124

P D PAARALAN - anakbayanupmanila.files.wordpress.com · mamamayan ng daigdig laban sa imperyalismo, pyudalismo at lahat ng reaksyon, nagsisilbing makapangyarihang tanglaw ang Limang

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

PAMBANSA-DEMOKRATIKONG PAARALAN2007

ARALINGAKTIBISTA

NILALAMAN

PAUNANG SALITA 5

ARALIN I

ANG MGA SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUDAT ANG LIMANG GINTONG SILAHIS

ANG LIMANG GINTONG SILAHIS 7

PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN 9PAGGUNITA KAY NORMAN BETHUNE 12ANG MATANDANG HANGAL NA NAGPATAG NG BUNDOK 16

BAKAHIN ANG LIBERALISMO 19TUNGKOL SA MGA MALING KAISIPAN SA LOOB NG PARTIDO 23

ANG MGA SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD 40

ARALIN II

REBOLUSYONARYONG PAG-AARALAT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI 63

ANO ANG REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL? 64PAANO WASTONG SINUSURI ANG MGA BAGAY AT PANGYAYARI? 74

ARALIN III

ANG LINYANG MASA 91

ARALIN IV

ANG DEMOKRATIKONG SENTRALISMOAT SISTEMANG KOMITE

ANG DEMOKRATIKONG SENTRALISMO 102ANG SISTEMANG KOMITE 110PARAAN NG PAGGAWA NG ISANG KOMITE 117

5

I TO ANG IKALAWANG EDISYON NG ARALING AKTIBISTA.Sa edisyong ito, may ginawang pagsasaayos sa dating balangkas ngmga aralin, at ilang pagdaragdag sa dati. Ang kalipunan ng mga

aralin ay dapat pag-aralan ayon sa pagkakasunud-sunod at bilang isangkurso. Gayunman, makakatayo pa rin nang mag-isa ang bawat aralin parasa pagbabalik-aral sa anumang aralin.

Ang bagong balangkas ay binubuo ng sumusunod:

Aralin I– Ang mga saligang rebolusyonaryong aktitud at ang LimangGintong Silahis

Aralin II– Rebolusyonaryong Pag-aaral at Wastong Paraan ng pag-susuri

Aralin III– Linyang Masa

Aralin IV– Ang Demokratikong Sentralismo at Sistemang Komite.

Ginawang pangunahing nilalaman ng Aralin I ang Limang GintongSilahis upang maging pamilyar at mapahalagahan bilang saligang mgababasahin ang mga klasikong artikulo ni Mao Zedong tungkol sa mgasaligang rebolusyonaryong aktitud. Ang dating Aralin I ay mananatilibilang pantulong at gabay sa pag-aaral sa mga artikulo sa Limang GintongSilahis. May ginawa ring amyenda sa dating Aralin I para lumapat sa pag-aaral sa Limang Gintong Silahis.

Pinagsama sa iisang aralin ang dating Aralin II (RebolusyonaryongPag-aaral) at Aralin III (Wastong Paraan ng Pagsusuri at Pag-iisip), dahilmahigpit silang magkaugnay. Gayundin ang Aralin V(DemokratikongSentralismo) at Aralin VI (Sistemang Komite). Idinagdag sa Aralin IVang Paraan ng Paggawa ng Isang Komite.

Pinanatili ang dating Aralin IV (Linyang Masa) bilang Aralin III sa kursongito.

PAUNANG SALITA

6

Ang Araling Aktibista ay para sa lahat ng organisadong masangnakapag-aral na ng Pangkalahatang Kursong Masa. Pero prayoridad atkailangan itong ibigay sa mga aktibistang nasa antas ng KP at GP at maykaranasan na sa pagkilos sa rebolusyonaryong kilusan, sa kanayunan mano sa kalunsuran. Mahalaga ito sa pagbubuo ng matatag na gulugod atubod ng pamumuno sa mga rebolusyonaryong samahan at kilusang masa.

Maaaring idagdag o isunod ang pag-aaral sa iba pang mga aralingtulad ng panlipunang pagsisiyasat at gawaing masa at iba pang nasakurikulum ng PADEPA

PAMBANSANG KAGAWARAN SA EDUKASYON–PANGKALAHATANG KALIHIMAN

Enero 1999

7

ANG LIMANG GINTONG SILAHIS AY BINUBUO NGsumusunod na maigsing artikulo: Paglingkuran ang Sambayanan;Paggunita kay Norman Bethune; Ang Matandang Hangal na

ARALIN I

ANG LIMANG GINTONG SILAHIS

Nagpatag ng Bundok; Bakahin ang Liberalismo; Tungkol sa mga MalingKaisipan sa Loob ng Partido

Isinulat ang mga ito ni Kasamang Mao Zedong sa panahonginilulunsad ng mamamayang Tsino, sa pamumuno ng Partido Komunistang Tsina, ang kanilang pambansa-demokratikong rebolusyon.

8 ARALING AKTIBISTA

Sa maiikling akdang ito, malinaw na nailarawan ni Kasamang Maoang paninindigan, pananaw at mga pamamaraan ng pag-iisip at paggawana dapat taglayin ng bawat rebolusyonaryo para mahusay na matupadang kanyang mga tungkulin. Kaalinsabay, tinukoy ang pangunahing mgadi rebolusyonaryong kaisipan at gawi, at ang mga paraan ng pagbaka atpagwawasto sa mga ito.

Bagamat isinulat ang mga ito sa iba’t ibang pagkakataon mula 1929hanggang 1945, sa ibang bayan, at para sa mga rebolusyonaryong Tsinona naglulunsad ng kanilang pambansa-demokratikong rebolusyon, angmga aral na mahahango rito ay tulad ng gintong di kumukupas at dinawawalan ng halaga sa pagdaan ng panahon, saanmang lugar dalhin.

Sa buong panahon ng pakikibaka ng api at pinagsasamantalahangmamamayan ng daigdig laban sa imperyalismo, pyudalismo at lahat ngreaksyon, nagsisilbing makapangyarihang tanglaw ang Limang GintongSilahis kaninumang nais magpanibagong-hubog, mapahusay angpagtupad ng tungkulin, mapalakas ang organisasyon, at maisulong angrebolusyon.

Sa ganitong diwa at layunin, pinag-aaralan nating mgarebolusyonaryong Pilipino ang mga artikulong ito. Dapat paulit-ulit nabasahin at pag-aralan ng mga indibidwal at kolektibo ang LimangGintong Silahis. Sa pag-aaral dito, dapat pagsikapang maging buhay angpag-aaral sa pamamagitan ng mahigpit na pag-uugnay dito sa sarilingmga karanasan.

Ang dating Aralin I ay inilakip sa hulihan ng Limang GintongSilahis. Inamyendahan ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mgapaliwanag sa ilang nakahanay na tanong at nagdagdag din ng ilang mgatanong para maidiin pa ang ilang punto at usapin kaugnay ng mgarebolusyonaryong aktitud. Magagamit itong pantulong sa pag-aaral samga artikulo ni Mao sa Limang Gintong Silahis.

9ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANANSetyembre 8, 1944

Ang talumpating ito ay binigkas ni Kasamang Mao Zedong sa isang pulong ngpaggunita kay Kasamang Chang Szu-teh na idinaos ng mga kagawarang tuwirangnasa ilalim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina.

ANG ATING PARTIDO KOMUNISTA AT ANG HUKBO NGIkawalong Ruta at Bagong Ikaapat na Hukbo na kapwa pinamumunuanng ating Partido ay mga batalyon ng rebolusyon. Ang mga batalyonnating ito ay ganap na nakalaan sa pagpapalaya ng sambayanan atlubusang naglilingkod sa kapakanan ng sambayanan. Si KasamangChang Szu-teh1 ay dating nasa hanay ng mga batalyong ito.

Ang lahat ng tao ay tiyak na mamamatay, ngunit ang kamatayan aymaaaring mag-iba ng kabuluhan. Ayon sa sinaunang manunulat naTsinong si Szuma Chien, “Bagamat ang kamatayan ay sumasapit salahat ng tao, ito ay maaaring higit na mabigat kaysa Bundok Tay o higitna magaan kaysa balahibo.”2 Ang mamatay alang-alang sa sambayananay higit na mabigat kaysa Bundok Tay, subalit ang maglingkod sa mgapasista at ang mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ayhigit na magaan kaysa balahibo. Si Kasamang Chang Szu-teh ay namatayalang-alang sa sambayanan at ang kanyang kamatayan ay higit namabigat nga kaysa Bundok Tay.

Kung may mga pagkukulang man tayo, hindi natin ikinatatakot namatukoy at mapuna ang mga ito sapagkat naglilingkod tayo sasambayanan. Ang bawat isa, sinuman siya, ay maaaring pumansin saating mga pagkukulang. Kung tama siya’y iwawasto natin ang mga ito.Kung makabubuti sa sambayanan ang kanyang mungkahi, ito’y atingipatutupad. Ang ideya ng “mas mahusay na hukbo at mas simplengpangangasiwa” ay iniharap ni G. Li Ting-ming,3 isang di Komunista.Nagharap siya ng mainam na mungkahing nakabubuti sa mga

10 ARALING AKTIBISTA

mamamayan, kaya sinunod natin ito. Kung sa kapakanan ngsambayanan ay ipagpapatuloy natin ang paggawa ng tama atpagwawasto ng mali, tiyak na uunlad ang ating hanay.

Tayo’y nagmula sa iba’t ibang sulok ng bayan at nagbuklud-buklodpara sa iisang rebolusyonaryong layunin. Kailangang makasama natinang malawak na nakararami sa mga mamamayan sa landas patungo salayuning ito. Ngayo’y pinamumunuan na natin ang mga baseng maykabuuang 91 milyong mamamayan,4 ngunit hindi ito sapat; mas maramipa ang kailangan natin upang mapalaya ang buong bansa. Sa panahonng kahirapan, huwag nating kaligtaan ang ating mga tagumpay, tanawinnatin ang maaliwalas na kinabukasan at pag-ibayuhin ang atingkatapangan. Ang sambayanang Tsino ay naghihirap; tungkulin natingiligtas sila at dapat tayong magpunyagi sa pakikibaka. Saanman maypakikibaka ay may pagsasakripisyo at ang kamatayan ay isangkaraniwang pangyayari. Nguni’t taus-puso nating isinasaalang-alang angkapakanan ng sambayanan at ang paghihirap ng lubos na nakararami,at kung tayo’y mamatay alang-alang sa sambayanan, iyon ay marangalna kamatayan. Gayunman, dapat nating gawin ang lahat ng makakayanatin upang maiwasan ang mga di kinakailangang pagsasakripisyo. Angating mga kadre ay dapat magmalasakit sa bawat kasama at ang lahatng mamamayan sa hanay ng rebolusyon ay dapat magmalasakit sa isa’tisa, magmahalan at magtulungan.

Magmula ngayon, kung sa ating hanay ay may mamatay na isangnakagawa ng kapaki-pakinabang na bagay, maging kawal man siya okusinero, dapat natin siyang bigyan ng parangal sa pamamagitan ngisang akmang seremonya sa paglilibing at pulong ng paggunita. Ito aynararapat na maging alituntunin. At ito’y dapat ding ipagawa sa mgamamamayan. Kung may mamatay sa nayon, ipadaos ang isang pulongng paggunita. Sa ganitong paraan, maipadarama natin ang pagluluksapara sa yumao at mapagbubuklod ang buong sambayanan.

11ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

MGA PALIWANAG:

1 Si Kasamang Chang Szu-teh ay naging kawal sa Rehimyento ng mga Taliba ngKomite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Siya’y kasapi ng PartidoKomunista na buong tapat na naglingkod sa kapakanan ng sambayanan, umanibsa rebolusyon noong 1933, lumahok sa Mahabang Martsa at nasugatan habangnaglilingkod. Noong ika-5 ng Setyembre 1944, habang gumagawa ng uling samga bundok ng bayang Ansai sa hilagang Shensi, siya ay nasawi nang biglanggumuho ang isang hurno.

2 Si Szuma Chien, tanyag na mananalaysay na Tsino noong ikalawang siglo bagosumilang si Kristo, ay may-akda ng Mga Talang Pangkasaysayan. Ang sinipingpangungusap na ito ay nagmula sa kanyang “Sagot sa Liham ni Jen Shao-ching”.

3 Si Li Ting-ming, isang mulat na panginoong maylupa na taga-hilagang Shensi, ayminsang nahalal na Pangalawang Tagapangulo ng Gubyerno ng HanggahangPurok ng Shensi-Kansu-Ningsia.

4 Ito ang kabuuang populasyon noon ng Hanggahang Purok ng Shensi-Kansu-Ningsia at lahat ng iba pang Pinalayang Purok sa hilaga, gitna at timog Tsina.

12 ARALING AKTIBISTA

ANG MATANDANG HANGALNA NAGPATAG NG MGA BUNDOKHunyo 11, 1945

Ito ang pangwakas na talumpati ni Kasamang Mao Zedong sa IkapitongPambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina.

MATAGUMPAY ANG ATING IDINAOS NA KONGRESO.Tatlong bagay ang ating nagawa. Una, pinagpasyahan natin ang linyangito ng Partido: walang takot na pakilusin ang masa at palakihin angarmadong lakas ng mamamayan upang sa pamumuno ng ating Partidoay magapi nila ang mga mananalakay na Hapones, mapalaya ang buongsambayanan at itayo ang isang bagong demokratikong Tsina. Pangalawa,pinagtibay natin ang bagong Saligang Batas ng Partido. Pangatlo, inihalalnatin ang namumunong organo ng Partido—ang Komite Sentral. Simulangayon, ang tungkulin natin ay pamunuan ang lahat ng kasapi sapagpapatupad ng linya ng Partido. Ang isinagawa natin ay isangkongreso ng tagumpay, isang kongreso ng pagkakaisa. Napakahusayng mga puna ng mga kinatawan tungkol sa tatlong ulat. Maramingkasama ang pumuna sa sarili; pagkakaisa ang kanilang layunin at natamoang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpuna-sa-sarili. Ang kongresongito ay huwaran ng pagkakaisa, ng pagpuna-sa-sarili at ng demokrasyasa loob ng Partido.

Pagkatapos ng kongreso, marami sa mga kasama ang tutungo sakani-kanilang takdang tungkulin at sa iba’t ibang larangan sa digmaan.Mga kasama, saanman kayo magtungo, dapat ninyong ipalaganap anglinya ng kongreso at ipaliwanag ito sa malawak na masa sa pamamagitanng mga kasapi ng Partido.

Ang ating layunin sa pagpapalaganap ng linya ng Partido ay buuinang tiwala ng buong Partido at ng buong sambayanan sa tiyak na tagumpayng rebolusyon. Nararapat muna nating itaas ang kamulatang pampulitika

13ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

ng mga nasa taliba nang sa gayon, manaig sila sa lahat ng hirap paramatamo ang tagumpay dahil sila’y matatag at di takot sa sakripisyo.Ngunit ito ay hindi sapat; nararapat ding itaas ang kamulatang pampulitikang buong sambayanan upang maluwag sa kalooban at buong lugod nasumama sila sa atin sa pakikipaglaban para sa tagumpay. Dapat natingpapag-alabin ang buong sambayanan sa paninindigang ang Tsina ay hindisa mga reaksyunaryo kundi sa sambayanang Tsino. May isang matandangpabulang Tsino na pinamagatang “Ang Matandang Hangal na Nagpatagng mga Bundok”. Isinasalaysay nito ang tungkol sa isang matandangnaninirahan sa hilagang Tsina noong unang panahon, na nakilala sataguring Matandang Hangal ng Hilagang Bundok. Ang kanyang bahayay nakaharap sa timog at sa harapan ng kanyang pintuan ay nakatayoang dalawang malalaking bundok, ang Taihang at Wangwu, na nakaharangsa landas. Puno ng determinasyon at hawak ang asarol, pinangunahanniya ang kanyang mga anak na lalaki sa paghukay sa mga bundok naiyon. Isa pang matandang kilala sa taguring Matandang Pantas angnakakita sa kanila at pakutyang nagsabi, “Kahangalan ang ginagawaninyong ito. Imposibleng iilan lamang kayo’y mahukay ninyo itongdalawang malalaking bundok!” Ang Matandang Hangal ay sumagot,“Pagpanaw ko ay magpapatuloy ang aking mga anak; pagpanaw nila’ynaririyan ang aking mga apo, at pagkatapos ay ang kanilang mga anak atmga apo, at ito’y magpapatuloy nang walang katapusan. Mataas manitong mga bundok, ang mga ito ay hindi na tataas pa; at sa bawat kauntinghukay namin ay gayundin ang ibababa ng mga ito. Bakit hindi naminmaaalis ang mga ito?” Matapos pabulaanan ang maling palagay ngMatandang Pantas, siya ay nagpatuloy sa paghukay araw-araw at hindimatinag sa kanyang paniniwala. Dahil dito’y naantig ang Diyos at sinugoniya sa lupa ang dalawang anghel na siyang pumasan at nag-alis sadalawang bundok. Sa kasalukuyan, dalawang malalaking bundok angbuong bigat na dumadagan sa sambayanang Tsino. Ang isa ay angimperyalismo at ang isa naman ay ang pyudalismo. Ang PartidoKomunista ay matagal nang nakapagpasyang hukayin ang mga ito. Dapattayong magpunyagi at walang humpay na kumilos, at tayo man ay aantigsa puso ng Diyos. Ang ating Diyos ay walang iba kundi ang masa ng

14 ARALING AKTIBISTA

sambayanang Tsino. Kapag sila’y tumindig at maghukay kasama natin,bakit hindi natin maaalis ang dalawang bundok na ito?

Kahapon, sa pakikipag-usap ko sa dalawang Amerikanong paalispatungong United States, sinabi kong pilit tayong winawasak ng gubyernong United States at ito’y hindi natin mapahihintulutan. Tinututulan natinang patakaran ng gubyerno ng United States na magbigay ng tulong kayChiang Kai-shek laban sa mga Komunista. Ngunit dapat nating pag-ibahin, una, ang mamamayan ng United States at ang kanilanggubyerno,at pangalawa, ang mga tagabalangkas ng patakaran sa loob ng gubyernong United States at ang kanilang mga tauhan. Sinabi ko sa dalawangAmerikanong iyon, “Sabihin ninyo sa mga tagabalangkas ng patakaransa inyong gubyerno na pinagbabawalan namin kayong mga Amerikanongpumasok sa mga Pinalayang Purok sapagkat ang patakaran ninyo’ytulungan si Chiang Kai-shek laban sa mga Komunista, kaya dapat kamingmag-ingat. Makapupunta kayo sa mga Pinalayang Purok kung ang layuninninyo ay labanan ang Hapon, ngunit dapat may kasunduan muna. Hindinamin kayo mapahihintulutang makialam kung saan-saan. Ngayonglantarang ipinahayag ni Patrick J. Hurley1 ang pagtutol sapakikipagtulungan sa Partido Komunista ng Tsina, bakit nais pa ninyongpumarito at maglibot sa aming mga Pinalayang Purok?”

Ang patakaran ng pamahalaan ng United States na tumulong kayChiang Kai-shek laban sa mga Komunista ay nagpapamalas ng kawalang-hiyaan ng mga reaksyunaryo sa United States. Ngunit ang lahat ng pakanang mga reaksyunaryo, Tsino man o dayuhan, na naglalayong pigilin angmga mamamayang Tsino sa pagkakamit ng tagumpay ay tiyak na mabibigo.Ang mga pwersang demokratiko ay siya ngayong pangunahing agos sadaigdig, samantalang ang reaksyon ay isa lamang pasalungat na agos.Tinatangkang daigin ng reaksyunaryong pasalungat na agos angpangunahing agos ng pambansang kasarinlan at demokrasyang bayan,ngunit kailanma’y hindi ito magiging pangunahing agos. Ngayon ay maytatlo pang malalaking kontradiksyon sa lumang daigdig na malaon nangtinukoy ni Stalin: una, ang kontradiksyon sa pagitan ng proletaryado atburgesya sa mga bayang imperyalista; pangalawa, ang kontradiksyon sa

15ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

pagitan ng iba’t ibang bayang imperyalista; at pangatlo, ang kontradiksyonsa pagitan ng mga bayang kolonyal at malakolonyal sa isang panig at mgametropolitanong bayang imperyalista sa kabilang panig.2 Ang tatlongkontradiksyong ito ay hindi lamang patuloy na umiiral kundi lalo pangumiigting at lumalaganap. Dahil sa pag-iral at paglaki ng mga ito, daratingang panahon na tiyak na mapapalis ang reaksyunaryo, anti-Sobyet, anti-Komunista at anti-demokratikong pasalungat na agos na umiiral pa ngayon.

Sa mga sandaling ito ay dalawang kongreso ang idinaraos sa Tsina,ang Ikaanim na Pambansang Kongreso ng Kuomintang at ang IkapitongPambansang Kongreso ng Partido Komunista. Ganap na magkaiba anglayunin ng dalawa: ang layunin ng isa ay lipulin ang Partido Komunistaat lahat ng demokratikong puwersa sa Tsina at ibulid ang Tsina sakarimlan; ang layunin naman ng isa ay ibagsak ang imperyalismongHapones at ang mga alipuris nitong pyudal na mga pwersa ng Tsina, atitayo ang isang bagong demokratikong Tsina at sa gayo’y ihatid ang Tsinatungo sa liwanag. Ang dalawang linyang ito ay magkasalungat. Matatagtayong naniniwala na sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina atsa patnubay ng linya ng Ikapitong Kongreso, makakamit ng sambayanangTsino ang ganap na tagumpay, samantalang ang kontra-rebolusyonaryonglinya ng Kuomintang ay tiyak na mabibigo.

MGA PALIWANAG:

1 Si Patrick J. Hurley, isang reaksyunaryong pulitiko ng Partido Republikano, aynahirang na embahador ng United States sa Tsina sa mga huling araw ng 1944.Noong Nobyembre 1945, napilitan siyang magbitiw sa tungkulin dahil angpagkatig niya sa anti-Komunistang patakaran ng Kuomintang ay mahigpit natinutulan ng sambayanang Tsino. Ang hayag na paglaban ni Hurley sapakikipagtulungan sa Partido Komunista ng Tsina ay ipinahayag noong Abril 2,1945 sa isang kumperensyang pampahayagan na isinagawa ng Kagawarang Pang-estado ng United States sa Washington. Ang dagdag pang impormasyon aymakukuha sa “Bigo ang Duwetong Hurley-Chiang”.

2 J.V. Stalin, Ang mga Pundasyon ng Leninismo.

16 ARALING AKTIBISTA

PAGGUNITA KAY NORMAN BETHUNEDisyembre 21, 1939

SI KASAMANG BETHUNE,1 ISANG KASAPI NG PARTIDOKomunista ng Canada, ay humigit-kumulang limampung taong gulangnang siya’y ipadala sa Tsina ng Partido Komunista ng Canada at ng PartidoKomunista ng United States; hindi niya inalintana ang maglakbay nglibu-libong milya upang tulungan tayo sa Digmang Pagtatanggol Labansa Hapon. Dumating siya sa Yenan sa tagsibol ng nakaraang taon, kumilossa Bulubunduking Wutai, at namatay na isang martir habang tumutupadng tungkulin, bagay na labis nating ipinagdalamhati. Anong diwa itongnag-udyok sa isang dayuhan upang walang pag-iimbot niyang ituring nasarili niyang layunin ang pagpapalaya ng sambayanang Tsino? Ito ay angdiwa ng Internasyunalismo, ang diwa ng Komunismo na dapat matutunanng bawat Komunistang Tsino. Itinuturo ng Leninismo na angpandaigdigang rebolusyon ay magtatagumpay lamang kung susuportahanng proletaryado ng mga bayang kapitalista ang pakikibaka para sapagpapalaya ng mga mamamayan sa mga kolonya at malakolonya at kungsusuportahan ng proletaryado ng mga kolonya at malakolonya angpakikibaka ng proletaryado sa mga bayang kapitalista.2 Isinabuhay niKasamang Bethune ang ganitong linyang Leninista. Tayong mgaKomunistang Tsino ay dapat sumunod sa linyang ito sa ating paggawa.Dapat tayong makiisa sa proletaryado ng lahat ng bayang kapitalista, saproletaryado ngJapan, Britain, United States, Germany, Italy at lahat ngbayang kapitalista, sapagkat sa ganitong paraan lamang maibabagsak angimperyalismo, mapalalaya ang ating bansa at ang mga mamamayan, atmapalalaya ang mga bansa at mga mamamayan ng daigdig. Ito ang atinginternasyunalismo, ang internasyunalismong ipinansasalungat natinkapwa sa makitid na nasyunalismo at makitid na patriyotismo.

Ang diwa ni Kasamang Bethune, ang kanyang taus-pusongpagmamahal sa kapwa nang walang pagsasaalang-alang sa sarili, ayipinamalas sa kanyang walang hanggang pagpapahalaga sa kanyang

17ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

gawain at sa kanyang malaking pagmamalasakit sa lahat ng mga kasamaat sa mamamayan. Dapat matuto sa kanya ang bawat Komunista. Hindiiilang tao ang iresponsable sa kanilang gawain, higit na nagnanais ngmagaan at umiiwas sa mabigat, ipinapasa sa iba ang mabibigat na gawainat pinipili ang madadaling gawain para sa sarili. Sa bawat pagkakataonay iniisip muna nila ang sarili bago ang iba. Kapag nakagawa ng kauntingtulong ay lumalaki ang kanilang ulo at ipinagyayabang ang nagawa satakot na baka hindi malaman ng iba. Wala silang malasakit sa mga kasamaat sa mga mamamayan, bagkus ay malamig, mapagwalambahala at walangsigla. Sa katunayan, ang mga taong ito ay hindi mga Komunista, o kaya’yhindi maituturing na tunay na mga Komunista. Sinumang magbalik mulasa larangan ay nagpapahayag ng paghanga kay Bethune tuwingmababanggit ang kanyang ngalan, at walang hindi naaantig ng kanyangdiwa. Sa hanggahang purok ng Shansi-Chahar-Hopei, sa mga kawal naginamot ni Dr. Bethune o nakakita kung paano siya kumilos ay walanghindi naantig. Dapat matutuhan ng bawat Komunista ang tunay na diwangkomunista ni Kasamang Bethune.

Si Kasamang Bethune ay isang doktor, ang sining ng panggagamotang kanyang propesyon at patuloy niyang pinagbubuti ang kanyangkakayahan na naging bukambibig sa serbisyo medikal ng Hukbo ngIkawalong Ruta. Ang kanyang halimbawa ay isang mabuting aral sa mgataong nais na magpalit ng kanilang gawain tuwing may nakikita silangbagay na naiiba at sa mga taong naiinis sa gawaing teknikal na ipinapalagaynilang walang kabuluhan o walang magandang hinaharap.

Minsan lamang kami nagtagpo ni Kasamang Bethune. Pagkaraanniyon, madalas siyang sumulat sa akin. Ngunit abalang-abala ako noonat minsan ko lamang siyang sinulatan at ni hindi ko alam kung natanggapniya ang sulat ko. Labis akong nalulungkot sa kanyang pagkamatay.Ngayo’y pinararangalan natin siya, bagay na nagpapakita kung gaanokalalim ang inspirasyong dulot ng kanyang diwa. Dapat matutuhan natinglahat mula sa kanya ang diwa ng ganap na di pagkamakasarili. Sapamamagitan ng diwang ito, ang bawat isa ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mamamayan. Malaki man o maliit ang kakayahan ng isang

18 ARALING AKTIBISTA

tao, kung taglay niya ang diwang ito, isa na siyang taong marangal atwagas ang loob, isang taong may integridad at nakapangingibabaw sabulgar na mga interes, isang taong may halaga sa sambayanan.

MGA PALIWANAG:

1 Ang tanyag na siruhanong si Norman Bethune ay kasapi ng Partido Komunista ngCanada. Noong 1936, nang salakayin ng mga bandidong pasistang Aleman at Italyanoang Espanya, nagtungo siya sa larangan at naglingkod sa mamamayang Espanyol nalaban sa pasismo. Upang matulungan ang sambayanang Tsino sa kanilang DigmangPagtatanggol Laban sa Hapon, pinamunuan niya ang isang pangkat ng manggagamotat nagtungo sa Tsina. Dumating siya sa Yenan nang tagsibol ng 1938. Hindi nagtagalay nagtungo siya sa hanggahang purok ng Shansi-Chahar-Hopei. Taglay ang maalabna diwa ng internasyunalismo at ang dakilang diwa ng komunismo, pinaglingkuranniya ang hukbo at mamamayan ng mga Pinalayang Purok nang halos dalawang taon.Nalason ang kanyang dugo habang nag-oopera siya ng sugatang mga kawal at bunganito’y namatay siya sa Tangshien, Hopei noong ika-12 ng Nobyembre 1939.

2 J.V. Stalin, Ang mga Pundasyon ng Leninismo.

19ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

BAKAHIN ANG LIBERALISMOSetyembre 7, 1937

NANININDIGAN TAYO SA MASIGLANG TUNGGALIANGpang-ideolohiya sapagkat ito ang sandatang tumitiyak sa pagkakaisa sa loobng Partido at sa mga rebolusyonaryong organisasyon para sa kapakanan ngating pakikipaglaban. Dapat gamitin ng bawat Komunista at rebolusyonaryoang sandatang ito.

Ngunit tinatangihan ng liberalismo ang tunggaliang pang-ideolohiyaat pinaninindigan nito ang di makaprinsipyong kapayapaan, kung kayaito’y nagbubunga ng pag-iisip na bulok at pilisteyo at nagiging dahilan ngpag-urong sa pulitika sa ilang yunit at tao sa loob ng Partido at mgarebolusyonaryong organisasyon.

Ang liberalismo ay nakikita sa iba’t ibang paraan.

1. Palampasin ang mga bagay-bagay alang-alang sa kapayapaanat pagkakaibigan kapag ang isang tao ay maliwanag nanagkamali at umiwas sa makaprinsipyong pangangatwiransapagkat siya ay isang matagal nang kakilala, isang kababayan,isang kamag-aral, isang matalik na kaibigan, isang minamahal,isang malaon nang kasamahan o isang malaon nang tauhan.O kaya’y banggitin ang usapin nang pahapyaw sa halip natalakayin ito nang lubusan upang mapanatili ang mabutingpagsasamahan. Dahil dito, ang organisasyon at ang indibidwalay kapwa napipinsala. Ito ay isang tipo ng liberalismo.

