministeryo noong taong 1997. Nagtapos ng Bachelor of Arts major in Theology sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI) sa taong 2001. Nagtapos din ng Master of Divinity sa Union Theological Seminary (UTS), Dasmariñas, Cavite, Philippines sa taong 2007 kung saan ginawaran ng Sonco-Laus Liturgy, Music, and the Arts Award at Liberato Bautista Church and Society Award. Nadestino sa iba’t ibang igles ia lokal at programa ng Mindanao Philippines Annual Conference (UMC). Sa kasalukuyan ay naitalagang Acting Dean of Theology ng SPMCI. Kasal kay Bb. Cristine O. de Guzman, Deaconess ng United Methodist Church, at magulang ni Sofia Rev de Guzman-Cortado.

MGA PINAGBATAYAN 1. Ang Aklat ng Pagsamba (The Book of Services). Philippines: PCC-UMC-BCEC, 2004. 2. The United Methodist Church Hymnal. USA: The United Methodist Publishing House, 2005. 3. The United Methodist Book of Worship. USA: The United Methodist Publishing House, 2002. 4. Ang Imnaryong Cristiano. Manila: OMF Publishers, 1980. 5. Ang Imnaryong Metodista. Philippines: The Methodist Cooperative Association, 1946. 6. Raas, Berhnard. svd. LITURGICAL YEAR, vol. 1. Manila: Logos Publications, Inc., 1998. 7. The Road to Reversal – Advent and Christmas Manual Guide to Celebration. Philippines:

UCCP, 1990. 8. ANG PAGBUBULAY NG BUHAY. UCCP.

Page 40: MGA SERBISYO NG PAGSAMBA SA KAPANAHUNAN NG … · 2019-03-05 · 3 | P a g e PANIMULANG SALITA Ang munting gabay ito compilation ng mga gabay sa pananambahan sa kapanahunan ng pagdatal

40 | P a g e