Upload
others
View
9
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Inilathala ng
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Salt Lake City, Utah
Mga Taunang Kasaysayan ng Stake, District, at Mission
MGA GABAY SA KASAYSAYAN NG SIMBAHAN
© 2011 ng Intellectual Reserve, Inc.
Lahat ng karapatan ay nakalaan
Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika
Pagsang-ayon sa Ingles: 7/10
Pagsang-ayon sa pagsasalin: 7/10
Pagsasalin ng Church History Guides: Stake, District, and Mission Annual Histories Tagalog
09374 893
Mga Nilalaman
Pambungad . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1
Pinagbatayang Doktrina . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2
Mga Tagubilin para sa Taunang Kasaysayan . . . . . . . . . . . . . . . . . 3
Buod . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3
Mga Dapat Isama . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4
Mga Tuntunin Tungkol sa Privacy . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6
Mga Tagubilin sa Pagsusumite. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7
Mga Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9
Mga hango mula sa “O Tandaan, Tandaan,” ni Pangulong Henry B. Eyring
(mensahe sa pangkalahatang kumperensya) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Mga hango mula sa “Pakatandaan at nang Huwag Masawi,” ni
Elder Marlin K. Jensen (mensahe sa pangkalahatang kumperensya) . . . . . 11
Ulat ng Priesthood at Auxiliary (template) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13
Pagtatala ng mga Espirituwal na Karanasan ng Indibiduwal
at Pamilya (template) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14
Pahintulot na Gamitin ang mga Retrato (form) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Form ng Pahintulot para sa Taunang Kasaysayan . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16
Church Data Privacy Statement . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 17
Pambungad
Ang paghahanda at pagsusumite ng taunang kasaysayan ng
stake, district, o mission ay tumutulong na maisakatuparan ang
utos ng Panginoon: “Magpatuloy sa pagsulat at paggawa ng
kasaysayan ng lahat ng mahalagang bagay . . . hinggil sa aking
simbahan. . . . At gayon din, ang aking mga tagapaglingkod na
nasa ibang bansa sa mundo ay dapat magpadala ng mga ulat
ng kanilang mga pangangasiwa” (D at T 69:3, 5).
Ang mga layunin ng taunang kasaysayan ay:
1. Ilapit ang mga miyembro kay Cristo sa pagtulong sa kanila na alalahanin ang mga nagawa ng Diyos
para sa Kanyang mga anak at na lagi Niyang tinutupad ang Kanyang mga pangako.
2. Patuloy na idokumento ang kasalukuyang mga kaganapan sa Simbahan.
3. Bigyan ang mga lider ng pagkakataong pagnilayan ang kanilang mga pagsisikap na tulungan ang mga
tao at pamilya na maging karapat-dapat para sa kadakilaan.
Ang gabay na ito ay nagbibigay ng mga pangunahing tagubilin at sanggunian sa pagtitipon ng taunang
kasaysayan. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang lds .org/ annualhistories.
Sa buong gabay na ito, ang ward at stake ay tumutukoy rin sa branch at district.
Church History Library sa Salt Lake City, Utah
Ang mga isinumiteng taunang kasaysayan
ay nakatago sa Church History Library.
1
Pinagbatayang Doktrina
Inilalapit ng taunang kasaysayan ang mga mi-
yembro kay Cristo sa pamamagitan ng pagtulong
sa kanila na alalahanin ang “mga dakilang bagay
[na] ginawa ng Panginoon” (pahina ng pamagat ng
Aklat ni Mormon). Nag-iibayo ang pag-asa at pag-
titiwala dahil sa pagkabatid tungkol sa ibang tao na
naharap sa mga hamon at, sa tulong ng Panginoon,
ay nadaig ang mga ito. Ang pagkatuto mula sa
kasaysayan ay nakatutulong sa atin na iwasang
maulit ang mga pagkakamali at nagbibigay ng
identidad at pamana. Sa ganitong paraan, pinagpa-
pala ng kasaysayan ng Simbahan ang kasalukuyan
at darating na mga henerasyon.
Makakakuha ng karagdagang mga kaalaman sa pa-
mamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan
sa ibaba at ng mga hango mula sa mga mensahe sa
pangkalahatang kumperensya na matatagpuan sa
bahaging “Mga Sanggunian” (p. 9–12).
D at T 21:1
“Masdan, may talaang iingatan sa inyo.”
D at T 47:3
“At muli, sinasabi ko sa iyo na itatalaga sa kanya
[sa Church Historian] na patuloy na mag-ingat
ng talaan at kasaysayan ng simbahan.”
D at T 69:3, 5
“Magpatuloy sa pagsulat at paggawa ng kasaysa-
yan ng lahat ng mahalagang bagay . . . hinggil sa
aking simbahan. . . .
“At gayon din, ang aking mga tagapaglingkod na
nasa ibang bansa sa mundo ay dapat magpadala
ng mga ulat ng kanilang mga pangangasiwa.”
D at T 85:1–2
“Tungkulin ng klerk ng Panginoon . . . na mag-
ingat ng kasaysayan . . . ng lahat ng bagay na
nagaganap sa Sion, . . .
“At gayon din ang kanilang pamamaraan ng
pamumuhay, ang kanilang pananampalataya, at
mga gawain.”
Alma 37:6–8
“Sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang
bagay ay naisasakatuparan ang mga dakilang
bagay. . . .
“. . . At sa pamamagitan ng napakaliit na pamama-
raan ay nililito ng Panginoon ang marurunong at
isinasakatuparan ang kaligtasan ng maraming tao.
“At ngayon, sa simula pa ay karunungan na ito
sa Diyos na ang mga bagay na ito [mga talaan]
ay pangalagaan; sapagkat masdan, pinalawak ng
mga ito ang kaalaman ng mga taong ito, oo, at
napaniwala ang marami sa kamalian ng kani-
lang mga gawain, at sila’y dinala sa kaalaman ng
kanilang Diyos tungo sa kaligtasan ng kanilang
mga kaluluwa.”
Alma 37:14
“At ngayon tandaan, anak ko, na ipinagkatiwala
ng Diyos sa iyo ang mga bagay na ito, na mga
banal, na pinanatili niyang banal, at kanya ring
iingatan at pangangalagaan para sa isang mata-
linong layunin sa kanya, upang maipakita niya
ang kanyang kapangyarihan sa mga darating na
salinlahi.”
