10
PAANO MAGHANDA PARA SA ISANG LINDOL

PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

PAANO MAGHANDA PARA SA ISANG LINDOL

Page 2: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 1

Paano maghanda para sa isang lindol

Panukalang Limit ng Pagyanig ng Lindol

Ang mapang ito ay nagpapakita ng dalas ng mahinang antas ng pagyanig kung saan madalas ang pinsala na resulta ng pagkasira.

Napakataas

Mataas

Katamtaman

Mababa

Ang lakas ng pagyanig na ito ay kayang magdulot ng pagkabasag ng mga bintana; pagkasira ng mga pinggan, baso, abubot, at paghulog ng mga aklat mula sa mga istante at mga larawan sa pader; paggalaw o pagtumba ng mga kasangkapan; at pagbitak ng mga mahihinang palitada (plaster), adobeng gusali, at ilang mga mahinang pagkagawa ng mga batong gusali.

Ang mga lindol ay maaaring magdulot ng mahina hanggang matinding pagyanig at maaaring maganap kahit anong oras, kahit kalian. Ang gabay na ito ay makakatulong upang maprotektahan ang inyong mga sarili, pamilya, at mga ari-arian bago, habang at pagkatapos ng isang lindol.

ALAMIN ANG IYONG PANGANIBANO: Ang lindol ay isang biglaan, mabilis na pagyanig ng lupa, na dulot ng pagkasira at paggalaw ng bato sa ilalim ng lupa habang nagpapakawala ng puwersa na naipon sa isang mahabang panahon. Ang mahinang pagyanig sa simula ay maaaring lumakas at maging lubhang matindi sa loob ng mga segundo. Ang mga karagdagang lindol na tinatawag na “aftershocks,” ay maaaring maganap sa loob ng ilang oras, araw at kahit buwan. Karamihan sa mga ito ay mas mahina kumpara sa naunang lindol

ngunit may mga malalakas na aftershocks pa ring maganap.

KAILAN: Ang mga lindol ay maaaring maganap kahit anong oras sa loob ng taon at mangyari nang walang babala.

SAAN: Lahat ng mga Estado ng Amerika at mga teritoryo nito ay may ilang panganib na magkalindol. Mas mataas ang panganib sa mga lugar na kinilalang mga sonang panlindol (seismic zones).

EPEKTO: Ang mga malalaking lindol ay maaaring magdulot ng pagkamatay, pinsala at malaking pagkasira sa mga ari-arian. Karamihan sa pagkasawi at mga pinsala habang may lindol ay nangyayari kapag: nahuhulog ang mga tao habang sinusubukang maglakad o tumakbo habang may pagyanig; kapag sila ay natatamaan ng mga nahuhulog, lumilipad o dumudulas na mga kagamitan sa bahay o mga bagay na walang struktura (non-structural debris); at/o kapag sila ay tinamaan o naipit ng

mga gumuguhong pader o iba pang mga parte ng gusali. Maaaring maantala ang transportasyon, elektrisidad, tubig, gasolina, at iba pang mga serbisyo. Sa ibang mga lugar, ang pagyanig ay maaaring magdulot ng pagtunaw ng lupa (liquefaction) – kung saan ang lupa ay umaanyong parang likido. Kapag ito ay nangyari hindi na maaaring suportahan ng lupa ang bigat ng isang gusali. Sa mga baybayin, ang mga lindol sa ilalim ng sahig ng dagat ay maaaring magdulot ng mga tsunami.

Page 3: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 2

Paano Maghanda para sa isang Lindol

Ang pahinang ito ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya ng mga ligtas na hakbang na gagawin bago, habang, at pagkatapos ng isang lindol. Makikita ang karagdagang impormasyon sa mga susunod na pahina sa bawat yugto.

1 | BAGO: MAGHANDA Gumawa ng hakbang ngayon, bago pa tumama ang isang lindol.

• Gawing ligtas ang mga kagamitan na maaaring bumagsak at magdulot ng pinsala (hal. istante ng mga libro, salamin, pailaw).

• Magsanay kung paano Magtago, Magtakip at Kumapit (Drop, Cover and Hold On) sa pamamagitan ng pagsali sa isang pagsasanay para sa lindol ng ShakeOut (www.ShakeOut.org).