2. Magpakalulong sa mga iresponsableng pamumuna nangsarilinan sa halip na masiglang magharap ng mga mungkahisa organisasyon. Tumahimik sa harap ng tao subalitmagtsismis sa kanilang likuran, o tumahimik sa harap ng isangpulong at magdadaldal pagkatapos. Ang hindi igalang angmga prinsipyo ng kolektibong pamumuhay at sa halip aysumunod sa sariling hilig. Ito ay ikalawang tipo.

20 ARALING AKTIBISTA

3. Palampasin ang mga bagay-bagay kung hindi sangkot angsarili; magsalita nang babahagya hanggat maaari gayong alamna alam kung ano ang pagkakamali, magpakatuso atmaniguro at umiwas lamang na mabagsakan ng sisi. Ito ayikatlong tipo.

4. Sumuway sa mga kautusan at sa halip ay ipagmalaki angsariling palagay. Humingi ng natatanging konsiderasyon mulasa organisasyon ngunit tumanggi sa disiplina nito. Ito ayikaapat na tipo.

5. Magpakasasa sa atakeng personal, maghanap ng away,magbulalas ng personal na galit o maghiganti sa halip namakipangatwiran at makitunggali laban sa maling mgapalagay alang-alang sa pagkakaisa o kaunlaran o maayos napagsasakatuparan ng gawain. Ito ay ikalimang tipo.

6. Makarinig ng maling palagay nang hindi sinasagot ang mgaito at makarinig pa ng kontra-rebolusyonaryong mga pahayagnang hindi iniuulat ang mga ito, at sa halip ay pakinggan angmga ito nang buong kapanatagan na parang walang anumangnangyari. Ito ay ikaanim na tipo.

7. Maparoon sa masa at kaligtaang magsagawa ng propagandaat ahitasyon o kaya’y magsalita sa mga pulong o gumawa ngpagsisiyasat at pagtatanong sa kanila, at sa halip ayipagwalambahala sila at magpakitang walang pagmamalasakitsa kanilang kapakanan, at makalimot na ang sarili ay isangKomunista at kumilos na parang karaniwang di-Komunista.Ito ay ikapitong tipo.

8. Makitang ipinapanganib ng isang tao ang kapakanan ng masangunit hindi makaramdam ng pagngingitngit, o kaya’ypagpayuhan o pigilin siya o makipagpaliwanagan sa kanya, atsa halip ay pabayaan siyang magpatuloy. Ito ay ikawalong tipo.

9. Kumilos nang walang sigla at walang tiyak na balak, opatutunguhan; kumilos nang pawalambahala at magpabasta-

21ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

basta—”Hanggat mongha ka’y patugtog ka na lamang nangpatugtog ng kampana.” Ito ay ikasiyam na tipo.

10. Ipalagay na ang sarili’y nakapaglingkod na nang malaki sarebolusyon, magmalaki sa pagiging isang beterano, mamuhisa maliliit na gawain samantalang hindi naman kaya angmalalaking tungkulin, at maging padaskul-daskol sa gawainat tamad sa pag-aaral. Ito ay ikasampung tipo.

11. Mabatid ang sariling mga kamalian ngunit hindi gumawa nganumang hakbang para iwasto ang mga iyon at maging lib-eral sa sarili. Ito ay ikalabing-isang tipo.

Marami pa tayong mababanggit na tipo. Ngunit ang labing-isang itoang pangunahing mga tipo. Ang lahat ng ito ay pagpapakita ng liberalismo.

Ang liberalismo ay lubhang nakapipinsala sa rebolusyonaryongkolektiba. Ito ay kalawang na kumakain sa pagkakaisa, nagpapahina sapagkakabuklod, nagdudulot ng pagwawalambahala at lumilikha ngkaguluhan. Dahil dito’y nawawala sa rebolusyonaryong hanay ang matibayna pagkakabigkis at mahigpit na disiplina, hindi naisasakatuparan angmga patakaran at nahihiwalay ang mga organisasyon ng Partido sa masangpinamumunuan ng Partido. Ito ay isang napakasamang tendensya.

Ang liberalismo ay bunga ng petiburges na pagkamakasarili, inuunanito ang sariling kapakanan at ipinapangalawa lamang ang kapakanan ngrebolusyon, at ito’y nagbibigay-daan sa liberalismo sa ideolohiya, pulitikaat organisasyon.

Itinuturing ng mga taong liberal na abstraktong dogma ang mgaprinsipyo ng Marxismo. Sinasang-ayunan nila ang Marxismo, ngunit hindinaman handang isabuhay ito o isabuhay ito nang lubos; hindi sila handangipalit ang Marxismo sa kanilang liberalismo. Taglay ng mga taong ito angkanilang Marxismo, ngunit taglay pa rin nila ang kanilang liberalismo—sinasambit nila ang Marxismo ngunit isinasabuhay ang liberalismo;inilalapat nila ang Marxismo sa iba ngunit liberalismo naman sa sarili.Itinatago nila ang dalawang uri ng kagamitang ito at nakakakita ng akmangpaggagamitan ng bawat isa. Ganito ang takbo ng isip ng ilang tao.

22 ARALING AKTIBISTA

Ang liberalismo ay pagpapakita ng oportunismo at pundamental nasalungat sa Marxismo. Ito ay negatibo, at obhetibong nakakatulong sakaaway; kung kaya’t ikinatutuwa ng kaaway ang pananatili nito sa atinghanay. Sapagkat ganyan ang katangian nito, hindi ito dapat magkaroonng puwang sa hanay ng rebolusyon.

Dapat nating gamitin ang Marxismo, na may positibong diwa, upangmapangibabawan natin ang liberalismo na mayroon namang negatibongdiwa. Ang isang Komunista ay dapat magtaglay ng malawak na pag-iisip,dapat siyang maging matatag at masigasig; dapat niyang ituring napinakabuhay niya ang kapakanan ng rebolusyon at ipailalim ang personalna kapakanan sa kapakanan ng rebolusyon; kailanman at saanman aydapat siyang manindigan sa prinsipyo at magbunsod ng walang-pagod napakikitunggali sa lahat ng maling kaisipan at kilos, upang ikonsolida angkolektibong pamumuhay ng Partido at palakasin ang pagkakabuklod ngPartido at ng masa; dapat niyang pagmalasakitan ang Partido at ang masanang higit kaninuman; at pagmalasakitan ang iba nang higit sa sarili. Sagayon lamang siya maituturing na Komunista.

Ang lahat ng tapat, tunay, masigasig at matuwid na Komunista aydapat magkaisa upang labanan ang tendensyang maging liberal naipinakikita ng ilang taong kasama natin, at akayin sila sa tamang landas.Isa ito sa mga tungkulin sa ating larangang pang-ideolohiya.

23ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

TUNGKOL SA PAGWAWASTOSA MGA MALING KAISIPAN SA LOOB NG PARTIDODisyembre 1929

Ang artikulong ito ay isang resolusyong sinulat ni Kasamang Mao Zedong para sa Ikasiyamna Kongreso ng Partido ng Ikaapat na Hukbo na Pulang Hukbo. Ang pagbubuo ngarmadong lakas ng mga mamamayan ng Tsina ay napakahirap. Ang Pulang Hukbo ngTsina (na naging Hukbo ng Ikawalong Ruta at Bagong Ikaapat na Hukbo noong DigmangPagtatanggol Laban sa Hapon at ngayo’y Hukbong Mapagpalaya ng Bayan) ay nilikhanoong Agosto 1, 1927, noong Pag-aalsa ng Nanchang. Nang sumapit ang Disyembre 1929,mahigit na itong dalawang taon. Sa panahong iyon, malaki ang natutuhan at napakayamangkaranasan ang nakuha ng organisasyon ng Partido Komunista sa Pulang Hukbo sapakikibaka nito laban sa iba’t ibang maling kaisipan. Ang karanasang iyon ay nilagom ngresolusyong ito. Dahil dito’y nabuo ang Pulang Hukbo sa tanging batayan ng Marxismo-Leninismo at napawi ang lahat ng hibo ng lumang tipong mga hukbo. Bukod sa Ikaapat naHukbo ay ganito rin ang sunud-sunod na isinagawa ng iba pang yunit ng Pulang Hukbo;dahil dito’y naging isang tunay na hukbo ng mamamayan ang buong Pulang Hukbo ngTsina sa lahat ng bagay. Sa nakaraang mahigit na 30 taon, ang armadong lakas ngmamamayan ng Tsina ay nakatamo ng napakalalaking pagsulong at pagbabago sa mgapagkilos at gawaing pampulitika pampartido, na ngayo’y ibang-iba na kung mamalasin,bagamat ang saligang linya ay katulad pa rin ng linyang nakalatag sa resolusyong ito.

SA ORGANISASYON NG PARTIDO KOMUNISTA SA IKAAPAT NAPulang Hukbo ay umiiral ang iba’t ibang di proletaryong kaisipan na lubusangnakasasagabal sa pagsasabuhay ng wastong linya ng Partido. Kung hindipuspusang iwawasto ang mga kaisipang ito, hindi maisasabalikat ng Ikaapat naHukbo ang mga tungkuling iniatas dito sa dakilang rebolusyonaryong pakikibakang Tsina. Mangyari pa, kaya nagkaroon ng ganitong mga maling kaisipan saorganisasyong ito ng Partido ay sapagkat ang karamihan ng mga kasapi ng mgasaligang yunit nito ay mga magsasaka at iba pang elementong galing sapetiburgesya; gayunman, umiral at lumaki na rin ang mga iyon sapagkat hindinaglunsad ang mga namumunong organo ng Partido ng magkakaugnay atpuspusang pakikibaka laban sa maling mga kaisipang iyon at hindi nito itinurosa mga kasapi ang wastong linya ng Partido. Alinsunod sa diwa ng liham ngKomite Sentral noong Setyembre, inilalahad na ngayon nitong kongreso ang

24 ARALING AKTIBISTA

mga manipestasyon ng iba’t ibang kaisipang di proletaryo sa organisasyon ngPartido sa Ikaapat na Hukbo, gayundin ang pinagmumulan at mga paraan ngpagwawasto sa mga ito. Tinatawagan ang mga kasama na lubusang pawiin angmga ito.

Tungkol sa Lantay na Pananaw Militar

Malubhang-malubha na ang lantay na pananaw militar sa ilang kasamasa Pulang Hukbo. Nakikita ito sa mga sumusunod:

1. Itinuturing ng mga kasamang ito na magkasalungat angusaping militar at ang pulitika, at ayaw nilang tanggapin naang usaping militar ay isa lamang paraan upang matupadang mga tungkuling pampulitika. Sinabi pa ng ilan, “Kungmahusay ka sa militar, natural na mahusay ka sa pulitika; kunghindi ka mahusay sa militar, hindi ka magiging mahusay sapulitika”—ang ganito’y higit na malubhang palagay atpagbibigay pa nga ng mas mahalagang papel sa usapingmilitar kaysa pulitika.

2. Sa akala nila, ang tungkulin ng Pulang Hukbo, tulad ng Putinghukbo, ay lumaban lamang. Hindi nila nauunawaang angPulang Hukbo ng Tsina ay isang armadong pangkat para sapagpapatupad ng mga tungkulin ng rebolusyon. Lalung-lalona sa kasalukuyan, ang Pulang Hukbo ay talagang hindi dapatmagkasya sa paglaban lamang; bukod sa paglaban upangpuksain ang lakas militar ng kaaway, dapat nitong isabalikatang mahahalagang tungkulin na gaya ng pagpopropagandasa masa, pag-oorganisa sa masa, pagsasandata sa kanila,pagtulong sa kanila sa pagtatatag ng rebolusyonaryongkapangyarihang pampulit ika at pagtatayo ng mgaorganisasyon ng Partido. Ang Pulang Hukbo ay lumalabanhindi upang lumaban lamang kundi upang magsagawa ngpropaganda sa masa, organisahin sila, sandatahan sila, attulungan si lang makapagtatag ng rebolusyonaryongkapangyarihang pampulitika. Kung wala ang mga layuning

25ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

ito, mawawalan ng kahulugan ang pakikilaban at mawawalaang dahilan para manatili pa ang Pulang Hukbo.

3. Kaya naman, sa larangan ng organisasyon ay ipinaiilalim ng mgakasamang ito ang mga kagawaran ng Pulang Hukbo natumutupad ng gawaing pampulitika sa mga kagawarangtumutupad ng gawaing militar, at inihaharap ang islogang“Hayaang ang Punong Himpilan ng Hukbo ang humawak samga usaping panlabas”. Kung pababayaang lumubha, angkaisipang ito ay hahantong sa panganib na mawalay sa masa,makontrol ng hukbo ang gubyerno at malayo sa proletaryongpamumuno—ang ganito’y pagtahak sa landas ngpamamanginoong-militar, tulad ng ginawa ng hukbongKuomintang.

4. Kaalinsabay nito, sa gawaing propaganda ay kinaligtaan nilaang kahalagahan ng mga pangkat pampropaganda. Sa usapinng organisasyong masa, kinaligtaan nila ang pag-oorganisa ngmga komite ng mga kawal sa hukbo at ang pag-oorganisa samga manggagawa at magsasaka sa lokalidad. Bunga nito’ynapapabayaan ang gawaing propaganda at gawaing pang-organisasyon.

5. Lumalaki ang kanilang ulo kapag nananalo sa labanan atnawawalan naman ng loob kapag natatalo.

6. Makasariling departmentalismo—iniisip lamang nila angIkaapat na Hukbo at hindi nila nababatid na ang isangmahalagang tungkulin ng Pulang Hukbo ay sandatahan angmasa sa pook. Ang ganito’y pinalaking anyo ng pagpapangkat-pangkat.

7. Palibhasa’y nakapako ang pananaw sa makitid nilang kapaligiransa Ikaapat na Hukbo, naniniwala ang ilang kasama na wala nangibang rebolusyonaryong pwersa. Ito ang dahilan ng kanilang labisna pagkahaling sa kaisipang pangangalaga ng pwersa at pag-iwas sa labanan. Ito ay labi ng oportunismo.

26 ARALING AKTIBISTA

8. Ang ilang kasama, na hindi nagsasaalang-alang sa mgakalagayang suhetibo at obhetibo, ay may sakit narebolusyonaryong kapusukan; ayaw nilang magtiyaga sa masusiat masinsing gawain sa piling ng masa, bagkus ay nais lamanggumawa ng malalaking bagay, palibhasa’y puno ng maling haka-haka. Ito ay labi ng putsismo.1

Ang sumusunod ang mga pinanggagalingan ng lantay na pananaw-militar:

1. Mababang kamulatang pampulitika. Dito nagmumula anghindi pagkilala sa ginagampanang papel ng pamumunongpampulitika sa hukbo at ang hindi pagkilala sa pundamentalna kaibhan ng Pulang Hukbo at Puting hukbo.

2. Ang mentalidad ng mga mersenaryo. Marami sa mga nabihagsa nakaraang mga labanan ang sumapi sa Pulang Hukbo, atdala ng ganitong mga elemento ang kapansin-pansingmersenaryong pananaw, kaya nagkakaroon ng batayan anglantay na pananaw-militar sa mabababang baitang.

3. Mula sa dalawang naunang dahilan ay sumusulpot ang ikatlo,ang labis na pagtitiwala sa lakas militar at kawalan ngpagtitiwala sa lakas ng masa ng sambayanan.

4. Ang hindi puspusang pag-asikaso at pagtalakay ng Partidosa gawaing militar ay isa ring dahilan ng paglitaw ng lantayna pananaw militar sa hanay ng ilang kasama.

Ang mga paraan ng pagwawasto ay ang sumusunod:

1. Itaas ang kamulatang pampulitika sa Partido sa pamamagitanng edukasyon, kitlin ang ugat sa teorya ng lantay na pananawmilitar at linawin ang pundamental na kaibhan ng PulangHukbo sa Puting hukbo. Kaalinsabay nito’y pawiin ang mgalabi ng oportunismo at putsismo at lansagin ang makasarilingdepartmentalismo sa Ikaapat na Hukbo.

27ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

2. Pag-ibayuhin ang pagsasanay sa pulitika ng mga pinuno atkawal, lalung-lalo na ang edukasyon ng mga dating bihag.Kaalinsabay nito, hanggat maaari ay hayaang pumili ang mgalokal na gubyerno ng mga manggagawa at magsasakang maykaranasan sa pakikibaka na isasapi sa Pulang Hukbo, upangmapahina o kaya’y mapuksa ang lantay na pananaw-militarsa larangan ng organisasyon.

3. Pakilusin ang mga lokal na organisasyon ng Partido upangpunahin ang mga organisasyon ng Partido sa Pulang Hukboat pakilusin din ang mga organo ng kapangyarihangpampulitika ng masa upang punahin ang Pulang Hukbomismo, nang sa gayo’y maimpluwensyahan ang mgaorganisasyon ng Partido at mga pinuno at kawal ng PulangHukbo.

4. Dapat na aktibong asikasuhin at talakayin ng Partido anggawaing militar. Ang lahat ng gawain ay dapat munang talakayinat pagpasyahan ng Partido bago ipatupad ng karaniwang mgakasapi.

5. Gumawa ng mga alituntunin para sa Pulang Hukbo na malinawna nagtatakda sa mga tungkulin nito, sa kaugnayan ng aparatongmilitar sa aparatong pampulitika, sa kaugnayan ng Pulang Hukbosa masa ng sambayanan, at sa mga kapangyarihan at tungkulinng mga komite ng kawal, at sa kaugnayan ng mga ito sa mgaorganisasyong militar at pampulitika.

Tungkol sa Ultrademokrasya

Sapul nang tanggapin ng Ikaapat na Hukbo ng Pulang Hukbo ang mgadirektiba ng Komite Sentral, nabawasan nang malaki ang mgamanipestasyon ng ultrademokrasya. Halimbawa, mahusay-husay nangayong isinasagawa ang mga kapasyahan ng Partido; at wala na ngayongnaghaharap ng maling mga kahilingan, tulad ng kahilingang dapat isagawang Pulang Hukbo “ang demokratikong sentralismo mula sa ibaba pataas”

28 ARALING AKTIBISTA

o kaya’y dapat nitong “ipatalakay muna ng mga nasa mababang antasang lahat ng usapin bago pagpasyahan ng mga nasa mataas na antas”.Ngunit sa katunayan, ang pagkabawas na ito ay pansamantala at mababawlamang at hindi nangangahulugang napawi na ang mga ideyangultrademokratiko. Sa madaling sabi, malalim pa ang pagkakaugat ngultrademokrasya sa isipan ng maraming kasama. Masdan ang iba’t ibangekspresyon ng bantulot na pagtupad sa mga kapasyahan ng Partido.

Ang mga paraan ng pagwawasto ay ang sumusunod:

1. Sa larangan ng teorya, kitlin ang ugat ng ultrademokrasya.Una, dapat ipakita na ang ultrademokrasya ay mapanganibsapagkat pinipinsala o ganap na winawasak pa nito angorganisasyon ng Partido at pinahihina o ganap na sinisira panito ang kakayahan ng Partido sa pakikibaka, kung kaya hindimakayang gampanan ng Partido ang mga tungkulin nito sapakikibaka, bagay na nagiging dahilan ng pagkatalo ngrebolusyon. Pangalawa, dapat ipakita na ang pinagmumulanng labis na demokrasya ay ang indibidwalistang pagkamuhing petiburgesya sa disiplina. Kapag dinala ang ganitong ugalisa Partido, ito ay nagiging ultrademokratikong mga ideya salarangan ng pulitika at organisasyon. Ang mga ideyang itoay hinding-hindi naaangkop sa mga tungkulin sa pakikibakang proletaryado.

2. Sa larangan ng organisasyon, tiyaking may demokrasya sailalim ng sentralisadong pamumuno. Dapat itong gawin sasumusunod na paraan:

(a) dapat magbigay ang mga namumunong organo ng Partidong wastong linya ng pamamatnubay at humanap ngkalutasan kung may limitaw na suliranin upang itakdaang batayan ng wastong pamamatnubay.

(b) Dapat na malamang mabuti ng mga nakatataas naorgano ang pamumuhay ng masa at ang kalagayan samga nakabababang organo upang magkaroon ng

29ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

obhetibong batayan para sa wastong wastongpamamatnubay.

(k) Walang organisasyon ng Partido sa anumang antas angdapat gumawa nang ganoon na lamang ng mgakapasyahan sa paglutas ng mga suliranin. Kapagnapagkasunduan na ang isang kapasyahan, dapat itongmahigpit na ipatupad.

(d) Ang lahat ng kapasyahan, anuman ang kahalagahan nito,ng mga nakatataas na organo ng Partido ay dapat naipabatid agad sa mga nakabababang organo at sakaraniwang mga kasapi ng Partido. Ito’y magagawa sapamamagitan ng pagtawag ng mga pulong ng mgaaktibista o ng mga pangkalahatang pulong ng mga kasaping mga sangay ng Partido at maging ng mga kolum2

(kung ipinahihintulot ng kalagayan) at sa pamamagitanng pagtatakda kung sino ang mag-ulat sa mga pulong.

(e) Dapat masusing talakayin ng mga nakabababang organong Partido at ng karaniwang mga kasapi ng Partido angmga direktiba ng mga nakatataas na organo upangmaunawaan nang lubusan ang kahulugan ng mga ito atmapagpasyahan kung paano ipatutupad ang mga ito.

Tungkol sa Pagsuway sa Disiplinang Pang-organisasyon

Ang pagsuway sa disiplinang pang-organisasyon sa organisasyon ngPartido sa Ikaapat na Hukbo ay nakikita sa mga sumusunod na paraan.

A. Ang hindi pagsunod ng minorya sa mayorya. Halimbawa, kapagang mungkahi ng minorya ay natalo sa botohan, hindi nitoipinatutupad nang tapat ang mga kapasyahan ng Partido.

Ang mga paraan ng pagwawasto ay ang mga sumusunod:

1. Sa mga pulong, ang lahat ng kalahok ay dapat pahintulutangmagpahayag nang lubusan, hanggat maaari, ng kanilang mga

30 ARALING AKTIBISTA

palagay. Ang tama at mali sa anumang pinagtatalunan aydapat linawin nang hindi nakikipagkompromiso o nagbibigayng pahapyaw na paliwanag. Upang makarating sa malinawna kapasyahan, ang anumang hindi malutas sa isang pulongay dapat talakayin sa isa pang pulong, kung hindi makaaabalasa gawain.

2. Ang isang kailangan sa disiplina ng Partido ay ang pagsunod ngminorya sa mayorya. Kung ang palagay ng minorya aytinanggihan, dapat nitong suportahan ang kapasyahangpinagtibay ng mayorya. Kung kinakailangan, maaari nitongiharap sa susunod na pulong ang usapin para sa rekonsiderasyon;subalit bukod dito, hindi dapat kumilos ito nang labag sakapasyahan sa anumang paraan.

B. Pamumuna nang hindi isinasaalang-alang ang disiplina ngorganisasyon:

1. Ang punahan sa loob ng Partido ay isang sandata paramapalakas ang organisasyon ng Partido at mapag-ibayo angkakayahan nitong makibaka. Gayunman, sa organisasyon ngPulang Hukbo, hindi laging ganito ang katangian ngpamumuna, at kung minsan pa’y nagiging pag-atakeng per-sonal. Bunga nito, napipinsala ang organisasyon ng Partidoat gayundin ang mga kasapi. Isa itong manipestasyon ngindibidwalismong petiburges. Maiwawasto ito sapamamagitan ng pagtulong sa mga kasapi ng Partido upangmaunawaan nila na ang layunin ng pamumuna ay ang pag-ibayuhin ang kakayahan ng Partido sa pakikibaka tungo saikapagtatamo ng tagumpay sa tunggalian ng mga uri; hindiito dapat gamitin para sa pag-atakeng personal.

2. Maraming kasapi ng Partido ang pumupuna hindi sa loobkundi sa labas ng Par tido. Ito’y sapagkat hindi panauunawaan ng mga karaniwang kasapi ang kahalagahan ngorganisasyon ng Partido (ang mga pulong nito at iba pa), at

31ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

hindi nila nakikita ang kaibhan ng pagpuna sa loob atpagpuna sa labas ng organisasyon. Ang paraan ngpagwawasto ay ang edukasyon sa mga kasapi ng Partidoupang maunawaan nila ang kahalagahan ng organisasyon ngPartido at upang punahin nila ang mga Komite ng Partido oang mga kasama sa mga pulong ng Partido.

Tungkol sa Kaisipang Absolutong Pagkakapantay-pantay

Ang kaisipang absolutong pagkakapantay-pantay ay naging napakalubhasa Pulang Hukbo. Narito ang ilang halimbawa. Kaugnay ng alawans sasugatang mga kawal, may mga tumututol sa pag-iiba-iba sa malulubhangkaso at sa di naman gaanong malulubha at humiling na pagpantayinang alawans para sa lahat. Kapag sakay ng kabayo ang mga pinuno,ang tingin dito’y hindi bilang bagay na kailangan sa pagtupad satungkulin kundi bilang tanda ng di pagkakapantay-pantay. May humilingna pagpantay-pantayin ang pamamahagi ng panustos, at may tumutolsa pagbibigay ng malaki-laking parte para sa espesyal na mga kaso. Sapaghahakot ng bigas, may humiling na ang dapat pasanin ng lahat,anuman ang edad o kakayahan ng katawan, ay pare-parehong bigat.May humiling ng pagkakapantay-pantay sa pamamahagi ng matitirhan,at binabatikos ang Punong Himpilan sapagkat mas malalaking silid angginagamit nito. May humiling na pagpantay-pantayin ang pagtatakdang mabibigat na tungkulin, at mayroon pang ayaw gumawa nang hihigitnang kaunti kaysa ibang tao. Humantong pa ito sa pagkakataon nakapag may dalawang sugatang kawal at iisa lamang ang istretser, walangmabubuhat sapagkat ayaw magbigayan ang dalawa. Tulad ng ipinakikitang mga halimbawang ito, ang kaisipang absolutong pagkakapantay-pantay ay napakalubha pa sa hanay ng mga pinuno at mga kawal ngPulang Hukbo.

Ang kaisipang absolutong pagkakapantay-pantay, tulad ngultrademokrasya sa mga suliraning pampulitika, ay bunga ng isangekonomyang yaring-kamay at maliit na magsasaka—ang kaibhan lamangay nakikita ang isa (absolutong pagkakapantay-pantay) sa mga usaping

32 ARALING AKTIBISTA

materyal samantalang ang isa naman (ultrademokrasya) ay nakikita samga usaping pampulitika.

Ang paraan ng pagwawasto: Dapat nating ipakita na bago mapawiang kapitalismo, ang kaisipang absolutong pagkakapantay-pantay ay isalamang maling haka-haka ng mga magsasaka at maliliit na nagmamay-ari, at maging sa sosyalismo ay hindi maaaring magkaroon ng absolutongpagkakapantay-pantay, sapagkat ang mga bagay ay ipamamahagialinsunod sa prinsipyong “mula sa bawat isa ayon sa kanyang kakayahan,para sa bawat isa ayon sa kanyang nagawa” at alinsunod din sa pagtugonsa mga hinihingi ng gawain. Ang pamamahagi ng mga materyal napangangailangan sa Pulang Hukbo, humigit-kumulang, ay dapat magingpantay, tulad ng pantay na sahod sa mga pinuno at kawal, sapagkat itoay hinihingi ng kasalukuyang kalagayan ng pakikibaka. Ngunit angkaisipang absolutong pagkakapantay-pantay na hindi makatwiran ay dapattutulan sapagkat ito ay hindi hinihingi ng pakikipaglaban, bagkus aynagiging sagabal pa sa pakikipaglaban.

Tungkol sa Suhetibismo

Sa hanay ng ilang kasapi ng Partido ay umiiral din nang may kalubhaanang suhetibismo. Malaking pinsala ang ginagawa nito sa pagsusuri ngkalagayang pampulitika at sa pagpatnubay sa gawain. Ito’y sapagkat angsuhetibong pagsusuri sa isang kalagayang pampulitika at ang suhetibongpagpatnubay sa gawain ay tiyak na hahantong sa oportunismo o saputsismo. Kaugnay ng suhetibong pamumuna, walang pakundangan atwalang batayang usapan o paghihinala, ang mga gawaing ito sa loob ngPartido ay madalas pagmulan ng di makaprinsipyong alitan atnakapagpapahina sa organisasyon ng Partido.

Isa pang puntong dapat banggitin kaugnay ng pamumuna sa loob ngPartido ay ito: kinaliligtaan ng ilang kasama ang mahahalagang isyu atitinutuon ang pansin sa maliliit na bagay kapag sila’y pumupuna. Hindinila nauunawaan na ang pangunahing tungkulin ng pamumuna ay ilantadang mga kamalian sa pulitika at organisasyon. Kaugnay ng personal na

33ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

mga pagkukulang, kung ang mga ito ay hindi kaugnay ng mga pagkakamalisa pulitika at organisasyon, hindi na kailangang magpakalabis sa pagpunao manghiya ng mga kasamang kinauukulan. Bukod dito, kapag lumalaang ganitong pamumuna, may panganib na itutuon ng mga kasapi ngPartido ang kanilang pansin sa maliliit na kamalian lamang, at magigingkimi at labis na maingat ang lahat at makalilimot sa mga tungkulingpampulitika ng Partido.

Ang pangunahing paraan ng pagwawasto ay turuan ang mga kasaping Partido upang mamayani sa kanilang isipan at buhay-pampartido angdiwang pampulitika at syentipiko. Upang matamo ito, dapat nating:

1. ituro sa mga kasapi ng Partido ang paggamit ng Marxista-Leninistang paraan ng pagsusuri ng kalagayang pampulitikaat pagtatasa sa mga pwersang makauri sa halip na gumawang suhetibong pagsusuri at pagtatasa;

2. ituon ang pansin ng mga kasapi ng Partido sa pagsisiyasat atpag-aaral ng lipunan at ekonomya upang malaman ang mgataktika sa pakikibaka at paraan ng paggawa at upangmatulungan ang mga kasama na maunawaan na kung walangpagsisiyasat sa mga tunay na kalagayan ay mahuhulog sila sahukay ng haka-haka at putsismo; at

3. sa pagpuna sa loob ng Partido, magbantay laban sa pagigingsuhetibo, pagiging di makatwiran at bulgarisasyon ngpamumuna; dapat ibatay ang mga inilalahad sa katotohananat dapat ituon ang pamumuna sa pulitika.

