pabula

Embed Size (px)

DESCRIPTION

fable

Citation preview

I. ANG PABULA NG KABAYO AT NG MANGANGALAKAL

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sapalengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo atnagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo atnapansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sakong asin at siya ay natuwa.

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.

Mga aral ng pabula: Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang balakin ay may katapat na kaparusahan.

II. ANG PABULA NG KABAYO AT NG KALABAW

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Mga aral ng pabula: Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.

III. ANG ASO AT ANG UWAK

May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.

Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.

Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne.

Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi:"Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!"

Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso. Ngayon alam na natin na ang papuri ay maaaring uri ng panloloko rin.

Aral: Isang papuri minsan ay isang paglilinlang.

IV. ANG LOBO AT ANG UBAS

Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas.

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.

Mga Aral: Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan. Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.

Mga halimbawa: Ang isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang nililigawan dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay maaaring magsabi ng "hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto." Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang sour graping lamang.

Maraming mga kandidato ang nagsasabi na kaya sila natalo sa halalan ay dahil sa pandaraya ng mga kalaban. Totoo na may nagaganap na dayaan tuwing halalan subalit bihira ang kandidato na aamin na siya ay natalo dahil ang kanyang kalaban ay mas magaling at higit na karapat-dapat mahalal. Kadalasan ang hinaing ng natalong kandidato ay sour-graping lamang.

V. ANG PABULA NG DAGA AT NG LEON

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog naleon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas aynagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leonang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo atkainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sapagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang namaglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalainang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sakagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahulisa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali salambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasamaang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon nanakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sakaibigang daga.

Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang taoay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhangmakabuluhan.

VI. ANG LOBO AT ANG KAMBING

Isang loboangnahulogsabalon nawalang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungalingnasagot naman ng lobo.

Hindi nanagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalonsa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.

"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisipnaparaan kung papaano nating gagawin iyon."

"Papaano?"

Noon ipinatong ng lobo ang mga paasakatawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataonna ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manlolokokung walang kambing na magpapaloko."

Malungkotnanaiwanan ang kambing sa malalim na balon.

VII. ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIWIsang inahing manokna may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakangmay-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-anibukas!"Narinig ito ng mga sisiw at agadiminungkahisa kanilang ina, "Kailanganglumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihinupangpatayin!""Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agadmagsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkatkinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay nadumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"

"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyakna hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"

Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok nalumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoongwalang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"

VIII. ANG UWAK NA NAGPANGGAP

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"

IX. ANG ALITAPTAP AT ANG PARU-PARO

Isang araw habang naghahanap ng nectar ang Paru-paro ay may batang nanghuli sa kanya at siyay pinaglaruan. Iniwan siya nitong nakabaligtad at panay ang kawag sa lupa.

Sumigaw si Paru-paro upang humingi ng tulong, narinig siya ng kaibigang Langgam ngunit dahil madami itong gawain ay iniwan siya nito.

Makalipas ang ilang oras ay dumating ang kaibigan niyang gagamba ngunit hindi rin siya nito tinulungan sapagkat ayon dito ay aayusin pa nito ang bahay nito.

Malapit nang gumabi ngunit nanatili pa ding nakabaligtad ang Paru-paro. Pagod at gutom ang nararamdaman nang Paru-paro. Pinanghihinaan siyang may mga kapwa insekto pang makakita sa kanya lalo nat magdidilim na. Hanggang sa maya-maya ay may naaninag siyang munting ilaw na papalapit sa kanya.

Anong nangyari sayo Paru-paro? tanong ng Alitaptap.

Ikaw pala Alitaptap, kaninang umaga ay nangunguha ako ng nectar ng may batang lumapit at pinaglaruan ako. Ganun ba? Hayaan mo at tutulungan kita. Sabi ng Alitaptap.

Maraming Salamat , Alitaptap.

Tinulungan nga ng Alitaptap ang Paru-paro at dahil doon ay nakalipad na ang Paru-paro at umuwi sa kanyang tahanang bulaklak.

Aral:Sa oras ng kagipitan ay nakikilala natin kung sino ang ating mga tunay na kaibigan.

X. SI HARING TAMARAW AT SI DAGA

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagad. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya'y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.

11