• Itago ang mga mahahalagang gamit at dokumento.

• Planuhin kung paano makikipag-uganayan sa mga miyembro ng pamilya.

2 | HABANG: MANATILING LIGTAS

Sa oras na maramdaman mo ang pagyanig,

• MAGTAGO at ilapat ang mga kamay at tuhod sa lupa upang hindi ka mabuwal ng lindol.

• MAGTAKIP ng ulo at leeg gamit ang mga braso upang protektahan ang sarili sa mga nahuhulog na mga bagay. Kung may panganib ka sa mga nahuhulog na mga bagay ngunit maaari kang makagalaw nang maingat, gumapang sa mas ligtas na lugar o maghanap ng taguan (hal. Ilalim ng mesa) • KUMAPIT sa kahit anong matibay na sukluban upang ikaw ay makakilos dito hanggang tumigil ang pagyanig.

3 | PAGKATAPOS: BUMAWI Kapag tumigil ang pagyanig, bago ka gumalaw, tumingin sa paligid at maghanap ng mga bagay na maaaring mahulog o mga delikadong bagay sa lupa.

• Kung ikaw ay nasa isang nasirang gusali at may ligtas na daanan palabas, lumabas at pumunta sa isang bakanteng lugar na malayo sa mga napinsalang lugar.

• Kung ikaw ay nakulong, huwag gumalaw nang gumalaw o makasipa ng alikabok.

• Kung ikaw ay may dalang cell phone, gamitin ito pantawag o pang-text para makahingi ng tulong.

• Tapikin ang tubo o pader o gumamit ng pito kung mayroon ka nito upang matunton ka ng mga nananagip.

• Oras na ikaw ay ligtas na, tumutok sa mga local na balita (hal. Radio, TV, social media at mga alerto galing sa cell phone texts) para sa impormasyon at tagubilin pangkagipitan.

Page 4: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 3

Protektahan ang Iyong Sarili Bago, Habang, at Pagkatapos ng isang Lindol

PAANO MALALAMAN NA NAGAGANAP ANG ISANG LINDOL

Maaari mong maranasan ang isang pagyanig o paggulong ng mga pader, sahig o lupa. Ang paggalaw na ito ay maaaring lumala nang husto sa loob ng mga segundo.

Kung hindi ka MAKAPAGTAGO (DROP DOWN) kaagad, maaari kang matumba. Ikaw ay maaaring hindi makalakad o makatakbo.

Maaaring mahulog ang mga bagay mula sa istante, ang mga pailaw ay maaaring umugoy o mahulog mula sa kisame, o mahulog ang mga matataas na kasangkapan.

Maaaring may alikabok o bubog sa hangin o sa lupa.

Maaari kayong makarinig ng mga ingay na katulad ng dumaraan na mabigat na trak o tren sa malapit.

ABISONG PANGKAGIPITANBagaman walang paunang babala ang isang lindol, pagkatapos nito ay agad namang magbibigay ng abisong pangkagipitan sa mga palatuntunan sa radio at telebisyon at sa pamamagitan ng Wireless na Alertong Pangkagipitan na ite-text sa mga cell phones. Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga alerto at babala na direktang mula sa Pambansang Serbisyo Para sa Lagay ng Panahon (National Weather Service) para sa lahat ng panganib. Maaari ka ring magpatala nang maaga upang makatanggap ng mga abiso mula sa inyong lokal na serbisyong pangkagipitan.

I-download ang Be Smart. Know Your Alerts and Warnings para sa kabuuan ng mga makukuhang abiso sa: www.ready. gov/prepare.

May mga libreng smart phone apps, gaya ng mga makukuha mula sa FEMA at sa Red Cross ng Amerika, na makakapagbigay ng impormasyon ukol sa mga silungan, kung paano makapagbigay ng pangunang lunas, ang kung paano makahingi ng tulong para makabawi. (Hanapin ang FEMA App o Red Cross Apps sa inyong iPhone, Android o iba pang mobile na aparato). Ang Tagapagsiyasat na Geological ng Estados Unidos, na namamahala ng mga Serbisyong Alertong Panglindol, ay nagbibigay ng libreng abiso sa email kapag may naganap na lindol sa inyong lugar o kahit saang parte ng mundo. Bumisita sa https://sslearthquake.usgs.gov/ens para sa karagdagang impormasyon.