Ang talaang tinipon ni Mormon noong sinauna ay naging walang-
kapantay na pagpapala sa sumunod na mga henerasyon.
2
Mga Tagubilin para sa Taunang Kasaysayan
BuodPara maisagawa ang utos na “mag-ingat ng talaan
at kasaysayan ng simbahan” (D at T 47:3), bawat
yunit ng Simbahan ay magtitipon ng makabuluhan
at tumpak na taunang kasaysayan.
Ang pagtitipon ng taunang kasaysayan ay dapat
magsimula sa Enero at magpatuloy sa buong taon,
at dapat isumite sa Marso 31 ng susunod na taon.
Bawat ward ay dapat lumikha ng sarili nitong
kasaysayan at isumite ito sa stake. Isasama ng stake
ang mga kontribusyon ng ward sa sarili nitong
kasaysayan at isang ulat lamang ang isusumite sa
Simbahan. (Tingnan sa “Mga Tagubilin sa Pagsusu-
mite” para sa iba pang impormasyon.)
Ang unang hakbang sa proseso ay iatas ang
responsibilidad sa pagtitipon ng kasaysayan
sa ward o stake clerk, sa isang dalubhasa sa
kasaysayan na gagawa sa ilalim ng pamamahala
ng clerk, o sa isang misyonero sa mission office.
Dapat siyang mangalap ng materyal sa buong
taon at mag-anyaya ng iba na mag-ambag ng
mga kuwento at impormasyon. (Tingnan sa “Mga
Dapat Isama.”) Bago matapos ang taon, titipunin
ang mga materyal na ito at ibibigay sa lider ng
priesthood ng yunit para aprubahan at isumite.
Kinakalap at tinitipon ng taong naatasan ang materyal para sa taunang
kasaysayan.
Paraan sa paghahanda ng taunang kasaysayan
Iatas
KalapinIsumite
Apruba-
hanTipunin
3
Mga Dapat IsamaMay dalawang opsiyon sa pagtitipon ng taunang
kasaysayan ng stake: mahalaga lamang o panglaha-
tan. Ang stake president, na iniisip ang kakayahan
ng bawat yunit sa kanyang stake, ang magpapasiya
kung aling opsiyon ang susundin. Dapat sundin ng
isang mission ang opsiyong panglahatan.
Opsiyong Mahalaga Lamang
Ang mahalagang taunang kasaysayan ay dapat
maglaman ng mga sumusunod:
Cover sheet. Dapat ay ang cover sheet ang unang
pahina ng taunang kasaysayan. Ang standard cover
sheet ay matatagpuan sa lds .org/ annualhistories o
maaaring orderin sa pamamagitan ng Church Dis-
tribution Services. Dapat isama sa cover sheet ang:
-
yan at pangalan ng lider ng priesthood sa yunit
na nag-apruba rito.
Iskedyul ng mga aktibidad ng yunit. Isama ang
isang kopya ng iskedyul ng mga aktibidad ng yunit
na nagpapakita ng mahahalagang kaganapang
nangyari sa buong taon.
Mga form ng Mga Pinunong Sinang-ayunan.
Isama ang mga form ng Mga Pinunong Sinang-
ayunan na binasa sa mga kumperensya ng ward at
stake. Dapat isama ng mga mission ang mga form
ng Mga Pinunong Sinang-ayunan na binasa sa mga
kumperensya ng branch kung saan ang mga branch
ay hindi bahagi ng isang stake o district. Ang mga
form na ito ay ipini-print mula sa Member and
Leader Services (MLS) computer application na
matatagpuan sa halos lahat ng yunit ng Simbahan.
Maikling salaysay na ipinaliliwanag ang maha-
halagang kaganapan at pag-unlad sa buong
taon. Ayon sa pagkakasunud-sunod, sumulat ng
maikling buod ng mahahalagang kaganapan at
pag-unlad sa buong taon, tulad ng paglalaan ng
isang bagong gusali, paglikha ng isang bagong yu-
nit, mga ward at stake conference, mga temple trip,
mga aktibidad ng mga kabataan, mga proyektong
pangserbisyo, paglipat ng isang lider, o paglaki ng
ward. Isama ang petsa, lugar, mga dumalo, pangya-
yari, at epekto ng kaganapan o pag-unlad.
Hinihikayat na magsama ng mga retrato. Malinaw
na isulat ang petsa, lugar, at maikling paliwanag
tungkol sa tagpo. Kung maaari, ibigay ang buong
pangalan ng lahat ng nasa retrato.
Kung maaari, humingi ng nilagdaang form na Pa-
hintulot na Gamitin ang mga Retrato para sa bawat
retrato o audiovisual production na kasama sa ta-
unang kasaysayan. Dapat tiyakin ng taong respon-
sable sa pagtitipon ng kasaysayan ng bawat yunit
na ang nilagdaang form mula sa bawat nag-ambag
na photographer ay nakalagay sa likod ng taunang
kasaysayan. (Matatagpuan ang form sa bahaging
“Mga Sanggunian” simula sa pahina 9 o sa
lds .org/ annualhistories.)
Anyayahan ang mga miyembro ng ward council na mag-ambag sa
taunang kasaysayan.
4
Opsiyong Panglahatan
Bukod pa sa mga nilalaman na kailangan sa ma-
halagang taunang kasaysayan, ang panglahatang
kasaysayan ay naglalaman ng sumusunod:
Mga ulat ng priesthood, auxiliary, at miyembro.
Ang taunang kasaysayan ay nagbibigay ng pag-
kakataon sa mga lider na pagnilayan ang kanilang
mga pagsisikap na tulungan ang mga tao at pa-
milya na maging karapat-dapat para sa kadakilaan.
Ang mga ulat na ito ay mahalagang bahagi ng
kasaysayan ng yunit. Para mapadali ang panga-
ngalap ng impormasyong ito, ang lider ng yunit
ay maaaring gumawa ng mga simpleng tanong na
sasagutin ng mga lider ng priesthood at auxiliary.
Maaaring malaman sa mga tanong ang espesyal na
pagtutuon o mga mithiin ng yunit. Ang template
ng Ulat ng Priesthood at Auxiliary ay magaga-
mit na alternatibo sa paggawa ng kakaibang mga
tanong. (Ang template ay matatagpuan sa bahaging
“Mga Sanggunian” simula sa pahina 9 o sa lds
.org/ annualhistories.) Ipamahagi ang mga tanong
sa mga unang buwan ng taon para mabigyan ng
panahon ang mga tao na maghanda ng kanilang
mga sagot.
