45
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 10 Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Linggo 1 Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Mitolohiya) Angelica M. Rodriguez A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

10 Filipino

Unang Markahan – Modyul 1: Linggo 1

Mga Akdang Pampanitikan ng

Mediterranean (Mitolohiya)

Angelica M. Rodriguez

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angelica M. Rodriguez

Editor: Sheryl C. Deocadez

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagaguhit:

Tagalapat: Vicente S. Araneta Jr.

Tagapamahal: Virgilio P. Batan. Jr. - Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 1: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Mitolohiya) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Page 3: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

1

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

Aralin 1: Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan

Aralin 2: Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome, Italy

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang

mga mag-aaral ay inaasahang:

MELC (Week 1)

Naipapahayag ang mahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya. (F10PN-Ia-b-62)

Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyari sa:

sariling karanasan

pamilya

pamayanan

lipunan

daigdig

(F10PB-Ia-b-62)

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pagpapahalaga at pag-unawa sa akdang

pampanitikan mula sa Meditterranean

partikular na sa Greece at Rome, Italy.

*Naipapahayag ang mahalagang

kaisipan/pananaw sa napakinggan mitolohiya.

*Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda

sa nangyari sa:

sariling karanasan

pamilya

pamayanan

lipunan

daigdig

Alamin

Page 4: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

2

Aralin

1

Mitolohiya: Kasaysayan,

Katangian at Kahalagahan

Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang

griyego at romano na laging nababanggit sa panulat lalo na noong panahon ng Klasiko. Dahil dito ay nagkaroon ng impluwensiya ang panahong ito na masasalamin

sa ating panitikan noong panahon ng katutubo kung saan ang iba pang uri ng

panitikan ng Pilipinas ay pasalin-dila tulad ng alamat, mito, kwentong-bayan, epiko at karunungang-bayan. (mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban,

Panganiban, 1998).

Saklaw sa araling ito ang pagkilala mo sa mga diyos at diyosa sa mitolohiyang

Griyego at Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng

panitikan sa buong mundo. Sinasaklaw rin dito ang pagpapahayag ng mahalagang

kaisipan sa binasa, pagbibigay kahulugan at kahalagahan ng mitolohiya.

Pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan, mitolohiya.

(F10PN-Ia-b-62)

2. Natutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng mitolohiya.

3. Nakikilala at Nailalarawan ang mga diyos at diyosa.

Page 5: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

3

Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

I. Ipahayag ang mga mahahalagang kaisipin ng Mitolohiya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos piliin ang

titik ng tamang sagot, isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (10 puntos)

1. Ito ay isang uri ng kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa. A. alamat C. epiko

B. mitolohiya D. parabula

2. Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na ________________.

A. mithos C. mythus B. muthos D. mythos

3. Kung ang mito ay nanggaling sa salitang Latin na mythos. Ano naman ang

Griyegong salita nito?

A. mithos C. mythus B. muthos D. mythos

4. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa

A. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

B. Maipaliwanag ang kasaysayan C. Magturo ng mabuting aral

D. Walang matinding damdamin sa kuwento

5. Ano ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat.

A. alamat C. epiko B. mitolohiya D. parabola

6. Ito ay pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa

buong daigdig. A. mitolohiya mula sa Amerika C. mitolohiya mula sa Filipinas

B. mitolohiyang Griyego at Romano D. mitolohiya mula kay Venus

7. Saan ang tahanan ng mga diyos at diyosa?

A. langit C. Olympus B. lupa D. kagubatan

8. Sino ang sikat na awtor na nagsalin ng mitolohiyang griyego sa wikang ingles at

ng mga mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo na noong panahon ng Klasiko?

A. Edith Hamilton C. D.H. Lawrence B. Mark Twain D. William Shakespeare

Page 6: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

4

9. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga katangian ng

mitolohiya?

I. Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.

II. Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.

III. Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.

IV. May mga hindi ordinaryong karakter.

A. I at II C. IV at V B. III at IV D. I, II, III, IV

10. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga gamit ng mitolohiya?

I. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

II. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan

III. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon

IV. Magturo ng mabuting aral

A. I at II C. IV at V

B. III at IV D. I, II, III, IV

II. Panuto: Kilalanin at ilarawan ang mga diyos at diyosa, kompletuhin ang grap sa ibaba. Punan nang tamang sagot ang mga blangko. (10 puntos)

Greek Roman Katangian at Kapangyarihang Taglay

1. Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at

panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at

hindi marunong tumupad sa pangako, asawa

niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat

2. Hera Juno -

3. Poseidon - kapatid ni Jupiter

- hari ng karagatan, lindol

- kabayo ang kaniyang simbolo

4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter

- panginoon ng impiyerno

5. Ares Mars -

6. Apollo - diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika,

panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,

dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

7. Athena Minerva -

8. Diana - diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng

buwan

9. Hephaestus Vulcan

10.Hermes -mensahero ng mga diyos, paglalakbay,

pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,

at panlilinlang

11. Aphrodite Venus -

12. Hestia Vesta - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Page 7: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

5

III. Essay Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng kahalagahan ng

mitolohiya. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba. (15 puntos)

Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya? Ano ang magandang

maidudulot nito sa atin?

http://clipartbarn.com/notepad-clipart_11645/

RUBRIKS

Mga Kriyterya 2 3 4 5

Organisasyon

Hindi maayos ang

organisasyon ng

mga ideya

May lohikal na

organisasyon

ngunit hindi masyadong

mabisa

Maayos ang

organisasyon,

pagkabuo ng pangungusap

Mahusay ang

pagkakasunod-

sunod ng mga ideya sa

kabuuan ng

pangungusap

Paggamit ng

wika at

mekaniks

Kailangang baguhin dahil

halos lahat ng

pangungusap ay may mali sa

gramar,baybay at

gamit ng bantas

Mga kahinaan dahil maraming

mali sa

gramar,baybay at gamit ng bantas

Mahusay dahil kakaunti lamang

ang mali sa

gramar, baybay at gamit ng

bantas

Napakahusay dahil walang

mali sa gramar,

baybay at gamit ng bantas may

mayamang

bokabularyo

Pagkakasulat

Mahirap basahin dahil sa hindi

maayos at malinis

na pagkakasulat

May kahirapang unawain ang

pagkakasulat at

ng pangungusap

Malinis ngunit hindi lahat ay

maayos ang

pagkakasulat at ang mga

pangungusap

Malinis at maayos ang

pagkakasulat ng

pangu-ngusap

Puntos: Kahulugan:

13 – 15 – Natatangi

10 – 12 – Natutupad 7 – 9 – Nalilinang

4 – 6 – Nagsisimula

Paalala: Ang rubriks na ito ang siyang gagamitin ninyo sa mga sumusod na gawain:

Aralin 1 Aralin 2:

*Subukin – III. Essay, pahina 5 * Isagawa – Gawain 5, pahina 33 *Isagawa – Gawain 4, pahina 17

*Tayahin – III. Essay, pahina 19

Sanggunian: “Koleksyon ng mga Istratehiya sa

pagtutura at Iba’t ibang uri ng

Rubriks”

Page 8: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

6

Balikan

Gawain A: ENTRY PASS

Ngayon ay balikan mo ang nakaraang talakayan sa ika-siyam na baitang.

Magbigay ng mahalagang kaisipan na natutuhan mo sa mga akdang natalakay.

