5
Nagbibigay ng MGA KATOTOHANAN tungkol sa pagluluwal nang kulang sa panahon Mga dapat malaman ng bawat ina tungkol sa pananatiling buntis hanggang sa kabuwanan www.GrowthYouCantSee.com

Nagbibigay ng MGA KATOTOHANAN · Kasama pa sa ibang mga tukoy na panganib ang1: • alta-presyon, stress, diyabetes, o labis-labis ang timbang o kulang sa timbang • Maikling panahon

  • Upload
    others

  • View
    39

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Nagbibigay ng MGA KATOTOHANAN · Kasama pa sa ibang mga tukoy na panganib ang1: • alta-presyon, stress, diyabetes, o labis-labis ang timbang o kulang sa timbang • Maikling panahon

Nagbibigay ng MGA KATOTOHANAN tungkol sa pagluluwal nang

kulang sa panahonMga dapat malaman ng bawat

ina tungkol sa pananatiling buntis hanggang sa kabuwanan

www.GrowthYouCantSee.com

Page 2: Nagbibigay ng MGA KATOTOHANAN · Kasama pa sa ibang mga tukoy na panganib ang1: • alta-presyon, stress, diyabetes, o labis-labis ang timbang o kulang sa timbang • Maikling panahon

0 20 34 37 40LINGGO LINGGO LINGGO

Kulang sa panahon

PagluluwalLINGGO LINGGO

Unawain kung ikaw aynasa PANGANIBng pagluluwal nang kulang sa panahonAng mga pagluluwal nang kulang sa panahon ay hindi inaasahan at maaaring mangyari anumang oras. May ilang babae ang nagluluwal nang maaga dahil sa isang medikal na sitwasyon.1,2 Ang ibang babae ay may mas malaking pagkakataong magluluwal ng saggol nang kulang sa panahon dahil malapit sila sa mga tukoy na panganib.1,2

Mga tukoy na panganib ng pagluluwal nang kulang sa panahon1:• May nauna nang hindi inaasahang

pagluluwal nang kulang sa panahon bago ang ika-37 linggo.

• Ang ipinagbubuntis ay kambal, triplet, o iba pang maramihang sanggol

• May mga problema sa uterus o cervix• Amerikanong Africano ang lahing

pinagmulan

Kasama pa sa ibang mga tukoy na panganib ang1:• alta-presyon, stress, diyabetes, o labis-labis

ang timbang o kulang sa timbang• Maikling panahon ang pagitan ng mga

pagbubuntis (6–18 buwan)• Mga partikular na impeksyon sa panahon ng

pagbubuntis tulad ng impeksyon sa uterus, sa puki, sa daanan ng ihi (urinary tract infection) o impeksyon dala ng sekswal na pakikipagtalik

• Paninigarilyo, pag-inom ng alak, o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot

Ang layunin ng malusog na pagbubuntis ay ang iluwal ang bata sa ika-40 linggo ng pagbubuntis. Ang pagluluwal nang kulang sa panahon ay ang pagluluwal ng sanggol sa pagitan ng ika-20 at ika-37 linggo ng pagbubuntis.1,2

Ang pananatiling buntis hanggang sa kabuwanan ay isa sa pinakamabisang paraan na mabibigyan ang iyong sanggol ng panahong kinakailangan upang lumaki at mabuo.

Ang pagluluwal nang kulang sa panahon ay mas

PANGKARANIWAN kaysa sa iyong palagay

Humigit-kumulang sa 400,000 sanggol ang ipinanganganak nang napakaaga bawat taon sa US3

Humigit-kumulang

ay ipinanganak nang wala pa sa kabuwanan4

Bawat 1 sanggol na kulang sa panahon ay ipinanganganak kada minuto5

1 SA 10 SANGGOL

Page 3: Nagbibigay ng MGA KATOTOHANAN · Kasama pa sa ibang mga tukoy na panganib ang1: • alta-presyon, stress, diyabetes, o labis-labis ang timbang o kulang sa timbang • Maikling panahon