Maaari ding isama sa taunang kasaysayan ang ma-
hahalagang salaysay ng personal na karasanan ng
mga miyembro na natulungan ng Diyos sa kanilang
buhay. Maaaring kunin ang mga kuwento tungkol
sa pamumuhay, pananampalataya, at mga gawain
ng mga miyembro (tingnan sa D at T 85:1–2) gamit
ang template ng Pagtatala ng mga Espirituwal na
Karanasan ng Indibiduwal at Pamilya, o maaaring
isulat ang mga ito sa isang simpleng salaysay.
(Ang template ay matatagpuan sa bahaging “Mga
Sanggunian” simula sa pahina 9 o sa lds .org/
annualhistories.) Tiyaking isama ang mga karana-
san ng kababaihan at mga kabataan. Dapat lagdaan
ng nagsumite ang mga personal na kuwento at
repasuhing mabuti ng taong nagtipon ng taunang
kasaysayan para matiyak na ito ay totoo at angkop
na isama.
Karagdagang impormasyon para sa mga
mission:
napagnilayan sa nakaraang taon. Isama ang
impormasyon tungkol sa mga hamon, tagum-
pay, at pag-unlad ng gawaing misyonero sa
iba’t ibang lugar ng mission.
gamitin ang template ng Pagtatala ng mga
Espirituwal na Karanasan ng Indibiduwal at
Pamilya sa pagbabahagi ng natatanging salay-
say ng mga personal na karanasan ng mga tao
na pinagpala ng Diyos ang buhay, tulad ng
inilarawan sa itaas.
nag-uulat sa mission ang mga tanong na
inihanda ng mission president, o ipagamit sa
kanila ang template ng Ulat ng Priesthood at
Auxiliary.
Gumaganda ang mga ulat kapag sinamahan ng mga retrato.
5
Mahahalagang talaang nilikha ng o tungkol sa
yunit. Isiping isama ang sumusunod na mga talaan:
-
duction (sa hard copy o hindi pribadong mga
electronic format)
(magsama ng impormasyong tutukoy sa paha-
yagan at sa petsa ng pagkalathala nito)
Mga karagdagang bagay para sa mga kasaysa-
yan ng mission:
nasa mission sa katapusan ng taon.
buong taon.
president.
Mga Tuntunin Tungkol sa PrivacyKumpidensyal o pribadong impormasyon. Ang
kumpidensyal o pribadong impormasyon ay hindi
dapat isama sa taunang kasaysayan. Kasama sa
mga halimbawa ng gayong impormasyon ang:
council ng Simbahan, o maseselang bagay na
ibinahagi sa mga pribadong pulong ng Simba-
han (tulad ng mga pulong ng mga pamunuan).
ng kinita ng Simbahan (kabilang na ang ikapu
at iba pang mga donasyon), mga ginastos, at
mga badyet.
-
lapi, kabilang na ang impormasyon tungkol sa
tulong pangkapakanan.
na kalusugan.
sa angkop na mga data privacy law (halim-
bawa, mga address, numero ng telepono, e-mail
address, kapanganakan, kasaysayan tungkol
sa nagawang krimen, kasaysayang seksuwal, o
pinagmulang lipi).
sa loob ng templo, mga ginagawa o seremonya
sa templo, garment, o iba pang pananamit sa
templo.
Mga eksepsyon para sa mga miyembro. Sa bibi-
hirang mga pagkakataon, maaaring kailanganing
isama ang kumpidensyal o pribadong impormas-
yon tungkol sa mga miyembro ng Simbahan kapag
mahalaga ang impormasyong iyon sa pagdodo-
kumento ng mahalagang aspeto ng kasaysayan ng
yunit. Kapag ganito ang sitwasyon, dapat ilagay
sa hiwalay na bahagi ang kumpidensyal o pri-
badong impormasyon at malinaw na sulatan ng
“Kumpidensyal.”
Pahintulot na gamitin ang impormasyong tutu-
koy sa mga di-miyembro. Ipinagbabawal ng mga
data privacy law sa maraming bansa ang paggamit
Highpark 12th Ward Directory
Amundson, Joan & Martin . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Anderson, Tasha & Darryl . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Arels, Rene & Mark . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Arnold, Chris & Scott . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Bards, Jamie & Brent . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Beck, Tani & Caleb . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Bell, Katie & Roger . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Bentely, Jon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Brandson, Terese & James . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Bradshaw, Elis & Lewis . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Buell, Sandra & Robert . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Bunders, Frank & Ruby . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Carson, Taylor & Adrew . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Caselli, George . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Coehn, Kim & Jason . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Cramer, Paul & Julie . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Crawford, Joan & Gary . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Crenshaw, Delila & Kieth . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Davis, Bella & Harold . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Dawes, Mary & Mike . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Deloit, Jessalyn & Mike . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Denver, Jenna . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Drew, Sela & Jacob . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Dragen, Sara & Ken . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Edwards, Louise & Robert . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Eddington, Kisa & Jamal . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Farrington, Teresa & Stephen . . . . . . . . . . . 555-5555
Ferrie, Celeste . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Frusa, Madelyn & Barry . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Gaustenbaum Daisy & Richard . . . . . . . . . . 555-5555
Gellar, Bhuella & Frank . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Gerber, Suzanne & Patrick . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Gandin, Jersy & Ben . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Grover, Sandy & John . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Howarth, Carolyn . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Howell, Luella & Thurston . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Hendrichson, Clementine & James . . . . . . . . 555-5555
Isacc, Kelly & Samuel . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Jacoboson, Elaine & Burt . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Jalesnik, Della & Gabe . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Jansen, Kendall & David . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Jenson, Adrew & Diedre . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Johnson, Terri & Trent . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Jordan, Susan & Calvin . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Julia, Alaine & Romero . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Krants, Amy & Garff . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Keller, Brenda & Gene . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Kessler, Hannah & Miles . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Ketchem, Raylene & Anders . . . . . . . . . . . . 555-5555
