20
PAG-ISIPAN ANG BASURA www.surrey.ca/rethinkwaste MGA GUSALI NA APARTMENT Gabay sa Pagbubukod ng mga Organiko at Pang-recycling GABAY SA PAGLIHIS NG BASURA

PAG-ISIPAN ANG BASURA

  • Upload
    vokiet

  • View
    288

  • Download
    21

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAG-ISIPAN ANG BASURA

PAG-ISIPAN ANG BASURA

www.surrey.ca/rethinkwaste

MGA GUSALI NA APARTMENT Gabay sa Pagbubukod ng mga Organiko at Pang-recycling

GABAY SA PAGLIHIS

NG BASURA

Page 2: PAG-ISIPAN ANG BASURA

MENSAHE MULA SA ALKALDE

Ipinatupad ng Lungsod ng Surrey ang makabagong

Programa na Pag-isipan ang Koleksyon ng Basura sa mga

isang pamilyang kabahayan sa buong lungsod noong

2012. Nagresulta ito sa pagbawas ng mahigit na 40% ng

mga basura na tinatambak sa lupa na nagmumula sa

mga basurang inipon sa gilid ng bangketa. Dahil dito,

ang pagsisimuno ng Lungsod ng Surrey ay tumanggap

ng “National Sustainable Communities Award” mula sa

“Federation of Canadian Municipalities” para sa mga

pambihirang gawain sa pamamahala ng basura.

Sa pagsisikap na ipagpatuloy ang ating progreso, kinalulugod namin na

ipakilala ang Programa na Pag-isipan ang Koleksyon ng mga Basurang

Organiko sa mga gusali na apartment. Mga residente ng Surrey na nakatira sa

mga gusali na apartment ay nakagawa ng pambihirang trabaho sa pagbawas

ng kanilang mga basura sa pamamagitan ng paglahok sa linguhan na

pag-recycling. Ang Programa na Pag-isipan ang Koleksyon ng mga Basurang

Organiko ay isang hakbang patungo sa patuloy na pagbawas ng mga basurang

ipinapadala sa mga lupang tambakan.

Ang mga basurang organiko ay isang mahalagang nagpapanibagong enerhiya

at pinagmumulan ng pang-abono. Kaya balak ng Lungsod ng Surrey na

mag-proseso ng mas maraming basura na maaring gawing natural na gas para

magamit itong gasolina ng mga trak ng basura na kumokolekta ng mga inipong

basura sa gilid ng bangeta. Sa ganyan paraan ay makakagawa tayo ng isang

umiikot na sistemang sarado. Ang natitirang organikong basura ay gagawing

masustansiya na abono para magamit sa mga hardin at sa agrikultura.

Sa inyong paglahok at dedikasyon sa paglihis ng mga basura, ang Programa

na Pag-isipan ang Koleksyon ng mga Basurang Organiko sa mga Apartment

ay makakaseguro na mananatiling “world-class” na pinuno ang Surrey sa

pamamahala ng basurang kabahayan.

Sa ngalan ng Konseho ng Lungsod, nais kong magpasalamat sa inyong

pinagsamang pagsisikap para masegurong mas panatiliin ang kinabukasan

ng ating dakilang lungsod.

Taos-puso,

Alakalde Linda Hepner2

Page 3: PAG-ISIPAN ANG BASURA

PROGRAMA NA PAG-ISIPAN ANG KOLEKSIYON NG MGA BASURANG ORGANIKO

Kasalukuyan, ang mga basurang nagmumula sa mga apartment ay

binubuo ng 73% na basura, na pinapadala sa mga lupang tambakan; at

27% na basurang pang-recycle, na ginagawang bagong mga materyales.

Ang Lungsod ay nagsagawa ng pagsusuri ng mga basura mula sa mga

apartment at natuklasan na halos 43% ng mga basurang pinapadala sa

mga lupang tambakan ay binubuo ng mga organikong basura (basura

mula sa kusina).