Tungkol sa Indibidwalismo

Ang tendensya sa indibidwalismo sa organisasyon ng Pulang Hukbo aymakikita sa mga sumusunod na paraan:

1. Pagganti. Pagkaraang mapuna ng isang kasamang kawal saloob ng Partido, ang ilang kasama ay naghahanap ngpagkakataong makaganti sa labas ng Partido at isang paraan

34 ARALING AKTIBISTA

ang pambubugbog o pag-alimura sa kasamang nabanggit.Hinangad din nilang gumanti sa loob ng Partido. “Pinunamo ako sa pulong na ito, kaya sa susunod na pulong hahanapako ng paraan upang makaganti sa iyo.” Sa ganitong paggantiay personal lamang ang mga dahilan, bagay na nagbubungang pagkaligta sa kapakanan ng uri at ng Partido sa kabuuan.Ang target ng pagganting ito ay hindi ang kaaway na uri,kundi ang mga tao sa sarili nating hanay. Ito ay kalawang nasumisira sa organisasyon at nagpapahina sa kakayahan nitongmakibaka.

2. Mentalidad ng “maliit na grupo”. Pinagmamalasakitan ngilang kasama ang kapakanan ng sarili nilang maliit na grupolamang at kinaliligtaan ang pangkalahatang kapakanan.Bagamat kung mamasdan ay waring hindi ito paghahabol sapersonal na kapakanan, sa katotohanan ay halimbawa ito ngpinakamakitid na indibidwalismo at nagiging sanhi ngpagkasira at pagkawatak-watak ng organisasyon. Minsa’ynaging laganap ang kaisipang “maliit na grupo”, at kahit maykaunti nang pagbabago bunga ng pamumuna, mayroon paring mga labi at kailangan pa ang ibayong pagsisikap upangito’y mapawi.

3. Ang mentalidad na “empleyado”. Hindi nauunawaan ng ilangkasama na ang Partido at ang Pulang Hukbo na kinasasanibannila ay kapwa kasangkapan sa pagtupad ng mga tungkulinng rebolusyon. Hindi nila nababatid na sila mismo angtagapaglikha ng rebolusyon, at inaakalang ang pananagutannila’y sa mga taong nakatataas lamang sa kanila at hindi sarebolusyon. Ang pasibong kaisipang ito ng pagiging“empleyado” ng rebolusyon ay nagpapakita rin ngindibidwalismo. Ipinapaliwanag nito kung bakit kakaunti angmga aktibistang naglilingkod nang walang pasubali sarebolusyon. Kung ito’y hindi papawiin, hindi dadami ang mgaaktibista at ang bigat ng rebolusyon ay mananatiling pasan-

35ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

pasan ng iilan lamang, bagay na makapipinsala sa pakikibaka.

4. Ang paghahanap ng aliw. Sa Pulang Hukbo ay marami-ramirin ang kinakikitaan ng indibidwalismo sa paghahanap ngaliw. Lagi nilang iniisip na sana’y pumasok ang kanilang yunitsa malalaking lunsod. Gusto nilang pumunta roon hindiupang kumilos kundi upang magpasarap. Ayaw na ayawnilang kumilos sa mga Pulang Purok sapagkat doo’y mahirapang buhay.

5. Pasibidad. May ilang kasama na nawawalan ng sigasig attumitigil sa pagkilos tuwing hindi nangyayari ang kanilanggusto. Ang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan ngedukasyon, bagamat kung minsan naman, dahil ito sa hindimaayos na pamamalakad, pagtatakda ng gawain opagpapatupad ng disiplina ng pamunuan.

6. Ang pagnanais na umalis sa hukbo. Dumarami ang mga taonghumihinging malipat mula sa Pulang Hukbo tungo sa gawainglokal. Ang dahilan nito ay hindi nakasalalay lamang sa mgataong ito kundi gayundin sa: (1) kahirapang materyal ngpamumuhay sa Pulang Hukbo, (2) matinding pagodpagkaraan ng matagal na pakikilaban, at (3) hindi maayosna pamamalakad ng pamunuan, sa pagtatakda ng gawain osa pagpapatupad ng disiplina.

Ang paraan ng pagwawasto sa pangunahin ay pag-ibayuhin angedukasyon upang maiwasto ang indibidwalismo sa larangan ng ideolohiya.Ang pangalawa’y ang pamamalakad, pagtatakda ng mga gawain atpagpapatupad ng disiplina sa maayos na paraan. Bukod dito’y dapat dinghumanap ng paraan ng pagpapabuti sa materyal na pamumuhay ngPulang Hukbo, at bawat pagkakataon na maaari ay dapat gamitin sapagpapahinga at pagpapanag-uli ng lakas at kalusugan upang mapabutiang materyal na kalagayan. Sa ating mga gawaing pang-edukasyon, dapatnating ipaliwanag na ang indibidwalismo, sa pinagmulan nito sa lipunan,ay repleksyon sa loob ng Partido ng mga kaisipang petiburges at burges.

36 ARALING AKTIBISTA

Tungkol sa Ideolohiya ng mga Pangkat ng Rebeldeng LagalagAng ideolohiyang pampulitika ng mga pangkat ng rebeldeng lagalag aylumitaw sa Pulang Hukbo sapagkat maraming bagamundo sa PulangHukbo at sapagkat malaki ang masa ng mga bagamundo sa Tsina, lalung-lalo na sa mga lalawigan sa katimugan. Ang ideolohiyang ito ay nakikitasa mga sumusunod na paraan: (1) Nais ng ilan na palawakin ang atingimpluwensyang pampulitika sa pamamagitan ng mga aksyong gerilyanglagalag, subalit ayaw naman nilang palakasin ang impluwensyang ito sapamamagitan ng pagtatayo ng mga baseng purok at pagtatatag ngkapangyarihang pampulitika ng mga mamamayan, sapagkat ang ganito’ymahirap gawin. (2) Sa pagpapalawak ng Pulang Hukbo, ang ilan aytumatahak sa linyang “umupa ng tao at bumili ng kabayo” at “paanibinang mga takas na kawal at tanggapin ang mga nagsiaklas”3 sa halip na salinya ng pagpapalawak ng lokal na Pulang Taliba at mga lokal na tropanang sa gayo’y mapaunlad ang pangunahing mga pwersa ng Pulang Hukbo.(3) Ang ilan ay walang tiyagang ipagpatuloy ang mahirap na pakikibakana kasama ang masa, at nais lamang na magtungo sa malalaking lunsodupang magpakasasa sa pagkain at alak. Ang lahat ng manipestasyong itong ideolohiya ng mga rebeldeng lagalag ay malaking sagabal sa pagtupadng Pulang Hukbo sa kaukulang mga tungkulin nito; kaya ang pagpawinito ay isang napakahalagang layunin sa tunggaliang pang-ideolohiya saloob ng organisasyon ng Partido sa Pulang Hukbo. Dapat unawain naang mga gawi ng mga rebeldeng lagalag na katipo nina Huang Chao4 o LiCuang5 ay hindi mapahihintulutan sa kasalukuyang kalagayan.

Ang mga paraan ng pagwawasto ay ang mga sumusunod:

1. Pag-ibayuhin ang pag-aaral, punahin ang maling mgakaisipan, at pawiin ang ideolohiya ng mga pangkat ngrebeldeng lagalag.

2. Pag-ibayuhin ang pag-aaral ng mga batayang seksyon ngPulang Hukbo at sa hanay ng bagong mga anib na bihag upangbakahin ang pananaw bagamundo.

3. Pasampahin sa hanay ng Pulang Hukbo ang aktibong mga

37ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

manggagawa at magsasakang may karanasan na sa pakikibakaupang mabago ang kabuuan nito.

4. Lumikha ng bagong mga yunit ng Pulang Hukbo mula sa masang militanteng mga manggagawa at magsasaka.

Tungkol sa Labi ng PutsismoAng organisasyon ng Partido sa Pulang Hukbo ay naglulunsad na ngpakikibaka laban sa putsismo, bagamat iyo’y hindi pa sapat. Kaya naman,umiiral pa ang labi ng ideolohiyang ito sa Pulang Hukbo. Nakikita ito samga sumusunod: (1) bulag na pagkilos na hindi isinasaalang-alang angmga kalagayang suhetibo at obhetibo; (2) di sapat at di matatag napaglalapat ng mga patakaran ng Partido para sa mga lunsod; (3) maluwagna disiplinang militar, lalung-lalo na kapag natatalo; (4) panununog ngilang yunit sa mga bahay; at (5) pagbaril sa mga takas mula sa hukbo atpagpaparusang pangkatawan, na kapwa nagpapakita ng putsismo. Sapinagmulan nito sa lipunan, ang putsismo ay pinagsanib na ideolohiyanglumpenproletaryo at petiburges.

Ang mga paraan ng pagwawasto ay ang mga sumusunod:

1. Pawiin ang putsismo sa ideolohiya.

2. Iwasto ang putsistang mga asal sa pamamagitan ng mgaalituntunin at patakaran.

MGA PALIWANAG:

1 Sa maikling panahon pagkaraang matalo ang rebolusyon noong 1927, lumitawsa Partido Komunista ang isang tunguhing kaliwang putsismo. Ipinalagay ngmga kasamang putsista na ang rebolusyong Tsino ay “palagiang rebolusyon” atang rebolusyonaryong kalagayan ay “palagiang sigwa”, kaya’t ayaw nilang umurongnang maayos; ginamit nila ang mga paraan ng komandismo at umasa sakakaunting kasapi ng Partido at sa maliit na bahagi ng masa, saka maling tinangkangmagbunsod ng sunud-sunod na pag-aalsa sa iba’t ibang pook sa buong bayan,na wala namang pag-asang magtagumpay. Naging laganap ang ganitong mga

38 ARALING AKTIBISTA

putsistang pagkilos sa huling dako ng 1927 ngunit unti-unting humupa sa simulang 1928, bagamat nanatili pa sa ilang kasama ang damdaming maka-putsismo.

2 Sa sistemang gerilya ng organisasyon, ang isang kolum ay katumbas ng isangdibisyon sa hukbong regular; ito’y may pantulong na pwersang mas pleksible atkadalasa’y mas maliit kaysa pantulong na pwersa ng regular na dibisyon.

3 Ang tinutukoy ng dalawang kasabihang Tsinong ito ay ang paraang ginamit ngilang rebelde sa kasaysayan ng Tsina upang mapalaki ang kanilang pwersa. Sapaggamit ng mga paraang ito ay higit nilang binibigyang-pansin ang bilang kaysakatangian, at lahat ng klase ng tao ay walang pamimiling kinuha nila upangmapalawak ang kanilang hanay.

4 Si Huang Chao ang pinuno ng mga pag-aalsa ng mga magsasaka sa huling dakong Dinastiyang Tang. Noong 875 AD, mula sa kanyang tinubuang bayangTsaochow (ngayo’y bayang Hotse sa lalawigang Shantung), pinamunuan ni Huangang mga magsasaka sa mga matagumpay na pakikipaglaban sa pwersa ng emperyoat tinagurian niya ang sariling “Heneral na Lumulusob sa Langit”. Sa loob ngsampung taon ay pinasok niya ang karamihan sa mga lalawigan sa lambak ng mgaIlog Yellow, Yangtse, Huai at Pearl hanggang sa Kwangsi. Sa wakas ay lumusotsiya sa pasong Tungkuan at kinuha ang Changan, kabisera ng emperyo (ngayo’ySian sa lalawigan ng Shensi), at naging Emperador ng Chi. Dahil sa mga alitangpanloob at dahil din sa pananalakay ng mga tribong hindi kabilang sa liping Hanat kaalyado ng Dinastiyang Tang, si Huang ay napilitang lumisan sa Changan atumurong sa kanyang bayang tinubuan at doo’y nagpatiwakal siya. Ang sampungtaong digmaan na kanyang pinamunuan ay isa sa pinakabantog na digmangmagsasaka sa kasaysayan ng Tsina. Ayon sa rekord ng mga historyan ng mgadinastiya, “ang lahat ng taong pinahihirapan ng mataas na buwis at imposisyonay sumama sa kanya”. Subalit dahil sa pakikidigmang lagalag lamang ang kanyangisinagawa at hindi siya nagtatag ng mga matibay-tibay na baseng purok, angkanyang mga pwersa ay binansagang “pangkat ng mga rebeldeng lagalag”.

5 Si Li Chuang, palayaw ni Li Tzu-cheng ang Haring Chuang (Ang Haring Humamonsa Lahat), tubo sa Michih ng hilagang Shensi, ay pinuno ng isang himagsikan ngmga magsasaka na nagpabagsak sa Dinastiyang Ming. Nagsimula ang himagsikansa hilagang Shensi noong 1628. Sumanib si Li sa pwersang pinamumunuan niKao Ying-hsiang at kumilos sa Honan at Anhwei, at saka nagbalik sa Shensi.Pagkamatay ni Kao noong 1636, si Li ang humalili sa kanya at naging HaringChuang. Kumilos si Li sa loob at labas ng mga lalawigang Shensi, Szechuan,

39ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

Honan at Hupeh. Sa wakas ay nakuha niya ang Beijing na kabisera ng emperyonoong 1644, at kapagkuwa’y nagpakamatay ang kahuli-hulihang emperador ngDinastiyang Ming. Ang pangunahing islogang pinalaganap niya sa masa ay“Suportahan ang Haring Chuang at huwag nang magbayad ng buwis na ani”.Ayon naman sa isa pang islogang ginamit niya upang ipatupad ang disiplina sakanyang mga tauhan: “Anumang pamamaslang ay pagpatay sa aking ama atanumang panggagahasa ay paghalay sa aking ina”. Sa gayo’y kinatigan niya angmasa at ang kanyang kilusan ay naging pangunahing agos ng mga pagbabangonng mga magsasaka na nagliyab sa buong bayan. Palibhasa’y naglagalag din siya athindi man lamang nagtayo ng mga matibay-tibay na base, siya ay tuluyang nataloni Wu San-kuei, isang taksil na heneral ng Dinastiyang Ming na nakipagsabwatansa mga tropa ng Dinastiyang Ching upang sama-samang salakayin si Li.

40 ARALING AKTIBISTA

ANG MGA SALIGANGREBOLUSYONARYONG AKTITUD

1. Bakit pinakamahalaga at susing usapin para sa bawatrebolusyonaryo ang tanong na “Para kanino”?Nagmula tayo sa iba’t ibang sulok ng bayan at nagbuklud-buklodpara sa iisang layuning rebolusyonaryo. Ano ang layuning ito? Walangiba kundi ang palayain ang sambayanan mula sa imperyalismo,pyudalismo at burukratang kapitalismo. Mulat ang bawat isa sa atinsa tunay na kalagayan ng sambayanang Pilipino. Sumapi tayo sarebolusyonaryong organisasyon at lumalahok sa rebolusyonaryongkilusan para mag-ambag sa pagkakamit ng sambayanan ng tunay napambansang kalayaan at demokrasya.

Ang tanong na “Para kanino?” ay usapin ng saligangrebolusyonaryong paninindigan. Tayo ba ay para sa malawak na masa,ang mahigit pitumpung milyong Pilipino na naghihirap at inaapi? Opara sa iilang dayuhang imperyalista, lokal na komprador burges atpanginoong maylupang nagsasamantala at nang-aapi? Kapag malinawnang nasagot ang katanungan na “Para kanino”, ang lahat ng mgapagsisikap, pag-iisip at paggawa ay maitutuon na para sa paglilingkodsa sambayanan at sa kabuuang pagsisikap para mapahina at maibagsakang mga kaaway.

Bilang mga rebolusyonaryo, ang ating isip, damdamin at gawa aylubos nating inuukol sa pagkakamit ng tunay na kalayaan ng bayanat demokrasya para sa malawak na masa ng sambayanang Pilipino.Sa bawat pagkakataon, sa bawat kilos, ang tugon ng rebolusyonaryosa tanong na “Para kanino?” ay iisa lamang: para sa masang api atpinagsasamantalahan. Ito ang pinakaubod ng rebolusyonaryongpaninindigan.

41ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

2. Bakit ang palaging pagsasaalang-alang sa interes atkapakanan ng sambayanan ay buong-pusong paglilingkodsa kanila?

Buong-puso nating mapaglilingkuran ang sambayanan kapag laginating isinasaalang-alang ang kapakanan ng sambayanan at angpaghihirap ng lubos na nakararami at itinatanim sa dibdib angmalalim na pagkamuhi sa mga kaaway. Dapat pagsikapan na angpaninindigan sa mga saligang usapin at mga pagkilos ay lagingnagsusulong sa interes ng mamamayan at nagpapahina sa kaawaysa lahat ng panahon. Dapat maging masigasig sa pag-alam sa mgasuliranin at kalagayan ng masa at mahigpit na makisalamuha atmakipagkaisa sa kanila para maitaas ang kanilang kamulatan atmaisulong ang pagbubuo ng kanilang lakas at organisasyon atmaipagtagumpay ang kanilang mga pakikibaka.

Ang buong-pusong paglilingkod sa sambayanan aynangangahulugan din ng pagwawaksi ng pagkamakasarili, ngpagwawaksi sa pagpapangibabaw ng makitid na pansariling interessa halip na pangkalahatang interes o interes ng nakararami. Kapagnangingibabaw ang pagkamakasarili, inuuna ng isang tao angpakinabang, kagustuhan at interes ng sarili o maliit na grupo atisinasantabi o ipinapailalim dito ang interes ng nakararami. Kaya kungtutuusin, nagsisilbi ang pagkamakasarili hindi lamang sa sariling makitidna interes kundi sa interes ng mga reaksyunaryong nagpapanatili atnagpapasasa sa mapagsamantala at mapang-aping sistema.

3. Bakit dapat linangin ng bawat rebolusyonaryo ang aktitudng walang humpay at ubos-kayang pagpupunyagi sawastong linya ng demokratikong rebolusyong bayan?

Mga bundok na pinapasan ng masa ang imperyalismo, pyudalismo atburukratang kapitalismo. Ginagamit ng mga naghaharing uri angbuong kapangyarihan nila para manatili sa poder at lalong mapatindi

42 ARALING AKTIBISTA

ang pagsasamantala at pang-aapi nila sa mamamayan. Tanging saisang rebolusyon mapapalaya ng malawak na masa ng mamamayanang sarili nila sa tatlong salot ng lipunan.

Ipinapakita ng kasaysayan na ang masa ang tunay na bayani. Angrebolusyon ay dili iba’t isang marahas na dambuhalang pagkilos ngmasa kung saan nag-aalsa sila para ibagsak ang paghahari ng mgauring mapagsamantala at mapang-api, at para itatag ang kanilangkapangyarihan. Wala pang nagaganap na rebolusyon sa lipunang hindiang masa ang pangunahing pwersang kumikilos para ibagsak ang mganaghaharing uri. At sa kanilang lakas at talino naitatayo ang bagonglipunan. Sila ang tunay na tagapaglikha ng kasaysayan.

Kailangang pukawin ang masa at i taas ang kanilangkamulatang pampulitika. Kailangang maipaunawa sa masa na angtatlong salot ang tunay na ugat ng kanilang paghihirap, at nasanagkakaisang pagkilos nila ang kanilang paglaya. Kailangangmatiyagang maipaliwanag sa kanila ang linya ng demokratikongrebolusyong bayan at organisahin ang kanilang hanay. Kung hindimapupukaw ang masa na kumilos para sa rebolusyon, wala itongmapagkukunan ng lakas, madali itong madudurog at magagapi ngreaksyon.

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagpupunyagi sal inyang ito, nabubuo ang kumpyansa ng mamamayan sakatumpakan at sa tiyak na tagumpay ng rebolusyon. Sa gayonmapupukaw silang lumahok at makiisa rito, at ibigay ang lahat ngkanilang makakaya para umambag sa pagpapalaya ng sambayananmula sa tatlong salot.

Gaano man kalaki at kalakas ang mga kalaban sa ngayon ay tiyakna magagapi ng higit na makapangyarihang nagkakaisangmamamayan. Dapat walang tigil na magpunyagi ang mgarebolusyonaryo sa demokratikong rebolusyong bayan hanggang satagumpay. Ito ang susing mensahe sa artikulong “Ang MatandangHangal na Nagpatag ng mga Bundok”.

43ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

4. Bakit kailangan nating magpanibagong-hubog bilang mgarebolusyonaryo?Bilang mga rebolusyonaryo, tungkulin nating iayon ang ating isip,damdamin at gawa sa tunay na saligang interes ng sambayanangPilipino. Pero taglay pa ng bawat isa sa atin ang mga kaisipan, ugaliat gawi na laganap sa kasalukuyang bulok na lipunan. Lumaki tayosa lipunang ito na pinaghaharian ng mga uring mapang-api’tmapagsamantala. Hanggang ngayon, patuloy tayongnaiimpluwensyahan ng bulok na mga kaisipan ng kasalukuyanglipunan. Kaya importanteng tungkulin ng bawat rebolusyonaryo angpagpapanibagong-hubog sa sarili.

Binabago natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng aktibongrebolusyonaryong pagkilos at mulat na pagbaka sa maling mgakaisipan, ugali at gawi. Kung patuloy tayong gumagampan ng mgagawain sa rebolusyon at mapagbantay sa mga kahinaan at kamalian,napapanday natin ang sarili sa gitna ng unos ng pakikibaka laban samga kaaway ng sambayanang Pilipino. Higit tayong tatatag at huhusaysa pagrerebolusyon.

Ang pagbabago natin ng sarili ay hindi matatapos sa loob lamangng ilang oras o ilang araw. Ito’y mahaba at masalimuot na pakikibaka.Kaya kailangan ang patuloy na pagbaka at pagwaksi sa mga nalalabingimpluwensya ng bulok na lipunan. Sa gayon, napahuhusay angrebolusyonaryong paggawa at napatatatag ang ating determinasyongmagpursigi sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayanhanggang sa tagumpay.

Binabago natin ang ating mga sarili para malinang ang mga saligangrebolusyonaryong aktitud upang mahusay na makapaglingkod sa masaat mabungang makapag-ambag nang ubos-kaya sa rebolusyon. Angbawat rebolusyonaryo ay dapat maging

• buong-pusong tagapaglingkod ng masa at laging malapitsa masa

44 ARALING AKTIBISTA

• laging handa at walang-takot sa mga sakripisyo’tkamatayan

• seryoso, masinop at masigasig sa pag-aaral at pagtupadng mga tungkulin

• mapagkaisa at mainit sa pakikitungo sa kapwarebolusyonaryo

• bukas sa pagtanggap ng mga puna at handang magwastong mga kahinaa’t pagkakamali

• internasyunalista.

5. Paano pinahahalagahan ng rebolusyonaryo ang mgagawain at tungkulin sa rebolusyon?Lubos na pinahahalagahan ng rebolusyonaryo ang kanyang mgagawain at tungkulin sa rebolusyon. Alam niyang ang mgarebolusyonaryong gawain at tungkulin ay bahagi ng dakilang misyonpara mapalaya ang sambayanan mula sa mga kuko ng pagsasamantalaat pang-aapi. Ang lubos na pagpapahalaga sa mga gawain at tungkulinay pagtataguyod ng rebolusyonaryo sa interes ng sambayanangPilipino.

Ano ang palatandaan ng lubos na pagpapahalaga ngrebolusyonaryo sa kanyang mga gawain at tungkulin? Siya ay seryosoat masinop sa pag-aatupag ng kanyang mga gawain. Taglay niyaang ibayong sigla at sigasig sa pagkilos. Lagi siyang handangtumanggap ng anumang gawaing kailangan para isulong angrebolusyon.

Ang rebolusyonaryo ay seryoso sa kanyang gawain. Para sa kanya,laging nasa unahan at pangunahin ang pag-atupag ng mgarebolusyonaryong gawain at tungkulin. Ang habol niya ay masinopat maayos na trabaho, hindi iyong pabaya at padaskul-daskol napagkilos. Lagi siyang nag-aaral at naghahanap ng paraan para lutasin

45ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

ang mga problema at tupdin ang kanyang mga gawain sapinakamahusay na paraan.

Ang rebolusyonaryo ay masigla at masigasig kung kumilos.Palaging pasulong ang isip at kilos ng rebolusyonaryo dahil ang bawatkilos at hakbang ay ambag sa ating maaliwalas na bukas. Hindi siyanananamlay, nanlulumo o nasisiraan ng loob sa harap ng mgaproblema at kahirapan sa pagkilos. Laging mataas ang diwang militanteat palaban, sinusunggaban niya ang lahat ng panahon at pagkakataonsa pagkilos. Kaya naman ang inisyatiba ay tatak ng rebolusyonaryo.May sarili siyang pagkukusa, hindi lamang sa pagtupad ng kanyangmga gawain at tungkulin, kundi maging sa iba pang gawaing nakikitaniyang kailangang kagyat na balikatin.

Ang rebolusyonaryo ay laging handa sa mga gawain at tungkulin.Tinatanggap niya ang bawat gawaing iniaatas sa kanya nang dikinukwenta ang halaga at bigat nito, o ang hirap at sakripisyongkailangan. Hindi siya namimili ng gawain dahil hindi naman niyahanap ang katanyagan o kaluwagan para sa sarili.

6. Ano ang wastong pagtingin sa kahirapan, sakripisyo atkamatayan?Kinikilala ng rebolusyonaryo na ang kahirapan, sakripisyo atkamatayan ay di maiiwasang bahagi ng pagpapalaya ng sambayanan.Natural ito sa marahas na labanan ng mga mamamayan at mganaghaharing uri. Natural ito sa isang rebolusyon para ibagsak angkapangyarihan ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratangkapitalismo. At di lamang natural, ang mga ito’y kailangan paraipaglaban at pangalagaan ang interes ng sambayanan at ng rebolusyon.Puhunan itong kailangan para pawiin ang pang-aapi atpagsasamantala, at itayo ang lipunang tunay na demokratiko at malaya.

Ang rebolusyonaryo ay handa sa kahirapan, mga sakripisyo atmaging kamatayan alang-alang sa pakikibaka. Makabuluhan angpagsasakripisyo ng rebolusyonaryo dahil ito’y para sa tagumpay ng

46 ARALING AKTIBISTA

ANG REBOLUSYONARYO AY HANDA SA KAHIRAPAN, MGA SAKRIPISYO AT MAGINGKAMATAYAN ALANG-ALANG SA PAKIKIBAKA.

rebolusyon. Alam niyang sa kalauna’y mababanaag din ang kalayaangmalaon na nating minimithi. Sa harap ng panganib at kagipitan, angkahandaan sa sakripisyo’t kamatayan ay nagbibigay ng tatag at tapangsa rebolusyonaryo na pangalagaan at ipaglaban ang interes ngsambayanan at ng rebolusyon.

Sa panahon ng mga kahirapan at kagipitan hindi kinakalimutanng mga rebolusyonaryo ang maaliwalas na kinabukasang pinag-uukulan ng mga kahirapan at sakripisyo. Hindi dapat magpadilim sapananaw at magpahina ng loob ang mga kagipitan at kahirapansapagkat ang mga ito ay hagdan patungo sa tunay na kalayaan atdemokrasya para sa sambayanan.

Mulat ang katapangan ng rebolusyonaryo. Iniiwasan niya ang dikinakailangang sakripisyo at kamatayan. Hindi siya basta na lamangsumusuong sa panganib sa simpleng dahilang handa naman siyangmamamatay. Pinag-iingatan niya ang buhay at kaligtasan ng masa,ng kapwa rebolusyonaryo at ng sarili.

47ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

7. Bakit ang mamatay na naglilingkod sa sambayanan ay masmabigat pa sa isang bundok at ang mamatay na naglilingkodsa mga kaaway ay mas magaan pa sa isang balahibo?Ang kamatayan ng isang rebolusyonaryo ay isang marangal nakamatayan. Maaaring mamatay ang isang rebolusyonaryo sa iba’tibang paraan—sa labanan, sa sakit, sa aksidente, sa katandaan.

Subalit hindi ang paraan ng kamatayan ang mapagpasya sakatangian ng kanyang kamatayan. Higit sa anupaman, ang bigat ngkanyang kamatayan ay sinusukat ng kanyang buong-pusong pag-aalayng sarili para sa sambayanan, ng kanyang walang kapagurangpaglilingkod sa masa at pagsusulong sa rebolusyon.

Sa kabilang banda, ang kamatayan ng isang naglilingkod sa mgakaaway ay walang karangalan. Ito ay mas magaan pa sa isang balahibo.Sapagkat ang kanyang buhay ay inialay para sa mga nagsasamantalaat nang-aapi ay pinatay na rin niya ang kanyang pagkatao at itinaponang dangal. Para sa masang pinagsasamantalahan at inaapi angganitong klaseng kamatayan ay ikinatutuwa at inaalipusta.

8. Ano ang wastong aktitud sa harap ng mga tagumpay?Sa harap ng mga tagumpay, dapat matyagan ang kayabangan atarogansya. Dapat maging mapagkumbaba at huwag magpakalasingsa tagumpay. Dapat laging alalahanin ang mahabang landas nalalakbayin at iwasan ang pagkakampante, pagmamadali o pagluluwag.

9. Ano ang wastong pagtingin sa masa?Ang masa ang sandigan para makamit ang anumang layuningrebolusyonaryo. Sa kanilang angking talino at lakas sumusulong atumuunlad ang lipunan. Ang masa ay balon ng kapangyarihang dimagagapi ng anumang pwersang sumasagka sa pagbabago. Paramakamit ang kalayaan, demokrasya at kaunlaran, kailangang sumaligat magtiwala sa masa.

48 ARALING AKTIBISTA

Ang rebolusyonaryo ay kumikilala at bumabalikat ng malakingpananagutan sa masa. Tungkulin niyang itaguyod ang interes ng masa,buuin ang mahigpit na pagkakaisa sa masa at himukin sila sa landasng rebolusyon para mapamalas ang kanilang talino, lakas atkapangyarihan sa rebolusyonaryong pagbabago ng bayan.