BUMUO NG PLANONG PANGKOMUNIKASYON

Maaaring hindi kayo magkasama ng iyong pamilya sa oras na tumama ang isang lindol, kaya mahalagang malaman kung paano kayo makakapag-ugnayan at kung paano kayo magkakasamang muli kung magkaroon ng panganib. Ang mga sistema ng landline at cellular phone ay kadalasang abala pagkatapos ng isang sakuna, kung kaya kinakailangang gumamit ng text na mensahe o social media upang makipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan. Isulat at itago ang mga mahahalagang numero sa iyong pitaka sakaling hindi mo makuha ang iyong listahan ng mga matatawagan sa iyong telepono. Para sa karagdagang impormasyon, pati na rin ang halimbawa ng isang planong pangkomunikasyong pantahanan, bumisita sa www.ready.gov/make-a-plan.

Page 5: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 4

1 | Protektahan ang Sarili Bago ang Isang LindolDahan-dahang siguraduhing ligtas ang iyong lugar upang maiwasan ang posibleng pinsala. Bantayan ang mga bagay na maaaring mahulog,

lumipad or dumulas kapag lumindol (tignan www.earthquakecountry.org/step1). Isipin kung ang silid ay damputin at alugin pataas at

pababa at pagilid at alamin kung anong mga bagay ang maaaring tumilapon sa iyo. Paulit-ulit na aralin ang lugar kung saan mo ginugugol

ang iyong oras - ang iyong tahanan, lugar ng trabaho, o paaralan – at hanapin ang mga posibleng magdulot ng panganib at pag-ingatan ito.

MAGHANAP NG PANGANIB PARA SA MGA POSIBLENG PELIGRO AT MGA KAGAMITANG MAAARING MAHULOG

1

3

5

2

6

4

1. Ang pintuan ng mga istante ay maaaring bumukas na ikahuhulog ng mga bagay sa sahig; pag-ingatan ang mga ito gamit ang mga trangka.

2. Ang mga kagamitan gaya ng larawang nakakuwadro, mga aklat, mga lampara, at iba pang mga bagay na nakatago sa mga istante at mesa ay delikadong magliparan. Pag-ingatan ang mga ito gamit ang mga kawit, pandikit, o masilyang panlindol (earthquake putty) upang mapanatili ang mga ito sa kanilang mga lugar. Ilipat ang mga mabibigat o babasaging gamit sa mga mas mababang istante.

3. Ang mga salamin, kuwadrong larawan, at iba pang mga nakasabit na kagamitan ay dapat na pag-ingatan ang pagkakabit sa pader gamit ang mga saradong kawit o masilyang panlindol. Huwag magsabit ng mga mabibigat na gamit sa ibabaw ng mga higaan, sopa, o mga lugar kung saan maaari kang umupo.

4. Ang mga elektroniko gaya ng kompyuter, telebisyon, at microwave oven ay mabibigat at magastos kung papalitan. Pag-ingatan ang mga ito gamit ang nababaluktot na panaling naylon (flexible nylon straps).

5. Ang mga aparador ng mga aklat, istante para sa mga dokumento, aparador para sa mga pinggan at iba pang matataas na kasangkapan ay dapat na nakaangkla gamit ang mga pangkabit sa pader (wall studs), (hindi drywall), o batong parte ng bahay (masonry). Gumamit ng nababaluktot na panali upang maaari silang umugoy na hindi mahuhulog sa sahig.

6. Pag-ingatan ang inyong pang-init ng tubig, refrigerator at iba pang mga pangunahing kasangkapan gamit ang mga angkop na panali na nakatornilyo sa pangkabit sa pader o bato upang maiwasan ang pagkahulog ng mga ito at pagputok ng petrolyo o elektrikal na koneksyon. Ang mga kagamitang pangpetrolyo ay dapat na mayroong nababaluktot na pandugtong para kayanin ang pagyanig habang binabawasan ang panganib sa sunog.