Ang serbisyo ng Pag-isipan ang Koleksyon ng mga Basurang Organiko ay

nangangailangan na paghiwalayin ng mga naninirahan sa mga apartment

sa Surrey ang kanilang organikong basura (basura mula sa kusina) mula

sa pangkaraniwang basurang pambahay. It ay isang mahalagang hakbang

tungo sa malaking pagbawas ng mga basurang pinapadala sa mga

lupang tambakan. Ang basurang organiko na pinapadala sa mga lupang

tambakan ay pinagmumulan ng “methane gas” na may mapanganib

na “green-house gas (GHG) emissions factor” na mahigit dalawamput-

isang beses na mas malubha kumpara sa gasolina o diesel. Hindi pa

nababanggit ang mga gastos at mga usok mula sa mga sasakyan na

kaugnay sa pagpadala ng mga basura sa mga lupang tambakan.

Sa kasalukuyan, ang mga basurang organiko na nakokolekta mula sa

mga kabahayan ay ginagawang masustansiyang abono na ginagamit

sa paghahardin, agrikultura, at pagpapaganda ng hardin. Pagdating ng

2017, ang Lungsod ay magpapatakbo ng sariling pasilidad na gumagawa

ng bio-fuel mula sa organikiong basura na magpapaandar ng armada ng

mga trak ng basura na gagamitin natin sa pagkolekta ng mga organikong

basura, at bilang isang masustansiyang abono. Sa ganyan paraan ay

makakagawa tayo ng isang umiikot na sistemang sarado.

27%“RECYCLING”

73%MGA BASURA

30%MGA BASURA

27%“RECYCLING”

43%“RECYCLING”

Kasalukuyang Komposisyon ng Mga Basura sa mga Gusali

na Apartment

Ang Ating Layunin Paglihis ng 70% ng mga

Basura 3

Page 4: PAG-ISIPAN ANG BASURA

Ang programa sa pagkolekta ng organikong basura ay dinisenyo para gawing

mas madali ang paglalahok ang mga residente, patungo sa mas maraming

paglilihis at pagbabawas ng dami ng mga basura sa inyong gusali.

LALAGYAN NG BASURANG PANGKUSINAGamitin ang lalagyan sa kusina para mas madaling ipaghiwalay ang mga

organikong basura sa loob ng bahay at para mabawasan ang pagpunta

niyo sa organikong kariton ng inyong gusali. Kapag napuno na ang lalagyan

ng basurang pangkusina, itapon ang laman nito sa organikong kariton na

nakalagay sa lugar ng mga basurahan at pang-recycling sa loob ng inyong gusali.

Bumisita sa www.surrey.ca/rethinkwaste para sa karagdagan na

impormasyon.

PAANO GUMAGANA ANG PROGRAMANG ORGANIKO

KAYUDIN ANG MGA NATIRANG PAGKAIN DIRETSO SA LOOB NG INYONG LALAGYAN NG BASURANG PANGKUSINA

2

ITAPON ANG LAMAN NG INYONG LALAGYAN NG BASURANG PANGKUSINA SA LOOB NG ORGANIKONG KARITON

3

LAGYAN ANG LOOB NG INYONG LALAGYAN NG BASURANG PANGKUSINA NG MGA LUMANG PAHAYAGAN O MGA KAYUMANGGING PAPEL NA SUPOT PARA MAS MADALING LINISIN

1

ANG ORGANIKONG KARITON NG INYONG GUSALI AY PAGLILINGKURAN SA ARAW NG KOLEKSIYON

4

Ang paggamit ng “garburator” para sa pagtapon ng mga natirang pagkain

ay nagbibigay ng karagdagan na pabigat sa mga sistema ng alkantarilya

at planta ng paggamot ng dumi ng Lungsod, at bukod doon ay nag-

aaksaya ng kuryente at tubig tuwing ginagamit ito.

Ang pagtapon ng mga natirang pagkain tulad ng mga buto o maraming

almirol sa agusan ng tubig ay maaring maging sanhi ng pagbara nito

dahil ang mga materyales ay naiipon at natutuyo sa loob ng mga tubo.