King, Sharon & Doug . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Knight, Myrna & Jarrett . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Lanter, Nora & Reny . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Lawrence, Jess & Ganger . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Lawson, Robert . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Lolly, Maude . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Lorenson, Maci & Grant . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Lowell, Lori & Craig . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Louder, Emma & Derek . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Malley, Gina . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Martin, Susan & lke . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Mason, Ann & Gerald . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Mayer, Adelaine & Ross . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Maughn, Grace & William . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Mercer, Megan & Brett . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Metzel, Kim & David . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Mindel, Cindy & Darren . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Morrell, Deena & Jed . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Morgan Nicole & Jared . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Neilsen, Vicki & Collin . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Noord, Ellen & Christian . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Nygren, Lisa & Paul . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Olden, Ray Anne & Kirk . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Olson, Claudia & Kent . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Ord, Bettylou & Mark . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Pace, Jenifer & Blaine . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Parry, Francesca & Dan . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Phillips, Jane & Brad . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Pope, Coralie & Matt . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Peele, Courtney & Aaron . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Poulter, Karen & Alan . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Richardson, Gail & Mike . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Robinson, Julie & Clark . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Rodebauch, Kyla & Tim . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Russon, Ali & Marcus . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Sagers, Berlene & Troy . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Salvata, Cassidy & Doug . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Schwen, Gary & Marilyn . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Seamons, Aleen & Ernst . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Seegers, Myrna & Carey . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Shelley, Tiffany & Phillip . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Smith, Jill & Parker . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Smith, Adrian & Jamie . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Snow, Westly . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Thompson, Judy & Keven . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Thorne, Sandra & Don . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Ward, Denise & Rod . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Wilcox, Christien & Reed . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Wilson, Ursula & Stan . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Winters, Kim & Ted . . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Whipple, Cami & Larry . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Wood, Sydney & Rylan . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Woodward, Jenni & Gordon . . . . . . . . . . . . 555-5555
Von Seeburg, Lucy & Joel . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Vance, Evelyn & Jack . . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Yonson, Grace & Steve . . . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Young, Brenda & Richard . . . . . . . . . . . . . 555-5555
Hindi dapat isama sa taunang kasaysayan ang mga direktoryong
naglalaman ng mga impormasyong tulad ng mga address at numero
ng telepono ng mga miyembro.
6
ng impormasyong tutukoy sa mga tao (kabilang na
ang kanilang mga pangalan) nang hindi hinihingi
ang nakasulat nilang pahintulot. Samakatwid, bago
magsama ng impormasyon sa taunang kasaysa-
yan tungkol sa sinumang di-miyembro, dapat
hingin ang nilagdaang Form ng Pahintulot para
sa Taunang Kasaysayan. Ang pahintulot na ito ay
kailangan para sa mga reperensya sa mga asawa,
magulang, o anak ng mga miyembro na hindi
miyembro ng Simbahan. Kailangan din ito para sa
mga reperensya sa partikular na mga di-miyembro
sa buong komunidad. (Pansinin na ang paglalagay
ng isang nakalathalang talaan sa taunang kasay-
sayan, tulad ng isang artikulo sa pahayagan, na
bumabanggit sa mga taong hindi miyembro ng
Simbahan ay hindi kailangan ng nakasulat na pa-
hintulot mula sa mga taong tinukoy sa talaan.)
Kung gusto ng taong responsable sa pagtitipon
ng taunang kasaysayan na tukuyin ang mga di-
miyembro sa kasaysayan, dapat niyang hingin
sa mga taong iyon ang nilagdaang Form ng Pa-
hintulot para sa Taunang Kasaysayan at bigyan
ang bawat isa ng kopya ng Church Data Privacy
Statement. Dapat isama ang nilagdaang mga form
ng pahintulot sa taunang kasaysayan. (Ang mga
kopya ng Form ng Pahintulot para sa Taunang
Kasaysayan at ang Church Data Privacy Statement
ay matatagpuan sa bahaging “Mga Sanggunian”
simula sa pahina 9 o sa lds .org/ annualhistories.)
Mga Tagubilin sa PagsusumiteAng mga taunang kasaysayan ay maaaring isumite
sa pamamagitan ng e-mail o sa hard copy, ngunit
isa lamang sa dalawang paraang ito.
dapat isumite sa stake sa Marso 1.
mission ay dapat makarating sa nakaatas na
administrative office o sa Church History
Department sa Marso 31.
Maaaring baguhin ng mga Area President ang mga
petsang ito para matugunan ang mga panganga-
ilangan ng kanilang area. Tatanggapin pa rin ang
mga huli nang isinumite; gayunman, dahil ang
pagtitipon ng taunang kasaysayan ay dapat gawin
sa buong taon, makabubuting tapusin nang maaga
ang taunang kasaysayan ng nakaraang taon hang-
ga’t maaari para makapagtuon sa kasalukuyang
taon. Maaaring mag-iwan ng kopya ng taunang
kasaysayan sa lugar, ngunit hindi dapat ipamahagi
ang mga kopya nito sa buong Simbahan.
Kapag nagsusumite ng taunang kasaysayan,
huwag gamitan ng stapler, ring binder, o sheet pro-
tector ang mga pahina. Ang mga gawang-kamay,
tropeo, at iba pang bagay ay hindi dapat isumite
bilang bahagi ng taunang kasaysayan.
Mga Isinumite sa Pamamagitan ng E-mailMaaaring isumite ng mga stake, district, at mission
ang kanilang taunang kasaysayan sa pamamagitan
ng e-mail kung matugunan ng mga isusumite ang
sumusunod na mga pamantayan:
nasa iisang PDF o Word file. Dapat ay nakapa-
loob na sa file ang mga retrato at iba pang mga
kalakip. (Huwag ipadala sa e-mail ang mga
audio o video file.)
Ang taunang kasaysayan ay nirerepaso ng lider ng priesthood sa yunit
para maaprubahan bago ito isumite.
7
isang compressed file ay maaaring tanggapin.
Ang mga taunang kasaysayang hindi nakatugon sa
mga pamantayang ito ay dapat isumite sa hard copy.
Ipadala ang electronic file sa: annualhistory@
ldschurch.org
Isama ang sumusunod na impormasyon sa nilala-
man ng e-mail:
Mga Isinumiteng Hard Copy
Dapat ipadala ng mga yunit sa Estados Unidos at
Canada sa koreo ang orihinal na bersyon ng tau-
nang kasaysayan sa:
Church History Department
Annual History
15 E. North Temple Street
Salt Lake City, UT 84150-1600
Dapat ipadala ng mga yunit sa labas ng Estados
Unidos at Canada sa koreo ang orihinal na bersyon
ng taunang kasaysayan sa nakaatas na administra-
tive office, na magpapadala naman nito sa Church
History Department.