PUNA: Ang mga pandikit, pangkabit, kawit, trangka at iba pang kagamitang pangkaligtasan ay mabibili sa karamihang tindahan ng hardware at pampabuti ng mga tahanan pati na rin sa mga nagtitinda sa online.

Page 6: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 5

1 | Protektahan ang Sarili Bago ang Isang Lindol

PATIBAYIN ANG INYONG GUSALISiguraduhing ang inyong tahanan at iba pang mga gusali kung saan ninyo ginugugol ang inyong oras ay mas ligtas habang lumilindol. Kumuha ng tulong na propesyonal upang mapag-aralan ang istruktura ng gusali at saka gumawa ng hakbang na magkabit ng mga solusyong hindi pang-istruktural (nonstructural), katulad ng piyesang pampundasyon, suhay para sa maliliit na pader (cripple wall bracing), at pinatibay na mga asuhan (chimney). Kung ikaw ay nakatira sa mobile home, pag-isipang magkabit ng sistemang suhay panlaban sa lindol. Ang mga hakbang na ito ay maaaring makakatulong upang mabawasan ang malaking pagkasira sa gusali. Kung ikaw ay umuupa, magtanong sa may-ari o tagapamahala ng inuupahan na gumawa ng mga mahahalagang hakbang upang mas maging ligtas ang gusali. Ang mga halimbawa ng istrakturang maaapektuhan ng lindol ay ang mga hindi nakaangkla sa kanilang pundasyon o may mahinang puwang sa pader para paggapangan (crawl space walls), hindi naka-suhay na pyer at posteng pudasyon (pier-and-post foundations) o walang-tibay na mga batong pader o pundasyon. Alamin sa inyong opisinang lokal para sa katungkulan ng kagipitan kung mayroong mga pangkat ng mga boluntaryo sa inyong komunidad na makakatulong sa pagsiyasat. Bumisita sa www.fema.gov/earthquake-safety-home para sa gabay sa mga walang-istrukturang paraan (non-structural ways) kung paano mabawasan ang pinsala at mga istruktural na disenyo kontra lindol o retrofit.

MAGSANAY: Dapat alam ng lahat kung ano ang gagawin kapag may lindol at magsanay kung paano Magtago, Magtakip, at Kumapit (Drop, Cover, and Hold On). Sumali sa Great ShakeOut at America’s PrepareAthon! upang magsanay kung paano protektahan ang iyong sarili at tumulong na ikalat ang impormasyon. Bumista sa www.shakeout.org at www.ready.gov/prepare para dumami ang kaalaman. Matuto at magsanay para sa paunang lunas at tugon pangkagipitan (emergency response) sa pamamagitan ng mga pagsasanay gaya ng Programa ng Pangkat ng Tugon Pangkagipitan para sa Komunidad (Community Emergency Response Team o CERT program).

ITIPON ANG MGA MAHAHALAGANG DOKUMENTO: Oras na lumipas ang panganib, ang paghawak sa mga dokumentong legal, pinasyal at medikal, ay makakatulong upang makatanggap ng tulong at makipag-ugnayan sa kumpanya ng inyong seguro. Siguraduhing pag-ingatan ang mga kritikal na dokumento at kumuha ng litrato o video ng inyong ari-arian. I-download ang Be Smart, Protect Your Critical Documents and Valuables para may checklist. www.ready.gov/financialpreparedness.

MAKIPAGTALAKAY: Pag-usapan ang tungkol sa sakuna at tulungan ang iba na maghanda para maging mas ligtas ang lahat. Talakayin kung ano ang inyong ginawa ng iyong pamilya, kaibigan, kapitbahay at kasamahan upang makapaghanda.

MAG-IMBAK: Ipunin at itago ang mga mahalagang kagamitang kakailanganin ng iyong pamilya sa loob ng kahit na tatlong araw sakaling sarado ang mga pamilihan at walag mapagkukuhanan ng serbisyo, kung walang kuryente, o kung hindi maaaring mamalagi sa inyong tahanan. Ang pagtagal ng pagtigil sa daloy ng kuryente ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa mga taong nangangailangan nito upang paganahin ang mga medikal na kagamitan, kaya siguraduhing may plano upang mapangalagaan ang sarili at iyong pamilya kapag nangyari ito.