Ang paglagay ng mga natirang pagkain sa loob ng organikong kariton

ay makakaseguro na ang mga organikong bagay ay mapupunta sa isang

pasilidad ng pang-abono kung saan ito mapapamahalaan ng tama.4

Page 5: PAG-ISIPAN ANG BASURA

MAKAKATULONG NA MGA TIP

� Balutin ang mga natirang pagkain sa loob ng pahayagan, papel na supot, papel na tuwalya, o Ilagay sa kahon na karton

� Lagyan ang ilalim ng inyong lalagyan ng basurang pangkusina ng lumang pahayagan, karton, o isang kayumangging papel na supot

� Patigasin sa lamig ang mga natirang karne sa loob ng papel na supot hanggang sa araw ng koleksiyon

� Panatilihing sarado ang takip ng inyong lalagyan ng basurang pangkusina

� Wisikan ng kaunting “baking soda” ang ibabaw ng basurang pagkain kung kinakailangan para mabawasan ang masamang amoy

� Hugasan lagi ang inyong lalagyan ng basurang pangkusina ng malumay na sabon o tubig na may hinalong suka

� Itapon ang laman ng inyong lalagyan ng basurang pangkusina para makolekta kada linggo kahit hindi pa ito napupuno

MGA SUPOT PARA SA BASURANG PAGKAIN

Para mas madaling linisin, ang mga lalagyan ng basurang pangkusina ay

maaring lagyan sa loob ng mga supot para sa basurang pagkain o mga

pahayagan.

Mga supot para sa basurang pagkain para sa inyong lalagyan ng basurang

pangkusina ay maaring mabili sa halagang $1 kada 10 piraso. Mga supot ay

mabibili sa mga sumusunod na mga pasilidad na panlibangan ng lungsod:

CLoverdALe reCreAtion Centre

6188 176 St | 604-598-7960

don ChristiAn reCreAtion Centre

6220 184 St | 604-502-6400

FLeetwood CoMMunity Centre

15996 84 Ave | 604-501-5030

FrAser heiGhts reCreAtion Centre

10588 160 St | 604-592-6918

GuiLdFord reCreAtion Centre

15105 105 Ave | 604-502-6360

newton wAve PooL

13730 72 Ave | 604-501-5540

north surrey reCreAtion Centre

10275 135 St | 604-502-6300

south surrey indoor PooL

14655 17 Ave | 604-502-6220

south surrey reCreAtion Centre

14601 20 Ave | 604-592-6970

surrey sPort & Leisure CoMPLex

16555 Fraser Hwy | 604-501-5950

Mga plastik na supot (kasama ang mga plastik na supot na biodegradable o pang-abono) ay hindi pinapayagan at hindi tinatanggap sa loob ng mga organikong kariton.

5

Page 6: PAG-ISIPAN ANG BASURA

ORGANIKONG KARITON

TULUNGAN BAWASAN ANG PAGKAHAWA

Ang paglagay ng mga hindi karapat-dapat na mga bagay sa loob ng

organikong kariton ay may negatibong epekto sa kalidad ng naproseso na

produktong pang-abono at dapat tanggalin sa mga pasilidad ng pagproseso

ng mga organikong basura. Mas madali at mas matipid, kung gawin nating

lahat ang ating parte para maseguro na nilalagay lang natin ang mga karapat-

dapat na mga bagay sa loob ng organikong kariton.Ang pagsunod ng mga

sumusunod na hakbang ay makakatulong na mabawasan ang pagkahawa:

WALANG PLASTIK: Huwag maglagay ng kahit na anong plastik (kahit mga supot na pang-abono o biodegradable) sa mga organiko. Paglinis ng Inyong pridyeder, paalala lamang na alisin ang mga pagkain mula sa mga supot na plastik, mga balot, at styrofoam.

WALANG MGA LASTIKO: Tanggalin ang mga lastikong goma sa mga nakabigkis na gulay tulad ng kintsay, sibuyas na berde, at asparagus.

