11
Ang Paglalakba y ni Spiderman 1

Modyul Sa Matematika

  • Upload
    ayeez28

  • View
    304

  • Download
    1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Module , math, project

Citation preview

Page 1: Modyul Sa Matematika

Ang Paglalakbay

ni Spiderman

1

Page 2: Modyul Sa Matematika

2

Kamusta kaibigan ! Ako si Spiderman, at narito ako upang turuan ka ng tama at madaling paraan sa pagsasagot ng mga “word problems”.

Handa ka na ba? Tara na’t magsimula!

Page 3: Modyul Sa Matematika

3

Pero bago ang lahat kaibigan , basahin at unawain mo muna ang mga sumusunod na tagubilin.

Maging maingat ka sa paggamit sa akin. Panatilihing malinis at maayos ang bawat

pahina. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsasagot sa mga katanungan. Maaari mong balikan at basahing muli ang

mga pagsasanay na hindi mo lubos na naunawaan.

Page 4: Modyul Sa Matematika

4

Ngayon naman ay basahin mo itong inihanda kong “story problem” para sa iyo. At pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.

Si Angelica ay magdiriwang ng kanyang ikapitong kaarawan. Naghanda ang kanyang nanay ng puto, ispageti,hotdog at pritong manok. Inimbita niya pagkaing inang kanyang mga kaibigan at kaklase. May 15 na lalaki at 18 na babae na dumay malo sa pagdiriwang. Ilan lahat ang bilang ng mga batang dumalo sa pagdiriwang?

1. Sino ang may kaarawan ? 2. Ilang taon na siya?3. Anu-ano ang mga pagkaing inihanda ng kanyang nanay para

sa kanya?4. Ilang lalaki ang dumalo sa pagdiriwang?5. Ilang babae ang dumalo sa pagdiriwang?6. Ilan lahat ang batang dumalo sa pagdiriwang?

Page 5: Modyul Sa Matematika

5

Ngayon naman ikumpara mo na ang iyong sagot sa sa ibaba.

Tama ba ang iyong sagot? Kung ganoon, binabati kita!

Mga Sagot:

1. Si Angelica.2. 7 taong gulang3. Puto,ispageti,hotdog at pritong

manok4. 15 na lalaki5. 18 na babae6. 33 na bata

Page 6: Modyul Sa Matematika

6

Dahil natapos mo na ang unang bahagi. Ngayon naman ay tuturuan kita ng paraan ng pagtuklas ng suliranin.

HAKBANG

1

Basahin at unawaing mabuti ang suliranin.

Ang magkaibigang Joshua at Caleb ay mahilig sa kendi. Bumili ng 5 kendi si Joshua at si Caleb naman ay bumili ng 8 kendi. Ilan lahat ang kending binili nina Joshua at Caleb?

Planuhin ang pamamaraan ng paglutas ng suliranin.Ano ang ibinibigay na impormasyon?

Ang mga impormasyon : 5 kendi at 8 kendi.Ano ang tinatanong?

Tinatanong sa suliranin ang kabuuang bilang ng mga biniling kendi nina Joshua at Caleb.

Paano natin ipapakita ang pamilang na pangungusap ng suliran ?

Ipinakikilala natin ang pamilang na pangungusap sa suliranin.

Kabuuang bilang ng mga kendi 5+8 = n

Isagawa ang plano. Sagutan ang pamilang na pangungusap.

5 + 8 = 13 ; kabuuang bilang ng mga kending binili nina Joshua at Caleb.

HAKBANG

2

HAKBANG

3

Page 7: Modyul Sa Matematika

7

Ngayon naman subukan mong sagutan ang mga pagsubok.Galingan mo kaibigan!

1. Si Mang Jose ay kumita ng 31 piso sa pagbebenta ng mga lumang dyaryo at 26 piso naman sa pagbebenta ng mga lumang magasin. Magkano ang kabuuang kita ni Mang Jose?

Ano ang pamilang na pangungusap? Ano ang tamang sagot?

2. Binigyan si Sandra ng 15 piso ng kanyang lolo at binigyan naman siya ng 25 piso ng kanyang nanay. Magkano lahat ang perang natanggap ni Sandra?

Ano ang pamilang na pangungusap? Ano ang tamang sagot?

3. Gumamit si Aling Maria ng 15 na itlog sa pagluluto ng leche flan. Gumamit naman siya ng 8 itlog para sa hotcake. Ilan lahat ang itlog na ginamit ni Aling Maria?

Ano ang pamilang na pangungusap? Ano ang tamang sagot?

Page 8: Modyul Sa Matematika

Mga Sagot:

1. Pamilang na pangungusap : 31 + 26 = n31 + 26 = 57

57 piso = kabuuang kita ni Mang Jose2. Pamilang na pangungusap: 15 + 25 = n

15 + 25 =4040 piso = kabuuang bilang ng pera ni Sandra

3. Pamilang na pangungusap: 15 + 8 = n15 + 8 =2323 na itlog = kabuuang bilang ng itlog na ginamit ni Aling Maria

8

Tignan mo na kung tama ang iyong mga sagot .

Magpatuloy sa susunod na pahina

Page 9: Modyul Sa Matematika

9

Narito pa ang mga karagdagang pagsubok kaibigan.

1. Si Aling Lita ay bumili ng 10 pirasong isda noong Sabado, nang sumunod na araw naman ay bumili siya ng 12 pirasong isda. Ilan lahat ang isdang nabiling isda ni Aling Lita?Ano ang pamilang na pangungusap?Ano ang tamang sagot?

2. Sina Sandra at Elaine ay namili ng mga laruang pangregalo. Nakabili ng si Sandra ng 15 na laruan at si Elaine naman ay nakabili ng 13 na laruan. Ilan lahat ang laruang nabili nila?

Ano ang pamilang na pangungusap?Ano ang tamang sagot?

3. Nagbebenta ng turon at banana que si Aling Celia. Nakapagbenta siya ngayong araw ng 12 turon at 24 na banana que. Ilan lahat ang naibenta ni Aling Celia?

Ano ang pamilang na pangungusap?Ano ang tamang sagot?

4. Sina Almie at Dianne ay mahilig sa manika. Si Almie ay may 17 na manika at si Dianne naman ay may 19 na manika. Ilan lahat ang kanilang manika?

Ano ang pamilang na pangungusap?Ano ang tamang sagot?

5. Si John ay may 12 piso. Binigyan siya ng kanyang nanay ng 35 piso. Magkano lahat ang pera ni John?

Ano ang pamilang na pangungusap?Ano ang tamang sagot?

Page 10: Modyul Sa Matematika

10

Mga Sagot:

1. Pamilang na pangungusap : 10 + 12 = n10 + 12 = 2222 = kabuuang bilang ng isdang binili ni Aling Lita.

2. Pamilang na pangungusap : 15 + 13 =n15 + 13 = 2828 = kabuuang bilang ng laruan na binili ni Sandra at Elaine

3. Pamilang na pangungusap : 12 + 24 = n12 + 24 = 3636 = kabuuang bilang ng naibenta ni Aling Celia

4. Pamilang na pangungusap : 17 + 19 = n17 + 19 = 3636 = kabuuang bilang ng manika nina Almie at Dianne

5. Pamilang na pangungusap : 12 + 35 = n12 + 35 = 4747 piso = kabuuang bilang ng pera ni John

Tignan kung tama ang iyong mga sagot kaibigan .

Page 11: Modyul Sa Matematika

11

Marami ka bang natutunan kaibigan?

Paano ba yan kailangan ko ng magpaalam kaibigan .

Hanggang sa muli! Salamat !