Page 7: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 6

1 | Protektahan ang Sarili Bago ang Isang Lindol

PAGTIPON NG MGA KAGAMITAN PARA SA KAGIPITANSiguraduhing pag-ingatan ngayon ang pagtipon ng mga gamit pangkagipitan na kakailanganin mo sa oras na mawalan ng

kuryente, kapag nawala ang daloy ng tubig, at kung sarado ang mga pamilihan. Maaari mong ipunin ang mga kagamitan sa

paglipas ng panahon sa pamamagitan ng pagdagdag ng ilang mga gamit habang kaya ng inyong panggastos. Ang mga ito ay

dapat kasama sa mahalagang kagamitan para sa kagipitan, karamihan sa mga ito ay nasa inyong tahahan.

TUBIG – Siguraduhing mayroon kayong hindi bababa sa 1 galong tubig kada tao kada araw para sa loob ng 3 araw. (Mag-imbak ng lampas sa 3 araw na mapagkukunan ng tubig, kung maaari). Ang karaniwang tao ay nangangailangang makainom ng higit-kumulang na ¾ galong tubig araw-araw. Ang indibidwal na pangangailangan ay depende sa idad, kasarian, kalusugan, lebel ng gawain, pinipiling pagkain, at klima. Maaaring mo ring kailanganin ang tubig sa paghanda ng makakain.

PAGKAIN – Mag-imbak ng pagkain para sa 3 araw na hindi mapapanis para sa mga miyembro ng inyong tahanan, kasama ang mga alagang hayop. Isaalang-alang ang mga espesiyal na pangangailangan para sa diyeta (hal. timpladong gatas para sanggol). Isama ang abrelatang hindi kailangan ng baterya para sa mga de-lata.

FLASHLIGHT, RADYO, AT CHARGER NG CELL PHONE – Kakailanganin mong ma-charge ang mga kagamitang ito na walang kuryente. Ang iyong flashlight at radyo ay dapat na pwedeng gamitan ng kamay-pihitan (hand-cranked) o baterya, at mag-imbak ng dagdag na baterya. Ang iyong cell phone charger ay dapat na may kamay-pihitan, solar o kayang mag-charge gamit ang saksakan sa sasakyan.

MEDIKAL – Isama ang kit para sa paunang-lunas, may reseta at walang resetang mga gamot, at mga kagamitang medikal.

KALINISAN – Magbalot ng mga kagamitan para sa kalinisan, gaya ng sanitizer para sa kamay, towelette, produktong papel, at mga plastik na bag, para magamit sakaling limitado ang mapagkukuhanan ng tubig.

TEKNOLOHIYANG PANTULONG (ASSISTIVE TECHNOLOGY) – Isama ang mga battery backup power para sa mga aparatong panggalaw na kailangan ng kuryente (power-dependent mobility devices), oxygen, at iba pang mga pangangailangang teknolohiyang pantulong.

DAMIT AT MGA KUMOT – Siguraduhing mayroong mga damit na may mahabang manggas at mahabang pantalon, mga sapatos na may makapal na suwelas, at mga guwantes pantrabaho (work gloves) upang protektahan ang sarili pagkatapos ng lindol, at isang bag pantulog o makapal na kumot para sa bawat tao, kung kayo ay nakatira sa malamig na klima.

PITO – Isama ang pito upang sumenyas para sa tulong.

PERA – Magtago ng pera sakaling hindi gumagana ang mga ATM pagkatapos ng lindol.

PANG-APULA NG APOY – Maaaring magdulot ng sunog ang mga lindol; magkaroon ng pang-apula ng apoy upang mapatay ang mga maliliit na apoy. Gumamit nito kapag ikaw ay may pisikal na kakayanan.

Isaalang-alang ang pag-imbak ng mga kagamitan sa iba’t ibang lokasyon kung maaari. Ang ibig sabihin nito ay mayroong mahahalagang pagkukuhanan ng pagkain at tubig sa mga lugar, gaya ng trabaho, inyong sasakyan, at kung maaari, iba pang mga lugar kung saan madalas na puntahan ng mga miyembro ng inyong pamilya (hal. simbahan, lunsuran ng komunidad, at paaralan).