8
Mga Sanggunian
Mga hango mula sa “O Tandaan, Tandaan,” ni Pangulong Henry B. Eyring (mensahe sa pangkalahatang
kumperensya)
Mga hango mula sa “Pakatandaan at nang Huwag Masawi,” ni Elder Marlin K. Jensen (mensahe sa
pangkalahatang kumperensya)
Ulat ng Priesthood at Auxiliary (template)
Pagtatala ng mga Espirituwal na Karanasan ng Indibiduwal at Pamilya (template)
Pahintulot na Gamitin ang mga Retrato (form)
Form ng Pahintulot para sa Taunang Kasaysayan
Church Data Privacy Statement
9
Mga hango mula sa “O Tandaan,
Tandaan”
Ni Pangulong Henry B. Eyring, Pangalawang
Tagapayo sa Unang Panguluhan
Liahona, Nob. 2007, 66–69
Noong maliliit pa ang aming
mga anak, sinimulan kong
isulat ang ilang bagay na nang-
yayari sa araw-araw. Sasabihin
ko sa inyo kung paano iyon
nagsimula. Gabi na akong
nakauwi mula sa isang tungku-
lin sa Simbahan. Madilim na noon. Ginulat ako ng
biyenan kong lalaki, na nakatira malapit sa amin,
habang papalapit ako sa pintuan sa harap ng bahay
ko. May pasan siyang mga tubo sa kanyang balikat,
mabilis ang lakad at nakadamit ng pantrabaho.
Alam kong naglalagay siya ng mga tubong hihigop
ng tubig mula sa ilog sa bandang ibaba paakyat sa
bahay namin.
Ngumiti siya, marahang nagsalita, at nilagpasan
ako at nagtungo sa dilim para ituloy ang ginagawa
niya. Humakbang ako papasok sa bahay, na iniisip
ang ginagawa niya para sa amin at paglapit ko sa
pintuan, narinig ko sa aking isipan—hindi sa sarili
kong tinig—ang mga salitang ito: “Hindi para sa iyo
ang ipinararanas ko sa iyo. Isulat mo ang mga ito.”
Pumasok ako. Hindi ako natulog. Bagaman pagod
na ako, naglabas ako ng ilang papel at nagsimulang
magsulat. At nang gawin ko ito, naunawaan ko ang
mensaheng narinig ko sa aking isipan. Dapat akong
magsulat para mabasa ng aking mga anak, balang-
araw, kung paano ko nakita ang kamay ng Diyos
na nagpapala sa aming pamilya. Hindi kailangang
gawin ni Lolo ang ginagawa niya para sa amin. Ipi-
nagawa na lang sana niya ito sa iba o hindi na sana
niya ito ginawa pa. Ngunit pinagsisilbihan niya
kami, na kanyang pamilya, sa paraang laging gina-
gawa ng pinagtipanang mga disipulo ni Jesucristo.
Alam kong iyan ay totoo. Kaya nga isinulat ko ito,
para maalala ito ng aking mga anak balang-araw
kapag kailangan nila ito.
Ilang taon akong sumulat ng ilang linya araw-araw.
Hindi ako pumalya kahit isang araw kahit pagod
na pagod ako o maaga pa akong gigising kinabuka-
san. Bago ako sumulat, pinag-iisipan ko ang tanong
na ito: “Nakita ko ba ang kamay ng Diyos na naka-
unat para tulungan kami o ang aming mga anak o
pamilya sa araw na ito?” Habang patuloy ko itong
ginagawa, may nagsimulang mangyari. Habang
ginugunita ko ang mga nangyari sa maghapon, na-
kikita ko ang katibayan ng nagawa ng Diyos para
sa isa sa amin na hindi ko nakita dahil sa kaabala-
han ng maghapon. Nang mangyari iyon, at mada-
las iyong mangyari, natanto ko na sa paggunita ay
naipakita sa akin ng Diyos ang Kanyang nagawa.
Higit pa sa pasasalamat ang aking nadama. Lumakas
ang patotoo ko. Lalo kong natiyak na nakikinig at
sumasagot ang ating Ama sa Langit sa mga dalangin.
Lalo akong nagpasalamat sa paglambot at pagdalisay
ng puso ng tao dahil sa Pagbabayad-sala ng Taga-
pagligtas na si Jesucristo. At lalo akong nagtiwala na
ipaaalala sa atin ng Espiritu Santo ang lahat ng ba-
gay—maging ang mga bagay na hindi natin napan-
sin o pinansin nang mangyari ang mga ito.
Lumipas ang mga taon. Malalaki na ang mga anak
ko. At kung minsan ay ginugulat ako ng isa sa ka-
nila na nagsasabing, “Itay, binabasa ko po sa kopya
ko ng journal ang tungkol sa . . .” at tapos ay sasa-
bihin niya sa akin kung paanong ang pagbabasa
ng nangyari noon ay nakatulong sa kanya para
mapansin ang isang bagay na ginawa ng Diyos sa
kanyang panahon.
Ang layon ko ay himukin kayong humanap ng
mga paraan para makilala at maalala ang kabai-
tan ng Diyos. Palalakasin nito ang ating patotoo.
Maaaring wala kayong journal. Hindi siguro ninyo
ibinabahagi sa inyong mga mahal sa buhay at pi-
naglilingkuran ang anumang itinala ninyo. Ngunit
kayo at sila ay pagpapalain kapag inalala ninyo ang
nagawa ng Panginoon. . . .
Ngayong gabi, at bukas ng gabi, maaari kayong
manalangin at magnilay-nilay, na nagtatanong:
Nagpadala ba ng mensahe ang Diyos na para
lang sa akin? Nakita ko ba ang Kanyang kamay sa
10
buhay ko o sa buhay ng aking mga anak? Gagawin
ko iyan. Pagkatapos ay hahanap ako ng paraan
upang maingatan ang alaalang iyan para sa araw
na kailanganin ko, at ng mga minamahal ko, na
alalahanin kung gaano kami kamahal ng Diyos
at kung gaano namin Siya kailangan. Pinatototo-
hanan ko na mahal tayo ng Diyos at pinagpapala
tayo nang higit sa nalalaman ng karamihan sa atin.