WALANG MGA LAMPIN, GAMIT PANGKALUSUGAN, O DUMI NG MGA ALAGANG HAYOP

Para sa impormasyon sa wastong pagtapon ng mga ito, tumukoy sa www.surrey.ca/rethinkwaste

MGA PLASTIK NA SUPOT O KAHIT NA

ANONG URI NG BASURA

MGA LAMPIN MGA DUMI NG ALAGANG HAYOP

MGA BOTE AT BAKAL MGA MAPANGANIB NA BASURA

ANO ANG NASA LABAS

6

Page 7: PAG-ISIPAN ANG BASURA

PRUTAS AT GULAY ITLOG AT PRODUKTONG GAwA SA GATAS

PASTA AT HASPE KARNE, MANOK AT MGA BUTO

INIHURNONG PAGKAIN ENSALADA AT SALSA ISDA PAGKAING DAGAT

SIGURADUHIN NA MAY BASURANG HARDIN O PAGKAIN SA LOOB NG KARITON PARA MATULUNGANG MASIPSIP ANG MANTIKA

MANTIKA SUPOT NG TSAA KAPE AT PAPEL NA PANSALA

TUwALYANG PAPEL GAMIT NA KAHON NG PIzzA

SERBILIYETA PINAGPUTULANG DAMO

BULAKLAK DAHON MALIIT NA PINAG-GUPITAN

HALAMAN (wALANG LUPA AT BATO)

KARITONG ORGANIKO ANO ANG NASA LOOB

MGA ORGAN

IKO

7

Page 8: PAG-ISIPAN ANG BASURA

MGA PLASTIK � Inuman na baso at takip

� Plastik na paso para sa halaman at mga trey na pampunla

� Plastik na balde na hindi hihigit ng 25 litro (ex: balde ng sabong panglaba)

� Plastik na bote, garapon, o banga na may mga takip o saklob

� Plastik na hugis kabibi (ex: para sa mga hinurnong pagkain o prutas)

� Trey at takip

� Batya at takip

� Mangkok at tasa na maaring i-microwave

MGA YARI SA METAL � Lata at takip na yari sa metal

� Lata at takip ng erosol

� Pambalot na gawa sa aluminyo

� Lalagyan ng pagkain na gawa sa aluminyo

MGA BAGAY NA GAwA SA PAPEL � Pahayagan at polyeto

� Katalogo, magasin, at libro ng telepono

� Papel pambahay, pambalot ng regalo, at mga kard na pambati

� Kulubot na karton at mga kahon na gawa sa karton

� Hinubog na karton (ex: karton ng itlog, mga trey na lalagyan ng mga inumin)

� Papel na supot na may isa o maraming patong na papel (ex: supot para sa pagkain ng hayop)

� Ginutay-gutay na papel

� Latang gawa sa pinilipit na papel

� Lalagyan na gawa sa papel na may patong na plastik (ex: karton ng gatas at sopas, lalagyan ng mga panghimagas na pinatigas sa yelo)

� Tanggalin ang laman at linisin ang mga lalagyan

� Ilagay ang mga takip sa loob ng mga lata at pisilin ng bahagya

� I-recycle lahat ng mga takip at saklob

� Isauli ang mga lalagyan ng inumin na may deposito para maisauli ang ibinayad

� Tanggalin ang mga natirang pagkain, plastik na panlatag at balot mula sa aksesorya

� Gawing maluwag ang paglagay ng mga bagay sa loob ng kariton

� Patagin at gupitin ang mga kahon para magkasya sa loob ng kariton

� Balutin ang mga sobrang pinatag na kahon at Ilagay sa tabi ng inyong kariton (maaring lagyan ng tape o staple)

� Ilagay ang mga gutay-gutay na papel sa isang plastik na supot na nakatali, malinaw, at walang kulay

PAALALA LAMANG NA…

MAARING ILAGAY SA INYONG KARITON NG RECYCLING

8

Page 9: PAG-ISIPAN ANG BASURA

“RECYCLING”

HALO-HALONG LALAGYAN PAKETE NA HUGIS KABIBI PLASTIK NA PASO PANG HALAMAN

PINATAG NA BOTE NG GATAS

INUMAN NA BASO AT TAKIP

PLASTIK NA TREY NG PAGKAIN

PALARA AT TREY NA ALUMINYO

LATA NG “CHIPS” LATA NG PAGKAIN wALANG LAMAN NA LATANG EROSOL

TASA NG KAPE AT TAKIP

PAPEL NA TREY NG ITLOG “TETRA PAK” NA LALAGYAN

KARTON AT PAPEL LALAGYAN NG GATAS

LALAGYAN NG SORBETES PAHAYAGAN AT POLYETO MAGASIN AT LIBRO NG TELEPONO

PAPEL SA OPISINA

KARITON NG RECYCLING ANO ANG NASA LOOB

9

Page 10: PAG-ISIPAN ANG BASURA

PAGKAIN AT KUSINA � “Straws”