Ang pagtataguyod ng rebolusyonaryo sa pambansa-demokratikong interes ng masa ay nakikita sa kanyang masigasig atresponsableng pagkilos sa hanay ng masa. Matiyaga siya sapagpapaliwanag at pagmumulat sa masa. Walang pagod siya sapagtulong sa masa na mag-organisa at kumilos para lutasin angkanilang mga problema at labanan ang kanilang mga kaaway. Angrebolusyonaryo’y kilalang tunay na lingkod at kaisa ng masa. Magingang maliliit na pang-araw-araw na pangangailangan at problema ngmasa ay pinahahalagahan din niya.

Ang pagtataguyod ng rebolusyonaryo sa pambansa-demokratikong interes ng masa ay matatag na batayan para mabuoang mahigpit na pagkakaisa ng rebolusyonaryong naglilingkod at ngmasang pinaglilingkuran. Pinahahalagahan at itinatangi ngrebolusyonaryo ang pagkakaisang ito. Mapagkaisa at malapit siya samasa. Ginagamit niya ang lahat ng pagkakataon para tumungo sahanay ng masa, kumilos at matuto mula sa kanila. Mahigpit niyanginiiwasan ang anumang bagay na labag sa interes ng masa o anganumang pag-aabuso sa kanilang kabutihan. Nakasisira ito sapagkakaisa at naghihiwalay ng rebolusyon sa masa.

10. Paano itinuturing ng rebolusyonaryo ang kapwarebolusyonaryo?Ang rebolusyonaryo ay mapagkaisa sa kanyang kapwa rebolusyonaryo.Mapagmahal at maaalalahanin siya sa mga kasama. Ang mapagkaisaat mapagmahal na pagtuturingan ng mga rebolusyonaryo ay mahalagasa pagbubuo at pagpapatatag ng pagkakaisa at lakas ngrebolusyonaryong hanay.

49ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

Katangi-tangi ang mapagkaisang pagtuturingan ng mgarebolusyonaryo. Mapagkaisa ang rebolusyonaryo sa kanyang mgakasama, maging iyong hindi pa niya masyadong kilala, iyong hindipa niya kapalagay o kaopinyon, o iyong nakagawa ng pagkakamaliat gusto namang magbago. Madaling naisasantabi o naaalpasanang maliliit na di pagkakaunawaan dahil pinahahalagahan ngrebolusyonaryo ang pagkakaisa. Ang pag-unawa sa kalagayan ngkanyang kasama at pagsisikap nitong kumilos at maging mahusayna rebolusyonaryo ang inuuna niya.

Maalalahanin at mapagmahal ang rebolusyonaryo sa kanyangmga kasama. Tinutulungan niya ang bawat kasama sa paggampanng tungkulin at gawain, at sa paglutas ng kanilang mga problemasa pagkilos o sa personal na buhay man. Tinutulungan atbinibigyan niya ng suporta ang kanyang kasama na magpandayng sarili sa gitna ng pakikibaka. Ang kaligayahan at paghihirap ngkanyang kasama ay kaligayahan at paghihirap din ng isangrebolusyonaryo.

ANG MAPAGKAISA AT MAPAGMAHAL NA PAGTUTURINGAN NG MGA REBOLUSYONARYO AYMAHALAGA SA PAGBUBUO AT PAGPAPATATAG NG PAGKAKAISA AT LAKAS NGREBOLUSYONARYONG HANAY.

50 ARALING AKTIBISTA

11. Ano ang wastong pagtingin sa punahan at pagpuna-sa-sarili?Ang mga kahinaan at kamalian ay karaniwang pangyayari sa takbong pagkilos ng rebolusyonaryo. Kadalasa’y resulta pa ito ngkakulangan sa karanasan o produkto ito ng maling mga kaisipan atdi mahuhusay na ugali na nalalabi pa sa atin. Ngunit handa lagi angrebolusyonaryo na pangibabawan ang mga ito para mas matatag paniyang maitaguyod ang pambansa-demokratikong interes ngsambayanan.

Ang rebolusyonaryo ay laging handa na punahin ang kanyangmga kahinaan at kamalian. Bukas siya sa mga puna at lagi niyangipinangingibabaw ang wasto at mabuti para sa sambayanan. Hindisiya tumatanggi o nag-aatubiling magwasto ng mga kahinaan atkamalian. Lagi siyang handang magbago ng sarili para patuloy namapaglingkuran ang sambayanan.

Ang punahan at pagpuna-sa-sarili ay isang mabisang paraangkailangan para iwasto ang mga kamalian at pangibabawan ang mgakahinaan. Kailangan ito para patibayin ang pagkakaisa sa loob ngrebolusyonaryong hanay at sa pagitan ng mga rebolusyonaryo at ngmasa. Sa punahan natutukoy at nauugat ang mga kahinaa’t kamalian.Sa gayon, natututo tayo mula sa ating mga kamalian para maiwasanang mga ito sa hinaharap.

Dapat maging mapagkasama ang pagpupunahan at alinsunodsa diwa ng “gamutin ang pasyente para mailigtas ang maysakit”.Hindi dapat gawing okasyon ang punahan para sa personal na pag-atake o pagganti. Dapat ituon ang punahan sa mgapinakamahahalagang usapin sa ideolohiya, pulitika at organisasyon.

Kailangan ang regular at palagiang pagdaraos ng punahan atpagpuna-sa-sarili. Tinitiyak nitong laging nasusuri ang atingpagkilos, patuloy na mapapahusay ang paggawa, mapananatili atmapahihigpit pa ang ating pagkakaisa, at lagi tayong kaisa at malapitsa masa.

51ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

12. Ano ang internasyunalismo?Sa kasalukuyang panahon ng imperyalismo, dumaranas ng di mabatangpang-aapi at pagsasamantala ang mamamayan ng iba’t ibang bayansa buong daigdig sa kamay ng imperyalismo. Mahalaga, kung gayon,ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan ng iba’t ibangbayan sa pakikibaka laban sa imperyalismo at lahat ng reaksyon. Itoang internasyunalismo.

Tungkulin nating mga rebolusyonaryong Pilipino ang palayainang bayan mula sa imperyalismong US, pyudalismo at burukratangkapitalismo. Sa pagsulong ng rebolusyong Pilipino, at lalo na sapagtatagumpay nito, kaalinsabay na napapahina ang imperyalismosa buong mundo, kaya’t nakakaambag ito sa pagsulong ng pakikibakang mamamayan sa ibang bayan. Gayundin, natutulungan tayo ngmamamayan ng ibang bayan na nakikibaka rin sa imperyalismo atiba pang reaksyunaryo.

ANG REBOLUSYONARYO AY LAGING HANDA NA PUNAHIN ANG KANYANG MGA KAHINAANAT KAMALIAN.

52 ARALING AKTIBISTA

Laging isinasaisip ng isang rebolusyonaryo na ang pagtupad samga gawain sa rebolusyon ay hindi lamang para sa sariling bayankundi para rin sa bilyun-bilyong masang pinagsasamantalahan atinaapi sa buong daigdig. Sa ganitong pagtingin, ang patriyotismo atnasyunalismo—ang pagmamahal sa sariling bayan at bansa—aywastong naikakawing sa internasyunalismo. Naiiba ito sa makitid napatriyotismo o makitid na nasyunalismo, na nagpapahalaga lamangsa interes ng sariling bayan o bansa, at tumitingin sa ibang bayan atibang mamamayan sa punto de bista lamang ng sariling pakinabangat bentahe.

Internasyunalistang tungkulin natin ang pagsusulong ng dalawang-yugtong rebolusyong Pilipino. Ang pagwasak sa kapangyarihan ngimperyalismong US at lokal na mga naghaharing uri sa Pilipinas angpinakamahalagang maiaambag natin sa pagpapabagsak sa paghaharing imperyalismo at iba pang mapagsamantala at mapang-aping uri sabuong daigdig.

ANG PAGWASAK SA KAPANGYARIHAN NG IMPERYALISMONG US AT LOKAL NA MGANAGHAHARING URI SA PILIPINAS ANG PINAKAMAHALAGANG MAIAAMBAG NATIN SAPAGPAPABAGSAK SA PAGHAHARI NG IMPERYALISMO AT IBA PANG MAPAGSAMANTALAAT MAPANG-APING URI SA BUONG DAIGDIG.

53ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

Hindi natatapos ang internasyunalistang tungkulin natinpagkatagumpay ng demokratikong rebolusyon. Pagkaagaw ngkapangyarihang pulitikal, internasyunalistang tungkulin natin angpagkonsolida nito, pagtatayo ng demokratikong estadong bayan, atpaglulunsad ng sosyalistang rebolusyon. Kailangan ding pahigpitinang pagkakaisa sa mamamayan ng ibang bayan at patuloy namakipagtulungan sa rebolusyonaryo at anti-imperyalistang mga kilusanat organisasyon sa ibang bayan.

13. Anu-ano ang maling mga kaisipan at gawi nanakapipinsala sa interes ng rebolusyon at masa? Paanobabaguhin ang mga ito?

Sa bahaging ito, basahin at talakayin ang bawat bahagi ng artikulong“Bakahin ang Liberalismo” at “Iwasto ang Maling mga Kaisipan sa Loob ngPartido”.

a. Ano ang liberalismo at bakit kailangang bakahin ito?

Liberalismo ang pag-ayaw o pag-iwas sa aktibong tunggaliansa ideolohiya. Pag-ayaw o pag-iwas ito sa malinaw napagtukoy kung alin ang tama at rebolusyonaryong mga ideya,patakaran at pagki los , at a l in naman ang mal i at direbolusyonaryo. Pag-ayaw o pag-iwas ito na itaguyod angtama at iwaksi ang mali. Dapat bakahin ang liberalismo dahiltaliwas ito at inuuk-ok ang makaprinsipyong pagkakaisa sahanay ng mga rebolusyonaryo. Sa halip, itinataguyod nito angdi makaprinsipyong kapayapaan, ang pag-iral at paglaganapng mali at di rebolusyonaryong ng mga ideya, patakaran atkilos.

Sa pangkalahatan, matatag ang pagkakaisa sa hanay ngmga rebolusyonaryong pwersa sa mga saligang prinsipyo ngrebolusyon. Gayunman, sa iba’t ibang pagkakataon, at laluna

54 ARALING AKTIBISTA

kaugnay ng partikular na mga patakaran at sa pang-araw-araw na pagkilos, lumilitaw ang maling mga kaisipan atkilos. Repleksyon lamang ito ng pag-iral ng tunggalian nglinya, ng tama at mali, at ng pagkakaroon ng mga limitasyonat kahinaan sa hanay ng mga rebolusyonaryo.

Dapat maging mapagmatyag ang bawat rebolusyonaryosa mga kahinaan at kamaliang ito. Tungkulin ng bawatrebolusyonaryo na laging itaguyod at pagpunyagian angtama, makipagtunggali sa maling mga ideya at punahin paramaiwasto ang maling mga kilos. Ito ang tinatawag nating“aktibong tunggalian sa ideolohiya”. Sa ganitong paraanlamang mapapataas at mapapatibay ang makaprinsipyongpagkakaisa sa ating hanay.

b. Anu-ano ang mga anyo ng liberalismo?

Ang liberalismo ay makikita sa sumusunod na tampok namga kaisipan at gawi:

i . pag papa lampas sa mg a kamal ian , pag- iwas samakaprinsipyong pangangatwiran dahil malapit sakasamang nagkamali, o pagbanggit sa usapin nangpahapyaw lamang sa halip na talakayin ito nang lubusan,alang-alang sa kapayapaan o para mapanati l i angmabuting samahan

ii. pagpakalulong sa iresponsableng indibidwal na pagpunasa halip na masiglang iharap ang mga mungkahi saorganisasyon; tumahimik sa harap ng tao peromagtsismis sa kanyang likuran; tumahimik sa pulongpero magdadaldal pagkatapos; sumunod sa sariling hiligsa hal ip na igalang ang prinsipyo ng kolektibongpamumuhay

iii . palampasin ang mga bagay-bagay kung hindi sangkotang sarili; magsalita nang babahagya hanggat maaari

55ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

gayong alam na alam kung ano ang pagkakamali ,mag paka tuso a t maniguro a t umiwas lamang namabagsakan ng sisi

iv. sumuway sa mga utos at sa halip ay ipagmalaki ang sarilingpalagay; humingi ng espesyal ng konsiderasyon ngorganisasyon ngunit tumanggi sa disiplina nito

v. magpakasasa sa atakeng personal, maghanap ng away,magbulalas ng sariling galit o maghiganti sa halip namakipangatwiran at makitunggali laban sa maling mgapalagay alang-alang sa pagkakaisa o pagpapaunlad omaayos na pagsasakatuparan ng gawain

vi. makarinig ng maling mga palagay nang hindi sinasagot angmga ito at makarinig pa ng mga kontra-rebolusyonaryongpahayag nang hindi iniuulat ang mga ito, at sa halip aypakinggan ang mga ito nang buong kapanatagan na parangwalang anumang nangyari

vii. kaligtaang magsagawa ng propaganda at ahitasyon sa masao kaya’y magsalita sa mga pulong o gumawa ng pagsisiyasatat pagtatanong sa kanila, at sa halip ay ipagwalambahalasila at magpakitang walang pagmamalasakit sa kanilangkapakanan, at makalimot na ang sarili ay isang Komunistaat kumilos na parang karaniwang di-Komunista

viii. makitang inilalagay ng isang tao sa panganib ang kapakananng masa at hindi pa makaramdam ng pagngingitngit, okaya’y pagpayuhan o pigilin siya o makipagpaliwanagansa kanya, at sa halip ay pabayaan siyang magpatuloy

ix. gumawa nang matamlay at walang tiyak na balak, opatutunguhan; gumawa nang pawalang-bahala atmagpabasta-basta—”Hanggat monghe ka’y patugtog kana lang nang patugtog ng kampana.”

x. ipalagay na ang sarili’y nakapaglingkod na nang malaki sa

56 ARALING AKTIBISTA

rebolusyon, magmalaki sa pagiging isang beterano, mamuhisa maliliit na gawain samantalang hindi naman kaya angmalalaking tungkulin, at maging padaskul-daskol sa gawainat tamad sa pag-aaral

xi. mabatid ang sari l ing mga kamalian ngunit hindimagpunyaging iwasto ang mga iyon at maging liberal sasarili.

k. Paano mababaka ang liberalismo?

Tulad ng kalawang, kailangang kayurin ang liberalismo mulasa pinakakailaliman nito. O tulad ng masamang damo,mababaka lamang ang liberalismo sa pamamagitan ng pagbunotng mga ugat nito.

Nakaugat ang liberalismo sa pagkamakasarili, sa paglalagaysa sarili sa ibabaw ng kapakanan ng rebolusyon at ng interesng nakararami. Ito ang ugat ng pag-ayaw sa tunggaliang pang-ideolohiya. Tulad ng ipinakita sa mga halimbawa ngliberalismo, ang pag-ayaw sa tunggalian ay bunga ngpagnanasang mapanatili ang “kapayapaan” kahit hindi itoprinsipyado. Kadalasan, ang pagnanasang ito ay hindi lamangdahil sa pag-ayaw na masaktan ang iba. Kundi, pag-iwas itona masaktan ang sariling interes: “Hindi kita pupunahin,huwag mo rin akong pakialaman.”

Para puspusang mababaka ang liberalismo, kailangangiwaksi ang pagka-makasarili at itaguyod ang interes ngrebolusyon o ng nakararaming masang pinagsasamantalahanat inaapi. Kailangang manindigan para sa mga prinsipyo ngrebolusyon at aktibong labanan ang lahat ng malingkais ipan, ki los at tendensya. Kai langang l inangin ati taguyod ang d iwa ng pagkadimakasar i l i ng bawatrebolusyonaryo. Kailangang palawakin ang isip para makitaat mayakap ang mas malawak na interes ng sambayanan, at

57ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

hindi lamang ang sar i l ing interes. Sa g ayon walangpangingimi at pag-aatubi l ing maitataguyod ang mgatunggaliang pang-ideolohiya at mabubuo ang pinakamatibayna may-prinsipyong pagkakaisa sa ating hanay.

d. Ano ang pananaw na lantay-militar, saan nagmumula ito, atpaano ito maiwawasto?

Lantay-militar ang pananaw na magkahiwalay at magkabanggaang pulitika at militar, at tumatangging ipailalim at pagsilbihinsa pulitika ang mga usapin at gawaing militar. Itinuturingnitong tanging tungkulin ng hukbong bayan ang paglaban, atitinatangging tungkulin nito ang pagsasagawa ng propagandasa masa at produksyon para sa rebolusyon. Nakakaligtaan nitona sa katunayan, ang hukbong bayan ang pangunahingkasangkapan sa pagkakamit ng pampulitikang layunin ngrebolusyon.

Nagmumula ang lantay pananaw-militar sa kakulangangmaunawaan ang halaga ng pampulitikang pamumuno sahukbong bayan, at sa kakulangan ng pag-unawa na sa esensya,ang nag-iiba sa hukbong bayan sa reaksyunaryong hukbo ayang magkaibang pinagsisilbihang pulitika ng mga ito.

Kung gayon, maiwawasto ang lantay na pananaw-militarsa pamamagitan ng pagpapataas ng kamulatan sa ideolohiyaat pulitika ng rebolusyonaryong pwersa. Magagawa ito samga edukasyon sa teorya at pulitika, mga punahan atpagpuna sa sarili, at mga talakayan hinggil sa mga usapingmilitar kung saan naipakikita ang tamang ugnayan nito sapulitika.

e. Ano ang ultrademokrasya at pagsuway sa disiplina saorganisasyon, at paano maiwawasto ang mga ito?

Ultrademokrasya ang labis na pagpapahalaga o paggigiitsa demokrasya nang lumalabas o hindi nagagabayan ng mga

58 ARALING AKTIBISTA

prinsipyo ng organisasyon. Ibig sabihin, hindi isinasaalang-alang, bantulot sa pagpapatupad, kung hindi man tahasangnilalabag, ang mga prinsipyo, patakaran, tuntunin o desisyonng organisasyon. Mga halimbawa ng kaisipangultrademokratiko ang “demokratikong sentralismo mula saibaba pataas” at “talakayin muna sa nakabababang antas anglahat ng usapin bago pagpasyahan ng nakatataas na antas”.

Makikita naman ang pagsuway sa disiplina sa organisasyonsa sumusunod:

i. Pagtanggi ng minorya na sumunod sa mayorya. Ang hindipagsunod sa mayorya ay maaaring nasa anyo ng di seryosoo di lubos na pagpapatupad sa desisyon ng kolektiba oorganisasyon; o kaya ay tahasang pagtanggi na ipatupad ito.

ii. Pagpuna nang walang pagsasaalang-alang sa disiplina saorganisasyon. Maaaring magkaanyo ito sa mga personal odi makaprinsipyong pagpuna o atake. O kaya, ginagawaang pagpuna sa labas ng pulong o sa labas ng organisasyon.

Nakakasira sa pagkakaisa at nakakapag pahina ngorganisasyon ang ultrademokrasya at pagsuway sa disiplinang organisasyon. Kapwa nakaugat ang mga ito sa petiburgesna pagkamakasarili o indibidwalismo at pag-ayaw sa disiplina.Bukod dito, kapag mahina ang pamumuno at maluwag angdisiplina ng organisasyon, nagkakaroon ng mga kundisyon parasa pag-usbong ng ultrademokrasya at pagsuway sa disiplina.

Para maiwasto, kailangang mabunot ang ugat na petiburgesna pagkamakasarili o indibidwalismo at ang pag-ayaw sadisiplina sa organisasyon. Magagawa ito sa pamamagitan ngedukasyon at tunggaliang pang-ideolohiya. Kailangang pairalinang diwa ng pagkadimakasarili at pagpapailalim ng sarilinginteres sa interes ng kabuuan. Dapat mailinaw sa kasapianang halaga ng organisasyon at ng disiplina sa loob nito.

59ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

Mahalaga ring mailinaw kung paanong ginagabayan ngsentralismo ang demokrasya sa organisasyon, at paanongnakabatay ang sentralismo sa demokrasya.

Sa larangan ng organisasyon, kailangang gawing masmabisa ang pamumuno at palakasin ang demokratikongsentralismo. Dapat tiyakin ng pamunuan na mahigpit angugnayan nito sa mga nakabababang antas at sa kasapian ngorganisasyon, naisasaalang-alang ang kalagayan at mga ideyanila, at maayos ang daloy ng komunikasyon sa pagitan nila.Sa anumang antas, ang bawat desisyon ay dapat resulta ngmasusing pag-aaral at malayang talakayan.

g. Ano ang indibidwalismo at paano ito maiwawasto?

Indibidwalismo ang labis ng pagpapahalaga sa sarilingkapakanan samantalang ipinapailalim dito o isinasantabi angkapakanan ng organisasyon at ng rebolusyon. Bukod saultrademokrasya at pagsuway sa disiplina sa organisasyon,nakikita ang tunguhing indibidwalismo sa sumusunod na mgaanyo:

i. pagganti

ii. mentalidad na “maliit na grupo”

iii. mentalidad na empleyado

iv. paghahanap ng aliw

v. pagpapasibo o kawalang-sigasig

vi. pagnanais na “bumaba” o “magpahinga”

vii. kanya-kanyang kaharian

Dahil sinasalamin ng indibidwalismo ang petiburges atburges na mga kaisipan sa loob ng rebolusyonaryong kilusan,edukasyon sa ideolohiya ang pangunahing paraan ngpagwawasto. Kailangang masapol ng bawat isa na ang di

60 ARALING AKTIBISTA

proletaryong mga ideya at gawi ay salungat sa pagtupad sa mgatungkulin sa rebolusyon at sa interes ng malawak na masa ngsambayanan. Kaalinsabay, mahalagang isagawa ang mga usapin,pag-aatas at pagpapairal ng disiplina sa akmang paraan, atmapahusay ang pagtugon sa mga pangangailangan ng pwersa.

h. Ano ang kaisipang absolutong pagkakapantay-pantay at paanoito maiwawasto?

Kaisipang absolutong pagkakapantay-pantay ang hindipagkilala sa magkakaibang kalagayan at pangangailangan ngiba’t ibang indibidwal at grupo sa loob ng organisasyon. Kaya’tiginigiit nito ang pagkakapantay-pantay sa gawain, rasyon, atiba pang bagay para sa lahat. Dahil hindi ito umaayon sakongkretong kalagayan at mga pangangailangan, nakakasagkaang ganitong kaisipan sa pagtupad ng gawain at sa pagsulongng rebolusyon.

Nagmumula ang kaisipang absolutong pagkakapantay-pantay sa ideyalistang kaisipan ng petiburges (maliit nanagmamay-ari) at magsasaka. Bagamat sa unang tingin anghangarin ay magkaroon ang lahat, nasa ilalim nito angmakasariling pangamba na baka malamangan ng iba.

Para maiwasto ito, kai langang i l inaw na sarebolusyonaryong hanay, ang pamamahagi ng materyal na mgabagay at gawain ay pangunahing itinatakda ng kongkretongmga pangangailangan sa pakikibaka. Sa larangan ng ideolohiya,kailangang ipaunawa na imposibleng magkaroon ng absolutongpagkakapantay-pantay. Totoo ito hindi lang sa ilalim ngsistemang kapitalista at sa malapyudal na sistema kundimaging sa ilalim ng sosyalismo.

i. Ano ang suhetibismo at paano ito maiwawasto?

Suhetibismo ang maling pagtingin o pagsusuri sa kalagayan,gawain, at maging sa mga kasama. Ibig sabihin, hindi ito

61ARALIN I LIMANG GINTONG SILAHIS AT SALIGANG REBOLUSYONARYONG AKTITUD

umaayon sa obhetibong katotohanan. Kaugnay nito angpagiging makaisang-panig, tulad ng pagbabalewala samahahalagang usapin at labis namang pagpapalaki sa dikasinghalagang mga usapin. Halimbawa nito ang labis napagpapalaki sa personal na mga kahinaan nang hindina i lu lugar o na iuugnay sa gawain sa pu l i t ika a torganisasyon.

Mauugat ang suhet ib ismo sa d i proletaryo at d isyentipikong pananaw at paraan ng pag-iisip. Nakakapinsalaito sa organisasyon dahil nagbubunga ng maling mgapatakaran at desisyon, at naglilikha ng di makaprinsipyongmga tunggaliang nagpapahina sa organisasyon.

Para maiwasto ito, kailangang ipalaganap at itaguyod angproletaryo at syentipikong paninindigan, pananaw at paraanng pagsusuri sa mga bagay-bagay. Kailangang magpakahusayang bawat isa sa pag-aaral, pagsisiyasat at pagsusuri, lalunasa panlipunang pagsisiyasat at pagsusuri sa uri.

l . Ano ang labi ng putsismo at ideolohiya ng mga pangkat ngrebeldeng lagalag at paano ito maiwawasto?

Ang labi ng putsismo at ideolohiya ng mga pangkat ngrebeldeng lagalag ay kapwa di proletaryong mga kaisipanna nagbubunsod ng kawalan ng disiplina, katamaran sagawain sa pulitika at produksyon, at bulagsak na kilos saloob ng hukbong bayan. Ang labi ng putsismo sa partikularay nagbubunsod ng labis na mapusok at mapaminsalangmga kilos sa loob ng hukbong bayan. Kapwa nakakasiraang mga ito sa pagkakaisa sa loob ng hukbong bayan at sapagitan ng hukbong bayan at ng mamamayan.

Nakikita ang mga labi ng putsismo sa pabulagsak napagkilos, maluwag na disiplina, mga kalabisan tulad ngpanununog ng bahay, pananakit sa masa at mga kasama, atpagpapahirap sa mga bihag.

62 ARALING AKTIBISTA

Nakikita naman ang ideolohiya ng rebeldeng lagalag samaluwag na disiplina, pag-iwas sa masikhay na gawaing masa,at paghahanap lamang ng kaluwagan at kasayahan. Halimbawa,sa halip na magpropaganda at tumulong sa maralitangmagsasaka, mas pipiliin nilang tumungo sa mayamangmagsasaka o sa kabayanan para makisalo sa masarap napagkain.

Nakaugat ang mga labi ng putsismo sa ideolohiyanglumpenproletaryo at petiburges. Ang ideolohiya ng mgapangkat ng rebeldeng lagalag naman ay nagmumula sa kaisipanng malaproletaryo at lumpen-proletaryong mga lagalag(bagamundo).

Para maiwasto ang mga labi ng putsismo at ideolohiya ngpangkat ng rebeldeng lagalag, kailangang maiwaksi angmakauring ugat ng mga ito. Magagawa ito sa pamamagitan ngedukasyon at aktibong tunggalian sa ideolohiya. Gayundin sapagpapasampa sa hukbong bayan ng mas maramingmilitanteng masa mula sa hanay ng mga manggagawa atmaralitang magsasaka. Kailangan ding mapahigpit angdisiplina sa hukbong bayan at maisabak ang mga yunit sagawaing masa at produksyon.

m. Anu-ano ang iba pang maling kaisipan na makikita sa atingkaranasan, at paano binabaka ang mga ito?

63

M AHALAGANG BAHAGI NG REBOLUSYON ANGrebolusyonaryong pag-aaral. Ayon kay Mao Zedong, “angkumilos na parang ‘isang nakapiring na taong nanghuhuli ng

ARALIN II

ANG REBOLUSYONARYONG PAG-AARALAT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

maya’ o ‘isang bulag na nangangapa ng isda’, ang maging padaskul-daskolat pabaya, ang magdaldal lamang, ang magkasya na lamang sa katitingna nalalaman—ito ang napakasamang estilo ng marami pa nating mgakasama”.

Magpunyagi tayo sa rebolusyonaryong pag-aaral upang mapahusay natinang ating rebolusyonaryong pagkilos. Unawain natin kung ano angrebolusyonaryong pag-aaral at wastong paraan ng pagsusuri.

64 ARALING AKTIBISTA

A.ANO ANG REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL?

1. Bakit mahalaga ang pag-aaral?Ang pag-aaral ay mahalagang gawain ng mga rebolusyonaryo.Mahalaga ito dahil ang kailangan sa rebolusyon ay mulat na pagkilos.Mapanganib para sa masa at sa rebolusyon ang kilos na ipinapaubayasa tsamba o pagbabakasakali. Ang rebolusyonaryong pagkilos ay hindirin kara-karakang pagkilos na turo lamang ng emosyon. Ang bawathakbang ay nakabatay sa kongkretong pag-aaral sa kalagayan at mgapangangailangan ng rebolusyon. Mula sa masigasig na pag-aaral aywastong naitatakda natin ang mga dapat gawin, nabubuo ang mgabalak at ang mga paraan ng pagpapatupad sa mga ito.

Ibinibigay ng pag-aaral ang mahahalagang gabay sa ating pagkilos.Hindi lamang nito itinuturo ang wastong landas ng rebolusyonaryongpakikibaka, ibinibigay din nito ang kagyat at partikular na gabay saaraw-araw nating pagkilos. Sa pamamagitan din ng ating pag-aaralnagiging matalas tayo sa pagkilala ng mapanlinlang na mga kaisipangikinakalat ng mga naghaharing uri at ng ibang elementong nais umagawng pamumuno at ilihis ang kilusan sa wastong landas.

Ang pag-aaral ng isang rebolusyonaryo ay nakikita sa paglahoksa kolektibong mga talakayan, sa pagbabasa ng mga aklat at iba panglathalain, sa pananaliksik, sa pagsisiyasat, at sa pagsusuring ginagawasa mga pagtatasa, paglalagom at pagplano ng gawain.

Ang pag-aaral ang proseso ng pag-alam at pag-unawa sa mgabagay. Hindi lamang ito pag-aaral ng teorya mula sa mga kaalamang-aklat - halimbawa, ng mga kurso, at ng teoretikal na mga sulatin nilaMarx, Lenin, Mao, at iba pa. Napakahalagang bahagi ngrebolusyonaryong pag-aaral ang pag-aaral ng kalagayan at ngkaranasan, gaya ng panlipunang pagsisiyasat, pagsusuri, at iba pa.