Alam ko na ito ay totoo, at nagagalak akong alala-
hanin Siya.
Mga hango mula sa “Pakatandaan at nang Huwag Masawi”
Ni Elder Marlin K. Jensen ng Pitumpu (Church
Historian at Recorder)
Liahona, Mayo 2007, 36–38
Kung papansinin nating mabuti
ang mga paggamit sa salitang
tandaan o alalahanin sa mga
banal na kasulatan, malala-
man natin na ang pag-alaala
sa paraang nais ng Diyos ay
mahalaga at nakapagliligtas na
alituntunin ng ebanghelyo. Ito ay sa dahilang ang
mga payo ng propeta na alalahanin ay madalas na
kailangan ng pagkilos: makinig, magmasid, sumu-
nod, gumawa, at magsisi [tingnan sa 2 Nephi 1:12;
Mosias 6:3; Helaman 5:14]. Kapag nag-aalaala tayo
sa pamamaraan ng Panginoon, hindi tayo sumusu-
ong sa mga hamon ng buhay nang walang ibayong
paghahanda bagkus ay nagsusumigasig tayo, na
ginagawa ang lahat ng ating makakaya upang laba-
nan ang tukso at iwasang magkasala.
Inatasan ni Haring Benjamin ang kanyang mga tao
na alalahanin ang mga bagay-bagay:
“At sa huli, hindi ko masasabi sa inyo ang lahat
ng bagay kung saan kayo ay maaaring magkasala;
sapagkat maraming magkakaibang daan at mga
paraan, na lubhang napakarami kung kaya’t hindi
ko na yaon magagawang bilangin.
“Ngunit ito lamang ang masasabi ko sa inyo, na
kung hindi ninyo babantayan ang inyong sarili, at
ang inyong mga isipan, at ang inyong mga salita, at
ang inyong mga gawa, at susunod sa mga kautusan
ng Diyos, at magpapatuloy sa pananampalataya sa
inyong mga narinig hinggil sa pagparito ng ating
Panginoon, maging hanggang sa katapusan ng
inyong mga buhay, kayo ay tiyak na masasawi. At
ngayon, O tao, pakatandaan at nang huwag ma-
sawi” [Mosias 4:29–30].
Ngayong nauunawaan na natin ang kahalagahan
ng pag-alaala sa ating buhay, ano pa ang dapat
nating tandaan? . . . Imumungkahi kong alalahanin
natin ang kasaysayan ng Simbahan ni Jesucristo at
ang mga miyembro nito. Binibigyan ng mga banal
na kasulatan ng mataas na prayoridad ang kasay-
sayan ng Simbahan. Sa katunayan, karamihan sa
nilalaman ng mga banal na kasulatan ay kasaysa-
yan ng Simbahan. Nang araw mismo na itinatag
ang Simbahan, iniutos ng Diyos kay Joseph Smith,
“Masdan, may talaang iingatan sa inyo” [D at T
21:1]. Tumalima si Joseph sa utos na ito at hini-
rang si Oliver Cowdery, ang pangalawang elder
ng Simbahan at kanyang pangunahing katuwang,
na maging unang mananalaysay ng Simbahan.
Nag-iingat tayo ng talaan upang tulungan tayong
makaalala, at ang talaan ng pagkakatatag at pag-
unlad ng Simbahan ay iningatan mula noong pa-
nahon ni Oliver Cowdery hanggang ngayon. Ang
hindi pangkaraniwang talaang ito ay nagpapaalala
sa atin na muling binuksan ng Diyos ang langit
at nagpahayag ng mga katotohanang kailangang
gawin ng ating henerasyon. . . .
. . . Sa ating pag-alaala nakikita natin ang patnubay
ng Diyos sa nakaraan, tulad din ng pagtiyak sa atin
ng propesiya at pananampalataya na papatnuba-
yan tayo ng Diyos sa hinaharap. . . .
. . . Madalas tayong nagsasalita tungkol sa pag-alaala
sa ating mga sagradong tipan at mga utos ng Diyos,
at pag-alaala at pagsasagawa ng nakapagliligtas
na mga ordenansa para sa ating namatay na mga
ninuno. Bukod dito, sinasabi nating kailangan nating
alalahanin ang Tagapagligtas na si Jesucristo hindi
lang kapag maluwag ang oras natin, kundi palagi,
tulad ng nais Niya [tingnan sa 3 Nephi 18:7, 11].
Pinatutunayan nating naaalaala natin Siya kapag
nakikibahagi tayo ng sacrament. Bilang kapalit,
11
pinangakuan tayong mapapasaatin lagi ang Kan-
yang Espiritu. Kasiya-siya na ito rin ang Espiritung
ipinadala sa atin ng ating Ama sa Langit na “magpa-
paalaala ng lahat [sa atin]” [Juan 14:26]. Sa gayon, sa
marapat na pagtanggap ng sacrament, pinagpapala
tayo ng Espiritu na lalong makaalaala, na lalo na-
mang nakahihikayat sa atin na manatiling tapat kay
Cristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala.
Naniniwala ako na ang paglapit kay Cristo at
pagiging ganap sa Kanya ang pinakalayunin ng
pag-alaala [tingnan sa Moroni 10:32–33]. Dahil dito,
dalangin ko na lagi tayong pagpalain ng Diyos na
maalaala, lalo na ang Kanyang perpektong Anak, at
huwag masawi.
12
Ulat ng Priesthood at Auxiliary
Nasa ibaba ang iminungkahing mga tanong para tulungan ang mga lider ng priesthood at auxiliary na
makapag-ambag sa taunang kasaysayan. (Ang template na ito ay nilayong maging gabay at hindi kaila-
ngang mahigpit na sundin.) Ang detalyadong impormasyon, pati na mga retrato, ay magpapaibayo sa
kahalagahan ng kasaysayan. Gumamit ng karagdagang mga pahina para sa pagsagot kung kailangan.
Ilarawan ang mga pagsisikap na tulungan ang mga miyembro na maipamuhay ang ebanghelyo ni
Jesucristo.
Ilarawan ang gawaing misyonero sa inyong ward o branch.
Ilarawan ang mga pagsisikap na pangalagaan ang mga maralita at nangangailangan (huwag gumamit
ng mga pangalan nang walang pahintulot).