� Pambalot na may insulasyon na hindi papel

� Takip ng karton na lalagyan ng pagkain na may lining na palara

� Mangkok na maaring i-microwave na may gilid na yari sa metal

� Supot na palara

� Palarang pambalot na may papel (ex: pambalot ng mantikilya o sigarilyo)

� Naitatayong supot

� Plastik na gamit sa kusina na pambalot ng pagkain, karne, manok, isda, o keso

� “Blister” na Pakete (ex: pambalot ng nginunguyang gam o gamot na gawa sa plastik o palara)

PAPEL AT PAMBALOT � Sari-saring libro

� Mga supot na may lining na palara (ex: mga supot ng galyetas)

� Mga supot na may balot na palara (ex: mga supot ng galyetas)

� Papel na tuwalya

� Serbiliyeta o tisiyu

� Sobreng may “padding”

� Mga kard na pambati na may tugtog at baterya

� Mga pambalot na may tatak na “biodegradable o compostable”

PAMBAHAY � Mga Bote at Garapon

� Pasong seramiko

� “Edger” ng hardin

� Tarapal

� Plastik na kasangkapan

� Gomang pandilig ng hardin

� Tali o lubid

� Plastik na balde na mahigit 25 litro

� Tangke ng LPG o silindro

� Lata ng pintura na gawa sa bakal o plastik

� Bote ng langis ng makina o ibang lubrikante ng sasakyan

� Produkto na “anti-freeze”

� Balde para sa mga lubrikante at langis

� Lata ng erosol na may laman pa

� Pangsabit ng damit

� Palayok, kawali o trey na panghurno

� Laruan na gawa sa plastik o metal

� Mga aparato

� Mga kagamitang metal o pira-pirasong metal

� Mga alambre, kable na metal o kord na pangdugtong

� Sapin na sumisipsip ng likido

� Lastikong goma

� Pambalot ng regalo na hindi gawa sa papel (ex: palara, ribon, laso)

HINDI TINATANGGAP SA INYONG KARITON NG RECYCLING

Page 11: PAG-ISIPAN ANG BASURA

Para mas malaman ang “Multi-Material BC Packaging” at ang programa ng recycling ng nakalimbag na papel, bumisita lang sa www.recyclingbc.ca.

PLASTIK NA SUPOT STYROfOAM NA LALAGYAN AT PAMBALOT PIRA-PIRASONG METAL

PAPEL NA TUwALYA BOTE AT GARAPON PAMBALOT NA NARUMIHAN NG PAGKAIN

PLASTIK NA HINDI PAMBALOT

SALAMIN SALAMIN SA BINTANA BASO SERAMICO

BATERYA ELEKTRONIKA MATULIS AT MAPANGANIB NA BASURA

BASURA AT ORGANIKO

KARITON NG RECYCLING ANO ANG NASA LABAS

11

Page 12: PAG-ISIPAN ANG BASURA

BASURANG HARDIN LABI NA PAGKAIN “RECYCLABLES”

ANO MANG URING LIKIDO MAPANGANIB NA KIMIKO PAPUTOK O MUNISYON MGA GAMIT SA PAGTAYO O PAGBUwAG NG GUSALI

DUMI, BATO, O BUHANGIN LIKIDONG NASUSUNOG O GASOLINA

PESTISIDYO GULONG

PARTE NG KOTSE LANGIS NG MAKINA BATERYA

ELEKTRONIKA MGA GAMOT MALIIT NA APARATO

BASURA ANO ANG NASA LABAS

12

Page 13: PAG-ISIPAN ANG BASURA

MGA BASU

RA

ANO ANG NASA LOOB? wALANG MASYADO

Ang basura lamang na hindi maaring ma-recycle o gawing pang-abono ay ang ilalagay sa basurahan, halimbawa mga lampin, mga damit, o mga tela, o mga produkto na hindi na magagamit muli o ma-recycle.