Mahalagang isaalang-alang ang mga natatanging pangangailangan ng iyong pamilya, kasama ang mga pangangailangan para sa daanan at paggana (access and functional needs), at mga pangangailangan ng mga bata at alagang hayop. Maaari mong kailanganing isama: karagdagang tubig, espesyal na pagkain, gaya ng timpladong gatas para sa sanggol o pagkain para sa alagang hayop; at mga kagamitan gaya ng mga diaper, salamin sa mata, o medikal na gamit.

I-download ang Checklist ng mga Kagamitan para sa Kagipitan (Emergency Supply Checklist) sa www.ready.gov/build-a-kit.

✔✔✔

Page 8: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 7

2 | Protektahan ang Sarili Habang may Lindol

MAGTAGO, MAGTAKIP, AT KUMAPIT. Habang lumilindol, bawasan

ang pagkilos sa ilang hakbang lamang papunta sa isang malapit

na ligtas na lugar. Kung ikaw ay nasa loob ng tahanan o gusali,

manatili doon hanggang tumigil ang pagyanig at sigurado ka nang

makakalabas nang ligtas.MAGTAGO!1 MAGTAKIP!2 KUMAPIT!3

KUNG IKAW AY:

NASA LOOB NG BAHAY/GUSALI

NASA LABAS

SA KAMA

SA LOOB NG GUMAGALAW NA

SASAKYAN

KASUNOD AY::

MAGTAGO at ilapat sa lupa ang iyong kamay at mga tuhod.

MAGTAKIP ng ulo at leeg gamit ang mga braso. Ang posisyong ito ang makakatulong upang maiwasan ang pagkahulog at nagbibigay ng proteksyon sa mga mahahalagang bahagi ng katawan. Kumilos lamang kung may panganib ka sa mga nahuhulog na gamit sapagkat ang pagkilos ay maaari mong ikapahamak sa mga guho sa iyong dadaanan. Kung ikaw ay ligtas na makakakilos, gumapang para sa dagdag na panakip sa ilalim ng matibay na mesa. Kung mayroong mababang kasangkapan, o ang isang loobang pader o sulok ay malapit at walang sagabal sa daanan, maaari rin itong makapagbigay ng karagdagang sukluban. Lumayo sa mga salamin, bintana, panlabas na pintuan at pader, at iba pang mga maaaring mahulog, gaya ng pailaw at kasangkapan..KUMAPIT sa kahit anong matibay na silungan hanggang tumigil ang pagyanig.

HUWAG tatakbo sa labas! MAMALAGI saan ka naroroon hanggang tumigil ang pagyanig. HUWAG pupunta sa isang pintuan sapagkat hindi ito nagbibigay ng proteksyon mula sa mga nahuhulog o nagliliparang mga gamit at maaaring rin na hindi mo magawang manatiling nakatayo.

Lumayo sa mga gusali, poste, at mga kable ng kuryente, kung magagawa mo. Kapag nasa labas na, Magtago, Magtakip, at Kumapit. MAMALAGI DOON hanggang tumigil ang pagyanig. Maaring hindi ito posible kapag nasa isang lungsod, kaya magtago sa loob ng isang gusali upang maiwasan ang mga nahuhulog na guho.

Kung ikaw ay nasa kama: MAMALAGI doon at MAGTAKLOB ng ulo at leeg gamit ang isang unan. Sa gabi, ang peligro at guho ay mahirap makita at maiwasan; lalo pang magkakaroon ng pinsala kung susubukang gumalaw sa dilim kaysa manatili sa kama.

Mahirap makontrol ang isang sasakyan habang yumayanig kaya agarang tumigil nang ligtas kung maaari, at mamalagi sa loob ng sasakyan.

Iwasang tumigil malapit o sa ilalim ng mga gusali, puno, tulay, at mga poste ng ilaw at kuryente. Maingat na magmaneho kapag tumigil na ang lindol. Iwasan ang mga kalsada, tulay, at mga rampa na maaaring napinsala ng lindol.