Gawing gabay ang nakasulat sa ibaba na ENTRY PASS, ito ay upang malaman ko

na may natutunan at naalala ka pang leskyon o aralin sa iyong nakaraang baiting.

Isulat ang sagot sa sagutang papel

https://www.kissclipart.com/printable-ticket-clipart-event-tickets-party-templ-zlk4jm/

https://www.kissclipart.com/printable-ticket-clipart-event-tickets-party-templ-zlk4jm/

ENTRY PASS

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

_______________

Page 9: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

7

Para sa pagsisimula ng iyong pagkatuto mabuting makilala mo muna ang

labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece na

kilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian Gods.

Ipinapakita sa ibaba ang labindalawang magigiting na diyos at diyosa sa

Olympus na kanilang tirahan. Pansinin sa bawat bilang ang griyegong pangalan ng

mga diyos at diyosa, romanong katawagan at ang kanilang katangian at

kapangyarihang taglay.

Simulan mo na ang pagsusuri. Pagbutihan mo!

Ang Labindalawang Magigiting na diyos at diyosa sa Olympus

(The 12 Great Olympian Gods)

-

1. Zeus (Greek) Jupiter (Roman)

- hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at

hindi marunong tumupad sa pangako, asawa niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat.

https://www.freepik.com/premium-vector/powerful-zeus-mascot-logo_5343641.htm

2. Hera (Greek) Juno (Roman)

- reyna ng mga diyos tagapangalagang

pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter.

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/greek-gods-and-goddess-hera-vector-22179661

Tuklasin

Page 10: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

8

3. Poseidon (Greek) Neptune (Roman)

- kapatid ni Jupiter

- hari ng karagatan, lindol - kabayo ang kaniyang simbolo

5. Ares (Greek) Mars (Roman)

- diyos ng digmaan ,buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/poseidon-vector-1329599

4. Hades (Greek) Pluto (Roman)

- kapatid ni Jupiter - panginoon ng impyerno

https://pngtree.com/freepng/hades-mascot-for-streaming-esport_5337105.html

6. Apollo (Greek) Apollo (Roman)

- diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, at panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,

dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

https://www.freepik.com/premium-vector/ares-esport-mascot-logo-design_7022710.htm

https://www.istockphoto.com/vector/ancient-greek-mythological-god-apollo-apollo-

the-god-of-sunlight-in-old-painting-gm1224564532-360117778

Page 11: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

9

7. Athena (Greek) Minerva (Roman)

- diyosa ng karunungan, digmaan, kuwago ang

ibong maiuugnay sa kaniya.

8. Artemis (Greek) Diana (Roman)

-diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan.

https://www.dreamstime.com/athena-logo-esports-vector-template-athena-logo-

esports-vector-template-suitable-esport-logo-easy-to-edit-can-also-be-used-

image162160515

9. Hephaestus (Greek) Vulcan (Roman)

- diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

https://clipartstation.com/artemis-clipart-6/

https://thehungryjpeg.com/product/3742321-hephaestus-esport-

mascot-logo

Page 12: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

10

Maaaring panoorin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8

12. Hestia (Greek) Vesta (Roman)

- kapatid na babae ni Jupiter - diyosa ng apoy mula sa pugon

10. Hermes (Greek) Mercury (Roman)

-mensahero ng mga diyos, paglalakbay,

pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,

at panlilinlang.

https://www.123rf.com/photo_21195524_illustration-of-roman-god-

mercury-patron-god-of-financial-gain-commerce-communication-and-

travelers-.html

11. Aphrodite (Greek) Venus (Roman)

- diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati

ang ibong maiuugnay sa kaniya.

https://stock.adobe.com/ph/images/greek-goddess-aphrodite-illustration/226112904

https://www.vexels.com/png-svg/preview/188536/hestia-greek-god

Page 13: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

11

Magaling!

Palakpakan ang sarili sa iyong ginawang masiyasat na pagsusuri. Ano nga ulit

ang iyong natuklasan?

Tama, natuklasan mo ang labindalawang diyos at diyosa at kanilang mga

katangian.

Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga

kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-

aralin. Dito ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pag-unawa sa mga

impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng

mahahalagang ideya tungkol sa mitolohiya. Inaasahang magagabayan ka ng

inihandang babasahin upang masagot mo ang mga sumusunod na gawain. Halika

at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pag-unawa sa paksa.

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng

mga mito/myth at alamat. Tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa

isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-

diyosa noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinapintakasi ng

mga sinaunang tao.

Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na

mythos at mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ang

muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Sa klasikal na mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na

pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan

ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang

nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig. Karaniwang may kaugnayan

ito sa teolohiya at ritwal.

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga

tradisyonal na kuwentong mito ng mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag

hinggil sa mga likas na kaganapan.

Halimbawa na kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May

kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.

Alam mo ba na…

Suriin

Page 14: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

12

Dalawa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiyang Griyego at

mitolohiyang Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig. Ipinapakita sa ibaba ang kanilang

pagkakaiba:

Ang mitolohiyang Griyego ay siyang katawan ng mga mito at

katuruan ng mga sinaunang griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng

pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at

pakikipagsapalaran ng kanilang iba’t ibang mga diyos at mga bayani. Ang mitolohiyang griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong gresya at

sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos.

Ang mitolohiyang Romano naman ng mga taga-Roma ay kadalasang

tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang taga Rome hanggang ang

katutubong relihiyon ay napalitan na ng Kristiyanismo. https://brainly.ph/question/2176700

Kategorya Mitolohiyang Griyego Mitolohiyang Romano

1. Pinagmulan

Ang pinagmulan ng Mitolohiyang Griyego ay hindi tukoy

Ang Mitolohiyang Romano ay nakabase o binase sa Mitolohiyang Griyego.

2. Panahon ng Pagsisimula

Mas nauna ang Mitolohiyang Griyego ng pitong daang taon kaysa sa Mitolohiyang Romano.

Matapos naman ang isang libong taong pag-usbong ng Mitolohiyang Griyego ay nagsimula ang pag-usbong ng Mitolohiyang Romano.

3. Pisikal na Anyo ng mga Diyos at Diyosa

Ang mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego ay magaganda ang hubog ng katawan na mas pinagaganda pa ng kanilang mga maskuladong katawan at mga magagandang mata.

Ang sa Mitolohiyang Romano naman ay walang pisikal na kaanyuan dahil nasa imahinasyon lamang ng mga tao.

4. Paniniwala sa Pangalawang Buhay

Ang Mitolohiyang Griyego ay mas binibigyan ng importansya ang mortal o pisikal na pamumuhay sa mundo kaysa sa pangalawang buhay matapos mamatay.

Mitolohiyang Romano, ang mga mortal ay gumagawa ng kabutihan sa paniniwalang masusuklian ang kanilang nagawa sa pangalawang buhay. Nagpupursige sila upang magkaroon ng pwesto sa langit.

5. Kalikasan ng mga Diyos at Diyosa

Ang mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego ay nakabase sa mga ugali ng mga tao.

Samantala, ang sa Mitolohiyang Romano, ang mga pangalan ng diyos at diyosa ay mula sa mga bagay.

https://brainly.ph/question/321030

Page 15: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

13

Kumusta! Madali lang ba?