Ang pag-aaral ang proseso ng pag-alam at pag-unawa sa mga bagayat proseso. Hindi lamang ito pag-aaral ng teorya, na tulad ng nilalaman

65ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

ng mga kursong masa at mga akda nina Marx, Lenin, Mao at iba pa.Napakahalagang bahagi ng rebolusyonaryong pag-aaral ang pag-aaralng kasalukuyan nating kalagayan at mga karanasan, gaya ngpanlipunang pagsisiyasat, pagtatasa ng kalagayan at paglalagom ngkaranasan.

Ang paksa ng rebolusyonaryong pag-aaral ay ang lipunan atrebolusyon. Bahagi nito ang mga ideya o teorya na naglilinaw sakalagayan ng mga uri sa lipunan at ang kanilang tunggalian.

Tanging layunin natin sa pag-aaral ang mapahigpit angpaggagap sa mga bagay-bagay upang mas mabisang mabago angmga ito. Dahil nakikibaka tayo para sa isang lipunang malaya atdemokratiko, pangunahing tinutuunan ng ating rebolusyonaryongpag-aaral ang lipunan at rebolusyon. Halimbawa, pinag-aaralannatin ang teorya ng mga uri sa lipunan at tunggalian ng uri dahilsentral na mga usapin ito sa pag-unawa sa katangian at pag-unladng lipunan. Gabay ito sa pagsusuri sa katangian ng lipunangPilipino at pagtatakda ng pangkalahatang linya ng kasalukuyangrebolusyong Pilipino.

2. Bakit mahalaga ang pag-aaral tungkol sa demokratikongrebolusyong bayan?Ang pag-aaral hinggil sa demokratikong rebolusyong bayan aynapakaimportante dahil itinuturo nito ang wastong pagsusuri sakalagayan ng lipunang Pilipino, ang ugat ng mga suliranin ngmamamayan, at ang mga paraan ng paglutas nito. Ang rebolusyon ayisang syensya. Sa pakikipagtunggali sa mga kaaway kailangangmatalinong pag-aralan ang mga usapin at batas ng pagrerebolusyon,paano mahusay na makikitunggali at makikilaban ang masa paramagapi ang mga kaaway. Sa pag-aaral ng demokratikong rebolusyongbayan, napapanatiling maalab ang damdaming mapanghimagsik labansa mga pagsasamantala at pang-aapi. Napapatibay ang pakikipag-isasa isip at gawa sa mga uring api’t pinagsasamantalahan.

66 ARALING AKTIBISTA

Ang panimulang sistematikong paglilinaw sa demokratikongrebolusyong bayan ay nakuha natin sa mga kursong masa. Inililinawsa pangkalahatang kursong masa ang pagsusuri sa lipunan atrebolusyong Pilipino. Sa mga espesyal na kursong masa naman, pinag-aaralan ang pagsusulong ng mga kilusang masa ng manggagawa,magsasaka, kababaihan at kabataan bilang bahagi ng demokratikongrebolusyong bayan.

Tuluy-tuloy na pag-aaral sa demokratikong rebolusyong bayanang dapat gawin ng mga rebolusyonaryo. Habang tumatagal angpagkilos at tumataas ang antas ng pakikibaka, magkakalaman athihigpit ang pag-unawa natin sa mga prinsipyo ng demokratikongrebolusyong bayan. Ang mga kursong masa ay nagsisilbi ring pintuanpara buksan ang patuloy na pag-aaral sa mga sangguniang aklat, dyaryoat iba pang babasahin.

Ang mga librong LIPUNAN AT REBOLUSYONG PILIPINO,STRUGGLE FOR NATIONAL DEMOCRACY (MAKIBAKAPARA SA PAMBANSANG DEMOKRASYA), at KRISIS ATREBOLUSYONG PILIPINO ang pangunahing mga sanggunian ngpag-aaral sa demokratikong rebolusyong bayan. Narito ang mgasaligang paglilinaw sa mahahalagang usapin ng lipunan at rebolusyongPilipino. Sa palagiang pag-aaral ng mga librong ito, laging masasariwaang mga prinsipyo sa ating isipan. Magagabayan tayo sa pagsusuri atpaglutas ng mga problemang makakaharap natin sa pagkilos.

Mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan at rebolusyong Pilipinoang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa pamamagitan nitonauunawaan natin ang pag-unlad ng lipunang Pilipino, ang ugat ngmga saligang suliranin ng lipunan, at ang rebolusyonaryong pakikibakang masang Pilipino para sa kalayaan at demokrasya. Sa pag-aaralnaman natin sa bawat lugar na kinikilusan, napakahalagang pag-aralanang kasaysayan ng lugar para magagap ang katangian ng lugar, mgasuliranin, at ang kasaysayan ng pakikibaka ng masa.

Importante ring palaging basahin at pag-aaralan ang mga isyu ngANG BAYAN at iba pang rebolusyonaryong lathalain. Makikita natin

67ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

dito ang pagsusuri at paninindigan ng kilusan sa iba‘t ibang usapin saekonomya at pulitika sa kasalukuyan, ang kagyat at mahalagang mgatungkulin sa pagsusulong ng rebolusyon, at mga karanasan sapagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka sa iba‘t ibang sektor,lugar at larangan ng gawain.

3. Ano ang pagsisiyasat?Ang pagsisiyasat ay ang pagkuha ng tunay o wastong impormasyonhinggil sa kalagayan at mga pangyayari. Mayroong panlipunangpagsisiyasat at pagsisiyasat sa pagpapatupad ng mga gawain, plano oprograma.

Ang panlipunang pagsisiyasat ay pag-aaral sa kalagayan ng mgauri sa tunay na buhay. Isa itong mahalagang gawain sa pagsulong ngating gawaing pampulitika. Sa pagsusuri sa relasyon ng mga uri salarangan ng ekonomya, pulitika at kultura sa tunay na buhay ng mgatao, nabubuo ang kongkretong larawan ng isang lipunan o bahagi nglipunan, tulad ng isang lokalidad. Mahalaga ang panlipunangpagsisiyasat dahil inililinaw nito sa atin ang target, paraan at direksyonng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa.

Ang pagsisiyasat sa pagpapatupad ng gawain, plano o programaay ang paglikom ng datos hinggil sa tinakbo ng pagpapatupad.Halimbawa, sa mga suliraning kinaharap, sa naging pagkilos ng mgakasama at ng masa, at mga resulta nito.

Ang pagsisiyasat ay mahalagang bahagi ng rebolusyonaryong pag-aaral. Ang wasto at sapat na impormasyong nakukuha natin sapamamagitan ng pagsisiyasat ay mahalaga, at kailangan para makabuong wastong mga desisyon, plano at programa sa pagkilos. Sabi nga niMao Zedong, “Kung walang pagsisiyasat, walang karapatangmagsalita”. Kung wala tayong pagsisiyasat, wala tayong hawak nawasto at sapat na impormasyon. Ang anumang gagawing desisyon atpagkilos ay magsisimula sa ating pagbabakasakali at malamang nahumantong lamang sa kabiguan.

68 ARALING AKTIBISTA

Ang pagsisiyasat ay isang walang katapusang gawain. Ugaliin natinang pagiging mapagsiyasat. Simulan natin ang anumang pag-aaral sapagtitiyak na wasto at sapat ang impormasyong hawak natin. Tiyakinnating walang anumang nakalalampas sa ating pansin. Sa gayon,aakma palagi ang ating kaalaman sa nababagong kalagayan at patuloyna yayaman ang ating pag-unawa sa obhetibong kalagayan.

4. Ano ang pagsusuri at bakit ito mahalaga?

Ang pagsusuri ay importanteng bahagi ng ating pag-aaral. Sapamamagitan nito, mas nasasapol natin ang katangian ng mga bagayo pangyayari na sinusuri. Nauugat natin ang mga dahilan at paraanng pag-unlad ng mga ito.

Sa ibang salita, sinasagot natin sa pagsusuri ang mga tanong na“Bakit?”, “Paano?” at “Ano ang katangian at ugnayan?” Sa pag-alamkung bakit at paano umiiral ang mga bagay at nagaganap ang mgapangyayari, nagkakaroon tayo ng mas buo at mas malalim na pag-unawa sa mga bagay at pangyayari.

Talagang importante ang pagsusuri para sa rebolusyonaryongpagkilos. Ang ating mga plano at programa ay nababatay sa pagsusurisa pagbabago ng kalagayan at pag-unlad ng pagkilos. Sa pagsasagawang pagsusuri, nalilinaw kung paano ang wasto at mabisang pagharapat paglutas ng anumang problema. Sa pamamagitan ng pagsusurinalilinaw natin kung paano paghuhusayin ang paggawa atmatagumpay na tutuparin ang ating mga gawain.

Maging mapanuri. Anumang usapin ang ating hinaharap, maginginteresadong masagot hindi lamang ang “Ano?”, kundi higit pa ang“Bakit?” at “Paano?” para alamin ang sustansya o pinakaubod ng bagayo usapin. Dapat nating iwasan ang suhetibo, mababaw at makaisang-panig na pagtingin sa mga bagay-bagay. Kung nagsusuri hindi tayomalilinlang sa mga panlabas na anyo. Malalagay tayo sa aktibongpusisyon para mabisang kumilos sa pagsusulong ng ating gawain.

69ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

5. Ano ang pagtatasa?

Ang pagtatasa ay isang anyo ng pagsusuri. Bahagi ito ngrebolusyonaryong pag-aaral. Dalawang klase ng pagtatasa angkaraniwan nating ginagawa: ang pagtatasa ng gawain at angpagtatasa ng kalagayan. Ang pagtatasa ng gawain ay ang pagsusuripara masukat kung ano ang katayuan o naabot sa pagtupad ngprograma o plano. Ang pagtatasa naman ng kalagayan ay ang

Tuluy-tuloy at magkaalinsabay ang pagsasagawa ng pagsusuri atpagsisiyasat. Bagamat magkahiwalay na gawain o aktibidad,nagsasalimbayan ang mga ito sa iisang proseso. Matapos magsiyasat,sinusuri natin ang datos. Nagbubuo tayo ng mga kongklusyon atdesisyon na isinasapraktika. Muli nating sinisiyasat ang pagpapatupadnito, at muling sinusuri ang mga nagawa at pangyayari upang bataydito ay muling gumawa ng kongklusyon at desisyon para higit pangisulong ang rebolusyonaryong gawain.

70 ARALING AKTIBISTA

pagsusuri sa katangian ng sitwasyon at ng antas ng tunggalian ngmga uri sa lipunan.

Halimbawa ng pagtatasa ng gawain ang buwanang pagtatasa nakaraniwang ginagawa natin kasabay ng paghahanda ng mga ulat.Inihahanay dito ang mga nagawa at hindi nagawa, mga natamo athindi natamo batay sa plano ng pagkilos. Gumagawa rin tayo ngpagtatasa pagkatapos ng bawat aksyong masa. Natutukoy din ditokung ano ang mga nagawa at hindi nagawa, ano ang mga kulang nadapat punuan, ang mga kahinaang dapat pangibabawan at ang mgamaling dapat ituwid, at ang mga gawain sa hinaharap.

Halimbawa ng pagtatasa ng kalagayan ang pagsusuri natin sabalanse ng mga pwersa - ang naabot na pagsulong ngrebolusyonaryong pwersa sa isang banda at ang kakayahan ngreaksyunaryong pwersa sa kabila. Nililinaw natin ang naabot na antasng rebolusyonaryong pag-oorganisa, at kung ano ang mgapangangailangan at tungkulin para higit pang isulong angrebolusyonaryong lakas at kakayahang lumaban sa isang panahon.Nililinaw natin ang lakas, dispusisyon at kilos ng kaaway, at kungpaano ito patuloy na papahinain. Sa gayon, matatantya natin angating kakayahan sa pagsusulong ng pakikibaka at ang kakayahannaman ng kaaway para gumanti.

Isa pang halimbawa ang pagtatasa natin sa kalagayang pang-ekonomya ng mga magsasaka at manggagawang bukid halimbawamatapos ng bagyo upang makagawa ng kinauukulang mga hakbangpara matugunan ang mga pangangailangan.

Kailangan ang palagian at napapanahong pagtatasa. Tinitiyaknitong mulat tayo sa kalagayan at mga pangangailangan ng pagkilos,at maagap tayong makakapagtakda ng mga gawain. Ang pagtatasaay nagbibigay sa atin ng tuwiran, kagyat at ispesipikong batayan sawastong pagpaplano at pagtupad ng ating mga gawain.

Kapag lumilitaw sa patuloy na pagtatasa na nagbago na angkalagayan, o di kaya mali ang naunang pagtaya ng kalagayan,

71ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

kailangang baguhin ang plano para maiangkop ang kilos sakongkretong kalagayan.

Gayundin, nakabatay ang mga plano sa pagtatasa ng inabot naantas ng gawain. Kung gayon, binabago ang mga plano at kilos ayonsa mga pagbabago at pag-unlad na natutukoy sa patuloy na mgapagtatasa ng gawain.

6. Ano ang paglalagom?Ang paglalagom ay ang pagsusuri ng ating positibo at negatibongkaranasan para humalaw ng mga aral. Ang mga kongklusyongnabubuo natin sa paglalagom ay mga pangkalahatang aral nanakakagabay sa ating pagkilos.

Natututo tayo kapwa sa positibo at negatibong karanasan.Pinanghahawakan natin ang mga natutunan sa positibong karanasanat higit pang pinapaunlad ito. Natututo tayo mula sa negatibong mgakaranasan; maaaring maiwasan ang katulad na mga karanasan kungmahigpit na tatangangan ang mga aral mula rito.

Maraming klase ng paglalagom, depende sa ating pangangailanganat sa saklaw at katangian ng karanasang nilalagom. Karaniwangnilalagom natin ang karanasan sa pagkilos ng masa, sa pamumuno samasa at sa pagkilos ng organisasyon. Halimbawa nito ang paglalagomng karanasan sa paglulunsad ng isang kampanyang masa. Ditohumahango tayo ng mga aral sa wasto at mahusay na paraan ngpaghahanda at paglulunsad ng isang kampanyang masa. Mayroon dingpaglalagom ng karanasan sa gawaing masa sa lokalidad para humangong mga aral sa wasto at mahusay na paraan ng pagtupad ng gawaingmasa at solidong pag-oorganisa sa baryo.

Matapos mailinaw ang mga datos at resulta ng pagkilos, ayon sasaklaw ng panahon at karanasang nilalagom, pinapansin natin ang:

a) pagsulong, pagkabalaho o pag-atras ng pagkilos; ang mgadahilan at kalagayang nagbunsod nito; at mga aral namahahango rito.

72 ARALING AKTIBISTA

b) mga tampok na kalakasan, kahusayan, kahinaan atkamalian sa pagkilos; ang mga kalagayan at pananaw nanagbunsod ng mga ito; at ang mga aral na mahahango rito.

Mula sa mga ito, matutukoy ang mga rekisito para sa mahusay napagganap na gawain o para sa matagumpay na aksyon. Ang kabuuanng mga aral na nahahango sa paglalagom ay magsisilbing gabay sapanibagong antas ng pagpaplano at pagkilos. Nakakapagbigay angmga ito ng ibayong kumpyansa sa patuloy na pagsulong ng gawain.

Ang paglalagom ay mahalagang bahagi ng ating pag-aaral. Sapamamagitan nito, mahusay tayong natututo mula sa sarilingkaranasan. Aktibo nating nagagamit ang karanasan, positibo onegatibo man, para patuloy na paunlarin ang ating kaalaman at pag-unawa sa ating mga gawain at tungkulin. Sa pamamagitan ngpaglalagom, mapapahigpit natin ang pag-unawa sa mga prinsipyo ngrebolusyon batay sa naging karanasan mismo.

7. Paano ang buong proseso ng pag-alam at ngrebolusyonaryong pag-aaral?Alamin natin ang katotohanan mula sa pangyayari. Ayon kay Mao,“Ang mga ‘pangyayari’ ay lahat ng bagay na obhetibo (o kongkreto)na umiiral; ang ‘katotohanan’ ay ang panloob na pagkakaugnay-ugnay nila, iyong mga batas na sumasaklaw sa kanila; at ang ‘pag-alam’ ay pag-aaral.”

Ang pag-alam sa kalagayan at ang pagkilos para baguhin ito ayisang tuluy-tuloy na proseso. Halimbawa, tuluy-tuloy nating inaalamang kalagayan sa isang baryo, pinupukaw, inoorganisa at pinapakilosang masa para lutasin ang mga suliranin. Sa bawat hakbang ng pagkilos,inaalam muna nating mabuti ang kalagayan at mga suliranin.

Kapag nagsisimula pa lamang tayong kumilos sa baryo,inaalam natin ang kasaysayan ng lugar, ang katangian ng tereyn,anu-ano ang mga pananim at pinagkukunan ng kabuhayan, anu-

73ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

ano ang suliranin ng mga magsasaka, sinu-sino angmapagkakatiwalaan at maaasahang kumilos, sinu-sino ang mgapanginoong maylupa at mga ahente nila, atbp. Batay sa panimulangpagsisiyasat at pagsusuri, gumagawa tayo ng mga plano para sahakbang-hakbang na pag-abot, pagpupukaw, pag-organisa,hanggang sa pagpapakilos sa masa. Ginagabayan tayo ng mgapaglilinaw sa teorya ng demokratikong rebolusyong bayan, tuladng paglilinaw sa mga uri.

Habang pinapatupad natin ang mga plano, patuloy natingsinisiyasat at sinusuri ang kalagayan. Nadaragdagan angimpormasyon. Nakukumpirma ang ilang naunang kongklusyon,habang napapatunayang mali ang iba pa. Sinusuri natin batay sapraktika o sa mga resulta ng pagkilos kung tama o mali ang mganauna nating pagsusuri, kongklusyon at mga balak. Pana-panahongtinatasa ang buong kalagayan para matukoy o maangkupan angmga pagbabago rito.

Batay sa bago, mas mayaman at mas tumpak na mga ideya atkongklusyon, muli tayong nagbabalak at iniaangkop ang kilos parabaguhin ang kalagayan. Itinutuwid ang maling kaalaman,iwinawasto ang maling mga kaisipan at gawi, pinupuna ang malingmga pagkilos. Kasabay nito, i t inataguyod natin atpinapagpunyagian ang napapatunayang wasto at totoo.

Kapag nagkaroon ng sapat ng karanasan, o sa mga pagkakataongmay malaking pagbabago sa kalagayan o gawain, nilalagom natin angbuong karanasan para makahango ng mas malalalim na aral. Angmga aral na ito ay magsisilbing gabay sa panibago at mas mataas naantas ng pagkilos. Itinutuntong ang paglalagom sa mga isinasagawangpagtatasa ng kalagayan at gawain.

Mahalagang bahagi sa buong prosesong ito ang pagtatasa sasariling pwersa: pagtatasa ng buong yunit sa sariling pagkilos atkalagayan, at pagtatasa sa pagkilos at gawain ng bawat isa. Ditopumapasok ang punahan at pagpuna-sa-sarili.

74 ARALING AKTIBISTA

B.PAANO WASTONG SINUSURI

ANG MGA BAGAY AT PANGYAYARI?

Pinapalalim natin ang pag-unawa natin sa isang bagay o pangyayari sapamamagitan ng pagsusuri. Ang mga kongklusyon na nabubuo sa wastongpagsusuri ay gumagabay sa pinakamahalagang hakbang sa pag-aaral -ang pagsasapraktika. Pag-aralan natin kung gayon kung paanong wastongsinusuri ang mga bagay at pangyayari.

1. Ano ang pinagbabatayan ng wastong pagsusuri?

Nakabatay ang wastong pagsusuri sa kongkreto, aktwal, tunay, oobhetibong mga kalagayan at pangyayari. Ibig sabihin, hindi itonagsisimula sa mga pangarap, haka-haka, superstisyon at iba pangpalagay o pag-iisip na suhetibo o walang kongkretong batayan.Kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan ang tangingwastong paraan ng pagsusuri.

Madalas mangyari na mahirap gumawa ng tamang kongklusyon—halimbawa mahirap matukoy ang tunay na katangian o dahilan ngisang problema—dahil kulang pa sa kongkretong datos. Halimbawa,marami sa hawak na datos ay mali o suhetibo. Sa ganitong mgapagkakataon, kailangang palawigin at palalimin pa ang pagsisiyasatsa kalagayan.

Nangyayari ring hindi maabot ang tamang kongklusyon kahitsapat o higit pa sa kailangan ang hawak nang datos. Ito’y dahil sakakulangan sa wastong pagsusuri o pagproseso sa datos. Kaakibatnito, maaaring kulang din sa paggamit ng mga prinsipyo na gumagabaysa pag-uugnay-ugnay ng kalat-kalat na datos.

Nangyayari pa nga na maling mga kongklusyon ang nararatingbunga ng maling pagsusuri, kahit sapat ang datos na pinagbabatayan.Sa ganitong karanasan, karaniwang ang maling pagsusuri ay bungang maling pag-uugnay-ugnay ng datos.

75ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

Magsimula sa mga tunay o aktwal na mga pangyayari atkongkretong mga datos ng kalagayan. Pag-aralan ang ugnayan ngmga datos, pangyayari, at iba pa. Alin ang mahalaga, alin ang hindi?Alin ang totoo, alin ang mali? Paano ang pagkakasunud-sunod ngmga pangyayari? Ito ang pinagbabatayan ng wastong pagsusuri.

2. Bakit natin sinasabi na lahat ng bagay ay nagbabago?Ang lahat ng bagay ay nagbabago. Walang anumang bagay angmasasabi nating yari o ganap na kaya’t hindi na magbabago. Kungpagmamasdan natin ang kapaligiran, ang kalikasan at ang lipunan ngtao, makikita nating patuloy na nagbabago ang mga bagay-bagay—pati na ang tao. Bawat bagay ay may pagsibol, pag-unlad at paglipas.May mga pagbabagong dahan-dahan, may mga biglaan naman. Atang pagbabago ay nangyayari sa buong proseso ng pag-iral ng bagay,mula sa umpisa hanggang sa wakas nito.

Maraming naniniwalang hindi nagbabago o imposibleng magbagoang maraming bagay. Isang dahilan nito ay hindi lahat ng pagbabagoay madaling makita o dili kaya’y matagal ang proseso ng pagbabago.Isa pa, ipinapalaganap ang ganitong kaisipan ng mga naghaharing uripara mapanatili ang kanilang paghahari. Halimbawa, may mga nagsasabina hindi na maaaring baguhin ang kalagayang may mayayaman at maymahihirap. Alam nating hindi ito totoo, at pinalalaganap lamang ito ngmga naghaharing uri na nakikinabang sa sistemang mapagsamantalaat mapang-api para ilayo ang masa sa rebolusyon.

Marami ring naniniwala na kung nagbabago man ang mga bagay,ito’y paglipat lamang sa pwesto, pagdaragdag lamang sa bilang, o kaya’ypag-uulit lamang. Halimbawa, ang mga nakikita lamang sa kasaysayano pag-unlad ng lipunan ay ang paglikas ng tao, paglaki ng populasyon,pagpalit ng bagong henerasyon, o mga aksyon ng mga “dakilang lider”.Itinatatwa ng ganitong pagtingin ang saligan o rebolusyonaryong mgapagbabagong nagaganap sa kasaysayan tulad ng mga pagbabago sasistema sa ekonomya, pulitika at kultura ng lipunan.

76 ARALING AKTIBISTA

ANG KAALAMAN NG TAO AY BUNGA NG PAG-AARAL SA PAGBABAGO, PAGGAALAW O PAG-IRAL NG MGA BAGAY. ANG PAG-UNAWA SA MGA BAGAY SA PAMAMAGITAN NG PAG-AARALSA PAGBABAGO ANG NAGBIBIGAY NG TIBAY NG LOOB AT TATAG NG KAPASYAHAN SAHARAP NG PROBLEMA AT MAHIRAP NA SITWASYON.

Ang kaalaman ng tao ay bunga ng pag-aaral sa pagbabago, paggalawo pag-iral ng mga bagay. Kasabay ng pag-unlad ng lipunan, patuloyding umuunlad ang kaalaman ng tao. Sumusulong ang kaalaman ngtao sa pagsusuri na wastong tumutuklas sa mga dahilan at paraan ngpagbabago. Sa pag-unlad ng kaalaman ng tao, aktibo at mabisa siyangnakakakilos sa pagbabago ng mga bagay para sa kanyang pakinabang.

Ang kaalaman na mauunawaan ng tao ang mga bagay sapamamagitan ng pag-aaral sa pagbabago ang nagbibigay sa atin ngtibay ng loob at tatag ng kapasyahan sa harap ng problema at mahirapna sitwasyon. Itinuturo nito sa atin na kapag wasto nating masusuriang kalagayan, mauunawaan natin kung paano lulutasin ang problemaat haharapin ang mahirap na sitwasyon.

77ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

3. Ano ang dahilan ng pagbabago ng mga bagay?Bawat bagay ay may dalawang panig o aspeto na magkasalungat atnagtutunggalian. Ito ang tinatawag nating kontradiksyon. Angkatangian ng bagay ay itinatakda ng kontradiksyon, at ang pag-unladat pagbabago ng bagay ay itinatakda ng pagtutunggalian ng dalawangaspeto ng kontradiksyon. Kung gayon, ang dahilan ng pagbabago nganumang bagay ay nasa loob, o kaibuturan, at wala sa labas nito.

Halimbawa, bakit nagbabago at umuunlad ang lipunang Pilipino?Kapalaran ba ang nagtatakda, ang klima at kalupaan kaya, o angtulong ng ibang bayan? Hindi. Ang nagpapagalaw ng lipunan ayang kontradiksyon sa loob nito: ang tunggalian ng mga uri. Sa isangpanig naririyan ang mga uring naghahari, nagsasamantala at pumipigilsa pag-unlad ng bayan; at sa kabilang panig naman naririyan angmga uring pinaghaharian, pinagsasamantalahan at naghahangad ngkaunlaran, kalayaan at demokrasya.

Nag-iimpluwensya naman ang mga panlabas na kalagayan sapagbabago ng bagay. Walang bagay ang umiiral nang hiwalay sakanyang paligid. Sa kanyang paggalaw at pag-unlad, nakakaugnaynito ang iba pang bagay sa paligid. Ito ang panlabas na mga kalagayanna nakapagpapabilis o nakapagpapabagal sa pagbabago ng bagay.

Halimbawa, ang nagtatakda sa patuloy na pag-unlad ng isangkasama ay ang tunggalian ng wasto at maling mga ideya sa sariliniya: ang pagtataguyod ng pambansa-demokratikong interes ngsambayanan laban sa anumang salungat dito. Kaya nga nasanaturang kasama ang pagpapasya kung magpursigi sa rebolusyon omagpasibo na lamang. Ngunit may mahalagang impluwensya rinang panlabas na kalagayan sa kanyang pagpapasya: ang kanyangmga kakolektibo, ang gumagabay sa yunit niya, ang kanyang pamilya,ang kanyang minamahal, ang masang nakakasalamuha niya sapagkilos, at iba pa.

Sa halimbawang unang nabanggit, ang pag-unlad ng lipunangPilipino ay pangunahing nakasalalay sa tunggalian sa pagitan ng

78 ARALING AKTIBISTA

mamamayan laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukratangkapitalismo na matalas na nasasalamin sa rebolusyon. Ang pagsulongat tagumpay ng rebolusyon ay hindi maitatakda ng magandangkalagayang panlabas tulad ng tagumpay ng rebolusyon sa ibang bayanat krisis sa ibang bayan, gayundin ng tulong ng mga kaibigan. Ngunitang magandang kalagayang panlabas, at ang tulong sa rebolusyon aymahalaga at nakakatulong sa pagsulong ng rebolusyon hanggang satagumpay.

Itinuturo ng ganitong pag-unawa natin ang pag-iwas sa pagigingmababaw sa pagsusuri. Upang maunawaan natin ang pag-unlad ngisang bagay, kailangang pag-aaralan natin ang panloob na katangiannito, gayundin ang ugnayan nito sa iba pang bagay. Kailangang alaminnatin kung alin sa mga nalikom na datos ang panloob at alin angpanlabas. Kailangang alamin natin ang panloob na kontradiksyon atpaano ito naiimpluwensyahan ng panlabas na kondisyon.

4. Bakit natin sinasabing ang “paghahati ng isa sa dalawa”ang wastong paraan ng pagsusuri?Ang “paghahati ng isa sa dalawa” ay walang iba kundi ang pag-aaral ng kontradiksyon. Ito ang pagtungo sa kaibuturan ng bagaypara pag-aralan ang katangian at pagtutunggalian ng magkasalungatna aspeto ng kontradiksyon. Pinag-aaralan ang paggalaw at pag-unlad ng bawat aspeto, ang anyo at paraan ng pag-iral atpagtutunggalian, pagtindi at paghupa nito, aksyon at ganting aksyon,at iba pa. Ito ang wastong paraan ng pagsusuri.

Idinidiin nito na ating pakaiwasan ang pagiging makaisang-paniglamang. Makaisang-panig ang pagtingin sa isang aspeto lamang ngbagay o kontradiksyon; at ang labis na pagdiin sa isang aspetohabang minamaliit ang kabila. Makaisang-panig rin ang pag-aarallamang sa dalawang aspeto nang hindi pinag-aaralan kung paanosila nag-uugnayan at nagtutunggali.

Halimbawa, sa pagsusuri ng isang kasama, pinag-aaralan natin

79ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

ang positibo at negatibong mga katangian niya. Sa pagsusuri ng isangbaryo, pinag-aaralan natin ang mga magsasaka at manggagawangbukid sa isang banda, at ang panginoong maylupa sa kabilang banda.Sa pagsusuri ng lipunan, pinag-aaralan natin ang mgapinagsasamantalahan at inaapi sa isang banda, at ang mganagsasamantala at nang-aapi sa kabilang banda.

Para malaman ang esensya o kalikasan ng isang bagay, kailangangalamin kung alin sa dalawang aspeto nito ang nangingibabaw, oprinsipal. Napakahalaga nito dahil ang mas matimbang sa dalawangaspeto ang nagtatakda ng esensya o kalikasan ng bagay o pangyayaringsinusuri.