?Alam

mo ba

Ang mga sanggol na maagang ipinanganak ay mas malamang na muling maospital, anuman ang kanilang timbang nang ipanganak.9

AngPAGLAKIna hindi mo nakikita

Sa bandang Ika- 35 Linggo, ang utak

ay sinlaki lamang 2/3 ng isang husto

ang kabuwanan na sanggol6

Ang pandinig ay hindi pa

lubos na nabubuo

hanggang sa kabuwanan7

Ang atay ay hindi pa husto ang gulang para maalis ang bilirubin at

maiwasan ang jaundice hanggang dumating

ang kabuwanan6,8

Maaaring hindi pa sapat ang taba sa katawan upang mapanatiling

maayos ang temperatura hanggang sa ika-

37 Linggo6,8

Ang paghinga, pagsupsop, at paglunok na mga reflex ay hindi pa handa sa ika-34 na linggo o higit pa. Ang maagang panganganak ay maaaring maging sanhi ng mga problema sa pagpapakain at nutrisyon6,8

Ang mga baga ay patuloy pang nabubuo hanggang sa dulo ng pagbubuntis, at ang mga sanggol ay maaaring magkaproblema sa paghinga kung maagang ipanganganak 6

Sa panahon ng iyong pagbubuntis, makikita mo ang nangyayaring paglaki ng iyong sanggol sa

mga sonogram at sa paglaki ng iyong tiyan. Ang posibleng hindi mo alam ay patuloy pa rin ang

paglago at pagkabuo ng iyong sanggol kahit sa mga huling ilang linggo hanggang sa petsa ng iyong kabuwanan. May mahalagang pagkabuo

ang nangyayari sa loob ng katawan ng sanggol na hindi mo makikita sa isang sonogram. Ito ang

dahilan kung bakit ang pananatiling buntis hanggang sa kabuwanan ay tumutulong

magbigay sa iyong sanggol ng malusog na simula.

Kailangan ng iyong sanggol ang bawat linggo ng pagbubuntis upang parehong lumaki at mabuo, ang loob at labas2,4,6

Page 4: Nagbibigay ng MGA KATOTOHANAN · Kasama pa sa ibang mga tukoy na panganib ang1: • alta-presyon, stress, diyabetes, o labis-labis ang timbang o kulang sa timbang • Maikling panahon

Kung ikaw ay nasa panganib ng pagluluwal nang kulang sa panahon, ngayon ang oras upang makipag-usap sa iyong tagapaglaan ng pangangalagang pangkalusugan. Hayaang malaman nila ang tungkol sa anumang mga tanong o alalahanin na maaaring mayroon ka.

Ang iyong tagapaglaan ng pangangalagang pangkalusugan ay maaaring makipag-usap

sa iyo tungkol sa mga paraan upang mapababa ang iyong panganib, kasama na

ang mga potensyal na mapagpipiliang paggamot.

?Alam

mo ba

Ang pananatiling buntis hanggang sa kabuwanan ay isa sa pinakamabisang paraan na mabibigyan ang iyong sanggol ng panahong kinakailangan upang lumaki at mabuo.

Alamin ang

MGA TANDA AT SINTOMAS na kaugnay ng paghilab ng tiyan nang

kulang sa panahon10

Mababa, namamanhid

na pananakit ng likod

Paninigas ng puson tulad nang

kapag magkaka- regla

Pagbabago sa ligata na inilalabas ng puki

Pakiramdam ng kabigatan

o diin sa bahagi ng

puson

Mga paghilab o kontraksyon,

o paninikip ng iyong mga kalamnan sa tiyan, kada 10 minuto o mas

mababa pa

Paninigas ng tiyan mayroon

man o walang pagtatae

Ang bawat babaeng buntis ay dapat na pamilyar sa mga tanda at sintomas ng paghilab ng tiyan nang kulang sa panahon.

Kung mayroon ka ng mga sintomas na ito bago ang iyong petsa ng kabuwanan, makipag-ugnayan sa iyong tagapaglaan ng pangangalangang pangkalusugan sa lalong madaling panahon, dahil maaaring ikay ay nakakaranas ng paghilab ng tiyan nang kulang sa panahon, na magreresulta sa pagluluwal nang napakaaga (kulang sa 37 linggo).