Ngayon mayroon ka nang ideya tungkol sa kasaysayan, katangian at katuturan ng

mitolohitya. Upang lubos na maunawaan ang kaisipan ng talata sa unahan,

pagyamanin natin ang ating kaalaman!

Simulan na ang pagsagot sa mga sumusunod na gawain at higit sa lahat

huwag kalimutan ang iyong mga natutunan. Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!

Bagamat may pagkakaiba-iba ang dalawang mitolohiya mahihinuhang kapwa

sila tumutukoy sa kuwento ng mga diyos at diyosa.

Katangian ng Mitolohiya:

Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.

May mga hindi ordinaryong karakter.

Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.

Ang mga pangyayaring nagaganap ay taliwas o iba sa mga pangyayaring

nagaganap sa tunay na buhay.

Ito ay nag uudyok ng pagbabago sa kaasalan o pagkilos.

Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.

Ito ay balot ng hiwaga.

Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi.

Ito ay nagbibigay tuon sa wika.

Ang mga bayani ng mito ay naglalahad ng kwento gamit ang

sopistikadong wika.

Ito ay karaniwang nakabatay sa metapora.

Nagpapakita ito ng paralelismo sa tunay na buhay. https://brainly.ph/question/583018

Ito ang mga gamit ng mitolohiya:

1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.

3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon

4. Magturo ng mabuting aral

5. Maipaliwanag ang kasaysayan

6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng

sangkatauhan.

Mahalagang matutunan ang mitolohiya sapagkat dahil dito ay nakikilala

at natututunan natin ang kultura at sining ng isang lugar o bansa at kung ano

ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa ating kultura. Kapupulutan rin ito ng

mga kagandahang-asal na maaaring pagyamanin at isabuhay.

Page 16: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

14

Gawain 1: Pagtapat-tapatin

Panuto: Iugnay sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng

mga diyos at diyosa na nakatala sa Kolum A. Isulat ang letra ng angkop na sagot sa

patlang sa sagutang papel.

Gawain 2: Ipaliwanag Mo

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at magpahayag ng

mahalagang kaisipan sa mga sumusunod:

1. Paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya?

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________

2. Ano-ano ang gamit ng mitolohiya?

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya?

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________

Kolum A Kolum B

___ 1. Venus A. Siya ang diyosa ng kagandahan at kalapati ang kaniyang sagisag.

___ 2. Minerva B. diyos ng propesiya, araw, at musika

___ 3. Mercury

B. kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian sa ilalim ng lupa

___ 4. Pluto D. Hari ng mga diyos at kalawakan

___ 5. Jupiter E. diyosa ng karunungan, digmaan, kuwago ang

ibong maiuugnay sa kaniya

F. Mensahero ng mga diyos at kilala sa tawag na

Hermes ng mga Greek

Pagyamanin

Page 17: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

15

Tandaan Mo

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga

mito/myth at alamat.

Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na mythos

at mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay

halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Sa klasikal na mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na

pangarap at takot ng mga sinaunang tao.

Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga katangian ng iba pang mga

nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa

daigdig. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga

tradisyonal na kuwentong mito ng mga diyos at nagbibigay ng mga

paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.

Dalawa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiyang Griyego at

mitolohiyang Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang

manunulat ng panitikan sa buong daigdig.

Ang mitolohiyang Griyego ay siyang katawan ng mga mito at katuruan ng

mga sinaunang griyegona nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at

kalikasan ng mundo.

Ang mitolohiyang Romano ng mga taga-Roma ay kadalasang tungkol sa

politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at

diyosa mula sa sinaunang taga Rome.

Bagamat may pagkakaiba-iba ang dalawang mitolohiya mahihinuhang

kapwa sila tumutukoy sa kuwento ng mga diyos at diyosa.

Katangian ng Mitolohiya:

Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.

May mga hindi ordinaryong karakter.

Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.

Ang mga pangyayaring nagaganap ay taliwas o iba sa mga pangyayaring

nagaganap sa tunay na buhay.

Ito ay nag uudyok ng pagbabago sa kaasalan o pagkilos.

Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.

Ito ay balot ng hiwaga.

Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi.

Ito ay nagbibigay tuon sa wika.

Ang mga bayani ng mito ay naglalahad ng kwento gamit ang sopistikadong

wika.

Ito ay karaniwang nakabatay sa metapora.

Nagpapakita ito ng paralelismo sa tunay na buhay.

Ito ang mga gamit ng mitolohiya:

1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

Isaisip

Page 18: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

16

2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.

3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon

4. Magturo ng mabuting aral

5. Maipaliwanag ang kasaysayan

6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-

asa ng sangkatauhan.

Mahalagang matutunan ang mitolohiya sapagkat dahil dito ay nakikilala at

natututunan natin ang kultura at sining ng isang lugar o bansa at kung ano

ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa ating kultura. Kapupulutan rin ito

ng mga kagandahang-asal na maaaring pagyamanin at isabuhay.

Gawain 3: Alam-Nais-Natutuhan

Panuto: Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel. Isulat ang sagot

sa iyong kuwaderno. Gawing bagay ang mga tanong sa ibaba.

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya? Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiya?

Natutuhan: Ano ang inyong natutuhan sa mitolohiya?

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan

Sa pagkakaalam ko ang

mitolohiya ay…

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

Ang gusto kong malaman

sa mitolohiya ay…

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

Natutunan ko na ang

mitolohiya ay…

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

Nakakabilib ka at nasagutan mo ang mga gawain at katanungan. Batid kong

lubusan mo ng naintindahan ang ating paksa. Pero teka lang at mayroon pa akong

inihandang gawain. Handa ka na?

Galingan mo!

Page 19: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

17

Gawain 4: Kagaya Ko Siya!

Panuto: Mula sa napag-aralang impormasyon hinggil sa mga diyos at diyosa, pumili

ka ng isang diyos o diyosa na iyong nagustuhan batay sa kaniyang katangian.

Ipaliwanag mo kung bakit siya ang iyong napili. Iugnay ito sa iyong sarili. Isulat ang

sagot sa sagutang papel. Gamiting gabay ang nakasulat sa ibaba.

Mahusay!

Pinagbutihan mo ang mga gawain. Ngayon maaari ng sagutin ang pagtataya sa

ibaba upang subukin kung may nadagdag sa iyong kaalaman mula sa paksang

napag-aralan.

I. Ipahayag ang mga mahahalagang kaisipin ng Mitolohiya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos piliin ang

titik ng tamang sagot, isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (10 puntos)

1. Ito ay isang uri ng kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa. A. alamat C. epiko

B. mitolohiya D. parabula

2. Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na ________________.

A. mithos C. mythus B. muthos D. mythos

Pangalan Mo: ___________________ Pangalan ng diyos o diyosa: _________________

Kagaya Ko Siya!

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________

Isagawa

Tayahin

Page 20: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

18

3. Kung ang mito ay nanggaling sa salitang Latin na mythos. Ano naman ang

Griyegong salita nito?

A. mithos C. mythus

B. muthos D. mythos

4. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa

A. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig B. Maipaliwanag ang kasaysayan

C. Magturo ng mabuting aral D. Walang matinding damdamin sa kuwento

5. Ano ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat.

A. alamat C. epiko

B. mitolohiya D. parabola 6. Ito ay pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig.

A. mitolohiya mula sa Amerika C. mitolohiya mula sa Filipinas B. mitolohiyang Griyego at Romano D. mitolohiya mula kay Venus

7. Saan ang tahanan ng mga diyos at diyosa? A. langit C. Olympus

B. lupa D. kagubatan

8. Sino ang sikat na awtor na nagsalin ng mitolohiyang griyego sa wikang ingles at ng mga mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo

na noong panahon ng Klasiko?