Anumang bagay ang ating sinusuri, sinesentruhan agad natin angpag-aaral sa kalikasan nito: ang pag-aaral sa kontradiksyon sakaibuturan nito, ang pag-aaral sa magkasalungat na aspeto, panig,katangian o pwersang nagpapagalaw nito, at pagtukoy sa kung alingaspeto ang nangingibabaw. Sa isang kasama, halimbawa, sinusuri natinang kontradiksyon ng mga kaisipan o katangiang positibo o negatibo,wasto o mali, rebolusyonaryo o di rebolusyonaryo. At malinaw natinutukoy ang nangingibabaw na katangian - ang positibo, wasto, atrebolusyonaryo.

Sa pagsusuri ng ating mga pagkilos, sinusuri natin ang nakamit atdi nakamit, at kung hanggang anong antas natugunan ang layunin;ang mga kalakasan at kahinaan; at iba pa. Gayundin, tinutukoy natinkung alin ang nangingibabaw.

Sa pagsusuri ng kontradiksyon, ginagamit natin angpaghahambing at pag-iiba. Ang kontradiksyong nagpapagalaw ngbagay na sinusuri ay higit nating nakikilala sa pamamagitan ngpaghahambing at pag-iiba nito sa iba pang kontradiksyon. Angkontradiksyon sa ating baryo, halimbawa, ay maihahambing at mapag-iiba natin sa kontradiksyon sa ibang baryo.

Sa paghahambing, sinusuri natin ang mga katangiang komun natinataglay ng kontradiksyong pinag-aaralan sa iba pang kontradiksyon.

80 ARALING AKTIBISTA

Nakakatulong ito sa atin para sentruhan agad ang pagsusuri sa esensyang bagay at nakakagabay sa atin sa pag-aaral ng kontradiksyon.

Sa pag-iiba, sinusuri natin ang mga katangiang kakaiba satinataglay ng ibang kontradiksyon, mga katangiang partikular lamangsa kanya. Sa pag-iiba mas nabubuo at napapalamnan natin ang pag-unawa sa bagay na sinusuri. Kailangan ang pag-iiba para makabuong wasto at angkop na solusyon o paraan ng pagkilos.

Halimbawa, sa pagsusuri ng kontradiksyon sa ating baryongsakahan, alam nating katulad ito ng kontradiksyon sa mga baryongsakahan sa Pilipinas. Kaya dapat ipatupad ang rebolusyong agraryosa baryo natin, at ang mga karanasan sa pagpapatupad ng rebolusyongagraryo na mababasa natin sa ANG BAYAN ay makapagbibigay saatin ng ideya kung paano ito ilulunsad sa sariling baryong kinikilusan.Subalit maaaring magkaiba ang anyo at paraan ng pangingikil ng upasa lupa ng panginoong maylupa, ang katangian at lakas ng panginoongmaylupa, ng kanyang katiwala, ng pwersang militar, ang laki at tatagng samahang masa sa baryo, ang lakas at kahandaan ng masa, at ibapa. Kaya hindi pwedeng kopyahin ang bawat hakbang na ginawa ngibang baryo sa pagpapababa ng upa sa lupa.

Mahalaga sa pagkilala sa bagay ang pag-alam sa kasaysayan nito.Sa pagsusuri natin sa kasama, inaalam natin ang kanyang uringpinagmulan, ang kanyang pamilya, ang kanyang pagkamulat, angkasaysayan ng kanyang pagkilos. Sa pagsusuri natin sa lipunangPilipino, napakahalagang maunawaan ang kasaysayan nito upangmalaman ang istorikong ugat ng kasalukuyang kalagayan at higit namaunawaan ang saligang katangian nito.

Ang pagsusuring naghahati ng isa sa dalawa ang wastong paraanng pagsusuri. Inaalam natin ang dalawang aspeto na bumubuo sakontradiksyon. Inaalam natin kung alin sa dalawang aspeto angnangingibabaw o prinsipal. Ihinahambing natin ang isang bagay saiba pa upang malaman ang esensyang komun sa kanila. Iniiba natinang bagay na ito sa iba pa upang mapalamnan at mabuo ang pag-

81ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

unawa sa bagay na sinusuri. Inaalam natin kung paano umunlad angkontradiksyon.

5. Sa isang karaniwang bagay, ano ang pangunahingnagtatakda ng pagbabago?Ang karaniwang bagay o proseso na sinusuri natin ay kumplikado.Ibig sabihin, marami itong taglay na kontradiksyon. Kailangang pag-aralan ang iba’t ibang kontradiksyong ito, ang dalawang aspeto ngbawat kontradiksyon, at ang ugnayan ng mga kontradiksyon sa isa’tisa upang maiwasan ang pagiging makaisang panig.

Sa maraming kontradiksyong ito, mayroong isang kontradiksyonna mapagpasya sa pag-unlad ng bagay o proseso. Ang kontradiksyongito ang tumutuhog, kaugnay, at nakakaapekto sa pag-iral at pag-unladng lahat ng iba pang kontradiksyon.

Susi, kung gayon, sa pag-unawa sa katangian ng isangkumplikadong bagay o proseso at kung paano ito umuunlad, angpagtukoy kung alin ang prinsipal na kontradiksyon sa bagay o proseso,at pag-alam kung paano ito umiiral at umuunlad.

Para malaman kung alin ang mapagpasya o prinsipal nakontradiksyon, kailangang masusing pag-aralan ang iba’t ibangkontradiksyon sa isang bagay o proseso. Makaisang-panig o suhetiboang pag-aaral sa isang kontradiksyon lamang, kahit ito ang prinsipalo mapagpasyang kontradiksyon. Hindi malinaw na maipipirmi naito nga ang prinsipal na kontradiksyon. Hindi makikita ang ugnaynito sa iba pang kontradiksyong umiiral.

Halimbawa, sa pagsusuri sa kalagayan ng isang baryo,napakaraming kontradiksyon. Nariyan ang kontradiksyon sa pagitanng panginoong maylupa sa isang banda, at mga kasamá atmanggagawang bukid sa kabilang banda. Nariyan ang kontradiksyonsa pagitan ng mayamang magsasaka, at maralitang magsasaka atmanggagawang bukid. Nariyan ang kontradiksyon sa pagitan ng mga

82 ARALING AKTIBISTA

panginoong maylupa, at sa pagitan ng mga panginoong maylupa atmayamang magsasaka. Nariyan ang kontradiksyon sa pagitan ng mgakomersyante at mga magsasaka. Nariyan ang kontradiksyon sa hanayng mga magsasaka.

Sa ganitong baryo, ang prinsipal na kontradiksyon ay iyong sapagitan ng panginoong maylupa sa isang banda, at mga kasamá atmanggagawang bukid sa kabilang banda. Ito ang humuhugis atmabigat na nakakaimpluwensya sa iba pang kontradiksyon sa baryo.Ang pagtukoy sa prinsipal na kontradiksyon ay napakahalaga sa pag-unawa sa kalagayan ng baryo. Mahalaga namang masuri angiba’t ibang kontradiksyon upang makita ang kabuuang kalagayan.Pinag-aaralan natin ang ugnayan ng iba’t ibang kontradiksyon sa isa’tisa, at sa kabuuan.

Tulad sa simpleng bagay o proseso, ang prinsipal o nangingibabawna aspeto ng kontradiksyon ang nagtatakda sa kalikasan ng isangbagay. Sa kumplikadong bagay o proseso, ang prinsipal na aspeto ngprinsipal na kontradiksyon ang pangunahing nagtatakda ng kalikasanng isang bagay, ng esensya nito.

Sa halimbawang tinukoy, nangingibabaw ang panginoongmaylupa sa mga kasamá at manggagawang bukid. Nakapangingikilsiya ng upa sa lupa at nakakapagtakda ng napakababang sahod samga manggagawang bukid. Nakakaimpluwensya ito sa pag-iral ngiba pang kontradiksyon. Ang ganitong kalagayan ay napagbabatayanng pagsasamantala ng komersyante at usurero sa mga maralitangmagsasaka at manggagawang bukid, at ng mga mayamang magsasakasa mga manggagawang bukid. Ang pangingibabaw ng panginoongmaylupa ang nakapagtatakda ng katangian ng kalagayan sa sinusuringbaryo.

Ang paglutas ng prinsipal na kontradiksyon ang magbibigay daansa paglutas sa iba pang kontradiksyon. Sa halimbawang nabanggit,hinaharap natin ang tunggalian sa pagitan ng mayamang magsasaka,sa isang banda, at ng magsasaka at manggagawang bukid, kaugnay

83ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

ng pagwasak sa paghahari ng panginoong maylupa. Ibig sabihin,ninunyutralisa natin sila, at hindi labis na sinasaktan ang interes nangsa gayon ay hindi aktibong pumanig sa panginoong maylupa at sahalip ay mahimok pa nga na sumuporta sa pakikibaka ng magsasakaat manggagawang bukid hanggang makakaya.

Ano ang itinuturo ng ating pag-unawa na sa karaniwang bagayna nagtataglay ng maraming kontradiksyon, ang prinsipal nakontradiksyon ang mapagpasya sa pag-inog ng bagay na ito at angprinsipal na aspeto ng prinsipal na kontradiksyon ang pangunahingnagtatakda sa kalikasan ng bagay? Itinuturo nito sa atin na sa pagsusuri,pag-aralan natin ang mga kontradiksyong bumubuo ng bagay, suriinkung alin sa mga kontradiksyon ang prinsipal, pag-aralan kung paanoito tumutuhog at nakakaimpluwensya sa iba pang kontradiksyon,pag-aralan ang mga aspeto nito at alamin kung alin sa dalawang aspetonito ang prinsipal. Kailangan ring pag-aralan ang segundaryong mgakontradiksyon at ang mga aspeto nito.

6. Bakit kailangang isaalang-alang ang ugnayan ng kabuuanat mga bahagi?Sa pagsusuri ng bagay, dapat iugnay ito sa kabuuan para maiwasangmaging makaisang-panig, mababaw at lutang ang mga kongklusyon.Sa kabilang banda, ang pagsusuri ng bagay ay nabubuo at napapalalimkapag mahusay na sinusuri ang lahat ng bahagi nito.

Anumang bagay na sinusuri natin ay kabahagi ng isang masmalawak na kabuuan. Dapat isaalang-alang ang relasyon ng bagayna sinusuri sa kabuuang ito. Kailangang pansinin kung paanonagkakaimpluwensya at nasasalamin sa bagay na sinusuri ang pag-unlad ng kabuuan. Sa gayon mas mauunawaan pa natin ang dahilanat pag-unlad ng bagay na iyon.

Halimbawa, ang baryong kinikilusan natin ay bahagi ng isangmunisipalidad at isang lalawigan. Ang mga pangyayari samunisipalidad at sa lalawigan, tulad ng pagtindi ng reaksyong

84 ARALING AKTIBISTA

militar, ay namamalas sa ating baryo sa pagtatayo halimbawa ngCAFGU o sa pagkakaroon ng mga operasyong militar. Sa pag-uugnayng pagsusuri sa baryo at relasyon nito sa mga pangyayari sa bayan atlalawigan, mas mauunawaan natin kung paano at bakit nagaganapang reaksyong militar ng kaaway. Hindi natin iisiping simplengreaksyon ito ng isang pangyayaring naganap halimbawa sa baryo.

Isa pang halimbawa ang pagkilos ng ating grupo at komiteng pang-organisa sa baryo. Ang ating mga plano ay nagsasaalang-alang atnakabatay sa plano ng seksyon at distrito. Kaya sa pagtatasa,binibigyan natin ng pansin ang epekto at impluwensya ng gabay atatas mula rito at ang pangkalahatang pagkilos sa saklaw ngmunisipalidad o seksyon.

Ang ating pagsusuri sa isang bagay ay dapat ding mag-ukol ngpansin sa pag-aaral ng mga bahaging bumubuo nito. Magiging masbuo, malaman at malalim ang ating pag-unawa sa bagay,nakukumpirma ang mga panimulang kongklusyon at naiiwasan angpahapyaw na mga kongklusyon.

Sa ating pagtatasa, halimbawa, di dapat na basta na lamangsabihing mahusay sa kalahatan ang takbo ng pagkilos. Dapat pansininsa pagsusuri ang pagkilos ng iba’t ibang grupo at ang paggampan ngiba’t ibang gawain sa edukasyon, organisasyon at pagmomobilisa samasa. Sa gayon, mas malinaw, malaman at makatotohanan ang atingpagsusuri sa naging pagtupad ng plano o programa.

Isa pang halimbawa, sa pagtatasa sa gawaing masa sinusuri natinang katangian ng bawat grupong pang-organisa, at ang latag ng gawainsa bawat sityo o bahagi ng baryo. Ang gayong pagsusuri sa mgabahaging bumubuo ng bagay na pinag-aaralan ang makapagbibigaysa atin ng buong larawan nito.

7. Paano nagbabago ang isang bagay?May kontradiksyon mula sa simula hanggang matapos ang bagay.Mahalagang pag-aralan kung paano umunlad ang kontradiksyon sa

85ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

buong proseso ng pag-unlad ng bagay, para maunawaan o masapolang katangian ng bagay at paano umuunlad ito. Ang pag-unlad ngmga bagay ay nagdaraan sa kantitatibo at kalitatibong pagbabago.

Sa simula, ang isang aspeto ng kontradiksyon ay mas malakas atnakakapangibabaw sa kabilang aspeto. Ang nangingibabaw na aspetoang nagtatakda ng batayang kalikasan ng bagay. Malakolonyal atmalapyudal ang katangian ng bayang Pilipinas, halimbawa, dahilpinaghaharian ng imperyalismong US, katutubong pyudalismo atburukratang kapitalismo ang mamamayan.

Pero hindi tigil ang katayuang ito. Walang-humpay nanagtutunggalian ang dalawang aspeto. Patuloy na nagbabago ang anyoat lakas ng bawat kasalungat. At patuloy na nagbabago ang anyo attindi ng kanilang pagtutunggalian, minsa’y tago, minsa’y litaw. Itoang tinatawag na antas ng kantitatibong pagbabago, isang antas naparang hindi nagbabago ang bagay. Ang mapapansin lamang natin,kung mayroon man, ay ang maliliit na pagbabago sa porma o panlabasna kaanyuan ng bagay. Sa buong antas na ito, hindi nagbabago angpusisyon ng mga aspeto.

Sa Pilipinas halimbawa, ang tunggalian ng mga uri ay namamalassa maraming mga pagbabago sa porma tulad ng pagdami ng walanghanapbuhay, pagdami ng mga welga at iba pang pakikibakang masa,paglakas ng hukbong bayan at iba pa. Patuloy na nilalabanan ngmamamayan ang pagsasamantala at pang-aapi. Patuloy na pinapatinding naghaharing uri ang pagsasamantala at pang-aapi, at ang panunupilat panlilinlang sa mamamayan. Nagbabago ang tindi ng tunggalian,nagbabago ang balanse ng mga pwersa, pero hindi nagbabago angkatangian ng lipunan. Wala pang nagaganap na pagbabago sa batayangrelasyon ng mga uri sa lipunan. Kaya nananatili ang kalikasangmalakolonyal at malapyudal ng lipunang Pilipino.

Nagkakaroon ng kalitatibong pagbabago sa bagay kapag nagpalitng pusisyon ang dalawang aspeto. Sa patuloy na paglakas ng datingsegundaryong aspeto at paghina ng prinsipal at pabulusok na aspeto,

86 ARALING AKTIBISTA

aabot ang panahon na ang dating segundaryo pero pasulong angmangingibabaw at ang dating prinsipal ang pangingibabawan. Ito angtinatawag na antas ng kalitatibong pagbabago. Ang pagpapalitan ngpusisyon ng pangingibabaw ng magkasalungat na aspeto ay mamamalassa isang igpaw na nagbabago sa kalikasan ng bagay. Itatakda na ngayonng bagong nangingibabaw na aspeto ang kalikasan ng bagay.

Bunga ng pagbabago sa balanse ng mga pwersa, darating angkalitatibong pagbabago sa kasalukuyang lipunang Pilipinopagkapanalo ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Ang mga uringdating naghahari, nang-aapi at nagsasamantala ay siya ngayongpaghaharian, at ang mga uring dating pinaghaharian, inaapi atpinagsasamantalahan ang siya ngayong maghahari. Magkakaroon ngpagbabago sa kalikasan ng lipunang Pilipino, pati na ng saligang mgapagbabago sa pulitika, ekonomya at kultura ng bayan.

Kailangang suriin kung saan nagsisilbi ang kantitatibongpagbabago. Ang mga kantitatibong pagbabago na naglilingkod atnagpapalakas sa prinsipal na aspeto ay hindi hahantong sa kalitatibongpagbabago. Ang mga kantitatibong pagbabago naman na naglilinkodat nagpapalakas sa segundaryong aspeto ang hahantong sakalitatibong pagbabago.

Tignan natin halimbawa ang reporma. Magkaiba ang repormismosa rebolusyonaryong pakikibaka para sa reporma. Ang una’ynagtataguyod lamang ng, at nagkakasya sa, ilang paimbabaw napagbabago nang hindi nakikibaka para sa pagbabago sa saligangkaayusan, at bagkus ay nakakatulong sa pagpapanatili nito.Samantalang ang rebolusyonaryong pakikibaka para sa reporma,habang nagtataguyod ng kagyat na pagbabago ay nagpapalakas sarebolusyonaryong hanay, at nakatumbok at nagsisilbi sarebolusyonaryong pagbabago. Ang kaibahang ito ay makikita salayunin at paraan ng pagdadala ng isyu at pakikibaka, halimbawa, ngpagpapataas ng presyo ng produkto ng magsasaka, o sa paglaban sapagtaas ng presyo ng langis. Repormismo ang magkasya sa partikular

87ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

na hinihingi nang hindi inilalantad ang ugat ng suliraning nabanggitat ang papel ng estado rito.

Dagdag pa, nalilinaw sa atin ng pag-unawa sa kantitatibo atkalitatibong pagbabago kung ano ang mga pangangailangan atkalagayan para maganap ang kalitatibong pagbabago ng bagay opangyayari.

Halimbawa, sa pagbubuo ng unyon sa pabrika kailangangtantyahin kung ang antas ng pagpupukaw at pag-oorganisa sa mgamanggagawa ay sapat na, o hindi pa sapat, upang hayagang ipaglabanna ang pagtatatag ng unyon. Gayon din, kailangang tantyahin kungsapat na ang lakas ng samahang magsasaka para sa pagharap sakampanya sa pagpapababa sa upa sa lupa. Kapag hindi wastong nasuriang bagay na ito, masusubo sa labanang hindi pa kakayanin, sa isangbanda, o dili kaya’y mag-aatubiling pumasok sa mga laban na kaya atdapat nang isulong.

Isa pang halimbawa. Sa proseso ng pagsusulong ng demokratikongrebolusyong bayan, hakbang-hakbang na nag-iipon ng lakas angrebolusyonaryong mga pwersa habang pinapahina ang reaksyunaryongmga pwersa. Kailangan makamit nito ang antas ng lakas pampulitikaat militar na bumaling na ang balanse ng mga pwersa bago maagawang kapangyarihang pampulitika. Ang paghahangad ng dagliangtagumpay militar nang hindi pa nakakamit ang pagbabagong ito aytiyak na hahantong sa kabiguan.

Itinuturo sa atin ng pag-unawa kung paano nagbabago ang isangbagay, ang pagdaan nito sa kantitatibo at kalitatibong pagbabago,ang masusing pagsusuri sa pagbabago sa anyo at lakas ng bawatkasalungat, sa pagbabago sa anyo at tindi ng kanilang tunggalian, saaksyon at ganting-aksyon ng bawat isa sa kasalungat; pag-unawa sakaibahan ng kantitatibo at kalitatibong pagbabago; pagkilala kungang kantitatibong pagbabago ay tutungo sa kalitatibong pagbabago;at sa pag-unawa sa mga pangangailangan at kalagayan para maganapang kalitatibong pagbabago.

88 ARALING AKTIBISTA

8. Paano nalulutas ang isang kontradiksyon?Sa pagkakaroon ng kalitatibong pagbabago sa pagpapalitan ngpusisyon ng prinsipal at segundaryong aspeto ng kontradiksyon,nagbabago na ang kalikasan ng isang bagay. Nawawala angkondisyon sa pag-iral ng dating magkasalungat na aspeto atnagwawakas ang lumang bagay. Sumisibol naman ang bagongkontradiksyon at bagong bagay. Sa sandaling mangibabaw ang bagongaspeto sa luma, ang lumang bagay ay nagbabago ng kalidad atnagiging bagong bagay.

Halimbawa, magbabago ang malakolonyal at malapyudal nakatangian ng lipunang Pilipino sa pagtagumpay ng demokratikongrebolusyong bayan, sa paggapi sa armadong kapangyarihan ngimperyalismong US, malaking komprador burges at malakingpanginoong maylupa. Ang nabanggit na nabubulok at reaksyunaryongaspeto na dating nangingibabaw sa buong lipunang Pilipino ay nagigingsegundaryo, at ang dating pinangingibabawang aspeto—angsambayanang Pilipino, sa rebolusyonaryong pamumuno ng uringmanggagawa at ng partido nito, ang siyang mangingibabaw. Sapagpapalit ng lugar ng dalawang aspeto ng kontradiksyon sa lipunangPilipino, nagbabago na sa saligan ito mula sa pagiging malakolonyalat malapyudal, at sumisibol bilang sosyalistang lipunan.

Isa pang halimbawa, sa paglutas ng kontradiksyon sa pagitan ngpanginoong maylupa at magsasaka, isinusulong ang rebolusyongagraryo. Kapag naipatupad na ang maksimum na programa ng repormasa lupa, nalulutas ang kontradiksyon, nawawasak ang kapangyarihanng panginoong maylupa at napapawi ang pyudalismo. Sumisibolnaman ang suliranin sa pagpapaunlad ng kooperasyon atkolektibisasyon sa agrikultura.

Bahagi ng pag-aaral natin sa kung paano nalulutas angkontradiksyon ang pag-alam sa paraan ng paglutas nito. Angtunggaliang magkaiba sa kalidad ay malulutas sa kalitatibongmagkaibang paraan. Naitatakda ng katangian ng kontradiksyon ang

89ARALIN II REBOLUSYONARYONG PAG-AARAL AT WASTONG PARAAN NG PAGSUSURI

paraan ng paglutas nito. Halimbawa, ang tunggalian sa pagitan ngmga panginoong maylupa at mga magsasaka ay malulutas lamang sapamamagitan ng rebolusyong agraryo; ang tunggalian sa pagitan ngimperyalista, malaking komprador burges at panginoong maylupa saisang banda at ng mamamayan sa kabila ay malulutas sa pamamagitanng demokratikong rebolusyong bayan. Ang tunggalian naman sapagitan ng magsasaka at manggagawang bukid ay malulutas sapamamagitan ng pagpapataas ng sahod sa balangkas ng pakikibakalaban sa pyudalismo; at ang tunggalian sa hanay ng mamamayan aymalulutas sa pamamagitan ng paglilinaw sa tama at mali.

Ang ating sinusuri ay ang mga bagay na patuloy na gumagalaw,umuunlad, at nagbabago. Ang pag-unawa natin kung gayon sa kungpaano nagbabago ang mga bagay ay napakahalaga upang makagawang wastong pagsusuri. Ating baliktanawin. Lahat ng bagay aynagbabago at ang dahilan ng pagbabago ay nasa loob nito, nasakontradiksyon, nasa tunggalian ng magkasalungat na aspeto nabumubuo nito, na umiiral sa buong proseso mula simula hanggangwakas nito. Ang panlabas na mga bagay ay nakakaimpluwensya ritoat tumatayong kalagayan sa pagbabago nito. Itinatakda ng prinsipalna aspeto ng kontradiksyon ang kalikasan ng bagay. Ang karaniwangbagay ay kumplikado at binubuo ng maraming kontradiksyon, at angprinsipal na kontradiksyon ang nakakapagtakda ng pangunahingkatangian ng bagay na iyon. Walang humpay na nagtutunggalian angmagkasalungat na aspeto at dumadaan sa panahon ng dahan-dahanat kantitatibong pagbabago. Unti-unting lumalakas angpinangingibabawang aspeto at humihina ang nangingibabaw na aspetohanggang umigpaw at magpalitan ng pwesto ang dalawa. Ito angantas ng kalitatibong pagbabago, ang pagbabago sa kalikasan ng bagay.Nalulutas ang kontradiksyon. At nagsisimula naman ang bagongkontradiksyon at bagong bagay.

Itinuturo ng ganitong pag-unawa natin sa paggalaw at pagbabagong mga bagay ang wastong paraan ng pagsusuri - ang pagbabatay sakongkreto, ang “paghahati ng isa sa dalawa”, ang paglilinaw kung

90 ARALING AKTIBISTA

alin ang panloob at panlabas, ang pag-aaral sa lahat ng mgakontradiksyong bumubuo ng isang kumplikadong bagay, ang pagtukoysa prinsipal na kontradiksyon at sa prinsipal na aspeto ngkontradiksyon upang matukoy ang kalikasan ng bagay, ang pagtukoysa prinsipal at sekundaryong mga kontradiksyon at ugnayan at pag-unlad nila; pagtukoy sa prinsipal at segundaryong aspeto ng bawatkontradiksyon, at paano sila nagtutunggalian; paano nagaganap angkantitatibong pagbabago ng bagay at ang pagbabago sa kalidad nitoat kalitatibong pagbabago ng bagay, at paano nagbabago ang kalidadnito; paano isinasaalang-alang ang ugnayan ng kabuuan at bahagi; atpaano nalulutas ang kontradiksyon at sumisibol ang bagong bagay okontradiksyon. Sa gayon, mauunawaan natin hindi lamang angkalikasan at esensya ng bagay, kundi pati kung paano ito babaguhin.Sa maiksing salita, sa kabuuan, itinuturo nito sa atin ang diwa ngkongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan.

91

ARALIN II

ANG LINYANG MASA

1. Bakit ang prinsipyong “ang masa at ang masa lamang angtagapaglikha ng kasaysayan” ang salalayang prinsipyo nglinyang masa?Ang prinsipyong “ang masa at ang masa lamang ang tagapaglikha ngkasaysayan” ay isang prinsipyong nahalaw sa syentipikong paraan samalalim na pagsusuri sa kasaysayan ng tao. Ani Mao: “Ang masa, atang masa lamang, ang pwersang pampakilos sa paglikha ng kasaysayanng daigdig.” Pinatunayan na ng maraming daantaon ng kasaysayanng sangkatauhan na ang nagsusulong ng mga pagbabago ng lipunan

92 ARALING AKTIBISTA

ay walang iba kundi ang masa. Sa kanilang lakas sa produksyonnabubuhay ang lipunan. Sa kanilang dunong at talino umuunladang kaalaman at buhay ng lipunan. Sa kanilang kapangyarihannapapalis ang anumang pwersang sumasagka sa pagsulong nglipunan. Ang mga sagka sa pagsulong ng lipunan ay malinaw nanakikita sa krisis na nararanasan ng buong lipunan, ngunitpinakamabigat na pinapasan ito ng masa na binubuo ng anakpawis.Kung hindi kikilos ang masa, hindi matatamo ang anumang saliganpagbabago sa lipunan. Ito ang kahulugan kapag sinasabi nating angmasa ang tunay na bayani.

Ang prinsipyong “ang masa at ang masa lamang ang tagapaglikhang kasaysayan” ang salalayang prinsipyo ng linyang masa dahilinililinaw nito sa syentipikong paraan kung bakit dapat lubusangsumalig sa masa, kung bakit dapat pukawin, organisahin at pakilusinang masa sa pagsusulong ng rebolusyon at sa pagsusulong ng mgarebolusyonaryong gawain.

Ito ang matibay at syentipikong batayan ng wastong aktitud samasa, ng matiyaga at pursigidong pagkilos sa hanay ng masa at ngmapagkumbabang pakikitungo sa kanila. Ito ang matibay atsyentipikong batayan ng pagsalungat sa maling kaisipan na umasa saiilang tao lamang, sa pagiging palautos sa isang banda, at pag-akonaman ng lahat ng gawain sa kabilang banda.

2. Ano ang ibig sabihin ng magtiwala at sumalig sa masa?Dapat mahigpit nating sapulin na ang rebolusyon ay isang pagsisikapng malawak na masa. Kung wala ang kanilang pagtangkilik at aktibongpaglahok dito, hindi kailanman makakamit ang rebolusyonaryong mgalayunin. Para maipagwagi ang demokratikong rebolusyong bayan,kailangang sumalig at magtiwala tayo sa masa, partikular sa malawakna masang manggagawa at magsasaka.

Nakasalalay ang katuparan ng anumang layunin at kalutasan nganumang problema sa aktibong paglahok at pagkilos ng masa. Kung

93ARALIN III ANG LINYANG MASA

gayon, dapat tayong tumungo sa hanay ng masa, makiisa sa kanila atmabisang pamunuan sila. Sa matiyagang pagpupukaw, pag-oorganisaat pagpapakilos sa malawak na masa, mabubuo at maipapamalasang kanilang lakas at ang mga rebolusyonaryong ideya ay magigingisang makapangyarihang materyal na pwersa na siyang magtutulaksa pagsulong ng lipunan.

Sinabi ni Kasamang Mao, dapat tayong magpakahusay na maisalinsa kilos ng masa ang mga patakaran ng Partido, dapat magpakahusayna maipaunawa at mahasa ang malawak na masa, hindi lamang angilang nangungunang kadre sa bawat kilusan at pakikibakang atinginilulunsad.

3. Ano ang ibig sabihin ng mahigpit na ugnay sa masa atmainit na pakikisalamuha sa kanila?Ang linyang masa ay nangangahulugan na laging pinananatili angmahigpit na ugnay sa masa. Una sa lahat, ito ay ang pagsasapusong interes ng masa. Dapat nating tiyakin na lahat ng kasama aymahigpit na nakaugnay sa masa at laging ang kanilang interes anglaging isinasalang-alang sa lahat ng gawain. Itinuturo sa atin nglinyang masa na laging pakamahalin ang masa at laging makinig satinig ng masa, at sa halip na ihiwalay ang sarili o mangibabaw sakanila ay mainit na makisalamuha sa masa.