MGA BASURA NA HINDI MAARING MA-RECYCLE O

GAWING PANG-ABONO

Para sa impormasyon kung paano ang wastong pagtapon ng mga bagay na mapanganib, tumawag sa “Recycling Council of BC hotline” sa 604-732-9253 o bisitahin ang www.rcbc.bc.ca o ang www.metrovancouverrecycles.org.

BASURA ANO ANG NASA LOOB

13

Page 14: PAG-ISIPAN ANG BASURA

SURREY TRANSfER STATION

Kung ang isang bagay ay hindi pwedeng ma-recycle sa inyong gusali,

maari ninyong dalhin ito sa Surrey Transfer Station sa 9770 192 Street.

Libre ang pagbagsak ng mga “recyclables” kasama na rin ang mga salaan ng langis, mga bakal, baterya, aparato, at tangke ng LPG. Ang estasyon ay tumatanggap ng plastik (#1,2,4,5), plastic na pilm, bote, pahayagan, pinaghalong papel na basura, at karton.

Mga gamit na nakakalason tulad ng pintura, mapanganib na bagay, o mga kargado na may likido na wala sa lalagyan ay hindi tinatanggap. Mumultahin ang mga magtatapon ng mga nakakalason at pinagbabawal na mga basurang bagay.

Bumisita sa www.wastech.ca para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa mga bagay na tinatanggap, mga oras ng operasyon, at mga kabayaran.

192

ST

190

ST

192

ST

HAR

VIE

RD

GOLDEN EARS WAY

96 AVE

94 AVE

90 AVE

SURREY TRANSfER STATION

9770 192 ST SURREY, BC 604-513-2409

14

Page 15: PAG-ISIPAN ANG BASURA

MGA M

ALAKING BAGAY

PAGDAMPOT NG MALALAKING BAGAY

PRIBADONG PAGDAMPOTPara malaman kung ang inyong gusali ay tumatanggap ng mga malaking

bagay para itapon, pakitawagan lamang ang manager ng inyong gusali o

ang kontraktor na kumokolekta ng basura. Maari mo rin ipadampot ang

isang malaking bagay sa pagkontrata ng isang pribadong kolektor (may

bayad). Mga malaking bagay ay katulad ng mga kutson, kasangkapan sa

bahay, pridyeder, priser, at mga aparato.

Para sa impormasyon kung paano ang tamang pagtapon ng

mga bagay na ito, tawagan ang Recycling Council of BC hotline

sa 604-732-9253 o bumisita sa www.rcbc.bc.ca o ang www.metrovancouverrecycles.org.

15

Page 16: PAG-ISIPAN ANG BASURA

MAPANGANIB NA BASURANG PAMBAHAY

Nagtataka ka ba kung anong gagawin sa inyong mapanganib na basura? Mga baterya, elektronika, matutulis at ibang mapanganib na bagay ay nangangailangan ng espesyal na pag-asikaso. Bisitahin ang www.rcbc.bc.ca o tumawag sa “recycling hotline” sa 604-RECYCLE (604-732-9253) para sa impormasyon tungkol sa wastong paraan ng pagtapon at sa pasilidad na malapit sa inyo.

Para sa impormasyon kung paano ang wastong pagtapon ng mga bagay na mapanganib, tumawag sa “Recycling Council of BC hotline” sa 604-732-9253 o bisitahin ang www.rcbc.bc.ca o ang www.metrovancouverrecycles.org.

PAGTAPON NG MANTIKA AT SEBO

HUWAG itapon ang mantika o sebo sa lababo. Tumitigas ang sebo at

dumidikit ito sa loob ng mga tubo ng alkantarilya, na dahilan ng pag-

ipon ng mga bagay at paghigpit ng pag-agos ng tubig. Ito ay maaring

maging sanhi ng pinsala sa mga ari-arian o pagbara ng alkantarilya sa

loob ng inyong bahay.

ILAGAY ang maiinit na mantika sa loob ng isang lata para lumamig at

mabuo bago itapon ito sa mga organiko.

GUMAMIT ng mga papel na tuwalya para punasan ang natirang sebo sa

mga plato bago hugasan ang mga plato at itapon ang nagamit na papel

sa mga organiko.