A. Edith Hamilton C. D.H. Lawrence B. Mark Twain D. William Shakespeare

9. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga katangian ng

mitolohiya?

V. Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.

VI. Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.

VII. Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.

VIII. May mga hindi ordinaryong karakter.

A. I at II C. IV at V B. III at IV D. I, II, III, IV

10. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga gamit ng mitolohiya?

V. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

VI. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan

VII. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon

VIII. Magturo ng mabuting aral

A. I at II C. IV at V

B. III at IV D. I, II, III, IV

Page 21: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

19

II. Panuto: Kilalanin at ilarawan ang mga diyos at diyosa, kompletuhin ang grap sa

ibaba. Punan nang tamang sagot ang mga blangko. (10 puntos)

III. Essay Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng kahalagahan ng

mitolohiya. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba. (15 puntos)

Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya? Ano ang magandang

maidudulot nito sa atin?

http://clipartbarn.com/notepad-clipart_11645/

Greek Roman Katangian at Kapangyarihang Taglay

1. Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at

panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at

hindi marunong tumupad sa pangako, asawa

niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat

2. Hera Juno -

3. Poseidon - kapatid ni Jupiter

- hari ng karagatan, lindol

- kabayo ang kaniyang simbolo

4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter

- panginoon ng impiyerno

5. Ares Mars -

6. Apollo - diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika,

panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,

dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

7. Athena Minerva -

8. Diana - diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng

buwan

9. Hephaestus Vulcan

10.Hermes -mensahero ng mga diyos, paglalakbay,

pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,

at panlilinlang

11. Aphrodite Venus -

12. Hestia Vesta - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Page 22: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

20

Para sa lubusang pag-unawa sa Aralin 1 ng modyul na ito gawin mo ang

karagdagang mga gawain.

Gawain 5: MAGSALIKSIK, MAGBASA AT MAGSULAT

Panuto: Magsaliksik sa internet o sa mga aklat ng mga karagdagang impormasyon

patungkol sa mitolohiya. Basahin mo itong mabuti. Maaari ding isulat kung may

kaugnayan ba ito sa mitolohiya sa ating bansa? Pwede din ang mga paksa na sa

tingin mo ay kawili-wili at kapanapanabik.

Gawain 6: IGUHIT MO!

Panuto: Magaling ka bang gumuhit? Kung gayon ito ang para sa iyo. Pumili ng iyong

mga paboritong diyos at diyosa at iguhit mo ito sa abot ng iyong makakaya. Ilagay

ito sa isang malimis na papel, bond paper, oslo paper at iba pa. Maging malikhan,

kulayan ang iyong iginuhit. Galingan mo

Mga nakalap kong impormasyon:

Karagdagang Gawain

Page 23: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

21

Gawain 7: EXIT PASS

Sa puntong ito ay isulat ang lahat ng mga natutunan mo sa araling ito gamit ang

Exit Pass.

Subukin

I.

1. B

2. D 3. B

4. D

5. B 6. B

7. C

8. A 9. D

10. D

II. 1. Zeus

2. - reyna ng mga diyos tagapa-

ngalagang pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter

3. Neptune

4. - diyos ng digmaan, buwitre ang ibong

maiuugnay sa kaniya 5. Apollo

6. - diyosa ng karunungan, digmaan, at

katusuhan, kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya

7. Artemis 8. - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

9. Mercury

10. - diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang ibong maiuugnay sa

kaniya

III. Essay

Ang guro na ang magwawasto

Tayahin

I. 1. B

2. D

3. B

4. D 5. B

6. B

7. C 8. A

9. D

10. D

II.

1. Zeus

2. - reyna ng mga diyos tagapa-

ngalagang pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter

3. Neptune

4. - diyos ng digmaan, buwitre ang ibong

maiuugnay sa kaniya 5. Apollo

6. - diyosa ng karunungan, digmaan, at

katusuhan, kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya

7. Artemis

8. - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

9. Mercury 10. - diyosa ng kagandahan, pag-ibig,

kalapati ang ibong maiuugnay sa

kaniya

III. Essay

Ang guro na ang magwawasto

EXIT PASS

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

Susi sa Pagwawasto

Page 24: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

22

Aralin 2

Cupid at Psyche: Mitolohiya

mula sa Rome, Italy

Madalas marinig ang matalinghagang pahayag na “Kung ikaw ay nasa Rome,

gawin mo kung ano ang ginagawa ng mga taga-Rome.” Sumasalamin lamang ito sa

kultura ng mga taga-Rome kung saan pinakikinabangan at pinagyayaman ang mga

kaisipan, kabihasnan, sining at panitikang hinalaw nila mula sa mga lugar na

kanilang sinakop. Sa kasalukuyan, ang mga mitolohiyang ito ang pinagbatayan ng

mga kaisipan sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina, pilosopiya, astrolohiya,

sining at panitikan sa buong daigdig.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

Aralin 2: Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome, Italy

MELC (Week 1) Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyari sa:

sariling karanasan

pamilya

pamayanan

lipunan

daigdig

(F10PB-Ia-b-62)

Alamin

Page 25: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

23

Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Panuto: Bawat bilang ay nagpapakita ng mga kaisipan mula sa binasang akda

Iugnay ang mga mahahalagang kaisipang ito sa nangyayari sa mga sumusunod:

I. Sariling Karanasan

1. Batay sa iyong sariling karanasan ano ang masasabi mo sa pinakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay pag-

ibig? A. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay mababaw lamang

B. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay tunay C. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay wagas

D. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay walang hanggan

2. Sa kuwento ipinakitang dahil sa taglay na ganda ni Psyche ay maraming mga

kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya. Sa tingin mo sa pisikal na anyo ba binabatay ang tunay na pag-ibig? Bakit?

A. Oo, nararapat lamang ito sapagkat magiging sikat ako kung ubod ng ganda/guwapo ang aking magiging kasintahan.

B. Siguro, dahil kapag mas maganda/guwapo mas bongga! C. Hindi, dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang bumabatay sa

panlabas na anyo kundi sa panloob na kagandahan at pag-uugali. D. Dapat lang nang hindi ako mapahiya sa barkada o tropa.

3. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa pag-ibig maliban sa? A. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”

B. “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang loob” C. “Ang pag-ibig ay makikita sa pisikal na kaanyuan at antas sa buhay”

D. “Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa at mapagtiis hanggang wakas”

4. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”

A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan

C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala D. Walang pag-ibig kung walang tiwala

Page 26: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

24

II. Pamilya

5. Inilihim ni Cupid kay Venus ang kaniyang mga desisyon at pagkakagusto kay

Psyche sa kabila ng utos ng ina. Bilang ikaw ay isa nang binata at dalaga, tama bang ilihim mo ang ganitong mga pangyayari sa iyong mga magulang?

A. Oo, dahil mahal ko siya at walang makakapigil sa akin. B. Hindi, dahil wala pa ako sa tamang edad para gumawa ng ganitong

mga desisyon sa buhay at walang magulang na gustong mapasama ang anak. C. Gagawin ko ang gusto ko sa larangan ng pag-ibig.