Sa pakikisalamuha sa masa, pinupukaw natin sila at itinataasang kanilang antas ng kamulatan, tinutulungan natin silang kusangorganisahin ang sarili at ibunsod ang lahat ng esensyal napakikibakang ipinahihintulot ng mga kalagayan. Kailangang bigyannatin ng masusing pansin ang kapakanan ng masa, ang kanilangmga suliranin mula sa kawalan ng lupa, mataas na upa sa lupa,mababang sahod atbp. hanggang sa partikular na suliranin tulad ngkawalan o kakulangan ng bigas, asin, at iba pa. Kailangang talakayinnating maigi ang mga ito at gumawa ng kaukulang kapasyahankaugnay ng mga ito.

94 ARALING AKTIBISTA

Sa pamamagitan ng mga nabanggit, maipapaunawa natin sa masana kinakatawan natin ang kanilang interes at ang ating buhay aykarugtong ng kanilang buhay. Mula sa ganoong pagkakaunawa,matutulungan natin silang maunawaan ang mas malalaking tungkulinkaugnay ng pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka hanggangsa tagumpay.

Walang mangyayari sa anumang pagsisikap ng isang namumunonggrupo kung hindi ito mahigpit na ikukumbina sa pagkilos ng masa,na matatamo lamang sa pamamagitan ng mahigpit na ugnay sa kanila.Sa kabilang banda, kung ang masa lamang ang kumikilos nang walangmatatag na pamunuan na mahusay na makapag-oorganisa ng kanilangpagkilos, hindi maisusustini ang gayong pagkilos, ni maisusulong sawastong direksyon, ni maitataas sa mas mataas na antas.

95ARALIN III ANG LINYANG MASA

4. Ano ang ibig sabihin ng “mula sa masa, tungo sa masa”?Ang wastong paraan ng pamumuno sa masa ay “mula sa masa, tungosa masa”. Ibig sabihin, kalapin ang hiwa-hiwalay na mga ideya atpalagay ng masa at buuin ang mga ito. Pagkatapos ay ibalik atipaliwanag sa masa ang nabuong ideya hanggang sa tanggapin nila atisakatuparan.

Umaayon sa linyang masa ang pamumunong “mula sa masa, tungosa masa”. Para maunawaan ang kalagayan at problema ng masa, atmailinaw kung paano ito malulutas, sumasalig tayo sa kaalaman attalino ng masa. Mabubuo lamang ang wastong mga desisyon at planokung kabahagi ang mga karanasan at kaalaman ng masa. Kayatungkulin nating lumubog at magsiyasat sa hanay ng masa para maiponang hiwa-hiwalay na mga ideya nila. Sa pagsusuri at pagsisinop ng mgaideyang ito, makokonsentra natin ang mga ito sa isang sistematikongkabuuan na sumasalamin sa obhetibong kalagayan at interes ng masaat naglilinaw kung paano malulutas ang mga problema nila.

Para maisakatuparan ang mga ideyang nabuo at lutasin angproblema ng masa, kailangang sumalig sa kakayahan at lakas ng masa.May tiwala tayo na gaano man kalaki ang problema, tiyak na malulutasito basta’t nabubuo ang kapasyahan at pagkakaisa ng masa. Kayatungkulin nating matiyagang ipaliwanag sa masa ang ideyang nabuomula sa mga ideya nila hanggang yakapin nila ito bilang mismong sakanila. Sa gayon maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng kanilangsama-samang pagkilos.

5. Ano ang ibig sabihin ng kumilos ayon sa interes atkahandaan ng masa?Itinuturo ng linyang masa na dapat tayong kumilos ayon sa obhetibonginteres ng masa. Ibig sabihin, dapat tayong magsimula at kumilosayon sa kanilang kongkretong kalagayan at pangangailangan, hindisa kung ano ang ating inaakala. Gaano man kabuti ang atingintensyon, kapag lumilihis tayo sa obhetibong interes ng masa,

96 ARALING AKTIBISTA

mahihiwalay tayo sa kanila sa malao’t madali. Sa kalahatan, wastoang ating itinatakdang mga tungkulin at mga patakaran, at wasto angating paraan ng pagkilos kung umaayon ang mga ito sa mga kahilinganng masa sa isang takdang panahon at lugar.

Ngunit kadalasan sa simula hindi pa mulat ang masa sa obhetibongpangangailangan nila, hindi pa nila nauunawaan ang pangangailanganng pagbabago at hindi pa sila handang kumilos para isagawa angpagbabago. Kung kaagad na igigiit natin ang ating mga ideya, gaanoman tayo kawasto’y mahihiwalay din tayo sa masa. Dapat tayongmagtiyaga at maging pursigido sa pagpapaliwanag hanggang satanggapin ng masa ang ideyang nahalaw batay sa kanilang obhetibonginteres, at maging handa’t determinado na silang isakatuparan ito.

Kaya dapat bakahin ang komandismo sa masa, ibig sabihin angpaglampas sa aktwal na antas ng kamulatang pampulitika ng masa atpaglabag sa prinsipyo ng boluntaryong pagkilos ng masa. Hindi dapatipagpalagay ng mga kasama na ang kanilang nauunawaan aynauunawaan na rin ng masa. Matutuklasan lamang kung tunay ngangnauunawaan na ng masa ang ating nauunawaan at kung handa nasilang kumilos sa pamamagitan lamang ng pagtungo sa kanilang hanayat pagsasagawa ng pagsisiyasat.

Sa kabilang banda, dapat ding bakahin ang buntotismo sa masa.Ibig sabihin ay pagkahuli sa antas ng kamulatang pampulitika ngmasa at pagpapatumpik-tumpik sa pagkilos at paglabag sa prinsipyong pamumuno sa masa upang sumulong sa rebolusyonaryongpakikibaka. Hindi dapat ipagpalagay na walang pagkaunawa angmasa sa mga bagay na hindi pa rin natin nauunawaan. At ang ilangkasama ay bumubuntot sa ilang atrasadong elemento atipinagkakamaling ang kanilang pananaw ang pananaw ng malawakna masa.

Upang mabaka, kapwa ang komandismo at buntotismo sa masadapat mahusay na makisalamuha at magsiyasat sa masa. Paano itoisasagawa?

97ARALIN III ANG LINYANG MASA

Mahahati natin ang masa sa tatlong bahagi: ang sulong, angpanggitna at ang nahuhuling bahagi. Mas madaling nakakaunawa angsulong na bahagi ng masa sa pangangailangan ng pagbabago atnakahandang kumilos para dito. Ang nahuhuling bahagi naman aykadalasang nababahiran pa ng atrasadong mga impluwensya at nag-aatubili o tumatangging kumilos. Sa kadalasa’y nakakaunawa angpanggitnang bahagi sa pangangailangan ng pagbabago, pero nag-uurong-sulong at hindi lubos na handang kumilos.

Pangunahing umaasa tayo sa sulong na bahagi ng masa, angbahaging pinakaaktibo, masigasig at interesado sa pagbabago. Sapamamagitan ng sulong na bahaging ito, napapakilos ang panggitnangbahagi at nakakabig ang nahuhuling bahagi. Sa ganitong paraan, wastonating napapamunuan ang masa ayon sa kanilang obhetibong interesat nang may pagsasaalang-alang sa kanilang kahandaang kumilos parasa pagbabago.

Kung hindi natin isasaalang-alang ang kahandaan ng masa,lalampas tayo sa kanilang kamulatan at kahandaan sa isang panahon.Pakikilusin natin sila sa pamamagitan ng pag-uutos at pamimilit,hindi sa kusang pagkilos na nagmumula sa kanilang pagkakaunawa.Kung magpapatali naman tayo sa pananaw at pagkilos ngnakararami, at lalo na ng malaki ngunit nahuhuling bahagi, bubuntottayo sa masa. Mangyayaring handa na’t nananawagan ng pagbabagoang sulong at maging ang panggitnang bahagi ng masa, pero tayo paang nag-aatubili’t kukumbinsihin nila.

Dapat tayong magpunyagi sa pagpapataas ng rebolusyonaryongkamulatan ng masa. Ibig sabihin, maging matiyaga tayo sa pagbibigayng rebolusyonaryong edukasyon sa kanila nang sa gayon tuloy-tuloyna naitataas ang antas ng kanilang kahandaan at kakayahanglumaban. Kasabay nito ang mga pagsisikap upang tuloy-tuloy dingmapalawak at mapatatag ang organisadong lakas ng masa. Sapamamagitan nito, tuloy-tuloy na naitataas ang antas ng kanilangpagkilos hanggang sa tagumpay.

98 ARALING AKTIBISTA

6. Bakit ang pagtalima sa linya ng demokratikongrebolusyong bayan ang susi sa wastong pagsabuhay nglinyang masa sa kasalukuyang yugto ng rebolusyongPilipino?Ang linya ng demokratikong rebolusyong bayan ay nabuo mula samasusing pag-aaral ng kasaysayan at kalagayan ng lipunang Pilipino.Ito ang tumutugon sa interes ng sambayanan para sa kalayaan atdemokrasya. Ang demokratikong rebolusyong bayan ay nagsisimulasa obhetibong kalagayan at pangangailangan ng malawak na masa atnagtuturo sa wastong landas ng rebolusyonaryong pagbabago. At dahilumaalinsunod sa obetibong interes ng malawak na masa, ang linyang demokratikong rebolusyong bayan ay madaling mauunawaan ngmasa, madaling mayayakap bilang kanila at maisasalin sa kanilangpagkilos.

Ang linya ng demokratikong rebolusyong bayan ang susi parawasto at mabisang pukawin, organisahin at pakilusin ang milyun-milyong masang pinagsasamantalahan at inaapi. Sa pag-aaral sapartikular na kalagayan, problema at pananaw ng masa sa lugar nakinikilusan dapt mahigpit itong nagagabayan ng mga saligangpananaw, prinsipyo at programa ng demokratikong rebolusyong bayan.

7. Bakit mahalaga ang demokratikong estilo ng paggawa sapagsasabuhay ng linyang masa?Bukod sa wastong linyang demokratikong rebolusyong bayan, atwastong mga patakaran na wastong naglalapat ng linyang ito ayon sapartikular na kalagayan at pang-araw-araw na pagkilos ng masa,mahalaga ang demokratikong estilo ng paggawa sa pagsasabuhay nglinyang masa. Malinaw na ipinapakita ng ating karanasan pinahihigpitng wastong estilo ng paggawa ang ating ugnay sa masa, habang angmaling estilo ng paggawa ay walang salang sumasalungat sa mgaadhikain at kahilingan ng masa sa isang takdang panahon at lugar attiyak na ihihiwalay tayo sa masa.

99ARALIN III ANG LINYANG MASA

Ang mga kapasyahan ay dapat gawin matapos ng masusingpagsisiyasat at pakikipagkonsultahan sa mga kasama at sa masa atmatapos ng sapat na kolektibong talakayan. Matapos marating angkapasyahan, hindi sapat na ang mga namumuno lamang angnakakaunawa ng mga panawagan at patakaran; dapat itong iparatingat mahigpit na ipaunawa sa masa para aktibong makalahok sila sapagpapatupad ng mga ito.

Kailangang mahusay na makiisa sa malawak na mayorya ng mgakasama at sa masa. Kailangang matamang pakinggan ang masa, attanggapin ang wastong mga obserbasyon at panukala at punahinang mali. Dapat laging iwasan ang pagkilos sa maliliit na grupo atang pagsasaalang-alang lamang sa kapakanan ng maliit na grupo.Sa lahat ng pagkakataon, dapat nating linangin ang demokratikongestilo ng masa.

100

8. Bakit umaalinsunod ang linyang masa sa rebolusyonaryonglinya sa uri?Sino ang bumubuo ng masang Pilipino? Sino ang masang dapatpukawin, organisahin at pakilusin? Masasagot lamang nang wastoang mga tanong ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa uri at pag-unawa sa rebolusyonaryong linya sa uri.

Ang rebolusyonaryong linya sa uri ang prinsipyong nagtuturosa atin ng pagkilala at wastong pakikitungo sa iba’t ibang uri salipunang Pilipino. Inililinaw nito kung sino ang tunay na mgakaibigan at ang tunay na mga kaaway ng rebolusyon. Sino angnakararaming uring pinagsasamantalahan at inaapi. Inililinaw nitoang wastong makauring batayan ng pamumuno natin sa masa: angumasa pangunahin sa pinakamasasaligang mga uri, paghimok samga gitnang pwersa, at paghiwalay at paglaban sa mga kaaway.Sinasamantala rin natin ang mga hidwaan sa hanay ng kaawaynang sa gayon higit pang mapahina ang buong naghaharing uri atibayong mapalakas ang rebolusyonaryong pwersa.

Sa kalahatan, itinuturo ng rebolusyonaryong linya sa uri angpagbibigay-diin sa pagkilos sa hanay ng mga anakpawis—ang mgamanggagawa, magsasaka at mala-proletaryado. Sa kanayunan,binibigyan natin ng pangunahing pansin ang pinakamasasaligangmga uri at saray—ang mga manggagawang bukid, at ang maralitaat mababang panggitnang mga magsasaka. Kinakabig natin angpanggitna at nakatataas na panggitnang mga magsasaka atninunyutralisa ang mayamang mga magsasaka. Sinasamantala rinnatin ang hidwaan sa pagitan ng naliliwanagan at despotikongmga panginoong maylupa. Sa pamamagitan nito, mabisangnaihihiwalay natin ang huli at napapahina ang kapangyarihan ngkabuuang uring panginoong maylupa. Sa pamamagitan ngrebolusyonaryong linya sa uri nagkakaroon ng syentipikongmakauring batayan ang pagkilala sa bumubuo ng masa sa isanglugar.

101ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

102 ARALING AKTIBISTA

ARALIN II

ANG DEMOKRATIKONG SENTRALISMOAT SISTEMANG KOMITE

A.ANG DEMOKRATIKONG SENTRALISMO

1. Ano ang organisasyon at bakit ito mahalaga?Ang organisasyon ay isang sistema ng pagbubuklod ng mga tao paratumindig at kumilos bilang isang buong pwersa. Binibigkis nito angbawat kasapi at ang iba’t ibang bahagi para kumilos bilang isa tungosa pagkakamit ng iisang layunin. Sa pamamagitan ng organisasyon atorganisadong pagkilos, ang pagkakaisang nakabatay sa iisang diwa’tadhikain ay nagkakaroon ng kongkretong anyo o ekspresyon.

103ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

Bilang sistema, ang isang organisasyon ay mayroong tiyak na mgaprinsipyong gumagabay sa pag-iisip at pagkilos ng buong kasapiannito. Mayroon itong balangkas ng pangunahing mga tungkulin nasinasalamin ng isang sistema ng pamumuno sa iba’t ibang antas atsaklaw ng responsibilidad. Ito ang pangunahing mga sangkap natumitiyak ng pagmartsa sa iisang kumpas tungo sa pagtatamo ngnaitakdang layunin.

Maihahambing ang organisasyon sa walis na kumukuha ng lakassa pagkabigkis ng mga tinting. Kung magkakahiwalay, mahina at masmadaling mabali ang bawat tinting. Ngunit kapag pinagbigkis, nagigingwalis ang mga tinting na mabisang panlinis ng mga dumi.

2. Ano ang rebolusyonaryong organisasyon? Bakit itomahalaga?Rebolusyonaryo ang isang organisasyon na nagtataguyod sa interesng malawak na masa. Puspusan itong kumikilos para palayain angsambayanan mula sa pagsasamantala at pang-aapi at para sa tunayna pagbabago ng lipunan.

Ang ating kasaysayan ay punong-puno ng mga karanasan ngsambayanang Pilipino sa pagbubuo ng iba’t ibang organisasyon para sapagsusulong ng kanilang rebolusyonaryong mga pakikibaka.Halimbawa, itinatag ang Katipunan noong 1896 bilang daluyan ngarmadong paglaban ng sambayanan tungo sa layuning palayain angbayan mula sa paghahari ng kolonyalismong Espanyol. Sa kasalukuyan,naririyan ang Partido Komunista ng Pilipinas, ang Bagong HukbongBayan, at ang iba’t ibang mga organisasyong masa sa iba’t ibang sulokng bayan na nagpupunyagi para sa pagsusulong ng pakikibaka paramakamit ang pambansang kalayaan at tunay na demokrasya.

Kabaliktaran nito ang mga organisasyong nakatayo o itinatayong kaaway. Layon ng mga ito na pangalagaan ang makitid na interesng nagsasamantala at nang-aaping mga uri. Nais nilang panatiliin angisang kaayusan ng lipunan na napapakinabangan lamang ng iilan

104 ARALING AKTIBISTA

habang hinahadlangan ang mithiin ng nakakarami para sa pagbabago.Sa tuwiran at di tuwirang mga pamamaraan, ginagamit ang mga itoupang linlangin at supilin ang mamamayan. Halimbawa, naririyanang AFP, Konseho ng Baryo, at mga bogus na kooperatiba.

Hindi lamang pabor sa kaaway kundi ginagawa nito ang lahatpara panatiliing hiwa-hiwalay tayong mga anakpawis. Karaniwanniyang ipinapatupad ang taktikang “manghati at magharian” parasagkaan ang pagbubuo ng ating pagkakaisa. Ito ang dahilan kungbakit ang minoryang mga naghaharing uri ay nakakapangibabaw samayoryang masang Pilipino. Hangga’t tayo ay hiwa-hiwalay, hinditayo magiging mabisa sa paglaban sa kanilang pagsasamantala, pang-aapi at paghahari. Ngunit kung organisado at matibay ang pagkakaisa,tulad ng walis, makakakilos tayo para alisin ang mga dumi at suliraninng lipunan. Ang lakas ng pagkakaisa ang tanging pwersa namaihaharap ng malawak na sambayanan laban sa makapangyarihangmga kaaway sa uri.

Kaya tungkulin nating itayo ang mga rebolusyonaryongorganisasyon ng mamamayan para may magsilbing daluyan ngpagkakaisa at ng mga pakikibaka nila. Palagi nating patatagin atpalakasin ang mga ito at magpakahusay sa pagbibigkis atpagpapakilos ng ating pwersa. Sa gayon lamang natin maipapamalasang kapangyarihan at lakas sa pagkakaisa ng nakararaming mga uringpinagsasamantalahan at inaapi para ibagsak ang kanilang mga kaawaysa uri at itayo ang demokratiko at malayang Pilipinas.

Boluntaryo ang pagsapi sa rebolusyonaryong mga organisasyon.Ang pagsapi ay nangangahulugan ng mulat na pagyakap sa simulain,at komitment na kusang kikilos ayon sa mga prinsipyo, patakaran atdesisyon ng organisasyon.

3. Ano ang demokratikong sentralismo?Ang demokratikong sentralismo ay ang prinsipyong gumagabaysa atin sa pagbubuo at pagpapatakbo ng ating organisasyon. Ito

105ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

ang siyang nagtitiyak na kikilos tayo bilang isang organisadongkabuuan.

Ang demokratikong sentralismo ay nangangahulugan ngsentralismong nakabatay sa demokrasya at demokrasyang ginagabayanng sentralisadong pamumuno.

Ang sentralismong nakabatay sa demokrasya ay nangangahuluganng pagsasaalang-alang ng lahat sa kabuuang interes at kalagayan ngorganisasyon. Ang mahusay na pagkilos ng buong organisasyon aynagmumula sa aktibong partisipasyon ng bawat kasapi at bahagi nito.Ang mga desisyong pinapairal sa organisasyon ay kolektibongpinagpapasyahan at nakabatay sa pangkalahatang interes.

Ang demokrasyang ginagabayan ng sentralisadong pamumunoay nangangahulugang ang interes at pagkilos ng bawat kasapi obahagi ng organisasyon ay napaiilalim, umaayon at nagsusulongsa pangkabuuang interes at layunin. Mahigpit na sinusunod angmga desisyon ng organisasyon at buong-layang kumikilos angbawat isa para isulong ang interes at mga layunin ng organisasyon.

Ang esensya ng sentralismo ay ang matibay na komitment ngbawat kasapi sa mga prinsipyo at layunin ng organisasyon na siyangpinakabatayan ng pagkakaisa ng buong kasapian. Dito nagmumulaang mulat na disiplina ng mga kasapi ng organisasyon, o ang kusangpagsasai lal im nila sa disipl ina ng organisasyon para saikatatagumpay ng mga layunin ng organisasyon. Sa kabilang banda,ang demokrasya ay ang paglahok ng kasapian sa pagbubuo atpagpapatupad ng mga desisyon, at ang mahusay na pagtangan ngbawat kasapi ng kanilang mga tungkulin at mga karapatan bilangkasapi ng organisasyon.

Inilalatag ng ating mulat na pagsunod sa prinsipyo ngdemokratikong sentralismo ang mahusay na kalagayan para sa masiglaat mahusay na pagkilos ng bawat isa at ng buong organisasyon. Sagayon nabubuo natin ang wastong mga desisyon, plano at programasa pagkilos at epektibo natin itong naipapatupad. Tinitiyak din nito

106 ARALING AKTIBISTA

na mananatiling matibay at buo ang ating organisasyon sa harap ngiba’t ibang pakana ng kaaway na wasakin ito. Ang pagsasabuhay saprinsipyo ng demokratikong sentralismo ay mahalaga para matiyakang mabisang organisadong pagkilos tungo sa pagtatagumpay ngrebolusyonaryong mga layunin natin.

Nasa ubod ng demokratikong sentralismo ang mahigpit napagtataguyod sa mga saligang prinsipyo at pagpapatupad sa mgapatakaran at mga desisyon ng organisasyon. Ito ang pangunahingnagtitiyak ng pagkakaisa ng buong kasapian sa isip at sa pagkilos.

4. Anu-ano ang mga batayang kundisyon ng pag-iral ngdemokratikong sentralismo?Upang maisabuhay ang demokratikong sentralismo kinakailangan angsumusunod na mga kundisyon:

a. Ang mga namumunong yunit o grupo sa lahat ng antas ngorganisasyon ay pinipili sa demokratikong pamamaraan. Silaay responsable sa kani-kanilang pinamumunuang antas napumili sa kanila.

b. Pagkatapos ng malaya at masusing talakayan, lahat ngdesisyon ay ipapatupad nang walang pasubali at alinsunodsa apat na alituntunin sa disiplina.

k. Laging binibigyang-pansin ng mga namumunong yunit ogrupo ang mga ulat at pananaw ng mga pinamumunuan nilangyunit at ng masang kasapian. Lagi nilang pinag-aaralan angmga kongkretong karanasan at nagbibigay ng maagap nagabay at tulong sa paglutas ng mga suliranin.

d. Ang nakabababang mga yunit ay magbibigay ng mga regularat espesyal na ulat tungkol sa mga gawain nila saorganisasyong nakatataas sa kanila at maagap na hihiling ngmga instruksyon tungkol sa mga suliraning nangangailanganng desisyon ng nakatataas na yunit.

107ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

e. Lahat ng yunit ay sumusunod sa prinsipyo ng kolektibongpamumuno at lahat ng mahalagang usapin ay pinagpapasyahannang kolektibo.

5. Ano ang apat na alituntunin sa disiplina?Mahalaga ang apat na alituntunin sa disiplina para matiyak angpagkakaisa ng ating organisasyon. Nakabatay ang mga ito sa prinsipyong demokratikong sentralismo. Ang mga ito ay:

Una, ang indibidwal ay napapailalim sa organisasyon. Ibig sabihin,ang bawat indibidwal ay kailangang pumailalim sa interes ng buongorganisasyon. Kailangang sundin niya ang Saligang Batas ngorganisasyon at mga desisyon nang walang pasubali.

Ikalawa, ang minorya ay napapailalim sa mayorya. Ibig sabihin,ang pasyang masusunod sa organisasyon ay nakabatay sa pagsang-ayon ng mayorya o nakararami. Kahit may ibang pusisyon ang minoryao iilan, kapag nabuo na ang pasya ng organisasyon, kailangan silangpumailalim at sumunod sa kolektibong pasya.

Ikatlo, ang nakabababang antas ay napapailalim sa nakatataas naantas. Ibig sabihin, ang mas nakabababang antas o yunit ay kailangangsumunod sa mga desisyon at patakaran ng nakatataas na organo nakumakatawan ng mas malawak na saklaw ng organisasyon.

At panghuli, ang buong kasapian ay napapailalim sa pinakamataasna pamunuan at kapulungan. Ibig sabihin, ang mga desisyon atpatakarang binuo ng pinakamataas na pamunuan at kapulungan aymay bisa at kailangang sundin ng lahat ng kasapi at bahagi ngorganisasyon.

6. Ano ang mga tungkulin ng pamunuan at nakatataas naantas ng organisasyon?Kakaiba ang pamunuan ng rebolusyonaryong organisasyon sa mgaburges o pyudal na organisasyon ng kasalukuyang bulok na lipunan.

108 ARALING AKTIBISTA

Hindi sila mga haring nangingibabaw at nagmamando sa kasapian.Ang pamunuan ay binubuo at kumikilos ayon sa prinsipyo ngdemokratikong sentralismo. Kumikilos ito para sa pangkalahatanginteres ng organisasyon at hindi para sa interes ng indibidwal o maliitman na grupo.

Ang pamunuan ay pinipili sa demokratikong paraan. Maaaringmaisagawa ito sa pamamagitan ng simpleng konsensus (ibig sabihin,may pangkalahatang pagsang-ayon ng kasapian sa pinipiling mgamamumuno). Sa mas mataas na antas ng pag-unlad ng organisasyon,kapag hinog na ang mga kalagayan at nakapag-ipon na ng mayayamangmga karanasan, ang mas pormal na proseso ng halalan sa pagpili ngmga namumuno ay maaaring isagawa.

Tungkulin ng pamunuan ang pangkalahatang pamumuno saorganisasyon. Sinusubaybayan nito ang pangkalahatang takbo ngpagkilos ng buong organisasyon para matiyak na masinop atnagkakaisang isinusulong ang mga layunin ng organisasyon. Direktanitong pinapangunahan ang paggampan ng mahahalagang gawain paramatiyak ang mahusay na pagtupad sa mga desisyon, plano at programasa pagkilos. Pinapangasiwaan nito ang pagkilos sa iba’t ibang bahaging organisasyon para matiyak ang masinop na pagpapatupad ng mgagawain.

Isang mahalagang papel ng pamunuan ang pagbabalangkas ngplano at programa ng pagkilos ng organisasyon. Karaniwang nakasaadsa programa ang partikular na mga layunin sa isang panahon at angmga tungkulin o gawaing kailangang ipatupad para kamtin angitinakdang mga layunin. Nagtatakda rin ang pamunuan ng mga gabayat patakaran para pagpapatupad ng programa o plano. Sapamamagitan ng programa o plano ng pagkilos, nasisistematisa atnapapag-isa natin ang pagkilos ng organisasyon. Gayundin, kailanganang mahusay na pag-aaral sa kalagayan ng masa at pagtiyak na angprograma, plano at mga patakaran ay tumutugon sa obhetibong interesng masa. Ang mga plano at programang binabalangkas ay kailangangipalaganap at ipaunawa agad sa buong kasapian.

109ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

Napakahalagang nagagagap ng pamunuan ang takbo ng pagkilosng kabuuang organisasyon at maging ang mga baha-bahagi nito.Tumatanggap ang pamunuan ng mga ulat mula sa nakabababang mgaantas ng organisasyon at masusi nitong pinag-aaralan at sinusuri angmga iyon. Bukod dito, tumutungo ang mga namumuno sa hanay ngkasapian at sa masa para tuwirang mangalap ng kinakailangang mgaimpormasyon at alamin ang kongkretong kalagayan. Sa gayon,natitiyak ng pamunuan na laging nasusubaybayan nito ang takbo ngpagkilos at nasasapol agad ang anumang pagbabago ng kalagayan.Kaya maagap ang paggabay at pagdedesisyon at naaangkupan atnalulutas ang sumusulpot na mga problema. Sa gayon natitiyak nanaisusulong ang mga gawain.

Ang pamunuan ang tumatawag at nagpapatakbo ng mgapangkalahatang pulong ng organisasyon. Dito tinatalakay atpinagpapasyahan ang mahahalagang usaping kasangkot ang interesat pagkilos ng organisasyon tungo sa pagbubuo ng nagkakaisangpagtanaw at kinakailangang mga desisyon kaugnay ng naihapag namga usapin. Dito rin iniuulat ng pamunuan ang kalagayan at takbong pagkilos at inihahapag ang binalangkas na programa o plano paramapagkaisahan. Tungkulin ng pamunuan na tiyaking mahusay nanabubuo ang pagkakaisa sa loob ng mga pulong.

7. Ano ang mga tungkulin ng kasapian at nakabababang antas?Ang kasapian ng rebolusyonaryong organisasyon ay binubuo ng mgaaktibo at responsableng indibidwal na kumikilos para isulong ang mgalayunin ng organisasyon. Kaiba ito sa pagsapi sa burges o pyudal naorganisasyon na buhaghag ang pagkakaisa dahil ang umiiral ay angpagiging sunud-sunuran sa utos ng pamunuan o kaya’y ang pag-asalamang sa pagkilos at maibibigay ng pamunuan. Ang mga kasapi ngrebolusyonaryong organisasyon ay hindi kumikilos para sa sariling intereso interes ng maliit na grupo, kundi para sa layunin ng organisasyon.Ang bawat isa’y nagpapahalaga at kumikilos para mabuo ang matatagat malakas na organisasyon laban sa mga naghaharing uri.

110 ARALING AKTIBISTA

Tungkulin ng bawat kasapi at bahagi ng organisasyon na sumunodsa lahat ng desisyon, ipatupad ang mga gawain, plano at programanang buong husay, pangalagaan ang interes at kaligtasan ngorganisasyon at kumikilos ayon sa kabuuang interes at layunin ngorganisasyon. Kailangang pag-aralan ng bawat isa at bawat bahaging organisasyon ang mga desisyon, plano at programa paramaunawaan ang mga ito nang husto, masuri kung paano itomaipapatupad at makapagtatakda ng mga paraan ng paggawa.Kailangang ipaabot agad sa pamunuan ang anumang katanungan oproblema, at ang resulta ng pagpapatupad ng mga gawain.

