2
One True Love Kapag wala akong magawa sa bahay, paminsan-minsan ay napag- aabalahan kong manood ng telebisyon. Isa sa mga napapanuod kong palabas ay ang One True Love, isang teleserye sa GMA. Oo, yung teleserye kung saan nagkapalit-palit ng anak dahil sa isang bruhang doktor. Sa kwento, nang lumaki na sina Elise at Tisoy (ang mga bata sa kwento) ay nagkakilala sila, at sa kasamaang-palad, nagkaibigan. Dahil sa ayaw ng mga "magulang" ni Elise kay Tisoy (dahil empleyado lang nila ito sa kanilang negosyo), hanggang sa punto na ayaw nilang palabasin si Elise ng bahay, ay naisipan ng dalawa na magtanan. Ang saya lang nilang panuorin habang tumatakbo sila palayo. Maari mo silang sigawan ng "PBB Teens!" Pero sa bandang huli, nahuli ng kani-kanilang mga magulang ang dalawa at pilit pa ring pinaghihiwalay. Ang huling balita, nasa ospital si Elise, habang si Tisoy ay binayaran para layuan na ang babae, hindi alam ang tunay na kwento na namamagitan sa kanila. At naisip ko, ang kwento nila Elise at Tisoy ay isang napakagandang halimbawa para ilarawan ang konsepto ng kalayaan at soberanya. Sabihin nating ang mga bata ang representasyon ng kalayaan - sa kanilang paglaki, natural na naghahangad sila na magawa nila ang kanilang ninanais, katulad ng pag-ibig. Ang kanilang mga magulang naman ang representasyon ng soberanya - bilang kanilang mga magulang, may karapatan silang gabayan sila, at magpatupad ng batas sa kanilang mga tahanan, gaano man itong nakakasikil sa kalayaan ng mga bata, dahil sa tingin nila ay ito ang makakabuti sa huli. At natural na magbabangaan ang dalawang interes. Ngunit balik sa kwento ng One True Love, paano nating masasabi na

One True Love - Kalayaan at Kasarinlan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: One True Love - Kalayaan at Kasarinlan

One True Love

Kapag wala akong magawa sa bahay, paminsan-minsan ay napag-aabalahan kong

manood ng telebisyon. Isa sa mga napapanuod kong palabas ay ang One True Love, isang

teleserye sa GMA. Oo, yung teleserye kung saan nagkapalit-palit ng anak dahil sa isang

bruhang doktor.

Sa kwento, nang lumaki na sina Elise at Tisoy (ang mga bata sa kwento) ay

nagkakilala sila, at sa kasamaang-palad, nagkaibigan. Dahil sa ayaw ng mga "magulang" ni

Elise kay Tisoy (dahil empleyado lang nila ito sa kanilang negosyo), hanggang sa punto na

ayaw nilang palabasin si Elise ng bahay, ay naisipan ng dalawa na magtanan. Ang saya lang

nilang panuorin habang tumatakbo sila palayo. Maari mo silang sigawan ng "PBB Teens!"

Pero sa bandang huli, nahuli ng kani-kanilang mga magulang ang dalawa at pilit pa

ring pinaghihiwalay. Ang huling balita, nasa ospital si Elise, habang si Tisoy ay binayaran para

layuan na ang babae, hindi alam ang tunay na kwento na namamagitan sa kanila.

At naisip ko, ang kwento nila Elise at Tisoy ay isang napakagandang halimbawa para

ilarawan ang konsepto ng kalayaan at soberanya.

Sabihin nating ang mga bata ang representasyon ng kalayaan - sa kanilang paglaki,

natural na naghahangad sila na magawa nila ang kanilang ninanais, katulad ng pag-ibig. Ang

kanilang mga magulang naman ang representasyon ng soberanya - bilang kanilang mga

magulang, may karapatan silang gabayan sila, at magpatupad ng batas sa kanilang mga

tahanan, gaano man itong nakakasikil sa kalayaan ng mga bata, dahil sa tingin nila ay ito ang

makakabuti sa huli. At natural na magbabangaan ang dalawang interes.

Ngunit balik sa kwento ng One True Love, paano nating masasabi na may soberanya

ang mga "magulang" ni Elise at Tisoy na pigilan ang kanilang pagmamahalan kung hindi

naman pala sila ang tunay nilang magulang? Napakakumplikado ang kwento kung paano

nagkapalit-palit ang mga bata mula sa isa patungo sa isa. Sabihin na nating may isa pang

kunseptong pumapasok sa isipan - legitimacy. Kung sakaling malaman ng dalawang bata na

nakatira sila sa mga taong hindi naman dapat na nag-aalaga sa kanila, na ampon lang sila,

sa tingin mo ba papakingaan pa nila ang mga ito?

Ngunit sa tunay na buhay, ang kunsepto ng kalayaan ay isang napakumplikadong

bagay, hindi lang basta teleserye na masarap panuorin pagkatapos ng hapunan. Kahit na ba;

abangan natin ang mangyayari sa pagiibigan ng dalawa.