D. Malaki na ako bahala na sina inay at itay.

6. Isa sa mga pag-uugali na binigyang diin sa mito ay ang kahalagahan ng

pagtitiwala. Sa inyong pamilya gaano ba kahalaga ang tiwala? A. Walang importansiya ang tiwala sa isang pamilya

B. Napakahalaga nito dahil nagpapahiwatig ito ng aking pagiging responsibilidad bilang anak, kapatid, at kapamilya.

C. Binabalewala lamang ang tiwala bilang anak, kapatid, at kapamilya.

D. Wala sa nabanggit.

7. Ipinakita sa mitolohiya ang ginawang pagsunod ni Psyche sa mg utos ni Venus bilang pagsasakripisyo at pagmamahal niya kay Cupid.

Sa inyong pamilya makikitang nagsasakrpisyo din ang mga magulang sa pagtatrabaho kahit mahirap, kahit mapalayo sa pamilya at sa mga anak

matustusan lamang ang pangangailangan ng mga anak. Ngayon, bilang isang mabuting anak ano ang pinakamagandang maisusukli mo sa ginawang sakripisyo

ng iyong mga magulang?

A. Pabayaan ang pag-aaral dahil may pandemya. B. Magbabad sa internet at maglaro buong araw ng videogames. C. Magbulakbol, mamasyal araw-araw dahil walang pang pasok. D. Maging mabait at mag-aral nang mabuti para makapagtapos ng pag-

aaral.

III. Pamayanan

8. Sa mitolohiya si Jupiter ang siyang hari, pinuno at pinakamakapangyarihan sa

lahat ng diyos at diyosa nagmumula sa kaniya ang mga desisyon para sa ikabubuti ng lahat. Kung ihahambing natin ito sa kasalukuyang panahon sa sistema ng

pamahalaan ng ating bansa ang nasa katayuan ni Jupiter ay ang _______________ ng ating bansang Pilipinas.

A. Presidente B. Mamamayan

C. Negosyante

D. Mayayaman

9. Kaugnay ng tanong sa ika-7 bilang. Ano ba ang nararapat taglayin ng isang mabuting hari, pinuno, presidente?

A. Kurakot/Kurap B. Mapagkawanggawa, matalino, at mahusay magbigay ng payo at

desisyon para sa ikabubuti sa lahat ng nasasakupan.

C. Mandaraya at di kapani-paniwala D. Magnanakaw sa kaban ng bayan

Page 27: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

25

10. Dahil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mabuting lider o pinuno.

Paano mo ito magagawa? A. Magsawalang bahala

B. Ipaubaya sa iba C. Magkibit-balikat lamang

D. Gamitin ang pribilehiyong bumuto ng sa tingin mo ay karapatdapat mamahala sa isang napaka importanteng posisyon at ikabubuti ng lahat.

III. Lipunan

11. Mapapansin na may kinalaman ang amang hari sa paghahanap ng mapapangasawa ni Psyche. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama ni

Psyche na ipakasal siya sa isang taong hindi pa niya nakikita? Ipaliwanag. A. Oo, dahil alam ng magulang ang makabubuti sa akin

B. Bagamat may pagkakataong nagbibigay ng payo ang magulang pagdating sa pag-aasawa hindi parin ito sapat upang magpakasal sa taong hindi

mo pa nakikita at lubusang kilala.

C. A at B D. Wala sa nabanggit

12. Sa lipunan at kulturang Pilipino marami tayong mga pamantayan at

kaugalian (norm) pagdating sa usaping pag-aasawa maliban sa? A. Mag-asawa sa murang edad

B. Dapat mag-asawa sa tamang edad/gulang C. Kilalanin muna nang mabuti ang isa’t isa kung magkakasundo kayo sa

maraming bagay.

D. Wala sa nabanggit

IV. Daigdig

13. Ano ugaling ipinakita nina Venus at nang dalawang nakatatandang babae ni Psyche na karaniwang nagaganap saan mang lupalop ng daigdig?

A. suklam B. galit

C. inggit

D. suliranin

14. Isa sa masamang pag-uugali ay ang nararamdamang “inggit” ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga tao sa kagandahan ni Psyche. Sa

mundo natin ngayon palasak ang kaliwa’t kanan na pag-iinggitan ng mga tao sa mundo. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Venus ganoon rin ba ang dapat mong

saloobin?

A. Oo, sapagkat ako lamang ang pwedeng maging maganda sa lahat B. Hindi, dahil tanggap ko nang buong-buo ang aking sariling taglay na

kagandan. C. Hindi, dahil alam kong bawat tao ay may taglay na kagandahan

magiging masaya ako para sa kaniya at sa aking sarili. D. B at C

Page 28: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

26

15. Kagaya mo may mga kapatid rin si Psyche ngunit tulad ni Venus ang dalawa

ay may dinadalang inggit rin sa bunsong kapatid. Hindi maipagkakailang isa sa mga dahilan ng pag-aaway ng mga bansa sa ating daigdig ang pagkabuhay ng

inggit sa bawat isa na nagreresulta ng mga kahindik-hindik na gulo at patayan. Sa tingin mo dapat bang palawigin ang “inggit” sa ating mga puso?

A. Dapat iwaksi natin sa ating puso at isip ang inggit kaya maging masaya tayo kung ano man ang ating taglay na kagandahan, yaman at iba pa.

B. Mahalagang maging kontento tayo kung ano ang meron sa atin sapagkat ang inggit ang magtutulak sa tao sa paggawa ng masama sa kaniyang

kapwa.

C. Dapat hindi natin palawigin ang “inggit” sapagkat wala itong mabuting maidudulot sa atin at sa ating kapwa.

D. Lahat ng nabanggit

Balikan

Gawain 1-A: Scrambled Letters

Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsusunod-sunod ng mga titik upang mabuo ang nakatagong salita. Isulat sa sagutang papel

ang sagot.

1. Ang paksang tinalakay sa nakaraang aralin ay?

2. Ano ang mitolohiya at katangian at gamit nito? Ipaliwanag

(Essay: 5-10 pangungusap)

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

_________________________________

Noong nasa ikasiyam na baitang ka, napag-aralan mo ang Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano. Saksi ka sa pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Gayon din ang malalimang pagtalakay sa mga kaganapan sa nobela. Ngayon, sikapin mong gawin ang kasunod na gawain sapagkat ito’y may kinalaman sa

nilalaman ng akdang iyong babasahin at susuriin sa mga susunod na pahina. Alam kong magiging masaya ito para sa iyo.

A I Y M O O L I H T

Page 29: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

27

Gawain 1-B: Isulat Mo Sa Puso

Panuto: Gumuhit ng malaking hugis-puso sa iyong papel at sa loob nito, gumawa ng isang liham sa taong hinahangaan o itinatangi ng iyong puso. Isulat ang

kaniyang pangalan at katangiang taglay na dahilan ng iyong pagtatangi o paghahanga at kung ano ang kaya mong gawin para sa kaniya.

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang dalawang gawain. Tayo bilang tao ay likas sa atin na umibig sa kung sinoman ang nagpapatibok ng ating puso.