Page 9: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 8

3 | Protektahan ang Sarili Pagkatapos ng Isang Lindol

Sa oras na tumigil ang pagyanig, maghintay ng isang minuto bago tumayo at pagkatapos ay tumingin sa paligid para sa mga guho at iba

pang panganib. Kung ikaw ay maaaring makakilos palabas ng gusali at may bakanteng lugar na mapupuntahan, lumabas mula sa gusali at

iwasan ang mga napinsalang lugar at bumagsak na mga poste. Para sa mga gusaling nasa siyudad na walang karatig na bakanteng ispasyo,

maaaring mas ligtas na mamamalagi muna sa loob ng gusali hanggang ikaw ay makakasigurong makakaiwas ka sa mga salamin at guho na

maaaring mahulog mula sa mga katabing gusali. Tandaan na ang mga aftershock ay maaaring magdulot ng mas malaking panganib. Magtago,

Magtakip, at Kumapit sa tuwing mararamdaman ang pagyanig.

Antabayanan ang mga lokal na balita (sa mga radyong di-baterya, telebisyon at mga alertong text sa cell phone) para sa mga impormasyon at mga tagubiling pangkagipitan.

Kung ikaw ay nakulong, huwag basta-bastang gagalaw at sumipa ng alikabok. Takpan ang iyong bibig gamit ang isang panyo o damit. Sumigaw lamang bilang huling paraan. Ang pagsigaw ay maaaring magdulot ng paglanghap ng mapanganib na dami ng alikabok. Gamitin ang iyong cell phone pantawag, o gumamit ng pito, kung mayroon, para matunton ka ng mga nananagip.

Kung ikaw ay nasa loob ng isang napinsalang gusali at mayroong ligtas na paraan upang makatakas sa guho, lumabas at magtungo sa bakanteng lote. Magdahan-dahan sa pagbitbit ng mga maaari mong kailanganin kaagad at mabitbit nang madali, gaya ng pitaka, o go bag (bag na ginagamit sa oras ng kagipitan). Kapag nasa labas na, huwag babalik sa loob ng gusali hanggang hindi ito nasisigurong ligtas.

Suriin kung may natamong mga sugat at magbigay ng tulong kung ikaw ay nakakuha ng pagsasanay. Umalalay sa mga nananagip kung may kakayahan kang gawin ito nang ligtas.

Kung ikaw ay malapit sa baybayin, aralin ang panganib ng tsunami sa inyong lugar. Kung ikaw ay nasa lugar na nakakaranas ng mga tsunami, agad na pumunta sa kalupaan (inland) o sa mas mataas na lugar kapag tumigil ang pagyanig. Tumutok sa mga opisyal na ulat para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga planong paglikas sa tsunami sa inyong lugar.

Lumayo sa mga napinsalang lugar. Huwag na huwag gumamit ng panindi o posporo malapit sa mga napinsalang lugar. Siyasatin kung mayroon at apulahin ang mga maliliit na apoy.

Ipasuri ang inyong mga utilities (kuryente, tubig, gas) sa mga propesyonal para sa mga sira sa sistema ng kuryente, imburnal, gas at mga linya ng tubig.

Kung napinsala ang iyong tahanan at hindi na ito ligtas, at kailangan mo ng lugar na pananatilian, mag-text sa SHELTER + ang iyong zip code sa 43362 (4FEMA) para mahanap ang pinakamalapit na pampublikong silungan sa inyong lugar. Isang halimbawa ng text ay SHELTER 12345. Sundan ang lokal na media para sa impormasyon tungkol sa mga silungan.

Page 10: PAANO MAGHANDA - fema.gov · Ang Pambansang Administrasyong Karagatan at Atmospera (National Oceanic and Atmospheric Administration o NOAA) Radyo Panahon ay nagsasahimpapawid ng mga

Paano maghanda para sa isang lindol | America’s PrepareAthon! | www.ready.gov/prepare 9

3 | Protektahan ang Sarili Pagkatapos ng Isang Lindol

• Ang mga lindol ay maaaring makapinsala o gawing hindi ligtas ang mga gusali at kalsada.

• Gumamit ng matinding pag-iingat sa paligid ng mga guho. Huwag susubukang tanggalin ang mga malalaking guho ng sarili mo lang at tumulong lang sa mga nananagip kung ikaw ay ligtas.