Ilarawan ang mga pagsisikap na tulungan ang mga miyembro na magsaliksik ng kasaysayan ng kani-
lang pamilya at magsagawa ng mga ordenansa sa templo.
Bilang lider, ilarawan kung paano ninyo nadama ang inspirasyon ng Panginoon at tulong ng Diyos na
gabayan ang inyong mga pagsisikap.
Ilarawan ang karagdagang impormasyon na para sa inyo ay mahalagang isama sa ulat na ito.
1. Outline
Petsa
Kailan nangyari ang karanasang ito? (Itala ang taon,
panahon, araw, oras.)
Mga tao
Ilista ang mga taong kasama sa karanasang ito.
Lugar
Saan ito nangyari? (Ilista ang pinangyarihan ng
karanasang ito.)
Mga sitwasyon
Ano ang ginagawa ninyo noon? (Ilista ang mga
makasaysayan at personal na detalye.)
Karunungan
Ano ang natutuhan ninyo sa karanasang ito (sa
isang pangungusap)?
2. Salaysay
Ngayon, isulat ang buong kuwento gamit ang mga
elementong nakatala sa outline. (Ang template na
ito ay nilayong maging gabay at hindi kailangang
mahigpit na sundin. Gumamit ng karagdagang
mga pahina para sa pagsagot kung kailangan.)
3. Lagdaan
Lagdaan ang inyong isinumite bilang katibayan na
ito ay kuwento ninyo at totoo ito.
Pagtatala ng mga Espirituwal na Karanasan ng Indibiduwal at Pamilya
Hinikayat ni Pangulong Henry B. Eyring ang mga miyembro ng Simbahan “na humanap ng mga paraan
para makilala at maalala ang kabaitan ng Diyos. Palalakasin nito ang ating patotoo. . . . Kayo at sila [ang
inyong mga kapamilya] ay pagpapalain kapag inalala ninyo ang nagawa ng Panginoon” (“O Tandaan, Tan-
daan,” Liahona, Nob. 2007, 67).
1
Pahintulot na Gamitin ang mga Retrato
Para sa lahat ng retrato o produksyong audiovisual na isinusumite upang maisama sa isang taunang kasaysayan, ang may-ari ng mga retrato o produksyong audiovisual ay kukumpletuhin ang form na ito at ibibigay ito sa taong pinagtitipon ng kasaysayan.
Mga Kailangan, Kundisyon, at Kasunduan sa May-ari
Ako, ang nakalagda sa ibaba, ang gumawa at may-ari (ang “May-ari”) ng mga retrato at produksyong audiovisual na tinukoy sa bahaging “Listahan ng Isinumiteng mga Retrato” sa ibaba (ang “Mga Retrato”).
Sa pamamagitan nito ay ipinagkakaloob ko sa Corporation of the President of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints at mga kaanib nito (lahatang tinatawag na, “COP”) ang walang bayad, pandaigdigan, walang limitasyon, hindi eksklusibo, walang katapusan, perpetuwal na lisensya at pahintulot na malayang gamitin ang Mga Retrato, pati na ang karapatang kopyahin, ipamahagi, paupahan, ipahiram, itanghal, idispley, ibrodkast, ipaalam sa publiko, baguhin, paliitin, iedit, iangkop, iakma, maghanda ng mga kopya nito, at gamitin sa anumang paraan ang Mga Retrato, lahatan man o kahit ilan lamang sa mga ito, sa anuman at lahat ng media, kahit ilan pa, at sa anuman at lahat ng paraang nalalaman ngayon o maiisip magmula ngayon, pati na ang karapatan na malayang bigyan ng lisensya ang iba na gawin ang alinman sa o lahat ng nabanggit sa itaas.
Sa buong pagpapahintulot ng batas, inaalis ko, magpakailanman at sa buong sansinukob, ang anuman at lahat ng tinatawag na “mga karapatang moral” na kinikilala ngayon o kikilanin magmula ngayon tungkol sa Mga Retrato at sa bawat isa at lahat ng bahagi niyon para sa anuman at lahat ng umiiral ngayon o iiral magmula ngayon na mga gamit, media, at/o anyo. Hinggil dito, kinikilala ko at sang-ayon ako na hindi ako tatanggap ng kredito sa o kaugnay ng paggamit ng COP sa Mga Retrato.
Ipinababatid at tinitiyak ko na ako ang orihinal na gumawa o may-ari ng Mga Retrato at hindi kinopya o hinango ang mga ito mula sa iba pang pinagmulan at na ako ay may lubos at buong karapatang ipagkaloob ang pahintulot na ito na gamitin ang Mga Retrato. Batay sa nalalaman at paniniwala ko, ang paggamit ng COP ng Mga Retrato alinsunod sa pahintulot na ito ay hindi lalabag sa mga karapatang-sipi o iba pang mga karapatan ng sinumang tao o anumang bagay na umiiral.
Tinitiyak at ipinababatid ko na nabasa ko itong Pahintulot na Gamitin ang mga Retrato at na sa paglagda sa ibaba ay ipinagkakaloob ko ang pahintulot na binabanggit dito.
Pangalan ng May-ari (i-print lamang) Tirahan
Lagda
Petsa
Pahintulot ng Magulang Kung ang May-ari ng mga Retrato ay menor-de-edad, kailangang kumpletuhin ng magulang o legal na tagapag-alaga ng May-ari ang
sumusunod.
Tinitiyak at ipinababatid ko, na nakalagda sa ibaba, na ako ang magulang o legal na tagapag-alaga ng batang menor-de-edad na binabanggit na May-ari sa itaas, na ako ay may lubos na karapatang isagawa itong Pahintulot na Gamitin ang mga Retrato sa ngalan ng May-ari, at na sa paglagda sa ibaba ay ipinagkakaloob ko ang pahintulot na ito sa ngalan ng May-ari.
Pangalan ng magulang o tagapag-alaga (i-print lamang) Tirahan
Lagda
Petsa
Listahan ng Isinumiteng mga Retrato Nasa pahina 2 ang karugtong. Kung kukulangin ang papel, gumamit ng hiwalay na nilagdaang form.
Ang sumusunod ay listahan ng mga retrato at produksyong audiovisual na aking isinusumite.