Dumarating sa puntong humihiling ka pa ng mga sensyales sa Panginoong Diyos sa kung sino ang nararapat o kung hindi naman kaya’y iyong itinadhanang taong nararapat at magtatagal para sa iyo. Ngunit lingid sa ating kaalaman, noong sinaunang panahon, humihiling na rin ang mga tao sa iba’t ibang mga diyos at

diyosa ng mga senyales kung sino ang nararapat na mga nilalang na kanilang iibigin. Tunghayan mo ang tungkol sa mitolohiya ng mga sinaunang Roman na siyang pagtutuonan mo nang lubos ngayon.

Tuklasin

Narito ang isa sa mga bahagi ng mito mula sa Rome, Italy. Isinalaysay ni

Apuleuis, isang manunulat na Latino. Bahagi lamang ito ng mitong Metamorphoses na kilala rin sa tawag na The Golden Ass (donkey). Basahin at unawain mo ito

upang matuklasan mo kung paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.

Cupid at Psyche (Muling isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang)

https://www.deviantart.com/artbyamandalauren/art/Cupid-and-Psyche-197540755

Noong unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na

babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa

kanila. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga sa

kaniya. Sinasabi ring kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang

tumapat sa gandang taglay ni Psyche.

Page 30: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

28

Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapagpagalit sa kaniya ay ang

pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng alay, maging ang kaniyang templo ay napabayaan na rin. Ang dapat sanang atensyon at mga papuring

para sa kaniya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kaniyang anak na si

Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang

nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang

nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kaniyang ina, at dahil

sa kampante naman si Venus sa kaniyang anak, hindi na rin ito nag-usisa.

Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit wala ring

nagtangkang umibig sa kaniya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo

kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang

ang kaniyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging

mapanglaw si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni

Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting

lalaking iibig sa kaniyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya

ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na

makapapangasawa ng isang nakatatakot na halimaw ang kaniyang anak at

kailangan tumalima sa kaniyang ipinayo. Nang nagawa na ng amang hari ang

lahat ng ipinayo ni Apollo, ipinagutos niyang bihisan si Psyche ng

pinakamaganda niyang gayak-pangkasal. Pagkatapos mabihisan si Psyche,

ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta

sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan, naghintay

ang magandang dalaga sa kaniyang mapapangasawa. Walang kamalay-malay

ang magandang dalaga na ang kaniyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag-

ibig na si Cupid.

Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal

na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni

Psyche, ang mukha ng kaniyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kaniyang

kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niyang hindi pa

niya nasisilayan ang mukha ng kaniyang asawa. Nangulila si Psyche sa kaniyang

mga kapatid kung kaya’t humiling siya sa kaniyang asawa na sana’y makita niya

ang mga ito. Pinagbigyan niya naman ito kasabay ng pagbibigay muli ng paalala.

Nang magkita ang magkakapatid, naging mausisa sila sa kaniya. Labis kasi ang

yaman ng asawa ni Pscyhe na hindi mapapantayan ng kanilang mga

napangasawa. Dahilan ito upang mabuo ang pangimbulo o selos sa kanilang

mga puso. Sa pangalawang pagbisita nila ay isinalaysay ng kaniyang mga

kapatid ang nabuo nilang masamang balak, sinulsulan nila itong suwayin ang

kondisyon ng kaniyang asawa. Sinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya

rin ang papatay kay Psyche. Kaya upang hindi siya mapatay nito kailangang

unahan na ni Psyche ang asawa. Agad namang nabuyo si Psyche sa sinabi ng

kaniyang mga kapatid.

Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na

naglakad si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha

niya ang mga ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa

kaniyang asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang

puso nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang

asawa.

Page 31: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

29

Maaaring panoorin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc Magaling!

Palakpakan ang sarili at natapos mo ang pagbabasa kumusta nagustuhan mo ba ang

mitolohiyang Cupid and Psyche

asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso

nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa.

Hindi halimaw ang kaniyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo.

Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong

tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng

pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. Nang akma na

niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang kamay

at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas

at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan

ng kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis

ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan niya ang pagtataksil ng

asawa.

Suriin

Ang Cupid at Psyche ay isang tanyag na klasikong mitolohiya; mga

kuwneto na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang

tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at diyosa na nagbibigay ng

mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Nagmula sa panitikan ng

Roma sa Italya ang akdang ito na isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis

noong ika-2 siglo upang ipahiwatig sa mambabasa ang kaniyang nais o

reaksiyon sa isang pangyayari. Ang layunin ng akda ay upang imulat ang mga

mata ng mga mambabasa kung ano ba ang tunay at tapat na pag-ibig. Kaakibat

ng pagmamahal ang tiwala at katapatan.

Ang akda ay umiikot sa ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan

ng mga pangunahing tauhan na sina Cupid at Psyche. Sinisimbolo nito ang

pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdadaanan. Maaari mang

hindi makatotohanan ang ibang pangyayari sa akda ay ito pari’y nagsasalamin

sa ideya ng pag-ibig na tumutugon sa sensibilidad ng mambabasa.

Mga karakter sa likod ng akda;

Cupid – anak ni Venus, inakalang halimaw ni Psyche

Psyche – pinakamagandang mortal, asawa ni Cupid

Venus – pinakamagandang diyosa, galit sa mortal na si Venus

Hari – ama ni Psyche

Alam mo ba na…

Page 32: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

30

Apollo – ang diyos na nagbigay ng orakulo patungkol sa mapapa-

ngasawa ni Psyche.

Dalawang kapatid na babae ni Psyche – nakatatandang kapatid ni

Psyche; inutos nila na tingnan ni Psyche ang anyo ng kanyang asawa.

Zephyr – ang hangin na nagsilbing tagahatid

Mercury – ang nagdala kay Psyche sa kaharian ng mga diyos at

diyosa

Jupiter – ang pinakamakapangyarihang diyos

Ang tagpuan at panahon ng akda ay nakaayon sa paniniwala nila sa

pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa na nagbigay sa panunuring

pampanitikan ng mga taga Roma. Ang mga pangyayari ay nagpapahayag ng

pananaw ng may akda, tulad ng nabanggit, kahit ang aksiyon sa akda ay di-

kapanipaniwala dulot ng mga supernatural na kapangyarihan ng mga tauhan

ito pari’y nagsisilbing simbolo sa isang makatotohanang ideya ng pagmamahal

at pagsasakripisyo, kung kaya’t ang mga pagkapit ng mga pangyayari ay may

kaisahan mula sa umpisa hanggang sa wakas.

Nakapaloob din ang mensaheng pagkakaroon ng tiwala at katapatan sa iyong kabiyak kung kaya’t maraming matutuhang aral sa kwentong mito na ito.

Kakabit ng pagsulat ng akdang ito ang iba’t ibang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian at maging ang kulturang nangingibabaw at

nakakaimpluwensiyang pananaw sa ibang tao at maging sa bansa. Ang akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o

karanasan. Lubos na nakatulong din ang estilo ng pagkasulat ng akda dahil ito

ay nagbibigay-diin sa angkop na pagpili ng mga gagamiting salita na nakapagdagdag kagandahan sa daloy ng kwentong mito. Angkop din sa antas

ng pag-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng akda dahil ang temang nilalaman nito ay pang-unibersal na kaisipan; pag-ibig, na kung saan lalo pang

pinaganda ng sining na taglay ng akda na umayon sa panlasa ng mambabasa. https://www.wattpad.com/421891776-filipino-10-suring-basa-cupid-at-psyche(FILIPINO 10 by asakicker1231)

Ang Mitolohiya ng Taga-Rome Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika,

ritwal, moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay napalitan na ng

Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito.