Tungkulin ng lahat ng kasapi at nakabababang antas ng organisasyonang regular at maagap na pagpapaabot ng mga ulat, kasama na angkanilang mga mungkahi, obserbasyon at puna sa iba’t ibang usapingmahalaga sa interes at pagkilos ng organisasyon. Responsibilidad ngbawat isa na masusing pag-aralan ang kalagayang kinapapalooban, atmaging tapat at tiyaking naipapaabot ang wastong impormasyon.Kailangan ito para mabuo ang wastong mga desisyon at plano.

Tungkulin ng bawat kasapi ang dumalo at aktibong lumahok samga pulong. Responsibilidad niyang tumulong sa pagbubuo ngpagkakaisa at mag-ambag sa pagbubuo ng mga desisyon. Sa mgapulong lumalahok ang bawat kasapi sa paglalahad ng kanyangkaranasan at kaalaman sa kalagayan at pagpapahayag ng kanyangmga opinyon, obserbasyon, mungkahi at puna.

B.ANG SISTEMANG KOMITE

1. Ano ang kolektibong pamumuno?Ang kolektibong pamumuno ay ang pagsasabuhay ng prinsipyo ngdemokratikong sentralismo sa pagkilos ng pamunuan ngrebolusyonaryong organisasyon. Itinuturo nito ang pagkilos ng mga

111ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

namumunong komite bilang mga kolektiba. Ang lahat ngmahahalagang usapin ay kolektibong dinedesisyunan at ipinapatupad.

Sa pamamagitan ng kolektibong pamumuno, wastongmakakatawan sa pamunuan ang malawak na base ng demokratikongpartisipasyon ng kasapian. Mas mahusay na masasapol ng pamunuanang kalagayan at mga suliraning kinakaharap ng organisasyon.Nakakatayo ang mga namumunong komite bilang matatatag atnagkakaisang sentro ng pamumuno ng rebolusyonaryongorganisasyon.

Sa pamamagitan ng kolektibong pamumuno mahusay nanapagsasanib ang pagkilos ng mga kagawad para gampanan angkanilang mga tungkulin sa pamumuno. Pinauunlad nito ang inisyatibaat pagsisikap ng bawat kagawad na lumahok sa pagbubuo atpagpapatupad ng mga desisyon ng kolektiba. Sa gayon, naiiwasannating mamonopolyo ng isa o ng iilan ang pagdedesisyon atpagpapatakbo ng organisayon.

2. Ano ang sistemang komite?Ang sistemang komite ay sistema o paraan ng kolektibong pagkilosng namumunong grupo o komite. Nakikita sa sistemang komite angpaghahati ng mga gawain, ang relasyon ng kalihim at mga kagawad,pagpupulong at iba pa. Naglalayon itong palakasin ang pamunuanng organisasyon nang sa gayon mabisang magampanan nito angtungkulin ng pamumuno.

Ang sistemang komite ay mahalagang pag-aralan at ipatupad nangbuong husay. Paraan ito para mahusay na naisasabuhay ang prinsipyong kolektibong pamumuno. Lalo na sa pagdami at paglaki ng mgagawain ng pamumuno ng lumalaking organisasyon, kailangangbigyang pansin ng namumunong komite ang organisado atsistematikong pag-atupag ng mga gawain nito.

Mahusay na pinagkukumbina ng sistemang komite angkolektibong pamumuno at indibidwal na responsibilidad. Ang

112 ARALING AKTIBISTA

mahusay na paggampan ng bawat kagawad ng komite ng kani-kanilang partikular na tungkulin ay tumutulong sa pagpapalakas ngkolektibong pamumuno.

Sa pamamagitan ng sistemang komite naiiwasan ang mgaproblemang nakakabara sa takbo ng pagkilos ng komite. Kung maynasusunod na sistema ng paghahati ng gawain, naiiwasangmatambak sa kalihim ang mga gawain habang hindi naman mahusayna napapakilos ang ibang kagawad. Kung may sinusunod na sistemang mga pulong, naiiwasan ang sobrang madadalas at mahahabangpulong at mahusay na napaghahandaan ang bawat pulong.Naiiwasan ang pagkaligta sa ibang gawain o matagal bago malutasang mga problema. Ang sistemang komite ay importante paramahusay na maharap ng komite ang mahahalagang gawain atproblema ng pamumuno.

3. Ano ang tungkulin ng kalihim?Ang kalihim ang namumuno sa komite. Sa ibang salita, siya ang liderng kolektibong pagkilos ng komite.

Ang kalihim ang pangunahing sumusubaybay sa pagkilos ngkomite. Ang pagtiyak ng mahusay na pagganap ng komite sa mgatungkulin at gawain nito ay palaging isinasaisip ng kalihim. Tinitiyakniyang napapanatili at napapahigpit pa ang pagkakaisa at napapahusayang kolektibong pagkilos ng komite. Pinapansin niya ang pagkilosng bawat kagawad at ang pagtupad ng iba’t ibang gawain para tiyakingmahusay na naisasakatuparan ang mga desisyon. Agad-agad niyanginiimbestiga at ikinukonsulta sa mga kagawad ang anumang problemao pagbabago ng kalagayan na kailangang aksyunan.

Ang kalihim ang nangunguna sa pagkilos ng komite, sa pagtupadng mga desisyon at paglutas ng mga problema. Sa gayon nailalagaysiya sa pinakamahusay na pusisyon para sumentro at bumigkis sakolektibong pagkilos ng komite. Patuloy na pinaghuhusay niya angpakikipagkaisa at pag-iisa ng mga kagawad. Sa gayon mas mahusay

113ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

niyang natitiyak ang sabay-sabay na paghakbang ng mga kagawadpara epektibong pamunuan ang pagkilos ng organisasyon.

4. Ano ang wastong relasyon ng kalihim at ng mga kagawadng komite?Umiiral sa pagitan ng kalihim at mga kasapi ng komite ang mahigpitna pagkakaisa—pagkakaisang tupdin ang kanilang tungkulin sapamumuno na ipinabalikat sa kanila ng organisasyon. Mahalaga angpagkakaisang ito para maging mabisa at mabunga ang pamumunong komite. Isang mahalagang sangkap ang pagtitiwala ng mgakagawad sa isa’t isa para mapanatiling buo ang pagkakaisa ng buongkomite.

Bilang pinuno ng komite, sinusubaybayan ng kalihim ang pagkilosng mga kagawad para tiyaking mahusay na naipapatupad ang mgadesisyon ng komite. Ginagabayan at tinutulungan niya ang bawat isasa paggampan ng mga gawain. Sa pangunguna sa pagkilos, ipinapakitaniya ang wastong paraan ng paggawa sa pamamagitan ng halimbawa.Ngunit ang pamumuno ng kalihim ay hindi nangangahulugangnatatangi at nangingibabaw siya sa komite at mga kagawad nito.Kapantay ang boses at mga karapatan niya sa iba pang kagawad.Wala siyang espesyal na mga pribilehiyo, at tungkulin niyang tupdinang mga kolektibong desisyon.

Tungkulin naman ng mga kasapi na sumuporta at tumulong sakalihim. Isinasagawa ito nang may pagkilala at pagrespeto sapamumuno ng huli. Ang ganitong suporta at respeto ay isang mahusayna kalagayan para sa paggampan ng kalihim ng kanyang mgatungkulin. Tumutulong ang bawat kasapi sa pagsubaybay sa takbong pagkilos ng organisasyon at ng komite. Iniuulat agad nila sa kalihimang resulta ng mga gawain, lalo na kung may problema at pagbabagosa kalagayan na kailangan aksyunan. Tumutulong sila sa paghahandaat pagpapasabi kung may pinatawag na pulong. Sa loob ng pulong,tumutulong sila sa pagtiyak ng mahusay na takbo nito at paglutas ng

114 ARALING AKTIBISTA

mga di pagkakaunawaan. Nag-iinisyatiba sila sa anumang gawain nanghindi palaging naghihintay sa pangunguna ng kalihim.

5. Ano ang mga tungkulin ng pangalawang kalihim?Ang pagtatakda ng pangalawang kalihim ay isang anyo ngpagtutulungan at paghahati ng gawain sa loob ng komite. Isang paraanito ng pagsuporta sa kalihim para maatupag ng huli ang masmahahalagang problema o gawain.

Ang pangalawang kalihim ay tagahalili sa kalihim, kung sakalinghindi magampanan ng huli ang kanyang mga gawain bunga ng iba’tibang dahilan. Sa gayon natitiyak nating hindi napipilay o nadidiskarilang pagkilos ng komite kung sakaling hindi makagampan ang kalihim.

Kapag bago at maliit pa ang organisasyon at ang komitengnamumuno rito, sapat nang may isang pangalawang kalihim. Sapaglaki ng organisasyon, lalaki na rin ang komite at bibigat ang mgagawain nito. Karaniwang nagtatakda na tayo ng pangalawang kalihimpara sa iba’t ibang malalaking dibisyon ng gawain. Depende sapangangailangan, nagtatakda tayo ng pangalawang kalihim saorganisasyon, edukasyon, pinansya at iba pa.

Ang kalihim at ang mga pangalawang kalihim ang bumubuo ngkalihiman. Sa pamamagitan ng kalihiman, kolektibong ginagampananang mga tungkulin sa pang-araw-araw na pagsusubaybay atpangangasiwa ng pagkilos ng komite. Ang kalihiman ay hindi hiwalayna pamunuan o nakapangingibabaw sa komite.

6. Anu-ano ang dapat isaalang-alang para mapahusay angpagpapatakbo ng mga pulong?Ang pulong ay mahalagang bahagi ng pagkilos ng komite. Ditopinagkakaisahan kung ano ang dapat gawin para isulong ang mgalayunin ng organisasyon. Sa pulong, kolektibong nagsusuri angkomite para makabuo ng mga desisyon, plano at programa sapagkilos. Sa pamamagitan ng pulong isinasabuhay ang kolektibong

115ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

pamumuno at binubuo ang mahigpit na pagkakaisa ng komite.Tungkulin ng komite ang pagtatakda at pagsunod ng isang sistemang mga pulong.

Magbalangkas ng regular na iskedyul ng mga pulong ng komite.Iwasan ang sobrang madalas o maraming mga pulong. Itinatakda ngnakatataas na organo, at matatantya na rin ng komite, kung gaanokadalas ang pagtatasa ng gawain, paghahanda ng ulat, pagpoprogramaat pagpaplano ng gawain, at iba pang kailangang pagpulungan. Dapatding iwasan ang sobrang mahahabang pulong. Mangyayari ito kungsobrang madalang naman ang pagpupulong, kung hindi mahusay napinaghahandaan ang pulong at kung hindi mahusay na pinapatakboang pulong. Kung kinakailangan, nagdadaos din ng espesyal na mgapulong. Karaniwang hinaharap sa mga ito ang pangkagipitang mgausapin para maagap na makabuo ng mga desisyon at malutas angmga problema.

Tiyaking naipapaabot sa mga kagawad ang pabatid ng pulong.Kailangan ito para mapaghandaan ng mga kagawad ang mga bagayna pagpupulungan at matiyak ang kanilang pagdalo. Gumawa ngadyenda o listahan ng mga bagay na pagpupulungan at ipaabot ito samga kagawad.

Tiyakin ang paghahanda para sa mga pulong. Ipaabot sa mgakagawad kung anong ulat, imbestigasyon o pagbabasa ang kailangannilang gawin bilang paghahanda. Pwedeng magkaroon ng mgapanimulang talakayan bago ng pulong tungkol sa mga bagay na pag-uusapan. Bahagi rin ng paghahanda ang pagsasaayos ng lugar,seguridad, pagkain at iba pang pangangailangan.

Sa pagpapatakbo ng pulong, tiyaking nasesentruhan agad angmga pangunahing usapin. Iwasan ang sobrang paglawig sa ibang minorna usapin o sa mga di kinakailangang talakayan. Sa pagsesentro sapangunahing usapin, natitiyak nating madaling natatapos ang pulongat nagiging mabunga ang mga talakayan. Sikaping mabalanse angpartisipasyon ng mga kagawad at iwasang mamonopolyo ng iilan ang

116 ARALING AKTIBISTA

diskusyon. Lagumin sa tuwina ang takbo ng talakayan para malamanng lahat kung ano na ang naabot.

7. Paano patuloy na pinapahusay ang kolektibong pagkilos ngkomite?Para patuloy na patatagin ang kolektibong pagkilos ng komite,kailangang pairalin at paunlarin ang pagkakaisa, pag-uunawaan atpagtutulungan sa hanay ng mga kagawad nito. Sa gayon magigingmaluwag at palagay ang loob sa isa’t isa, maaalis ang pagkakanya-kanya, at magiging madulas ang pagsunod ng kolektibong pamumunosa pagkilos nito.

Dapat bigyang pansin ang pagbubuo ng iisang wika sa hanay ngmga kagawad. Mabubuo ang komun na pag-unawa at kaalaman ngmga kagawad sa iba’t ibang usapin at pangyayari sa pamamagitan ngsama-samang pagtatalakayan at pag-aaral, at patuloy na pagpapalitanng impormasyon. Kaya mapapadali ang pagkakaintindihan at pag-iisa ng mga kagawad.

Kailangang linangin ang pagiging bukas ng mga kagawad saisa’t isa. Kaysa ilihim, dapat ihapag ang mga problema o anumangbagay na kailangang ipaabot sa pansin ng mga kasama. Hindi nadapat hintayin ang mga pulong para ipaabot ang mga palagay,problema o pusisyon sa mahahalagang usapin. Nakakasira lamangsa pagkakaisa ang pananahimik sa pulong o sa harap ngkinauukulan, at pagkatapos ay manira o mamuna sa labas ngpulong o sa likod ng kasama.

Kailangang matutong makipagkaisa sa mga kakolektibo,matutong kumilos kahit na di natin kapalagay ang kasama natin. Angmga kilos at maling mga hangaring magbuo ng barkada o maliit nagrupo ng mga kaibigan ay makapagpapahina at aagnas sa pagkakaisang komite. Maging maalalahanin at matulungin tayo sa mga kasama.Maging mapagbantay tayo sa anumang bagay na makakasira sapagkakaisa at kolektibong pagkilos ng komite.

117ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

K.PARAAN NG PAGGAWA NG ISANG KOMITE

1. Ano ang kahalagahan ng wastong mga paraan ngpaggawa ng isang komite?

Para mabisang magampanan ang tungkulin sa pamumuno ng isangkomite, hindi nakasasapat na magbuo lamang ito ng mga desisyontungkol sa kung ano ang mga dapat gawin. Kinakailangan dingmagkaroon ng wastong mga paraan ng paggawa ang komite mismonang sa gayon matiyak ang mahusay na pagpapatupad sa nabuongmga desisyon. Maaari pa ring sumulpot ang mga bara sapagpapatupad ng mga gawain, maski wasto ang nabuong mgadesisyon, kung hindi nabibigyang-pansin ang wastong mga paraanng paggawa.

May subok nang mga paraan ng paggawa ng komite para mabisangmakapamuno ito sa masa.

2. Ano ang ibig sabihin ng ang kalihim ng komite ay dapatmagpakahusay bilang isang “iskwad lider”?

Ang komite ay maihahalintulad sa isang “iskwad” ng hukbong bayan,at ang kalihim, sa “iskwad lider”. Upang magampanan ang kanyangtungkulin sa pamumuno, dapat umasa ang komite sa “mga kagawadng iskwad” at bigyang-daan ang kanilang lubos na pagtugon sa mgaresponsibilidad.

Upang maging mahusay na “iskwad lider”, dapat masikhay namag-aral at malalim na mag-imbestiga ang kalihim. Mahihirapansiyang patnugutan ang kanyang “iskwad” kung hindi siya nagsasagawang gawaing propaganda at organisasyon sa “mga kagawad ng iskwad”,kung hindi nagpapakahusay na paghawak ng kanyang relasyon sakanila o kung hindi pinag-aaralan kung paano mahusay na pinapatakboang mga pulong.

118 ARALING AKTIBISTA

Lubhang napakahalaga ng pag-uunawaan at pagsusuportahan saisa’t isa, gayundin ng mahigpit na pagiging mapagkasama sa pagitanng kalihim at ng mga kagawad ng komite. Isa itong tumitiyak sanagkakaisang pagmartsa ng buong “iskwad” na siyang salalayan ngmabisang pamumuno sa masa.

3. Ano ang ibig sabihin ng “ihapag ang mga problema samesa”?

Kapag may mga problemang sumusulpot, kailangang maagap natumawag ng pulong, “ihapag ang mga problema sa mesa” paramatalakay ang mga ito at gumawa ng karampatang mga desisyonpara lutasin ang mga problema. Kung may umiiral na mga problemangunit hindi ito “naihahapag sa mesa” para masusing matalakay atmahanapan ng kalutasan, ang mga ito ay magiging hadlang sapagpapatupad ng mga tungkulin at gawain.

Hindi lamang gawain ito ng “iskwad lider” kundi ng lahat ngmga kasapi ng komite. Hindi nakakalutas sa mga problema angpagsasalita sa likod ng mga tao tungkol sa mga ito, bagkus, malimitna nakapagpapalala pa nga sa mga problema.

4. Ano ang ibig sabihin ng “pagpapalitan ng impormasyon”?

Ang “pagpapalitan ng impormasyon” ay nangangahulugan na angmga kagawad ng isang komite ay dapat laging nagtatalastasan sa isa’tisa at nagpapalitan ng pananaw tungkol sa mga usaping nakatawagng kanilang pansin. Napakahalaga ito upang matamo ng mga kagawadng komite ang lenggwaheng komun.

Importante para sa mga kagawad ng komite na magkaroon ngbatayang pag-unawa sa rebolusyonaryong teorya at sa linya ngpambansa-demokratikong rebolusyon. Isa itong magtitiyak ngmadaling pag-uunawaan at pagbubuo ng nagkakaisang pagtanaw samga usaping sumusulpot sa pagtupad ng mga gawain.

119ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

5. Bakit mahalaga ang matiyagang pakikinig sa mgaopinyon at pagtingin ng mga kasama sa nakabababangantas at ng masa?Isa pang paraan ng mahusay na pamumuno ang matiyagang pakikinigsa mga pagtingin at ideya ng mga kasama sa nakabababang antas atng masa. Isinasanib sa ating mga desisyon ang wastong mga pagtinginnila kung kaya mas makakaasa tayong susuportahan nila ang mgaito. Dagdag pa, mas mararamdaman nilang bahagi sila sa pagbubuong mga desisyon kung kaya maikikintal natin sa kanila ang pagganang tunay na demokrasya.

Hindi tayo dapat mahiyang magtanong sa mga nakabababa saatin at dapat laging bukas na matuto sa kanila. Huwag tayongmagkunwaring alam ang hindi nalalaman. Hindi ito magpapababa saating prestihiyo, bagkus magpapataas pa nga.

Hindi rin dapat dagliang sinasang-ayunan o di sinasang-ayunanang mga sinasabi ng mga nakabababa sa atin. Ang mga sinasabi nilaay maaaring wasto o mali, at dapat nating suriin ang mga ito. Kasabaynito dapat tayong maging mahusay sa paghawak ng tagisan ng mgaideya at matiyagang maglinaw upang mapangibabaw ang wasto. Saganitong paraan mabubuo natin ang mas matibay na pagkakaisa sapagitan ng mga namumuno at pinamumunuan batay sa kung ano angwasto at nakakatulong sa pagsusulong ng rebolusyon.

6. Ano ang ibig sabihin ng matutong “tumugtog ng piano”?Sa pagtugtog ng piano, lahat ng sampung daliri ay ginagalaw. Ngunitpara makalikha ng magandang melodya, ang sampung mga daliri ayhindi basta-basta tumitipa sa piano kundi ginagalaw ang mga ito nangmay malinaw na padron at koordinasyon. Hindi uubra na ang ilangdaliri lamang ang ginagalaw habang ang iba’y hindi.

Hinaharap ng isang komite hindi lamang ang isang gawain kundimaraming gawain. Ngunit, katulad ng pagtugtog ng piano, kailangang

120 ARALING AKTIBISTA

may tiyak na kaayusan at koordinasyon sa pagharap sa iba’t ibanggawain para mabisang maipatupad ang mga ito. Upang magawa ito,kailangang masapol at mahigpit na mapanghawakan ng komite angnaitakda nitong sentral na tungkulin sa isang panahon. Mahalaga itodahil ang sentral na tungkulin ang siyang nagtatakda sa pangunahingdireksyon ng mga gawain at dito umiinog ang iba pang mga pagsisikap.Dagdag rito, kinakailangang malinaw na maitakda ang mga prayoridadsa isang panahon, ibig sabihin, ang mga gawaing inuuna opangunahing hinaharap.

Sa proseso ng pagtupad sa mga gawain, tiyak na may susulpot namga problema. Hindi pupwedeng basta-basta isantabi at hindi bigyang-pansin ang mga ito. Gayunman, kailangang matukoy ang pangunahingproblema sa isang panahon at ibuhos ang mga pagsisikap para sapaglutas nito. Nasa paglutas ng pangunahing problema angmagbibigay-daan para sa mas madulas na paglutas sa iba pang mgaproblema.

Sa ganitong paraan ng paggawa maipapatupad ang mga gawainat masasabing mahusay tayo sa “pagtugtog ng piano”.

7. Ano ang ibig sabihin ng “hawakan nang mahigpit” angpangunahing mga tungkulin?Ang “hawakan nang mahigpit” ang pangunahing mga tungkulin aynangangahulugan ng pagbubuhos ng atensyon at pagsisikap sa mgaito para matiyak na maipatutupad ang mga ito. Mabibigo tayo saating mga gawain kung hindi nakapokus ang ating pag-iisip at pagkilossa pangunahing mga tungkulin. Tulad sa isang bagay na simplenginilagay lamang sa nakabukas na palad, sandali lang ay malalaglag naito. O kaya kung hinawakan nga ang isang bagay pero hindi namanmahigpit ang hawak, maaari din itong madaling mabitawan.

Kaya walang mangyayari kung hindi natin pinanghahawakan angmga tungkulin, gayundin, kung hindi natin pinanghahawakan nangmahigpit ang mga ito.

121ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

8. Ano ang ibig sabihin ng “magpakahusay sa mganumero”?

Ang “pagpapakahusay sa mga numero” ay nangangahulugan nadapat nating bigyang-pansin ang kantitatibong aspeto ng isangsitwasyon o problema at gumawa ng batayang kantitatibong pagsusuri.Nagkakaroon ng hugis ang bawat kalidad sa isang takdang kantidad,at walang kalidad kung walang kantidad.

Malimit na nakakasagupa natin ang kantitatibong aspeto ng mgabagay-bagay sa ating pang-araw-araw na gawain. Ngunit kung hinditayo “nagpapakahusay sa mga numero”, ibig sabihin, hindi natinbinibigyang-pansin ang kantitatibong aspeto ng mga bagay-bagay—tulad ng mga batayang istatistika, pangunahing mga porsyento,kantitatibong mga hangganan na nagtatakda sa kalidad ng isangbagay—kailanman hindi natin mapapalalim ang pagsusuri atmasasapol ang esensya ng mga ito. Magbubunga ito ng mga kamaliansa ating mga gawain.

Halimbawa sa kilusang masa, dapat tayong gumawa ng batayangimbestigasyon at pagsusuri sa bilang ng aktibong mga tagasuporta,mga gumigitna o nagnyunyutral, at mga sumasalungat. Hindi natindapat suhetibong pagpasyahan ang mga problema nang walangkongkretong batayan. Sa ganitong paraan, mas makikita natin angkalagayan ng ating mga gawain at matutukoy ang tiyak na mgahakbang para paunlarin ang mga ito.

9. Ano ang ibig sabihin ng “abiso para pabatiran angpubliko”?Ang “abiso para pabatiran ang publiko” ay nangangahulugan nadapat may paunang abiso ng idaraos na mga pulong. Kasabay nitodapat mapaabutan ang mga dadalo sa pulong kung ano ang mgatatalakayin at mga problemang lulutasin.

Gayundin, dapat maisagawa ang karampatang mgapaghahanda tulad ng mga ulat at borador ng panukalang mga

122 ARALING AKTIBISTA

resolusyon, at ng pagdadausan ng pulong mismo at mgapangangailangan dito.

Hindi mahusay na tatakbo ang mga pulong at maramingmasasayang na panahon kapag hindi unang naisasagawa ang “abisopara pabatiran ang publiko”.

10. Ano ang ibig sabihin ng “mas kaunti at mas mahusay namga tropa at mas simpleng administrasyon”?Ang “mas kaunti at mas mahusay na mga tropa at mas simplengadministrasyon” ay nangangahulugan na ang mga pangungusap,talumpati, artikulo at resolusyon ay dapat gawing maikli at direktasa mga punto. Hindi rin dapat maging napakahaba ang mga pulong.

Susi dito ang mahusay at masinop na paghahanda nang sa gayo’ymaiiwasan ang pagsasayang ng panahon at magiging mas mabungaang mga pulong.

11. Bakit kailangang makipagkaisa at makipagtulunganmaging sa mga kasamang hindi natin kapareho ang mgaideya?Hindi maiiwasan na sa ating hanay karaniwan na nagkakaroonpagkakaiba ng pagtingin sa mga sumusulpot na usapin. Ito ay dahiltayo ay nagmula sa iba’t ibang lugar, at iba-iba ang ating mgapinagdaanan at karanasan. Kaya hindi lang dapat tayongmagpakahusay sa pakikipag-isa sa mga kasamang kapareho angpagtingin sa atin kundi maging sa mga kasamang may ibang pagtingin.

Ganito rin dapat ang ating aktitud maski sa mga kasamangnakagawa ng seryosong mga pagkakamali. Hindi natin dapat silangmasamain at ihiwalay, at dapat tayong maging handa namakipagtulungan sa kanila sa pagtupad ng mga gawain.

Ang mga pagkakaiba ng pagtingin sa mga usapin ay dapatnireresolba at isinasagawa ang pagpuna at pagpuna-sa-sarili para

123ARALIN IV DEMOKRATIKONG SENTRALISMO AT SISTEMANG KOMITE

mabuo ang mahigpit na pagkakaisa. Sa pagresolba ng mga pagkakaiba,dapat laging panghawakan ang diwa ng pagpapangibabaw sa interesng rebolusyon at ng malawak na masa, hindi ang pansariling interes.Sa pagsasagawa ng punahan, dapat tayong magsimula sa hangaringmakipag-isa, at sa pamamagitan ng punahan at pagtatagisan ng mgaideya na naglalayong patampukin at panghawakan kung ano angwasto, kamtin natin ang mas mataas na antas ng ating pagkakaisa.

12. Bakit kailangang bantayan ang arogansya?Ang mahigpit na pagbabantay para hindi dapuan ng arogansya lalung-laluna ang mga namumuno ay isang usapin ng prinsipyo at isangmahalagang rekisito para mapanatili ang pagkakaisa sa ating hanay.Ang mga hindi nakagawa ng seryosong mga pagkakamali at naagkamitng malalaking tagumpay sa kanilang mga gawain ay hindi dapat“lumaki ang ulo”. Importante na panatilihin ang pagigingmapagpakumbaba. Kaugnay nito, dapat bakahin ang kagawiang“nagbubuhat ng silya” o ang labis pagpuri sa sarili dahil sa mga nagawao sariling kakayahan. Laging panatilihin ang simpleng pamumuhayat ang masikhay na paggawa.

Bukod sa makakaapekto ang arogansya sa pagbubuo ngpagkakaisa, magdudulot din ito ng di mabuti sa kasamang “lumalakiang ulo”. Karaniwan ang kasamang ito ay magkakaroon ngtendensyang maging kampante, magluwag sa pagmamatyag sapagkakamali at maging padalus-dalos sa pagtupad sa mga gawaindahil iniisip na hindi siya maaaring magkamali. Sa mga talakayan,iniisip niya na siya lamang ang laging tama at sinasarhan ang sarilipara makinig at matuto sa iba.

12. Bakit mahalagang gumihit ng linya ng pagkakaiba sapagtingin sa mga bagay- bagay?Itinuturo nito na dapat nating sapulin ang batas ng kontradiksyon attingnan ang mga bagay-bagay nang buo, di lang ang isang panig.

124 ARALING AKTIBISTA

Mahalaga ito para malalim na maunawaan at mapanghawakan angmga bagay-bagay.

Unang-una, kailangang gumihit ng linya ng pagkakaiba sa pagitanng rebolusyon at kontrarebolusyon. Halimbawa, tungkol sa usapinng diktadura. Kapag nababanggit ang salitang ito sa mga talakayan,kaagad na iisiping ito ay masama. Hindi nauunawaan na ang paghaharing mga imperyalista, malaking kumprador burgesya at uringpanginoong maylupa ay isang klase ng diktadura na ang layon aypanatilihin ang kanilang patuloy na pagsasamantala at pang-aapi samalawak na masa ng sambayanan. Sa kabilang banda, sinasabi natingitatayo ang demokratikong diktadurang bayan sa pagtatagumpay ngdemokratikong rebolusyong bayan. Ito ay naiibang klase ng diktadurana kumakatawan sa interes ng nakakaraming mamamayan laban saiilan o minoryang nagsasamantala’t nang-aaping mga uri.

Ikalawa, sa loob ng rebolusyonaryong hanay, kinakailanganggumawa ng malinaw na pag-iiba sa pagitan ng tama at mali, sa pagitanng mga natamo at mga pagkukulang at linawin kung alin angpangunahin, alin ang segundaryo. Halimbawa, sa pagtatasa sa pagkilos.mayroong pagkakataon na kapag natukoy ang isang pagkakamali,dito na natutuon ang buong pagsusuri at nakakaligtaang tingnan angkabuuang pagkilos. Sa kabilang banda, kapag ang nakikita lamang ayang mga nagawang positibo, nagiging bulag naman sa posiblengmagawang mga kahinaan.

Mapapanghawakan natin nang mahusay ang mga bagay-bagaykung isinasaalang-alang natin ang dalawang pagkakaibang tinalakaysa itaas. Upang maging bihasa tayo sa pag-iiba, kinakailangan angmasikhay na pag-aaral at malalim na pagsusuri. Ganitong aktitudang dapat nating paunlarin.