• Magsuot ng mga damit na nakakapagprotekta, tulad ng barong may mahabang manggas, mahabang pantalon, makapal na guwantes, at sapatos na matibay at may makapal na suwelas habang naglilinis. Mapoprotektahan ka ng mga ito upang hindi madagdagan ang mga sugat mula sa mga nabasag na salamin, nakausling mga pako, at iba pang mga gamit.

• Huwag hahawak sa mga elektrikal na kagamitan kung ito ay basa o kung ikaw ay nasa tubig.

• Kung may naaamoy na gas, tumawag sa 9-1-1.

• Kuhanan ng litrato o video ang pinsala sa ari-arian upang makatulong na paghain ng apila sa seguro.

• Unaawain na ito ay isang madamdaming panahon at normal lang na makaramdam ng kalungkutan. Humingi ng tulong para sa iyong sarili o sa iba kung patuloy na makaranas ng depresyon o kung ang pagkabalisa ay wala na sa lugar.

• Asahan ang mga aftershocks. Ang mga karagdagang pagyanig na ito ay kadalasang hindi kasing lupit kumpara sa naunang lindol ngunit maaari pa ring may sapat na lakas upang lalo pang makapanira sa mga mahihinang mga estruktura. Maaaring maganap ang mga ito sa loob ng oras, araw, lingo, o kahit pa buwan matapos ang naunang lindol. Humandang protektahan ang iyong sarili.

KARAGDAGANG IMPORMASYONAng mga sumusunod na mapagkukunan ng impormasyon at website ay maaaring makatulong sa iyo upang lalong makapaghanda, tumugon, at makabawi sa isang lindol.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa PrepareAthon! ng Amerika, mag-log on sa www.ready.gov/prepare, mag-email sa amin sa [email protected], o sumali sa online panayam sa #PrepareAthon.

MGA MAPAGKUKUNAN NG IMPORMASYON• Avoiding Earthquake Damage: A Checklist for Homeowners

(Pag-iwas sa Pinsala ng Lindol: Isang Checklist para sa mga May-ari ng Tahanan). www.cert-la.com/education/ AvoidingEarthquakeDamage.pdf

• Earthquake Preparedness: What Every Childcare Provider Needs to Know. (Paghahanda sa Lindol: Ano ang Dapat Malaman ng Bawat Nagbibigay ng Pangangalaga sa Bata) www.fema.gov/library/viewRecord.do?id=1520

• Homebuilders’ Guide to Earthquake-Resistant Design and Construction (Gabay ng mga Bumubuo ng mga Tahanan Para sa Disenyo at Paggawa Kontra Lindol). https://www.fema.gov/media- library/assets/documents/6015

• How to Series: Protect Your Property from an Earthquake (Mga Serye Kung Paano: Protektahan ang Inyong Ari-arian Mula sa Lindol). www.fema.gov/library/viewRecord.do?id=3260

• Seven Steps to Earthquake Safety (Pitong Hakbang Para sa Kaligtasan sa Lindol). www.earthquakecountry.org/sevensteps

MGA KAUGNAY NA WEBSITEPrepareAthon! ng Amerika www.ready.gov/prepare

Ready Campaign (Kampanya Para sa Paghanda), www.ready.gov/earthquake

American Red Cross Earthquake Preparedness (Paghahanda sa Lindol ng Red Cross ng Amerika), www.redcross.org/prepare/disaster/earthquake

FEMA Earthquake Safety at Home (Kaligtasanan sa Tahanan sa Lindol ng FEMA), www.fema.gov/earthquake/earthquake-safety-home

Great ShakeOut Earthquake Drills (Malawakang Pagsasanay para sa Lindol ng Shakeout), www.shakeout.org

U.S. Fire Administration Earthquakes and Fire Safety (Administrasyon sa Lindol at Kaligstasan sa Sunog ng Estados Unidos), www.usfa.fema.gov/citizens/home_fire_prev/ earthquakes.shtm

U. S. Geological Survey (USGS) (Tagapagsiyasat na Geological ng Estados Unidos), www.earthquake.usgs.gov