Itinuring ng mga sinaunang taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong

supernatural. Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.

Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan

ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang iba ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang

paniniwala at kultura.

Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga

mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang pambansang

epiko ng Rome at nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin.

Isinalysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan

nila bilang isang imperyo.

Page 33: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

31

Mula sa Literature – World Masterpieces, (Prentice Hall, 1991) at Panitikan sa Pilipino 2 (Pandalubhasaan), (Gonzales, 1982)

Kumusta! Madali lang ba? Ngayon pagyamanin pa natin ang iyong natutuhan sa nabasang akda na

mito ng taga-Rome, Susuriin natin ang iyong kakayahan! Galingan mo!

Gawain 2: Panuto: Gamit ang concept map, iugnay ang kaisipang nasa ibaba sa iyong

sarili at pamilya. Kopyahin sa kuwaderno.

Gawain 3: Opinyon Ko, Mahalaga!

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at pahayag batay sa iyong

sariling karanasan sa iyong pamilya mga pangyayari sa pamayanan, lipunan

maging sa daigdig. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Sa iyong paniniwala, bakit kaya sa kabila ng kagandahan ni Psyche ay walang nangahas na manligaw sa kaniya?

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama ni Psyche na ipakasal

siya sa isang taong hindi pa niya nakita? Ipaliwanag.

Pagyamanin

Sarili

_____________

_____________

_____________

___

“Hindi mabubuhay

ang pag-ibig kung

walang tiwala”

Pamilya

_____________

_____________

_____________

Ito ang naging katapat ng “Illiad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang

“Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit ni

Homer at Virgil sa kaniyang “Metamorphoses”. Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa,

at mga mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal.

Lumikha siya ng magkakarugtong na kuwento na may temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga- Rome humuhugot ng

inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon hanggang ngayon.

Page 34: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

32

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________ 3. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin bang hamon ni Venus para sa

pag-ibig? Bakit? ___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

5. Sa iyong paniniwala kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang pagpunta sa langit? Ipaliwanag

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Binabati kita sa mahusay mong pagsagot sa mga tanong. Ang tunay at wagas na pag-ibig ay hindi kailanman mahahadlangan ng kahit anomang pagsubok. Ngunit ang napakahalaga ring isaisip ay ang pagtitiwala sa isa’t isa upang ang nabuong pag-iibigan ay kailanman hindi masisira.

Tandaan Mo

Ang Cupid at Psyche ay isang tanyag na klasikong mitolohiya; mga kuwneto

na binubuo ng isang particular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang

tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at diyosa na nagbibigay

ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Nagmula sa panitikan

ng Roma sa Italya ang akdang ito na isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis

noong ika-2 siglo.

Ang akda ay umiikot sa ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan ng

mga pangunahing tauhan na sina Cupid at Psyche. Sinisimbolo nito ang

pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdadaanan.

Nakapaloob din ang mensaheng pagkakaroon ng tiwala at katapatan sa iyong

kabiyak kung kaya’t maraming matutuhang aral sa kwentong mito na ito.

Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal,

moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa

sinaunang taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay napalitan na ng

Kristiyanismo.

Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.

Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin

nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang iba ay binihisan nila ng

Isaisip

Page 35: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

33

ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa

kanilang paniniwala at kultura.

Gawain 4: Tularan/Wag Tularan

Panuto: Anong katangian ng mga tauhan sa mitong Cupid at Psyche ang nais

mong tularan/ayaw mong tularan at bakit? Isulat ang sagot sa talaan na inilaan.

Tauhan Katangian Bakit tularan/Bakit di tularan

1.

2.

3.

Nakakabilib ka at nasagutan mo ang mga gawain at katanungan. Batid kong

lubusan mo ng naintindahan ang ating paksa. Pero teka lang at mayroon pa akong

inihandang gawain. Handa ka na?

Husayan mo!

Gawain 5: Iugnay Mo!

Panuto: Batay sa naunawaan mong kaisipan o mensahe na nakapaloob sa

mitolohiyang “Cupid at Pysche”, iugnay mo ito sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gayahin ang grapikong presentasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan

sa sagutang papel.

Isagawa

Kaisipan mula sa

Cupid at Psyche

Page 36: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

34

Mahusay!

Pinagbutihan mo ang mga gawain. Ngayon maaaring sagutin ang pagtataya sa

ibaba upang subukin kung may nadagdag sa iyong kaalaman mula sa paksang

napag-aralan.

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Panuto: Bawat bilang ay nagpapakita ng mga kaisipan mula sa binasang akda

Iugnay ang mga mahahalagang kaisipang ito sa nangyayari sa mga sumusunod:

I. Sariling Karanasan

1. Batay sa iyong sariling karanasan ano ang masasabi mo sa pinakamaling

ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay pag-ibig?

A. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay mababaw lamang B. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay tunay

C. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay wagas

D. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay walang hanggan

2. Sa kuwento ipinakitang dahil sa taglay na ganda ni Psyche ay maraming mga kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya. Sa tingin mo sa pisikal na anyo ba

binabatay ang tunay na pag-ibig? Bakit? A. Oo, nararapat lamang ito sapagkat magiging sikat ako kung ubod ng

ganda/guwapo ang aking magiging kasintahan.

B. Siguro, dahil kapag mas maganda/guwapo mas bongga! C. Hindi, dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang bumabatay

sa panlabas na anyo kundi sa panloob na kagandahan at pag-uugali. D. Dapat lang nang hindi ako mapahiya sa barkada o tropa.

3. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa pag-ibig maliban sa?

A. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala” B. “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang loob”

C. “Ang pag-ibig ay makikita sa pisikal na kaanyuan at antas sa buhay”

D. “Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa at mapagtiis hanggang wakas”

4. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi

mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.” A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay

B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala

D. Walang pag-ibig kung walang tiwala

Tayahin

Page 37: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

35

II. Pamilya

5. Inilihim ni Cupid kay Venus ang kaniyang mga desisyon at pagkakagusto kay

Psyche sa kabila ng utos ng ina. Bilang ikaw ay isa nang binata at dalaga, tama bang ilihim mo ang ganitong mga pangyayari sa iyong mga magulang?

A. Oo, dahil mahal ko siya at walang makakapigil sa akin. B. Hindi, dahil wala pa ako sa tamang edad para gumawa ng ganitong

mga desisyon sa buhay at walang magulang na gustong mapasama ang anak. C. Gagawin ko ang gusto ko sa larangan ng pag-ibig.

D. Malaki na ako bahala na sina inay at itay.

6. Isa sa mga pag-uugali na binigyang diin sa mito ay ang kahalagahan ng

pagtitiwala. Sa inyong pamilya gaano ba kahalaga ang tiwala? A. Walang importansiya ang tiwala sa isang pamilya

B. Napakahalaga nito dahil nagpapahiwatig ito ng aking pagiging responsibilidad bilang anak, kapatid, at kapamilya.

C. Binabalewala lamang ang tiwala bilang anak, kapatid, at kapamilya.

D. Wala sa nabanggit.

7. Ipinakita sa mitolohiya ang ginawang pagsunod ni Psyche sa mg utos ni Venus bilang pagsasakripisyo at pagmamahal niya kay Cupid.

