32

Modyul sa filipino grade 7

Embed Size (px)

Citation preview

Mga Nilalaman1. Panimula 7. Ikalawang Pagsasanay2. Layunin 8. Sagot3. Pamagat 9. Kongklusyon4. Mga Batang gagamit5. Mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul6. Unang Pagsasanay

Panimula:Ang modyul na ito ay

aking ginawa para sa inyo. Sa modyul na ito sigurado akong may mapupulot at matututuhan kang aral.

Layunin:1. Malinang ang

kakayahang makapagsalita ng may kabuluhan

2. Matutunan ang mga tutuntuning dapat sundin sa tamang pakikipag-usap.

Ang Mabuting Tagapagsalita

Tayo na, Samahan

mo akong

magbasa .

Ano ba ang isa sa napakagandang kaloob sa atin ng ating Panginoon? Ito na marahil ang kakayahan nating makipag-ugnayan sa pamamagitan ng salita. o ang tinawaga sa Ingles na “Power of Speech”. Mapalad tayong mga nakakapagsalita na naihahayag natin ang ating nais sabihin, mapalad din naman ang kapwa natin na bagama’t di nila maipahayag ang nais nilang sabihin ay gumagamit naman sila ng salita gamit ang kanilang mga kamay o ang“sign language”

Maging ang mga ibon, mga insekto at mga hayop sa kagubatan ay may sariling paraan ng pakikipag-ugnayan.

Ngunit may mga tao din namang sobrang tipid magsalita at mayroon din namang pagbuka ng bibig parang machine gun, walang hinto, walang preno, wala ding sawa.Katulad ba ni Maria? “Maricel Soriano?

May mga umpukan tayong napakasarap makihalo, makisabad. Ito ang pinakamasarap na pampalipas oras. “Tsismisan ba ito?”

Ika nga ng mga mtatanda. “Hindi na baleng iwanan ang isang hapag-kainan, huwag lamang ang masarap na usapan.’ Nakatutulong sa paglinang sa ating personalidad ang ganitong palitan ng kuru-kuro.

Ngunit gaya ng anumang gawaing sosyal, gaya rin ng anumang palaro, may mga alituntuning dapat sundin upang lalong maging makahulugan at mabungan ang usapan.

Sa mga kolehiyo, ang tawag sa mga usapang ganito’y “group dynamics.” At dito’y nais kong iambag ang ilang punto na sana’y kapulutan ng aral nang sa gayo’y ang ating pakikipag-usap ay maging epektibo, para sa ating sarili at sa ating kapwa.Una. Huwag nating hayaang tayo ay pangunahan ng isang tao, ito ay madalas na nangyayari kung kaya’t nawawala at ating karapatang magsalita.

Ikalawa: Hindi dapat mauwi sa isang pagtatalo ang isang usapan. Para itong debate ng dalawang pangkat, walang gaanong mapupulot na aral sa ganitong sistema at kadalasa’y gulo ang kinauuwian.Ikatlo: Iwasan ang usapang ang tema o paksa ay ang ating kapwa dahil mauuwi ito sa tsismisan at kahahantungan ay away.

Hindi dapat na maging miron lamang ang sinuman sa isang usapan, bawat isa ay dapat na may maiambag na tema. Kailangang tumugon ang bawat damdamin at bawat isip sa anumang pinag-uusapang ideya.

Karaniwan ay may isang lider. Hindi siya ang sentro ng usapan ngunit siya ang gumigiya, siya ang nagdadala sa sa buong grupo upang makilahok ang bawat isa.

Ngunit kung nais ng isang lider na maging matagumpay ang usapan ay kailangan niyang mapilit ang bawat isa sa miyembro ng magsalita upang marinig ng lahat ang kani-kaniyang opinyon sa paksa. Kung may napapansin siyang mahiyain sa grupo, idadako niya ang usapan sa kanya. Karaniwan kasi ang walang kibo ay may itinatagong magandang isipan. Parang nagbubukas ng kabibi, dahan dahan ang pagbubukas upang pakinabangan ng lahat ang naiipon niya karunungan.

Kailangang malinang ang kakayahan nating magsalita. Ito ayt isang malaking susi sa ikasisiya at sa ikauunlad ng ating pagkatao.

“If you want to have a personality plus – pag-aralang makilahok sa usapan.

Huwag nating ilagay ang ating sarili sa isang tabi lang at manahimik samantalang may mga magagandang ideya na kaya nating ilahad at kapakipakinabang.

•Naintindihan mo ba ang iyong binasa?•Kung gayon ay susubukan ko kung talagang iyong naunawaan.•Sagutin mo ang mga tanong sa susunod na pahina upang aking mapatunayan na naunawaan mo nga.•SIMULAN MO NA!

1.Ano ang sinasabing pinakamagandang kaloob ng Diyos sa tao?

a.Power of speechb.Power of hearingc.Power of touchd.Power of sight

Unang Pagsasanay

2. Ano ang sinasabing kakayahan din ng mga hayop sa kagubatan?

a.pakikipag-awayb.Pakikipag-ugnayanc.Pakikilahokd.Pakikipamuhay

3. Ayon sa teksto saan matipid ang ilang tao?

a.Salapib.Salitac.Ngitid.Pagkain

4. Ano daw ang masarap na pampalipas oras sa isang umpukan?

a. Ehersisyob. Pag-uusapc. Pahingahand. kainan

5. Ayon sa mga matatanda, ano daw ang iiwanan kapalit ng masarap na kwentuhan?

a. Asawab. Anakc. Trabahod. Hapag-kainan

6. Ano ang maitutulong ng pakikipag-usap sa ating sarili?

a. Paglinang ng personalidadb. Paglinang ng kakayahanc. Paglinang ng kaalamand. Paglinang ng talento

7. Ano ang dapat iwasan sa isang usapan o umpukan?

a. Pamahalaanb. Kapwa-taoc. Palabas sa sined. Magulang

8. Sa isang umpukan sa kolehiyo, ito ay tinatawag na ano?

a. Group discussionb. Panel discussionc. Group dynamicsd. Debate

9. Ano ang tawag sa mga di nagbibigay ng opinyon at taga pakinig lamang?

a. Mironb. Tagatawac. Tagalistad. tagapamagitan

10. Bakit kailangang linangin ang kakayahan sa pagsasalita?Susi daw ba ito ng ano?

a. Pagkalahib. Pagkataoc. Pagka-Pilipinod. Pagiging estudyante

•MAGALING!•Ngayon upang iyong maunawaan subuking sagutin ang ilan pang mga tanong.•SIMULAN MO NA!

1. Paano pinatunayan ng

teksto na ang pagsasalita

ang isa sa pinakamagandang

kaloob ng Panginoon?

2. Bakit kailangang linangin din ng bawat isa ang kakayahang magsalita?

3. Makatutulong ba ang pakikipag-usap sa ating kapwa?

4. Magagamit ba natin sa mga gawain sa araw-araw ang pagsasalita?

•MAGALING!Hanggang sa

susunod....PAALAM.

Mga Sagot:Unang Pagsasanay1. A 6. A2. B 7. B3. B 8. C4. B 9. A5. D 10. BIkalawang

Pagsasanay.(sariling opinyon

ayon sa pagkaunawa sa binasa)

KonklusyonSa pamamagitan ng

pagbabasa ng modyul na ito, umaasa ako na iyong naunawaan ang kahalagahan ng pagsasalita at pakikipag-usap. Maraming salamat sa paglalaan ng oras upang ito ay iyong basahin.