16

Page 17: PAG-ISIPAN ANG BASURA

IBALIK SA DEPOSITOHAN NG RECYCLING

LALAGYAN NG INUMIN NA MAY DEPOSITO

STYROfOAM PLASTIK NA SUPOT BOTE AT GARAPON

PINTURA AT PANTUNAw PESTISIDYO KAGAMITAN MALIIT NA APARATO

TV O KOMPUTER ELEKTRONIKA AT LARUAN DE KORYENTE

CELLPHONE KUTSON

GASOLINA GAMIT NA LANGIS NG MAKINA AT PILTRO

GULONG BATERYANG PANGSASAKYAN

BOMBILYA MGA GAMOT SALAMIN SA MATA BATERYANG ALKALINE

DEPOSITOHAN

NG

PANG-RECYCLIN

G17

Page 18: PAG-ISIPAN ANG BASURA

IBANG PARAAN PARA MABAWASAN ANG BASURA

Para malihis ang ibang basura mula sa tambakan sa lupa at makatulong sa pag-ipon ng pondo ng mga lokal na kawanggawa, kung maari lamang ay magbigay ng mga gamit na nasa mabuting kalagayan na maaring ipagbili muli.

� Big Brothers of Greater Vancouver www.bigbrothersvancouver.com

� Canadian Diabetes Association www.diabetes.ca

� Canuck Place Children’s Hospice www.canuckplace.org

� Developmental Disabilities Association www.develop.bc.ca/develop

� Mennonite Central Committee Canada Thrift Shop www.mcccanada.ca

� Salvation Army Thrift Store www.thriftstore.ca

� Surrey Women’s Centre www.surreywomenscentre.ca

� Value Village www.valuevillage.com

Pakitawagan muna ang kawanggawa o ang samahan bago magbigay ng donasyon para siguruhin na tatanggapin nila ang inyong materyales.

18

Page 19: PAG-ISIPAN ANG BASURA

Bago kayo magtapon ng bagay, siguruhin na hindi maaring ma-recycle

ito. Bumisita sa www.rbc.bc.ca o tumawg sa 604-RECYCLE

HUwAG ITAPON…IPAMIGAY ITO!

surreyreuses.com

Sa “surreyreuses.com” maari ninyong ibenta, ikalakal, o ipamigay ang mga kagamitan na malamang itatapon lang ninyo o maghanap kayo ng mga magagamit na bagay mula sa ibang mga residente. Ang mga kagamitan ay maaring ialok ng libre o may halagang hindi hihigit sa $99. Ang paglahok ay libre. May mga ilang nakalagay na kondisyon at

pinagbabawal.

BAGO MO ITAPON…HANAPIN ITO!

metrovancouverrecycles.com

Hindi mo alam kung paano itatapon ang isang bagay na hindi tatanggapin sa gilid ng bangketa? Mabilis at madaling alamin sa isang “online tool” na makakatulong makahanap ng mga lugar sa pag-recycle ng kahit anong bagay! Ang “website” ay may kasaling listahan ng mga tindahan kung saan makakatipid at mga ahensiya ng kawanggawa na tumatanggap ng mga donasyon ng mga umaandar at mga gamit na bagay. Ito ay isang magaling na paraan para humanap ng mga lugar na bilihan ng mga gamit na bagay.

HUWAG IBASURA!

19

Page 20: PAG-ISIPAN ANG BASURA

15435

www.surrey.ca/rethinkwaste

PARA SA KARAGDAGAN NA IMPORMASYON BUMISITA SA

www.surrey.ca/rethinkwaste

MATATAWAGAN PARA SA IMPORMASYON

City of Surrey Waste Collection Hotline 604-590-7289

BC Recycling Hotline 604-732-9253

Household Hazardous Waste 604-732-9253

Surrey Transfer Station 604-513-2409

MGA KALEDARYO NA ISINALIN

Mga maikling bersyon ng kalendaryo sa mga ibang

wika (Ingles, Pranses, Intsik, Koreano, Punjabi,

Hindi, o Tagalog) at maaring ma-download sa

www.surrey.ca/rethinkwaste

PAG-ISIPAN ANG

BASURA

PROGRAMA NG KOLEKSIYON