Maikling paliwanag Petsa Lugar
Mga pangalan ng mga nasa
retrato o produksyon
© 2011 IRI. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Inilimbag sa USA. 7/10. 7/10 Pagsasalin ng Permission to Use Photographs. Tagalog. PD50026457 893
2
Listahan ng Isinumiteng mga Retrato—karugtong
Maikling paliwanag Petsa Lugar
Mga pangalan ng mga nasa
retrato o produksyon
7/10. 7/10. PD50026457 893
Pahintulot na Gamitin ang mga Retrato
Pangalan ng May-ari (i-print lamang)
Form ng Pahintulot para sa Taunang Kasaysayan
Kahit hindi ako miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (“ang Simbahan”), binibigyan ko ng karapatan ang Simbahan at kaugnay nitong mga entidad na kolektahin, iproseso, gamitin, at ilipat sa ibang bansa at/o mga legal na entidad ang aking personal na impormasyon at/o retrato na ginamit sa paglikha ng lokal na kasaysayan ng Simbahan (“Kasaysayan”). Nauunawaan ko na ang aking personal na impormasyon ay gagamitin lamang alinsunod sa Church Data Privacy Statement, na aking narepaso.
Binibigyan ko rin ng karapatan ang Simbahan at ang kaugnay nitong mga entidad na idispley ang personal na impormasyon at/o retratong iyon o kaya’y bigyan ng access doon ang iba bilang bahagi ng mga pagsisikap ng Simbahan na ilathala o ipaalam ang Kasaysayan sa anumang paraang mapagpasiyahan ng Simbahan o ng kaugnay nitong mga entidad.
Pangalan ng taong nagsusumite ng datos (i-print lamang) Lagda Petsa
© 2011 IRI. Lahat ng karapatan ay nakalaan.Inilimbag sa USA. 3/11. 3/11.
Pagsasalin ng Annual History Consent Form. Tagalog. PD50032802 893
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na nasa 50 East North Temple Street, Salt Lake City, Utah 84150, at kaugnay nitong mga yunit (na magkakasamang tinutukoy na “ang Simbahan”) ay ginamit ang kasunod na Data Privacy Statement * upang ipaalam sa mga tao ang mga aktibidad ng Simbahan hinggil sa pagkuha, pag-iingat, paggamit, at paglilipat (na magkakasamang tinutukoy na “pagpoproseso”) ng personal na impormasyon.
1. Ipinoproseso ng Simbahan ang pangkalahatan at maselan o kumpidensyal na personal na impormasyon tungkol sa mga miyembro ng Simbahan. Ang personal na impormasyon ay karaniwang direktang kinukuha mula sa miyembro ng Simbahan (o sa kanyang magulang, kung menor-de-edad). Maaari ding makuha ang personal na impormasyon mula sa mga pinuno ng Simbahan o sa iba pang mga mapagkukunan.
2. Ang personal na impormasyon ay ipinoproseso upang: (a) makalikha at mag-ingat ng talaan ng mga miyembro, donasyon, kasaysayan, at genealogy ng Simbahan; (b) masuri ang pagkamarapat na makibahagi sa templo at iba pang mga ordenansa, paglilingkod sa misyon, at mga katungkulang boluntaryo at ukol sa pamumuno; at (c) mapangasiwaan ang programa ng Simbahan sa pagtuturo ng relihiyon.
3. Ang pagbibigay ng personal na impormasyon ay kusang-loob. Kapag nagbibigay ng personal na impormasyon tungkol sa sinuman maliban sa sarili, hihingin ng miyembro ng Simbahan ang pahintulot ng taong iyon at bibigyan siya ng access sa Data Privacy Statement na ito. Ang hinihinging ito ay hindi angkop sa mga magulang na nagbibigay ng personal na impormasyon sa Simbahan tungkol sa kanilang mga anak na menor-de-edad.
4. Para maprotektahan ang pagiging kumpidensyal ng naiprosesong personal na impormasyon, ang Simbahan
ay gumagamit ng mga hakbang na teknikal at ukol sa organisasyon na angkop sa pagkamaselan ng impormasyon. Mga awtorisadong opisyal at tauhan ng Simbahan lamang ang may access sa kumpidenyal o maselang personal na impormasyon. Kung ipahintulot ng batas sa lugar, maaaring ipamahagi ang ilang karaniwang personal na impormasyon (mga pangalan, address, numero ng telepono, at e-mail address) sa mga miyembro ng Simbahan na kasama rin sa ward/branch o stake/district.
5. Ang personal na impormasyon ay maaaring ilipat sa ibang mga yunit ng Simbahan na kapwa nasa bansang ito at sa iba pang mga bansa kung saan di-gaanong mahigpit ang umiiral na batas sa pagprotekta ng datos.
6. Sa pagsulat ng kahilingan at kung hinihingi ng batas sa lugar, maaaring tulutan ang mga tao na i-access ang kanilang personal na impormasyon, para ipabatid na itama o baguhin ang kanilang personal na impormasyon, o tutulan ang pagpoproseso ng kanilang personal na impormasyon. Ang mga ward o branch clerk ay maaaring magbigay ng karaniwang personal na impormasyon sa mga miyembro at sabihan ang mga miyembro kung saan ipadadala ang nakasulat na mga kahilingan para ma-access ang iba pang personal na impormasyon.
7. Iniingatan lamang ng Simbahan ang personal na impormasyon hangga’t kailangan para sa mga layuning nakasaad sa pahayag na ito. Hindi inaalis ang ilang impormasyon bilang bahagi ng permanenteng talaan ng genealogy, mga miyembro, kasaysayan, at iba pa.
Ang mga tanong tungkol sa Data Privacy Statement na ito o sa pag-iingat ng personal na impormasyong ipinoproseso ng Simbahan ay dapat ipadala sa pamamagitan ng e-mail sa [email protected].
Sampol—Huwag Idispley
© 2011 IRI. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Inilimbag sa USA. 6/11. 6/11. Church Data Privacy Statement. Tagalog. PD50034615 893Ang pahayag na ito ay huling na-update noong Hunyo 9, 2011.
* Para sa opisyal na bersyon ng Church Data Privacy Statement na
maaaring angkop sa inyong bansa, kontakin ang mga pinuno ng
Simbahan sa inyong lugar.
Church Data Privacy Statement—Taunang Kasaysayan
Ang pahayag na ito ay gagamitin kasama ng Form ng Pahintulot para sa Taunang Kasaysayan.