Sa inyong pamilya makikitang nagsasakrpisyo din ang mga magulang sa pagtatrabaho kahit mahirap, kahit mapalayo sa pamilya at sa mga anak

matustusan lamang ang pangangailangan ng mga anak. Ngayon, bilang isang mabuting anak ano ang pinakamagandang maisusukli mo sa ginawang

sakripisyo ng iyong mga magulang?

A. Pabayaan ang pag-aaral dahil may pandemya. B. Magbabad sa internet at maglaro buong araw ng videogames. C. Magbulakbol, mamasyal araw-araw dahil walang pang pasok. D. Maging mabait at mag-aral nang mabuti para makapagtapos ng pag-

aaral.

III. Pamayanan

8. Sa mitolohiya si Jupiter ang siyang hari, pinuno at pinakamakapangyarihan

sa lahat ng diyos at diyosa nagmumula sa kaniya ang mga desisyon para sa ikabubuti ng lahat. Kung ihahambing natin ito sa kasalukuyang panahon sa

sistema ng pamahalaan ng ating bansa ang nasa katayuan ni Jupiter ay ang _______________ ng ating bansang Pilipinas.

A. Presidente B. Mamamayan

C. Negosyante

D. Mayayaman

9. Kaugnay ng tanong sa ika-7 bilang. Ano ba ang nararapat taglayin ng isang mabuting hari, pinuno, presidente?

A. Kurakot/Kurap B. Mapagkawanggawa, matalino, at mahusay magbigay ng payo at

desisyon para sa ikabubuti sa lahat ng nasasakupan.

C. Mandaraya at di kapani-paniwala D. Magnanakaw sa kaban ng bayan

Page 38: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

36

10. Dahil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mabuting lider o pinuno.

Paano mo ito magagawa? A. Magsawalang bahala

B. Ipaubaya sa iba C. Magkibit-balikat lamang

D. Gamitin ang pribilehiyong bumuto ng sa tingin mo ay karapatdapat mamahala sa isang napaka importanteng posisyon at ikabubuti ng lahat.

III. Lipunan

11. Mapapansin na may kinalaman ang amang hari sa paghahanap ng mapapangasawa ni Psyche. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama

ni Psyche na ipakasal siya sa isang taong hindi pa niya nakikita? Ipaliwanag. A. Oo, dahil alam ng magulang ang makabubuti sa akin

B. Bagamat may pagkakataong nagbibigay ng payo ang magulang pagdating sa pag-aasawa hindi parin ito sapat upang magpakasal sa taong

hindi mo pa nakikita at lubusang kilala.

C. A at B D. Wala sa nabanggit

12. Sa lipunan at kulturang Pilipino marami tayong mga pamantayan at

kaugalian (norm) pagdating sa usaping pag-aasawa maliban sa? A. Mag-asawa sa murang edad

B. Dapat mag-asawa sa tamang edad/gulang C. Kilalanin muna nang mabuti ang isa’t isa kung magkakasundo kayo

sa maraming bagay.

D. Wala sa nabanggit

IV. Daigdig

13. Ano ugaling ipinakita nina Venus at nang dalawang nakatatandang babae ni Psyche na karaniwang nagaganap saan mang lupalop ng daigdig?

A. suklam B. galit

C. inggit

D. suliranin

14. Isa sa masamang pag-uugali ay ang nararamdamang “inggit” ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga tao sa kagandahan ni Psyche. Sa

mundo natin ngayon palasak ang kaliwa’t kanan na pag-iinggitan ng mga tao sa mundo. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Venus ganoon rin ba ang dapat mong

saloobin?

A. Oo, sapagkat ako lamang ang pwedeng maging maganda sa lahat B. Hindi, dahil tanggap ko nang buong-buo ang aking sariling taglay na

kagandan. C. Hindi, dahil alam kong bawat tao ay may taglay na kagandahan

magiging masaya ako para sa kaniya at sa aking sarili. D. B at C

Page 39: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

37

15. Kagaya mo may mga kapatid rin si Psyche ngunit tulad ni Venus ang dalawa

ay may dinadalang inggit rin sa bunsong kapatid. Hindi maipagkakailang isa sa mga dahilan ng pag-aaway ng mga bansa sa ating daigdig ang pagkabuhay ng

inggit sa bawat isa na nagreresulta ng mga kahindik-hindik na gulo at patayan. Sa tingin mo dapat bang palawigin ang “inggit” sa ating mga puso?

A. Dapat iwaksi natin sa ating puso at isip ang inggit kaya maging masaya tayo kung ano man ang ating taglay na kagandahan, yaman at iba pa.

B. Mahalagang maging kontento tayo kung ano ang meron sa atin sapagkat ang inggit ang magtutulak sa tao sa paggawa ng masama sa

kaniyang kapwa.

C. Dapat hindi natin palawigin ang “inggit” sapagkat wala itong mabuting maidudulot sa atin at sa ating kapwa.

D. Lahat ng nabanggit

Para sa lubusang pag-unawa sa Aralin 2 ng modyul na ito gawin mo ang

karagdagang mga gawain.

Gawain 6: React Na!

Panuto: Ibigay ang iyong sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid.

Karagdagang Gawain

________________________

________________________

________________________

________________________

________________________

________________________

________________________

________________________

________________________

“Hindi mabubuhay ang pag-ibig

kung walang pagtitiwala”

Page 40: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

38

Gawain 7: Dugtungan Mo

Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutunan sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Natutunan kong ang mitolohiya

ng mga taga-Rome ay tungkol

sa … _______________________________

_______________________________

_________________________________

Natutunan kong ang mito-

lohiyang Cupid at Psyche ay

tungkol sa …

______________________________________________________________

_______________________________

Ang aral na napulot ko mula sa mitolohiyang Cupid at Psyche

ay …

______________________________________________________________

_______________________________

__

Page 41: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

39

Subukin

1. A

2. C

3. C

4. C

5. B

6. B

7. D

8. A

9. B

10. D

11. B

12. A

13. C

14. D

15. B

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1. A

2. C

3. C

4. C

5. B

6. B

7. D

8. A

9. B

10. D

11. B

12. A

13. C

14. D

15. B

Page 42: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

40

Sanggunian

Aralin 1

Aklat: Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 9-26)

Internet: Slideshare.com

*Krystel Rivera

Published on: October 13, 2011 Published in: Sports, Technology Link: https://www.slideshare.net/KrystelRivera/mitolohiyang-romano

Slideshare.com

* Krystel Rivera

Published on: Published in: Education, Technology Link: https://www.slideshare.net/KrystelRivera/mitolohiyang-griyego

* unknownymousDGS Published on: June 21, 2016 Published in: Brainly.com Link: https://brainly.ph/question/321030

* RMS

Published on: June 3, 2019

Published in: Brainly.com Link: https://brainly.ph/question/2176700

Youtube.com

* Mhelah Jane Mangao

Published on: March 23, 2016 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8

Page 43: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

41

Aralin 2

Aklat: Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 9-26)

Internet:

*(FILIPINO 10) Asskicker1231

Published on: January 3, 2016 Published in: Wattpad.com Link: https://www.wattpad.com/421891776-filipino-10-suring-basa-cupid-at-psyche

Youtube.com

* Maria’s Story

Published on: September 30, 2019 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A

* El-Bomba SUBStories

Published on: October 9, 2019 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc

Page 44: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego

42

Page 45: New Angelica M. Rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 Aralin 1 Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang griyego