Alamin kung paano mo mapabababa ang iyongPAGKAKATAONG

magluluwal nang kulang sa panahon

Page 5: Nagbibigay ng MGA KATOTOHANAN · Kasama pa sa ibang mga tukoy na panganib ang1: • alta-presyon, stress, diyabetes, o labis-labis ang timbang o kulang sa timbang • Maikling panahon

Gabay sa pag-uusap ukol sa Pagluluwal nang kulang sa panahon1

Nasa ibaba ang ilan sa mga tukoy na panganib para sa pagluluwal nang kulang sa panahon (pagluluwal ng sanggol bago ang ika-37 linggo). Tsekan ang mga naaangkop sa iyo at dalhin ang listahang ito sa iyong sunod na appointment upang mapag-usapan ninyo ito ng iyong tagapaglaan ng pangangalagang pangkalusugan.

May nauna ng hindi inaasahang pagluluwal nang kulang sa panahon bago ang ika-37 linggo

Ang ipinagbubuntis ay kambal, triplet, o iba pang maramihang sanggol

May mga problema sa uterus o cervix

Africanong Amerikano ang lahing pinagmulan

Alta-presyon, stress, diyabetes, o labis-labis ang timbang o kulang sa timbang

Maikling panahon ang pagitan ng mga pagbubuntis (6–18 buwan)

Mga partikular na impeksyon (sa daanan ng ihi (urinary tract infection), impeksyon sa uterus osa puki, o impeksyon dala ng sekswal na pakikipagtalik) sa panahon ng pagbubuntis

Paninigarilyo, pag-inom ng alak, o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot

Tumulong sa pag-iingat ng iyong sanggolKung sa palagay mo ay nasa panganib ng pagluluwal nang kulang sa panahon, makipag-usap sa iyong tagapaglaan ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga paraang maaaaring magpababa ng iyong panganib, kasama na ang mga posibleng paggamot na mapagpipilian. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang www.GrowthYouCantSee.com

Mga Sanggunian: 1. March of Dimes. Preterm labor and birth. Available at: http://www.marchofdimes.com/pregnancy/preterm_indepth.html. June 2013. Accessed June 18, 2014. 2. American Congress of Obstetrics and Gynecology. Preterm labor. Available at: http://www.acog.org/~/media/For%20Patients/faq087.pdf?dmc=1&ts=20130207T1252359850. May 2013. Accessed June 18, 2014. 3. March of Dimes. 2015 Premature Birth Report Cards. Available at: http://www.marchofdimes.org/mission/prematurity-reportcard.aspx. 2015. Accessed March 21, 2016. 4. March of Dimes. Premature babies. Available at: http://www.marchofdimes.org/premature-babies.aspx. October 2013. Accessed March 21, 2016. 5. Kiefer DG, Vintzielos AM. The utility of fetal fibronectin in the prediction and prevention of spontaneous preterm birth. Rev Obstet Gynecol. 2008;1:106-112. 6. Engle WA, Tomashek KM, Wallman C. Late-preterm infants: a population at risk. Pediatrics. 2007;120:1390-1401. 7. Committee on Environmental Health. Noise: a hazard for the fetus and newborn. Pediatrics. 1997;100:724-727. 8. Cleaveland K. Feeding challenges in the late preterm infant. Neonatal Netw. 2010;29:37-41. 9. Escobar GJ, Greene JD, Hulac P, et al. Rehospitalisation after birth hospitalisation: patterns among infants of all gestations. Arch Dis Child. 2005;90:125-131. 10. March of Dimes. Signs of preterm labor. Available at:http://www.marchofdimes.org/signs-and-symptoms-of-preterm-labor-and-what-to-do.aspx. January 2013. Accessed March 21, 2016.

AMAG Pharmaceuticals, Inc., Waltham, MA 02451    © 2016 AMAG Pharmaceuticals, Inc. 17-607-2g 04/16